Panitikan Modyul Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 74

1

YUNIT 5
PANAHON NG PAGBABAGONG DIWA

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang


1. Maipaliwanag ang katangian ng panitikan sa Panahon ng Pagbabagong Diwa;
2. Matukoy ang mga kontribusyon at impluwensya sa panahon ng Pagbabagong
Diwa;
3. Masuri ang mga nilalaman ng bawat akda; at,
4. Makapili ng mga natatanging akada ng mga manunulat na nakakaimpluwensya
sa kasalukuyang panahon.

TUKLASIN PANITIKAN NATIN

Sa Yunit na ito ay matatalakay ang panahon ng pagbabagong diwa na kung


saan ang iba‘t ibang mga akda sa panahong ito ay magdadala sa atin upang
muling buksan ang ating isipan sa mga pangyayari na siyang magmumulat sa
atin kung paano nga ba namulat ang isipan ng mga Pilipino noong tayo pa ay
nasa ilalim ng pamamahala ng Espanya. Batid natin na napakamasalimuot ng
ating pinagdaanan bago tayo nakalaya sa kamay nila at marami ring bayani at
manunulat ang tumuligsa sa kanilang pamamahala. Sa kabila nito, hindi nawala
ang mga manunulat na naglakas ng loob upang tuligsahin ang pamamahala ng
Espanya sa atin. Kabilang sa mga matatalakay sa Yunit na ito ay ang iba‘t ibang
mga akda ng mga Propagandista na may mga angking talino, may damdaming
makabayan na sina: Dr. Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena,
Antonio Luna, at Mariano Ponce na nagmulat sa isipan ng bawat Pilipino upang
ating hangarin ang mga pagbabago sa ilalim ng sistema ng pamamahala ng mga
Espanyol.
2

LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN

KABANATA V
PANAHON NG PAGBABAGONG DIWA

A. Ang Kilusang Propaganda

Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Pilipinas noong 1872


hanggang 1892. Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano
Gomez, Jose Burgos, at jacinto Zamora (Gomburza). Layunin ng kilusan ang
kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang
Espanya, pantay sa pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas,
pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes Generales ng Pilipinas, pagkakaroon ng
sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, kalayaan sa pagpupulong ng
matiwasay, pagpapalathala at pagsasabi ng mga pang-aabuso at ano mang
anomalya sa pamahalaan. Nilalayon ng kilusag ito na humingi sa pamahalaang
Kastila ng mga reporma sa mapayapang pamamaraan.

Sa kabila ng lahat ng ito, sa huli, nabigo ang kilusang propaganda na tuparin


ang nakaatas na layon nito. Nahati ang kilusan sa isang maka-Del Pilar na
paksyon at isang maka-Rizal na paksyon, bagay na naging dahilan ni Rizal
para iwan ang Espanya at Europa. Ang napakalungkot at napakamasalimuot na
pagkamatay nina Lopez-Jaena at Del Pilar ang huling dagok sa kilusan, sa halip
ang nasimulan ng Kilusang Katipunan ang nagbigay inspirasyon sa dalawang
kilusang sumunod rito.
1
B. Ang Mga Propagandista

Karamihan sa mga Propagandista ay may mga angking talino, may


damdaming makabayan, maydakilang katapangan at lakas ng loob mga anak ng
mga nakaririwasang pamilya at nangagsisipag-aral at nakatapos sa mga kilalang
Universidad.

1. Dr. Jose P. Rizal- ginamit ang sagisag na Laong-


laan at Dimasalang bilang sagisang panulat.
3

Mga Piling Akda


a. Noli Me Tangere- (huwag mo akong salangin)- tumatalakay sa
sakit ng lipunan.
Ang akdang ito ay inilimbag noong 1887 at tinalakay dito ang
mga kabulukan sa lipunan.

a. El Flibusterismo- ang akdang ito


ay karugtong ng Noli Me Tangere at tinalakay dito
ang mga talamak na sakit sa lipunan, pagsupil sa
mga karapatang pantao at ang maling
pamamalakad ng gobyerno at simbahan.
b. Sobre la indolencia delos Filipinos – isang sanaysay na tumatalakay at
sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.
c. Filipinas Dentro De Cien Anos- sanaysay na nagpapahiwatig na ang panahon
ng interes ng Europa ay mababawasan samantalang ang impluwensiya ng
Estados Unidos mararamdaman.
d. El Consejo de Los Dioses(Ang Kapulungan ng mga Bathala) – isang dulang
patalinhagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.
e. A la Juventud Filipina-(sa kabataang Pilipino)- isang tula na inihandog niya sa
mga kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas.
f. Me Piden Versos- hinihilingan nila ako ng tula
g. Mi Ultimo Adios – (ang huli kong paalam) ipinalalagay ng marami na ang tulang
ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig.
h. La Liga Filipina- itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892. Layunin ng samahan na
magkaisa ang lahat ng Pilipino sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan.

Kundiman
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso, Bayan
palibhasa’y lupig at sumuko
sa kababayan ng nagturing puso

Datapuwa’t muling sisikat ang


araw, Pilit mailigtas ang inaping
bayan, Magbabalik mandin at
muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan

Ibubuhos namin ang dugo’t babaha,


Matubos nga lamang ang sa amang
lupa,
Hanggang di sumapit ang panahong tadhana’y
Sinta’y tahimik, tutulog ang nasa.

2. Marcelo H. Del Pilar- mapang-uyam,


lantad at tuwiran ang kaniyang mga akda na ikinaiba
niya sa ibang propagandista ng kanyang panahon.
Itinatag at pinatnugutan niya ang Diaryong Tagalog
noong 1882. Ang panitik niya ay gum amit ng ubos-
kayang pakikipagtunggali sa mga prayle at pagtuligsa
4
sa pang-aapi ng mga makapangyarihang Kastila sa
5

Pilipinas. Kilala sa kaniyang panulat na Plaridel, Pudpoh, Piping-dilat, Dolores


Manapat, at Siling Labuyo.

Mga Piling Akda

a.Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – salin sa tulang ―amor patrio‖ ni Rizal na


napalathala noong Agosto 20, 1882 sa ―Diaryong Tagalog‖.
b.Caiingat Cayo-ito‘y isang libretong pagtatanggol sa akdang ―Noli Me
Tangere‖ ni Rizal
c. Ang Cadaquilaan ng Dios( Barcelona)- ―Diyan ay sukat mo nang
mabanaagan, nanasang irog, ang kadakilaan niyang Diyos di nililingat sandali
man sa pagkalinga sa atin. Dakila sa kapangyarihan, dakila sa karunungan at
dakila sa pag-ibig; sa pagmamahal at pagpapalagay sa kanyang mga anak dito
sa lupa; at pantas man o mangmang, mayaman man at dukha ay walang
mawawaglit sa mairog at ubos niyang paglingap‖.
d.Ang Kalayaan- ang kalayan ay dili iba kundi ang kapangyarihang
sumunod o sumuway sa sariling kalooban; ang tinatawag nating malaya ay
yaong panginoon sa kanilang kalooban.
e.La Fralocracia en Filipinas- ang sanaysay na ito ay naglalahad ng
kaapihang dinanas ng taumbayan at ang di makatarungang pamamalakad ng
mga prayleng Kastila.
f. Dupluhan….Dalit….. Mga Bugtong-kalipunan ng mga maiigsing tula at
tugma ni Del Pilar na inilathala sa Life of Marcelo H. Del Pilar ni
Cagingin

Dupluhan
Nagugol ng lahat oh! Sinta co’t ibig
Ang boo cong scaya sa pagmamalasaquit
Ay hindi pinalad na naipaalis
Ang parusang lagda ng sentenciang lihis

Katuran lamang sa bunying Monarca,


Ang nagagamit kong mabisang sandata,
Pagca’t siyang lalong baying may
halaga.
Sa bolag cong bait na puno’t justicia

Dalit
Cung sa langit nabubuhay
Ang lupa’y namamatay,
Ano’t kinatatakutan
Ang oras ng kamatayan

Guinto’t pilak sa
pucpucan Ng platero’y
umiinam,
Ang puring lalong maquinang
s Sa pucpuc ay pumupusiao
Palatuntunan
Aco’y tantong nagtataca
6

Sa jarding sinabi co na,


Lihim cung turingang nila,
Ang susi’y nasa sa iba.

f. Dasalan at Tocsohan- koleksyon ng mga akdang nagpaparodiya o


gumagagad sa mga dasal at katekismong itinuro ng mga paring Espanyol
g.Paciong Dapat Ipag-alab nang Puso nang Taong Babasa
h.Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas-isang tulang binubuo ng 82
taludtod ang tulang ito ang naglalaman ng kasagutan ni Marcelo H. Del
Pilar sa Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya.

3. Graciano Lopez Jaena- isang kritiko ng pahayagang


Kastila- Los Dos Mundos. Sa kaniyang mga sulat gumamit
siya ng pananalitang nakahihikayat, maapoy, walang
takot, dakila‘t makapangyarihan. Tinaguriang
“Demonsthenes ng Pilipinas”. Itinatag ang pahayagang
tagapamansag ng kilusang Propaganda- Ang ―La
Solidaridad‖ noong 1889.

Mga Piling Akda


a. Fray Botod- hinggil sa pang-aabuso at imoralidad ng matabang prayle.
b. La Hija Fraile(Anak ng Prayle)-dito ay ipinaliwanag ni Jaena ang mga
kapahamakan at kabiguan kung magpakasal sa isang Kastila.
c. Sa mga Pilipino- (1891)isang talumpating na ang layunin ay mapabuti ang
kalagayan ng mga Pilipino. Malaya, maunlad, at may karapatan.
d. Talumpating Paggunita Kay Kolumbus – noong ika-391 anibersaryo sa
pagkakatuklas ng Amerika na binigkas niya sa teatro ng Madrid.
e. En Honor de los Filipinas(Karangalan ng Pilipinas)- ang pagwawagi sa mga
eksposiyon ninan Luna,Resureccion, at Padre de Talavera na ang katalinuhan
ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.
f. Mga Kahirapan sa Pilipinas- tinutukoy ang maling pamamalakad at edukasyon
sa Pilipinas-1887.
g. En Honor del Presiente de la Assosasion Hispano- Filipino.-biyayang papuri
ni Lopez- Jaena si Hen. Morayta sa pantay-pantay na pamamalakad sa mga
pinamumunuan.
h. Ang lahat ay Pandaraya-isang lathalain tungkol sa mayamang Filipina na
nagmamalaking sinasabi sa mga tao na siya‘y magiging kondesa.

4. Antonio Luna( 1868-1899)


 isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon sa
Espnya
 gumamit ng sagisag na ―tagailog‖
 karamihan sa paksa niya ay tungkol sa kaugalian ng
mga Pilipino at mga pagtuligsa sa pamamalakad ng
pamahalaan at simbahan.
 Pinamatnugutan niya ang La Independencia,
tagapamansag ng mga manghihimagsik at ng Unang Republika ng Pilipina

Mga Piling Akda


7

a. Noche Buena- isang malinaw na paglalarawan ng aktuwal na buhay ng mga


Pilipino
b. Se Divierten ( Naglilibang Sila)- isang pagpuna sa sayaw Kastila na halos di-
maraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisisayaw.
c. Por Madrid( Sa Madrid)- isang pagtutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang
Pilipinas ay isang lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na Banyaga kapag
sinisingilan ng selyo.
d. La Maestra De Mi Purblo- naglalarawan ng kapintasan sa sistema ng
edukasyon para sa mga kababaihan
e. Todo Por El Estomago- tumutuligsa sa mga patakaran ng pagbubuwis
f. La Tertulla Filipina( Ang Piging na Pilipino)-naglalahad ng isang kaugaliang
Pilipino na ipinalalagay na lalong mabuti kaysa kaugaliang Kastila
g. Impresiones- ito‘y isang paglalarawan ng ibayong kahirapang dinaranas ng
isang mag-aaral na naulila sa amang kawal.

5.Mariano Ponce – naging tagapamahalang patnugot,


mananalambuhay at mananaliksik ng Kilusang
Propaganda. Ang kaniyang mga sagisag panulat ay
Tikbalang, Kalipulako at Naning.

 masugid na katulong ng tatlong taluktok ng propagandista


 nakasulat ng mga akdang pampanitikan sa tatlong
wika(Kastila, Tagalog at Ingles)
 gumamit ng mga sagisag na Tikbalang, Nanding at Kalipulako
 Tanyag na kaanib ng mga propagandista sa Espanya at mahalagang katu-
katulong nina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena.

15
Mga Piling Akda
a. Mga Alamat ng Bulakan- naglalaman ng mga alamat at kuwentong bayan ng
kanyang bayang sinilangan.
b. Pagpugot kay Longino- isang dula tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos,
Bulacan
c. Sobre Filipinas
d. Ang mga Pilipino sa Indo Tsina
e. Ang Oaniyakan ng Kilusang Propaganda
8

YUNIT
LINANGIN YAMAN 5
NG LAHI NATIN

MODYUL 2

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang


5. Maipaliwanag ang katangian ng panitikan sa Panahon ng Pagbabagong Diwa;
6. Matukoy ang mga kontribusyon at impluwensya sa panahon ng Pagbabagong
Diwa;
7. Masuri ang mga nilalaman ng bawat akda; at,
8. Makapili ng mga natatanging akda ng mga manunulat na nakakaimpluwensya sa
kasalukuyang panahon.

Daloy ng Kaalama
PANAHON NG PAGBABAGONG DIWA

1. Pedro Serrano Laktaw- unang sumulat ng Diccionario


Hispano- Tagalog noong 1889. Itinatatag niya ang lohiyang
―Nilad‖. Sa Kilusang Propaganda siya ay may mithiing
magkaroon ng: Demokratikong pamunuan, pagkakaroon ng
kalayaan, karapatan ng bawat tao, kinatawan sa korte ng
Espanya, maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas, at
magkaroon ng pagbabago.

Mga akda ni Pedro:


 Diccionario Hispano-Tagalog (1889)
 Estudios Gramaticales
 Sobre La Lengua Tagala

2. Jose Maria Panganiban- ikinubli ang


pangalan sa sagisag panulat na JOMAPA. Mahusay
sa talumpati, may memoria fotograpiya. Ang kanyang
akda ay naglalaman ng mga pagtatanggol ng mga
Pilipino at pagtuligsa naman sa pamahalaan ng
Kastila sa Pilipinas. Ang kanyang tulang naisulat ay:

 A Nuestro Obispo
 Noche de Mambulao
 Ang Lupang Tinubuan
 Sa Aking Buhay
9
Mga sanaysay niya:
 El Pensamiento
 La Universidad de Manila
 Su Plan de Estudio

3. Dr. Pedro Paterno- siya ay naging makata, nobelista at


mandudula, siya rin ay isang iskolar at mananaliksik. Ang
kaniyang mga paksa sa pagsulat ay nahihinggil sa rehiyon at
lipunan. Siya ang unang Pilipinong nakalaya sa sensura sa
panitikan noong panahon ng Kastila.
Mga kinilalang akda ni Pedro Paterno
a. Ninay- kauna-unahang nobelang panlipunan na orihinal na nasusulat sa wikang
Kastila na akda ng isang Filipino, at nagbigay daan upang makikala sa
katanyagang pampanitikan si Dr. Paterno sa panahong iyon.
b. Sampaguita y Poesias Varias (mga Sampaguita at Sarisaring Tula) -
kalipunan ng mga tula na nalathala sa Europa noong 1880, at nakalimutang ulit
ng pagpapalimbag noong 1885
c. El Cristianismo y La Civilizazion Tagala (1892)- nagsasaad ng imlpuwensiya
ng Kristiyanismo sa kabihasnan at kalinangan ng mga Tagalog.
d. La Civilizacion Tagala, El Alma Filipinos at Los Itas- ito ang pananaliksik na
naglalahad na tayong mga Pilipino ay may katutubong kultura.
e. A Mi Madre( Sa Aking Ina) – nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na
nagiging malungkot ang isang tahanan kung wala ito.

A Mi Madre
Bigyan mo ako, mahal, ng isang sinag
Ng liwanag ng iyong sulyap, upang
ipang-
Ilaw kapag wala kana sa lumbay ng aking kaluluwa,,

4.Pascual Poblete- tinaguriang Ama ng


Pahayagan.
 itinatag at pinamatnugutan ang
pahayagang El Resumen
 itinatag ang pahayagang El Grito el
Pueblo na may pangalang ang Sigaw ng Bayan
 pinakadakilang ambag ni Poblete sa
kasaysayan at panitikan ay ang itinuring na kauna-
unahang salin ng Noli Me Tangere ni Rizal sa
wikang Tagalog.

Mga iba pang akda ni Pascual Poblete.


a. Salin ng nobelang Ang Konde ng Monte
Kristo ni Alexander Dumas
b. Lucrecia Triciptino
c. Salin ng Buhay ni San Isidro Labrador ni Francisco Butina
d. Ang Kagila-gilalas na Buhay ni Juan Soldado
e. Ang Manunulat sa Wikang Tagalog
10

5. Isabelito Delos Reyes- isang mamamahayag,


manananggol, manunulat at pinuno ng mga
manggagawa. Itinatag ang Iglesia Filipina
Independencia. Nagtamo ng gantimpala sa Madrid sa
kanyang akdang ―El Folklore Filipino‖

Mga akda ni Isabelito Delos Reyes


d. Las Islas Visaya n La Epoca dela Conquista
e. Historia De Ilocos
f. La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina
16
9. Fernando Canon (1860) – nagpasimula ng
kaugaliang pagkatha ng unang tula sa karangalan ni Rizal
upang maging matagumpay sa panulaan.

Akda ni Canon
Flor Deal (Kamithi-mithing Bulaklak)

Ang hamog ng mga mapuputing


bulaklak, Ay napapawalang-wakas sa
bulaklak
Iyang mga burol, bulaklak na sa ubod niyang sumisibol
Ay nakakulong ang halik ng pag-ibig ni Bathala
Nadala roon ng maalab na tagulaylay
Na walang-wakas na pag-awit ng mga makabayan

Mapuputing bulaklak ng kabundukan


Na winawagayway sa bughaw na kalangitan.
Kapag ang mga kabayanihan ay lumitaw.
Dumadami ka’t bumubukadkad saanman;
Ngunit nagtatago’t pumapanaw
O naging pulahan
11

YUNIT 6
PANAHON NG HIMAGSIKAN

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito inaasahang;


 Matukoy ang mga katangian taglay ng mga akda sa panahon ng paghihimagsik;
 Masuri ang mga akdang pampanitikan ayon sa kasaysayan na naisulat ng mga batikang
manunulat;
 Makapagpahayag ng damdaming makabayan na naghahangad ng kalayaan.

