Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANG-URI – salitang naglalarawan ng Pangngalan (describing words)

Ex: malinis (clean), matapang (brave), marikit (beautiful), magaspang (rough),


madasalin (prayerful), malinaw (clear), sabik (excited), maputi (white), makisig
(handsome)

URI NG PANG-URI

1. PANLARAWAN – gamit ang pandama or 5 senses


a. malungkot na musika (sad music)
b. matalinong kaibigan (smart friend)
c. itim na itim
Ex: Masarap ang nilutong adobo ng nanay ko.

2. PAMILANG (counting) – nagsasaad ng bilang, dami o halaga

a. Patakaran – nagsasaad ng dami (how many) ng pangngalan. Ex: dalawa,


sampu, labing-isa (1, 2, 3, 4)
Ex: May labing-isang alagang manok ang Tatay ko.

b. Panunuran – pagpapahayag ng pagkakasunod-sunod (order).


Gumagamit ng “ika- at pang-“ Ex: pang-una, ikalima, pang-apat, panglima,
pangpito, ika-pito, (1st, 2nd, 3rd 4th),
Ex: Ang daddy ko ay pang-apat sa mga magkakapatid.

c. Palansak – pagsasama-sama o magpapangkat-pangkat (grouping).


Gumagamit ng panlaping “tig- at han”. Ex: tigdalawang itlog, lilimang
mag-aaral (by two, by 3, by 4, by 5)
Ex: Binigyan kami ng Tito ko ng tig-dalawang lollipop.

d. Pahalaga – pagsasaad ng halaga (price). Ex: limampong piso (50 pesos),


isang libong dolyar (1000 dollars), dalawampu’t limang piso (25 pesos)
Ex: Bumili ako ng laruan sa halagang isang daang piso.

3. PANTANGI – binubuo ng pangngalang pambalana at pantangi. Ex: asong


Pilipino, sapatos Marikina, pagkaing Italyano.
Ex: Ang Tita ko ay mahilig kumain ng pagkaing Koreano.
KAANTASAN NG PANG-URI

1. LANTAY – “ma-“ Ex: masipag


Ex: Masipag magtrabaho si Carlos.

2. PAHAMBING (comparative) magkasing-, parehong mababait“


a. Magkatulad – pantay o pareho, Ex: “sing-, “magkasing”
Ex: Magkasing-ganda ang bahay namin ni Oscar.

b. Di-Magkatulad – hindi magkapantay o hindi magka pareho – Ex:


mas makapal, kaysa kay, higit na masinop, di gaano
Ex: Di-gaanong makulay ang nakuha kong larawan kaysa kay Berto.

3. PASUKDOL (superlative) – inihahambing sa MARAMI. Ex: “pinaka-, napaka,


hari ng, reyna ng, ubod ng, sobra ng“.
Ex: Ubod ng ganda ang binigay niyang singsing sa Mama niya.
Ex: Si Pacquiao ay hari ng boxing.
PANG-ABAY – salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
Ex: unti-unting, nang mabuti, lubhang, ubod nang, talagang, tunay na.

URI NG PANG-ABAY

1. PAMARAAN (how)– “nang” naglalarawan sa paraan kung paano na ganap,


nagaganap o gaganapin ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ex: Nagbisikleta siya nang matulin.
Ex2: Si Riley ay kumain nang dahan-dahan.

2. PAMANAHON (when)- nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap, o


magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

a. May Pananda – nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, mula umpisa,
hanggang
Ex: Kapag tag-init ay naliligo kami sa ilog.

b. Walang Pananda – kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas,


sandali
Ex: Bukas sa makalawa ay magbabakasyon kami sa Bukidnon.

c. Nagsasaad ng dalas – araw-araw, tuwing umaga, taon-taon, oras-


oras, Lingo-lingo
Ex: Tuwing umaga ay dinidiligan ko ang aking mga halaman.
Ex: Lingo-lingo ay pumupunta kami sa bahay ng aking Lolo at Lola.

3. PANLUNAN (where) - nagsasaad kung saan naganap, nagaganap, o magaganap


ang kilos na taglay ng pandiwa.
Ex: Maglalaro ako ng basketball sa plaza.
Ex: Bibilhan ko ng bagong laruan ang aking kapatid sa SM.

4. PANGGAANO (how much, how long, how big, how far) – nagsasaad ng
timbang o sukat (weight o measure). Sumasagot sa tanong na gaano o
magkano.
Ex: Naglalakad si Maria ng anim na kilometro papuntang paaralan.
Ex: Ako ay may timbang na tatlumpong kilo.

5. INGKLITIK – mga kataga o salitang ginagamit sa pagdaragdag ng kahuluga sa


mensaheng pangungusap.
Ex: pa, kaya, naman, man, ay, aba, naku, rin, din, hala, hoy, aray, na, e, ala, sana,
ha, ba, nga, daw, raw, yata, pala, kaya, kasi, muna, lang, lamang, tuloy, labis
Ex: Naku! Nakalimutan ko ang aking libro.
Ex: Siya na yata ang pinakamabilis magpatakbo ng bisikleta.
Pangugusap (sentence)– mga lipon o grupo ng salita na nagpapahayag ng buong
diwa.
 “SIMUNO (subject)” – pinag-uusapan sa pangungusap (talk about)
 “PANAGURI (predicate)” – nagsasabi tungkol sa simuno (talking to)

Ayos ng Pangungusap:

1. Di - Karaniwan – Merong “ay” sa pangungusap


Ex: Si Jonathan ay mabait na bata.
Ex:

2. Karaniwan- nauuna ang panaguri


 Walang “ay” sa pangungusap
Ex: Pumunta si Jake sa Canada.
Ex: Marasap gumising sa umaga kapag naamoy ang niluto ni nanay

Uri ng Pangungusap

1. Pasalaysay – isang pangungusap na nagtatapos gamit ang tuldok (.) sa


pangungusap.
Ex: Si Edward ay magaling sa Math.

2. Pananong - isang pangungusap na nagtatapos gamit ang patanong (?) sa


pangungusap.
Ex: Jakey, meron ka bang pagkain diyan?
Ex: Paano kita mapapasalamatan?

3. Pautos – isang pangungusap na nagtatapos gamit ang (.) o (!) sa pangungusap.


“paki”, “maaari bang”
Ex: Kumuha ka nga ng tubig sa refrigerator!
Ex: Paki-patay nga ng ilaw.

4. Padamdam – isang pangungusap na nagtatapos gamit ang (!) sa pangungusap.


Ex: Grabe! Ang laki ng bahay mo!

You might also like