ESP 6 Q1 Week 1-2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

6

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 1 Week 1-2

0
Aralin NAG-IISIP AKO BAGO GUMAWA
1

Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang tula na naglalaman ng kaisipan


tungkol sa pagbuo ng tamang pasiya. Ang pagbuo ng pasya ay isang gawain
na dapat pinag-iisipang mabuti. Hindi dapat pabigla-bigla lalo na kung tungkol
sa isang mahalagang bagay.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga
sumusunod na kasanayan :
1. Nasusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari.( EsP6PKP- Iai– 37 )

Bago ka magpatuloy sa ating aralin ngayon, sagutin mo muna ang unang


gawain.

Paunang Pagsubok

Gawain 1.1 Pag-aralan ang mga katanungan at sagutin ng Oo o Hindi.

1. Naniniwala ka ba agad at hindi nag-aabalang magsiyasat sa


impormasyong ibinibigay sa iyo?
2. Isinaalang-alang mo ba ang kapakanan ng lahat sa iyong gagawing
pasiya?
3. Tinitimbang mo ba kung makabubuti o makasasama ang mga
opinyon bago ka gumawa ng pasiya?
4. Ipinipilit mo ba ang pasiyang ginawa mo kahit na hindi sumasang-
ayon sa iyo ang ibang miyembro ng pangkat?
5. Pinag-aaralan mo ba ang maaaring epekto ng pasiya mo bago ito
isagawa?
6. Kumakampi ka ba sa kaibigan mo kahit na alam mong mali siya?
7. Sumasangguni ka ba sa mga kasamahan mo bago ka gumawa ng
pasiya?
8. Hinuhusgahan mo ba agad ang isang tao mula sa narinig mo?
9. Inaalam mo ba ang totoo bago ka gumawa ng desisyon?
10.Hinahayaan mo bang pag-isipan ng iba ang kanilang pasiya ayon sa
kanilang pinaniniwalaan?

1
Balik-tanaw
Gawain 1.2 Tingnan mong mabuti ang mga larawan at
pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

a. Ginagamit mo ba ang mga nasa larawan? Paano mo ito


ginagamit?
b. Sa iyong palagay, paano nakatutulong o nakasasama ang mga
nasa larawan?
c. Ano-ano ang dapat nating isaalang-alang sa pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip?
d. Paano natin mahuhubog ang mapanuring pag-iisip gamit ang
mga nasa larawan?

Pagpapakilala ng Aralin
Basahin at unawaing mabuti ang tulang may pamagat na
“Ang Tamang Pasiya”.

Ang Tamang Pasiya

2
(Malayang salin ng “The Right Decision”

Maraming nagsasabi,
“Mahirap bumuo ng isang pasiya”.
Dahil maaring maging mapanganib ang bunga nito.

Bibigyan ako nito ng isang pagsubok


At pag nag-alinlangan ako sa mga bagay
Maaaring maging dahilan ng away at sakit sa ibang tao.

Nararating ang tamang pasiya, samakatuwid,


Pagkatapos nang maingat na pag-iisip,
At pagtitimbang ng mga bagay-bagay.

Sa ganoon, walang nasasaktan.


Kaya, dapat kong timbanging mabuti ang mga pagpipilian.
Dapat mapanuri akong mag-isip.
Sa ganoon, makabubuo ako ng pinakamabuting pasiya.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit sinasabing mahirap bumuo ng pasiya?


2. Paano nararating ang tamang pasiya?
3. Nakabuo ka na ba ng tamang pasiya? Tungkol saan ito? Nahirapan ka
bang magpasiya? Bakit o bakit hindi?
4. Paano nakaapekto sa ibang tao ang iyong pasiya?
5. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong magpasiya?

Ngayon naman ay pag-aralan mong mabuti ang mga mahahalagang


impormasyon upang maunawaan mo ang kahulugan ng mapanuring pag-iisip.

Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan na


mag-isip nang malinaw at makatwiran tungkol sa kung ano
ang gagawin o kung ano ang paniniwalaan. Kabilang dito
ang kakayahan upang makisali sa reflective at malayang
pag-iisip. Ang isang tao na may mga kritikal na mga
kasanayan sa pag-iisip ay magagawang gawin ang
sumusunod:

 Maunawaan ang mga lohikal na koneksyon sa pagitan ng mga ideya


 Kilalanin, suriin, at buuin ang mga argumento
 Tuklasin ang hindi pagkakapare-pareho at mga karaniwang
pagkakamali sa pagdadahilan
 Malutas ang mga problema sa sistematikong paraan
3
 Makilala ang kaugnayan at kahalagahan ng mga ideya
 Masasalamin ang pagbibigay-katarungan ng sariling paniniwala at
mga halaga

Ang mapanuring pag-iisip ay hindi


lamang tungkol sa pagkalap ng impormasyon. Ang
isang kritikal na palaisip ay nakakayang
pagbatayan ang kahihinatnan mula sa kung ano
ang alam niya, at alam niya kung paano gamitin
ang mga impormasyon upang malutas ang mga
problema.

