Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 30: Si Huli

Higit na dinamdam ng taga-San Diego ang pagkabilanggo ni Basilio kaysa


pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Napabalitang ipatapon ang pinakamagaang parusa kay
Basilio at malamang na sa daan pa lamang ay ipapatay na siya.

Ayon kay Hermana Penchang, parusa ng Diyos ang pagkakabilanggo ni Basilio


sapagkat hindi ito nag-aantanda pag nakitang marumi ang agua bendita. Ngunit
marami sa kalalakihan ang hindi naniniwala nito ni sa paghihimagsik at mga paskin.
Ang nangyari’y paghihiganti ng mga prayle sa pagkakatubos ng binata kay Huli.

Ang totoo’y ikinalungkot ni Hermana Penchang ang pagkakatubos kay Huli dahil
inaako ng dalaga ang pagdarasal at pag-aayuno ng manang.

Nakarating kay Huli ang nangyari kay Basilio at nakadama siya ng matinding
kalungkutan. Sinapantaha niyang nanganganib na naman ang kaniyang hinaharap.

Naisip ni Huli na tungkulin niyang tulungan ang binata sapagkat wala na itong
tagapagkupkop. Naisip niyang lumapit kay Padre Camorra ngunit kinilabutan siya.
Makapangyarihan ang kura. Tinulungan siya nito upang makalaya ang kaniyang
ingkong. Hindi sapat sa kura ang pasasalamat ni Huli kaya humiling ito ng alaalang
hindi kayang gawin ng dalaga.

Nag-ambag-ambag ang mga kamag-anak ni Basilio para sa ikalalaya niya subalit


hindi sapat ang kanilang nalikom. Lumapit si Huli at Hermana Bali sa kawani at
hukom-pamayapa ngunit ngunit pinayuhan lamang silang kay Padre Camorra lumapit.

Ayaw lumapit ni Huli kay Padre Camorra dahil batid niyang may masamang
tangka ito sa kaniya. Hindi makatulog si Huli nang gabing yaon dahil sa sari-saring
pangitain – ang amang palabuy-laboy, nagugutom, pagod na pagod; si Basilio, nag-
aagaw buhay, sumisigaw ng “Iligtas mo ako!”. Lumipas ang araw niya sa pagtawag sa
Diyos at sa inang namayapa na.

May nabalitang anim katao ang binaril at iisang bilanggo lamang ang naiwan sa
piitan – si Basilio. Ito ang pumawi sa pag-aalinlangan ni Huli. Magpapasama siya kay
Hermana Bali sa kumbento. Nagbihis at nag-ayos siyang kunwang masaya ngunit puno
ng panimdim.Nang matanaw ang kumbento, nagyaya siyang umuwi lalo nang marating
ang pintuan nito. Tumangging pumasok si Huli na putlang-putla at takot na takot.
Hinatak siya ng matanda at pinangakuang hindi iiwan.

Nang magpatuloy sa pagmamatigas si Huli, nagsalita na si Hermana Bali. “Siya,


kung ayaw mo. Hindi naman ako ang may utang na loob kay Basilio. Hayaan mo siyang
itapon at barilin sa daan. ‘Pag patay na, saka ka magsisi.” Dahil sa sinabi ni Hermana
Bali, pikit-matang pumasok sa kumbento si Huli.

Kinagabihan, napag-usapan ang pagtalon ng isang dalaga mula sa bintana ng


kumbento. Bumagsak ito sa batuhan at namatay. Halos kasabay noon ang paglabas ng
isa pang babaing nagsisisigaw na parang baliw. Ayaw bumanggit ng pangalan ang taong
bayan.Pagkaraan noon, isang matandang lalaki ang dumating sa may pinto ng
kumbento na natatanuran ng sakristan. Ang matanda’y nagsisisigaw at nagtutungayaw
na hindi maunawaan. Nagtungo ang matanda sa gobernadorcillo at sa hukom-
pamayapa. Wala ang mga ito dahil ipinatawag sa kumbento. Maging ang tinyente mayor
at ang guwardiya sibil ay nasa kumbento rin. Ang matanda ay umuwing tumatangis na
parang bata. Umaalingawngaw sa katahimikan ng gabi ang kaniyang panangis.
Napakagat-labi ang mga lalaki at ang mga babai’y nangagdaop-palad.

“Panginoon, kami’y pantay-pantay sa Iyong harapan. Kayo napo ang magbigay-


katarungan sa amin,” anang isang babaing namamayat sa kakakulasyon.“Oo, kung
totoo ang Diyos na kanilang sinasabi. Hindi gawa-gawa lamang. Sila na rin ang unang
hindi nananalig sa Kaniya,” ang wika ng kaniyang asawa.

Nang mag-iikawalo ng gabi, nabalitaang pitong prayle na nanggaling sa mga


karatig-bayan ang nangagtipon-tipon sa kumbento upang magpulong. Nang sumunod
na araw ay tuluyan nang nawala si Tandang Selo. Taglay niya ang kaniyang sibat sa
pangangaso.

You might also like