Professional Documents
Culture Documents
PANIMULANG
PANIMULANG
LINGGWISTIKA
•
PANIMULANG LINGGWISTIKA
A . SIMULA NG WIKA
Naniniwala ang mga Atropologo na ang wika ng
mga kauna-unahang tao sa daigdig, kung mayroon
mang wikang masasabi noon ay isang uri ng
wikang halos katulad ng sa mga hayop.
PANIMULANG LINGGWISTIKA
Kung Bibliya naman ang ating pagbabatayan tungkol
sa kung papaano lumaganap ang wika, ay mababasa ito
sa Genesis 11 :1-9.
• Sa patuloy na paghahangad ng mga tao ng mabuting
pook na mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain
ng Sinar. Doon sila nagsimulang magtatag ng isang
lungsod. Nagsimula rin silang magtatag ng isang
TORE na halos umabot sa langit at tinawag na Tore ng
Babel.
• Ang tore ay masasabing sumasagisag sa kanilang
palalo at walang hanggang paghahangad.
TORE NG BABEL
PANIMULANG LINGGWISTIKA
• Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay nakita
niya ang templong-Tore na itinayo ng mga tao.
Iniisip niya na kung patuloy na magkakaroon ng
isang wika ang mga tao, sila ay mananatiling
nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na
wala nang katapusan ang kanilang pagiging labis
na pamaghangad.
PANIMULANG LINGGWISTIKA
• Kaya‟t ang ginawa ng Diyos ay binigyan niya ang
mga tao ng iba‟t-ibang wika upang sila‟y hindi
magkaunawaan .
• Nang hindi na magkaunawaan ang mga tao ay
nagsimula na silang magkawatak-watak at
kumalat sa buong daigdig.
Linggwistika
• Ito ay ang pag-aaral sa wika ng tao at
tinatawag na isang Dalubwika.
• Ayon kay Consuelo J. Paz – Ang
linggwistika ay sayantipik na pag-aaral ng
wika ng mga tao.
• Dr. Cecilio Lopez- Ang ama ng
Linggwistinang Filipino.
DALUBWIKA
• Ang tawag sa taong nag-aaral ng wika, sapagkat nag-
aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman at
kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng
wika.
POLYGOT
• Ang tawag sa isang taong may maraming nalalamang
wika.
MGA KATANGIAN NG WIKA:
1. Balarila
2. Palatunugan
3. Palabuuan
4. Palaugnayan
2. Talasalitaan
3. Palatitikan
4. Panitikan
5. Saling wika
Kasaysayan ng Lingwistika sa Daigdig:
I. Unang Panahon
A.Teologo (theologians) – Ayon sa kanila, ang pagkakaroon
daw ng iba‟t ibang wika ay parusa ng Diyos dahil sa
pagmamalabis ng mga tao.
B. Plato at Socrates
• Sinuri nila ang matandang wika ginamit sa nasabing himno –
sa palatunugan,palabuuan, palaugnayan – sa layuning
makatulong sa pagpapaliwanag ng diwa.
• Ang pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang
Hindu na naging simula ng mga pag-aaral sa ibang wika sa
Europa.
• Mapapatunayan ito sa mga terminolohiyang teknikal na
ginamit ng mga unang mambabalarilang Hindu na
hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa ng mga
makabagong mambabalarila at linggwistika.
C. Griyego at Latin
• Sa wikang ito unang nagkaanyo ang linggwistika sa
tunay na kahulugan nitodahil ang mga wikang ito ang
dalawang magkasunod na wikang unang nalinangat
lumaganap ng puspusan sa Europa nang mga panahong
iyon.
• Ang mga linggwistika sa panahong iyon na laging
binabanggit ang pangalan ay si Aristotle.
• ang pangkat ng mga Stoics ay itinuturing na siyang
nagsipanguna sa laranga ng agham-wika.
II.Kalagitnaang Siglo (middle ages)
• Hindi gaano umunlad ang agham-wika dahil iba ang
napagtutuunan ng pansin ng mga palaaral noon. Ito ang
pagpapanatili ng Latin.
III.Panahon ng Pagbabagong-isip (Renaissance)
• Dahil sa mabilis na sibilisasyon at paglaganap ng
karunungan sa iba‟t-ibang panig ngdaigdig mula sa
Gresya at Roma, ay naging masusi at mapuspusan ang
pagsusuring panglinggwistika sa mga wikang Griyego at
Latin.
Wikang Ebreo (Hebrew)- Orihinal na wikang
kinasusulatan ng Matandang Tipan at pinaniniwalaang
siyang wikang sinasalita sa Paraiso kaya‟t inakala ng lahat
ng wika sa daigdig ay dito nag-ugat.