Mga Gawain
Gawain 1.3 Pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon. Gumawa ng
matalinong pagpapasiya. Sagutin ang mga tanong sa bawat bilang na naaayon
sa napili mong sitwasyon gamit ang tsart sa ibaba bilang gabay. Isulat ang
iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Bumagyo at nilipad ang


inyong bubong.

2. May pagsusulit sa inyong


paaralan subalit may sakit
ang iyong nanay at walang
kasama sa bahay.

4
3. May binili kang tinapay na
ipapasalubong mo sa iyong
kapatid. Habang ikaw ay
naglalakad pauwi sa inyo, may
nakita kang batang namamalimos.

Bilang Tanong Sagot


1 Ano ang tiyak na problema?
2 Magbigay ng limang solusyon.
3 Timbangin ang mga solusyong
ibinigay.Isulat ang mabuti at di-mabuting
epekto nito.
4 Sa mga ibinigay na solusyon, piliin ang
pinakaepektibo.Ipaliwanag kung bakit.
5 Paano mo maipapakita ang paninindigan
mo sa iyong pasya?

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga katangian ng sagot : puntos:
 Naaangkop ang sagot sa sitwasyong
ibinigay. 5 – taglay ang 3 pamantayan
 Maayos ang pagbuo ng mga
pangungusap. 3 – dalawang pamantayan lamang
 Gumamit ng iba’t ibang ekspresyon
sa pagpapahayag ng damdamin. 1 – isang pamantayan lamang

Gawain 1.4 Punan ng mga salita ang patlang upang mabuo ang konsepto ng
aralin. Piliin ang sagot sa kahon.
Ang mapanuring ____________________ay nangangailangan ng kaalaman sa
__________________, pagtitimbang na maaaring ________________ at _______________
ng pinakamabuti bago bumuo ng isang _________________.

sitwasyon pagpili pag-iisip gawin pasiya

5
Tandaan
Ang mapanuring pag-iisip ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng kaalaman sa suliranin, pagtitimbang ng
mga maaaring gawin at pagpili nang pinakamabuti bago
bumuo ng pasiya.

Pag-alam sa Natutuhan
Gawain 1.5 Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos , isulat
sa kawaderno ang iyong sagot sa mga sitwasyon na maaring magpakita ng
mapanuring pag-iisip. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos , isulat sa
kwaderno ang iyong sagot sa mga sitwasyon na maaring magpakita ng mapanuring
pag-iisip.

1. Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng inyong


klase sa isang video shop na malapit sa inyong paaralan. Ngunit nagbilin ang
nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon siyang ipapagawa sa iyo.
2. Sinabihan ka ng guro ninyo na magbantay sa klase dahil kailangan niyang
dumalo sa isang pagpupulong. Biglang nagkaroon ng kaguluhan sa klase
dahil sa pagtatalo ng dalawa mong kamag-aral.
3. Nagpunta sa isang party ang mga magulang mo. Binilinan kang bantayan ang
bunso mong kapatid. Nagpasiya ka na hayaang maglarong mag-isa ang
kapatid mo dahil abala ka sa paglalaro ng computer. Sa hindi inaasahang
pangyayari, nadapa at nasugatan siya habang naglalaro.
4. Napunit mo ng hindi sinasadya ang pahina ng kuwaderno ng iyong kamag-
aral. Natakot kang lapitan siya at magpaliwanag dahil alam mong masungit
at madaling magalit ang kamag-aral mong ito.
5. Nananawagan ng mga boluntaryo ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan
upang magkampanya para sa pagrecycle ng mga plastik. Alam mong kapaki-
pakinabang ang gawaing ito at mayroon ka naming libreng oras.

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga katangian ng sagot : puntos:
 Naaangkop ang sagot sa sitwasyong
ibinigay. 5 – taglay ang 3 pamantayan
 Maayos ang pagbuo ng mga
pangungusap. 3 – dalawang pamantayan lamang
 Gumamit ng iba’t ibang ekspresyon
sa pagpapahayag ng damdamin. 1 – isang pamantayan lamang

6
Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at suriin ang bawat gawain. Lagyan ng tsek ang hanay na


nagpapahayag ng mapanuring pag-iisip.

Gawain Tama Maaari Mali


Nagsisikap na maging patas ang mga ginagawang
pasya sa bawat pangyayari
Agad magdesisyon kahit hindi pa malinaw ang mga
dahilan sa bawat pangyayari
Nagtatanong sa mga taong nakasaksi ng mga
pangyayari upang malaman ang totoong dahilan bago
bumuo ng desisyon.
Tinitimbang ang sitwasyon ng magkabilang panig
bago sabihin ang sariling desisyon.
Madaling sumang-ayon sa mga pangyayari kahit ito
ay walang basehan.
Sinusunod ang sariling kagustuhan sa paggawa ng
pasiya.
Gawin ang pasiya para sa kabutihan ng lahat.
Pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago
gumawa ng isang pasiya.
Pamimilit na gawin ang nasa isip kahit hindi sang-
ayon ang iba.
Hingin ang opinion ng iba bago magdesisyon.

Pagninilay
Mag-isip ng isang suliranin na naranasan mo sa buhay. Ano ang
iyong ginawa upang malutas ito? Sumulat sa journal ng isang pangako na
nagpapahayag kung paano mo haharapin ang iba’t ibang suliranin.

You might also like