Summative in ESP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Surigao del Sur Division
Matho Integrated School
S.Y. 2021-2022
PANGALAN____________________________________ PETSA:___________________
GRADE & SECTION:________________________ ISKOR:___________________

SUMMATIVE TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. Si Emerlito ay nagbibigay ng karagdagang bayad (overtime fee) para sa kaniyang tauhan na lumagpas ng walong
oras sa trabaho. Anong elemento ng kabutihang Panlahat ang pinairal ni Emerlito?

A. Kapayapaan B. Katarungan C. Paggalang sa dignidad D. Paggalang sa karapatan

2. Hindi tinanggap si Luisa sa isang pribadong eskwelahan dahil sa kaniyang kakaibang piling kasarian. Anong
paglabag ang nagawa ng tagapamahala ng paaralang iyon?

A. Kapayapaan B. Katarungan C. Paggalang sa dignidad D. Paggalang sa karapatan


3. Ayon sa panulat ni Dr. Manuel Dy, “binubuo ng tao ang lipunan at hinihubog naman ng lipunan ang tao”. Ano ang
ibig sabihin nito?

A. Ang tao ang bumubuo ng lipunan dahil ang bawat pamilyang nakatira dito ay naalagaan at ang bawat batang
naisilang ng pamilya ay inaaruga, at sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.
B. Ang tao ang bumubuo ng lipunan dahil ang pamilya ay nagbibigay ng anak para sa lipunan at ang bawat sulok ng
lipunan ay mayroong tao.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil malaki ang kanyang kontribusyon dito at ang lipunan naman ang
nagbuklod sa bawat tao.
D. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at ang lipunan naman ang humuhubog sa tao.

4. Ano ang kahulugan ng kabutihang panlahat?

A. Kabutihan ng lipunang nararapat na bumalik sa lahat ng kasapi ng lipunan.


B. Kabutihan ng bawat indibidwal.
C. Kabutihan ng lahat ng tao.
D. Kabutihang ng pangkat.

5. Ano ang nilalayon ng lipunan?

A. Kalusugan B. Kapayaan C. kasaganaan D. Kabutihang Panlahat


6. Pinapayagan si Nelia ng kanyang amo na makapag-aral tuwing gabi upang matapos niya ang kaniyang kurso sa
kolehiyo. Ano ang naiambag ng kanyang amo?

A. Naigalang ang kaniyang karapatan B. Naipadama ang kapayapaan


C. Naipamalas ang katarungan D. Ninanais ang kaniyang katatagan

7. Naatasan kang lider ng inyong klase. Kayo ay binigyan ng proyekto ng inyong guro ngunit marami sa iyong kaklase
ang ayaw makiisa sa gawain dahil sa marami pa silang inuunang proyekto. Ikaw ang inaasahan ng guro na manguna
sa nasabing gawain, ano ang ikatuwiran mo?

A. Ayokong gawin ito kung ayaw nila.


B. Hayaang tulungan ako bago ako kikilos.
C. Kung hindi sila tutulong, lahat kami ay hindi makapasa.
D. Sisikapin ko na lang na umpisan at tsaka pa ako hihingi ng tulong kung hindi ko na makayang tapusin sa
itinakdang araw.
8. Kinausap ka nang iyong magulang na ang kapatid mo na lamang ang bibilhan ng mga bagong gamit ngayong
pasukan dahil siya ay nasa kolehiyo na at ikaw ay sekundarya pa. Ipinaliwanag ng iyong magulang ang kaibahan ng
sitwasyon niyo sa pag-aaral dahil ayon sa kanila, ang sekundarya ay mananatili sa bahay lamang. Ano ang tugon mo
dito?

A. Hindi ako kikibo dahil pakiramdam ko hindi na nila kami nabigyan ng pantay na atensiyon.
B. Magalit sa kapatid ko.
C. Maghanap ng trabaho dahil sa diskriminasyon sa pamilya.
D. Uunawain ko ang kalagayan, ipaubaya ko na lang at aantayin ang tamang panahon na ako na naman ang bibilhan
ng gamit.
9. Hinihikayat ka ng kaibigan mong mamigay ng pagkain sa mga kapitbahay na binagyo. Kasama kayo sa nabiktima
ng bagyo. Ayaw mong makiisa sa kaibigan.

A. Mali, dahil nais mong maging bida sa kaibigan.


B. Mali, dahil sa pagkakataong yaon, sila ay nangangailangan ng tulong.
C. Tama ang desisyong mong tumanggi sa kaibigan dahil baka kayo na naman ang maubusan.
D. Tama ang iyong pasya na huwag nang mamigay ng pagkain dahil wala ka naming pakinabang na makukuha mula
sa gawain.

10. Malayo ang bahay niyo sa paaralan kaya tamad kang mag-aral ngunit takot kang matanggal sa 4P’s program na
inaasahan ng pamilya mo. Ano ang tamang tugon mo dito?

