Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

DAPA NATIONAL HIGH SCHOOL

Dapa, Surigao del Norte

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa


Araling Panlipunan 10

Pangalan:________________________________ Petsa:____________________
Taon at Pangkat:__________________________ Iskor:_____________________

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik bago ang bawat bilang.

Pag-alala (Remembering)
_______1. Ito ang pinakamahalagang elemento ng estado, kung wala nito hindi magkakaroon ng isang estado.
a. Bansa b. Estado c. Mamamayan d. Pamahalaan
_______2. Ito ay isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng sumasakop sa isang tiyak na teritoryo, may
panloob at panlabas na soberanya, at may matatag na pamahalaang namamahala sa mga mamamayan nito.
a. Estado b. GABRIELA c. Magna Carta d. Mamamayan
_______3. Ano ang tawag sa prinsipyo ng pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan?
a. Jus Soli b. Jus Sangguinis c.Naturalisasyon d. Dual Citizenship
_______4. Tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo III ng 1987 Saligang Batas
ng Pilipinas.
a. Bill of Rights c. Global Rights
b. Commission on Human Rights d. Universal Declaration of Human Rights
_______5. Anong organisasyon ng Saligang Batas ang may adhikaing kilalanin at pangalagaan ang mga karapatang
pantao ng lahat ng indibiduwal sa bansa kabilang ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat?
a. Global Rights c. Human Rights Action Center
b. Asian Human Rights Commission d. Commission on Human Rights
_______6. Anong organisasyon ng Saligang Batas ang may adhikaing kilalanin at pangalagaan ang mga karapatang
pantao ng lahat ng indibiduwal sa bansa kabilang ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat?
a. Global Rights c. Human Rights Action Center
b. Asian Human Rights Commission d. Commission on Human Rights
_______7. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa likas na karapatan?
a. Bumuto b. Maglaro c.Mabuhay d. Mag - aral

_______8. Ito ay nagsasaad ng listahan ng mga mamamayang kuwalipikadong bumoto?


a. People’s Organization(PO’S) at Non Governmental organization (NGO’S)
b. Randy David (2008)
c. Artikulo V ( Saligang Batas ng 1987)
d. Local Government Code of 1991
_______9. Ang mga sumusunod ay gawaing pansibiko (Civil Society) maliban sa isa?
a. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods.
b. Pagtitinda upang kumita.
c. Pagpapakain sa mga batang lansangan.
d. Panlilibre sa mga barkada.
_______10. Ano ang epektong naidudulot ng gawaing pansibiko (Civil Society)?
a. Mas mapapabilis ang pag abot ng tulong .
b. Kagyat na pagtugon sa mga nangangailangan.
c. Pangmatagalang epekto ng mga Gawain at proyekto.
d. Lahat ng nabanggit.

Pag-unawa (Understanding)

_______11. Anong proseso ang kailangang pagdaanan ng isang dayuhang nagnanais maging mamamayan ng isang
estado?
a. Polis b. Natrulisasyon c. Pagkamamamayan d. Repatrasiyon
_______12. Sino-sino ang mga mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas?
a. Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas.
b. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang.
c. Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito.
d. Lahat ng nabanggit.
_______13. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang samahang pampolitikal at may karapatang sibil at politikal.
a. Estado b. Ekspatrasiyon c. Pagkamamayan d. Porto Alegre
_______14. Isa ito sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may
kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at
kultural.
a. Commission on Human Rights c. Non-Governmental Organization
b. People’s Organization d. Universal Declaration of Human Rights
_______15. Isa ito sa organisasyong nagtataguyod sa karapatang pantao na kung saan ang pangunahing layunin ng
pandaigdigang samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan
at pamahalaan.
a. Global Rights c. Philippine Human Rights Information Center
b. Amnesty International d. Philippine Alliance of Human Rights Advocates
_______16. Itinatag ito noong 1974 na may adhikaing matulungan ang mga political prisoner.
a. KARAPATAN c. Task Force Detainees of the Philippines
b. Free Legal Assistance Group d. Commission on Human Rights
_______17. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
a. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
b. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
c. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
d. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.
_______18. Matapos sumama sa isang protesta sa paaralan si May, sinuspendi siya ng paaralan kahit ito ay naganap
nang hindi oras ng klase.
a. Karapatang Pangkultural c. Karapatang Politikal
b. Karapatan ng Akusado d. Karapatang Sosyo-Ekonomik

