Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hazelle’s Speech

To our school principal, Madam Chona G. Sacramento, to our Brgy. Captain, Hon. Jose P. Mandia,
to our Municipal Mayor, Hon. Anita M. Arocena, to our Public Schools District Supervisor, Dr.
Gloria G. Vicencio, to our Guest Speaker, Madam Hediliza T. Gutierrez, to the teachers, parents,
and my fellow completers, a pleasant morning to everyone.
I am glad and humble to stand in front of you and be given an opportunity to express my
gratitude to all the people who helped me from the beginning up to this point of my life. In my
four years of study in Junior High School, there were so many challenges and problems that my
classmates and I encountered. There were so many difficult assignments, projects, and other
tasks that made us sleepless, stressed, and fatigue but, worst among the challenges is the COVID
– 19 Pandemic.
But before I continue my speech, I just want to let you know, that I know, not everyone of us
today can understand my speech if I will use the universal lingua franca. I just used English
language to let you know that the teachers of Azarcon Integrated School are competent enough
to offer good quality education. So if you don’t mind, let me speak in our own language where
everyone is comfortable. May I? Okay.
Ang tema po ng aming completion ceremony ay “Pursuing Dreams and Fostering Resilience in
the Face of Adversity.” Tandang tanda ko po, March 13, 2020, nagannounce po si Ma’am Nanette
na dalawang linggo daw pong walang pasok. Noong una, natuwa po ako, sobrang saya ko dahil
bilang isang tipikal na mag-aaral, napakasaya po sa amin na mawalan ng pasok dahil
magkakaroon po kami ng pahinga sa aming pag-aaral. Ngunit, habang kami po ay nanunuod sa
TV patungkol sa COVID 19, duon na po ako nagsimula mag-alala. Tumagal ng tumagal ang
cancellation ng klase, hindi na kami pinapayagang lumabas ng bahay.
Bilang isang Grade 8 student nung panahon nay un, pumapasok sa isip ko, matatapos pa kaya
ang pandemic? Matutupad ko pa kaya nag mga pangarap ko as buhay pag nagpatuloy ito? Kaya
ngayong araw po, masaya ako na heto tayo ngayon, Face-to-Face, magkakasamang
nagpapatuloy sa pagabot ng ating mga pangarap.
Sa ating panahon ngayon marami ng nagbago at hindi na natin ito maibabalik sa dati at
kailangan na nating tanggapin na ito ang tinatawag nilang “new normal” kung saan ang lahat ng
tao kapag lalabas ng bahay ay nakaface mask, mayroong layong isang metro sa isa’t isa, at
kailangang maglinis palagi ng mga kamay. Hindi madali ang pagbabago na ito para sa atin ngunit
unti-unti natin itong nakakasanayan.
Mayroon akong nabasa sa isang libro noon na tunay na tumatak sa aking isipan. Ang libro ay
pinamagatang “The Five People You Meet In Heaven” ni Mitch Albom. Sabi roon na “All endings
are also beginnings, we just don’t know it at the time.” Classmates, friends, best friends, ang
pagtatapos na ito ay hindi ang mismong pagtatapos ng lahat. Maraming matatapos ngayong
araw pero pinanghahawakan ko ang linyang ito na ang katapusan ay siya ring simula. Ang
pagtatapos natin ay simula din ng bagong yugto sa ating mga buhay; parang isang sequel sa
isang istorya; may mga bagong plots o mga bagong karanasan sa ating buhay; bagong characters
o mga bagong kaibigan at bagong kaklase na makakasama. Bagong settings, or mga lugar na
mapupuntahan natin. At higit sa lahat, mga bagong lessons or morals na tutulong sa atin upang
mapalago and ating pagkatao. Ang pagtatapos natin ay bagong simula. Ang pagtatapos natin
ngayon ay siya lamang simula ng napakarami pang nakalinyang makakamit nating paglago at
tagumpay.
Nais ko din pong samantalahin ang pagkakataon na ito upang pasalamatan higit sa lahat ang
ating Diyos na mapagbigay at mapagmahal. Siya po ang dahilan kung bakit naririto tayo ngayon.
Siya po ang dahilan kung bakit kinaya nating makarating sa ating kalalagayan ngayon.
Nais ko din pong pasalamatan ang aming mga guro. Mga ma’am at mga sir, salamat po sa walang
sawang pagtuturo sa amin kahit na may mga pagkakataong makukulit, magugulo, at minsan
maaarte kami. Salamat po sa paniniwala sa amin na kaya naming matutunan at harapin ang mga
sitwasyon o problem ana nakalatag sa harap naming. Salamat po sa pagpursigi, paghahanda, at
pagpapalakas ng loob naming. Thank you for teaching us the value of friendship.
At syempre, lubos lubos at sobrang pasasalamat ko po sa aking natatanging pamilya. Hindi ko
po magagawang abutin ang aking mga pangarap kung wala ang suporta ninyo, kung wala kayo.
Kay Nanay, salamat po sa pag-aalaga sa akin. Salamat po sa walang mintis na paghahanda ng
mga gamit naming tuwing umaga. Salamat po sa pagsuporta sa akin. Salamat po dahil dito niyo
ako pinag-aral sa Azarcon Integrated School. At salamat po sa inyong walang kaparehas na
pagmamahal. Kay Tatay, salamat po sa pagtatrabaho upang matustusan ang aming mga
pangangailangan. Salamat po sa inyong sakripisyp. Salamat po sa pagmamahal na hindi
mapapantayan. Sa aking mga kapatid, salamat po sa pagtulong niyo sa akin sa oras na kailangan
ko ng katulong sa aking mga gagawin. Salamat sa pagintindi at pagunawa. Sa pamilya ko,
maraming salamat! Ang karangalang ito ay hindi lang para sa akin kundi para rin sa aking
pamilya. Thank you for imparting to me the value of selflessness and love.
Sa lahat po ng naririto ngayon, maraming salamat po sa pakikiisa at pagdalo sa kasiyahan
naming sa araw na ito. Salamat po at nagging parte kayo ng isa sa pinakamahalang araw sa
buhay naming bilang mag-aaral.
Sa amin pong napakaganda at napaka supportive na adviser, alam po naming na marami
kayong sakripisyo para sa amin. Damang dama po naming ang pagmahahal niyo sa amin hindi
lang bilang studyante kungi bilang mga anak. Kaya Mommy Lorie, maraming maraming salamat
po. Mahal na mahal po naming kayo.
At sa aking mga kaklase salamat sa maraming taon na nakasama ko kayo. Marami akong
natutunan sa inyo na mga magagandang bagay at marami din mga kalokohan pero isa lang ang
masasabi ko, masaya ako na kayo ang nagging kaklase ko. Sa araw na ito gusto ko na din kayo
batiin, congrats sa atin. Sana matupad natin ang ating mga pangarap.
Tatapusin ko ang aking talumpati sa isang hamon para sa aking mga kaklase, ang unang susuko
ay isusulat ang kanyang pangalan gamit ang pwet! Charizzz! Walang susuko! Lagi sana nating
pagsikapan na maabot ang ating mga pangarap gamit ang pinakamataas na lebel ng ating
kakayahan.
Kaya natin to! Dito na po ako magtatapos.
Kamsamhamnida, Jalgayo! God bless us all!

You might also like