TUKLASIN PANITIKAN NATIN

Sa Panahon ng Himagsikan ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang galit laban


sa mga kastila. Isa sa naging sandata ay ang paggamit ng panulat upang mangibabaw ang
kanilang maalab na pakikipaglaban. Ang mga Pilipino ay nagpakita ng kanilang
damdaming pagkamakabayan.
Sa araling ito, matatalakay ang mga taong nagkaroon ng ambag sa pakikipaglaban sa
mga kastila at iisa-isahin ang mga akda na naging bunga ng kanilang pagsulat na kung
saan gamit ang kanilang damdamin ay nagkaroon ng iba’t ibang akda na sumasalamin sa
mga pangyayari noong Panahon ng Himagsikan.
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Subukin natin ang iyong kaalaman bago magsimula ang aralin, Gamit ang
Concept Map magbigay ng mga katangian ng akda na sa tingin mo ay nangingibabaw sa
Panahon ng Himagsikan.

Akda sa Panahon ng Himagsikan


12

LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN

Daloy ng Kaalaman

Mapapansin sa panahong ito ay ipinamana ng mga Pilipino ang kanilang galit sa mga
Kastila. Alam natin na hindi lahat nagtamo ng ganap na kalayaan at pagbabago sa panulat
na ginagamit ng mga propagandista kaya sa panahong ito ay sandata naman ang kanilang
ginamit. Sa panahon ng himagsikan ay naging maalab ang pambansang damdaming
makabayan sa ating panitikan.
Ang pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng
pagtatagumpay ng mga propagandista. Gayunpaman, hindi naman nanlupaypay ang mga
ibang masigasig sa paghingi ng reporma. Ang iba’y hindi naniniwalang reporma ang
kailangan, naniniwala silang kailangan na ng marahas na pagbabago.

Nabago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong mismo


nang mabalitaang ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina
Valentin Diaz, Teodora Plata,Ladislao Diwa, Deodata Arellano at ilan pang may diwang
makabayan ay lihim na nagpulong noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa
Azcarraga. Itinatag nila ang Kataastaasang Kagalang-galangan na Katipunan nang mga
Anak ng Bayan (K.K.K.) o Katipunan, Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng
kani-kaniyang mga dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng samahan.

Ang mga manunulat na natampok sa panahong ito’y sina Andres Bonifacio


(Ama ng Katipunan) at Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan). Kabilang dito si Pio
Valenzuela. Ang wikang natatampok nang panahong ito’y ang Tagalog. Kung sa panulat
man ni Bonifacio’y sinasabi niyang ang dapat mabatid ng mga Tagalog, mababasa
naming ang tinutukoy dito’y ang mamamayang Pilipino, hindi man niay matatawag na
mga Pilipino sapagkat ang mga Pilipino noo’y ang mga Kastilang ipinanganak sa
Pilipinas, hindi rin naman maaaring gamitin ang Indio sapagkat ito’y panlilibak ng mga
Kastila.
13

Nang naging aktibo ang mga Katipunero, gabi-gabi’y may nagpupulong sila at
nadarama ng mga Kastila na may nagaganap sa kapaligiran lalo na sa Kamaynilaan at sa
Gitnang Luzon.

Noong ika-19 ng Agosto, 1896, nabunyag kay Padre Mariano Gil sa


pamamagitan ni Teodoro Patiῆo ang tungkol sa Katipunan. Dahil sa pangyayaring ito,
wala nang iba pang magagawa kundi ang makipaglaban. Kaya noong ika-23 ng Agosto
ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa pakikipaglaban. Kaya noong ika-23
ng Agosto, ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa pakikipaglaban sa Pugad-
lawin. Pinunit nila ang kanilang sedula at isinigaw ang “Mabuhay ang Pilipinas!”

Mga Pinunong Naghimagsik:

Andres Bonifacio
Kilala natin si Andres Bonifacio bilang siyang Ama ng
Himagsikan at Rebolusyong Pilipino. Kilala rin natin siya
sa kanyang mga alyas na May Pagasa, Agapito,
Bagumbayan, Sinukauan at Supremo.Ipinanganak si Andres
Bonifacio noong Nobyembre 30,1863, sa Tondo, Maynila.
Siya ang panganay sa anim na anak ngmag-aasawang
Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.
Mga Piling Akda ni Bonifacio
h. Katapusan ng Hibik ng Pilipinas- tulang
nagpapahayag ng poot at pagbabanta sa mga sumakop sa
ating bansa.
i. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- tulang pag-ibig sa bayan
j. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog- Ito ay isang panawagan sa kanyang mga kababayan
upang buksan ang isip at hanapin ang katwiran.
k. Decalogo ng Katipunan- isinulat ni Andres Bonifacio upang maging kautusan ng mga
kasapi sa katipunan ngunit dahil sa pagbibigay at paggalang niya kay Jacinto ay itinabi na
niya ang kartilyang ito.

A. Emilio Jacinto
Si Emilio Jacinto y Dizon (Disyembre 15, 1875 - Abril 16,
1899), ay isang Heneral ng Pilipinas sa panahon ng
Rebolusyong Pilipino. Isa siya sa mga pinakamataas na
opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas na
opisyal ng rebolusyonaryong lipunan ng Kataas-taasan,
Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas
kilala sa tawag na Katipunan. Siya ay inihalal na Kalihim ng
Estado para sa Haring Bayang Katagalugan, isang
rebolusyonaryong gubyerno na itinatag noong sumiklab ang
mga labanan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa kasaysayan ng
Pilipinas bilang Utak ng Katipunan habang ang ilan ay nakikipaglaban na dapat siyang
makilala bilang "Utak ng Rebolusyon" (isang pamagat na ibinigay kay Apolinario
Mabini). Si Jacinto ay nasa Sigaw ng Balintawak kasama si Andres Bonifacio, ang
14

Kataas-taasang Pangulo ng Katipunan, at iba pang mga miyembro nito na nagpahiwatig


ng pagsisimula ng Rebolusyon laban sa kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa mga isla.

Mga Piling Akda ni Jacinto


a. Ang Liwanag at Dilim- ito ay kodigo ng rebolusyon Kalipunan ng mga sanaysay ni
Emilio Jacinto na may iba’t ibang paksa
b. Pahayag- ito ay isang manipesto humihikayat sa kanyang mga kababayan upang
ipaglaban ang kalayaan.
c. Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan- ito’y kartilyang naglalaman ng mga
kautusan ng mga kaanib ng Katipunan.
15

YUNIT 6
MODYUL 2

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang;


 Matukoy ang mga katangian taglay ng mga manunulat sa panahon ng paghihimagsik;
 Masuri ang mga akdang pampanitikan ayon sa kasaysayan na naisulat ng mga batikang
manunulat;
 Maipahayag ang kahalagan ng mga akda sa panahon ng himagsikan.

LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN


Daloy ng Kaalaman Apolinario Mabini

Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng


Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio
Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan,
Batangas.
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi
pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila
noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na
nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San
Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining
noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.

Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta
sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit
na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya
sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga
repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang
kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon
Mga Piling Akda ni Apolinario Mabini
d. Programa Constitutional Dele Republica Filipinas-palatuntunang pangsaligang batas
ng Pilipinas
e. El Simil de Alejandro- Ito ay tumutuligsa sa pamahalaang Amerikano at nagbibigay diin
sa karapatang ng tao
f. El Desarollo Caida Dela Republica Filipina- naglalaman ito ng mga paliwanag tungkol
16
sa pagtaas at pagbagsak ng Republikang Filipino
g. El Verdadero Decalogo- ito ay isang kathang naglalarawan ng tagapagpalaganap ng
pagkamakabayan o nasyonalismong Pilipino

D. Jose V. Palma
Si Jose Palma ay isang makata at sundalo na naging
tanyag sa pagsulat niya ng “Filipinas,” na siyáng
naging titik sa wikang Español ng Pambansang Awit.
Noong 1894 ay sumapi siyá sa Katipunan, at
noong1899 ay sumanib sa hukbo laban sa mga
Americano na pinamumunuan ni Col. Rosendo
Simon. Nakasáma siyá sa mga labanán sa Angeles,
Pampanga at Bambang, Tarlac sa ilalim ni Col.
Servillano Aquino. Hindi pinayagan ng kaniyang
mahinàng kalusugan ang paglahok sa iba pang
labanan, at nanatili na lámang siyá sa mga kampo.

Sumali siyá sa La Independencia, ang pahayagang itinayô ni Antonio Luna. Dito


nalathala ang tula niyang”Filipinas” na siyáng inilapat sa musika ng ”Marcha Nacional
Filipina” ni Julian Felipe.
Nagkaroon siyá ng pitak na ”Vida Manileña” sa pahayagang El Renacimiento sa panahon
ng Americano. Ang kaniyang mga tula at artikulo ay lumabas sa mga pahayagang El
Comercio, La Moda Filipina, La Patria, La Union, at Revista Catolica. Kapatid siyá ni
Rafael Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng Filipinas. Nang pumanaw si Jose,
ipinalimbag ni Rafael bilang isang aklat ang mga naiwan nitóng tula na
pinamagatang Melancolicas.
Isinilang siyá noong 3 Hunyo 1876 sa Tondo, Maynila kina Hermogenes Palma at Hilaria
Velasquez. Nag-aral siyá sa Ateneo Municipal de Manila at doon siyá nahasa sa
pagsusulat. Natigil ang kaniyang pag-aaral nang sumanib siyá sa Katipunan. Pumanaw
siyá noong 12 Pebrero 1903 sa sakit na tuberkolosis.

Mga Piling Akda ni Jose V. Palma


h. Melancholias( Mga Panimdim)- pamagat ng aklat na pinagtipunan ng mga tula
i. De Mi Jardin- ito ay isang tulang nagpapahiwatig ng pangungulila sa kanyang minamahal
j. Himno Nacional Filipina(Pambansang Awit ng Pilipinas) Pinakadakila niyang ambag sa
ating panitikan at nilapatan ito ng musika ni Julian Felipe
17

Yunit 7
PANAHON NG AMERIKANO

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang:


1. Masusing mabatid ang kahalagahan at kalagayan ng panitikan sa panahon ng
Amerikano;
2. Matukoy ang mga kaganapan na nagpabago sa katayuan ng Pilipinas sa
pagdating ng mananakop;
3. Maibahagi ang natatanging ambag at katangian ng mga mananakop sa Pilipinas.

TUKLASIN PANITIKAN NATIN

Sa mahigit isang siglo, litaw ang malaking papel na ginagampanan ng wikang


Ingles sa kasaysayan hindi lamang sa panitikan kundi maging sa linggwistiko ng
Pilipinas. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Maynila noong 1898, kaagad
silang bumuo ng mga paaralan kung saan nagsilbing unang guro ang mga
sundalong Amerikano at Ingles ang naging midyum ng pagtuturo.
Katulad ng mabilis na paglaganap ng panitikan sa Pilipinas ang paglaganap
ng edukasyon dito. Kapansin-pansin na ito ang isa sa pinakamalaking ambag ng
mga mananakop bukod sa panitikan. Ngunit sa kabanatang ito tatalakayin ang
panitikan na naganap sa panahon ng Amerikano at ang kaganapan ng kanilang
edukasyon.

LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN

Daloy ng Kaalaman

Sitwasyon at Salik sa Pag-iral ng Wikang Ingles sa Pilipinas

Mababakas sa takbo ng kasaysayang pangwika ng bansa ang nagtatalabang


posisyon ng wikang pambansa (Tagalog-Pilipino-Filipino) at ng wikang Ingles,
kasama pa ang maraming wikang bernakular.

Ipinunla ng karanasang kolonyal sa mga


Amerikano ang pamamayagpag ng wikang
Ingles sa bansa. Sa ganap na
pagsasakatuparan na baguhin ang buhay at
18
kultura ng mga Pilipino ayon sa bisyong
Amerikanong ―Mapagkandiling Asimilasyon‖,
ginamit ang edukasyon /paaralan bilang
institusyong tagapamayapa, kadikit ang Ingles bilang wikang panturo para sa
nilalayong pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa katunayan, ng mapasok ang Maynila
noong Mayo 1898, kaagad na ipinasimulan ang paaralan sa Corrigidor kasabay
ang anim pang mga paaralan, kung saan nagturo ang mga Amerikanong sundalo
gamit ang wikang Ingles. Pagsapit ng 1901, dumating sa Pilipinas ang 1,074 na
gurong Amerikano mula sa 47 estado na nakapagkamit ng kanilang degree mula
sa 192 institusyong akademiko sa Estados Unidos. Bagama‘t 509 lamang sa ito
ang lulan ng US Transport Tomas, kolektibong kinilala ang lahat ng mga gurong
Amerikano bilang Tomasites.

Sa orihinal na kautusan ng Pangulo ng Estados Unidos William Mckinley


noong ika-16 ng Abril 1899, sa Ikalawang Komisyon sa Pilipinas, isinasaad ang
paggamit sa wika ng mamamayan, pagtuturo sa Kapuluan. Subalit, iba ang
nilaman ng kaniyang inisyung liham noong ika-7 ng Abril 1900, itinakda ang
Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng publikong Edukasyon sa
Pilipinas (Bernardo 29). Pinagtibay pa ito noong ika-21 ng Enero 1901 sa
pamamagitan ng Komisyon Act no. 74 o ―Education Bill‖, na lumilikha sa
Department of Public Instruction na siya namang pormal na naglatag sa
paggamit ng wikang Ingles bilang tanging wika ng pagtuturo sa pang-madlang
paaralan. Nanatili ang ganitong probisyon hanggang noong ika-5 ng Disyembre
1939(Sibayan 222). Sa kabila ng mga naging pagtatasa sa publikong edukasyon
sa Pilipinas noon pang 1904, 1913, 1924 (Saleeby), at 1925 (Monroe) na
nagsasaad ng suliranin sa pagkatuto gamit ang wikang Ingles (Bernardo 30).

Dahil nakadisenyo sa sosyo-pulitika


ekonomiko ang pag-aaral at
pagpapahalaga sa Ingles at kulturang
Amerikano, mababanaag ang pagsusulong
ng impuwensyang banyaga sa iba‘t ibang
larangan gaya ng edukasyon,
pamahalaan, negosyo at komersiyo,
Larawan mula sa google.com midya, agham at teknolohiya, at
propesyon. Sa pagtatampok sa Ingles bilang wikang panturo, natural na
magsilbing kagamitang pampagtuturo ang ma lathalang mula sa Estados Unidos.
Gayunman, hindi lamang wikang Ingles ang tangan ng mga kagamitang ito kundi
maging ang mga imaheng magpupunla ng pag-aasam na umayon sa kultura ng
mananakop. Pangunahin dito ang The Baldwin Primer ni May Kirk noong 1899
na kinatatampukan ng mga halimbawang materyal, gaya ng ―apple‖, na hiwalay
sa kamalayan ng mga batang Pilipino.

Sa pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas matapos ang Ikalawang


Digmaang Pandaigdig, ang simulain sa wika na ipinatupad ng mga Hapones ay
muling napangibabawan ng pagpapanumbalik sa patakarang Ingles. Sa kabila
nito, nagpatuloy ang mga Pilipino sa paggigiit ng karapatan sa paggamit ng wika,
patikular ang pagtataguyod sa mga lokal na wika noong dekada ‘40 at ‘50
(Bernardo 30). Kaya naman sa mga dekada ‘60 at ‘70, ang makabayang protesta
ay hindi lamang nailunsad sa lansangan kundi maging sa akademya. Tinagurian
ni Renato Constantino (6) na misedukasyon ng mga Pilipino ang umiiral na
pamamayani ng Ingles sa mga paaralan na tiyakang pagsusulong ang Agenda
19
kolonyal at Imperyalista ng mga Amerikano, susog dito nakita ang bisa ng
paggamit ng Pilipino sa pag-unawa sa kamalayan, kultura, at lipunan. Patikular
na tumugon dito ang 3 nasyonalistang iskolar na maituturing na mohon ng
kilusan ―Pilipinisasyon ng Agham Panlipunan‖- si Dr. Virgilio G. Enriquez para sa
Sikolohiyang Pilipino, si Dr. Zeus A. Salazar para sa Pantayong Pananaw, at si
Dr. Prospero R. Covar para sa Pilipinolohiya (Rodriguez-Tatel 2).

Sa pagbagsak ng rehimeng Marcos noong 1986 at sa muling


pagpapanumbalik ng demokrasya sa panunungkulan ni Pangulong Corazon C.
Aquino, kasabay nito ang muling paglatag ng panibagong planong panlipunan,
kasama na ang pagpaplano sa wika. Naitakda ang Konstitusyong 1987, Artikulo
XIV ang sumusunod:

Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samanatalang


nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Alinsunod sa mga tadhana
ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod
at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wikang panturo sa sistemang pang-edukasyon.

Bagaman ito ang naging hakbangin ng Pilipinas nananatili pa rin na ang


Ingles ang tinagurian bilang ―unibersal na wika‖ at ―wika sa anumang
panahon‖, sapagkat ito ang kauna-unahang wika sa kasaysayang linggwistiko ng
daigdig na nakapagbuo ng kontak sa bawat pamilya ng wika (Kachru 19) at
bunsod ng kaalamang ito lumutang ang maraming Pilipinong higit na mas
lumawak ang kaalaman patungkol sa wika at sa iba‘t ibang salik ng lipunan.

Panitikan sa Panahon ng Amerikano

Para sa mga manunulat na Pilipino, ang pinakamahalagang naganap ay


nakakawala sila sa galamay ng kaisa-isang paksang maari nilang talakayin sa
panahon ng Kastila at ito ay ang pagpuri‘t pagbibigay- karangalan sa kanilang
relihiyong Kristiyanismo.

Kahit na nga sila‘y ginapusan ng bagong panginoon ng mahigpit na tanikala


ng batas ng sedisyon. Makakasulat sila ng tungkol sa kahit na ano, lalo na ang
tungkol sa pang-aabuso‘t pananampalasan ng kanilang mga dating panginoon,
ang mga Kastila.

Sa ilalim ng batas sedisyon ay hindi sila maaaring magsulat nang lantaran ni


sa paraang pahiwatig ng kahit na anong makapagpapaalab sa damdaming
makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa
mga Amerikano, laban sa kanilang mga pagmamalabis laban sa kanilang mga
layunin na hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino.

Mahahati ang panahong 1901 -1942 sa tatlo: (a) Panahon ng Paghahangad ng


Kalayaan; (b) Panahon ng Romantisismo sa Panitikan (c) Panahon ng
Malasariling Pamahalaan.
20

A. Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan

Sa tanglaw ng kasaysayan ay higit ngayo‘ng maliwanag ang pagsususri sa


mga naganap nang panahong iyon. Nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino
subalit katakatakang may malaking balakid na humadlang sa pagsupling ng
panitikang makabayan. Unang- una, dapat ang uri ng panitikan sa panahong
iyon ay nakukulayan ng nasyonalismo: pagmamahal sa bayan, sariling
kalinangan, panitikan at wika.

Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang


kanilang mga ―paghihimagsik‖ tulad ng masaksihan sa Tanikalang Ginto ni
Juan
K. Abad at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino.

Subalit dahil nga sa batas ng sedisyon at dahil sa pangangalaga ng mga


Amerikano sa sarili nating kapakanan at sa katuparan ng kanilang mga
makasariling layunin, naiba ang takbo ng panitikan.

B. Ang Romantisismo sa Panitikan

Naging isang mabisang kasangkapan ng mga Amerikano ang


pagpapalaganap ng romantisismo sa kanilang lahatan at mabilisang pagbabago
sa katutubong kamalayang Pilipino. Ito ang uring nahihimig sa Romantisismo ng
Kanluran--- lubhang emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang
sumusumang sa hindi kakayahang abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan
at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o
guniguni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili.

Masasabing bagaman dinampot ng panitikang Pilipino ang romantisismong


banyaga ay hindi naman lubus-lubusan. Isang katangian ng manunulat na
Pilipino ang kakayahang ihalo ang ‗hiniram‘ na katulad ng romantisismo sa
pansariling elemento na angkop lamang sa kulturang Pilipino.

Talakayin natin ang mga katangiang romantiko na napaloob sa mga


pampanitikang sulatin noon.

Unang- una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksa, ang pag-
ibig. Sa tuwi- tuwina, binibihisan lamang ng iba‘t ibang anyo‘t kulay, ito‘y tungkol
sap ag-iibigan ng isang mahirap at isang mayaman.

Ang ganitong kalakaran ng paksa ay malinaw na mababakas sa mga


kuwentong lumitaw sa Mga Kuwentong Ginto: Katipunan ng Pinakamahusay na
Katha Mula sa 1925- 1935. Ito‘y tinipon at ipinalagay na pinakamahusay nina
Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla.

Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong


buhat sa mga lalawigan, lalo na sa malalayong nayon. Sa isang tagalunsod na
mambabasa, ito‘y tila ba isang pagganyak na iwan ang buhay na iyon at lasapin
ang sarap ng buhay sa piling ng mga bukiring namamango sa hinog na play at
kalabaw sa ilalim ng punong mangga: ngangasab- ngasab at kontentong-
kontento.
21

Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga


katangaian o iyong tinatawag na mga romantikong bayani.

Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng


aral batay sa mga ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwina‘y
ikinikintal sa isipan na ang masama‘y pinarurusahan at ang mabuti‘y
tumatanggap ng karampatang gantimpala.

C. Mga Samahan ng mga Manunulat

Mahahati ang panahong ito batay sa mga itinatag na mga samahan ng mga
manunulat noon. Ang Aklatang- Bayan (1900- 1921), at Ilaw at Panitik (1922-
1934).

1. Panahon ng Aklatang Bayan (1900- 1921)

Ang Pasingaw at Dagli

Sang-ayon kay Lope K. Santos, ang maikling kathang Tagalog ay matutuntong


na nagsupling sa anyo ng panitikang tinatawag na Pasingaw. Ito‘y kadalasang

tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o


pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa pag-uugali o
sa hitsura. Kaya ang kadalasang nagsusulat nito ay mga lalaking manunulat na
nagkukubli sa ilalim ng mga sagisag dahil na rin sa ―kaselanan‖ ng mga paksang
tinatalakay.

Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan , ang


dagli ay isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at
nanunuligsa.

Ang Tula sa Panahon ng Aklatang Bayan

Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito


ng Aklatang- Bayan.Masasabi pa nga na sa lahat
ng panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig
nang ganap ang romantisismo.

Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang


Larawan mula sa google.com produkto ng kaniyang panahon. Sa kaniyang
mga isinulat na hindi nasunog at sumapit sa kamay ng mga sumunod na
henerasyon ay ganap na mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang
panahon.
22

Ang mga Manunulat ng Tula ng Panahon:

Jose Corazon de Jesus- ang ―Makata ng


Puso‖ ang siyang higit sa kaninoman ay
nakamana ng korona‘t setro, ng pinsel at papel
ni Francisco Baltazar. Hindi kailanman magiging
ganap ang anumang pagsusuri ng tulang Pilipino
sa kahit anong panahon kung hindi babanggitin
Larawan mula sa google.com ang pangalan ni Huseng Batute, ang ―Makata
ng Puso‖.

Lope K. Santos - ang ―Makata ng Buhay‖ sa


kaniyang mga tula, mababakas ang
pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa
mga bagay- bagay sa buhay, lalong- lalo na iyong nauukol sa pangkalahatang
bagay sa paligid. Dalubhasa ang panulat ni Lope K. Santo sa paglalarawan ng
kahit na itinuturing na walang kuwenta at ‗di pansing mga bagay. Hindi rin
lumihis si Lope sa kalakaran ng pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya
ng mga
kuwentong tula na hango sa mga katutubng
salawikain

Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa


sa kalagayang panlipunan ng kaniyang
paligid. Taong 1913 nang kanyang paksain
ang tungkol sa maselan na temang nauukol
sa lipunang Feudal. Sumulat din siya ng mga
nauukol sa pagmamahal sa bayan.
Larawan mula sa google.com
Iñigo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa
ring kuwentista, nobelista at mamahayag
ngunit ang buong linamnam at tamis ng
kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula
malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga
Larawan mula sa google.com
tula ang buhay sa daigdig, ang mga bagay-
bagay sa kapaligiran at ang mga di
mapapasubaliang katotohan ng buhay.

Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at


mahigpit niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan.

Julian Cruz Balmaceda (1885- 1947)- kilalang


mandudula, mananalaysay, nobelista,
mananaliksik ng wika at makata. Siya ay naging
patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa
23
hanggang sa mamatay sa taong 1947.

Nobela

Inilalahad sa nobela o kathambuhay ang kawili- kawili na mga pangyayari sa


buhay ng mga tauhan. Ang mga kawili- kawili na pangyayaring ito ang siyang
bumubuo naman ng isang tiyak na pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman
sa isang tiyak na balangkas. Ang pinaka-pangunahing sangkap ay ang
mahigpitang pagtutunggali ng mga hangarin ng pangunahing tauhan at ng iba
pang mga tauhang may iba naming hangarin ng pangunahing tauhan at ng iba
pang mg atauhang may iba naming hangarin.

Masasabing ang nobela ay unang ganap na nakakita ng liwanag sa


pagsisimula ng panahon ng Aklatang- Bayan, 1900. Sa loob ng panahong ito na
sumasakop sa loob ng dalawampung taon, mahigit na limampung nobela ang
nasulat at halos lahat ng ito ay orihinal ng may-akda at hindi hango sa mga
kathambuhay na Ingles at Kastila.

Ang Dula at Dulaan

Ang una‘y paghihimagsik sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Kastila. Ito ang


uri ng pinakamakabayang hangad ng mga Amerikano. Ang labis nilang
ipinagbawal sabihin pa ay ang paghihimagsik sa pamamagitan ng panulat laban
sa pamahalaang Amerikano.

Mga Manunulat ng Dula

Severino Reyes (1861- 1942)- Taong


1902 nang simulan niyang mag-ukol ng
panahon para sa pagsulat at
pagpapaunlad ng dulang Tagalog. Para
sa kaniya, ang moro- moro o comedia ay
walang idinudulot na anomang
kapakinabangan sa mga manonood
kaya‘t pinagsikapan niyang ito‘y palitan
Larawan mula sa google.com ng inaakala niyang higit na
mapagkukunan ng aral at karikitan ng
sambayanang manonood. Mula nang pasukin niya ang makabagong uri ng
dulang tagalog, ang sarsuwela, wala nang dulang nakahigit sa kaniya. Siya ang
may-akda ng pamosong Walang Sugat.

Patricio Mariano ( 1877- 1935)- Siya ay nakapag-ambag na sa iba‘t ibang


larangan ng panitikang Pilipino. Siya‘y kinikilala hindi lamang sa pagsusulat ng
dula kundi gayon din sa pagiging isang batikang makata, mamamahayag,
nobelista at tagapagsalin ng mga sulatin mula sa wikang Kastila.

Iba’t ibang Uri ng Dulang Pagtatalo

Balagtasan- isang patulang pagtatalo o debate na higit na nakilala sa


pagtangkilik ng dakilang Sinse ng Panginay na si Francisco ―Balagtas‖ Baltazar.
Ang kaunaunahang balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres
24
noong 1924. Ang mga nakipag tagisan ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus
at Florentino Collantes.

Balagtasan- Balitaw- isang anyo ng dulang Cebuano na pinagsanib ang duplo


at balitaw. May mga pagkakataong ang banghay ng pagliligawan sa balitaw ay
nagiging sanligan ng pagtatalo sa isang paksang hindi romantiko.

Batutian- isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarian ng


isang dula na pinangalanan sa makatang si Jose Corazon de Jesus na higit na
kilala sa sagisag panulat na Huseng Batute.

Bukanegan- isang mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa pangalang


Pedro Bukaneg na itinuturing na ―Ama ng Panulaang Ilocano.‖ Kahawig ito ng
Balagtasan at Batutian ng mga Tagalog.

Crissotan- isang mimetikong pagtatalong patulang buhat sa pangalang


Crisostomo Sotto, ang Ama ng Panulaang Pampango. Isa itong pagtatalong
kahawig ng Balagtasan at Batutian ng mga Tagalog at Bukanegan ng mga
Ilokano.

Panahon ng Ilaw at Panitik

Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay nagsimula sa paglitaw ng magsaing


Liwayway noong 1922. Ito‘y nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga
unang taon nito.

Maliwanag na mababakas sa mga pangyayari ang paglitaw ng magasing


Liwayway ay nagdulot ng si gaanong pampasigla sa panitikan. Hanggang sa
sumusunod na panahon ay patuloy itong nanatili sa sirkulasyon habang ang
ibang nauna o kasabay nito ay naglahong parang bula.

Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay nagwakas sa taong 1932, sa pagkakatatag ng


Panitikan, isang kapisanang itinuturing na siyang sakdalista at aristokrata ng
panulatang Pilipino.

Katangian ng Pampanitkan

Tinatawag itong panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon. Sa


panahong ito, patuloy pa ring kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mga
kuwentong nauukol sa tapat at dakilang pag-ibig. Namayani pa rin ang
romantisismo bagam‘t masasabing may mga manunulat ng nagkaroon ng pag-
iisip at lakas ng loob na kabakahin ito at gumawa sila ng mga hakbang upang
maiangat ang pamantayan at pataasin ang kilatis ng mga nasusulat ng
panahong iyon.

Maikling Katha

Masasbi na ring masigla at masigabo ang pagsulat at pagtanggap ng


sambayanang Pilipino sa maikling katha bagamat patuloy ang pamamalasak ng
romantisismo. Dahil sa Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo, nagkaroon ng
pagpili sa mga akdang sa palag niya‘y pinakamagagaling na katha ng mga
buwan at taon.
25

Dahil sa siyam na taong ito ng matiyagang pagsala ni del Mundo sa inakala


niyang pinakamahusay na maikling katha, masasabing tumaas ang kilatis ng
maikling katha. Nagkaroon ng inspirasyon ang mga manunulat at naging masigla
sila. Nagkaroon sila ng matibay dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng
kanilang pagsulat at naging masigla sila. Nagkaroon sila ng matibay na dahilan
upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at palawakin ang
tema na hindi naman pawang sa pag-ibig.

Ang Tula

Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay
nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino ay nagpasigla sa mga sangay
ng panitikang Pilipino lalo na sa tula.

Ang mga Makata:

Amado V. Hernandez- ang makata ng


Manggagawa. Ang mga tula niya ay
naglalantad ng tinatawag na kamalayang
panlipunan. Tinatalakay niya sa kaniyang
mga tula ang iba‘t ibang bahagi ng
buhay: tao, makina, bayani, gagamba,
Larawan mula sa google.com langgam, panahon at pati aso.

Julian Cruz Balmaceda- Itinuturing na haligi ng panitikang Pilipino. Siya‘y isang


makata, mandudula, kuwentista,
mangangatha, dalubwika at naging
patnugot ng Surian ng Wikang
Pambansa.

Ildefonso Santos- hinangaan siya sa


kanya bilang makata ang kariktan ng
kaniyang mga pananalitang ginagamit
Larawan mula sa google.com ngunit kakambal nito ang katayugan ng
diwang ipinahayag.

Ang Nobela

Tunay na ang paglitaw ng magasing Liwayway sa panahong ito ay nagbigay


ng pagkakataon sa mga nobelista na makapaglathala ng pagyuyugto- yugto ng
kanilang mga isinulat ngunit dahil sa mga pagpiling ginawa at pagbibigay ng
gantimpala sa mga marikit na maikling katha ng taon, hindi gaanong naging
masigla ang pagtanggap sa mga nobela.

Ang Dula

Kung gaano kasigla ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga


sarsuwela noong unang taon ng mga Amerikano o sa panahon ng Aklatang-
Bayan ay siya naming panlalamig nila sa panahon ng Ilaw at Panitik. Hindi
masisi ang mga mandudula sa panahong ito sapagkat ginawa nila ang
makakaya upang mapanatili ang sigla ng mga dula. Subalit sadyang ang
26
pagbabago‘y dala ng panahon.

D. Panahon ng Malasariling Pamahalaan

Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang


pananakop ng mga Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa panahong
ito, nabigyan ng Malasariling Pamahalaan ang mga Pilipino sa pangungulo ni
Manuel Luis Quezon, na siyang tinaguriang ―Ama ng Wikang Pambansa‖. Siya
ang nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang pambansa ang Pilipinas sa
panahong ito.

Ang Maikling Katha

Taglay ng panahong ito ang tatak ng mga pampanitikang katangian ng


nagpapabukod- tango sa mga maiikling kathang nasulat sa panahong iyon.
Ganap nang nababakas ang tinatawag na katipian sa larangan ng paglalarawan
at ganoon din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang larawan at ganoon din sa
pagpapahayag ng nadarama. Ang mga kuwentista ay nagsimula na ring gumamit
ng mga panauhan sa kuwento.

Ang Tula

Ang panahong ito ay ay madalas na makulay at tinatawag na ―paghihimagsik


― ni Alejandro Abadilla. Sa biglang tingin, ang pinaghimagsikan‖ ni Abadilla
ay ang porma‘t hitsura ng tula lalong- lalo na ang kaanyuang nagtataglay ng
―sukat at tugma‖ subalit panahon at kasaysayan ang nagpabulaan dito.
Winasak niya ang matibay at makipot na bakod na kinapapalooban ng
magandang panulaan. Nilagot niya ang matibay na kadenang sumasakal sa
kalayaan ng pagpapahayag ng masalamisim na guniguni. Ang tula‘y nagkaroon
ng bagong hugis, ng bagong anyo; tila rumaragasang tubig na tumatalunton sa
mga bundok at kapatagan at ang ibinunga‘y magkahalong katuwaan at pag-
aagam- agam sa sambayanang mahilig tumula.

Ang Dula

Bunga ng mga kadahilan ang hindi naiwasan, nanlupaypay ang anyong ito ng
panitikan ng mga sumunod na taon. Nauso ang bodabil sa stage shows at halos
ay nawalan ng pagkakataon ang pagtatanghal ng dula. Dumating ang mga
pelikulang galing sa Amerika at ganap na narahuyo ang mga tao sa panonood
ng mga ito sa halip na dula.

Ang Nobela

Katulad din ng dula, kung ano ang sigabo at siglang ipinamalas ng mga
nobelista sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ay ganoon sin
ang panlulupaypay at halos paglalaho nito nang sumunod na panahon.
27

Yunit 7
MODYUL 2

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang:


1. Maipakita ang katangian ng diwang nakapaloob sa bawat akda ng mga manunulat sa
panahong ito;
2. Makilala ang mga batikang manunulat sa panahon ng Amerikano;
3. Nasasabi ang mga katangian ng mga manunulat bilang isang pagsusuri sa kanilang
natatanging mga akda.

