Professional Documents
Culture Documents
DLP Modyul 14
DLP Modyul 14
GRADE 8
Jan Lawrence R.
Daily Lesson Log Guro Asignatura EsP
Panganiban
(Pang-araw-araw na Tala
sa Pagtuturo) Petsa at Oras Panahunan Ikaapat
I. Layunin
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karahasan sa
A. Pamantayang Pangnilalaman paaralan.
III. Sanggunian
A.
10. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin
ang mga karahasan sa paaralan?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pangkatin ang klase sa apat na grupo, ipabasa at talakayin ang mga
paglalahad ng bagong kasanayan #1 sanaysay sa bahaging Pagpapalalim. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative Approach)
Ikatlong Pangkat
Paglahok sa Fraternity o Gang
Bilang panlipunang nilalang, likas sa atin ang pagnanais na mapabilang
(belongingness). Naghahanap tayo ng pangkat kung saan tayo mapabilang
maliban sa ating pamilya. Ang usapin na lamang ay kung anong uri ba ng
pangkat ang iyong ninanais na kabilang o sa kasalukuyan ay kinabibilangan.
Katulad ng lumalalang suliranin sa pambu-bully ay ang paglago rin ng bilang
ng mga kabataan na kabilang sa fraternity at gang maging sa loob ng
paaralan. Noon, ang imahe ng gang ay simpleng mga kalalakihang walang
malinaw na layunin at direksyon ang buhay, gusto nilang makialam sa
maraming bagay ngunit hindi ito nangangahulugang naghahanap sila o
nagsisimula ng kaguluhan at karahasan at maaaring nasasangkot sila sa
karahasan ngunit hindi nangangahulugang kailangang magdala ng
nakasasakit at nakamamatay na armas.
Sa kasalukuyan, ang gang ay mas bata, mas marahas, walang takot at
higit sa lahat mayroong ng mga kababaihan. Pabata na nang pabata ang
hinihinging edad at ang bilang ng babae at lalaki na nagkakaroon ng interes
ay palaki nang palaki. Lumipas na ang panahong sapat na ang pare-
parehong damit o panyo na nasa ulo o balikat, sa ngayon ay kinakailangan
na ng permanenteng mga palatandaan katulad ng tattoo o kaya naman ay
pagpaso sa nakatagong bahagi ng katawan.
Ganito na ang naging pagbabago ng imahe ng pagiging kasapi ng isang
fraternity o gang. Makatutulong ang babasahing ito upang imulat ang mata
sa bumubulagang katotohanan tungkol sa pag-iral at paglago ng mga
fraternity at gang sa bansa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman,
mas magiging malinaw kung bakit mahalagang iwasan na maging kasapi ng
ganitong samahan.
Ano nga ba ang gang? Ano nga ba ang fraternity? Magkapareho ba ito?
Walang unibersal na kahulugan ang gang. Ayon sa Kagawaran ng
Katarungan ng Estados Unidos ito ay:
1. Pagsasamahan ng tatlo o mahigit pang indibidwal;
2. Ang mga miyembro nito ay kolektibong kinikilala ang kanilang pangkat sa
pamamagitan ng paggamit ng pangkatang pagkakakilanlan (group identity)
na kanilang ginagamit upang makalikha ng takot o intimidation, madalas ay
ginagamit nila ang isa o mahigit pa sa sumusunod:
a. iisang pangalan o pagkakakilanlan
b. islogan
c. mapagkakakilanlan o palatandaan
d. simbolo
e. tattoo o iba pang marka sa katawan
f. kulay ng damit
g. ayos ng buhok
h. senyales ng kamay o graffiti
Palagi mong gamiting gabay ang mga katagang ito: Mahalin mo ang
iyong sarili upang matutuhan mong mahalin ang iyong kapwa, pagmamahal
na pinagniningas ng halimbawa ng tunay na pagmamahal na ibinibigay ng
Diyos. Kapag ito ay naisapuso tiyak na hindi magtatagumpay ang
karahasan sa anumang paraan. Maaari ka bang tumulong sa paghahasik ng
binhi?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Atasan ang mga mag-aral na ilahad sa klase ang kanilang pagkaunawa sa
paglalahad ng bagong kasanayan #2 kanilang binasa sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing pamamaraan.
(gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Role play
2. Newscasting
3. Panel discussion
4. Awit
F. Matapos mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng pangkat na
makapagbahagi, sagutin ang sumusunod na katanungan. (gawin sa loob
ng 5 minuto ) (Reflective/Inquiry-based Aproach)
Paglinang sa Kabihasahan(Tungosa 1. Ano ang sanhi ng karahasan sa paaralan? Isa-isahin ang mga ito?
Formative Assessment) 2. Ano ang dahilan kung bakit umiiral ang karahasan sa paaralan?
Talakayin.
3. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng karahasan sa paaralan?
G. Paglalapat sa aralinsa pang-araw- Lumikha ng isang newsletter na ang pangunahing paksa ay tungkol sa
araw na buhay karahasan sa paaralan. (gawin sa loob ng 5 minuto ) (Constructivist
Approach)
V. .MgaTala
VI. Pagninilay
Bilang ng mag-aaralna na kakuhang
A.
80%sa pagtataya