Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Layag

Impluwensiyang dala ng ihip ng hangin


Bangkang papel ay tumapak sa ating buhangin
Naglakbay para sa iisang hangarin
Kapangyarihang dala gustong palawakin

Mga Malay, Tsino, Kastila’t Amerikano


Pagbisita, pagsilakbo’t pagbabago ang plano
Banyagang lenggwahe sumulong ng walang preno
Tila asin sa agwa, sangkot sa pagkahalo-halo

Pagdaong dito ay hindi lamang pagdiskubre ng lupa


Kundi pagtuklas sa binubulong ng dagat na ating wika
Itaga sa bato ang aliw-iw ng ninunong masa
“Filipino at katutubong wika, kailangang madama!”

Sakay na tungo sa rebolusyonaryong siglo!


Paandarin ang binuong barko para sa pagbabago
Ituloy ang pagdiskubre at paglikha, ‘wag huminto
Ipagmalaki ang wika sa buong mundo

You might also like