TUKLASIN PANITIKAN NATIN

Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging mahalaga sa


mga manunulat na Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat
ng talagang nais nilang isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal na
nakulong, nang bigyan ng layang lumipad ay nasiyahan na muna sa palipad-
lipad sa labas ng hawla at hindi makapangahas lumipad sa malayo.
Tunay na ang panitikan ang nagbigay buhay sa mga Pilipino noon upang
maihayag ang kanilang nainisin at saloobin, ito rin ang nagsilbing tulay upang
lalong umusbong ang hangarin ng bawat isa na magkaroon ng mas malayang
pagpapahayag, sapagkat sa panitikan mas nabubuksan ang kaisipan ng mga
mamamayang Pilipino sa tunay na naisin ng ating bansa kahit ito ay
pansamantala pa lamang.
28

LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN

Daloy ng Kaalaman

Mga Manunulat sa Panahon ng


Amerikano

Jose Garcia Villa (5 Agosto 1908–7


Pebrero 1997)
Kinilalang Pambansang Alagad ng Sining
para sa Panitikan noong 1973 si Jose
Garcia Villa (Ho·sé Garsí·ya Víl·ya). Isa
siyang makata, mangangatha, kritiko, at
Larawan mula sa google.com kabílang sa unang henerasyon ng mga
Filipinong manunulat sa wikang Ingles.
Kilala sa sagisag panulat na Doveglion, nagpakilala si Villa ng mga bagong
pamamaraan sa pagtula. Napatanyag ang tinaguriang tulang kuwit o mga tulang
ginagamitan ng bantas ng kuwit sa pagitan ng bawat salita. Nakilala rin ang kaniyang
mga tulang may reversed consonance rime scheme. Ang mga pagbabagong ito ay
makikita sa mga aklat ng tula niyang Have Come, Am Here (New York, 1942) at Volume
Two (New York, 1949).
Ngunit mag-aaral pa lámang ay kontrobersiyal na siya. Ang ―Man Songs‖
(1929), isang serye ng mga tulang erotiko, na nailathala sa UP Collegian at
Philippines Herald ay agad na naging kontrobersiyal. Dahil sa pagbásang malaswa ang
mga tula, nasuspinde siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtungo siya sa Estados
Unidos at doon nagsimulang makilala. Naisáma ang kaniyang ―Untitled Story‖ (1932)
sa antolohiya ni Edward J. O‘Brien. Paguwi sa Filipinas, naging kontrobersiyal ang
kaniyang pamimili ng tula at maikling kuwento. Ngunit maraming humanga sa kaniyang
pamumuna. Nagkamit siya ng Pro Patria Award para sa panitikan noong 1961, at
Heritage Award para sa tula at maikling kuwento noong 1962. Ginawaran siya ng
Honoris Causa ng Far Eastern University noong 1959.
Siya ay isinilang noong 5 Agosto 1908 kina Dr. Simeon Villa at Guia Garcia sa
Singalong, Maynila. Si Dr. Villa ay nagsilbi bilang Kolonel ni Hen. Emilio Aguinaldo
noong Rebolusyong 1896. Nanatili sa New York si Villa, at paminsan-minsang
bumabalik sa Filipinas para magturo o magbakasyon, hanggang sa siya ay pumanaw
noong 7 Pebrero 1997 sa ospital ng St. Vincent,
Manhattan. (RVR)
Jorge Bocobo
Si Jorge Bocobo ay isang magaling na
manunulat na Pilipino sa wikang Ingles. Siya ay
nakasulat ng maraming talumpati, artikulo at
mga aklat sa Batas. Mahusay siyang sumulat
ng sanaysay. Ang halimbawa ng mga
sanaysay na kanyang nasulat ay A Vision of
Beauty, Filipino Contact with America,
Larawan mula sa google.com
29

at College Uneducation.
Bukod sa pagiging magaling na manunulat, si Bocobo ay isa ring iginagalang na
edukador. Naging Pangulo siya ng Unibersidad ng Pilipinas at naging miyembro
ng gabinete ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Zoilo Galang
Ipinanganak si Zoilo Galang noong 27 Hunyo
1895 sa Bacolor, Pampanga. Lumaki siya sa
tangkilik ng kulturang Kastila at nagkamalay sa
ilalim ng impluwensiya ng kulturang Amerikano.
Nagtapos siya sa Pampanga High School.
Nagtrabaho siya bilang takigrapo sa Kastila at
Ingles. Nag-aral siya ng abogasya na tila hindi
Larawan mula sa google.com niya tinapos. Sa sariling pananaliksik at pag-
aaral nagmula ang marami at malawak niyang kaalaman na nakikita sa kanyang mga
akda.
Kilala si Galang sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas bilang isang
tagapagpaunang manunulat sa wikang Ingles. Siya ang sumulat ng unang nobela na
pinamagatang A Child of Sorrow (1921), unang kalipunan ng alamat at kuwentong
bayan sa Tales of the Philippines (1921), unang kalipunan ng mga sanaysay sa Life and
Success(1921) at unang kalipunan ng maiikling katha sa The Box of Ashes and Other
Stories (1924). Matatagpuan ang kanyang ilang sanaysay sa The Best Thing in the
World (1924) at Master of Destiny (1924).
Narito pa ang ilan sa kanyang mga isinulat:
1. Casaquitan at Ligaya, nobelang Kapampangan (Kahirapan at Ligaya, 1919)
2. Ing Capalaran – Ing Galal Ning Bie, nobelang Kapampangan (Ang Kapalaran –Ang
Gantimpala ng Buhay, 1923)
3. Visions of the Sower, nobela (1924)
4. Capatac a Lua, nobelang Kapampangan (Isang Patak ng Luha, 1925)
5. Nadia, nobela (1929)
6. Springtime, nobela (1929)
7. Flower of Civilization, nobela (1950)
8. PPI Versus John Doe, nobela (1950)
9. For Dreams Must Die, nobela (1950)
10. Inspiration and Other Stories, maiikling katha (1957)
11. From Darkness to Light, maiikling katha (1957)
Isa rin siya sa mga nagsikap na maipalimbag ang 20 tomo ng encyclopedia tungkol sa
Pilipinas noong 1957 na muntik nang hindi mangyari dahil sa pagkasunog ng manuskrito
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naging abala rin si Galang sa pagsulat ng
kasaysayan at mga babasahin para sa mag-aaral ng mababang paaralan, gaya
ng Leaders of the Philippines (1932), Important Characters in Philippine
History (1939), Mario and Minda (1940), Hero of Tirad Pass and Others(1949), Mr.
Perez, Teacher (1950) at Home, School and Community (1950).
30

N.V.M. Gonzáles (8 Setyembre 1915–28


Nobyembre 1999). Si Nestor Vicente Madali
Gonzales o mas kilalangN.V.M Gonzáles ay isa
sa mga pinagpipitaganang prolipikong awtor ng
panitikan sa wikang Ingles, propesor, at
peryodista. Iginawad sa kaniya ang
Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan
noong 1993. Ang kaniyang mga akdang nobela,
Larawan mula sa google.com maikling kuwento, at sanaysay ay
naghayag,
sumalamin, at nag-ambag sa paghubog ng kultura at sensibilidad ng ating bansa sa
paraang hindi madali dahil sa hiniram na dayuhang wika ang kaniyang naging
kasangkapan at sa dekalibreng estilo ng prosa na bihira at kaniya lámang.
Ang kaniyang mga nailimbag na pamana sa bayan ay ang mga nobela: The Winds
of April (1941); The Bamboo Dancers (1957); A Season of Grace (1974); mga kalipunan
ng maikling kuwento: Seven Hills Away (1947); Children of the Ash-Covered Loam and
Other Stories (1954); Look, Stranger, on this Island Now (1963);Selected
Stories (1964); Mindoro and Beyond: Twenty-One Stories(1989);Bread of Saltand Other
Stories (1993); at mga sanaysay: Work on the Mountain (1991); at The Novel of Justice:
Selected Essays (1996). Itinanghal niya ang saysay at salaysay ng kaniyang Mindoro,
ang migrante sa kaniyang pakikipagsapalaran at sakripisyo, at ang pangarap-
pagpupunyagi at pag-asa sa kalikasan ng ikid ng pagsilang at pagpanaw.
Kinilala ang kaniyang galíng sa maraming parangal gaya ng Commonwealth Literary
Award (1941); Re- public Award of Merit para sa Literatura (1954); Republic Cultural
Heritage Award (1960); Jose Rizal Pro Patria Award (1961); Gawad Sentrong
Pangkultura ng Pilipinas para sa Sining sa Literatura (1990); Gawad Pambansang
Alagad ni Balagtas ng UMPIL (1991); at Gawad Diwa ng Lahi ng Lungsod Maynila
(1996).
Isinilang siyá sa Romblon, Romblon noong 8 Setyembre 1915. Ang kaniyang amang
si Vicente Gonzales ay superbisor ng paaralan at ang ina niyang si Pastora Madali ay
guro. Napangasawa niya si Narita Manuel at mayapat siláng supling, sina Nestor Ibarra,
Selma, Michael at Lakshmi. Nag-aral siya sa Mindoro mula 1927 hanggang 1930, at sa
National University noong 1933, ngunit hindi siyá nagkaroon ng digri sa kolehiyo.
Gayunman, nagawa niyang makapagturo sa Unibersidad ngSantoTomas,Philippine
Women‘s University,at sa loob ng 18 taon sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagturo din siya
sa Estados Unidos at nagkamit ng mga writing at travel grants .(RVR).
Estrella Alfon
Si Estrella Alfon ay ipinanganak sa Cebu noong
1917. Siya ay kilala bilang manunulat ng maikling
kwento, mamahayag, at playwright. Kahit siya ay
Cebuana, halos lahat ng kanyang sulat ay nasa
wikang Ingles. Hindi tulad sa kapwa niyang
manunulat sa panahon niya, hindi siya isang
intelligentsia. Siya ay nag-aral ng kolehiyo sa
kursong medicine, ngunit noong siya ay inakalang
Larawan mula sa google.com
may tuberculosis dahil sa maling pagsusuri sa
31

kanya, siya ay huminto sa pag-aaral noong nasa pre-medical education na siya at nag-
aral ng sining.
Siya ang kaisa-isahang babae na miyembro ng Veronicans, isang grupo ng mga
manunulat noong 1930s na pinanguhan nina Francisco Arcellana at H.R Ocampo.
Noong 1974 at 1979, nakakuha siya ng gawad galing sa Palanca Awards.

Artúro V. Rotór (7 Hunyo 1907–9 Abril 1988)


Isa sa pangunahing kuwentista sa Ingles si Artúro
Rotór. Ngunit isa rin siyáng doktor, siyentista, at
musikero. Kilala siyáng espesyalista ng mga allergy at
isa sa mga nakatuklas sa isang sakít sa atay na
pinangalanang Rotor Syndrome, kayâ siyá ang nag-
iisang Filipinong nababanggit sa mga aklat
pangmedisina. Hábang nagbabakasyon naman sa
Larawan mula sa google.com
kabundukan ng Caraballo, nadeskubre ni Rotor ang
isang species ng orkidya na ipinangalan sa kanya, ang vanda merrillii, var. Rotorii.
Isinilang si Rotor sa Sampaloc, Maynila noong 7 Hunyo1907 at anak ng mag-asawang
guro. Hábang nása ikaapat na taon sa sekundarya, sa gulang na 18, nailimbag ni Rotor
ang kaniyang unang maikling kuwento na―The Great Leveller‖ at nagwagi ng
ikatlong gantimpala sa isang paligsahan ng pagsulat ng maikling kuwento. Halos
pinagsabay- sabay ni Rotor ang pag-aaral niyá ng medisina sa UP School of Medicine at
musika sa UP Conservatory of Music, pag-aaral ng pagsulat ng maikling kuwento sa
ilalim ni Paz Marquez-Benitez, pagtuturo ng piyano, pagiging miyembro ng UP Writers‘
Club, at pagiging patnugot ng magasing Herald. Nakilála si Rotor sa mga maikling
kuwentong naisulat mula 1934 hanggang 1937.
Itinuturing siyáng isa sa pinakamahusay na manunulat sa wikang Ingles sa panahon
ng Commonwealth at mahusay na modelo sa paggamit ng teknik na the fifth act sa
pagkukuwento. Naging koleksiyong The Wound and the Scar (1937) ang mga kuwento
niyá. Inilathala din niyá ang The Men Who Play God (1983) at Confidentially,
Doctor (1965).
Ipinagpatuloy ni Rotor ang espesyalisasyon sa medisina sa Hopkins Memorial
Hospital, USA. Nagturo siyá sa UP College of Medicine at naging direktor ng
Postgraduate School of Medicine sa Philippine General Hospital hanggang sa kaniyang
pagreretiro noong 1961. Naglingkod din siyá bilang kalihim tagapagpaganap kay
Pangulong Manuel Quezon at naging bahagi ng puwersa ni Heneral Douglas MacArthur
na dumaong sa Leyte noong 1944. Naglingkod siyá sa pagbibigay ng mga serbisyong
medikal sa Leyte at Samar. Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong 1966,
ginawaran si Rotor ng Republic Cultural Heritage Award for Literature in English. (JGP)

Lazaro Francisco (22 Pebrero 1898–17 Hunyo


1980)
Si Lazaro Francisco (Lá·za·ró Fran·sís·ko) ay isang
bantog na nobelista ng ika-20 siglo. Siyá ang
tagapagtatag ng Kapatiran ng mga Alagad ng
Wikang Pilipino (KAWIKA). Pinarangalan siya ng
Republic Cultural Heritage Award for Literature

Larawan mula sa google.com


32

noong 1970 at hinirang na Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2009.


Isinilang siyá noong 22 Pebrero 1898 sa Orani, Bataan kina Eulogio Francisco at Clara
Angeles. Sinubok ng pamilya ang kanilang kapalaran sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
Nagaral siyá sa Central Luzon Agricultural School. Kumuha siyá ng kurso sa Ingles at
bookkeeping. Naging trabahador at kalaunan ay naging klerk siyá sa provincial
treasurer‘s office. Nang maipasá ang civil service examination, naging provincial
assessor siyá hanggang 1963. Noong 1958, itinatag niya ang Kapatiran ng mga Alagad
ng Wikang Pilipino (KAWIKA), isang samahang naglalayon ng pagpapaunlad ng wikang
pambansa.
Nakasulat siyá ng 12 nobela, pitóng maikling kuwento, at isang sanaysay na
nalathala sa mga popular na babasahíng gaya ng Liwayway. Nagkamit ng mga
karangalan ang kaniyang unang nobeleta, Binhi at Bunga (1925), ang nobeletang Cesar
(1926), at ang maikling kuwentong Deo (1926). Ang kaniyang mga akdang Ama (1927),
Sa Paanan ng Krus (1933), Pamana ng Pulubi (1936), Bago Lumubog ang Araw (1938),
at Singsing na Pangkasal (1940) ay isinalin sa iba‘t ibang wika ng bansa at ginawan ng
dula at pelikula. Ilan pa sa mga nobela niya ay Ilaw sa Hilaga, Bayang Nagpapatiwakal,
Sugat ng Alaala, Maganda Pa ang Daigdig, at Daluyong.
Nakatanggap siya ng gintong medalya mula sa Ilaw at Panitik para sa kaniyang Sa
Paanan ng Krus, pinakamataas na karangalan para sa nobela para sa kaniyang
Singsing na Pangkasal sa Commonwealth Literary Awards noong 1940, Ilaw sa Hilaga
bílang pinakamahusay na nobela sa unang limang taón ng Republika mula 1947–1950
mula sa Kapisanang Panitik ng Kababaihan, gintong medalya para sa kaniyang Sugat
ng Alaala mula sa Kalipunang Pambansa ng mga Alagad ng Sining noong 1951,
Balagtas Award noong 1969, Republic Cultural Heritage Award noong 1970, at
Patnubay ng Sining at Kalinangan Award mula sa Lungsod ng Maynila noong 1975.
Yumao siyá noong 17 Hunyo 1980. (KLL)

Zulueta Acosta
Si Zulueta Acosta ay isang sikat na manunulat sa Pilipinas. Nagkamit siya ng Unang
Gantimpala sa Commonwealth Literary Contest noong 1940 dahil sa kanyang
tulang Like the Molave.
Ilang Kilalang mga Akda sa Panahon ng Amerikano

Isang Dipang Langit


Amado V. Hernandez

Ako‘y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko‘y
piitin,
katawang marupok, aniya‘y pagsuko,
damdami‘y supil na‘t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:


bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


33

ay sandipang langit na puno ng luha,


maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi‘t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki‘y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo‘y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa‘y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi‘y biglang magulantang


sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa‘y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –


bilangguang mandi‘y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko‘y dito mapipigtal.

Nguni‘t yaring diwa‘y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita‘y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao‘t Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya‘y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng
tagumpay… layang sasalubong ako sa
paglaya!

Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952


https://www.tagaloglang.com/tula-isang-dipang-langit/
34

Ang Bato
Jose Corazon de Jesus

I. Tapakan ng tao, sa gitna ng daan;


Kung matisad mo‘y iila-ilandang
Ngunit pagkatapos, pag ika‘y namatay,
Bato ang tatapak sa bangkay mo naman

II. Batong tuntungan mo sa


pagkadakila, Batong tungtungan ko sa
pamamayapa; Talagang ganito sa lapad
ng lupa
Ay hali-halili lamang ang kawawa

III. Balot ng putik, marumi‘t maitim


Tinapyas at, aba! Brilyanteng
maningning! Sa putik din pala ay may
bituin din
Na hinahangaan ng matang titingin

IV. Maralitang tao‘y batong itinatapon,


Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy;
Nag-aral at, aba! Noong makaahon,
Sa mahirap pala nar‘on ang marunong

V. Ang batong malaki‘y kay daling mabungkal,


Ang batong brilyante‘y hirap matagpuan,
Ubod laking tipak, mura nang matimbang.
Ga-mata ng isda‘y pagkamahal-mahal.

VI. Talagang ganito, madalas mamalas


Sa alimasag man ang malaki‘y payat;
May malaking kahoy sy sukal sa gubat,
May mumunting damo, ang ugat ay lunas.

VII. Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo


ba! Batong nasa agos, makinis, maganda,
Batong nasa gilid, bahay ng talaba,
Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.

VIII. O, batas ng buhay! Ang ayaw


kumilos, Habang tumatanda‘y lalong
nilulumot. Kapag agos ng palad, ang takot
sa agos. Malayong matutong lumangoy sa
ilog

IX. Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang


Nang makaluto ka ng kanin sa kalan
Mapurol mang gulok at kampit na batingaw,
Mapapatalim din ng batong hasaan.
35

X. Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya,


Ang talim ng isip, tabak ang kapara;
Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa,
Bukas-makalawa‘y magiging pantas ka.

XI. Kapag, nagkapingki bato mang


malamig, May talsk na apoy na
sumasagitsit;
Ang noo ng tao, kapag nagkiskis,
Apoy ng katwiran ang tumitilamsik!

XII. At saka ang bato ay may katarungan,


Taong nilulunod na bato ang pataw,
Kung taong masama‘y di na lumulutang,
Ngunit kung dakila‘y pumapaibabaw

XIII. Bato ang korona ng hari sa trono


Bato ang sabsaban na duyan
niCristo Bato ang lapida sa hukay ng
tao
Itong mundo pala'y isang dakot na bato

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://markjan-
markjan.blogspot.com/2009/05/ang-bato-ni-jose-corazon-de- jesus.html%3Fm
%3D1&ved=2ahUKEwiVmtLN7PHpAhV3yosBHTbXCO0QFjAAegQIAhAB&
usg=AOvVaw1TYtEqp9RS62vfkgB7m8ix&cshid=1591606721329

BAYAN KO
Jose Corazon De Jesus

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto‘t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda‘t dilag.

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko‘t dalita
Aking adhika,
36

Makita kang sakdal laya.

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.tagaloglang.com/tul a-
bayan-ko-my-
country/&ved=2ahUKEwiliff_7fHpAhVJJaYKHaD4CN4QFjAAegQIAhAB&usg=AOvVaw1ryn
M_tFnTTGzpDuEkyZrJ&cshid=1591607094758

Sino Ka ? Ako’y Si ?
Lope K. Santos

Hangga ngayo‘y suliranin kung saan ako mula;


kung sa bagay, may pasya na ang maraming dalubhasa,
na ako raw‘y unti-unting nabigkas ng mga dila,
nang ang Tao‘y mapilitan sa takot ay magsalita,
sa paghingi ng saklolo at tulong ng mga kapwa;
samantalang ang relihiyon, ayaw pa ring maniwala,
at bigay raw sa magkasing Ada‘t Eba ni Bathala,
bilang kawing na pang-ugnay sa kanilang puso‘t diwa;
isa pa ring walang linaw‘t hanggang ngayo‘y talinhaga,
kung sa wika ay ang isip ang lumalang at bumugta,
o ang wika ang sa isip ay luminang at may
gawa; sa totoo‘y walang isip, pag ang wika ay
nawala...

Ako’y Si Wika

Ngunit, ang di-mapupuwing na nagawa kong


himala, liping-taon‘y natubos ko sa buhay na
pamulala, hanggang siya‘y naging hari ng lahat ng
nilikha;
sa bundok ng karunungan sa palad ko tumatala
sa yaman kong bumabatis, lumalangoy ang makata;
sa tamis ko‘t kabanguhan, paraluma‘y nagsasawa;
sa tuyo‘t na pagsasama‘y panariwang dugo‘t dagta;
kasangkapan sa paglupig, kasangkapan sa paglaya...

