Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Filipino 9

Pangalan: Lajom, Vin Danielle V. Agosto 21, 2021

Baitang: 9 – Respect

Takdang Aralin #1:

Panoorin ang Pelikulang Filipino na “Four Sisters and a Wedding.”


Matapos mapanood ay tukuyin ang mga sumusunod na bahagi ng kuwento
ayon sa Piramide ni Freytag.

 Eksposisyon:

Nagsimula ang pelikula sa isang hapag kainan kung saan sa ilalim nito’y
naroon ang magkakapatid na sina Teddie, Bobbie, Alex, at Gabbie kung saan
sila’y gumagawa ng mga pinagpatong-patong na biskwit na kanilang
ihahandog para sa sanggol na si Hesus. Matapos ito, sila’y pumunta sa isang
Belen at kanilang sinabi na sana’y hindi na mag-away pa ang kanilang mga
magulang. Bago tuluyang lumisan sila’y humiling ng isang kapatid na lalaki.

 Pasidhing Pangyayari:

Lumipas ang maraming taon, ang mga munting bata’y may kaniya-
kaniyang takbo ng buhay. Si Teddie ay nasa Madrid bilang isang guro. Si
Bobbie naman ay nasa Amerika kasama ang kasintahang si Tristan pati na rin
ang anak nitong si Trixie. Si Alex naman ay isang gumaganap (tauhan) sa mga
pelikula. Si Gabbie naman ay isang guro.

Isang umaga, habang nag-uusap ang kanilang ina na si Grace, Gabbie, at


CJ, nabanggit ni CJ na siya’y ikakasal na. Nagulat sila, sapagkat parang kalian
lamang nakilala ni CJ ang bago nitong nobya. Matapos ang eksenang ito, nag-
usap ang magkakapatid sa pamamagitan ng telepeno. Matapos ang diskusyon
tungkol rito, sila’y uuwi at magsasama-sama para sa nalalapit (2 linggo) na
kasal.

Sa gabi ng kanilang pagdating, nagkaroon sila ng hapunan kung saan


naroon ang limang magkakapatid, ang kanilang ina, si Tristan pati na rin ang
anak nito, at si Frodo na siyang ipinakilalang nobyo ng panganay na si Teddie.
Matapos ang ilang pag-uusap tungkol sa kasal, ang mga salitang kanilang
binitawan ay hindi ikinatuwa ni CJ. Matapos na lumabas, sinundan siya ng
kaniyang mga kapatid at humingi ng paumanhin. Kaniya naman itong
tinanggap at sinabing maging tahimik sa pamamanhikan.

Kinabukasan sa pamamanhikan, nakilala nila ang babae at ang pamilya


nito. Sila’y nagkaroon ng salu-salo at binigyan ng “prenup” si CJ na siyang
hindi ikinatuwa ng magkakapatid. Matapos noon ang magkakapatid ay
nagkaroon ng pulong kung paano mapipigilan ang nalalapit na kasal.

Sila’y nagkaroon ng maikling diskusyon, at ang panganay na si Teddie ay


inatasan si Toti Marie (isang kasambahay) na dalhin si CJ sa isang “Boy’s
Night Out” ngunit hindi ito naging matagumpay. Kinabukasan dumating si
Princess, ang fiancée ni CJ. Ito’y naghanda ng agahan at nanatili dito.
Dumating naman si Alex kasama ang nobyong si Chad (na siyang dating nobyo
rin ni Bobbie) na isang mang-aawit. Nagkataon naman na isang tagahanga ni
Chad si Princess kaya’t humiling ito na siya’y magtanghal. Habang umaawit,
naging hindi ito madali, lalo na para kay Bobbie. Matapos lumisan, kinausap
ng kanilang ina si Alex ukol rito.

Matapos noon, nagsabi si Tristan kay Bobbie na ito ay lilisan sapagkat


mayroon itong dapat asikasuhin sa trabaho. Binigyan niya ng singsing si
Bobbie, at sinabing pagbalik niya’y dapat suot niya na ito.

Si Teddie naman ay muling nakaisip ng ideya kung paano maititigil ang


okasyon. Ang mga Bayag (pamilya ni Princess) ay may spa business kung saan
may tinatawag na “happy ending” upang makahikayat ng mga kliyente.
Umaasang magiging matagumpay, isinama niya si Frodo sa isang spa ng mga
Bayag. Si Frodo ay pumasok habang si Teddie ay naghihintay sa happy ending.
Nang dumating ang sandal, agad siyang tumawag ng pulis upang “mabisto”
ang spa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, ang sinasabing happy ending ay
malayo sa kaniyang iniisip. Dumating si Jeanette (ang ina ni Princess at may-
ari ng nasabing spa) at nakilala nito si Teddie. Dahil sa ginawa nitong
paghahanap ng baho sa mga Bayag, nagbanta ito na iimbestigahan niya si
Teddie. Habang nasa daan ang dalawa, batid sa mukha ni Teddie ang labis na
pag-aalala. Inimungkahi naman ni Frodo na bakit hindi niya na lamang
sabihin ang katotohan. Hindi ito nagustuhan ni Teddie at ito’y nauwi sa
pagtatalo ng dalawa. Nagkaroon ng tampuhan sa dalawa na siyang dahilan
kung bakit hindi sila nag-usap ng ilang araw.
Pagkauwi niya (Teddie) sa bahay, kasama ang ibang kapatid na babae, sila’y
kinumpronta ni CJ ukol sa nangyari. Labis itong hindi ikinasiya ni CJ at sila’y
muling pinagsabihan. Matapos umalis ni CJ, nag-usap ang mga magkakapatid
at nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Teddie at Bobbie. Natigil lamang sila
ng dumating ang kanilang ina na si Grace at tinanong kung anong nangyayari.
Mabuti na lamang at naisalba ito nina Alex at Gabbie na sinabing naglalaro
sila ng charades.

