Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of EducaTion
LAGUMANG PAGSUSULIT (WRITTEN)
FILIPINO 9
LINGGO 3-5
Pangalan:___________________________________________Seksyon:__________________

Lagda ng Magulang: _____________________________Iskor: ________________________

Most Essential Learning Competencies:


1. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula;
2. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano;
3. Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan;
4. Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa
napanood na debate o kauri nito;
5. Nagagamit mo ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling
pananaw.
6. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda.
7. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, at iba pa.)

I – Basahin, unawain at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Mula sa tulang Ang Punongkahoy saknong bilang VI, ano ang pahiwatig ng taludtod na ito?
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
A. malapit na siyang ihatid sa huling hantungan
B. nagsisisi dahil sa bata pa’y sa bisyo naaliw
C. ang kanilang ginawa ay inspirasyon sa iba
D. nawala lahat ang kanyang kaligayahan; nararamdaman ang kalungkutan at
nag-iisa sa dilim
2. Ano ang sinisimbolo ng punongkahoy sa tula?
A. krus B. libingan C. buhay D. kandila
3. Ang sinisimbolo ng hangin sa tulang “Ang Guryon” ay __________.
A. pagsubok sa buhay B. kaligayahan C. malakas na hangin D. huwag sumuko
4. Ang persona ng tula na tinutukoy sa bilang 3 ay ang _______________.
A. tao B. punongkahoy C. bata D. matanda
5. Bakit kailangang panatilihin ang pagpapahalaga bilang Asyano?
A. sapagkat ito ay ang ating pagkakakilanlan
B. sapagkat mahalaga ka bilang isang indibidwal na may sariling personalidad,
katangian, kakayahan, at angking kagandahan
C. A at B
D. wala sa mga nabanggit
6. Pakinggan sa link na ito: https://m.youtube.com/watch?v=07mGtyYwKfI ang tulang, “Ang Guryon” ni
Ildefonso Santos. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Ang sulo’t paulo sa ikalawang saknong
ng tula ay sumisimbolo sa __________.
A. sukat B. timbang ng tao C. desisyon sa buhay D. hugis at tali
7. Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ano ang simbolo ng hangin sa saknong?
A. mga pagsubok sa buhay B. hanging Amihan at Habagat
C. hanging dala ng mga bagyo D. mga taong sagabal sa pagpapalipad
8. Ang may-akda ng tulang “Ang Guryon” ay si __________.
A. Ildefonso Santos B. Jose Rizal C. Pat Villafuerte D. Jose Corazon de Jesus
9. Sa huling saknong ng tula, binibigyang-diin ng sumulat ang ___________.
A. Kahalagahan sa paglalarawan ng matatag na paniniwala sa Diyos.
B. Kailangan higpitan ang hawak sa guryon.
C. Hayaang lumipad ang guryon sa pinakamataas.
D. Laging subaybayan kung saan magsuot ang guryon.
10. Bakit kailangang laging may gabay ang mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, tulad ng tulang,
Ang Guryon?
Republic of the Philippines
Department of EducaTion
A. Ang pagmamalasakit ng magulang sa anak ay tanda ng pagmamahal.
B. Ang pagmamalasakit ng magulang ay upang maabot ng mga anak ang pangarap sa buhay.
C. Nais ng mga magulang na maging masaya at maganda ang buhay ng mga anak.
D. Lahat ng nabanggit.
11. Sino ang nagsisilbing tagapagsalaysay sa tulang, Ang Guryon?
A. magulang ng isang bata
B. magulang na may malasakit sa kanyang anak
C. magulang na hindi kapiling ang anak
D. magulang na nagsusustento sa anak
12. Anong aral ang makikita sa tulang, Ang Guryon?
A. Maging matatag sa buhay sa anomang mga pagsubok.
B. Mula sa bibliya, Santiago 4:6 “Ang mapagpakumbaba ay kinalulugdan ng Diyos, kaya huwag magmataas.”
C. Kahit malayo na ang lipad, huwag kalimutang magpasalamat at manalig sa Maykapal. D. A, B at C
13. Ano ang ibig sabihin ng salitang guryon?
A. eroplanong papel B. saranggola C. papel de hapo D. pangarap
14. Anong klaseng buhay ang binanggit sa tulang, “Ang Guryon”?
A. lumalaban at nagwawagi B. lumilipad at matatag C. manipis at matayog D. marupok at malikot
15. Alamin ang tamang sukat sa bahagi ng tula.
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
A. 8 B. 12 C. 16 D. 18
II – Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga tradisyon na sinunod ng pamilya ni Estella
Zeelandelaar
A. bawal magtrabaho ang kababaihan
B. hindi nakapag-aaral ang mga babae
C. ipinagkasundo ang mga babae sa kanilang mapangasawa
D. Lahat ng nabanggit
2. “ Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang buhay mo.” Anong uri ng
pang-ugnay ang nakaitalisadong salita?
A. Pangatnig B. Pang-ukol C. Pang-angkop D. Pangawing
3. Kung kayo ay isa sa mga kabataang naging biktima ng pandemia na COVID 19 sa
inyong lugar, ano ang maipapayo mo sa mga kabataang may matitigas na ulo?
A. hahayaan nalang sila dahil may sarili silang pag-iisip
B. payuhan na susunod sa mga mga protokol na ipinatupad
C. bigyan ng kalayaan ang mga kabataan na maging masaya
