Paghahambing Na Pag-Aaral NG Titser Isang Nobela Sa Makabagong Guro

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Paghahambing na Pag-aaral ng "Titser: Isang Nobela" sa Makabagong Guro

Isang Panukalang Saliksik

KABANATA 1

ANG MGA SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAGAARAL

Panimula

Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa anumang uri ng lipunan. Malaki ang naiiambag ng
panitikan sa kultura at kabihasnan ng alinmang bansa. Oo nga at ang mga kultura gayon din ang pulitika
at ekonomiya ay malaki rin ang naiaambag sa pagsulong ng mga bansa ngunit ang mga ito ay lumilipas at
nawawala, ngunit ang panitikang pasalita at pasulat ay buhay sa habang panahon. Ito ay walang paglipas
hangang may tao sa sandaigdigan. Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa
kabihasnan ng tao.

Kayanga ang mananaliksik ay nagbigay pansin din sa mga anyong patuluyan ng panitikan na isa na yata
sa pinakamakulay, pinakamayaman, at pinakamakabuluhan ang nobela mangyayari’y para itong buhay
ng mga pangyayaring minamasdan sa pangaraw-araw na pamumuhay at pakikipamuhay ng tao sa
mundo, na kapag binasa, hindi lamang itinatampok na karanasan ang nasasalamin, kundi ang lahat ng
may kaugnay sa “aktwal na kapaligiran.”

Ang mananaliksik ay natuon sa nobelang may pamagat na Titser: Isang Nobela. Ito ay kauna-unahang
nobelang may pamagat na Titser: Isang Nobela. Ito ay kauna-unahang nobela ng awtor kung saan ang
pangunahing tauhan ay kapwa guro na minamaliit ng kanilang mga sariling kapamilya. Gayon man
naipakita nila ang katatagan ng kanilang paninindigan at pagpapasiya, at sa pagtutuwang nila ay ginising
nila ang kanilang nayon upang bumalikwas at harapin ang pagpapaunlad sa kanilang pamayanan.
Naipakita nila kadakilaanna ipinalalagay na hamak na prospesyon – ang pagiging guro.

Ang mahusay na may akda ng Titser: Isang Nobela ay si Liwayway A. Arceo. Siya ay isang manunulat,
mananalaysay, tagasalinwika at editor. Una siyang nakatawag ng pansin sa kaniyang akdang “Uhaw ang
Tigang na Lupa.” na sinulat niya sa gulang 17, at nahirang na Pangalawa Pinakamahusay na Maikling
Kuwento ng 1943. Ilan sa marami niyang gawad at parangal ang Doctor of Humane Letters, honoris
causa (1991) mula sa Unibersidad ng Pilipinas at Gawad CCP sa Sining para sa Literatura (1993)

Masuring sinuri ng mananaliksik ang bawat pangyayari sa napiling nobela at siniskiap na maipakita ay
kaugnay ng nilalamang panitikan sa kasasayang panlipunan ng Pilipinas.

Mga Layunin

Ang mga sumusunod na layunin sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay nabuo sa kagustahan ng mga
mananaliksik na mas masuri ang ilang mga bagay tungkol sa nobelang napili:
1. Maibigay ang kahulugan at uri ng nobela.
2. Maibigay ang mga katangian ng isang nobela.
3. Maipaliwanag ang kahalagahan ng nobela.
4. Matukoy ang bisang pangkaisipan, bisang pangkaasalan, at pandamdaming kaisipan ng nobelang
Titser: Isang Nobela.
5. Mabigayang puna ang gamit na istilo ng awtor ng nobela

Mga Katanungan

Ang mga sumusunod na katanungan na bibigyang lasagutan sa pananaliksik na ito ay nabuo upang mas
malinawan ang mananaliksik gayon na din ang mga susunod na susuri sa nobela:

1. Ano ang kahulugan at uri ng isang nobela?


2. Anu-an ang mga katangian ng isang nobela?
3. Bakit kailangan pahalagahan ang nobela?
4. Anu-ano ang bisang pangkaisipan, bisang pangkaasalan, at pandamdaming kaisipan ng nobelang
Titser: Isang Nobela?
5. Ano ang istilong ginamit ng may akda ng nobela?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamnag sa isang nobela na pinamagatang Titser: Isang Noela na isinulat
ni Liwayway A. Arceo.