Ako’y Si Wika

Kaya, Tao: matuto kang magmahal ng iyong wika,


ingatan mong parang gulok na may talim na magkabila;
nagagamit sa mabuti‘t nagagamit sa masama;
bumubuhay at namamatay, bumubuo‘t nagigiba.

Ako’y Si Wika

Pagmamahal sa sariling wika


Paggawa ng wika dahil ginagamit ng mga tao
Unang naging wika dahil nagpakita ng mga damdamin ng ating mga ninunong
Pilipino
Dapat alagaan dahil puwedeng gamitin sa magandang o masamang paraan
37

Simbolo ng pag-iisip
Konting putik, konting hangin,
kinipil ng kalikasan, at dinampot ng
Panahon at kung saan binitawan:
Ng sa lupa ay madikit, nagkadiwa,
nagkabuhay, lumago sa pagtubo,
nagsumupling sa kapal, buntun-buntong
lumaganap sa lawak ng daigdigan,
may lumiit, may lumaki, nangabuhay – nangamatay...
sa gitna ng nilikha, tignan niyo‘t ako‘y iyan:
libu-libo, laksa-laksa, yata-yata, angaw-angaw
na tauhang nagbibigkis ng iisang kapalaran,
iisa lang ang kaluluwa‘t iisa rin ang katawan,sa ligaya‘t sa pighati ay iisa rin ang
pangdamdam,kung mabuhay sama-sama‘t kung mamatay damay-damay...
Ngunit akong sa taguri ng makata ng Diyos daw, Amang tangi,
Inang bugtong, sintang Lupang tinubuan,

Ako’y si Bayani

Madalas din ang ngalan ko‘t puri ko‘y paglaruan


ng maraming mga tuso sa sariling kapakanan;
di iilang manananggol ang sa aki‘y umaalay;
sa harap ko‘y anong daming nagbabaya-bayanihan,
samantala kung oras na ako‘y dapat ipaglaban,
isa-isang nawawala‘t ako‘y tinatalikuran...
Ah, ang TAO! Hindi lahat ng bayani‘t mapagkakatiwalaan:
kung ang baya‘y nakikita sa panganib ng labanan,
ang bayani ay sa sugat nakikita kung matapang.

Ako’y Si Bayani

Gawa sa paghihirap
Kung walang paghihirap, hindi mapoporma ang kalakasan ng loob
Maraming bayani sa bansa at mas mabuti kung nagsasama sila
Ang pagiging bayani ay nakikita sa pagsusubok

AKO’Y SI LAYA

Sa gitna ng kabuhayan, ako‘y kamay


ni Bathalang nagbabatas ng ginhawa sa
palad ng sangnalikha; sa madilim
na piitan ng pag-asa, ako‘y diwang
tumatakas, lumilipad, hanggang langit
gumagala, sa likod ng kabundukan ng
Silangang mahiwaga, ako‘y mukhang
maliwayway ng Hari ng mga Tala,
pagkatapos na sa laho ay magdamag na pasila,
maghapunang nagsasabog sa Daigdig ng
38

biyaya; araw-gabi pangarap ng busabos


na timawa, katubusan ng bilanggo‘t
pag-asa ng bayang aba, kasintahan ng
Bayani‘t paraluman ng makata,
kayamanang ang pangtubos ay buhay na
laksa-laksa.. ngunit ako! Ibong kulong na
sa hawla‘y kumakalawa, paru-parong
dati‘y uod na sa supot nagsimula,
halimuyak ng bulaklak na unsyami‘y
nanariwa at tubig na nakatagas sa
hadlang ng isang sala...! kung minsan ay
ako na rin ang sa aki‘y sumisira!

Ako’y si Laya

Anong hirap sa sariling ang sarili‘y


mag-alaga!... sanggol akong, kung isilang
may kasamang dugo‘t luha, kaya dugo at
luha
rin ang kasama kung mawawala... Ah, ang tao!kung mahirap ang umusig sa
paglaya, mag-ingat
ng kalayaan ay hindi rin birong gawa:
ang laya ng tao‘t baya‘y kapalara‘t
ginhawa nga, dapwat‘t sa di bihasa pa‘y
isang gintong tanikala.
Mahalaga ang kalayaan para kanino man
Ito ay importante kahit mahirap o mayaman man ang isang tao
Ito ay nagbibigay ng respeto para sa ibang tao
Ito ay karapatan para sa lahat, hindi lang isang bagay para sa ibang tao lamang

AKO’Y SI DANGAL

Anong pakay ng marunong, anong nais ng mayaman,


Anong layon ng bayani‘t anong hanap ng matapang
ang iba naman ay salapi, ang iba‘y kasiyahan,
ang lahat na ang sa akin halos nagpapakamatay;
pagka‘t ako‘y gantimpala ng talino‘t kagitingan,
ako‘y yamang namamana ng sang-angkat sanlohika,
sa lipunan ako‘y tampok at panghuli sa lakaran,
upang bukod na tanghali‘t purihin ng karamihan;
ako‘y dahon at bulaklak, ginto‘t batong makikinang
na sa ulo pagkaputong ay nagiging kabantungan,
ang ngalan ko‘t halimuyak, papawirin, alingawngaw,
na kung minsan, di-magkasya na buo mang santinakpan.

Ako’y si Dangal

Ngunit, ako‘y palaging may isang kaaway,


at may isang sakdal-samang tagapayo‘t sanggunian,
39

kagitingan yan una‘t itong huli‘y kahambungan;


kapwa sila walang mithi kundi ako‘y maihapay,
ang alin man sa dalawa at talagang nangatawan,
nakikitil ang buhay ko sa sangkisapmata lamang
madalas na kahit ako‘y sa langit namuhay,
Kaya, Tao: hindi pagkat may putong kang puri‘t
dangal, maghahambog at akala‘y marangal na habang-buhay
laking hirap, sakdal-luwat mag-impok ng karangalan.

Ako’y Si Dangal

Ito ay gusto ng lahat


Ang mga taong nagiisip bago gumawa ng kani-kanilang mga desisyon ay
mayroon ito
Gusto ito ng mga mayaman pero mahirap itong kunin dahil kailangan ng
mabubuting asal
Dapat gawing pangaraw-araw; hindi paminsan-minsan lamang

AKO’Y SI TAO

Sa gitna ng kalikasa‘y sinasabing Hari ako,


bukod tanging kalarawan ng Maylikha, diumano;
anang Biblia, ako‘y likha sa loob ng paraiso,
ani Darwin, ako‘y galing sa lipi ng mag tsongo;
alinman sa dalawa ang totoo‘t di-totoo,
katutubong sa daigdig ang isip ko‘y nangungulo,
ang lakas ng aking bisig, ang ilaw ng aking noo,
ang lipad ng aking diwa‘t ang sa puso kong simbuyo‘y
nagbangon ng mga bayan, yaring Diyos ay binago,
gumawa araw-araw ng himalang libu-libo,
samanatalang ang panaho‘y nagdaan nang patakbo,
lumilipad kasabay ang nasa ko at talino...
Ngunit akong, ianak sa dampa man o palasyo,
niniyak din, hubo‘t hubad, pikit mata;y parang luno

Ako’y si Tao

Kung mamatay at malibing sa putikan o bato,


uuwi rin sa kalansay at magiging bungo‘t buto,
sa agawan ng ginhawa, parating natatalo‘y ang marami,
ang iilan ay laging nang nanalo, at kung hindi nasusugpo ang
takaw ng mga tuso kaipala‘y malaon nang nabaligtad itong mundo...
kaya, Ako! Ako‘y dapat na lumagay sa uri kong hindi hayop,
ni Bathala, ni anuman, kundi TAO:
sa wala na ako galing, wala sa patutungo.

https://docs.google.com/presentation/d/1e1SyKcaPvybgYqHFreCbo7d75w6TzZGD1f4Jm22
AwXU/htmlpresent
40

Yunit 8
PANAHON NG HAPON

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang ang mag-aaral ay:


1. Nakapagpapahayag ng sariling reaksyon sa mga pangyayari at masining na
pagtatanghal
2. Nasusuri ang mga katangian ng mga akdang namalasak sa panahon ng
Hapon
3. Naipapaliwanag ang mga nilalaman ng bawat akda
4. Naisasabuhay sa pamamagitan ng kagandahang asal
5. Nababatid ang mga katangian ng mga akda sa panahon ng Hapon;
6. Nabibigyan ng magandang kaayusan ng bawat akda pampanitikan; at,
7. Natutukoy ang mga kontribusyon o pamana sa larangan ng panitikan sa mga
bagong manunulat sa kasalukuyang panahon.
8. Nakalilikha ng sariling likhang akdang pampanitikan na umiral sa Panahon ng
Hapon.

TUKLASIN PANITIKAN NATIN

Panimula:

Tanging ang kasaysayan ang tagapagligtas ng


katotohanan at tagapaglantad ng mga
pangyayari sa isang lipunan. Ang mensaheng
ito na nais ipahatid sa ating mga ninuno nang
dumating sa Pilipinas ang Hukbong Hapon .
Sa ating mga ninuno ang ika-7 ng Disyembre,
1941 ay isang bukas na aklat sa ating
kasaysayan. Sa araw ding ito nagpahayag ng
pakikidigma ang Kongreso ng Estados Unidos sa bansang Hapon. Bilang tugon
sa pagbabantang ito, ang huli‘y nagpahayag din ng pakikipagpalitan ng putok sa
Estados Unidos at Inglatera.
Malaki ang impluwensya nagawa ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas. Hindi
lamang sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino o sa aspektong pangkabuhayan
kundi maging sa larangan ng panitikan.
Naitatanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit ang mga paksa ng mga tula
noong panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan, pag-ibig, kalikasan, buhay-
lalawigan o nayon, pananampalataya at sining? Marahil nagtataka ka kung bakit
41
‗di nagging paksa ng mga akdang pampanitikan noon ang tungkol sa
pamamahala ng mga Hapones.
Sa araling ito malalaman mo ang akdang papanitikan na sumibol sa panahong
ito, tulad ng haiku , tanaga at maikling kuwento Masasalamin ba sa uri ng
panitikang lumaganap sa panahong ito ang kultura ng ating mga ninuno?

LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN

Daloy ng Kaalaman:

Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima,


gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl
Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa
isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya‘t
sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa
karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa
larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring
ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa
panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong
Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at
itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit
ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din
ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang
Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga
Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng
kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa
pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga
makintal na maka-feministang maikling-kwento.
Mga Tula Noong Panahon ng Hapon
Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa impluwensya
ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito ang tula sa Panahon ng
Hapones . Sinasabing dahil sa kahirapan ng papel noong Panahon ng Hapones ,
lumabas ang maiikling tula na tinatawag na tanaga at haiku.
Ano ang tanaga at haiku? Ayon kina Noceda at Sanlucar , ang tanaga ay isang
anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na
guniguni at marangal na kaisipan . Mayroong itong apat na taludtod na may
sukat na binubuo ng pitong pantig ( walang antalang bugso ng tinig na pasulat
na bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan ay may tugma
at puno ng talinghaga .
42

Yunit 8
MODYUL 2

LAYUNIN

1. Nakapagpapahayag ng sariling reaksyon sa mga pangyayari at


masining na pagtatanghal
2. Nasusuri ang mga katangian ng mga akdang namalasak sa panahon ng
Hapon
3. Naipapaliwanag ang mga nilalaman ng bawat akda
4. Naisasabuhay sa pamamagitan ng kagandahang asal
5. Nababatid ang mga katangian ng mga akda sa panahon ng Hapon;
6. Nabibigyan ng magandang kaayusan ng bawat akda pampanitikan; at,
7. Natutukoy ang mga kontribusyon o pamana sa larangan ng panitikan sa mga
bagong manunulat sa kasalukuyang panahon.
8. Nakalilikha ng sariling likhang akdang pampanitikan na umiral sa
Panahon ng Hapon

LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN

Daloy ng Kaalaman

Malaki ang ipinakitang suporta ng mga Hapon sa pagdebelop ng mga Pilipino


ng kaisipang maka-Pilipino at maka-Asyano. Nagagawa ng mga kampanya na
sumusuporta sa paggamit ng Tagalog bilang pamansang wika. Ang wikang
Ingles ay tinanggal bilang opisyal na wika at ang mga
aklat o anumang nagpapakita ng suporta sa Amerika ay
sinesensor.
Napakalaki rin ng epektong idinulot ng sensurang
Hapon sa panitikan sa panahong iyon. Sa sobrang higpit
nito ay maraming mga literary periodicals ang napahinto
sa paglalathala. Dahil sa pagliit ng bilang ng mga
peryodiko ay nagkaroon ng kakulangan sa espasyo para
sa mga akdang pampanitikan sa Ingles. Taliwas naman ito
sa lubos na pagyabong ng mga akdang pampanitikang Tagalog. Mas lamang
ang mga akdang pampanitikan sa Tagalog sapagkat supotado ito ng mga
Hapon. Walang puwang sa paglalathala ang mga akdang pampanitikan sa Ingles
kung kaya‘t maraming mga manunulat sa Ingles ang lumipat sa pagsusulat sa
Tagalog para lamang makapagpalathala.
Ipinagbawal ng mga Hapon ang pagpasok ng mga Hollywood movies sa
Pilipinas. Tanging mga lumang pelikulang Ingles at Tagalog lamang ang paulit-
43
ulit na ipinapalabas. Nagpalabas din ng mga Pelikulang Hapon. Samantala ang
industriya ng pelikula sa panahong iyon ay baldado mula sa paggawa ng mga
bagong pelikula. Ang kakulangang ito ng mga pelikula ang nagbigay-daan sa
pagyabong ng Dulaang Pilipino. Ang okupasyon ito ng mga Hapon ay
nagbunsod sa masiglang panahon ng Tanghalang Pilipino.

Ang Dula sa Panahon ng Hapon

Mayroong dalawang uri ng dula ang


nadebelop sa panahong iyon, ang legitimate
at illegitimate. Ngunit ito ay batay sa pagtataya
ng mga tradisyunal. Ang legitimate plays ay
binubuo ng mga dulang susmusunod sa
kumbensyon ng pagsulat at pagtatanghal nito
samantala sa illegitimate plays naman
pabilang ang mga stageshows.
Ang paggamit sa live stageshows bilang
entertainment ng Japanese Propaganda

Corps, na binubuo ng mga sibilyan na inaatasang manipulahin ang kultura ng


mga nasasakupang bansa ng mga Hapon, ay nagging matagumpay lalo na sa
pagtagos sa kamalayan ng mga Pilipino. Kasama sa propagandang ito ang
pagtatayo ng mga Revue Companies sa bansa sa pangunguna ni Hidemi Kon ng
Japanese Propaganda Corps. Kinuha niya ang isang Italian national na si Carpi
upang mag-organisa ng isang kompanya na magtatanghal sa iba‘t ibang bahagi
ng bansa at pinangalanan itong International Revue Company na binubuo ng
iba‘t ibang nasyonalidad ng mga artista.
Ang mga artista sa pelikula ay nagbuo rin ng kanilang mga sariling grupo ng
revue company at nagsimulang magpalabas sa kalagitnaan ng taong 1942.
Noong una ang mga stageshows ay mga musical variety shows lamang na
binubuo ng mga kantahan, sayawan at mga dula na itinatanghal sa pagitan ng
dalawang pelikulang ipinalalabas. Sa kadahilanang, paulit-ulit na lamang ang
mga pelikula ang tanging inaantabayanan na lamang ng mga manonood ay ang
mga stageshows. Sa kalaunan ay hiniwalay ang bahaging musikal ng kanilang
palabas mula sa mga dula.
Ang mga sumusunod ay ang mga pangalan ng mga revue companies na
naitatag sa panahong iyon:

Grupo Tagapagtatag/Tagapangulo Tanghalan


Filipinas Revue Joe Climaco Life
Sampaguita Revue Lou Salvador Dalisay
Silos Follies Manuel Silos Avenue
Philippine Artists League Lamberto Avellana Avenue
Thelma‘s Stageshow Lyric
United Artists Ramon Estrella Lyric
44
Roque Stage Revue Roque Family Lyric,
Capitol
Artists‘ Guild Show Company Palace
Palace Variety Revue Palace
Radio Variety Revue Company Palace
Filipino Players‘ Show Fernando Poe, Sr. State
Associated Artists Fernando Poe, Sr. Capitol
Star Revue Company Jose Dayrit Line Star

Namayagpag ng husto ang mga stageshows, Una sapagkat walang ibang


kahati ito sa pagbibigayng aliw sa mga manonood sa panahong iyon. Ikalawa,
naghahanap ng paraan para makapaglibang at makapagsaya ng kahit papaano
ang mga tao sa kabila ng digmaan at pananakop ng mga Hapon sa bansa.
Ikatlo, maaaring ipagpalagay na ang mga Pilipino noon ay binalingan ang
stageshow bilang paraan ng pagtakas sa realidad ng buhay--- ang kawalan ng
trabaho at pagdarahop sa buhay. Ikaapat, nakahatak din ng husto ng mga
manonood ang stageshow sapagkat ang mga nagsisiganap ay ang mga kilalang
artista rin sa pelikula.
Ang stageshow ay kombinasyon ng mga pagpapatawa, musika, mga sayaw at
dula. Ang mga palabas na ito ay itinanghal sa mga sinehan sa kalakhang
Maynila. Isang halimbawa nito ay ang regular na pagpapalabas araw-araw ng
mga stageshows sa Metropolitan Theater na tinawag na Straight Vaudville
Fantasy.
Ang mga stage shows sa panahong ito ay nagsilbing hanapbuhay para sa
mga artista ng tanghalan na nawalan ng hanapbuhay nang lumaganap ang
pelikulang Amerikano. Gayundin nagsilbi rin itong pang-aliw sa publiko upang
maibsan ang tensyon na kanilang nararamdaman. Dinudumog ang mga
stageshow sa panahong ito sapagkat inaaliw nito ang mga taong ligalig sa
digmaan. Naging lunsaran din ito ng mga adhikaing pangmakabayan. Sinasabing
naglalaman diumano ito ng mga nakatagong mensahe ng panghihikayat sa mga
Pilipino upang makiisa sa pinaglalaban ng mga kapwa Pilipinong ayaw sa mga
Hapon (HUKBALAHAP) noong panahong iyon
Noong 1942 hindi lamang mga vaudeville fantasies ang ipinalalabas, isang
halimbawa na rito ang programa ng Metropolitan TheaterNagkaroon ng
ekspirementasyon sa programa na naglalaro sa dalawang uri ng palabas ---
isang oras ng stageshow na hinahalinhinan ng programa ng kundiman at
dinagdaga ng muling pagpapalabas ng mga magagandang pelikula tulad ng Ang
Maestro o Prinsesa Uduja.
Pagdating sa kasuotan sa mga pagtitipon at iba pang mga okasyon ang
kadalasang isinusuot ng mga manonood ay barong tagalog para sa mga lalaki at
balintawak (isa itong impormal na katutubong kasuotan para sa mga babae na
kadalasang isinusuot kapag may okasyon) naman para sa mga babae. At ang
Kimigayo ang pambansang awit ng Hapon ay itinutugtog bago umpisahan ang
mga palabas sa tanghalan panahong iyon. Ito‘y bilang pagpapaalala sa mga
Pilipino sa presensya ng isang bagong mananakop. Kadalasan itong unang
45
piyesang tinutugtog pagkatapos ng opening number at ang standard opening
piece sa mga konsyerto, asembleya at iba pang mga pagdiriwang.
Ayon kay Julian C. Balmaseda sa kanyang talumpati noong Setyembre 8, 1943
sa Institute of National Language, napansin ng publiko ang kanilang mga
napapanood ng panahong iyon ay hindi dulang matatawag o illegitimate.
―The public presently noticed that what they saw in these showhouses were not
real dramas, but their mixedup dialogues taken at random here and there and
which were staged withsong hits from old songs of musical films, and also with
comical talks that sprang from the imaginatin of Tuging and Puging, Lopito and
Lopita and other theatrical clowns. It was also the public who then looked for
legitimate stage shows and in order to respond to this demand the Dramatic
Philippines was organized at Metropolitan Theater‖.
Kung kaya‘t bilang tugon sa mga manonood na naghahanap ng mga lehitimong
dula nagsimulang magpalabas ang Dramatic Philippines sa pamumuno ni
Narciso Pimentel Jr. noong Pebrero 2, 1943 (staging area ng grupo ang
Metropolitan Theater). Naipalabas ng grupo ang kauna-unahang mga lehitimong
dula ng panahong iyon. Ang dalawang isang yugtong dula ang Sino ba Kayo? na
mula sa iskrip ni Julian C. Balmaseda at isinalin sa tagalog ni Fransico Soc
Rodrigo at ang Help Wanted ni Domingo Nolasco. Napakainit ng pagtanggap ng
mga manonood sa dulang Sino ba Kayo? Kung kaya‘t naipalabas ito ng
dalawangpu‘t walong beses at ang kasamang pelikula lamang nito ang
napapalitan.
Mula 1943 hanggang Enero 1944 ay dalawangpung dula ang naipalabas ng
Dramatic Philippines sa Metropolitan Theater bilang stage area.