A. Ipaubaya na lamang sa magulang ang obligasyon mo.


B. Papasok na lamang kahit na hindi interesado, huwag lang matanggal sa 4Ps’
C. Pumasok paminsan-minsan .
D. Sikaping makapasok at gampanan ang tungkulin bilang mag-aaral.

11. Humingi ng tulong ang iyong kapitbahay dahil sa sumakit ang tyan ng kaniyang anak. Nakikisuyo itong
makitawag sa telepono niyo para sa ambulansiya. Naiinis ka dahil napagising ka sa himbing mong pagtulog. Ano ang
gagawin mo?

A. Babangon at tatawag ng ambulansiya para sa kapitbahay .


B. Balewalain ang kapitabahay.
C. Hayaan mong sa ibang tao sila lalapit.
D. Ipaubaya sa nanay mo ang ipinakisuyo ng kapitbahay

12. Lahat ay sakop ng lipunang politikal maliban sa isa.

A. pandemyang kumakalat B. labis na kahirapan C. pagkalulong sa droga D. pagdami ng bata sa lansangan.


13. Mahalaga ng kaalaman ng mga kabataan sa mga suliraning lumalaganap sa lipunan ito ay sapagkat_________

A. sila ang nakararami sa pamayanan B. sila ang unang apektado


C. sila ang pag-asa ng bayan D. pagod na ang nakatatanda

14. Bakit nararapat na maging huwaran ang lider sa kanyang mga nasasakupan?

A. siya ang modelo ng pagiging mabuting mamamayan B. siya ang namumumo sa isang lipunan
C. mabigat ang responsibilidad sa kanyang mga balikat D. nangangilangan siya ng pakikiisa ng mga mamamayan

15. Ang mga kabataan ay dapat humandang humawak ng pamumuno sa lipuan ito ay sapagkat______

A. sa kanila nakasalalay ang kinabukasan B. makabago ang kanilang pananaw sa buhay


C. sila ay bahagi ng lipunan D. magreretiro na ang mga nakatatanda

16. Sa pamamagitan ng pulis at militar ay nasisiguro ng pamahalaan ang kaayusan sa ating mga kalsada, bakit
mahalaga para sa mga mamamayan ang makiisa sa kanila?

A. upang mapadali ang kanilang trabaho


B. upang hindi pa makadagdag sa suliranin
C. upang maresolba ang isyu ukol sa katahimikan
D. upang hindi na mangailangan pa na ideklara ang batas militar.
17. Bakit dapat tanggapin ng pamahalaan ang kritisismo ng mga mamamayan?

A. upang maging panukat sa epekto ng ipinatupad na programa B. kasama ito sa karapatan ng mga
mamamayan.
C. hindi nila mapipigilan ang mga pagpuna D. ang desisyon ay nasa liderato pa rin ang
magpapasya
18. Paano maipapakita ang subsidiarity?

A. sa pagbabayad ng buwis B. sa paghihintay ng ayuda. mula sa DSWD


C. sa pagsasabi ng hinaing sa social media D. sa pagbabantay sa taglay na karapatan

19. Ano ang dapat gampanan ng pamahalaan sa prinsipyo ng solidarity?

A.pagpapatupad ng batas B. pagbibigay estraktura C. pagplano ng ayuda D. pagsisiguro ng katapatan

20. Ang pamumuno kung saan ang lider ay direktang umuugit kasama ang nasasakupan upang maipatupad ang
hangad na pagbabago.
A. epektibo B. transpormatibo C. demokratiko D. maasahan

21. Pinakamalaking magagawa ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan

A. pakikiisa B. pagdarasal C. pagpuna D. pagbabantay


22. Ang kultura ay nangangahulugan ng mga sumusunod maliban sa isa…

A. nabuong gawi ng isang partikular na pamayanan.


B. sumasalamin sa mga tradisyon na ipinamana pa ng mga ninuno sa kain
C.gawing ipinilit sa mga tao upang isabuhay.
D. paraan ng pamumuhay ng mga sa isang bansa.

23. Ang katawagan sa pagsaayos ng lipunan na magkatuwang na isinasagawa ng pamahalaan at mamamayan….

A. lipunang politikal B. lipunang sibil C. lipunang ekonomiya D. lipunang malaya


24. Ang mga suliraning dulot ng COVID-19 ay gawain ng

A. lipunang politikal B. lipunang sibil C. lipunang ekonomiya D. lipunang malaya


25 . Suliranin ngayon ang pagbubukas ng ekonomiya ng anumang bansa dahil sabanta ng COVID-19, ano ang
unang nararapat na isipin ng mga lider sa pamahalaan?

