Professional Documents
Culture Documents
EsP3 DLP 1st Qtr. Aralin 4
EsP3 DLP 1st Qtr. Aralin 4
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Aralin 4: Matatag ako, Kaya kong Gawin!
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng sariling
kakayahan,pagkakaron ng tiwala, pangangalaga at pag-iingat sa sarili tungo sa
kabutihan at kaayusan ng pamilya at pamayanan. CG pahina 40
B. Pamantayang sa Pagganap
Naipakikita ang natatanging kakayahan sa ibat-ibang kakayahan sa iba’tibang
pamamaraan nang may tiwala, katapatan at katatagan ng loob. CG pahina 40
II. NILALAMAN
Paksang Aralin: Aralin 4: Matatag Ako, Kakayanin kong Gawin!
Batayang Pagpapahalaga: Katatagan ng loob (fortitude)
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro, mga pahina15- 18
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Mag-aaral, mga pahina 24- 31
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources
UNANG ARAW
ALAMIN NATIN
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Bilang isang bata, paano ninyo napatunayan na matatag ang loob ninyo?
Sagutan ang Gawain 1 sa pahina 24.
Gawain 1
Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa sumusunod ang
nangangailangan ng iyong katatagan. Isulat sa papel ang iyong kasagutan.
Ikalawang Araw
ISAGAWA NATIN
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Talakayin ang takdang- aralin.( Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral
ng kanilang mga takdang aralin.)
(Hindi nila napansin si Gng. Gonzales kaya nabunggo nila ito. Agad silang
pinigil ni Gng. Gonzales.
Gng. Gonzales: Mga bata, tigil muna kayo. Hindi ba ninyo nabasa ang
Nakasulat na paalaala na nakapaskil sa pader?
Bawal tumakbo sa pasilyo ng mga gusali.
Baka kayo madulas at maaksidente.
Dapat ninyo itong sundin para maiwasan ang
anumang aksidente at makasakit ng ibang tao.
James at Robert: (Hiyang-hiya) Sori po, Ma’am. Nagmamadali lang po
kami. Hinding-hindi nap o kami uulit.
Simula noon ay lagi nang pumipila ang dalawa kapag lumabas ng silid-
aralan kasama ng kanilang kamag-aaral. At lahat ng tuntunin sa paaralan ay
kanila nang sinusunod.
1. Pangkatin ang mga mag-aaral ng may anim hanggang walong (6-8) kasapi
ang bawat pangkat.
2. Papiliin ng lider ang bawat pangkat.
3. Bigyan ng pagkakataon na pag-aralan at talakayin ng bawat pangkat ang
kalagayan sa Kagamitan ng Mag-aaral.
G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay
Sagutin ang mga tanong sa pahina 27.
1. Anong proyekto ang ipinagagawa ni Gng. Magbuhat?
2. Bakit pinahahalagahan ng mga bata ang mga puna at mungkahi ng
Kanilang guro?
H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang dapat tandaan kapag pinupuna kayo sa inyong maling gawi?
I. Pagtataya ng Aralin
Sa iyong palagay, ang pagtanggap ba sa mga puna at pagsunod sa mga
mungkahi ng mga nakatatanda tulad ng guro ay nagpapamalas ng katatagan
ng loob? Ipaliwanag
Ikatlong Araw
ISAPUSO NATIN
III. PAMAMARAAN
G. Paglalapat ng Aralin
H. Paglalahat ng Aralin
Isulat sa graphic organizer ang mga dapat gawin.
I. Pagtataya ng Aralin
Lakip blg. 1
Ikaapat na Araw
ISABUHAY NATIN
III. PAMAMARAAN
H. Paglalahat ng Aralin
Ipabasa ang Tandaan Natin at ipaunawa sa mga bata ang mensahe nito.
Tandaan Natin
Nasusubok ang katatagan n gating loob sa pamamagitan ng:
pagtanggap sa puna ng ibang tao at pagtatama sa mga hindi
magandang kilos, gawa at gawi bilang tao.
pagtatama sa mga maling nagawa at pagsasakatuparan ng mga
pagbabago mula sa mga mungkahi upang lalo pa itong mapaganda
at mapabuti.
Isa sa kasabihan ng mga nakatatanda ay ito: Ang pinakamagandang silid
sa mundong ito ay ang silid ng pagbabago at pag-unlad. Ang katatagan ng ating
loob ay maipakikita ng isang tao sa pamamagitan ng payapang pagtanggap ng
puna at papuri sa ating buhay. Ang taong marunong tumanggap ng papuri ay
dapat na marunong ding tumanggap ng puna upang makamtan ang tunay na
pagbabago.
I. Pagtataya ng Aralin
Tingnan ang Lakip Blg. 2
1. Isulat ang mga naging puna sa iyo ng mga naging guro, mga magulang, iba
pang kasambahay at kaibigan sa loob ng kahon na itinuturing mong regalo
sa iyo sapagkat ito’y makatutulong sa iyong pagbabago.
____________________________
Lagda
Ikalimang Araw
SUBUKIN NATIN
III. PAMAMARAAN
I. Pagtataya ng Aralin
V. Pagninilay
G. Anong kagamitang Panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?