Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 34: Kasalang Pelaez at Gomez

Ikapito pa lamang ng gabi. Dalawang oras pa bago sumapit ang kakila-kilabot na


sandali. Habang naglalakad ay nag-iisip si Basilio ng kaniyang magagawa at
matutuluyan.

Wala si Isagani nang puntahan niya ito upang makituloy. Walang makapagsabi
kung nasaan ang binata, hindi ito umuwi sa lalawigan gayong bakasyon. Wala siyang
malamang pupuntahan, ni isang kusing ay walang laman ang bulsa niya maliban sa
rebolber.

Napahinto si Basilio nang mapagtanto niya kung saan magsisimula ang


kaguluhan. Nakaligtaan niya itong itanong kay Simoun sa labis na kalituhan ngunit
naalala niyang pinalalayo siya sa daang Anloague.

Naghinala siya. Sapagkat nang hapong iyon, pagkalabas niya galing sa


bilangguan, tumuloy siya sa bahay ni Kapitan Tiyago upang kunin ang mga natitirang
gamit. Nakita niyang maayos na maayos ang bahay para sa isang pista. “Doon idaraos
ang kasal ni Juanito Pelaez!” Ang pistang binanggit ni Simoun.

Nakita niya ang pagdating ng sasakyan ng bagong kasal. Naalala niya ang
kaibigang si Isagani. Naawa siya para dito, ngunit alam niyang hindi makikiisa sa
gayong paghihimagsik si Isagani; hindi gugustuhin ng binatang masangkot sa patayan.

Naisip niyang kung hindi siya nabilanggo, maaaring may-asawa na’t nanggagamot
na siya sa isang sulok ng lalawigan. Nagunita niya ang durog-durog na katawan ng
kasintahang si Huli bunga ng pagkahulog. Naglatag ang poot sa kaniyang pagkatao at
kinapa ang rebolber.

Natanaw niya ang paglabas ni Simoun sa bahay niya dala ang lampara na buong
ingat na ibinalot. Sa bahay ni Kapitan Tiyago mangyayari ang kagimbal-gimbal na
pagsabog.

Hindi magkamayaw ang usapan sa dami ng mga panauhin mula sa mga kawani,
mga manggagawa, at mga pinuno. Si Don Timoteo Pelaez ay walang pagsidlan ng
kagalakan sa kaniyang magandang kapalaran.

Dumating na ang dakilang oras. Tiyak na ang mahahalagang sandali at


magsasanib na ang kayamanang Pelaez at Gomez. Nabili niya nang halos palugi ang
bahay ni Kapitan Tiyago at inayusan ito sa tulong ng salapi ni Simoun.
Sa balkonahe, naroroon ang malaking hapag para sa mga diyos ng lipunan. Mga
pilak ang ipagagamit na kubyertos at ang pinakamahal at pinakamasarap na alak ang
binili ni Don Timoteo. Hindi pinanghinayangan ni Don Timoteong gumugol ng
napakalaking halaga sa kasalang iyon. Kahit sabihin ng Kapitan Heneral na kakain siya
ng karne ng tao, papatay siya kung kinakailangan.

You might also like