Sa gabing iyon rin, lumabas si Bobbie kasama si Trixie at nagtungo sa isang


tindahan kung saan nakita niya si Chad na may kasamang ibang babae.

Kinabukasan, kinausap ni Bobbie si Alex ukol sa nakita niya kagabi, ngunit


ito’y nauwi sa away ng dalawa. Natigil lamang sila ng tinanong sila ni Trixie
kung bakit nag-aaway. Pumasok sila sa silid at roon ay umiyak si Bobbie.

Sa kabilang banda, nagtungo si Teddie kay Frodo at nalamang ito ay


nakatira sa isang ampunan. Nakita niya ito kasama ang mga bata at narinig
ang mga usapan nito. Humingi si Teddie ng tawad kay Frodo, at sila’y muling
nagkaayos.

 Kasukdulan:

Pagkauwi ni Teddies a kanilang bahay, sinalubong siya ng mga Bayag na


naroon. Ipinakita nila ang mga damit na susuotin sa napipintong kasalan.
Ngunit ang mga damit ay hindi nagustuhan ng mga Salazar marahil sa disenyo
nito. Nagprisinta naman si “Honey Boy” (ama ni Princess) na hindi nga naman
nila kinunsulta ang mga Salazar hinggil dito. Kaya’t bakit hindi na lang sila
maglaro ng charades, at kung sinong mananalo ay siyang magde-desisyon
kung ano ang susuotin.

Habang naglalaro, laging itinuturo ang panganay na si Teddie ng mga Bayag


ukol sa pagiging “maid” o kasambahay nito sa Madrid. Marahil ito ay isang
patunay na tunay na inimbestigihan si Teddie ng mga Bayag. Sa pagtagal ng
laro, laging si Teddie ang punto ng mga ito, at sa isang dako naman ng laro
itinuro nila si Bobbie hinggil sa “Maid in Manhattan” na parang ikinukumpara
sina Teddie at Bobbie. Nagpatuloy ang mga ito pati na rin sa kanilang
ginagawa kay Teddie. Natigil lamang sila ng napansin at tumayo si Grace at
kinuwesyon kung bakit kanina pa nila pinagkakatuwaan ang kaniyang anak.
Dahil sa pag-insultong ito at sa mismong tahanan pa nila, kaniya itong
pinaalis at ininsulto rin si Jeanette na pawang may pakana ng mga ito. Ito’y
kanya namang itinanggi at sinabing totoo naman na isang katulong si Teddie
sa España.
Matapos nito, nagpaliwanag si Teddie na isa siyang kasambahay sapagkat
isa siya sa mga gurong nawalan ng trabaho sa España. Dinugtungan niya ito
ukol sa kanyang mga nararamdaman at hinaing bilang isang panganay na
nahuhuli sa kanilang lahat.

Natuon ang atensiyon kay Bobbie na siyang isang matagumpay ayon kay
Teddie, at nagsabi rin ukol sa kaniyang mga nararamdaman. Tulad ng
pagkakaroon ng mga “paborito” ng kanilang mga magulang at na sana’y
mayroon siya ng mga katangian ng iba niya pang mga kapatid.

 Kakalasan:

Kinabukasan, kinausap ni Bobbie si Alex at sinabing dapat niyang


kumprontahin si Chad. Kasama ang iba pang kapatid, natagpuan nila si Chad
sa isang bar at may kasamang ibang babae. Kinumpronta niya ito, hinggil sa
panlolokong ginawa nito, pati na rin sa ginawa nito kay Bobbie. Bago pa man
lumisan ay nagsalita ang babae na sadyang hindi ikinatuwa ni Alex. Kasama
ang mga kapatid, kanilang “tinuruan ng leksyon” ang babae.

Noong araw na iyon rin, kanilang sinurpresa at hinandugan ng munting


regalo (pinagpatong-patong na biskwit) ang kanilang ina. Ngunit tumawag si
CJ at ipinabatid na pumanaw na ang lolo ni Princess.

Nagtungo sila upang makiramay at upang magkaayos na rin ang dalawang


pamilya. Sila nama’y nanghihinayang dahil hindi na matutuloy ang kasal
sapagkat “sukob.”

 Wakas:

Upang hindi masayang ang mga inihanda para sa kasal, ginamit ito ni
Bobbie bilang isang pagkakataon na ikasal sila ni Tristan, na siyang kakauwi
lamang. Sila ay ikinasal at doon na nagwawakas ang pelikula.

You might also like