Kabilang sa mga dulang ito ay ang mga sumusunod:

. Paa ng Kuwago – adaptasyon ni Francisco Soc Rodrigo mula sa The


Monkey‘s Paw ni W.W. Jacobs
· Sino ba kayo? – isang yugtong dula sa panulat ni Julian Balmaseda sa
Ingles at isinalin sa Tagalog ni Francisco Soc Rodrigo sa direksyon ni Narciso
Pimentel Jr.
· Ang Asawa ng Abogado – isang adaptasyon ng orihinal na dula ni F.
Liongson sa Espanyol at isinalin sa Tagalog
· Sa Pula, Sa Puti – isang yugtong dula sa panulat ni Francisco Soc
Rodrigo sa Tagalog na orihinal sa Ingles. Sa panahon ng Hapon ito ay
itinanghal sa direksyon ni Narciso Pimentel Jr. ng Dramatic Philippines
· Martir sa Golgota – isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo sa
Tagalog mula sa Pasyon sa Ingles ng Ateneo sa panulat ni Rev. Hunter Guthrie
at Rev. Joseph A. Mulrey sa Ingles.
· Ang Kahapong Nagbalik- isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo
mula sa orihinal nito sa Espanyol ang El Pasada Que Vuelve ni Francisco
Liongson
· Tia Upeng – salin mula sa Ingles ang Charley‘s Aunt
· Ulilang Tahanan –orihinal sa Ingles ni Wilfrido Ma. Guerrero noong 1940 at
46
isinalin sa Pilipino ni Juan C. Laya. Isinapelikula ng Premiere Productions sa
direksyon ni Gerardo de Leon at ipinalabas noong Hunyo 1994 sa Capitol
Theater sa pamagat na House For Sale, The Foresaken House. Itinanghal sa
Metropolitan Theater noong Enero 1944 sa Tagalog
Taong 1943 katapusan ng Marso, nag-anunsyo ang management ng
Metropolitan Theater na hindi na magpapalabas ng mga pelikula sapagkat
simula sa araw na iyon ay mga dulang tagalog at Philharmonic Prominade na
lamang ang magpupuno ng kanilang mga programa.
Ang Dalawang Panig ng Pagtingin Ukol sa Dulaang lumaganap sa Panahon
ng Hapon

A. Ang Pananaw ng mga Pilipino sa Dulaan sa Panahong iyon

Mayroong dalawang pangunahing kritisismo ukol sa dulaan sa panahong ito.


Una, ito ay walang iba kundi mga pinagtagpi-tagping mga porma ng sining. Ayon
kay Manuel Z. Arguilla (isang batikang manunulat na nagtrabaho bilang censor
ng mga stageshows sa panahon ng mga Hapon,
― As vaudeville, they are passable. As burlesque,they are useless.
As musical comedies, they are extremely inane. As melodramas,
they are uninteresting. As plays their value is absolutely nil. As
presentations of Filipino life on stage, they are unfaithful
and untrue. They lack vigor, character and seriousness. They
are formless and invertebrate. They do not bare, even
in the slightest degree, the usual earmarks of lasting literature:
beauty of language,sincerity of characterization and
versimilitude of plot ― .
Ang ikalawang kritisismo ay ang mga pagtatanghal sa panahong iyon na may
mahihinang uri sapagkat walang banghay, walang lohika o maayos na
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Ayon kay Amadeo R. Dacanay:
― Some directions even resorted to buying stories.In addition
, the actors were mostly had or indifferent, as if they had
never been introduced to the rudiments of acting‖ .
Ngunit ayon din kay Dacanay bagaman may mga kahinaang tinataglay ang
dulaan sa panahong iyon ay may mga grupo pa rin na nagsisikap para
makapagtanghal ng mga lehitimong dula o produksyon gaya ng Dramatic
Philippines. Sa kabila ng pagbabawal ng mga Hapon sa paggamit ng Ingles ay
binigyang pokus pa rin ng grupo ang pagsasalin ng mga sa Ingles sa Tagalog.

B. Ang Pagtingin ng mga Hapon sa Dula

Para sa mga Hapon na nakapanood ng mga musical shows sa panahong iyon ,


sila ang nagsabing walang sariling tradisyon ng dulaan sa Pilipinas. Sapagkat
ang mga musical shows diumano ay mga imitasyon lamang ng kulturang
Amerikano Ganito rin ang palagay ng Chairman ng Department of Information
(Dramatic Section) na si Kodama Hidemi na ang isang magandang dula ay
47
magagawa lamang kung may matatag na pambansang kamalayan ang isang
bansa at epektibo ito kapag nilalaman nito ang mithiin at paniniwala ng mga
mamamayan.
―The important mission of drama through amusement and in deepening
the Ground of national culture which is conducive to the elevation of the
Standard of life. Therefore it comes as a naturalconclusion that drama
should exist for the nation and not merely a vulgar and capricious
past time‖.
Sa mga stageshows sa panahong ito ay nagkaroon din ng paglaban o pagtutol
na ikinakabit ng mga direktor at aktor sa kanilang mga dayalogo o di kaya‘y mga
eksena. Isa ito sa kanilang mga paraan na kahit paano ay maisahan nila ang
mga Hapon. Isang halimbawa nito ay ang satirical comedy skits nina Tugo at
Pugo na ginagawang katatawanan ang mga Hapon.
Ang historikal na dulang Tandang Sora ay may pagpapakita rin ng pagtutol
laban sa mga Hapon. Ang dula ay tungkol sa isang babaeng bayani na lumaban
laban sa mga Kastila na ang tanging mithiin ay ang lumaya ang bayan.
Pinayagan itong itanghal ng board of censors ngunit may ilang torture scenes
ang inalis. Narito ang isang paglalarawan sa pagtatanghal ng naturang dula sa
direksyon ni Avellana:

―Tandang Sora was presented without those scenes, but


even without them, the people quickly grasped the motive of
the PAL (Philippine Artist League) in presenting this stirring
drama.
Close to the end of the play, there was a brief glimpse of the flag
Of the Katipuanan. Since during those early days of the Japanese
Occupation the Filipino Flag was not be exhibited on the pain of
Punishment, it was disconcerting to the Japanese authorities that
the audience of the Avenue rosesilently at the sight of the
Katipunan Flag on stage. Although the audience jammed the
theater everyday,
Avellana was ordered to replace Tandang Sora with a comedy‖.

Ang teatro sa panahong ito ay naging isang lunan


ng mga taong laban sa mga Hapon. Naging lugar
ito kung saan sila nagkakaroon ng malayang
komunikasyon ng patago. Sinasabing 80% ng
mga tao sa teatro noong panahong iyon ay
kabilang sa anti-Japanaese Underground
movement at 15% naman ang nakikipagtulungan
lamang.
Sa kabuuan naging matagumpay ang mga artista
ng teatro sa panahong ito sapagkat nailarawan
nila ng sa kanilang mga pagtatanghal ang mga
48
kondisyong panlipunan sa ilalim ng okupasyon ng
mga Hapon. Sa kalaunan ang mga pagtatanghal
na ito ay naging propaganda laban sa mga
Hapon. Ang mga gawaing ito ng protesta ng pagtatanghal ay parehong kalahok
ang mga gumaganap at ang mga manonood.
49

YUNIT 9
PANAHON MULA NG MATAMO ANG KALAYAAN

A. SANAYSAY
B. TULA
C. NOBELA
LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang:


 Naiisa-isang ipaliwanag ang mga katangian ng akdang pampanitikan sa
panahon magmula ng matamo ang kalayaan hanggang sa kasalukuyan;
 Nababatid ang iba‘t ibang uri at katangian ng maikling katha, tula, nobela, at
sanaysay;
 Nakasusulat ng isang natatanging akda at nabibigyan ng halimbawa; at
 Pagsusuri sa mga akdang pampanitikan “ BANGAN NG PANITIKAN”

TUKLASIN PANITIKAN NATIN

Panimula
Ang panitikan ay napakalaking bahagi na ng ating kasaysayan. Bawat
nasusulat sa mga ito ay sumasalamin sa mayamang kultura ng mga Pilipino. Ito
ay nagbibigay-saysay sa bawat yugto ng buhay ng isang indibidwal sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga makabuluhang mensahe at aral na
maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ayon kay Cruz (2016), ang panitikan ay nagsisilbing salamin ng mga
nakasanayang kaugalian at mga tradisyong patuloy pa rin nating ginagawa. Ang
pagsulat ng maikling kuwento, mga tula at paglikha ng mga hindi matatawarang
mga nobela at dula ay maituturing na bahagi na ng ating kultura. Isinasalaysay
ng panitikan ang buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya,
at mga karanasang kaugnay ng iba‘t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, pagkasindak at
pagkamangha.
50

Sa yunit na ito, matutunghayan natin ang pamamayagpag ng panitikan sa


panahon kung saan natamo natin ang kalayaan. Lalong-lalo na ang mga
natatanging akda tulad ng sanaysay, tula at nobela.

LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN

Daloy ng Kaalaman
Ang Panitikan mula ng Matamo ang Kalayaan
(Taong 1945-1972)

Taong 1945 nang matupad ang


pangakong pagbabalik ng mga Amerikano
upang ibigay sa Pilipinas ang kalayaan nito
mula sa kamay ng mga Hapones.
At noong ika-4 ng Hulyo ay nakamit ng
Pilipinas ang Kalayaan. Masalimuot na
pangyayari ang mga naganap sa panahong
ito. SGaoosgimleuImlaa‘yg pagtatayong muli ng nawasak na moog. Ang mga
nasalantang nilikha ng digmaan at ang alaala ng mga nasawing mahal sa buhay
ay mga pangitaing nagpapabuntung-hininga. Ang mga kabiguan ng pangarap,
ang kalupitan ng nagdaang sigwa at iba pang masasaklap na karanasan, ang
namalasak sa katha.
Tila mapaghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat ng
panahong ito sapagkat bago pa sumulat ng anumang akda ay inaalam muna
kung aling pahayagan kaya ang magbabayad ng malaking halaga. Sa panahon
rin ito, naging mahusay ang mga kabataang mag-aaral sa larangan ng pagsulat.
Muling sumigla ang panitik ng mga Pilipino nang panahong ito. Halos ang
mga naging paksa sa pagsulat ay patungkol sa naging kalupitan ng mga
Hapones, ang kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga
Hapones, ang kabayanihan ng mga gerilya at iba pa. Nabuksan muli ang mga
palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin tulad ng Liwayway, Bulaklak,
Ilang-ilang, Sinag-tala at iba pa. Ilan sa mga aklat na nailimbag noong panahong
ito ay ang Mga Piling Katha (1947-1948) ni Alejandro G. Abadilla, Manlilikha,
51
Mga Piling Tula (1961-1967) ni Rogelio G. Mangahas, at Ako‘y Isang Tinig
(1952) ni Genoveva Edroza-Matute.

Muling nakilala sa panahong ito ang mga tulang Tagalog, maikling kuwento,
nobela, bigkasan ng tula at ang pagsulat ng sanaysay.
Noong panahong ito rin muling sumigla ang panitikan sa wikang Ingles. Isa
pang nagpasigla sa mga manunulat natin noong panahong ito ay ang
pagkalunsad ng Timpalak-Palanca o “Palanca Memorial Awards for Literature”
na pinamunuan ni Ginoong Carlos Palanca, Sr. noong 1950. Magpahanggang
ngayon, patuloy pa rin ang pagbibigay gantimpala.

SANAYSAY
Sinasabing mahirap bigyan ng tiyak na kahulugan ang sanaysay sapagkat
napakalawak ng saklaw nito. Ang sanaysay ay may iba‘t ibang layunin; minsa‘y
may layunin itong makapaglahad ng sariling pananaw, kuru-kuro, o palagay ng
manunulat. Minsan nama‘y may layunin itong makapagbigay ng impormasyon,
makahikayat o kaya‘y makalibang sa mga mambabasa.
Ayon kay Genoveva Edroza-Matute, ―Ang sanaysay sa malawak na
kahulugan ay sumasakop sa lathalain, tangi o hindi, sa artikulo, sa paliwanag,
pag-aaral, tesis, monograpo, panunuri, pitak at iba-iba pang tinatawag sa ibang
pangalan; may nagsasabing ang sanaysay ay maikakapit sa ano mang sulating
hindi tula, dula o maikling katha; sa makitid na kahulugan, ito ay pagtalakay sa
isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng
kaisipan, kuru-kuro, palagay, at ng kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw,
magbigay-kaalaman, o magturo.
URI NG SANAYSAY

 Di-Pormal o Pamilyar na Sanaysay. Sanaysay na parang nakikipag-usap


lamang at tila ipinagpapalagay na kaibigan o kapalagayang-loob ang bumabasa.
Ang tema nito ay tumatalakay sa mga karaniwang bagay-bagay na namamasid
sa kapaligiran. Hindi seryoso ang paraan ng paglalahad at mas madaling
unawain ng mga mambabasa ang nais nitong ipahayag.
 Pormal o Maanyong Sanaysay. Sanaysay na nagtataglay ng mas seryosong
paksa na naglalayong mapag-isip nang malalim ang mga mambabasa.
Nagagabayan nito ang mambabasa upang sumang-ayon o sumalungat sa
52
paksang inilahad. Taglay nito ang maingat at maayos na pagkakahanay ng mga
salita.

May mga katangiang dapat taglayin ng isang manananaysay. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Mabilis ang takbo ng pag-iisip
2. Sensitibo sa kapaligiran
3. Laging may tugon o hinuha sa interes ng buhay, tao, at mga bagay-bagay
4. May kakayahang tumuklas ng mga bagay-bagay nang hindi nakikita ang
panlabas na anyo lamang
5. Malikhain at orihinal sa isip at damdamin
6. May mapiling panlasa
7. May kalugurang mapagkakatiwalaan
8. May kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa makataong
kapakanan
9. Pamilyar sa mabubuting panitikan at iba pang sining
TULA
Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, ―ang tula ay isang kaisipang
naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na
kailangang magkatipon-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang
matawag na tula.‖
MGA KATANGIAN NG TULA
Ang tula ay pangunahing nakikipagtalastasan sa pamamagitan ng damdamin
kaya‘t ito‘y nagtataglay ng kudyapi ng awitin. Ang musika nito ay may tugma,
may sukat, at taglay ang kagandahan, kariktan at kadakilaang binabanggit ni
Balmaceda sa kanyang pagpapakahulugan sa tula.
1. Tugma. Tumutukoy sa paggamit ng mga huling salita sa bawat taludtod.
2. Sukat. Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay
karaniwang may 8, 12, 16 na pantig.
3. Kagandahan, Kariktan, at Kadakilaan. Ayon pa rin kay Balmaceda, maaaring
magandang bigkasin ang isang hanay-hanay ng mga talatang tugma-tugma ang
mga dulo at sukat-sukat ang mga bilang ng pantig ngunit hindi pa rin matatawag

na tula kung hindi nagtataglay ng kagandahan, kariktan at kadakilaang dapat


taglayin ng isang tunay na tula.
Naging tanyag pagdating sa pagsulat ng tula si Alejandro G. Abadilla.
53
Tinagurian siya bilang ―Ama ng Panulaang Tagalog‖. hindi lamang dahil siya
ang masigasig na nagbasa at pumili ng namumukod na mga akda, kundi dahil sa
kaniyang matamang paninindigan laban sa talamak at makipot na
nakabihasnang pamantayan sa pagtula. Kabilang sa mga akdang isinulat ni
Abadilla ang koleksiyong ―Ako ang Daigdig‖ at iba pang tula at piniling mga tula.
“Ako ang Daigidig”
I
ni: Alejandro G. Abadilla
ako

ang daigdig matapat sa sarili damdamin

ako sa aking daigdig larawan

ang tula ng tula buhay

ako ako tula

ang daigdig ang tula ako

ang tula sa daigdig IV

ako ako ako

ang daigdig ang daigdig ang daigdig

ng tula ng tula sa tula

ang tula ako ako

ng daigdig III ang daigdig

ako ako ng tula

ang walang maliw na ang damdaming ako


ako ang daigdig
malaya
ang walang ako
kamatayang ako ako

ang larawang ang tula


ang tula ng daigdig
buhay daigdig
II
ako tula
ako
ang buhay ako
ang daigdig ng tula

ako na walang hanggan

ang tula ng daigdig ako

ako ang damdamin


54

Bagaman nabuhay si Abadilla sa panahon ng tradisyonal na panulaang


Balagtas, kung saan binibigyang-diin ang balangkas at kaanyuan ng akda,
ginamit niya ang malayang taludturan at makabagong mga idyoma at salita
upang ipahayag ang kaniyang mga ideya‘t karanasan.
Isa pa sa naging kilalang tula ang ―Ang Matanda at ang batang
paruparo‖ na isinulat naman ni Iñigo Ed Regalado.
ANG MATANDA AT ANG PARUPARO
ni: Iñigo Ed Regalado

