Filipino 10 SLMs 4th Quarter Module 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
El Filibusterismo
(Si Kabesang Tales)

Self-Learning Module
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: El Filibusterismo (Si Kabesang Tales)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alona A. Tecson
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador,
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Everlyn S. Pascual,
Jocelyn S. Pablo
Tagsuri ng Disenyo
at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Donna Lou R. Dela Cruz
Tagalapat: Alona A. Tecson
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan

Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telephone Number: (044)-486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw! Kumusta? Ngayong nakilala mo na sa nakaraang


modyul ang mga piling tauhan ng nobelang El Filibusterismo, natitiyak kong
higit ang iyong kasabikan at pagnanais na mahalungkat ang iba pang bahagi
nito. Handa ka na ba sa panibagong aralin? Magaling! Kung gayon ay tutungo
na tayo sa ating araling tiyak na magpapalawak ng iyong kaisipan. Halika at
kilalanin mo ang iba pang tauhang nagbigay-kulay sa nobelang isinulat ni Dr.
Jose P. Rizal. Natitiyak kong marami kang mapupulot na kaisipan at
matatalinghagang pahayag na makatutulong upang lalo mong malinang at
mapalago ang iyong kaalaman.

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang iyong kasanayan sa


sumusunod:

1. nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa


binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa (F10PT-IVb-c-83);
2. nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapuwa-tao,
magulang) (F10PB-IVd-e-88);
3. naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang
akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda (F10PD-IVd-e-83);
at
4. naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng
mga kaisipang namayani sa akda (F10PN-IVd-e-85).

1
Subukin

Binabati kita dahil ngayon ay nasa ikatlong modyul ka na! Bago ka


magpatuloy ay mayroon akong inihandang ilang mga katanungan para sa iyo na
kinakailangan mong sagutin. Huwag kang mangamba sapagkat alam kong
kayang-kaya mo ito. Handa ka na ba? Simulan mo na!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Isulat


ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaagaw ng korporasyon sa lupain ni


Kabesang Tales?
A. pagiging mabuting kabesa ni Tales
B. kasamaang umiiral noong panahon ng Kastila
C. kabutihan ng mga prayle sa ibang mamamayan
D. pamimigay ng lupaing binungkal ni Kabesang Tales sa ibang
mamamayan

2. “Tayong lahat, Ama, ay uuwi sa alabok at isinilang tayong walang damit,”


ano ang kahulugan ng pahayag na ito ni Kabesang Tales?
A. Pare-pareho lamang ang bawat tao nang isinilang.
B. Magkakatulad lamang ang bawat tao na may hangganan ang
buhay.
C. Pantay ang karapatan ng bawat isa mula sa pagsilang hanggang sa
kamatayan.
D. Iwanan man ang magulang ng kanilang anak ay babalik at babalik
pa rin ito sa kanilang tahanan.

3. Bakit takot lumapit si Huli kay Padre Camorra?


A. Nais siyang gawing alila.
B. May pagnanasa ito sa kaniya.
C. Gusto nito ang agnos bilang kapalit.
D. Hindi ito nasisiyahan sa pasasalamat lamang.

2
4. Ano ang ipinakikita ng pagdadala ni Kabesang Tales ng baril, gulok, at
palakol sa pangangasiwa ng kaniyang bukirin?
A. lalabang mag-isa sa mga mapang-alipin
B. handa siyang ipagtanggol ang kaniyang sinasaka
C. mahusay gumamit ng baril, gulok at palakol si Tales
D. handang manghuli ng mga ibon at mangahoy sa gubat

5. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ni Kabesang Tales sa


pagkakahirang sa kaniya bilang isang kabesa?
A. Malakas siyang kumita ng salapi.
B. Maunlad ang kaniyang kabuhayan.
C. Pinakamasipag siya sa kanilang nayon.
D. Siya ay matapang at walang inuurungang laban.

6. Ano ang hindi totoong pangyayari tungkol sa agnos o relikaryong may


esmeralda at mga brilyanteng pag-aari ni Huli?
A. Handog ito ni Basilio kay Huli.
B. Ibinigay ito ni Maria Clara na anak ni Kapitan Tiyago sa isang
ketongin.
C. Ibinigay ito ng isang ketongin kay Basilio bilang kabayaran sa
pagkakagamot nito sa kaniya.
D. Isinanla ni Huli ang agnos sa halagang dalawandaan at limampung
piso upang matubos ang kaniyang ama sa mga tulisan.

7. Bakit nagpasiya si Kabesang Tales na huwag magbayad ng buwis at


huwag ibigay ang lupa sa korporasyon?
A. Pagmamay-ari naman niya ang lupa.
B. Ibinigay niya ang kaniyang anak na si Huli bilang pambayad sa mga
prayle.
C. Wala namang maipakitang kasulatang pagmamay-ari ang mga
prayle para sa lupaing kaniyang sinasaka.
D. Maninilbihan bilang alipin sa mga prayle ang anak nitong si Tano
upang hindi na niya kailangang magbayad ng buwis taon-taon.

8. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ni Kabesang Tales sa pagdating ni


Simoun sa kaniyang tahanan?
A. utak talangka
B. colonial mentality
C. bahala na system
D. malugod na pagtanggap sa mga panauhin

3
9. “Si Huli ay may ulong parang salaan – puno lamang habang nasa tubig.”
Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng pahayag na ito?
A. Mahina ang kaniyang pag-unawa.
B. Wala siyang maisaulo sa binabasa.
C. Nag-uumapaw sa kaalaman si Huli.
D. Mabagal siyang magproseso ng binabasang aklat.

10. Alin sa sumusunod ang ginawang pagpapakasakit o sakripisyo ni Huli


para sa kaniyang ama?
A. Nanilbihan siya sa isang mayaman.
B. Sumama siya kay Basilio upang makaisang dibdib ang kasintahan.
C. Nanilbihan siya sa kumbento kapalit ang kalayaan ng kaniyang
ama.
D. Iniwan niya ang kaniyang ama at nagtungo siya sa Maynila upang
mag-aral.

