Professional Documents
Culture Documents
Filipino6 - Q3 - W8 - Pagsulat NG Tula at Sanaysay Na Naglalarawan FINAL
Filipino6 - Q3 - W8 - Pagsulat NG Tula at Sanaysay Na Naglalarawan FINAL
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES
FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.
Panimula
Kasanayang Pampagkatuto
Mga Layunin
1|Pahina
Balik-Aral
Panuto: Basahin nang pahapyaw ang mga bahagi ng kuwentong Si JayJay Bibo at
ang Lumang Kuwarto at sagutin ang mga katanungang kasunod nito.
2|Pahina
Tinawag ni tatay ang pamangkin at sinabi rito
“Paki-akyat mo nga ang mga dala naming pasalubong.”
“Opo tiyo! Mukhang marami po kayong dalang
pasalubong” ang sagot nito.
“JayJay, huwag kang papasok sa silid na iyan”
ang paalala ng ama sa anak.
“Bakit po itay?” tanong niya sa kaniyang ama.
“Sundin mo na lang ang aking bilin, anak,” tugon ng ama.
Mula ng mga sandaling iyon ay lalong gustong malaman ni JayJay kung bakit
bawal pumasok sa loob ng lumang silid.
Kinabukasan, ipinasyal sila ng
kaniyang lolo at lola sa bukid. Tuwang-tuwa si
JayJay sapagkat naranasan niyang sumakay
sa kalabaw at maligo sa ilog.
Pagbalik sa bahay ay masayang
ibinalita ni JayJay ang kaniyang karanasan sa
bukid sa kaniyang ama at ina. Pagkatapos nito,
siya ay nagpahinga at nakatulog.
Pagkamulat
ng kaniyang mata’y nadako ang kaniyang paningin
sa lumang kuwarto. Ito ay bahagyang nakabukas.
Inisip niyang baka naroon ang kaniyang ama at ina.
Dahan dahan siyang nagtungo dito at pumasok. Sa
loob nito’y puno ng mga lumang kagamitan ng
bahay. Isa sa kaniyang nakita ay isang lumang
bisikleta.
“Yehey! Isang lumang bisikleta,” masayang
sambit niya. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at
kaniya itong sinabi sa kaniyang ina.
“Inay, nakakita po ako ng isang bisikleta sa lumang kuwarto!” ang sambit
niya dito. “Maaari ko po ba itong gamitin?” tanong ni JayJay.
“Iyan na nga ang dahilan kung kaya’t ayaw naming pumasok ka sa lumang
kuwarto” sambit ng ama. “Tiyak na hindi mo kami titigilan kapag nakita mo ito”
pabirong sabi nito.
“Hayaan mo na,” sabi ng lolo sa kaniyang anak. “Sige apo, kapag ikaw ay
kumain nang marami mamaya ay ilalabas natin ang bisikleta at tuturuan kitang
gamitin ito” sabi ng lolo.
3|Pahina
Sila’y masayang nananghalian at maganang kumain si Jayjay. Totoo ngang
naubos nito ang laman ng kaniyang plato at humingi pa ng ikalawang sandok ng
kanin at ulam.
“Lolo, handa na po akong matutong
magbisikleta” pahayag ng batang bibo. “Oo apo,
magpahinga ka muna at maya-maya’y dadako
tayo sa bukid at tuturuan kita” sambit ng
matanda.
Buong maghapong tinuruan ni lolo si
JayJay sa pagbibisikleta. Sa kanilang pag-uwi’y
nagulat ang kaniyang ama at ina sapagkat
mabilis siyang natuto sa pagbibisikleta.
“Yehey! Marunong na akong magbisikleta!”
tuwang-tuwang sambit ni JayJay.
Kinabukasan ay muli na silang naghanda sa pagbalik sa Maynila. Sa kanilang
paglalakbay ay nangingiti siya sapagkat kaya pala ayaw siyang papasukin sa lumang
kuwarto ay upang hindi niya makita ang lumang bisikletang laruan ng kaniyang
ama noong ito ay maliit pa.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Saan nagbakasyon ang kaniyang pamilya?
3. Ano ang bilin ng kaniyang ama?
4. Bakit nabigla si JayJay sa kaniyang nakita?
5. Ano ang hindi malilimutang karanasan ni JayJay sa probinsiya?
Panuto: Pagsunod-sunurin ang usapan sa kuwentong Si JayJay Bibo at ang Lumang
Kuwarto. Lagyan ng bilang 1-10 ang patlang bago ang mga pangyayari. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
4|Pahina
Pagtalakay sa Paksa
5|Pahina
Ang iyong binasa ay isang halimbawa ng tula.