_______19. Kakatapos ang malakas na bagyo. Maraming relief goods ang dumating sa inyong lugar. Ano ang gagawin
mo?
a. Tumulong sa pamimigay ng relief goods.
b. Kukunin ang lahat ng relief goods para ibenta.
c. Hayaan na lamang na sila ang mamigay.
d. Ibabalita ito sa media na may dumating na relief goods.
_______20. Ang sumusunod ay ilan sa mga gawaing maaaring makatulong sa ating bansa maliban sa isa.
a. Sumunod sa batas-trapiko. Sunod sa batas
b. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
c. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
d. Paglaganap ng korupsiyon at kahirapan.

Paglalapat (Applying)

_______21. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
a. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
b. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
c. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
d. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
_______22. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
a. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
b. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
c. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
d. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
_______23. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mula
sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

1. Magna Carta
2. First Geneva Convention
3. Cyrus’ Cylinder
4. Universal Declaration of Human Rights

A. 1324 b. 3124 c. 3214 d. 1234


_______24. Isa sa katangian ng isang dayuhan upang maging naturalisadong Pilipino ay ang paninirahan ng tuloy - tuloy
sa Pilipinas sa loob ng sampung (10) taon. Kalian ito mapapaikli ng limang taon?
a. Kung ang isang dayuhan ay mayaman
b. Kung ang isang dayuhan ay tanyag sa ibang bansa.
c. Kung ang isang dayuhan ay makapangasawa ng isang Pilipino.
d. Kung ang isang dayuhan ay may kilalang mataas na opisyal sa Pilipinas.
_______25. Pilit na pinagpapalimos ng kanilang ina ang magkapatid na Jeremy at Justine dahil may sakit ang kanilang
ama. Anong karapatan ang nilabag ditto?
a. Karapatang magkaroon ng tirahan at ari-arian
b. Karapatan sa pantay na proteksiyon ng batas
c. Kapatang magsalita at ipahayag ang sarili
d. Karapatan laban sa sapilitang paglilingkod o pagtatrabaho
_______26 Naglunsad ang inyong barangay ng local na programang Greening Program. Hinihikayat ang bawat pamilya sa
inyong barangay na magkaroon ng narseri sa bakuran. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa barangay na hindi kayo marunong magtanim.
b. Masayang makikilahok sa programa.
c. Magsasawalang – kibo upang hindi mapansin.
d. Magpalista sa barangay ngunit hindi gagawa ng narseri.
_______27. May mga proyekto sa inyong barangay tungkol sa kalinisan. Bilang isang mamamayan paano ka
makakatulong?
a. Manood sa mga taong naglilinis. c. Mananatili lamang sa loob ng bahay.
b. Tumulong sa paglilinis at gawin ang makakaya. d. Mamamasyal nalang para hindi Makita.
_______28. Nakita mo ang isang matanda na tatawid sa kalsada. Ano ang gagawin mo?
a. Alalayan ang matanda.
b. Pababayaan at huwag pansinin.
c. Sabihan na mag ingat siya sa pagtawid.
d. Maghahanap ng pulis na magtatawid sa kanya.