Aralin
El Filibusterismo
1 (Si Kabesang Tales)
Isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga magsasakang Pilipino ay ang
usapin hinggil sa lupang kanilang sinasaka. May mga pangyayaring nagaganap
na kailangan pa nilang makipaglaban maipagtanggol lamang ang kanilang
karapatan sa lupang kanilang sinasaka.

Sa araling ito, tatalakayin kung paanong ang isang indiyo ay nakipaglaban


sa mga prayle para sa lupang kaniyang sinasaka at kung ano ang kayang
isakripisyo ng isang anak para sa kaniyang ama, gayon din para sa kaniyang
sinisinta.

Inaasahang maipamamalas mo rito ang pag-unawa sa matatalinghagang


pahayag na ginamit sa bahaging ito ng nobela. Susuriin mo rin ang mga
kaisipang nakapaloob at nangibabaw sa bahagi ng akdang babasahin at
mapapanood.

Simulan mo sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sa nakaraang aralin


upang malaman kung nakikilala mo ang mga pangunahin at ilang piling tauhan
sa nobela.

4
Balikan

Natalakay sa ikalawang modyul ang ilan sa mga tauhan ng El


Filibusterismo. Natatandaan mo pa ba kung sino-sino sila? Mahusay! Sila ang
mga tauhang may malaking ginampanan sa nobelang ito ni Dr. Jose P. Rizal.

Panuto: Ilarawan ang mga tauhang nakasulat sa loob ng kahon sa ibaba batay
sa papel na kanilang ginampanan sa kabanatang binasa sa nakaraang modyul.
Gawin ito sa hiwalay na papel.

Tauhan sa akda Papel na ginampanan sa akda

1. Simoun

2. Basilio

3. Huli

4. Kapitan Tiyago

5. Kabesang Tales

Tuklasin

Malapit ka na sa araling tatalakayin sa modyul na ito. Bago iyon, mayroon


akong inihandang isang tulang siguradong maiibigan mo. Bigyang-pansin ang
mga salitang ginamit dito. Handa ka na ba? Mabuti! Simulan mo na.

5
Buwis – Buhay
Ni Alona A. Tecson

Mula sa karalitaan, nagbagong tunay


Puhuna’y makapal na palad, umunlad ang buhay
Lupang diniligan ng dugo’t pawis
Nagpabagong sadya sa kapalarang kay bilis.

Sa kasaganaa’t kapangyarihang natamasa


Itong si Tales agad naging kabesa
Nagpantay man ang paa ng asawa’t anak na dalaga,
Matagumpay na naipatayo tahanang yari sa tabla.

‘Di sukat akalaing tinik sa lalamunan


Sa malaking korporasyon at sa prayleng gahaman
Lupang binungkal na nagpayamang tunay
Pinabuwisan na nga’y nais pang sa iba ibigay.

Unti-unting nabutas, bulsa ng kabesa.


Kasawiang palad, dagok na tunay sa pamilya.
Nabihag ng tulisan sa pagbabantay ng bukirin
Malaking halaga katumbas ay palayain.

Sa araw na dapat nagdiriwang ang lahat


Anak na dalagang sa salapi’y salat
Nilisan ang tahanan, sa mayaman maninilbihan
Isinantabi ang sariling kaligayahan.

Sa pagdating ni Simoun, panibagong hamon.


Nasang agnos kagyat sa katad naroon
Rebolber na pang-akit sa nasa’y kapalit
Si Tales umalis, iniwa’y agnos, rebolber bitbit.

6
Anak na dalitang kapit sa patalim
Nang ang kasintaha’y masangkot sa paskin
Dili nag-atubiling ang kumbento’y tunguhin
Bulag, pipi’t bingi tanging naiwang saksi.

Sa isang tahimik at malamig na gabi


Pagkamatay ng dalagang si Huli
Umalingawngaw tangis ng matandang si Selo
Bitbit ang sibat at tuluyang naglaho.

Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa hiwalay na papel.
1. Ibigay ang matatalinghagang pahayag na mayroon sa tula.
2. Bakit naging kabesa si Tales?
3. Sino ang nagbuwis ng buhay sa tula? Bigyang patunay.
4. Ano ang nais ipahiwatig ng taludtod na ito mula sa tula, “Bulag, pipi’t
bingi tanging naiwang saksi”?
5. Sa iyong palagay, bakit “Buwis – Buhay” ang pamagat ng tula?
Pangatuwiran.

Suriin

Ngayong nakilala mo na sa nakaraang modyul ang mga piling tauhan ng


nobelang El Filibusterismo, natitiyak kong higit ang iyong kasabikan at
pagnanais na mahalungkat at makilala ang iba pang tauhan nito. Ngunit bago
iyon, narito ang ilang salitang makatutulong para sa lubos mong pagkaunawa.

Talasalitaan
1. manilbihan – maglingkod
2. hinawan – nilinis
3. korporasyon – organisasyon o grupo
4. naghihingalo – nag-aagaw buhay
5. agnos o relikaryo – isang locket o kuwintas

7
6. buwis – halagang bayad sa paggamit ng lupa
7. tabla – piraso ng kahoy
8. tulisan – taong humaharang sa mga taong naglalakbay
________________________ upang magnakaw
9. karuwahe – kalesa o sasakyang maaaring pandigmaan o
_________________________normal lang para sa transportasyong ginamit
_________________________noong unang panahon
10. binihag – ikinulong o hinuli

Sa bahaging ito, higit mong makikilala si Telesforo Juan De Dios o mas


kilala bilang si Kabesang Tales. Ano kaya siya bilang isang magulang sa
kaniyang mga anak, bilang isang kabesa sa kanilang lugar at bilang isang
mamamayan sa kanilang bayan?

Narito ang ilang piling kabanata sa El Filibusterismo upang lubos mong


makilala si Kabesang Tales.

Kabanata 4: Si Kabesang Tales

Buhay pa si Tandang Selo, ang matandang kumupkop sa may sakit na


batang si Basilio. Mabuti-buti na ang kaniyang buhay. Hindi na siya nangangaso
at nangangahoy at gumagawa na lamang siya ng walis.

