Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TAKIPSILIM

Pumarada ang pulang pula at bagong-bagong Cadillac sa harap ng restawrang maraming


nakaparadang kotse. Bumaba mula sa sasakyan ang mag-asawang kakikitaan ng yaman at luho o
marangyang pamumuhay.

Umorder ng pagkain ang dalawa nang hindi man lang tumitingin sa mga presyo ng pagkain. Samantala,
isang lumang kalesang walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap ng
restawran sakay ang natutulog na kutsero na si Pak Idjo.

Natutulog ang kutsero habang umaandar ang kanyang kalesa dahil sa init ng panahon at dahil na rin sa
gutom at sakit na kanyang nararamdaman. Nagulat ang kabayo at umalma dahil sa naghahabulang aso’t
pusa kaya’t bigla itong nadapa. Tumama sa pulang Cadillac ang kalesa at sumira sa ilang bahagi nito.

Lumabas mula sa restawran ang may-ari ng Cadillac na si Raden Kaslan at galit na galit na sinigawan
ang takot na takot na si Pak Idjo. Nagpatawag ng pulis si Raden Kaslan upang ituro at mapapanagot sa
pagkasira ng kanyang kotse si Pak Idjo.

Luhaang nagpaliwanag si Pak Idjo sa pulis na wala talaga siyang ibabayad sa nasirang sasakyan kaya’t sa
huli’y nagdesisyon si Raden na hayaan na ito at pumasok na lang muli sa restawran nang galit na galit pa
rin.

\
ARAL NG KWENTO:

“Ang tagumpay ng isang tao ay magiging ganap lamang kung matututo siyang kanyang puso’y buksan
upang dumamay sa mga kaawa-awa’t nangangailangan.”

Mga Pinagkukunan[i-edit | i-edit ang source]


 Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 6-
79, 16

\
PO

You might also like