IV. 19 na Siglo
• Sa panahong ito ay nakilala ang Tungkung-kalan sa
linggwistika:
1.Bopp (sanskrito)
2.Grimm (Aleman)
3.Rask (Islandic)
labis ang impluwensya sa larangan ng linggwistika
sa Europa.
Iba pang linggwista:
1.Muller at Whitney 1860-75
• Nagsikap na maging payak ang pagtalakay ng mga
prinsipyo at simulain ng agham.
Mga disiplina sa linggwistika:
1.Linggwistikang Historikal (Historical linguistics)
• Kauna-unahang disiplina sa linggwistika.
• Ito ay naglalayong magpatotoo na ang mga wika sa daigdig
ay nagmula sa iba‟t-ibang disiplina.
• Naging matagumpay ito kaya‟t noong 1970 ay masasabing
napangkat na halos ang lahat ng wika sa daigdig.
Blumentritt
• Isa sa mga nagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo-
Polinesyo na pinagmulan ng iba‟t-ibang wika sa Pilipinas.
2.Linggwistikang Istruktura (structural Linguistics)
• Ito ay nagbibigay diin sa pagsusuri ng distribusyon ng mga
ponema at morpema sa isang salita o pangungusap.
• IPA (International Phonetic Alphabet) – lumabas noong
1970 at meron itong hindi kukulangin sa 400 na simbolo.
Leonard Bloanfield –namukod-tangi ang pangalan niya sa
panahong ito.
Zellig Harris
• pinayaman at pinabuti ang „logical syntax‟ na hindi
nagtagal ay tinawag na „Transformational‟ o „generative
grammar‟.
Harris
• Kinikilalang “Transitional figure‟‟ mula sa istruktural tungo
sa linggwistikang heneratibo.
B.Boas, Sapir,Whorf, Malinowski, Kroeber, at Trager
• Sila ang nagunguna sa anthropological linguistics
C. Kenneth Pike
Tagmetic Model
• Nagbibigay diin sa pagkakaugnayan ng anyo at ng gamit.
• Ang isang anyo o gamit sa modelong ito ay itinuturing na
isang yunit na maysariling lugar sa isang wika.
Ang isang yunit ay may iba‟t-ibang antas:
• Antas ng ponema
• Antas ng morpema
• Antas ng salita
• Antas ng parirala
• Antas ng sugnay
• Antas ng pangungusap
• Antas ng talahayan
Kasaysayan ng Linggwistika saPilipinas
I.Panahon ng Kastila
Ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas:
• Ayon kay Scheerer (1918), ay isinasagawa ng
mga misyunerong Kastila na karamihan ay mga paring
Heswita at Dominikano sa layuning mapabilis ang
pagpapalaganap ng Kristyanismo sa dakong ito ng
daigdig.
D. Noam Chomsky
• „Phrase-Structure Transformational Generative Model‟
• Ang disiplinang ito ay may pagkakahawig sa
linggwistikang sikolohiko – ang pagtarok sa „sinabi‟at
di‟sinabi ng nagsasalita sa kanyang sariling wika.
E. Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe, atb
• Generative-semantics – kung saan binibigyan diin ang
kahulugan.
V. Kasalukuyan
Mathematical Linguistic o Linggwistikang Matematikal
• Minsang tinatawag na „computational linguistic‟
• Ito ang pinakahuli at malamang na siyang magiging
pinakamalaganap at gamitin sa darating na mga araw.
Ang itinuturing na pinakadahilan kung bakit napabilis
ang pag-aaral sa mga wikang katutubo noong panahon ng
Kastila ay ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na
Orden noong 1594.
• Ang kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at
Jesuitas
• Ibinigay din sa mga Augustinian ang Ilocos at Pampanga.
• Ang Intsik at mga lalawigan ng Panggasinan
at Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican.
• Ang mga Franciscan naman ang pinangasiwa
sa kabikulan.
Ang katagalugan ay nahati sa apat na Orden.
Dahil dito ay nagkaroon ng sigla ang pag-
aaral sa mga katutubong wika na humantong
sa paglimbag ng mga gramatika at
diksyunaryo. Hindi kukulangin sa
dalawampu‟t apat na aklat, ayon kay Phelan,
ang nalimbag tungkol sa wikangTagalog.
