Iplan - Week 2 Day 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CARCAR CITY
P. Nellas St., Carcar City, Cebu
Telephone No. 4878495

INSTRUCTIONAL PLAN IN FILIPINO GRADE _5__

Blg. Ng iPlan.: 3 Asignatura: FILIPINO Baitang: 5 Kwarter: 3 Duration:


50 mins.
Mga Kasanayang Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa Code:
Pampagkatuto: pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao,hayop,lugar,bagay,at F5WG-Ia-e-2
(Hango mula sa Gabay
Pangkurikulum) pangyayari sa paligid.
Susing Konsepto / Pag- Gumagamit tayo ng mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa
unawa na Dapat Malinang sarili,tao,hayop,lugar,bagay at pangyayari sa paligid.
I. Mga Layunin

Kaalaman Nakikilala ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga
tao,hayop,lugar,bagay at pangyayari sa paligid.
Kasanayan Nagagamit nang wasto ng mga pangungusap na ginagamitan ng mg pangngalan at
panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga tao,hayop,lugar,bagay at pangyayari sa
paligid.
Kaasalan Naipaliliwanag ang pagiging masunurin sa lahat ng pagkakataon
Kahalagahan Natatalakay ang kahalagahan ng pagtutulungan
II. Nilalaman/Paksa Paggamit nang Wasto sa mga Pangngalan at Panghalip sa Pagtalakay Tungkol sa Sarili,
Tao,Hayop,Lugar,Bagay at Pangyayari sa Paligid
III. Kagamitang
Pampagkatuto TV, tsart, Larawan, cartolina, Projector,Powerpoint Presentation, laptop,video clip
IV. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain Magpakita ng larawan ng ibat ibang tao,tulad ng nanay ,tatay, bata, guro, doktor, dentist,
( 5__ minuto) nars. Itanong kung ano ang bawat isa.Itanong ang pangkalahatang ngalan ng lahat ng
nasa mga larawan.(tao)
Ganito rin ang gawin sa ngalan ng mga pook,tulad ng paaralan ,palengke, kalsada, ilog,
simbahan, plasa,at ba pa.
Ganito rin ang gawin sa ngalan ng mga hayop o bagay,tulad ng pusa, aso,
kalabaw ,aklat ,lapis, punongkahoy, dahoon ,bulaklak,at iba pa.
Itanong pagkatapos kung ano ang tawag sa ngalan ng tao,pook,hayop,o bagay.
[ pangngalan] Anong bahagi naman ng pananalita ang ipinalit natin sa ngalan ng
tao,pook,bagay,hayop o pangyayari?
Tumawag ng ilang bata para makapagbibigay ng pangungusap na ginagamitan ng
pangngalan at panghalip

2. Gawain/Estratehiya
( 10 minuto)
Nakarinig o nakabasa na ba kayo ng kuwento tungkol kay Jonas at ang malaking isda? Ano ang nagyari kay
Jonas?
Basahin ang sumusunod na kuwento at sagutin ang mga katanungan pagkatapos.Maaari
ring video clip ang ipapanood.

Si Jonas at ang Malaking Isda


Si Jonas ay propeta ni Jehova. Bago pa lang namamatay si Eliseo nang sabihin ni Jehova
kay Jonas: “ Pumunta ka sa Nineve. Napakasama ang mga tao roon, at gusto kong kausapin mo sila tungkol
ditto.
Pero ayaw pumunta ni Jonas. Sumakay siya sa bapor na papalayo sa Nineve. Hindi natuwa si
Jehova kaya nagpadala siya ng malakas na bagyo. Natakot ang tripulante nab aka lumubog ang kanilang
bapor. Nanalangin sila sa kanilang mga diyos.
Sa wakas, sinabi sa kanila ni Jonas: “ Mananamba ako ni Jehova. Umiiwas ako sa ipinagagawa
niya sa akin, kaya nagtanong ang mga tripulante ,” Ano ang dapat naming gawin para huminto ang bagyo?”
“Ihagis nyo ako sa dagat,” sabi ni Jonas. Ayaw ng mga tripulante, pero lumalakas ang bagyo kaya napilitan
din silang ihagis si Jonas sa dagat. Karka-raka huminto ang bagyo.
Nilamon si Jonas ng malaking isda. Pero hindi siya namatay. Tatlong araw at tatlong gabi siya sa loob
ng isda. Abut-abot ang pagsisisi ni Jonas dahil sa sinuway niya si Jehova at hindi siya pumunta sa Nineve.
Nanalangin si Jonas kay Jehova. Kaya pinangyari na si Jonas ay iluwa ng isda sa tuyong lupa.
Pagkatapos nito, nagpunta si Jonas sa Nineve.
1. Sino si Jonas, at ano ang ipinagagawa ni Jehova sa kaniya?
2. Dahil ayaw niyang pumunta sa lugar na sinabi sa kaniya ni Jehova, ano ang ginawa ni
Jonas?
3. Ano ang ipinagawa ni Jonas sa mga tripulante para huminto ang bagyo?
4. Gaya ng makikita mo sa larawan, ano ang nangyari nang lumubog si Jonas sa tubig?
5. Gaano katagal si Jonas sa loob ng malaking isda, at ano ang ginawa niya roon?
6. Bakit lumabag sa utos ng Diyos si Jonas?
7. Mahalaga ba ang pagiging masunurin ? Bakit?
Pangkatang Gawain. Basahing muli ang kwento nang pahapyaw at bawat pangkat ay magtala ng
sumusunod

