Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

An Essay Entry

FHFI HERITAGE ESSAY WRITING CONTEST

THEME: VICTORY AND HUMANITY UPHOLDING


FILIPINO HERITAGE AND IDENTITY

Participant’s Name: Jonathan Zaragoza Asistido


Home Address: Cansilayan Buenavista, Guimaras
Contact Number: 09956640685/09393453315
Birthdate: January 31, 2000
Age: 21
Pagkakakilanlan Noon pa Man

Naging pamanang hatid ng mga sinaunang katutubong Pilipino sa kasalukuyan


ang ilang bagay na tinatamasa nating mga Pilipino sa pang araw-araw na pamumuhay.
Ang naganap na paglalakbay ni Ferdinand Magellan kasama ang kanyang mga
sinakupan ang nag-ugnay sa pakakalilanlan ng Pilipinas bilang bansang sagana sa hitik
na lupain, tradisyon at kultura bago pa ito sakupin ng mga espanyol. Dito, mas nakilala
ang mga Pilipino bilang mga mamamayang may paninindigan sa sarili, may katapangan,
marunong makisama, mapagmatyag at masikap.
Taliwas sa mga kaganapang pag-angkin ng ibang bansa sa teritoryo na pag-aari
ng Pilipinas, hindi nagbulag-bulagan ang mga Pilipino sa pakikipaglaban upang hindi
maisakatuparin ang hangaring pananakop. Patunay lamang ito na tinataglay ng bansa
ang katapangang angkin tulad ng hukbo ni Lapu-lapu sa kanyang paglupig kay
Magellan para sa bayan. Ang labanang ito ang sumisimbulo sa unang mapunyaging
pag-aalsa ng mga Pilipino sa mga mananakop. Nagsilbing tenga ang kaganapan noon
upang ating patuloy na marinig ang nananatiling sigaw na pag-asa bilang isang
bansang malaya sa mga dayuhang nagtatangkang manakop. Noon pa man, naging likas
sa mga katutubo ang pagpapadama ng kabutihan sa mga dayuhan. Isa sa
magpapatunay nito ay noong pagdating nina Magellan sa isla ng Humonhon kung saan
kapalit ng kabutihang asal na pinakita ng mga katutubo ay binigyan sila ng mga
regalong kasangkapan katulad ng suklay, salamin, at maliliit na kampana. Sa
kasalukuyan, taglay pa rin natin ang katangiang ito sa malugod na pagtanggap ng mga
bisita sa loob ng ating mga tahanan. Sa kabilang banda, ipinangalan din sa isdang
kugtong o sa ingles ay giant grouper ang kilalang lapu-lapu fish. Ito ay kilala bilang isa
sa masarap na isdang inihahahin bilang luto na panlasang pinoy. Higit sa lahat, ang
amoy ng kalayaan na hinahangad sa unang digmaan laban sa mga espanyol ang
nagpapaala na tayong mga Pilipino ay kayang makipagdigmaan sa anumang hamon ng
buhay para sa kapakanan ng bayan. Tayo’y nanatitiling may paninindigan sa sarili
kagaya ng paglaban ng angkan ni Lapu-lapu sa mga espanyol na sakupin ang bayang
sinilangan.
Sa higit limang siglo na nagdaan na pagsusumikap upang makamit ang
hangaring kalayaan ng labanan sa Mactan, mahalagang alalahanin ng bawat
mamamayang Pilipino ang makabuluhang kaganapan na naging parti ng kasaysayan.
Ito ay nanatiling inspirasyon at nagbibigay sigla sa mga mamamayan na sa kabila ng
pakikibaka at sakripisyo na ginawa ng ating mga ninununo, patuloy nating
ginagampanan sa kasalukuyan ang ating tungkulin sa bayan. Maraming taon man ang
nagdaan sa kasalukuyan, ang pamanang dala-dala noon ng sangkatauhan bilang
Pilipinong mamamayang may paninindigan ay patuloy na naging matagumpay sa
pagkakakilanlan kahit kanino man.

You might also like