A. buwis na kikitain B. panuntunan sa lockdown


C. kagalingan ng mga mamamayan D.puhunan ng negosyante
26. . Ang prinsipyo ng ____________ay tumutugon sa pagiging patas

A.equality B. equity C. elasticity D. empowerment

27. Ang prinsipyo ng____________ay tumutugon sa pagiging pantay


A.equality B. equity C. elasticity D. empowerment

28. Lumikha ng mga layunin sa ekonomiya na nakapaloob sa Ambisyon Natin 2040

A. DILG B. NEDA C. DSWD D. DepED


29. Ang salitang ekonomiya ay galing sa salitang Griyego na ________

A. oikos, nomos B. oikes nomes C. oikus nomus D. oikas, nomas

30.Ang literal na kahulugan ng ekonomiya ay____________

A. pamamala sa paaralan B. pamamahala sa samahan C. pamamahala sa bahay D. pamamahala sa tanggapan

31. Sinisiguro ng lipunang pang ekonomiya na ang bawat bahay ay maging ________

A. gusali B. tahanan C. payapa D. masaya

32. Sino ang nangunguna sa paniniguro ng patas ng pagbabahagi ng yaman ng bansa

A. negosyante B. akademya C. estado D. simbahan

33. Isa sa probisyon ng We Heal as One Act isang batas na nilikha upang malabanan ng pamahalaan ang COVID-19
ay ang paniniguro ng pagbibigay ng ayuda maging sa mga maliit na negosyante o iyong kabilang sa Small and
Medium Enterprises (SMEs), ito ay dahil_________

A. mayroong silang buwis na dapat bayaran. B. mayroon silang ambag sa ekonomiya ng bayan

C. mayroon silang mga empleyado na umaasa sa kanila D. mayroon silang produkto o serbisyo na inaalok

34. Prinsipyo na dahilang ng proseso ng ng lipunang ekonomiya

A. kayamanan para sa lahat B. hindi pantay pero patas C. unahin ang mahihirap D. dapat makapaghanapbuhay

35. Prinsipyo ni Sto. Tomas de Aquino na nagsasabi na dapat ibahagi ang materyal na bagay batay sa
pangangailangan ng tao

A. propore B.propos C. proportio D. pronore

36. Prinsipyo ng magkakatulad ng timbang o bilang na ipagkakaloob sa bawat tao

A. pantay B. patas C. parehas D. pareho

37. Bakit hanapbuhay ang tag-uri ng mga Pilipino sa trabaho?

A. Ito ay dahil sa kelangan ito upang mabuhay B. ito ay dahil sa paraan ito upang mahanap niya ang buhay.

C. Ito ay dahil marami ang umaasa sa trabaho sa isang pamilya. D. Ito ay dahil saparaan ito ng pag unlad ng estado
38. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:

a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.


b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
39. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:

a. ang lahat ay magiging masunurin. b. matutugunan ang mga pangangailangan ng


lahat. c. bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan. d. walang magmamalabis sa lipunan.

40. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?

a. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa. b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin. d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upangtumugon.
41. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:

a. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan. b. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.


c. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan. d. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
42. Ang kahulugan ng “mass media” ay:

a. impormasyong hawak ng marami. b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.


c. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami. d. paghahatid ng maraming impormasyon.
43. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:

a. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon. b. nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon. c.
maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon. d. ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng
impormasyon.

44. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:

a. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan. b. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.


c. paglalahad ng isang panig ng usapin. d. pagbanggit ng maliliit na detalye.
45. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:

a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.


b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.

46. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:

a. kawalan ng pangmatagalang liderato. b. pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.


c. kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib. d. panghihimasok ng estado.
47. Ang samahang nagsasagawa ng __________ ay maituturing na isang lipunang sibil.

a. malayuang pagbibisikleta b. pagmamasid sa mga ibon c. pagtatanim ng mga puno d. pagsisid sa mga bahura

48. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla, kung saan
buháy ang diwa ng demokrasya. Sa pagpapalitan ng lahat ng kuro-kuro ay nalilinaw ang mga usapin; daan upang
ang mga kaanib ay magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasya. Anong katangian ng lipunang sibil
ang ipinapahayag sa pangungusap.

A. Pagkukusang-loob. B. Bukás na pagtatalastasan. C. Walang pang-uuri D. agpapahalaga.

49. Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot. Malaya ito mula sa impluwensya ng
estado o negosyo. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sino mang nasa pamahalaan, o ng
pangkomersyong hangarin ng sino mang negosyante. Anong katangian ng lipunang sibil ang ipinapahayag sa
pangungusap?

A. Pagkukusang-loob. B. Bukás na pagtatalastasan. C. Walang pang-uuri D. agpapahalaga

50. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi: mayaman o mahirap, may pinag-aralan o
wala, kilalá o hindi, anumang kasarian. Sapagkat ang hinahanap ay kabutihang panlahat, binibigyan ng
pagkakataóng mapakinggan ang lahat ng panig; sa gayon ay walang maiiwang hindi nagtamasa ng bunga ng
pagsisikap ng lipunan. Anong katangian ng lipunang sibil ang ipinapahayag sa pangungusap?

A. Pagkukusang-loob. B. Bukás na pagtatalastasan. C. Walang pang-uuri D. Pagpapahalaga.


Inihanda ni :

DONNA T.DUASO
Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao

You might also like