Isang paruparo na may katandaa’t Kung ako’y lumapit na nananagano


sa lakad ng mundo’y sanay na ay ano bang sama ang mapapala ko?
sanay palibhasa’y hindi nasilab sa Kahit nga niya murahin pa ako
ilaw binigyan ang anak ng ganitong ay sa hindi naman hangal na
aral: “Ang ilaw na iyang maganda sa totoo.
mata na may liwanag pang kahali-
halina, dapat mong layuan, iya’y
palamara, pinapatay bawa’t malapit “Iyang mga iba’y bibigyang matuwid
sa kanya. sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”
Ako na ring ito, sa pagiging sabik!
pinangahasan kong sa kanya’y
lumapit, — Nang ito’y masabi, halos sasang-iglap
ang aking napala’y — palad ko pang tikis! yao na’t naglaro sa nagliliwanag,
masunog ang aking pakpak na lumiit. sa ilaw na yao’y nagpaliwas-liwas
ang baliw at munting paruparong
anak.
At kung akong ito’y nahambing sa ina
na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayo’y katulad na nilang Nang unang sandali’y walang
nawalan ng buhay at isang patay naramdaman kundi munting init na wari’y
na. pambuhay
ito’y siya pa ngang nagpapabuyong tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Ang pinangaralang anak ay natakot
at ipinangako ang kanyang pagsunod;
nguni’t sandali lang! Sa sariling loob Natutuwa pa nga’t habang naglalaro
binubulung-bulong ang ganitong ay lapit nang lapit na di naghihinto,
kutob: sa isang pagliwas ay biglang nasulo
tuluy-tuloy siyang sa ningas
nalikmo.
“Bakit gayon na lang kahigpit ang
bilin ng ina ko upang lumayo sa
ningning? diwa’y ibig niyang ikait sa At siya’y hindi muling nakalipad
akin hanggang sa namatay ang kahabag-habag
ang sa mundo y ilaw na pang-aliw. Ang ganyang parusa’y siyang nararapat,
sa hindi marunong sumunod na anak.
“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!
Isang bagay na di dapat layuan!
Itong matatanda’y totoo nga
namang sukdulan ng lahat ng mga
karwagan!
55

NOBELA
Ang nobela ay mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa
dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Isang makasining na
pasgsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay may mga tungkuling ginagampanan sapagbuo ng
isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang
mgasumusunod:
1. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.
2. Pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan.
3. Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin
4. Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspeto ng lipunan tulad ng
gobyerno at relihiyon
5. .Malikhain at may dapat maging maguni-guning paglalahad
6. Tumutukoy sa iisang ibig na mangyari ang balangkas ng mga pangyayari

Mga Uri ng Nobela


Ang mga uri ng nobela ay tulad din sa mga uri ng maikling kwento: nobela
ng tauhan, nobelang makabanghay, nobelang maromansa, nobelang historikal,
nobelangmalayunin, at nobelang masining.
Sa nobela ng tauhan, binibigyang-diin ang mga pangangailangan,
kalagayan, at hangarin ng mga tauhan.
Sa nobelang makabanghay, ang nangingibabaw ay ang
pagkakabalangkas ng mgapangyayari o ang porma ng pagkakalahad ng kwento.
Historikal o makasaysayan naman ang nobela kung ang layunin ng
may-akda bukod sa pag-uulat ng mahahalagang pangyayaring may kinalaman
sa kasaysayan, aymapagturo ng pambansang kabutihan.
Malayunin ang nobela kung ang pinakamimithing layunin o simulain ng
nobelistaang pinahahalagahan o pinangingibabaw sa kwento o sa tauhan. Ang
mga layuning itoay higit sa buhay na kinalalagyan o sa bansang kinamumulatan.
56

Masining ang nobela kung mahusay ang pagkakahanay ng mga


pangyayari at buoang pagkakalarawan sa mga pagkatao ng mga tauhan na
karaniwang umaantig sadamdamin at kumikintal sa isipan ng mga mambabasa.
Magagaling ang nobelangnabibilang sa uring ito sapagkat hindi lamang ang
paksa ang binibigyang-tangi, gayundinang kawalang-hanggan nito.

ELEMENTO NG NOBELA
1. Tagpuan. lugar at panahon ng pinangyarihan ng mga pangyayari sa nobela.
2. Tauhan. ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
3. Banghay. ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
4. Pananaw. panauhang ginagamit ng may-akda. Una, kapag kasali ang may-akda
sa kuwento. Pangalawa, kapag ang may-akda ang nakikipag-usap, at pangatlo,
batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.
5. Tema. paksang-diwang bibigyan ng diin sa nobela.
6. Damdamin. ang nagbibigay-kulay sa mga pangyayari ng bawat kabanata ng
nobela.
7. Pamamaraan. ang pagpapakita ng istilo ng manunulat sa pagsulat ng nobela.
8. Simbolismo. nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayari.
9. Pananalita. diyalogong ginagamit sa nobela.
Noong panahon ng ikatlong republika ng Pilipinas, walang pagbabago sa
sistema ng pagsulat ng nobela. Tumatalakay ito ng mga paksain tungkol sa
nasyonalismo, isyung panlipunan, at naglalayong mang-aliw ng mambabasa.
Ang mga hlimbawa ng nobela sa panahong ito ay ang mga nobelang ―Sa mga
Kuko ng Liwanag‖ na isinulat ni Edgardo Reyes, ―Binhi at Bunga‖ at ―Daluyong‖
ni Lazaro Francisco, ―Dekada 70‖ ni Lualhati Bautista, ―Luha ng Buwaya‖ at ―Mga
Ibong Mandaragit‖ ni Amado V. Hernandez.
NagIng kilala rin ang mga nobela ni Lazaro Francisco sa kanyang akdang
―Maganda Pa ang Daigidig‖. Ang ―Maganda Pa ang Daigdig‖ ay sinulat ni Lazaro
Francisco noong 1955 at lumabas ito sa Liwayway Magazine bilang isang serye.
Ito ay nailimbag bilang libro noong 1982. Usapin sa repormang agraryo at
panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan
at karimlan ng paligid.
57

YUNIT 10
PANITIKAN SA PANAHON NG BATAS MILITAR
A.MAIKLING KUWENTO
B. TULA
C. SANAYSAY

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang:


 Maunawaan ang damdaming ipinahahayag sa panahon ng Batas Militar;
 Matukoy ang damdaming ipinahayag ng maikling kwento, tula at sanaysay sa
panahon ng Batas Militar;
 Maihambing ang uri ng panitikan ngayon sa makalumang panahon; at
 Maisabuhay ang diwa ng akdang pampanitikan.

TUKLASIN PANITIKAN NATIN

Panimula:
Sa pagbabago ng panahon, unti-unting nakikita ang galing ng mga
manunulat pagdating sa paglikha ng mga akdang pampantikan. Mayroong iba‘t
ibang paksa ang ginagamit upang maipakita ang lakas ng isang akda.
Karaniwang ang mga paksa ay patungkol sa mga isyung panlipunan upang
maimulat ang mga mambabasa sa kalagayan ng ating bansa.
Sa panahon ng Batas Militar, matutunghayan ang mga naging
gampanin ng mga akdang pampantikan na nagpapakita ng ilang mga suliraning
panlipunan na kinakaharap ng mga mamamayan.
58
LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN

Daloy ng Kaalaman

PANITIKAN SA PANAHON NG BATAS MILITAR

Napasailalim sa Batas Militar ang


Pilipinas mula 1972 hanggang 1981 sa ilalim
ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos
sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg.1081
na nilagdaan noong Setyembre 22, 1972. Ang
opisyal na dahilan sa likod ng pagpapahayag
Google Image
ng Batas Militar ay upang mapigil ang
lumalaganap na kaguluhan ng mga mamamayan, ang banta ng pagkuha ng
kontrol na mula sa komunista, at ang isang pagtatangka sa buhay ng dating
kalihim ng tanggulang pambansa na si Juan Ponce Enrile sa Mandaluyong.
Unang malugod nang tinanggap ang Batas Militar ngunit naging kinasusuyaan ito
kalaunan dahil sa mga pang-aabuso ng militar sa karapatang-pantao. Kasama
ang paghina ng ekonomiya, ang mga salik na ito ay nag-udyok ng pagtutol sa
ilang mga sektor (tulad ng urbanong middle class) na naging malinaw sa
pagpaslang sa nakulong na senador ng oposisyon na si Benigno Aquino, Jr.
noong 1983, at malawakang pandaraya sa dagliang halalan noong 1986.
Kalaunan, ang mga ito ay nagbunga ng rebolusyon sa EDSA taong 1986 na
nagpatalsik kay Marcos at nagtulak sa kanya na lumikas sa Hawaii, kung saan
namatay siya noong 1989. Iniluklok ang kanyang katunggali sa pagkapangulo at
balo ni Senador Benigno Aquino, Jr. na si Corazon C. Aquino bilang kanyang
kapalit.
Marami ang ipinagbawal noong panahon ng Batas Militar, at isa na rito
ang pagtuturo ng panitikan. Isinalaysay ni Efren Abueg, propesor noong panahon
ng Batas Militar sa Polytechnic University of the Philippines, ang pagtuturo ng
pantikang naglalahad ng mga damdaming kumakalaban sa paniniil at kawalan
ng hustisya sa ilalim ng diktaturya. Wika niya, pili lamang ang mga panitikang
maisusulat o mababasa noon. May mga radikal na naisulat din, ngunit sinusulat
59

ng mga bayaran ng administrasyon at inilathala sa mga outlet na dagliang


inilabas ng pamahalaan.
Pormalismo ang paraan ng pagtalakay kung saan ang mga paksang
neutral ang istruktura at mga elemento nito, pumapanig sa mga programa ng
reporma ng pamahalaan tulad ng Martial Law. Dagdag niya, saan nagpunta ang
panitikan?
Mula sa mga kolehiyo at unibersidad, inilipat ng mga msg-aaral at mga
propesor sa ilang nayon ang panitikang nilikha nga kadreng gerilya, at doon nila
ito itinaguyod. Ayon pa kay Abueg, bunga nito lumubog na sa mga kanayunan
ang mga estudyanteng dati‘y litaw na naghahayag ng mga isyung pambayan.
Abenturismo ang magsalita nang hayagan at magturo sa klasrum ng mga araling
hindi nagdaan sa paglilinis ng mga ahensiyang dagliang itinayo ng pamahalaan.
Lumaganap naman ang mga tula, sanaysay, a iba pang akda ukol sa
pagsalungat sa Batas Militar matapos ang pagpaslang kay Benigno Aquino, Jr.
na siyang naging pangunahing kritiko ni Marcos noongrehimeng diktaturya.
―Isang mohon sa kasaysayan ng pagtuturo ng panitikan ang
dramatisasyon ng mga protesta sa lansangang ipinangalan sa isang hindi
gaanong pinag-aaralang personalidad sa kasaysayan‖, ayon kay Abueg. Hindi
siya nangangamba na maulit muli ang nangyari noon, kung saan hindi
pinahihintulutan ang pagtuturo ng panitikan sa mga paaralan o unibersidad.
Hinimok niya ang mga manunulat na magbasa ng kasaysayan ng wikang
Filipino at pag-aralan ang papel ng wika at edukasyon sa kamulatan ng bayan
lalo na ang mga akda nina Amado V. Hernandez, Lazaro Francisco, Lualhati
Bautista at Edgardo Reyes.
Bunga ng mga nagaganap na malawakang kilos protesta ng iba‘t ibang
samahan at masigasig na aktibismo ng mga kabataan noong panahon ng
isinauling kalayaan, idineklara ni pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar
noong Setyembre 21,1972.
Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar ang pansamantalang
pagpapahinto ng publikasyon ng mga pahayagan, ang sirkulasyon ng mga ito,
pambansa man o pampaaralan. Pinahinto rin ang pagpapalabas ng mga
panooring pantelebisyon at pagtatanghal ng mga pelikula. Pansamantalang
natigil ang mga programa sa radio.
60

Pinakamasiglang bahagi ng panitikan ng panahong ito ang dula na


nagkaroon ng pangunahing tagapagtaguyod sa katauhan ng noon ay unang
ginang ng bansa na si Imelda Marcos.
ANG MAIKLING KUWENTO SA PANAHON NG BATAS MILITAR
Nagpatuloy ang Gawad Palanca sa pagkakaloob ng gantimpala sa mga
namumukod na maikling kuwento. Sumigla ang pagsulat ng mga manunulat ng
mga paksang hitik sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan ngunit walang
nalathalang mga kuwentong tumutuligsa sa Batas Militar at ang epekto nito sa
karapatang pantao at kalayaan ng mga mamamayan. Bukod sa Gawad Palanca,
isa sa nakatulong upang mapasigla ang pagsulat ng maikling kuwento sa
panahon ng Bagong Lipunan ang ―Sagisag‖. Nagkaloob din ito ng Gawad
Sagisag.
Ang mga karaniwang paksain ng maikling kuwento sa panahon ng Batas
Militar ay ang mga sumusunod:
1. Pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka.
2. Pagbabalik-bukid ng mga tauhang nasasakal na sa magugol at mausok na
lungsod.
3. Kahirapan ng pagkakaroon ng maraming anak.
4. Mga pang-araw-araw na pangyayaring kapupulutan ng aral.
Mga Kuwentista sa Panahon ng Bagong Lipunan
 Lualhati Bautista
 Pedro S. Dandan
 Fidel Rillo, Jr.
 Bienvenido Ramos
 Jose F. Lacaba
 Jun Cruz Reyes
 Lamberto E. Antonio
 Patrocinio Villafuerte
 Fanny Garcia
 Benjamin Pascual
 Domingo Landicho
61

Isa sa maikling kuwentong nakilala sa panahon ng Batas Militar ay ang


―Malalim na ang Gabi‖ ni Ponciano B. Pineda. Ang ''Malalim na ang Gabi'' ay
tumutukoy sa madilim at masidhing mga problema sa buhay ng tao. Isinulat ito ni
Ponciano B. Pineda noong taong 1953. Masidhing mga problema sa buhay na
para bang kasing lalim na ng hatinggabi dahil sobrang sa suliranin.
ANG TULA SA PANAHON NG BATAS MILITAR
Kaugnay sa panitikan na itinatag noong Agosto 1973 ang Galian sa Arte at
Tula (GAT). Tulang nasulat noong panahon ng Batas Militar. Ilan sa mga naisulat
ay ang ―Pilipino: Isang Depinisyon‖ ni Pociano B. Pineda, ―Kagila-gilalas na
Pakikipagsapalaran‖ ni Juan Dela Cruz, ―Doktrinang Anak Pawis‖ ni Virgilio
Almario, ―Litanya kay Sta.Cruz‖ ni Teo Antonio.
Ang pagbibigay ng Gawad parangal at pagkilala sa mga natatanging tulang
naisulat ay ipinagpatuloy ng Gawad Palanca. Gayundin naman, tumatanggap ng
pagkilala ang mahuhusay na makata mula Timpalak Literaryo ng Cultural Center
of the Philippines (CCP) at sa Talaang Ginto.
Ang Talaang Ginto ay pagkilala ng Surian ng Wikang Pambansa sa
pinakamahusay na tulang naisulat sa isang takdang panahon. Ipinagkaloob ang
parangal sa mga mahuhusay na tula kasabay ng pagdiriwang ng Araw ni
Balagtas na isinasagawa tuwing ika-2 ng Abril.
Isa sa tulang naisulat sa panahong ito ay ang tulang ―Duguang Plakard‖ ni
Rogelio Mangahas.

MGA DUGUANG PLAKARD


Ni: Rogelio Mangahas
62
I

Bawat plakard ng dugo‘y isang kasaysayan. kalasag, holster. Bakit mangangambang


Isang kasaysayan sa loob ng mga kasaysayan. maluray ng hangin? Mga leong
Mga kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.
walang buntot naman ang ating mga pastol.
Kangina pa namimigat, kangina pa kumikinig
III
ang ating mga palad, wari‘y mga
Hagupit ng hangin sa sanga,
munting bungong may kutsilyong nakatarak.

Sa look ng kurdon,
hagupit ng sanga sa hangin!

tayo‘y tila mga tupang halos katnig-katnig, Kumakalapak sa mga duguang plakard,

magkahiramang-hininga, magkapalitang-pawis. bumabarimbaw sa mga ulo natin.


Bawat ngiti‘s duguang balahibo Kumakalatik sa hubero, kuping, at berdeng
ng isang martines na walang mahapunan.
mga ulo—O, kumpas ng hinaing, ng pagtutol,
May dilang namimigat sa pangil ng tigre,
ng pagsumpa, habang yaong mga daho‘y
may dilang kumikisig sa abo ng dahon,
sabay-sabay, sunod-sunod sa pagbagsak.
may dilang tusuk-tusok ng tinik ng suha,

ay, kampilang bungi-bungi sa lalamunan Ang hangi‘y tumitiling papalayo,

ng isang lalaking sumusuntok sa ulap Ang sangang nalagasa‘y waring di na nakayuko.

sa tanghaway ng unat na bato! IV


II Itaas ang mga plakard, ang pulang watawat,
Sa labas: isang lura, isang pukol ang layo,
ang mga kartelon. Sa loob ng kurdon, sa loob.
mata sa mata,
Hayaan na munang humingalay ang Dayaming-
ano‘t tila kumikisay ang mga bituing
Bayani sa ilalim ng baog na puno.
nakatusok sa mga balikat? Mga ngiti‘y

nakatahing paruparo sa pawisang mga manggas.


Hintayin na munang matigib ng dighay

Kay tikas ng ating mga pastol. ang tiyan ng Kuweba. Hindi magtatagal,

Namimigat ang berdeng mga ulo, sa paglabas ng Buwayang Maharlika


ang huberong mga ulo, ang kuping mga ulo. kasunod ang mga klerigong bangaw,
Nagsisipagningning ang mga batuta, baril,
mga banal na uwak at buwitre: gisingin

ang Dayaming-Bayani, gisingin


63
at hayaang sabihing ―Amigo no

lo comas todo, dejame algo.‖ At

siya, sa gayon, ay ating

paligiran, ngitian, pagpugayan, sindihan!