Ang tula ay isang masining na gawain sapagkat nagbibigay riin ito sa ritmo,
mga tunog o tugma, mga paglalarawan at talinghaga sa mga salita.
Wa/la/nang/pa/pan/tay/sa/sa/ma/han/ng/i/sang/pa/mil/ya/ – 16 na sukat
May/u/na/wa/an,/pag/ma/ma/ha/lan/at/pag/da/da/ma/yan/ - 16 na sukat
Ka/tu/lad/ ng/a/raw/ay/ may/ i/nit/ na/ na/ra/ram/da/man/ - 16 na sukat
I/nit/na/nag/bi/bi/gay/li/ga/ya/ sa/i/sang/ a/ha/nan/ - 16 na sukat
6|Pahina
2. Taludtod – nakasulat o nakalimbag na linya ng mga salita sa saknong ng isang
tula.
4. Tugma – may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng salita ng bawat
taludtod ay magkatugma.
Tandaan: Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang pantig
sa hulihan ng bawat taludtod.
7|Pahina
B. Panuto: Basahin mo ang isang sanaysay na naglalarawan. Alamin ang aral at
inspirasyon na makukuha mo rito. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na
katanungan.
Kakaiba ang online class sapagkat iba ang hatid nitong kasiyahan. Dito ay
maaaring ipadala ang mga natapos na gawain o awtput. Maaaring hindi nagkikita
sa pisikal na paraan ngunit nagiging tulay naman ito upang maging mas malapit
kami sa isa’t isa. Mayroon pa ding kulitan at kumustahan, pero higit sa lahat ay
may natutuhan kami mula rito.
Kapag panahon ng eksaminasyon, lahat ay masiglang nakikinig sa mga
panuto ng guro. Kung kaya ang bawat isa ay nakakasunod sa mga gawain. Mataas
ang lahat ng marka na aming nakukuha sapagkat kahit online class ang paraan ng
pagtuturo’y natututo tayo nang kagaya sa face to face classes.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?
2. Paano inilarawan ng may akda ang online class?
3. Para sa iyo maganda ba o hindi ang online class? Bakit?
8|Pahina
Paano Sumulat ng Sanaysay?
2. Pagsaliksik sa paksa
Bago magsimulang magsulat, kinakailangang magsaliksik muna upang
kapulutan ito ng aral at impormasyon. Magagawa lamang ito kung mayroong sapat
na kaalaman sa paksang isusulat.
3. Paggawa ng balangkas
Kinakailangang maayos ang pagkasunod-sunod ng balangkas o outline kung
saan isusulat ang impormasyon. Mayroon itong simula, katawan at wakas. Sa
ganitong paraan ay mas maiintidihan ng mga mambabasa ang daloy ng nais
ipahayag ng manunulat.
9|Pahina
Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
1 3
s s y
2
a y
5 7
4
b
5
t a g a
0
7
t
6 8
k t n
9
p s a k k
PAHALANG PABABA
1 Isang sulating naglalayong 1 Bilang ng pantig ng bawat taludtod na
magpahayag, magpaliwanag at binubuo ng isang saknong
magsalaysay ng mga pananaw o
kaisipan
2 Adhikain sa pagsulat 3 Pangkat sa tula na may dalawa o
maraming linya
10 | P a h i n a
5 Natatagong kahulugan ng 4 Ang wastong pagkakasunod-sunod na
nilalaman ng tula ayos ng pagkakasulat ng impormasyon.
Mayroon itong simula, katawan at wakas.
6 Pagtataglay ng mga maririkit na 7 Uri ng panitikan na nagbibigay diin sa
salita ritmo, mga tunog at paglalarawan at mag
paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa
mga salita
9 Sapat na kaalaman at 8 Ang huling pantig ng salita ay
impormasyong nakalap tungkol sa magkatunog
paksa
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Bahay-Kubo
ni George A. Concepcion, San Antonio Central ES
Mga tanong:
1. Ilang saknong mayroon ang tula?
2. Ilang taludtod ang bawat saknong?
3. Bilangin ang sukat ng bawat taludtod.
4. Tukuyin ang mga salitang magkakatugma sa bawat saknong.
5. Ano-ano ang mga salitang naglalarawan ang matatagpuan sa unang
saknong? Sa ikalawa? Sa ikatlo?