Samantalang lima lamang sa mga wikang
Bisaya
2. PANAHON NG AMERIKANO
Ayon kay Constantino, sa mga pangunahing lainggwistika
noong panahong ito ay nagsisipanguna ang mga sumusuod:
• Leonard Bloomfield (Amerikano)
• Frank R. Blake (Amerikano)
• Cecilio Lopez (Pilipino)
• Carlos Everrent Contant (Amerikano) – Disilinang
Historikal
• Otto Scheere (Aleman) – Disiplinang Historikal
• Morice Vanoberbergh (Misyunerong Belhikano)
• H. Costenoble (Aleman)– Disiplinang Historikal
• Layunin nilang maihasik sa sambayanang Pilipino
ang Ideolohiyang Demokratiko.
• Isinulat nina Bloomfield(1917), Blake(1925), at
Cecilio Lopez(1941) ang makaagham na gramatika.
Ang kontribusyon ni Conant
The RGH Law in Philippine Language (1910) at the
Pepet Law in the Phulippine Laguage (1012)
• Ito ang mga pinakakilalang pananaliksik niya na
tumalakay sa nagaganap na pagbago sa mga tunog ng
ibat-ibang kapuluan.
• May walumpung wika sa Pilipinas (hindi kasali ang mga
dayalekto)
RGH Law ni Conant
• Ang angkan ng wikang Malayo-Polinesyo na pangalawang
pinakamalaking angkan sa buong daigdig ay lumaganap sa mga
kapuluan sa Pasipiko at sa gawing kanluran ngMadagascar.
• Ang mga wika sa Pilipinas (maliban sa Chavacona, Zamboanga at
Ermita) aysinasabing nagmula sa wikang Indonesyo.
Halimbawa:
• Tunog ng isang Malayo-Polinesyo ay ang *R. Ang Proto-Malayo-
Polinesyo *R (PMP *R) ay maaaring nananatili sa ibang wika; at
maaaring sa ibang wika naman ay naging g, h, o kaya ay y.
• Ang ganitong phenomenon ay waring isang batas na nagaganapsa
mga wikang Malayo-Polensyo. Dito nahango ang naging kilalang
RGH LAW ni Conant.
Halimbawa: Ang vein, „nerve, o sinew‟ sa Malay ay urat , sa tagalog ay
ugat , sa Dayak ay uhat , at sa Lampong ay oya
• Nagyayari rin na kung minsan ay nawawala ang *R, tulad sa uat sa
Javanese.
Pepet Law
• Ang mahabang pagtatalakay ni Conant sa Pepet Law.
Kinuha niya ang kanyang datos sa tatlumpu‟t apat na
wika sa Pilipinas at higit na sampung wikang
Austronesian. Ang ebulusyon ng patinig na pepet (Proto-
Austronesian) ay tinunton ni Conant sa pitong uri
ngkaligiran:
1. AP-class
• Mga salita na may Ə sa unang patinig na dadalawahing
patinig na salitaat ang ikalawang patinig ay pepet, hal.
atƏp.
2. PA-class
• Mga salitang may pepet sa unahang pantig at sa
ikalawang pantig, hal.bƏgas.
3.IP-class
• Mga salitang may I sa unang patinig at pepet sa
ikalawang patinig, hal.ngipƏn
4. PI-class
• Halimbawa: bƏli
5. UP-class
• Halimbawa: pusƏd
6. PU-class
• Halimbawa: pƏnu\
7. PP-clas
• Halimbawa: lƏbƏng
Pagkatapos ng kanyang pagpapangkat-pangkat sa
mga wika ayon sa kinauwian ng patinig na pepet.
Lumabas ang kanyang pagsusuri:
• Ang tagalog – halimbawa ay wikang /
• Ilokano at Pangasinan – nagiging Ə
• Ang kapangpangan – nagiging a
• Bisaya at Bikol – nagiging u
BLAKE
• Nakasulat si Blake ng hindi kukulangin sa dalawampu‟t
pitong aritikulo tungkol sa iba‟t-ibang wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
• Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Bisaya
• Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Bisaya at
Tagalog
• Ang mga hiram na tagalog sa Sanscrino
• Ang pinakamalaking kontribusyon niya sa kanyang
aklat ay ang Gramatika ng Tagalog.
Bloomfield
Ang kalahatang aklat niya na may pamagat na “language”
noon 1933 na kinapapalooban ng mga mahahalagang
pag-aaral sa gramitikang Tagalog at kaalinsabay na
paglaganap ng linggwistikang Bloomfieldian pagkatapos
ng ikawalang digmaang Pandaigdig.
Higit na maagham ang pagsusuri ni Bloomfield sa
gramatikang Tagalog kay sa kay Blake.
Lopez
• Siya ang kauna-unahang linggwistikang Pilipino.
• Ama ng Linggwistikang Pilipino
• Nakatanggap ng parangal handog ng Linguistic Society of the
Philippines.