Ang kaniyang anak na si Telesforo o Tales, ay nakikisama sa lupa ng isang


mamumuhunan. Nang malaunan ay bumukod na siya na katulong ang ama,
asawa at tatlong anak. Nagkaingin sila sa dulo ng bayan sa paniniwalang walang
nagmamay-ari niyon sapagkat iyon ay ginugubat.

Sa paghahawan ng gubat na iyon, isa-isang nagkasakit ang mag-anak.


Unang namatay ang asawa ni Tales at sumunod ang panganay niyang anak na
si Lucia.

Nang malapit na nilang anihin ang unang tanim, ang bukiring kanilang
hinawan, nilinang at tinamnam, ay inangkin ng isang korporasyon ng mga
prayle na may pag-aari sa malapit sa bayan. Naglagay ng mga pananda ang mga
ito at pinagbabayad sila ng dalawampu o tatlumpung piso taon-taon. Palibhasa’y
mabait, tahimik at masunurin sa mga prayle, pumayag si Tales. Unang-una,
hindi siya marunong magsalita ng Kastila. Wala rin siyang ibabayad sa
manananggol.

“Magtiis ka na,” ang payo ni Tandang Selo. “Ipagpalagay mo na lamang na


natalo ka ng tatlumpung piso sa sugal o kaya’y kinain ng buwaya.”

8
Naging masagana ang ani ni Tales at marami siyang napagbilhan.
Nagbalak siyang magpatayo ng bahay na tabla sa nayon ng Sagpang sa
Bayan ng Tiyani na katabi ng San Diego.

Masagana rin ang ani niya nang sumunod na taon. Ang upa sa lupa ay
naging limampung piso.

“Magtiis ka”, ang muling payo ni Tandang Selo. “Ipagpalagay mo na


lamang na lumaki ang buwaya.”

Natupad ang balak ni Tales. Nanirahan sila sa bahay na tabla. Binalak ng


mag-ama na pag-aralin sa Maynila si Tano at ang kapatid nitong si Huli.

Nang makita ng bayan na malakas kumita


ng salapi si Tales, pinakamasipag sa kanilang
nayon at maunlad ang kabuhayan, ginawa
siyang kabesa. Bilang kabesa, humanda siyang
gumugol nang malaki. Iniwasan niya ang
pakikipagkagalit sa kura at sa pamahalaan.
Binabayaran na rin niya ang buwis ng mga
nakatalang pangalan ng mga namatay na o
lumipat na ng tirahan.

“Magtiis ka. Ipagpalagay mong dumating ang mga kamag-anak ng


buwaya,” ani Tandang Selo.

Hindi na nakapag-aral sa Maynila si Huli dahil naragdagan pa ang buwis


sa lupa. Nang ang buwis sa lupa ay umabot na sa dalawandaang piso, tumutol
na si Kabesang Tales. Kapag hindi makababayad ng buwis ay ipalilinang ang
lupa sa isang utusan ng prayle.

Namutla ang kabesa at umugong ang kaniyang tainga. Sa mapulang ulap


na tumakip sa kaniyang mga mata ay parang nakikita niya ang kaniyang asawa
at anak na babae na payat na payat, namumutla at naghihingalo. Nakikita niya
ang masukal na gubat na naging masaganang bukirin; ang kaniyang sariling
nag-aararo sa gitna ng nakapapasong araw samantala ang tagapangasiwang
prayle ay namamasyal lulan ng kaniyang karuwahe at ang utusang pagbibigyan
ng lupa ay susunod-sunod sa panginoon. Ipinasiya ni Kabesang Tales na huwag
magbayad ng buwis at huwag ibigay ang lupa.

Nang makita ni Tandang Selo ang mukha ni Kabesang Tales, hindi na siya
bumanggit ng tungkol sa buwaya. Pinaalalahanan niya ito na nahuhubaran ng
damit ang nakikipag-usapin.

9
“Tayong lahat, Ama, ay uuwi sa alabok at isinilang tayong walang damit,”
ang sagot ni Kabesang Tales sa ama.

Hiningan ni Kabesang Tales ang mga prayle ng ano mang kasulatan ng


pagmamay-ari sa lupain. Walang maipakita ang mga prayle kaya nagkaroon ng
usapin. Naniniwala si Kabesang Tales na may mga taong maibigin sa
katarungan at gumagalang sa kautusan.

Ang usapin ni Kabesang Tales ay noon lamang nasaksihan sa Pilipinas. Sa


isang panig ay maralitang Indiyo, mangmang ngunit nagtitiwalang
magtatagumpay ang katarungan. Sa kabilang panig ay ang malakas na
korporasyon ng mga prayle, makapangyarihan at niyuyukuan. Tila langgam
lamang si Tales na kumakagat din kahit alam niyang siya’y matitiris, tulad din
ng isang langaw na tumatanaw sa kalawakan sa kabila ng salamin, tulad ng
palayok na nakikipagbanggaan sa kaldero at madudurog sa sanlibong bahagi.
May itinuturo din ang mga ito; ang mataas na karangalan ng kawalang pag-asa.
Habang hindi pa nahahatulan ang usapin, si Kabesang Tales ay naglilibot sa
kaniyang bukirin. May dalang isang baril bilang pananggalang sa mga tulisan.

Ang mga hukom-pamayapa sa bayan at sa ulong-bayan ay hindi naglakas


ng loob na bigyan ng katuwiran si Kabesang Tales sa takot na mawalan sila ng
katungkulan. Pinayuhan ng mga hukom na magbayad na ng hinihinging buwis.
Subalit nanindigan si Tales lalo pa nga’t may nababanaagang katuwiran.

Pinagsadya ang kabesa ng gobernador subalit nanatili sa kaniyang


pagmamatigas. Ipagkakaloob lamang niya ang lupaing iyon sa taong
makagagawa nang higit sa kaniyang dinanas.

Ang anak niyang si Tano ay napiling sundalo ngunit pinabayaan niya itong
lumakad nang walang kapalit. Pagkaraan ng anim na buwan, nabalitang dinala
ito sa Carolinas.