D. Iwasan ang makihalubilo sa mga kabataan upang walang gulo
4. Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit,
at bagong silang na Europa ay nagtutulak sa akin na maghangad ng
pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Alin ang pinakaangkop na
kahulugan sa salitang may salungguhit?
A. maganda B. masipag C. maalalahanin D. matapang
5. Mga pang-ugnay na itinuturing sa wikang Filipino maliban sa ______
A. Pang-abay B. Pang-angkop C. Pang-ukol D. Pangatnig
6. Alinsunod sa batas, bawal ang illegal na pagpuputol ng mga puno sa
kabundukan. Anong uri ng pang-ugnay ang salitang may salungguhit?
A. Pang-angkop B. Pangatnig C. Pang-ukol D. Pang-abay
Basahin ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba na may higit sa isang kahulugan
mula sa binasang sanaysay (Kay Estella Zeehandelaar). Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
7. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon.
A. modernong panahon B. nakaraang panahon
C. kasalukuyang panahon D. malayang panahon
8. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa pagkakaalipin.
A. pinagbabawalan B. binigyang pahintulot C. binigyang biyaya D. pinaaalis
9. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay.
A. parusahan B. ikulong C. itago D. pahirapan
Republic of the Philippines
Department of EducaTion
10. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga
puting kapatid.
A. kauri B. kasama C. kabilang D. kaugnay
III – Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na akdang pampanitikan ang nagtataglay ng malulungkot na
pangyayari?
A. Komedya B. Melodrama C. Tragikomedya D. Trahedya
2. Mula sa dulang Tiyo Simon, bakit nasabi ng awtor ang katagang “Siya ang
pinakamahusay na arkitekto ng buhay”?
A. dahil ipinaubaya niya sa Panginoon ang plano niya sa buhay
B. nang wala na siyang gagawin at babalakin
C. umaasa siya sa Panginoon na kontrolin ang kanyang buhay
D. naramdaman niyang ginugulo siya ng Diyos
3. Anong damdamin ang namamayani sa kaisipang “Kapag Naiisahan Ako Ng Aking Diyos?
A. masaya B. malungkot C. naiinis D. naghihinagpis
4. Naniniwala ka bang parusa ng langit ang mga pagsubok na nararanasan
ng tao? Patunayan ang sagot.
A. Hindi, dahil pagpapaalala ito sa akin ng Panginoon
B. Hindi, dahil nararapat lamang ito
C. Opo, dahil ako’y makasalanan
D. Opo, dahil sinuway ko Siya
5. Para sa akin kailangan patnubayan ng mga magulang ang bawat desisyon ng mga anak.
Anong ekspresyon o pahayag ang ginamit sa pahayag?
A. Para sa akin B. Kailangan ng patnubay C. Katotohana D. Opinyon
6. Kung ikaw ang nasa katayuan ng nagsasalita, iisipin mo rin bang iniisahan ka ng iyong
Diyos? Bakit? Bigyan ng patotoo ang iyong sagot.
A. Hindi. Dahil mahal Niya ako.
B. Opo. Dahil gusto Niya.
C. Hindi. Dahil pawang kabutihan ang bigay ng Diyos sa akin.
D. Opo. Dahil ginugulo Niya ang buhay ko.
7. Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang isang tao?
A. upang maging masaya palagi
B. upang mabigyan ng magandang buhay
C. upang mapalayo sa sakit
D. upang mapalayo sa kapahamakan, magkaroon ng magandang buhay, mapalayo sa
sakit, at maging masaya
8. Paano haharapin ng tao ang lahat ng mga kabiguang dumarating sa buhay?
A. Sisihin ang sarili sa nangyari.
B. Kusang harapin ang katotohanan.
C. Magtiwala, manalangin at kumapit sa Maykapal.
D. Magsikap nang mabuti at mapagtagumpayan lahat na kabiguan.
9. Ano ang naunawaan sa bandang huli ng nagsasalita sa teksto tungkol sa kinasapitan ng
kaniyang mga plano sa buhay? Sa tekstong “Kapag Naiisahan Ako ng Aking Diyos”
A. ibig Niya akong magtagumpay
B. Siya ang pinakamahusay na arkitekto ng buhay
C. Hindi naman ibig ng Diyos na maging palpakin ako
D. Kailangan kong ibigay ang lahat ng aking pananalig at pag-asa sa Kaniya
10. Bakit mahalagang matutuhan ang mga expresyong nagpapahayag ng katotohanan at
opinyon?
A. Tahasan itong nagsasaad ng katotohanan sa isang pangyayari, nababanghay ang mga
salita kaya malinaw na naibibigay ang impormasyon
B. upang maging mabisa ang paglalahad ng mga impormasyon
C. dahil malaking tulong ito sa pagsasagawa mo ng inaasahang pagganap
D. nasusuri ang mga Sali
Performance Task

Gawain 1. Paghambingin mo
Paghambingin ang mga kababaihan noon at ngayon ayon sa kanilang pagkakaiba
at pagkakatulad gamit ang Venn Diagram.
Republic of the Philippines
Department of EducaTion
Tradisyunal na Babae Modernong Babae

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Gawain 2. Sumulat ng tula na may paksa tungkol sa buhay (kasiyahan, kalungkutan, katagumpayan,
kasawian) maaaring may sukat at tugma o malayang taludturan.

Paalala: Kung hindi kakasya ang sagot, maaaring sumulat sa inyong sariling papel at ipasa sa guro.

Susi Sa Pagwawasto

1. D
2. C
3. A
4. B
5. C
Republic of the Philippines
Department of EducaTion
6. D
7. A
8. A
9. A
10. D
11. B
12. D
13. B
14. D
15. B

II

1. D
2. C
3. B
4. A
5. A
6. C
7. A
8. B
9. B
10. C

III

1. B
2. A
3. C
4. A
5. D
6. B
7. D
8. C
9. D
10. A

You might also like