Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Code ng Kurso at Titulo: FILE1: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA

FILIPINO

Numero ng Leksyon: (Ikalimang Linggo) Leksyon 4:


Paksa:
 Komunikasyong Di-berbal
 Ekspresyong Lokal ng mga Pilipino

Introduksyon:
Mahalaga ang komunikasyon sa tao at sa kanyang kapwa. Malaki ang gampanin nito sa
paghahatid ng impormasyon, pagkakaunawaan, at pagpapanatili o paglipat ng kultura. Tayo
ay gumagamit ng iba-ibang pamamaraan upang maitawid ang mensaheng nais ipaabot sa
tatanggap. Sa pagkakataong nangyayari ang komunikasyon, mababakas ang pag-iiral ng
maka-Pilipinong gawi at paglutang ng ating pagka-Pilipino. Ang araling ito ay ukol sa
pagtalakay sa di-berbal na komunikasyon at ekspresyong lokal ng mga Pilipino.

Inaasahang Matutunan:
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.

2. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,


pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino.

2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at


modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.

2. Maisaalang-alang ang wika at kultura at iba pang aspektong panlipunan sa


pakikipagpalitang-ideya.
Paunang Pagtataya:
Panuto: Bigyan ng pagpapaliwanag ang sumusunod na di-berbal na komunikasyon. Isulat
ang inyong sagot sa papel.
1. pagkindat _________________________________
2. pagpapakita ng kamao _______________________
3. paggamit ng bandilang pula___________________
4. panlilisik ng mga mata ________________________
5. garalgal na tinig____________________________

Presentasyon ng Aralin:

I. Komunikasyong Di-berbal ng mga Pilipino

Mahalaga ring paksa ng pagtalakay sa bahaging ito ang komunikasyong di berbal ng


mga Pilipino. Kinasasangkutan naman ng mga kilos o galaw ng katawan ang uri ng
komunikasyong ito. Karaniwang binibigyan ng interpretasyon ang mga senyas upang
maisakatuparan ang proseso ng komunikasyon. May mga paham na naniniwala na ang
komunikasyong di-berbal ay kinasasangkutan ng mga detalyado at lihim na kodigo na hindi
nasusulat subalit nauunawaan ng lahat.

Kung ang mga Amerikano ay gumagamit ng paghalik at pagkamay bilang


pangungumusta o tanda ng paggalang, ang mga Hapon ay pagyuko, ang mga Pilipino naman
ay kadalasang nagmamano bilang simbolo ng kanilang pagpapahalaga sa mga nakatatanda.
Ang akto ng pagmano kahit na hindi langkapan ng anumang paliwanag ay sapat na upang
maipahayag kung anuman ang kanilang mga saloobin.

Sa mga pagkakataon na nahihiya ang mga Pilipino sa


pakikihalubilo sa mga taong bago palang kakilala, o
bagamat kakilala ay di gaanong kapalagayan ng loob,
kadalasan na ang pagtango at pagngiti ay ibinibigay sa isa’t
isa tanda ng kagalakan kaugnay ng pagtatagpo ng kani-
kanilang mga landas.
Maiuugnay din ang komunikasyong di-berbal sa
kultura ng bayanihan at pagtutulungan ng mga Pilipino
nang walang anuman na hinihinging kapalit. Madalas na
nagtutulungan ang ating mga ninuno sa paglilipat ng
bahay mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar.

II. Ibat-ibang Anyo ng Komunikasyong Di-berbal

Kung ihahambing sa berbal na komunikasyon, mas malaki ang pagkakataon ng di


pagkakaunawaan gamit ang di-berbal na komunikasyon sapagkat ito ay nagbibigay ng
diskresyon sa mga tagatanggap ng mensahe na bigyan ng pakahuluhan ang mensaheng
ipinahihiwatig ng tagapagdala. Ang komunikasyong di-berbal ay maaaring matagpuan sa ibat
iba nitong anyo katulad ng mga sumusunod:

1. Galaw ng Katawan o Kinesika (kinesics)

Ang bawat kilos at galaw ng katawan ng tao ay may kaakibat na kahulugan na maaaring
bigyan ng interpretasyon ng mga taong nasa kanyang kapaligiran.