Pinag-ibayo ng kabesa ang pagbabantay


sa kaniyang lupa na dala-dala ang baril. ‘Di
nagtagal, nanaog ang utos ng Kapitan Heneral
na nagbabawal sa paggamit ng baril kaya
ipinasamsam na lahat ang mga baril. Patuloy
pa rin ang kabesa sa pagbabantay na dala-
dala naman niya’y isang gulok.

Inalisan siya ng gulok dahil napakahaba


nito. Ang ipinalit niya ay isang matandang
palakol ng kaniyang ama. Subalit anong laban

10
ng palakol sa mga baril ng mga tulisan? Binihag ng mga tulisan si Kabesang
Tales. Humihingi ng limandaang piso ang mga ito bilang pantubos sa kabesa sa
loob ng dalawang araw. Maaaring pugutan ng ulo ang kabesa kapag ‘di
nakapagbigay ng kanilang hinihingi.

Halos mabaliw ang maglolong Selo at Huli sa nangyari. Si Huli ay may


dalawandaang piso lamang kaya nagpasiyang ipagbili sa pinakamayamang
kapitbahay ang kaniyang mga alahas maliban sa relikaryong may esmeralda at
mga brilyante. Handog ito sa kaniya ni Basilio. Ang hiyas na iyon ay ibinigay ni
Maria Clarang anak ni Kapitan Tiyago sa isang ketongin. Ibinigay ng ketongin
ang agnos kay Basilio sapagkat ginamot siya nito. Ang hawak na salapi ni Huli
ay naragdagan lamang ng limampung piso.

Binalak ni Huli na isanla ang kanilang bahay sa halagang dalawandaan at


limampung piso. Sinamahan siya ni Hermana Bali sa mayayaman sa Tiyani,
subalit walang nangyari. Ayon sa kanila, ang tumulong daw sa kaaway ng mga
prayle ay parang naghihintay sa paghihiganti ng mga ito. Hanggang makatagpo
nila si Hermana Penchang, na nagpahiram ng salaping kailangan sa
kasunduang maninilbihan si Huli sa kaniya bilang utusan hanggang mabayaran
ang utang.

Nang malaman ito ni Tandang Selo, nanaghoy itong parang bata. Sinabi
ng matanda na kung aalis si Huli, siya’y tutungo sa gubat at ‘di na babalik sa
bayan.

Naging malungkot ang gabi sa maglolo. Kinabukasan, araw ng Pasko,


maninilbihan na siya kay Hermana Penchang. Sa araw ding iyon karaniwang
dumarating si Basilio buhat sa Maynila at dumadalaw sa kaniya na may dalang
pasalubong. Kailangang limutin na niya ang binata sapagkat magiging
manggagamot na ang binata at siya’y hindi na karapat-dapat maging asawa nito.
Iba’t ibang kababalaghan ang sumasaisip ni Huli hanggang siya ay nakatulog.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Kinabukasan, araw ng Pasko, hindi


naghimala ang Birhen. Hindi nagbigay ng
karagdagang salaping kailangan ni Huli. Pilit
pinasaya ni Huli ang sarili sa paniniwalang
maaari naman niyang madalaw si Tandang Selo.

Tuluyang sumikat ang araw at nagliwanag


ang buong paligid. Nakita niya si Tandang Selo
sa isang sulok habang nakatingin sa kaniyang

11
ginagawa. Nilapitan niya ito at nagmano. Tahimik naman ang matandang lalaki
nang bendisyunan siya. Biniro niya ang kaniyang Ingkong. “Pag-uwi ni ama,
pakisabi pong natuloy ako sa pagpasok sa eskuwela. Marunong pong magsalita
ng Kastila ang aking amo kaya’t tiyak na matututo ako sa pinakamurang
halaga.”

Matagal nang nakaalis si Huli at mataas na ang araw nang dumungaw si


Tandang Selo sa may bintana para panoorin ang mga taong nakabihis na dadalo
sa misa mayor. Ang misa ay mahigit isang oras at ang mga bata ay pinagtitiis sa
init at amoy pawis ng mga taong nagsisiksikan. May mga kasamang kurot at
pagsaway sa mga batang malikot. Pagkatapos ng misa ay inililibot ang mga bata
sa bahay-bahay ng mga kamag-anak at kaibigan upang magbigay-galang at
pagbati sa pamamagitan ng paghalik sa kamay ng matatanda. Ang iba ay
kumakanta at sumasayaw bilang pagpapakita ng kakayahan. Nakatatanggap
ang mga bata ng aginaldong salapi mula sa mga kamag-anak na kinukuha rin
ng kanilang mga magulang. Nakikibahagi rin sa ganitong pagsasaya ang mga
may edad na namumuhay mag-isa. Dumadalaw sila sa mga magulang at kamag-
anak para lumuhod at bumati ng Maligayang Pasko.

Nakita ni Tandang Selo ang mga kaibigang dumaan sa harap ng bahay at


labis niyang ikinalungkot na hindi man lang siya nakapagbigay ng anomang
aginaldo lalo na sa kaniyang apong si Huli. Dinalaw siya ng ilang kamag-anak
na may kasamang anak. Laking gulat ni Tandang Selo na hindi na siya
makapagsalita at wala na siyang masabing anoman. Kahit anong pilit niya ay
walang lumabas na tinig sa kaniyang bibig. Nagpumilit siyang ngumiti ngunit
nanginginig ang kaniyang labi na nagpakawala ng impit na tunog. Hindi
makapaniwala ang mga kababaihan. “Napipi na! Napipi na!” sabi nila.

Kabanata 10: Karangyaan at Karalitaan

Nagdiriwang ang mga prayle sa pagkapanalo ng usapin tungkol sa lupain


ni Kabesang Tales. Ni wala silang kahihiyan sa ginawang pagsasamantala sa
pagkakadukot sa kabesa upang maipagkaloob sa kanila ang lupain.