Mga kababayan,

kung pagtitig sa atin ng Buwayang Maharlika

ay kumikislap-kislap sa luha ang kanyang

mga mata, habang nakanganga,

sinuman sa ati‘y malayang mangarap,

mangarap ng muling paghimlay

sa sinapupunan ng ating ina;

sinuman sa ati‘y malayang mag-alay,

mag-alay ng sarili, kapatid, magulang;

o magnasang makakita ng bungangang

walang dila, walang tonsil, walang pangil.

Kusutin ang diwa, mga kababayan,

kusutin, kusutin.
64

Yunit 11
PANITIKANG
KOMTEMPORARYO

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang


1. Matukoy ang mahalagang pangyayari sa pamumuno ng iba’t ibang pangulo ng bansa
2. Masuri ang mg akdang pangpanitikan kontemporaryo
3. Makapagbigay ng sariling kuro-kuro o kaisipan sa ating kasalukuyang panahon para sa hinaharap
na henerasyon
4. Maging malaya sa pagpapahayag ng saring kaisipan at damdamin
sa katuparan ng tagumpay

LINANGIN YAMAN NG LAHI NATIN

Daloy ng Kaalaman

Napalitan ang lider ng bansa matapos patalsikin si Pangulong Marcos sa


pamamagitan ng Peoples Power pagkaraang patayin sa Tarmac ang
pangunahing kaaway ni Marcos, si Senador Benigno Aquino noong Agosto 21,
1983. Naluklok na pangulo ng bansa si Corazon C. Aquino. Pagkaraan ng ilang
taon ay nagbago na naman ang administrasyon sa pamumuno ng mga nahalal
na pangulo ng bansa –Pangulong Fidel V. Ramos, Pangulong Joseph Estrada at
Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
Pagkaraan ng maraming taon ng panunupil sa pamamahayag ay nagbagong-
bihis a ng panitikang Filipino. Sumigla muli ang panitik ng mga makata,
mananalaysay, manunulat, nobelista at mandudula. Sumigla ang teatro at
pelikulang Filipino.Dumami ang mga palabas sa telibisyon at dumagsa ang
65
magasin at pahayagang Filipino, kabilang na ang mga tabloid.
Napasimulan ang independent film at pink films. Naitanghal sa iba‘t ibang
kompetisyon sa labas ng bansa ang mga pelikulang Filipino at umani ng
maraming parangal .Napasinayaan ang Cine Malaya at naglabasan ang
maraming CDs ng mga pelikulang local at dayuhan. Naragdagan ang mga
patimpalak sa pagsulat na nalikha ng iba‘t ibang institusyon pribado at publiko.
Nanguna pa rin ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa
pagbibigay ng di- matatawarang gantimpalasa mga manunulat sa Filipino. Mga
wikang bernakular at Ingles taun-taon. Lalong sumigla ang panitikang Filipino.
Sumilang ang maraming kabataang makata at manunulat bunga ng maraming
paligsahan sa iba‘t ibang paaralan, kolehiyo at pamantasan.
Kontemporaryong Panitikan- Ito ay ang makabago o pangkasalukuyang
sulatin na inilimbag na binubuo sa iba‘t ibang anyo.

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan

Pahayagan o Tabloid
 Isang uri ng print media ang kailanma‘y hindi
mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
 Ayon kay William Rodriguez, ―Sinasabing
ang tabloid ay pangmasa dahil sa Tagalog ito nakasulat
bagama‘t ilan dito ay Ingles ang midyum.‖
Komiks
 Isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
 Maaaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa
o higit pang mga larawan, na maaaring
maglarawan o maghambing ng pagkakaiba
ng teksto upang makaapekto nang higit na
may lalim.
 Bagama‘t palagiang paksang katatawanan
ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng
anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang
kanilang sariling ekspresyon.
66
Magasin
 Isang babasahing nagtataglay ng iba‘t ibang uri ng lathalain, karaniwang
lumalabas minsan sa isang lingo.
 Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
 Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil
dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.
 Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na
ito ay talaga naming inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging
dahilan din ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga
nobela.

 Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang


produksyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
mapasukan ang iba‘t ibang magasin mula sa ibang bansa.
Dagli
 Ito‘y isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento.
Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
Pelikula
 Ang pelikula, kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan.
Telebisyon
 Itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng
mga mamamayang naaabot nito.
Islogan
 Ito ang komposisyong pinakamadaling maunawaan. Ito marahil ang modernong
salawikain sa kasalukuyan. Ito ay isang maikling pahayag tungkol sa isyu o
paksang maaaring masulat nang tuluyan o patula.
Tugmang De Gulong
 Mga anyo ng literature na karaniwang matatagpuan sa mga pampublikong
sasakyan.
Awit
 Isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin, pananaw, kultura at pangarap sa
buhay.
67
Patalastas
 Isang uri ng pagpapahayag na ginagamit upang makahikayat o makahimok,
magbigay impormasyon at direksiyon sa madla tungkol sa isang serbisyo,
produkto o paniniwala.
 Napakalaya ng panitikang ito dahil sa iba‘t ibang midyum o paraan ng
pagpapahayag nito.

A. Maikling Kwento
a. Taguan ni Rolando A. Bernales

b. Huling Hiling, Hinaing at Halinghing ni Pat V. Villafuerte


c. Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino ni Eros S. Atalia
B. Tula
a. Manipesto ng Isang Dayo ni Pat V. Villafuerte
b. Magkano ang Iyong Boto ni Rolando A. Bernales
c. Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A.
Bernales
d. Liham ni Pinay Mula sa Brunei ni Elynia S. Mabanglo
C. Awit
a. Philippines 2000 ni Gary Granada
D. Sanaysay
a. Ang Pinoy…Sulong sa Globalisasyon ni Cinio Villa

Sanggunian:

https://www.slideshare.net/mobile/raf-cel/kontemporaryong-panitikan-71030495
https://dokumen.tips/documents/magkano-ang-inyong-boto-a-bernales.html
https://www.coursehero.com/file/38655081/kontemporaryong-Panitikannnpptx/
https://www.scribd.com/presentation/372416864/kONTEMPORARYONG-
pANITIKAN
https://www.docsity.com/en/modyul-sa-filipino-10-sining-ng-
pagtatalumpati/4121703/
http://ronabelsollerblog.wordpress.com/2016/11/25/talumpati/
http://pastebin.com/L2gjhPb4
http://www.davidchita.com/ibat-ibang-uri-ng-genre-ng-teksto.html
http://filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/about/
68
http://www.powtoon.com/online-presentation/e2a3Wf6rP7w/talumpatipptx/
http://codegrade.blogspot.com/#!
http://vdocuments.site/ang.html
http://giremuvafela.benjaminpohle.com/talumpati-ukol-sa-kalikasan-6834gk.html
http://hab-flugzeug.icu/2011/12/pagsusuri-ng-nobelang-itinakda0filzd2716-
8p.html
http://nellymarcial.wordpress.com/2016/11/25/mga-batayang-kasanayan-sa-
panunuring-pampanitikan/
https://www.scribd.com/presentation/415518319/Pagtuturo-at-Pagtataya-Ng-
Makrong-Kasanayang-Pangwika
http://mgaaralinsafilipinoiiibec.blogspot.com/
http://fr.slideshare.net/kareenmae/ang-pabigkas-na-tradisyong-patula-inaawit-at-
isinasayaw
http://vdocuments.mx/prose-and-poetrytagalog.html
http://magicworkshopph.blogspot.com/2011/11/parabola.html
http://panitika.blogspot.com/#!
http://tl.wikipedia.org/wiki/Literature
http://ebalagat.wordpress.com/2016/11/21/panitikan/
http://oggiecudanin.blogspot.com/2016/01/word-of-day-talinghaga.html
http://hcr0xxavenzare.blogspot.com/2012/06/ang-panitikan.html
http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-parabula.html
http://ceciliojonathan.weebly.com/panitikan.html
http://liten-skydd.xyz/ekkd64179xcof
http://tnhsg9filipinomanlantao.wordpress.com/about/
http://www.aralingpilipino.com/2010/05/mga-halimbawa-ng-parabula.html
http://ebalagat.wordpress.com/2016/11/23/mga-akdang-tuluyan/
http://nicaestallo.blogspot.com/2014/11/
69

http://brainly.ph/question/308407
https://www.scribd.com/presentation/393552872/panitik
https://www.coursehero.com/file/15762282/parabula/
http://haniababyanya.blogspot.com/2013/03/ano-nga-ba-ang-mas-tinatangkilik-
na.html#!
http://idoc.pub/documents/lecture-sa-let-majorship-sa-filipino-d49goe5dy1n9
http://www.scribd.com/documents/341277147/Panitikan-sa-Pilipinas-docs
http://tl.unionpedia.org/Panitikan
http://www.coursehero.com/file/p4a8sa6q/Kalimitang-nagtitipun-tipon-ang-
sinaunang-mga-Pilipino-upang-pakinggan-ang-mga/
https://www.scribd.com/presentation/160939252/PANITIKAN
http://idoc.pub/documents/kahulugan-ng-balita-mga-bahagi-mga-uri-mga-
pampahayagang-pampaaralan-at-katangian-ng-mamamahayag-pnxk7
http://www.powtoon.com/online-presentation/gqDVNr0hy7t/ang-panitikan/
http://quizlet.com/437103806/panitikan-midterms-flash-cards/
http://tl.wikipedia.org/wiki/News
https://www.scribd.com/presentation/441689049/nilalamaan-elemento-at-
kakanyahan-ng-parabula-pptx
http://www.notesnikiko.com/p/home.html
http://emilybayla.blogspot.com/2014_06_23_archive.html
http://tl.unionpedia.org/Anekdota
http://pihju.github.io/g9.html
vdocuments.site/uri-ng-panitikan.html
www.slideshare.net/RainierAmparado/uri-ng-panitikan
panitikankarunungangbayan.blogspot.com/2015/04/ano-ang-panitikan-ang-
panitikan-ay.html
idoc.pub/documents/kahulugan-ng-panitikan-at-mga-uri-nito-34m7wx625p46
wikangdakilawikangfilipino.blogspot.com/2012/03/wika-at-panitikan.html
isorockshyguy.blogspot.com/2011/
ebalagat.wordpress.com/2016/11/22/mga-akdang-pampanitikan/
www.talkqueen.com/anu-ano-ang-iba‘t-ibang-uri-ng-panitikan-q117372
ebalagat.wordpress.com/blog/
www.slideshare.net/allanlopezXD/filipino-10-49298447
filipino33.wordpress.com.blog
www.davidchita.com/iba‘t-ibang-uri-ng-genre-ng-teksto.html
idoc.pub/documents/mga-akdang-pampanitikan-ng-mediterranean-
6nq8xmq721nw
www.slideshare.net/ManuelDadeaDaia/panitikan-52237416
thebestworld30.blogspot.com
newsfeed.ph/facts/59375/panitikan-mga-halimbawa-ng-mga-uring-patula-at-
tuluyan-prosa/
edoc.pub/panitikang-pilipino-pdf-free.html
70

idoc.pub/dovuments/panitikang-pilipino-34m7ej510p46
www.facebook.com/28928129726295/posts/kahulugan-ng-panitikan-at-mga-uri-
nitong-panitikan-ay-nagsasabi-o -nagpapahayag-/2831
www.scribd.com/presentation355876094/uringpanitikan-140623060151-
phpapp01
www.puzzlefast.com/en/puzzles20140904912169
topgradeapp.com/de/playQuiz/edtech-3
panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-talumpati-filipino-speeches.html/
Romero, Myra. (Pebrero 5, 2010) Panahon Bago Dumating Ang Kastila 1.5
https://www.scribd.com/doc/26421677/Panahon-Bago-Dumating-Ang-Kastila-
1- 5-1
Mabait, Merlan A. (Hulyo 28, 2014) Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila Philippine
Science High School-Main Campus
https://www.slideshare.net/GinoongGood/panitikan-bago-dumating-ang-mga-
kastila
Garces, Aisielyn Alarcon S. (Enero 24, 2015) Ang Panitikan Bago Dumating ang mga
Kastila. pp. 1-3
https://www.scribd.com/document/253563917/Ang-Panitikan-Bago-
Dumating- ang-mga-Kastila-docx
https://philnews.ph/2018/12/19/halimbawa-ng-salawikain-15-halimbawa-
salawikain/
https://philnews.ph/2018/12/15/salawikain-20-halimbawa-salawikain-kasabihan/
https://www.tagaloglang.com/proverbs-about-plants/
https://noypi.com.ph/bugtong/ https://www.google.com/search?
q=baybayin&sxsrf=ALeKk03jSvFVcfOpliD8hBFt
6vQ4F6HZFw:1591778546402&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj
OysaW7fbpAhUCc3AKHSSUC40Q_AUoAXoECBQQAw#imgrc=iGRGIeu68mD
WnM
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/panitikang-filipino-sa-ibat-
ibang.html?m=1
https://philippineculturaleducation.com.ph/doctrina-christiana/
https://panitikansapilipinaspamore.wordpress.com/2014/10/11/urbana-at-feliza-2/
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18625277452
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18444837295
https://www.kapitbisig.com/philippines/ang-pamanhikan_1405.html
https://philippineculturaleducation.com.ph/barlaan-at-josaphat/
71

https://kulturang-noypi.blogspot.com/2015/03/ano-ang-tibag.html?m=1
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/607106/ang-mga-sumulat- ng-
naunang-tagalog-version-ng-pasyon/story/
http://www.slideshare.net/sjbians/panitikan-sa-panahon-ng-propaganda-
78084643?from_m_app=android
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/1825368818
http://www.slideshare.net/lethmarco/kilusang-propaganda- 50634496?
from_m_app=android
https://vdocuments.site/panahon-ng-pagbabagong-diwa-handout.html
https://www.slideshare.net/emeraimahdimaarig/pagbabagong-diwa-
101?from_m_app=android
Kuha ang mga larawan sa google images
http://www.slideshare.net/sjbians/panitikan-sa-panahon-ng-propaganda-
78084643?from_m_app=android
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/1825368818
http://www.slideshare.net/lethmarco/kilusang-propaganda- 50634496?
from_m_app=android
https://vdocuments.site/panahon-ng-pagbabagong-diwa-handout.html
https://www.slideshare.net/emeraimahdimaarig/pagbabagong-diwa-
101?from_m_app=android
Kuha ang mga larawan sa google images
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-himagsikan.html
https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-andres-bonifacio/
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/07/si-emilio-jacinto-y-dizon-
disyembre-15.html
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2009/09/talambuhay-ni-apolinario-
mabini.html
https://philippineculturaleducation.com.ph/palma-jose/
Panitikang Amerikano
Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006).―Panitikan sa Pilipinas‖.
Rex Bookstore.Lungsod ng Quezon.
Panitikang Amerikano (Mga Aklat at Panitikan)
Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas at ang
Implikasyon nito sa Filipino bilang Wikang Pambansa: Panimulang
Pagtalakay sa Sikolohikal na Aspekto sa Pagpaplanong Pangwika /Language
Motivations and Attitudes Toward Using English https://ejournals.ph/article.php?
id=8055
Edukasyon ng Pilipinas sa Panahon ng Amerikano- Isang Panitik
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://tl.m.wikipedia.or
g/wiki/Edukasyon_sa_Pilipinas_noong_panahon_ng_mga_Amerikano&ved=2ah
UKEwjmk73BkuzpAhVTBogKHdr0A3MQFjAKegQIARAH&usg=AOvVaw0QSOTlj
3J1xS8FJEvZsamQ&cshid=1591410806804
 Mga Manunulat sa Panahon ng Amerikano https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.scri
bd.com/doc/118282963/Mga-Manunulat-Sa-Panahon-Ng-
72

Amerikano&ved=2ahUKEwiyi7nTlOzpAhWWHXAKHY6jAJEQFjAAegQIAxA
B&usg=AOvVaw3TeHtqdMYhzyqy0EfXlkzI&cshid=1591411295081

 Lazaro Francisco
Cite this article as: Francisco, Lazaro. (2015). In V. Almario (Ed.),Sagisag
Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts.
Retrieved fromhttps://philippineculturaleducation.com.ph/francisco-lazaro/

 Jose Garcia Villa


Cite this article as: Villa, Jose Garcia. (2015). In V. Almario (Ed.),Sagisag
Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts.
Retrieved fromhttps://philippineculturaleducation.com.ph/villa-jose-garcia/

 Jorge Bocobo
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Jorge_Bocobo

 Zoilo Galang
http://panitikan.ph/2014/06/06/zoilo-galang/

 Zulueta Acosta
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Zulueta_Acosta

 N.V.M. Gonzáles
Cite this article as: Gonzales, N.V.M.. (2015). In V. Almario (Ed.),Sagisag
Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts.
Retrieved fromhttps://philippineculturaleducation.com.ph/gonzales-n-v-m/

 Estrella Alfon
https://www.panitikan.com.ph/criticism/estrellaalfon.html

 Artúro V. Rotór
Cite this article as: Rotor, Arturo V.. (2015). In V. Almario (Ed.),Sagisag
Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts.
Retrieved
https://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/panitikang-filipino-sa-ibat-ibang.html
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-hapon.html
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module
https://umpp.blogspot.com/2011/08/ang-dulang-pilipino-sa-panahon-ng.html
https://www.tagaloglang.com/ang-matanda-ang-batang-paruparo/
https://peran.wordpress.com/2007/12/08/ako-ang-daigdig/
https://varsitarian.net/filipino/20081117/balik_tanaw_sa_daigdig_ni_abadilla
https://w\ww.slideshare.net/charlhen1017/panitikan-sa-panahon-ng-kalayaan
73

https://www.academia.edu/26215382/Panitikan_ng_pilipinas
https://xreinx.livejournal.com/117575.html
https://www.slideshare.net/mobile/PinkyRoseTapayan/ang-panitikan-sa-
panahon-ng-isinauling-kalayaan
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Nobelang_Pilipino
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Nobela
Aklat
Baisa-Julian, Dayag.2009.Pluma(Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan-
Ikalawang Edisyon.927 Quezon Avenue, Quezon City. Phoenix Publishing
House, Inc.
https://brainly.ph/question/2133524
https://www.slideshare.net/mobile/michaelsaudan1/panitikan-sapanahonngbatasmilitar-
1
https://www.academia.edu/38571724/maikling_kwento_sa_panahon_ng_batas_militar_
at_bagong_lipunan.docx
https://marnek2.wixsite.com/marneskripts/rogelio-g-mangahas
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-himagsikan.html
https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-andres-bonifacio/
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/07/si-emilio-jacinto-y-dizon-disyembre-
15.html
74

You might also like