Halibawa:

 Ekspresyong ng mukha- ito ay may kapangyarihang magpangiti, manakot,


manghalina, at kung ano-ano pa depende sa nais ipahiwatig ng taong nagpapakita
nito. Maaaring makita sa ekspresyon ng mukha ng isang tao kung siya ay natutuwa,
nalulungkot, nagagalit at iba pa.
 Pagtungo- ito ay bilang paggalang sa nakatatanda.
 galaw ng kamay – pagpapalapit sa taong nais kausapain
 bukas na palad – nangagahulugang bukas na
pagtanggap sa ideya o opinyon ng ibang tao
 pagkumpas sa pagtatalumpati
 Tindig – makikita sa pamamagitan ng tindig ang
paninindigan at tiwala sa sarili o di kaya naman pagkabahala ng isang tao.
2. Pampaningin (oculesics)

Ang mata bilang bahagi ng katawan ay may malaki ring papel na ginagampanan sa
gawaing komunikasyon ng mga Pilipino.
 Pagtitig o ‘’eye contact’’ –ang pagtingin ng diretso sa kausap ay nangangahulugan na
ang isang tao ay may sinseridad sa kanyang ipinapahayag at sinasabi.
 Pagtingin bilang pakatawan ng damdamin.
 Pagkindat

3. Espasyo o Proksimika (proxemics)

Pinahahalagahan nito ang espasyo bilang


makabuluhang sangkap ng di-berbal na
komunikasyon. Pinaniniwalan dito na ang agwat/
distansya (lapit o layo) ng tao sa kapwa tao at mga
bagay bagay ay may karampatang kahulugan na
maaaring mabuo sa pananaw ng taong tatanggap ng
mensahe.
 Lubhang malapit na distansya tulad ng sa minamahal (3-6 pulgada)
 Personal na distansya na makikita sa interaksyon sa pagitan ng magkakaibigan at mga
kamag-anak
 Sosyal na distansya na interaksyon sa mga kakilala.
 Pampublikong distansya sa mga pormal o pampublikong pagtalakay

4. Oras (chronemics)

Ang pag-aaral sa oras ay isa ring esensyal na paksa sa


komunikasyong di-berbal. Ang paggamit ng tao sa oras bilang bahagi
ng kanyang buhay ay maaaring lumikha ng pananaw sa ibang tao. Ang
maagang pagdating sa pagpupulong bago dumating ang itinakdang
oras ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa oras ng iba o maging sa
paksa ng pag-uusapan.
 Paggamit ng oras
 Ang tagal/ bilis ng pagsasagawa ng isang gawain
 Pagtupad sa itinakdang oras ng pagkikita
 Pagkilala sa oras na napakahalaga o tiyak na sinusunod

5. Paghaplos o Pagkumpas (haptics)

Ito ay isang uri ng komunikasyong di berbal na kinabibilangan ng paggamit ng kamay,


paghawak, paghaplos, o pagdampi, sa paghahatid ng mensahe.
 pagtapik sa balikat- pagpapakita ng pagsuporta
 pakikipagkamay - bilang pagpapakita ng pagbati
 paghaplos sa minamahal

7. Pangkalahatang Anyo

Ito ay tumutukoy sa kasuotan o pagpili ng paraan ng pananamit.


 Kasuotan bilang pagkatawan sa propesyon
 Kasuotan bilang pagkilala sa oryentasyon ng kasarian

8. Semyotiks (semiotics)

Ito ay tumutukoy sa mensaheng dala ng mga bagay, sagisag, simbolo o larawan.


