Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat
na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito
na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan
tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng
pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita
ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento
at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na
pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang
“Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang
pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit
sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita
ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan
na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang
maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
Mahal na Patnugot,

Napakaswerte po namin sapagkat ngayon po ay nadagdagan na naman ang Computer Laboratory


dito sa ating paaralan. Dahil po dito, hindi na po naming kailangan magsiksikan sa upuan upang
makagamit ng computer. At dahil din po dito, may mas marami na po kaming oras para gumamit
nito.

Patricia Ragaza

Patricia,

Maraming salamat sa iyong pagsulat. Tama ka diyan, napakaswerte natin dahil tayo ay
napagkalooban na naman ng bagong lab. Pero sana pakiingatan ang paggamit ng mag compuer
dito at gamitin ito sa makabuluhang bagay.

Mahal na Patnugot,
https://angtanglawpmkpl.wordpress.com/2013/01/29/liham-sa-patnugot/?fb_source=pubv1

PALAISIPAN 7: UMUUGNAY BA ANG PANITIKAN SA DAIGDIG?


NOVEMBER 21, 2018
Larawan ng Pixabay sa Pexels.com.
Habang maugong ang isyu hinggil sa pagkakatanggal ng mga asignaturang Filipino at Panitikan sa
kolehiyo, dahil sa pagbawi ng Korte Suprema sa ipinataw nitong temporary restraining order
noong 2015, biglang pumutok ang balita na nagrereklamo ang pamunuan ng Philippine National
Police (PNP) hinggil sa masamâng pagkakatanghal sa pulisya sa teleseryeng primetime na FPJ’s
Ang Probinsyano.

Ang sabi ng PNP, lubhang pinasasamâ raw ng dramang de-serye, na ngayo’y nasa ikatlong taon
na ng pag-erye, ang imahen ng institusyon sa publiko, dahil sa pagtatanghal nito ng isang
pamunuan at mga kawaning sangkot sa krimen at korupsiyon. Sinuportahan ng isang senador ang
mungkahing ipatawag ang mga prodyuser ng palabas upang hilinging huwag masyadong
pasamain ang PNP sa kuwento.[1] Iminungkahi naman ng kalihim ng Department of Interior and
Local Government na baguhin na lámang ang banghay o plot ng teleserye.[2]

Ilang pangkat ang nagpahayag ng pagtutol sa animo’y pagsesensura ng ahensiya sa isang


matagumpay at gabi-gabing aliwan ng mamamayan sa telebisyon. Samantala, ilan naman ang
nagpahayag ng pagkabahala, lalo sa social media, sa pakikialam na ginagawa ng pulisya sa isang
malinaw na artistikong gawain—ang paglikha ng kuwentong umuugnay man sa kasalukuyang
pagkamalaganap ng pagkabalakyot at pagkatampalasan, ay nararapat lámang, sa diwa ng
demokrasya, na hayaang gamítin ang “lisensiyang pansining” nito na kumatha at magtanghal
ng búhay ng mga bayani’t kalabang kailangang magtuos pagdating ng tamang panahon.

Susing salita sa usapin ito ang “katha.” Sa tingin ko, kailangang igiit na ang teleserye, sa una’t
hulí, at kahit sa pauna nito sa bungad ng bawat episodyo, ay isa ngang katha. Kung tumukoy man
sa mga tunay na tao o pangyayari, kaligtasan nito, sa usapin ng sining, ang igiit ang pagiging
bunga lámang ng haraya o guniguni ng napakaraming táong bumubuo sa produksiyon nito. Maaari
itong akusahang palihim, pailalim na pinupuna ang pulisya, at ang pamahalaan sa pangkabuuan,
subalit hindi dapat ito hadlangan, ni utúsan ng kung sinong kapritsoso na rebisahin ang
pagkukuwento.

Sa kasawiampalad, di na dapat pagtakhan ang pasistang tindig mula sa balat-sibuyas na pulisya, na


umaaray, kahit pa, sabi nga sa matandang kasabihan, “bato-bato sa langit, ang tamaan, huwag
magalit.” Sa panahon ngayon ng sistemikong pagpapatahimik ng estado sa mga kritiko, at
pagkiling sa mga kahanay at kakampi kahit pa malinaw na lumalabag o napatunayang may sagútin
sa batas, hindi na nakagugulat kung gamítin din ng pulisya, isang tinaguriang repressive state
apparatus ni Louis Althusser (1970), ang puwersa nito upang manupil ng mga itinuturing na
“sumusuway” sa pinamamahalaang lipunan, mapanatili lámang ang bango ng mga poder sa
kapangyarihan.

Malinaw na idinadawit ng pangyayaring ito ang ilang susing usaping pang-edukasyon. Sa mga
balitaktakan sa Facebook, halimbawa, iginiit ko na pinatutunayan ng kasong ito ang patuloy na
pangangailangan sa pagtuturo ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo, lalo sa mataas na antas ng
edukasyon.
Tanging mahusay na edukasyong pampanitikan ang makapagliligtas sa mamamayan mula sa mga
ganitong mangmang na komentaryo at makitid na pananaw. Sumang-ayon din ako sa mungkahi sa
PNP na imbes na makialam sa Ang Probinsyano, ipagpatuloy na lámang ang paglilinis sa hanay
nito. Pambawi man lámang sa tutulog-tulog na pamamahala ng mga iniluklok sa puwesto, na sa
isang bandá’y bakâ nga sadyang pinagtatakpan gámit ang panlansing isyu na ito.