Ito ay naglilimita sa mga aspeto ng iba’t ibang mga bisa at aspeto ng isang nobela. Nakatuon din lamang
ang mananaliksik sa pag-aaral na ito sa pag-aanalisa ng bawat tauhan at bawat kaganapan at mga
kaisipan na ibinahagi na ibinahagi ng manunulat.

Isinalang-alang ng mannaliksik ang mga layunin na dapat nilang ipakita at mga katanungan na dapat
nilang matuklasan upang maipaunawa sa mga sumusunod na mga magsususri na isang nobela.
Nililimitahan nila kanilang pagsasaliksik sa bisa at aspeto ng nobela lamang.

Theoretical na Batayan ng Pag-aaral


Ang teorya ng pagtatasa ni Arnold ay nagmungkahi na ang mga emosyon ay hindi nagreresulta mula sa mga
pagbabago sa pisyolohikal, ngunit ang mga tao ay kailangang gumawa ng isang pagtatasa tungkol sa kung ang
isang bagay o sitwasyon ay nakakaapekto sa kanila sa isang paraan o iba pa. Ang pagsusuring ito ay
nagbubunga ng pakiramdam ng pagkahumaling o pag-ayaw, na nagiging sanhi ng iyong paglapit o paglayo sa
iyong sarili mula sa bagay o sitwasyon. Kaya, ang pagkakasunod-sunod ay ang mga sumusunod: pang-unawa,
pagsusuri, damdamin.

Ang teorya ay nagsasaad na ang mga emosyon ay resulta ng mga interpretasyon at pagpapaliwanag ng mga
tao sa kanilang mga kalagayan kahit na walang physiological arousal (Aronson, 2005).[3] Mayroong dalawang
pangunahing pamamaraan; ang structural approach at process model. Ang mga modelong ito ay parehong
nagbibigay ng paliwanag para sa pagtatasa ng mga emosyon at nagpapaliwanag sa iba't ibang paraan kung
paano mabubuo ang mga emosyon. Sa kawalan ng physiological arousal, nagpapasya kami kung ano ang
mararamdaman tungkol sa isang sitwasyon pagkatapos naming bigyang-kahulugan at ipaliwanag ang mga
phenomena.

Methodo

Sa pamamagitan ng paglalarawan, isang instrumento sa pagpapalutang hindi lamang ng sosyo-historikal


na ebidensya o pananaw isinagawa ang dalawang paraan ng pagsusuring pormalistiko: panlabas at
panloob na pagsusuri.

Sa panlabas na pagsusuri, pinahahalagahan ang akda ayon sa nilalamang pampanitikan batay sa


banghay, tauhan, tunggalian, panlalarawan, tonom sagisang at iba pang sangkap ng nobela.

Sa panloob na pagsusuri, sinuri ang saligang nilalarawan ng nobela ayon sa aspektong panlipunan,
pampulitikal, pangkultural at pangmoral.

Para maging madalai ang pagsusulat at maging mabisa ang katha, ang mga hakbang na ito ay masusing
sinuod.

1. Masuring pumili ang mananaliksik ng paksa


2. Maingat ito sinuri ng mannaliksi
3. Nagtala ang mga mananaliksik ng mga impormasyon mula sa knailang mga binasa.
4. Binalangkas ng mga mananaliksik ang amga nakalap nilang mga impormasyon buhat sa iba’t
ibang mga aklat.
5. Sinulat at nirebisang mabuti ng mga nanaliksik ag nabalangkas nilang mga impormasyon.

You might also like