Nang makabalik na si Tales ay nalamang may iba ng namamahala sa


kaniyang lupain. Natagpuan niyang pipi ang ama at ang dalagang anak na si
Huli ay nagpaalila sa isang matandang babaing deboto. Binigyan lamang siya ng
tatlong araw ng hukuman para lisanin ang bahay. Ni hindi makapagsalita si
Kabesang Tales at umupo sa tabi ng ama. Nakituloy ang mag-aalahas na si
Simoun sa bahay nina Kabesang Tales sa kabila ng paghihikahos ay hindi
naman nawala ang magandang kaugalian kay Tales at malugod na pinatuloy ang
panauhin. Dala ni Simoun ang lahat ng pangangailangan, mula sa pagkain,
damit at maging ang dalawang utusan. Ang bahay ni Kabesang Tales ang

12
pinakamalaking bahay na nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Ipinagmalaki
naman ni Simoun ang kaniyang dalang rebolber kay Kabesang Tales.
Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na
si Sinang, at asawa nito. Dumating din doon si Hermana Penchang na mamimili
ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun
ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos at
kasaysayan. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisip
niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun,
nilalait ang kaniyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kaniyang
pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon
ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda
na niyang ama.

Walang namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma at


makasaysayang alahas ni Simoun. Inilabas ni Simoun ang mga bagong hiyas.
Dito namili si Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani ni
Simoun. Tinanong niya si Kabesang Tales kung may ipagbibili. Agad na
iminungkahi naman ni Sinang ang kuwintas na tinawaran ni Simoun ng
limandaang piso ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang
nagmongha. O ‘di kaya’y ipagpalit ng kabesa sa alin mang hiyas na maibigan
niya. Nag-isip si Kabesang Tales.

Ani Hermana Penchang ay ‘di dapat ipagbili iyon dahil minabuti pa ni Huli
ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isasangguni raw muna ni Kabesang Tales sa
kaniyang anak ang bagay na iyon at tumango naman si Simoun. Ngunit nang
nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong
gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales.
Naalala niya ang sumpang binitawan na walang sinomang maaaring umangkin
ng lupain maliban sa mga taong magdidilig ng sariling dugo.

Huminto siya at tinutop ang noo. Pumikit siya at pagmulat ay nagbalik


ang lahat ng kaniyang alaala, ang bangkay ng asawa’t anak habang nakikita
niya ang mga nagtatawanang lalaki. Nabigo si Simoun sa paghihintay kay
Kabesang Tales. Kinabukasan ay natagpuan niyang bukas ang katad na
pinaglalagyan niya ng rebolber. Wala na ang rebolber dito ngunit natagpuan niya
ang relikaryong may kalakip na sulat.

Ipagpatawad ninyong pagnakawan ko kayo sa loob ng sarili kong


tahanan. Ipagpapalit ko ang relikaryo sa inyong rebolber. Kailangan
ko ng sandata sapagkat ako’y mamumundok at sasama na sa mga
tulisan. Ipinapayo kong mag-iba na kayo ng landas sapagkat sa oras
na mahulog kayo sa aming mga kamay ay tiyak na hihingan kayo ng
malaking tubos.
-Telesforo Juan De Dios
13
“Natagpuan ko rin ang taong aking hinahanap,” bulong ni Simoun.
“Mainuhin nga lamang ngunit may paninindigan.”

Iniutos ni Simoun sa mga utusan na dalhin ang malaking sisidlan ng


hiyas sa Los Baños at hintayin siya roon. Sa ilog niya pinaraan ang mga ito.
Samantalang siya, taglay ang lalong mahalagang hiyas ay sa katihan nagdaan.

Apat na guwardiya sibil ang dumating upang hulihin si Kabesang Tales.


Nang hindi nila ito dinatnan, si Tandang Selo ang dinala.

Nang gabing yaon, tatlo ang pinatay. Ang prayleng tagapangasiwa ng


asyenda, ang lalaking pinagbigyan ng bukirin ni Kabesang Tales at ang asawa
nito. Basag ang bungo ng mga lalaki at gilit ang lalamunan ng babae. Puno ng
lupa ang bibig at sa tabi ng bangkay ay may kapilas na papel na may pangalang
“Tales” na nasusulat sa dugo.

Kabanata 30: Si Huli

Higit na dinamdam ng taga-San Diego ang pagkabilanggo ni Basilio kaysa


pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Napabalitang ipatapon ang pinakamagaang
parusa kay Basilio at malamang na sa daan pa lamang ay ipapatay na siya.

Ayon kay Hermana Penchang, parusa ng Diyos ang pagkakabilanggo ni


Basilio sapagkat hindi ito nag-aantanda pag nakitang marumi ang agua bendita.
Ngunit marami sa kalalakihan ang hindi naniniwala nito ni sa paghihimagsik at
mga paskin. Ang nangyari’y paghihiganti ng mga prayle sa pagkakatubos ng
binata kay Huli.

Ang totoo’y ikinalungkot ni Hermana Penchang ang pagkakatubos kay


Huli dahil inaako ng dalaga ang pagdarasal at pag-aayuno ng manang.

Nakarating kay Huli ang nangyari kay Basilio at nakadama siya ng


matinding kalungkutan. Sinapantaha niyang nanganganib na naman ang
kaniyang hinaharap.

Naisip ni Huli na tungkulin niyang tulungan ang binata sapagkat wala na


itong tagapagkupkop. Naisip niyang lumapit kay Padre Camorra ngunit
kinilabutan siya. Makapangyarihan ang kura. Tinulungan siya nito upang
makalaya ang kaniyang ingkong. Hindi sapat sa kura ang pasasalamat ni Huli
kaya humiling ito ng alaalang hindi kayang gawin ng dalaga.

Nag-ambag-ambag ang mga kamag-anak ni Basilio para sa ikalalaya niya


subalit hindi sapat ang kanilang nalikom. Lumapit si Huli at Hermana Bali sa

14
kawani at hukom-pamayapa ngunit ngunit pinayuhan lamang silang kay Padre
Camorra lumapit.

Ayaw lumapit ni Huli kay Padre Camorra dahil batid niyang may
masamang tangka ito sa kaniya. Hindi makatulog si Huli nang gabing yaon dahil
sa sari-saring pangitain – ang amang palabuy-laboy, nagugutom, pagod na
pagod; si Basilio, nag-aagaw buhay, sumisigaw ng “Iligtas mo ako!”. Lumipas ang
araw niya sa pagtawag sa Diyos at sa inang namayapa na.

May nabalitang anim katao ang binaril at iisang bilanggo lamang ang
naiwan sa piitan – si Basilio. Ito ang pumawi sa pag-aalinlangan ni Huli.
Magpapasama siya kay Hermana Bali sa kumbento. Nagbihis at nag-ayos siyang
kunwang masaya ngunit puno ng panimdim.Nang matanaw ang kumbento,
nagyaya siyang umuwi lalo nang marating ang pintuan nito. Tumangging
pumasok si Huli na putlang-putla at takot na takot. Hinatak siya ng matanda at
pinangakuang hindi iiwan.

Nang magpatuloy sa pagmamatigas si Huli, nagsalita na si Hermana Bali.


“Siya, kung ayaw mo. Hindi naman ako ang may utang na loob kay Basilio.
Hayaan mo siyang itapon at barilin sa daan. ‘Pag patay na, saka ka magsisi.”
Dahil sa sinabi ni Hermana Bali, pikit-matang pumasok sa kumbento si Huli.

Kinagabihan, napag-usapan ang pagtalon


ng isang dalaga mula sa bintana ng kumbento.
Bumagsak ito sa batuhan at namatay. Halos
kasabay noon ang paglabas ng isa pang babaing
nagsisisigaw na parang baliw. Ayaw bumanggit ng
pangalan ang taong bayan.Pagkaraan noon, isang
matandang lalaki ang dumating sa may pinto ng
kumbento na natatanuran ng sakristan. Ang
matanda’y nagsisisigaw at nagtutungayaw na
hindi maunawaan. Nagtungo ang matanda sa gobernadorcillo at sa hukom-
pamayapa. Wala ang mga ito dahil ipinatawag sa kumbento. Maging ang tinyente
mayor at ang guwardiya sibil ay nasa kumbento rin. Ang matanda ay umuwing
tumatangis na parang bata. Umaalingawngaw sa katahimikan ng gabi ang
kaniyang panangis. Napakagat-labi ang mga lalaki at ang mga babai’y
nangagdaop-palad.

“Panginoon, kami’y pantay-pantay sa Iyong harapan. Kayo napo ang


magbigay-katarungan sa amin,” anang isang babaing namamayat sa
kakakulasyon.“Oo, kung totoo ang Diyos na kanilang sinasabi. Hindi gawa-gawa
lamang. Sila na rin ang unang hindi nananalig sa Kaniya,” ang wika ng kaniyang
asawa.

15
Nang mag-iikawalo ng gabi, nabalitaang pitong prayle na nanggaling sa
mga karatig-bayan ang nangagtipon-tipon sa kumbento upang magpulong. Nang
sumunod na araw ay tuluyan nang nawala si Tandang Selo. Taglay niya ang
kaniyang sibat sa pangangaso.

Bago ka magpatuloy, nais kong panoorin mo ang isang maikling video


tungkol sa Kabanata 4 na bahagi ng akdang iyong nabasa sa itaas. Inilahad din
ang sipi nito sa ibaba kung hindi mo ito mapapanood. Binubuo lamang ito ng
mahigit sa tatlong minuto. Narito ang link: https://youtu.be/k02kQkc39eE
(Paalala: Hinihikayat na ang guro na ang gumawa ng paraan upang makapanood
ang mga mag-aaral.)

Kabanata 4: Si Kabesang Tales

Si Kabesang Tales ang nag-iisang anak ni Tandang Selo, ang


matandang mangangahoy na kumupkop kay Basilio sa gubat noong bata
pa ito. Sa paniniwalang walang nagmamay-ari ng isang lupain ay sinaka ito
ni Kabesang Tales. Ngunit nang mag-ani ang kaniyang pananim, siya ay
siningil ng mga prayle ng 20 hanggang 30 pisong buwis. Nais tumutol ni
Kabesang Tales ngunit pinigilan siya ng ama.

Natupad ang pangarap ni Kabesang Tales na makapagpatayo ng


bahay na yari sa tabla. Pinagkaisahan siyang gawing cabeza de barangay
ng kaniyang mga kanayon. Lubhang magastos ang tungkuling ito dahil
kinakailangan niyang bumili ng magagarang damit at naubos ang kaniyang
oras sa pagpunta sa kabisera.

Inilakad ni Kabesang Tales kung kani-kanino sa pamahalaan ang


karapatan niya sa lupa. Pinagsamantalahan naman ng mga ito ang
kaniyang kamangmangan.

Napiling maging sundalo ang kaniyang anak na si Tano ngunit


hinayaan niya ito sa halip na magbayad ng kapalit.

Isang araw, dinukot ng mga tulisan si Kabesang Tales at


ipinatutubos sa halagang 500 piso. Halos mabaliw sina Tata Selo at Huli.
Hindi nila alam ang gagawin. May 200 piso si Huli ngunit hindi iyon
makasasapat. Siya ay nagdasal nang nagdasal ngunit walang milagrong
naganap kaya’t nagpasiya siyang manilbihan sa isang matandang
kababaryo.

16
Ngayon ay natapos mo nang basahin ang mga kabanatang tumatalakay sa
mga pangyayari sa buhay ni Kabesang Tales bilang magulang, bilang kabesa at
bilang mamamayan. Batid kong naging hamon sa iyo ang matatalinghagang
pahayag na nabanggit dito. Alam mo ba kung ano ang matatalinghagang
pahayag?

Ang matatalinghagang Pahayag ay mga pahayag na may malalim na


kahulugan o hindi tiyak ang kahulugan dahil ginamit lamang ang pahayag
upang maglarawan at hindi upang magbigay ng literal na kahulugan.

Narito ang ilang halimbawa:

1. makapal na palad – masipag


2. pantay na ang mga paa – namatay na o namayapa na
3. tinik sa lalamunan – sagabal sa ninanais
4. butas ang bulsa – ubos na ang pera
5. sawing palad – minalas
6. salat sa salapi – walang sapat na pera
7. anak dalita – mahirap
8. kapit sa patalim – dumaranas ng sobrang paghihirap

Pagyamanin

Sa bahaging ito, pagyamanin mo naman ang iyong mga natutuhan. May


mga gawain akong inihanda para sa iyo upang lubos mong mahasa ang iyong
kaalaman tungkol sa aralin. Natitiyak kong kapag natapos mo ang mga gawaing
ito ay ganap mo nang mauunawaan ang matatalinghagang pahayag na ginamit
sa akda at ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa bahaging ito ng nobela.
Dagdag pa rito, lubos mong makikilala si Kabesang Tales.

17
Gawain 1. Talinghaga Ko…Kahulugan Mo!
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na matatalinghagang pahayag sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na
papel at isulat dito ang iyong sagot.

Matatalinghagang Pahayag Pagbibigay ng kahulugan sa


pamamagitan ng pagbibigay
ng halimbawa
1. Tayong lahat ay uuwi sa 1. ____________________________
alabok at isinilang tayong ____________________________
walang damit. ____________________________
2. Ipalagay mo na lamang na 2. ____________________________
natalo ka sa sugal. ____________________________
3. Ipalagay mo na lamang na 3. ____________________________
lumaki ang buwaya. ____________________________
4. May ulong parang salaan – 4. ____________________________
puno lamang habang nasa ____________________________
tubig. ____________________________
5. Tulad ng palayok na 5. ____________________________
nakikipagbanggaan sa ____________________________
kaldero. ____________________________

Gawain 2. Tukoy Mo Na?


Panuto: Suriin ang sumusunod na pangyayari mula sa akdang tinalakay. Piliin
mula sa Hanay B ang kaisipang lumutang sa mga pahayag sa Hanay A. Isulat
ang letra ng iyong sagot sa hiwalay na papel.

Hanay A Hanay B

____1. Naisip ni Hermana Penchang na kung ang A. Diyos


hikaw ay ihahandog niya sa Birhen sa
Antipolo, baka maipagkaloob sa kaniya ang
kahilingang mapasama ang kaniyang
pangalan sa isang himala upang manatili
siya sa alaala ng tao at pagkatapos ay
umakyat sa langit.
____2. Si Kabesang Tales ay handang gumugol B. bayan
nang malaki at iwasan ang pakikipagkagalit
sa kura at sa pamahalaan.

18
____3. Pagbabayad niya sa buwis ng mga C. kapuwa-tao
nakatalang pangalan ng mga namatay na o
lumipat na ng tirahan.
____4. Kahit lugmok sa paghihikahos, malugod D. magulang
niyang tinatanggap ang panauhin.
____5. Nagbalak si Kabesang Tales na magpatayo E. sarili
ng bahay na yari sa tabla at pag-aralin sa
Maynila sina Tano at Huli.

Gawain 3. POV (Point of View) Mo, I-share Mo!


Panuto: Iugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang
akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda. Ipahayag ang sariling
paniniwala at pagpapahalaga tungkol dito. Kopyahin ang grapikong pantulong
sa hiwalay na papel at isulat ang iyong sagot.

Napanood
Napanoodnanabahagi
bahagi Sariling Nabasang bahagi ng
ng akda Paniniwala
ng akda akda
at
Pagpapahalaga

Diyos

Bayan

Kapuwa-
tao

Magulang

19
Isaisip

Mahusay ang iyong ipinamalas na kasiglahan sa paggawa ng mga gawain.


Ngayon naman sa bahaging ito, inaasahan namang maisalin mo ang iyong
natutuhan tungkol kay Kabesang Tales. Patuloy kang magpakita ng husay
upang matagumpay mong matapos ang iba pang gawain sa modyul na ito.

Panuto: Kompletuhin ang pahayag. Sumulat ng lima o higit pang pangungusap


na magpapakilala kay Kabesang Tales bilang isang ama at bilang isang kabesa.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Si Kabesang Tales bilang ama kina Tano at Huli ay _________________


__________________________________________________________________________
dahil_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Si Kabesang Tales bilang isang kabesa ay ___________________________
__________________________________________________________________________
sapagkat_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________ .

Isagawa

Ngayon ay malapit ka nang matapos sa modyul na ito. Binabati kita sa


ipinamalas mong husay at tiyaga sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko para
sa iyo. Inaasahan kong hanggang sa dulo ay patuloy mong ipamamalas ang
iyong husay sa pagsusuri sa mga kaisipang nangibabaw sa buod na bahagi ng
nobelang iyong nabasa at napanood. Sa bahaging ito, nais kong ibahagi mo ang
iyong sariling paniniwala hinggil sa mga kaisipang nakuha.

20
Isip-isip…Kaisipan!
Panuto: Suriin at ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay
ng mga kaisipang namayani sa akdang nabasa (Diyos, bayan, kapuwa-tao,
magulang) at iugnay ito sa kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng
binasang akda.

Bigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang makukuha rito. Gayahin ang


grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat dito ang iyong sagot.

Mga Kaisipang Lumutang sa Bahagi ng Akda


Matalinghagang
Kapuwa-
Diyos Bayan Magulang salitang Kahulugan
tao
Ginamit
Ayon sa
napanood
Ayon sa
nabasa
Ayon sa
sariling
paniniwala at
pagpapahalaga

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (3) Mahusay-husay (2)

Nilalaman Nasagutan nang Nasagutan nang Hindi kumpleto at ‘di


kumpleto at wasto kumpleto ngunit ‘di wasto ang laman ng
ang lahat ng kahon. wasto ang laman ng kahon.
kahon.
Pagbibigay ng Nabigyang kahulugan Nabigyan ng Walang kahulugang
Kahulugan sa ang lahat ng kahulugan ngunit ‘di naibigay sa
Matatalinghagang matatalinghagang wasto sa matatalinghagang
Pahayag pahayag na isinulat matatalinghagang pahayag na isinulat
sa kahon. pahayag na isinulat sa kahon.
sa kahon.
Kabuoan

Tayahin

Sa puntong ito, natitiyak kong marami kang nalaman tungkol kay


Kabesang Tales at sa iba pang tauhan ng nobelang El Filibusterismo. Kaugnay
nito, narito ang ilang katanungang susubok sa iyong mga natutuhan.