PAGSUSURI (ANALYZING)
_______29. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa;
a. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
b. Nagtatrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
c. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.
d. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan n gating bansa kapag mayroong digmaan.
_______30. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
a. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
b. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
c. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
d. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang
Pililpino pagsapit sa tamang gulang.
_______31. Itinuturing na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang
lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang
saligang batas.
a. Magna Carta ng 1215
b. Universal Declaration of Human Rights
c. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
d. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
_______32. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
a. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
b. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng union o mga kapisanan.
c. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
d. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at puwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.
_______33. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang
pantao ng mga mamamayan”?
a. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
b. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
c. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
d. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
_______34. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng Participatory Governance?
a. Mas maraming sasali sa civil society
b. Mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
c. Maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
d. Mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan
_______35. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for
your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
a. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
b. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
c. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
d. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.
_______36. Si Jonathan ay dating isang pulissiya ay nagretiro na. isang araw, nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang lugar.
Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Huwag na itong pakialaman dahil hindi na siya pulis.
b. Paggugulpihin niya ang mga nanggugulo.
c. Hahabulin lahat ng mga nanggulo sa lugar.
d. Aawatin ang mga nanggugulo at tumawag ng ibang pulis.

PAGTATAYA (EVALUATING)
_______37. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
a. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan.
b. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin.
c. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan.
d. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa.
_______38. . Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t –isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling n’ya.
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
a. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
b. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan.
c. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan.
d. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
_______39. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?
a. Nakikinig siay sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
b. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
c. Aktibo siay sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.
d. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang
komunidad.

_______40. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang
samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
a. Funding-Agency ngos c. Grassroot Support Organizations
b. Non-Governmental Organizations d. People’s Organizations
_______41. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang
kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
a. Civil Society c. Grassroots Organizations
b. Non-Governmental Organizations d. People’s Organizations

_______42. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangayayari sa
kanilang paligid?
a. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa.
b. Sapagkat kakikitaaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang batas.
c. Sapagkat Malaki ang bahagingg ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong
panlipunan.
d. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga
mamamayan sa bansa.
_______43. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
a. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
b. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
c. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
d. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang
panlahat.
Paglikha (Creating)

_______44. Sino sa mga sumusunod ang mamamayang Pilipino?


a. Si Joy na isang anak ng Igurot at Bicolano.
b. Si Carson na nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw.
c. Si Smith na Amerikano na nagpatayo ng isang malaking kompanya ditto sa Pilipinas.
d. Si Jasmine na anak ng isang Intsik at Amerikano.
_______45. Ang dalawang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng
kaukulang batas.
a. Seksyon 5 c. Seksyon 3
b. Seksyon 2 d. Seksyon 4
_______46. Ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas;
1. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
2. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
3. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
4. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang.
a. Dalawang uri ng mamamayang Pilipino
b. Katangian ng mamamayang Pilipino
c. Naturalisadong mamamayang Pilipino
d. Mga dayuhang maaaring maging Pilipino
_______47. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong
pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
a. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran
b. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung
pangkapaligiran.
c. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng
bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
d. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa
ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.
_______48. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo iingatan ang mga karapatang pantao mayroon ka?
a. Sa pamamagitan ng pagsunod sa batas at paggamit nito ng tama upang hindi maabuso ng ibang tao.
b. Hahayaan ko lang na hindi ko matamasa ang mga karapatang mayroon ako.
c. Pagsunod sa mga batas.
d. Aabusuhin ang mga karapatang mayroon ako.
_______49. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
a. Mamamayan ng Pilipinas
b. Nakatapos ng hayskul/sekondarya
c. Labing-walong taong gulang pataas
d. Nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6
buwan bago maghalalan
_______50. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang
paligid?

a. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
b. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
c. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong
panlipunan
d. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga
mamamayan sa bansa

---------- Good luck and God bless----------


DAPA NATIONAL HIGH SCHOOL
Dapa, Sugirao del Norte

Araling Panlipunan 10
th
4 Grading Examination Answers Key

1. C 26. B
2. A 27. B
3. A 28. A
4. A 29. A
5. D 30. C
6. D 31. B
7. C 32. C
8. C 33. B
9. B 34. D
10. D 35. C
11. B 36. D
12. D 37. D
13. C 38. B
14. D 39. C
15. A 40. D
16. C 41. B
17. C 42. A
18. C 43. D
19. A 44. A
20. D 45. C
21. B 46. B
22. A 47. D
23. B 48. A
24. C 49. B
25. D 50. C

You might also like