Babaeng Rider Sa Japan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Babaeng Rider sa Japan, Pinagkaguluhan sa ganda pero may malupit palang sikreto!

Isang babae sa Japan ang pinagkaguluhan sa social media, dahil sa kanyang kagandahan na talaga
namang nangingibabaw bukod sa galing niya sa pagsakay sa motor, ay libu libong lalake ang umasam na
makasama siya sa pagpapa change oil. Sa dami ng humanga sa kanya, ay may sikreto palang naghihintay
na lang mabunyag. Sino kaya ang babaeng ito at ano ang kanyang sikretong malupet? Iyan ang ating
paguusapan mga kuwan. Kaya bago tayo magsimula ay nais ko lamang linawin na ang intensyon ng aking
channel ay magbahagi ng mga kaalaman sa masayang paraan, kaya kung puro naman ito kalokohan, eh
di sorry na.

Ang motovlogging ay nagiging patok sa ibat-ibang dako ng mundo lalo na sa japan, bukod sa manood ng
mga malalabong palabas mula sa japan eh masarap din manood ng vlog tungkol sa motor. At nang bigla
ngang sumulpot mula sa kanyang lungga itong bida ng ating istorya, Ang babaeng may pangalan na
azusagakuyuki o mas kilala sa palayaw na souhi ay talaga namang naging viral sa angkin niyang
kagandahan na tila ba nag-aaya ng change oil. Mula ng nagpost si souhi sa kanyang twitter account ay
halos nagtriple na ang mga followers niya mula 9 thousand ay naging 19 thousand ang followers niya.
Malamang daw na karamihan ng mga nagfafollow s a kanya na everytime na nagpopost siya ay mga
lalaking umuusok na ang tambucho sa kakaasam na makasama siya. Noon daw kasi ay bihira lamang
magpost ang ating magandang dilag kasama ang mga koleksyon niyang bigbikes. Sa mga larawan niya ay
kitang kita naman na napaka astig ng kanyang mga kuha isama pa natin ang napakaganda na tila ba
may pagkamukhang anghel na mukha niya. Ika nga raw ng ibang tao ay kahit na ang mga matatanda sa
kanilang lugar ay nagagawa pa din nila ang makapagpatigas…… ng tuhod upang manood sa mga karera
niya.

Si souhi ay isang motovlogger kaya naman sa lahat ng pagkakataong maipagmalaki niya ang kanyang
mga motor at magandang mukha ay ipinopost agad niya sa twitter. Naging instant ang pagsikat ni souhi
sa japan dahil bihirang bihira sa isang magandang babae na tulad niya ang magkaroon ng astig na sports
gaya ng motorvlogging.

Bukod sa mga followers niya, ay nagkaroon din ng sandamakmak na manliligaw itong si souhi, mga nag
aasam na sana sila ang unang maka break in sa nasabing dalaga. AT dahil nga sa bigla ang pagsikat ng
ating bida na si souhi ay naging mainit na rin siya sa mata ng mga tagasunod niya at sa mga taong
nahihiwagaan sa kanya. Isa na sa mga pagtataka nila ay sa dahil sa may mga sikat na mga motovloggers
tulad niya ang gustong makapanayam siya ay tumatanggi siya sa mga ito. At isa nga sa mga nag usisa sa
kanya ay ang isang variety show sa japan.

Hanggang sa may ilang mga post itong si souhi na talaga namang ikinatakot ng mga fans nitong si souhi
dahil sa salamin kung saan siya ay may nakuhanang matandang multo! Ikinagimbal ng netizen na kahit
na mula sa kwarto ni souhi hanggang sa pagsakay sa motor ay nakasunod ang matandang multo!

At dahil sa takot na baka dalhin ng multo si souhi sa sogo ay sinubaybayan ng fans at variety show ang
ating bida. At dito nga nabunyag ang lihim ng kagandahan ni souhi! Napag alamang wala palang multo sa
mga kuha niya kundi siya mismo ang tao sa salamin. Ang sikreto ni souhi ay nabunyag dahil sa ang
totoong ichura niya ay nakuhanan sa salamin. Si souhi pala ay hindi isang manggang bagong pitas kundi
isang kulubot papayang isang linggong hindi nabili sa talipapa. Dahil ang katotohanan ay nasa 50 taong
gulang na talaga ito. At ang pinaka malupit niyang rebelasyon na si souhi pala sandatang batuta na
kasing tigas ng center stand ng motor niya. Sa madaling salita ay si souhi ay hindi pala isang babae, kundi
isang lalakeng 50 anyos na ang edad.

Kaya ang pagtataka ng ilan ay paano nagawa ni souhi na ibahin ang kanyang mala pakboy na muka sa
mala anghel at di makabasag itlog na mukha. At yan ay sinabi niya sa kanyang interview sa mismong
variety show na nagka interes sa kanya. Dito sinabi niya na gumagamit siya ng usong app sa smartphone
ngayon, ito ay ang faceapp. Gamit ang app na ito ay kayang gawing babae, bata at makinis ang sinumang
gustong iedit ang larawan nila.

Marami ang natuwa ngunit mas madami ang nagalit dahil karamihan sa mga lalakeng fans niya ay
nakapaglabas na ng kanilang condensada nang malaman nilang ang idol pala nila ay mga tinatagong
espada. Dito ay sinabi rin ni souhi na ginawa niya ito dahil aniyay siguradong marami ang papansin at
mababaliw sa kanyang mga post sa twitter kung ganto ang diskarteng gagawin niya. At hindi pa talaga
natuto itong si loko dahil hanggang ngayon, kahit na nabuking na ang kanyang tinatagong sikreto ay
patuloy pa rin itong nagpopost sa mala fingerlickin good niyang ichura.

Ang lesson lamang dito ay wag sana tayong magpapadala sa mga nakikita natin sa social media dahil
kadalasan dito ay pawang kasinungalinan lamang. Naway nagustuhan mo ang kwento natin ngayong
araw. At kung nagustuhan mo namay baka pwede mo namang ilike, magsubscribe ka na rin at ihit ang
notification bell para sa mga susunod ko pang upload. Nako sobrang laking tulong na niyan upang
maggrow pa ang ating youtube channel at ganahan pa akong gumawa ng mga kwentong pangkalokohan
este pangkaalaman. Hanggang dito na lang mga kakwantuuuuuuuhaaaan.

You might also like