11 | P a h i n a
B. Basahin ang sanaysay. Tukuyin ang mga salitang naglalarawan at ang
inilalarawan nito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Ang Internet
ni George A. Concepcion, San Antonio Central ES
Pang-isahang Pagsasanay
A. Panuto. Sumulat ng isang saknong na tula gamit ang mga sumusunod na salitang
naglalarawan. Bigyan ito ng angkop na pamagat.
payapa masaya
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
12 | P a h i n a
B. Panuto. Paano mo maihahalintulad ang iyong sarili sa isang saranggola? May
pagkakatulad ba ito sa iyong buhay bilang mag-aaral? Sumulat ng isang talatang
sanaysay na ginagamitan ng mga salitang naglalarawan sa kahon. Lagyan ito ng
angkop na pamagat.
mabilis mapagmahal
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pagsusulit
A. Sumulat ng isang tula tungkol sa mga paraan upang maiwasan ang COVID-
19. Isulat ito batay sa mga sumusunod na pamantayan:
1. walang sukat
2. dalawang saknong
3. may apat na taludtod bawat saknong
4. may tugma
5. gumamit ng mga salitang naglalarawan
6. gamitin ang rubriks sa pagsulat ng tula
13 | P a h i n a
Rubrik sa Pagsulat ng Tula
Krayterya (Lagyan ng tsek (/) kung nakamit ang mga krayterya sa pagsulat ng
tula at ekis (x) naman kung hindi)
1. Nakamit ang layunin sa pagsulat ng tula.
2. Makabuluhan ang nilalaman ng tula.
3. Lohikal at maayos ang pagkakasunod-sunod ng ideya.
4. Isinaalang-alang ang bantas, baybay at paggamit ng malaki o
maliit na letra.
5. Mahusay at mabisang naipapahayag/nabigkas ang mensahe ng
tula
Krayterya (Lagyan ng tsek (/) kung nakamit ang mga krayterya sa pagsulat ng
sanaysay at ekis (x) naman kung hindi)
1. Nakamit ang layunin sa pagsulat ng sanaysay.
2. Orihinal na nakasulat ng sanaysay.
3. Lohikal at maayos ang pagkakasunod-sunod ng ideya.
4. Makabuluhan ang nilalaman ng isinulat.
5. Isinaalang-alang ang bants, baybay at paggamit ng malaki o
maliit na letra sa bawat pangungusap.
Pangwakas
Tula Sanaysay
Pagkakatulad
Pagkakaiba
14 | P a h i n a
Mga Sanggunian
15 | P a h i n a
16 | P a h i n a
Pinatnubayang Pagsasanay 1 Balik-aral
1. Sanaysay (pahalang) 1. “JayJay huwag kang takbo ng
Sukat (pababa) takbo at baka magasgasan ka na
2. Pakay naman”
3. Saknong
2. “Sino po ang gumawa ng
4. Balangkas
5. Talinghaga bundok?”
6. Kariktan 3. “Kumusta po kayo lolo at lola?”
7. Tula 4. “JayJay, huwag kang papasok sa
8. Tugma silid na iyan”
9. Pagsaliksik 5. “Yehey! isang lumang bisekleta”
6. “Iyan na nga ang dahilan kung
Pinatnubayang Pagsasanay 2
kaya’t ayaw naming pumasok ka
A. 1. 3 saknong
2. 4 n taludtod sa lumang kuwarto”
3. munti, kumportable, presko 7. “Tiyak na hindi mo kami titigilan
Sari-sari, preskong-presko kapag nakita mo ito”
Hinog, mabilog 8. “Sige apo, kapag ikaw ay kumain
4.16 sukat ng marami mamaya ay ilalabas
5. ko, ko, to, to natin ang bisekleta at tuturuan
Ko, ko, ko, ko
kitang gamitin ito”
To, to, to, to
B. 9. “Lolo, handa na po akong
1 malaki imbensyon matutong magmaneho ng
2 impormatibo kaalaman bisekleta”
3. Kapaki- internet 10. “Yehey! Marunong na akong
pakinabang magbisekleta!
4 Tanggapin ang iba pang
5 kasagutan ng mag-aaral
Pagtalakay sa Paksa
A. 1. Yaman ng Tahanan
Pang-isahang Pagsasanay 2. Tungkol ito sa pagmamahalan ng
- Maaaring tumanggap ng ibat ibang pamilya sa loob ng tahanan.
sagot sa mga mag-aaral 3. Maraming naibibigay ang pamilya
na kailangan ng bawat isa para
Pagsusulit umunlad at magpatuloy sa buhay.
A. Tanggapin ang ginawang tula ng Kaya naman ang turing ng mga ito
mag-aaral sa kanila ay yaman.
B. Tanggapin ang ginawang sanaysay
ng mag-aaral. B. 1. Ito ay tungkol sa bagong platorma
ng pag-aaral ngayong new normal.
Pangwakas 2. Ang Online Class ay
- Tanggapin ang kasagutan ng mag- pinakamabisang paraan sa ngayon upang
aaral. ipagpatuloy ang pag-aaral.
3. Maaring tumanggap ng ibang
sagot.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!
Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa: