Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

JESSA MAE B.

GALANIDA
BEED-3B

Ang nobela ay isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing pinagdikit
sa pamamagitian ng balangkas. Bukod rito, ang pangunahing layunin ng isang nobela ay ang paglahad
ng hangarin ng bida at kontra bida ng kuwento. Ito ay ginagawa sa isang malikhaing pagsasalaysay ng
pangyayari. Ang bawat pangyayari ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan ng
nobela. Ang marangal ng kaalaman na maipapahayag sanobelapumupukaw at nagpapakilos sa
damdamin ayisang napakalakasna puwersa na humuhubog sakamalayan ng mambabasa ay
nagpapalawak ng ating kamulatan, nagpapalalim ng ating pagkatao, at nagpapalinang ng ating kultura.

Dahil sa isang nobela may malaki itong ambag sa atin sa panahon ng pananakop ng mga kastila
sa atin. Katulad na lang ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal. Para sa akin
bilang isang anak, kapatid, estudyante at higit sa lahat bilang isang Pilipino ang kahalagahan ng pag-
aaral ng mga akda ni Rizal partikular na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay upang bigyang
pagpupugay ang ating pambansang bayani. Bigyang tuon ang kagitingang kanyang ipinakita sa kabila
ng mga ginawa sa atin ng mga mananakop. Una sa lahat ang mga nobela ni Rizal ang unang gumising
sa mga natutulog na isipan ng mga Pilipino, ito ang nagdilat sa mga mata ng ating kababayan sa kung
ano talaga ang nangyayari sa atin at sa inang bayan natin. Pangalawa, ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ay parte ng ating makulay na kahapon, isa ang mga akdang ito sa nagpatingkad ng ating
kasaysayan. Ito ang nagsilbing inspirasyon at lakas sa ilan pa nating magigiting na bayani upang
ipaglaban ang anuman na dapat ay para sa atin. Pangatlo, may malaki itong ginampanan sa buhay ng
bawat isang Pilipino, ang mga aral na mapupulot dito ay maaari nating magamit hindi lamang ngayon
ngunit hanggang wakas ng ating buhay na maaari pa nating maipasa sa mga susunod na henerasyon
pang daraan. Napakaraming aral ang maaari nating mapulot sa mga nobela ng ating bayani. Sa Noli
Me Tangere ang aral na mapupulot natin ay ang hindi paggamit ng anumang dahas gaano man kalaki
ang nagawang kasalanan ng ibang tao sa atin. Isa pa ang napakamakapangyarihang mensahe ni Rizal
mula pa rin sa kaniyang Noli ay ang ‘hindi paglalagay ng batas sa ating mga kamay’, para sa akin ito
ang mensaheng kumatawan sa buong nobela. Napakagandang isipin na sa kabila ng mga nagawa ng
mga kastila at pagpapakita ng kasamaan ng mga dominikong pari kay Rizal ay ni minsan hindi niya
nagawang saktan o pisikalin ang mga ito. Bagamat dawit sa kanyang mga nobela ang mga prayle ay
nagsaad lamang siya ng katotohanan. Sa nobela naman niyang El Filibusterismo bagamat bunyag na
sa titulo ang nais o patutunguhan ng kwento ay may masasalamin pa rin tayong aral dito. Sa nobela
nagbalik si Juan Crisostomo Ibarra sa katauhan ni Simoun na isang mayamang mag-aalahas at
tagapayo ng Kapital Heneral. Ang aral na nangingibabaw sa nobela ay ‘sa kabila ng mga kasalanan
na ating nagawa sa katapus-tapusan ng araw ay babalik pa rin ang loob natin sa Poong Lumikha’
napakaganda ng bawat tagpo sa nobela kung hihimayin ang bawat paksa dito. Ito ang mga dahilan ko
para masabi na mahalaga ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Kung ihahantulad ko sa aking buhay ang panitikan na napili ko ay nobela dahil ang aking buhay
katulad ng nobela marami itong kabanata. Bawat kabanata ay may nangyayari mula elementarya
hanggang kolehiyo. Na kung saan ako ang bida sa aking sariling nobela. Katulad sa nobela merong
balangkas na kung saan merong panimula, tumataas na pagkilos, kasukdulan, bumabagsak na
aksiyon, at resolusyon. At kung saan sa nobela may mga problema na mararanasan ng bida at kung
saan din may mga problema akong nararanasan sa aking buhay. Katulad din ng nobela magiging
maganda sa kasukdulan na kung saan ang bida ay makakaranas ng mga pagsubok. Katulad din sa
aking buhay na kung saan nandoon na ako sa kasukdulan na kung saan aking nahaharap ang mga
pagsubok sa aking buhay. Mahalaga ang mga nobelang naililimbag dahil sa nagbibigay ito ng mga
leksyon, mga aral at mga katotohanan patungkol sa buhay. Kapupulutan ng mga aral ang mga nobela
at nagsisilbi rin itong panlipas oras at kasihayan sa atin sa tuwing binabasa natin ang mga ito. Aking
napagtanto na ang buhay ay parang nobela na kung saan tayo ang bida at katulad din ng nobela lahat
ng problema ay malalampasan. Ganyan din yan sa pakikipaglaban sa hamon ng buhay tayo ang bida
sa ating estorya ang problema ay parte lang sa ating buhay na kung saan ipinapatatag tayo. Hindi
magiging kaaliw-aliw ang nobela kung walang problema at gayundin sa ating buhay hindi makulay ang
buhay natin kung walang problema.

You might also like