Idinadawit din nito ang usapin hinggil sa kung umuugnay nga ba talaga ang Panitikan sa daigdig.
Sa isang bandá, masasabing pinanghahawakan ng mga opisyal ng PNP ang ganitong paniwala sa
matalik na ugnayan ng katha at realidad, sa kanilang paghihinakdal hinggil sa tingin nila’y
nakasasamâng pagtatanghal ng nasabing teleserye sa pulisya bílang pugad ng mga tiwali.

Hindi rin naman sila ganap na nagkakamali sa hinuha’t pakiramdam, sapagkat ang mga ito’y
nakasalig sa isang pananaw na ang panitikan—kabílang na ang teleserye, na isang produkto at
tekso ng kulturang popular—ay talagang maituturing na “salamin ng buhay.” Hinihiram ko ang
praseng ito mula kay Soledad Reyes (1982), na ginamit itong paglalarawan sa paghinuha sa
nobelang Tagalog at kasaysayan nito.[3]

KOMENTARYO: Sa kalsada, ang ilaw ay buhay


Published June 8, 2015 3:16pm
By BENIGNO BOBOY VALLES
Marami tayong nakikitang mga sasakyan na hindi nagbubukas ng ilaw pag gabi. Nagtitipid daw
sila sa baterya at gasolina.

Walang natitipid sa ganitong gawain. Lalo ngang nahaharap sa gastos ang mga gumagawa nito.

Alam niyo bang singkwenta porsyento (50%) ng mga aksidente sa gabi ay “rear end collision”
o pagbangga sa likod ng sasakyan dulot ng hindi pagbubukas ng ilaw o dahil walang ilaw sa
likod?

Ang mga aksidenteng dala ng hindi pagbababa ng ilaw (refusing to dim light), at walang ilaw sa
likod (no tail light or no stop light) ay ang mga pangunahing sanhi ng aksidente sa kalsada sa gabi.

Lahat ng mga ito ay ipinagbabawal ng Land Transportation Office (LTO) at maaring mabigyan ng
citation ticket ang drayber.

Bakit ba may mga ayaw gumamit ng ilaw kapag gabi?

Katwiran ng iba, maliwanag na kasi may ilaw ang mga poste. Ang iba naman ay nakalimutang
buksan ang ilaw.

Ang pinakapangit na sagot na narinig ko ay para daw makatipid sa baterya o gasolina.

Ang haba ng buhay ng baterya ay hindi nakasalalay sa pagbukas ng ilaw o paggamit ng mga
accessories na may kuryente sa loob ng sasakyan.

Tumatagal ang baterya kung maayos ang alternator ng sasakyan. Ang alternator ang gumagawa ng
koryente na supply ng sasakyan para palitan ang nawalang karga ng baterya at para pailawin at
patakbuhin ang mga kagamitang may kuryente sa isang sasakyan.

Ang alternator ay pinapaikot ng makina ng sasakyan. Ang sabi ng iba, maaring tumaas ang
konsumo ng gatong ng sasakyan kapag maraming sinusuplayan ng kuryente lalo na ang
aircondition nito. May katotohanan ba ang katwirang ito?

Ayon sa pag-aaral, ang lakas ng paggamit ng gatong ng sasakyan ay depende sa drayber. Ang
biglang pag-arangkada, sobrang bilis ng takbo at maling paglipat ng kambyo ang pangunahing
sanhi ng mabilis na pagkaubos ng gas.
advertisement

Kung dahan-dahan ang pagpapabilis ng takbo at kung hindi lalagpas sa walumpung kilometro
bawat oras (80 kph) ang bilis, maaring makatipid ng dalawampung porsyento (20%) ng gas ang
isang sasakyan. Ang tawag sa istilo ng pagmamaneho na ito ay “eco-driving”.

May natitipid bang gas kapag di gumagamit ng ilaw? Kung meron man, isang apak lamang sa
silinyador ng isang daskol na drayber, napawi na ito dahil sa dami ng naubos na gas.

Ang mas mabigat na konsiderasyon sa di pagbukas ng ilaw ay ang kaligtasan sa daan. Lahat ng
argumento tungkol sa pagtitipid ay walang saysay kung ito ay magdudulot ng aksidente.

Ang ilaw ay nagdudulot ng “increased visibility.” Mas madaling makita ang sasakyan at mas
madaling makita ang dinadaanan at mga taong nasa daan kapag bukas ang ilaw.

May mga modelo ng motorsiklo na ang ilaw at headlight ay automatikong nagbubukas kapag
pinaandar ang makina.

Sa maraming bansa, kapag umandar ang mga sasakyan ay automatiko na ring bumubukas ang ilaw
nito.

Sa Pilipinas may mga kompanya na rin ng bus na bukas ang ilaw ng kanilang mga sasakyan
habang bumabagtas sa daan, araw o gabi. Mas ligtas daw kasi ito para sa lahat sa daan.

Ang ilaw ay maaring maglayo sa aksidente. Tinatayang nababawasan ng di bababa sa


dalawampung porsyento ang tsansa ng aksidente kung ang sasakyan ay laging nakailaw. Ang isang
malaking kumpanya na nabawasan ng 20 porsyento ng aksidente sa isang taon ay malaki ang
matitipid at higit sa lahat, marami ang buhay na maliligtas.

Kung ikaw naman ay pribadong motorista, di ba't malaking iwas sa gastos ang bawas na ito sa
tsansa ng aksidente?

Magbukas ng ilaw ng sasakyan sa gabi. Walang natitipid kapag buhay ang kapalit.

You might also like