ISPIRITUALIDAD

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kasaysayan sa Tinig ng mga Manobo ng 

Talaingod
Sa kabundukan ng Davao del Norte makikita ang mga Talaingod Manobo. Sila ay
galing Talaingod, Davao del Norte. Nakasentro ang kanilang pamumuhay sa
agrikultura at ngayon ay pag-uusapan natin ang kanilang kasaysayan, kultura, at
kabuhayan.

Nakipanayam kami sa ilang miyembro ng mga Manobo galing sa Talaingod, Davao


del Norte na sina Datu Tungig, Binito Bay-aw, at Datu Segundo. Nagsimula sa
komunidad ay may tumira sa ibang bundok o ibang lugar at sila ay gumawa ng mga
itak, kaldero, pana, at iba pa.

Ayon sa kanila, bago pa ang mga Espanyol, naninirahan na sa Pilipinas ang


kanilang tribo. Manobo sila noon hanggang ngayon. Wala pa ang mga Espanyol ay
mayroon na silang sistema ng pamamahala sa komunidad. Ang kasaysayan nila ay
naipasa mula sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng kabuhayan.
Masusumpungan ito kahit sa mga karaniwan at pang-araw-araw nilang mga gawain
gaya ng pagtatanim ng bigas, kamote, gabi, at iba pa. Ito ang kasaysayan nila lalo
na ng kanilang mga ninuno kung saan ang mga tao ay namuhay sa kapaligiran
at umaasa at sa proseso’y nagiging kaisa ng  sa kalikasan.

“Lumad ng Mindanao” ang batayan ng kanilang kolektibong identidad.  Sa partikular,


sila’y Manobo. Ang ibig sabihin ng “Manobo” ay “people” o “person”. Ang salitang ito
ay nanggaling sa “Mansubu” na pinagsamang man (tao) at suba (ilog). (“Manobo,
Obo”, n.d.)

Iba-iba ang mga bumubuo sa mga Lumad. Sang-ayon kay Datu Segundo, iba-iba
ang kanilang lenggwahe at kahit na mga Lumad sila, minsan ay mayroong hindi
pagkakaunawaan pero noon, ang mga Lumad ay nagkakaisa at mapayapa. Alagang
baboy ang kanilang preokupasyon noon ; gayundin ang pamamalengke nila sa may
sapa. Walang iisang tao ang nagmamay-ari sa lupa at walang problema. Noong
dumating ang mga Espanyol, doon na sila nagsimulang magkawatak-watak. Sila ang
sumira sa kaayusan na noon ay mayroon sila. Ilan ay pumanig sa mga Espanyol
habang ang iba ay lumaban. Ilan sa mga Manobo ay sumapi sa Simbahang Katoliko
habang ang ilan ay nanatili sa kanilang kinalalagyan at sinaunang mga paniniwala
sa Dakilang Lumikhang tinatawag nilang “Magbabaya”. Lumago ang ekonomiya at
kasabay ng paglago nito ang paghahari ng mga kolonisador at pag-aangkin ng mga
lupa. Kinuha at sinukat ng mga Espanyol ang lupa at tuluyan na itong nawala sa
kanila. Nagawa nila ito dahil sila na ang may kontrol sa batas. Ang mga hindi sang-
ayon sa ginagawa ng mga Espanyol ay lumikas at pumunta sa kabukiran. Kung
anong meron sila ngayon ay ipinasa na sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Sang-ayon kay Datu Segundo, hindi nawawala ang problema. May mga panahong
sila mismong mga katutubo ay nag-aaway-away. Pero noon, naisasaayos nila ang
anumang tunggalian nang hindi pinakikialaman ng iba o taga-labas.  Mga
“manigaon” — katumbas ng datu, ang nagsasaayos ng mga problema. Sa loob
naman ng komunidad mismo ay pinapakinggan ng manigaon ang mga kaso at
inaayos ito. Ibinibigay ang  nararapat at kahit na walang kasulatan ay naaayos na
ito. Ang importante ay nandiyan ang manigaon habang gumagawa ng desisyon.

Pagdating naman sa pagpapanatili ng kanilang kultura, isinusulat na nila ito dahil


kung sa pagkukuwento o “word of mouth” lang ang pagpapasa nito, maaari itong
mawala. Kapag nakasulat na ito, hindi na ito basta-basta lang mawawala at ito rin ay
tinututukan nila at sinisiguradong  itinutuloy nila. Sinusunod at pinoprotektahan nila
ang kanilang kultura.

Ilan sa mga halimbawa ng kanilang mga tradisyon, kapag ikinakasal, wala itong
kasulatan pero ang presensya ng manigaon bilang saksi ay mahalaga at kung mag-
away man sila, sinusubukang idaan sa maayos na usapan. Kung hindi na kayang
idaan sa usapan, maaari silang paghiwalayin ng manigaon. Sa pagpapanganak
naman, hindi nila alam ang takdang araw na isisilang ang isang bata at hindi rin nila
binibilang ang edad ng isang tao. Kapag may namamatay may dalawang ginagawa:
kapag namatay dahil sa sakit, inililibing lang ito, at kung may namatay dahil binaril,
ipinaghihiganti ito at kinikitil ang buhay ng gumawa ng masama upang matamo
katarungan. Pinipili rin ng “katawan” o ang kasamang manigaon ang bagong datu.
Kung sino ang magaling at karapat-dapat ang pinipili na maging pinuno.
Makulay ang kanilang kasaysayan at kultura at gusto nilang ipaalam na irespeto
sana ang kanilang kultura.

Ang ispiritualidad ay napalalim kapag isinasabuhay ng isang tao ang kanyang


pananalig sa Diyos. Ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao ay hindi nababatay sa

lahi, relihiyon, seksuwalidad, o antas ng pamumuhay. Bagkus, ito ay nakakintal sa

puso at sa isip ng bawat tao. Ang isang indibidwal na may mabuting pagkatao ay

naninindigan sa kabutihan sa lahat ng pagkakataon. Walang nakapagpapabago sa

kaniyang paniniwala at hindi naeengganyong tularan ang masasamang gawaing

nasaksihan sa kanyang paligid. Naniniwala rin siya bagamat may ibat ibang

paniniwala ang bawat tao. Maari paring piliin ang paggawa ng kabutihan kung

gugustuhin nito.

You might also like