Pangkat I Ngalan ng tao

Pangkat II Ngalan ng bagay at hayop

Pangkat III Ngalan ng lugar

Pangkat IV Ngalan ng pangyayari

Pangkat V Itala ang mga panghalip

B. Pagrereport

3. Pagsusuri Ano ang naramdaman ninyo habang gumagawa kayo sa inyong gawain bawat pangkat.?
( 5 minuto) Bilang kasapi ng grupo,paano mo naipakikita ang pagiging masunurin sa desisyon ng
mayoridad sa inyong grupo.
Tama ba ang lahat ng inyong sagot?{ kung may nagkamali sa sagot, sabihin,”Bakit kayo
nagkamali? [ Bigyang diin sng kahalagahan ng pagtutulungan
Anong bahagi ng pananalita ang inyong isinagot? Tama, pangngalan at panghalip

4. Pagtatalakay Ano ang pangngalan? Ano ang panghalip?


( 10 minuto) Hayaang magbigay ng halimbawa ang mga bata at ipagamit ito sa pangungusap.
Kalian natin magagamit ang mga pangngalan at panghalip?

Nagagamit natin ang mga pangngalan at panghalip sa pagtatalakay sa


sarili,tao,bagay,hayop,lugar at pangyayari.
.

5. Paglalapat A. Nasa loob ng kahon ang mga pangngalan. Piliin ang angkop na pangngalan na bubuo
( 10 minuto) sa bawat pangungusap.

1 .Mabait ang aking __________ na si Gng, Astrera.


2 .Nagsisimba ako tuwing araw ng ____________.
3 .Masarap mamasyal sa _________________.
4 .Ang _________ ay masayang umaawit sa sanga ng isang puno.
5 .Ang gamit kong lapis ay ____________.

B. Salungguhitan ang wastong panghalip sa panaklong.


1. Ang damit (mo, iyo) ay bagay sa iyo.
2. Hindi ( ko, ako) makita ang hinahanap mo.
3. Bigyan ( mo, iyo) pa siya ng kaunting panahon para makapag-isip.
4. Aalis na si Maine. Gusto mo bang pasyalan ( siya, nila)?
5. Noong ako’y bata pa, madalas daw ( ako, kami) mahulog sa hagda
6. Pagtataya
( 7 minuto) Sumulat ng isang maikling talata gamit ang mga pangngalan at panghalip.
Unang hanay Paboritong Artista
Ikalawang hanay Alagang Hayop
Ikatlong hanay Lugar na Napuntahan Na
Ikaapat na hanay Isang Pangyayari sa Iyong Buhay

7. Takdang-Aralin Sumulat ng isang talata na tumatalakay sa iyong sarili.


( 2 minuto)
8. Ipaawit sa mga bata ang paborito nilang awit at kilalanin ang mga pangngalan at
Paglalagom/Panapos panghalipa ng nabanggit sa awit.
na Gawain ( 2
minuto)
V. Mga Tala

VI. Pagninilay

Pangalan ng Guro/Tagasulat: Paaralan:


Position/Designation: Sangay/Tanggapan:
Contact Number: Email Address:
Paalala sa mga Gagamit: Gaamitin ang nakalakip na porma para sa inyong mga puna at mungkahi upang
mas mapalinang pa ang instructional plan na ito.

You might also like