 Simbolo/ sagisag gaya ng watawat
 Ilaw trapiko at simbolong panlansangan
 Larawan

III. Ekspresyong Lokal ng mga Pilipino

Layon ng Ekspresyong Lokal


Binaggit ni Maggay (2002) na ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng isang komunidad na
ang lahat ay nakikihalubilo sa isa’t isa at namumuhay madalas nang sama-sama ay
nagsisilbing pagkakataon upang ang linyang humahati a mga pribadong bagay at
impormasyong publiko ay lumabo at minsan ay tuluyan nang maglaho.

Sa konteksto ng ating kultura ipinahahayag ang ugnayan sa komunikasyon sa


pamamagitan ng mga sumusunod na nakagawiang pagpapahayag ng mga Pilipino. Narito
ang tala ng mga salita o ekspresyong lokal na inihanda ni Maggay (2002):

Layunin Halimbawa

 Paggamit ng tagapamagitan - pakiabot, pakisabi, pagbilin


 Pagbubunyang ng tinatagong kalooban - ipagtapat, ihinga, isiwalat, isambulat
 Pagpapakita ng kagiliwan – pakitang tao, pabalat-bunga
 Pagtatampok ng sarili – bidahan, pabida, bida-bida, pabonggahan
 Pagtugon nang tuwiran - pagtalunan
 Pagsisiwalat - ilantad
 Pagtitipon- tsikahan

B. Pagpapahiwatig sa mga Ekspresyong Lokal

Pinatunayan din ito ng pahayag nina Fortunato at Valdez


(2003) na marami ang nagsasabi na hindi isang
direktang wika ang Filipino, dahil ang mga Pilipino ay
isang lahi na hindi diretsong magsalita, na hindi prangka.

Isinasagawa ng mga Pilipino ang paggamit ng pahiwatig.


Sa talakay ni Maggay (2002), narito ang klasipikasyon
ng komunikasyong Pilipino sa pamamagitan ng
pahiwatig.

Berbal Parinig, pahaging, padaplis, paramdam, papansin

Di-berbal Pananahimik at paggamit ng iba pang bahagi ng katawan


Kombinasyon Ligoy, tampo, biro, lambing, dabog, maktol, paglalangis

Pagbubuod:
Ang mga Pilipino ay gumagamit ng komunikasyong berbal at di berbal sa pang-araw araw na
pamumuhay. Ang mga kategorya o anyo ng komunikasyong di-berbal ay ang oras, espasyo,
galaw ng katawan at pagkumpas, pampaningin, paghaplos, pangkalahatang anyo, at
semyotiks.

Gawain/ Ebalwasyon:

Panuto.
A. Bigyan ng pagpapaliwanag ang sumusunod na di-berbal na
komunikasyon. Isulat ang inyong sagot sa papel.
1. pagkumpas ng kamay habang nagtatalumpati
2. pagkakaroon ng espasyo sa opisina ng empleyado at ng boss
3. pagkibit-balikat
4. pag-iingay sa klase
5. pagsusuot ng blusang itim
6. pananahimik (walang kibo)
7. pagiging huli sa oras ng pinag-usapang tagpuan

B. Bigyan ng paliwanag ang mga sumusunod na ekspresyong lokal ng mga


Pilipino:
1. maputi na ang buhok
2. tumirik ang kanyang mata
3. matalas ang bibig
4. nadulas ang dila
5. malapad ang noo
6. pabida
7. walang hiya/ walang kiyeme
8. walang utang na loob
9. bahala na
10. mamaya na lang

Dagdag/Pampatibay na Gawain:

Magsagawa ng pag-uulat sa klase ang mga sumusunod

a. Magpakita ng mga larawan, simbolo, sagisag na may


kaugnayan sa gawi at kulturang Pilipino. Ipaliwanag ang
mensahe, pahiwatig ng mga ito.
b. Magtala ng mga ekpresyong lokal ng mga Pilipino na naririnig
sa telebisyon at midya.

Pinagkunan:

Maranan, M., Duque, Pattaguan. 2020. Kontekstwlisadong Komunikasyon sa Filipino.


Manila: Mindshapers Co., Inc.

Mortera, M. 2019. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Pilipino. Manila: Books Atbp. Publ.

You might also like