Acitivity Sheets

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: _____________________________________ Grade & Section: _________________

Date: ______________________________________ Date: __________________________ Score:

Cordova National High School


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibe’s Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Activity 4.2

Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino


Batay sa Layunin, Gamit, Metodo, at Etika ng Pananaliksik
SUBUKIN
Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Isulat
kung LAYUNIN, GAMIT, METODO, at ETIKA ang mga ilang bahagi ng pananaliksik.

_________1. Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik na pananaliksik.


_________2. Ang paraang ginamit sa pag-aaral ay ang Correlational Studies kung saan ikokompara ang dalawang baryabols
para malaman kung mayroong positibo o negatibong epekto ang isa sa isa.
_________3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
_________4. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang-interpretasyon ang balidasyon na isinagawa ng mga guro na
nagtuturo sa ikawalong baitang.
_________5. Ginamit sa pananalisik na ito ang deskriptibo at kuwasi-eksperimental na uri ng pananaliksik.
_________6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon.
_________7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anumang
partisipasyon sa pananaliksik.
_________8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
_________9. Mahikayat ang mga guro na ugaliin/sanayin ang pagdalo sa mga seminar upang umunlad ang mga kakayahan
sa pagtuturo.
_________10. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
_________11. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.
_________12. Pagkilala sa pinagmulan ng mga idea sa pananaliksik.
_________13. Sa gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang
impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa mga bagay na pang-akademiko.
_________14. Mapabása at matukoy ang lebel ng kakayahan sa pagbása gamit ang Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni
Tysel.
_________15. Sukatin ang bisa ng komiks bílang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang 8.

TUKLASIN
Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang Layunin, 2 ang Gámit, 3 ang Metodo, at 4
ang Etika ng pananaliksik.

A.
__________ Mangangalap ng talâ sa Internet, aklat, at jornal at makikipanayam sa mga doktor
__________ Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang brochure na tumatalakay sa mga
benepisyo at panganib ng paggamit ng halamang gamot bílang gamot sa COVID19.
__________ Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang
pagpapasiyang nauukol sa paggamit ng halamang gamot.
__________ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
B.
__________ Tutukuyin ang mga epekto ng Quarantine sa mga batang nása preschool.
__________ Magpapasagot ng questionnaire sa magulang na may anak na preschool tungkol sa epekto ng Quarantine.
__________ Pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga batang nása preschool
__________ Sa mga mag-aaral, nakakatulong nito upang malampasan ang Psychological First Aide.

C.
__________ Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa facemask. Maaaring maging basehan ng isang artikulo na
tumatalakay sa bagay na ito.
__________ Mananaliksik sa Internet. Gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong isuot ng mga frontliners at kapanayamin ang
ilan sa mga nasarbey na medical frontliners kung bakit nila paboritong isuot ang facemask. Kapanayamin
din ang ilang manufacturers ng facemask.
__________ Sa mga frontliner, ang magagawa ng pag-aaral na ito na kilatisin muna ang uri ng materyales ng facemask bago
ito gamitin
__________ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik sa mga frontliner.

D.
__________ Sa mga gumagawa ng maikling pelikula, makakatulong ang paggamit ng camera at editing app ng smartphone
upang makagagawa ng isang maikling pelikula.
__________ Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling pelikula gámit lang ang camera at editing app ng
smartphone.
__________ Makikipanayam sa mga direktor ng maikling pelikula at mag-oobserba sa proseso ng paggawa ng ganitong
pelikula.
__________ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

E.
__________ Aalamin ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bílang ng nagkakasakit ng COVID19.
__________ Magsasaliksik ng mga nakasalamuhang tao sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga táong nagkaroon ng
COVID19.
__________ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
__________ Sa ahensiya ng gobyerno, magagamit ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng eksaktong bílang ng
nagkakaroon ng COVID19.

Tayahin

Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa layunin, gámit, metodo, at etika sa pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔) ang
linya bago ang bílang kung ito ay tama at ekis (❌) kung mali.
____________1. Ang metodo ay tumutukoy sa paraang ginagamit ng mananaliksik sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa
piniling paksa.
____________2. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo ng pananaliksik.
____________3. Ang layunin ng pananaliksik ay maaaring maging panlahat o tiyak.
____________4. Ang mananaliksik ay dapat maging matapat sa anumang impormasyong ilalagay niya sa kaniyang
pananaliksik.
____________5. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa.
____________6. Ang kulay, tekstura, lasa, damdamin, at pangyayari ay mga halimbawa ng datos ng kailanan o quantitative
data.
____________7. Maaaring maging subhetibo ang tono ng pananaliksik.
____________8. Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa
pananaliksik.
____________9. Ang etika ay tumutukoy sa pagiging obhetibo at matapat ng anumang pahayag sa kabuoan ng sulating
pananaliksik.
____________10. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay tahasang paglabag sa etika ng pananaliksik.
____________11. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.
____________12. Ang ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay tinatawag na datos ng kalidad o qualitative data.
____________13. Ang pagkopya sa ilang bahagi ng akdang hindi kinilala ang awtor kahit pa ito ay may kaunting pagbabago
sa ayos ng pangungusap ay isang halimbawa ng plagiarism.
____________14. Isa sa etika ng pananaliksik ang pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.
____________15. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring
masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong.

You might also like