21
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa hiwalay na papel
ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng pagiging hospitable


ng mga Pilipino?
A. Paninilbihan sa mga mayayaman.
B. Pagbibigay ng regalo tuwing araw ng Pasko.
C. Pagtanggap sa mga panauhin kahit naghihikos na.
D. Patuloy na pagbabayad ng buwis sa mga pangalang nakatala kahit
patay na o lumipat na ng tirahan.

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapahiwatig ng pagkakapantay-


pantay ng bawat tao?
A. Ipagpalagay mong dumating ang mga kamag-anak ng buwaya.
B. Tayong lahat ay uuwi sa alabok at isinilang tayong walang damit.
C. Ipagpalagay mo na lamang na natalo ka ng tatlumpung piso sa
sugal.
D. Si Huli ay may ulong parang salaan–puno lamang habang nasa
tubig.

3. Bakit ayaw humingi ng tulong ni Huli kay Padre Camorra?


A. Humiling ito ng alaalang hindi niya kayang gawin.
B. Minsan na siyang natulungan nito at nahihiya na siyang lumapit
muli.
C. Nais ni Padre Camorra na manilbihan sa kaniya si Huli kapalit ng
tulong na gagawin.
D. Ayaw nitong tumanggap ng salapi bilang kabayaran sa tulong na
ipinagkaloob kay Huli.

4. Alin sa sumusunod ang hindi nabanaag ni Tales sa mapulang ulap na


tumakip sa kaniyang mga mata?
A. masukal na gubat na kanilang hinawan
B. kaniyang asawa at anak na babaeng naghihingalo
C. sarili niyang nag-aararo sa gitna ng nakapapasong init ng araw
D. pangarap niyang tahanang yari sa tabla at ang kaniyang dalawang
anak na pag-aaralin sa Maynila

5. Alin sa mga utos ng Diyos ang nilabag ng korporasyon ng mga prayle sa


hginawa nilang pagsamsam sa lupain ni Kabesang Tales?
A. Huwag magnanakaw.
B. Huwag kang papatay.
C. Huwag kang magnanasa sa hindi mo ari.
D. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
22
6. Ano ang nais ipakahulugan ni Hermana Penchang sa pahayag niya na, “Si
Huli ay may ulong parang salaan – puno lamang habang nasa tubig.”
A. Wala siyang maisaulo sa binabasa.
B. Nag-uumapaw sa kaalaman si Huli.
C. Sinasala lamang niya ang mga nais isaulo.
D. Higit na mabilis niyang maisaulo ang binabasa kapag siya ay nasa
tubig.

7. Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Huli?


A. Pagkakahulog mula sa tuktok ng kumbento
B. Napagbintangang kasapi sa tulisan at nabaril
C. Dinakip siya at pinarusahan hanggang sa mamatay.
D. Isinakripisyo ang sariling buhay para sa kalayaan ng ama.

8. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamahal ni Huli kay


Basilio?
A. pag-iingat sa agnos na ibinigay ni Basilio
B. pagnanais na matulungan si Basilio na makalaya
C. paninilbihan kay Hermana Penchang kapalit ng salapi
D. isinakripisyo ang sariling buhay para sa kasintahan.

9. Anong magandang kaugaliang Pilipino ang ipinamalas ni Kabesang Tales


sa pagdating ni Simoun sa kaniyang tahanan?
A. pagkamatulungin sa kapuwa
B. pagkamaawain sa nangangailangan
C. malugod na pagtanggap sa panauhin
D. pagiging masayahin ng mga Pilipino

10. Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag na, “Ipalagay mong dumating ang
mga kamag-anak ng buwaya.”?
A. Maraming naninirahang buwaya sa bayan ng Sagpang.
B. Nadagdagan ang mga mapagpahirap sa kanilang kapuwa.
C. Maraming uri ng buwaya ang matatagpuan sa kanilang nayon.
D. Dumating ang iba pang pangkat ng mga mapang-alipin sa Pilipinas.

23
Karagdagang Gawain

Binabati kita at narating mo na ang huling bahagi ng modyul na ito.


Nagagalak ako sa iyong ipinamalas na husay upang maunawaan mo ang
gamit ng matatalinghagang pahayag na ginamit sa akdang iyong binasa at
ang mga kaisipang nakapaloob dito. Bilang pangwakas na gawain sa modyul
na ito, narito ang iyong kinakailangang isagawa.

Panuto: Sumulat ng isang tulang may malayang taludturan at may


matatalinghagang pahayag tungkol sa mga kaisipang lumutang sa bahagi
ng akdang tinalakay (Diyos, bayan, kapuwa-tao, magulang). Isulat ito sa
hiwalay na papel.

Mamarkahan ka gamit ang Rubrik sa Pagtataya ng Pagsulat ng Tula.

Pinakamahusay Mahusay Mahusay-husay


Kraytirya
(5) (3) (2)

Kaugnayan sa May kaugnayan Bahagyang Walang


paksa (Diyos, sa paksa ang naiugnay sa kaugnayan sa
bayan, kapuwa- isinulat. paksa ang paksa ang
tao, magulang) isinulat. isinulat.

Gamit ng Ginamitan ng May ilang Hindi gumamit


matatalinghagang matalinghagang matalinghagang ng
salita salita. salitang ginamit. matilanghagang
salita.
May ilang
Pagbabalangkas Maayos ang ideyang hindi Nakalilito ang
ng mga salita at ginawang maayos na mga pahayag.
ideya pagbabalangkas nailahad.
ng ideya.

24
Subukin Gawain 2 Tayahin
1. B 1. Diyos 1. C
2. C 2. Kapuwa-tao 2. A
3. B 3. bayan 3. B
4. B 4. Kapuwa-tao 4. D
5. D 5. magulang 5. C
6. D 6. A
7. C 7. A
8. D 8. C
9. B 9. C
10. A 10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

C&E Publishing Inc. El Filibusterismo: Kabanata 4: Kabesang Tales


https://youtu.be/k02kQkc39eE

Gimena, Glady E. at Navarro, Leslie S. 2015. Ang Pinaikling Bersiyon. El


Filibusterismo. Blazing Stars Publication.

Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. 2002. El Filibusterismo.


Quezon City: Vibal Publishing House Inc.

You might also like