Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Hinihingi ng Kursong
Pagsasaling Wika
(MAFLT206)

Ipinasa ni:

SHALYN G. TOLENTINO
MFLT, Mag-aaral

Ipinasa kay:

DR. MADELYN M. MONTENEGRO


Propesor, MAFLT 206
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Pamagat:
Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Estruktura
ng “Mother Goose” mula sa Wikang Higaunon sa Wikang Filipino

I. INTRODUKSYON
Magkaiba-iba man ang ating wika na pinagmulan ngunit hindi ito
nagiging sagabal para tayo ay pagbuklurin para maunawaan ang bawat
isa. Kaya maraming mga pag-aaral ang isinagawa para patunayan na
tayo man ay may libu-libong wika ngunit hahanapin pa rin natin ng
paraan para ipakitang mayroong pagkakatulad ang pagkakaisa kahit
hindi man sa lahat ng pagkakataon. Sinasabi man na sa paglipas ng
panahon ay kasabay ng pagbabago ng ating kultura ang pagkakaroon
ng malaki ring pagbabago ng ating wika na ayon sa mga nakalap na
mga impormasyon na ang dalawang ito ay hindi puwedeng paghiwalayin
dahil salamin sila ng isa’t isa. Bilang patunay, ay pagbabalik natin sa
ating kasaysayan at susuriin natin kung may malaking pinagbago ang
ating wika sa panahon ng katutubo, panahon ng Kastila, panahon
Amerikano, panahon ng Hapon, at panahon sa kasalukuyan at
matutuklasan mismo natin na bawat panahon ay matatak na naiwan
hindi lamang sa ating pag-uugali sa kahit anong aspekto maging sa
ating wikang sinasalita.

Iba-iba ang mga paliwanag sa pinagmulan ng Wikang Higaunon


ayong sa pag-aaral ni Levita (1996) nanggaling ito sa saling gaon na ibig
sabihin ay bundok. Sa madaling salita ang ibig sabihin nito ay taong-
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

bundok o taon nakatira sa bundok. Nangangahulugan laman na ang


wikang ito na bibigyan ng sentro sa pag-aaral na ito ay matatawag na
“lumad” o ibig sabihin isinilang o nabuo mismo sa lugar na pinagmulan
nito. Nararapat lamang na maituturing na isang pinakamatandang
wikang sinasalita ng mga taong nakatira sa lugar na target na
pagkukunan ng mga datos na pag-aaralan.

Ang Wikang Filipino na wikang sumisimbolo sa mga wika sa


Pilipinas. Samakatuwid, nararapat lamang na malaman na mayroon
bang mga salita na bumubuo sa wikang ito na may pagkakatulad sa
mga wikang katutubo ng ating bansa. Sa patuloy na modernisasyon ng
panahon kasabay nito ang mga pagbabago, higit na ang mga salitang
ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito ay bibigyang pokus ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng pananalik na ito ang istruktura ng wika kung paano
baybayin sa wikang Filipino ang panitikan na nakalap sa bayan ng
Esperanza, Agusan del Sur. Kilala ang bayan ng Esperanza na
maraming wikang ginagamit sa pakikipag-usap ngunit isa sa wikang
tatak ng kanilang lugar ay ang pagsasalita ng “Higaunon”. Ipapakita sa
pag-aaral na ito kung may mga salita sa wikang Filipino ang pareho ang
baybay at magkatulad ang estruktura ng wika kapag ito ay isalin sa kani-
kanilang wika na hindi makikita ang pagbabago ng kahulugan
(semantiks).
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Ang pag-aaral ay isinagawa ang pagkakalap ng mga impormasyon


sa bayan ng Esperanza na matatagpuan sa lalawigan ng Agusan del
Sur. Maraming wika ang sinasalita sa bayang ito sapagkat pinili ng
mananaliksik ang wikang Higaunon na maging pokus sa pagkukumpara
sa wikang Filipino.

Tutukuyin kung ano-anong mga salitang pareho ang baybay at


paano sila nagkakaiba na aspekto. Pagtuunang pansin ang mga salitang
hindi pareho ang baybay ngunit sa anong aspeto nagkakaiba at
nagkakapareho. Ilalahad sa pag-aaral na ito rin kung ano ang
makikitang dahilan sa pagkakatulad o pagkakaiba ng mga salita kahit
pareho man ang baybay ng bawat salita. Tutukuyin din sa pananaliksik
ang mga nakakaapektong salik sa parehong baybay ng mga salita
ngunit nagkakaiba ang kahulugan.

Kahalagahan sa Pag-aaral

Ang kahalagahan nito sa atin ay maipakikita na kahit tayo ay may


iba’t ibang wikang sa ating bansa ay matutuklasan ang kanilang
ugnayan lalong-lalo sa estruktura ng bawat isa pagsasalin na hindi
nawawala ang nais iparating ng akda. Makikita o maiuugnay ang
pagkakatulad ng mga salita batay sa mga salitang ginamit sa linya ng
akda. Patutunayan na kahit marami man ang wikang sinasalita sa ating
bayan ngunit hindi maikakaila ang ugnayan ng bawat isa. Maibabahagi
sa mga sumusunod na mananaliksik na magkaiba ang kahulugan ng
salita ngunit parehong ginagamit.Ipapakita na sa lumipas man ang
panahon ng pananakop mayroon pa ring nanatiling kaugnayan ng bawat
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

isa. Gaano man kalayo ang pagsasalita ng iba’t ibang wika ngunit
makakakita pa rin ang mga aspektong may koneksyon ang bawat isa.
Ipagmalaki ang pagiging Pilipino kahit anong lahi o tribo man nanggaling
sapagkat ito ang tatak ng ating pagkakakilanlano pagiging Pilipuno.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang sumusunod ay layunin ng mananaliksik sa pag-aaral tungkol


sa Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Estruktura ng Wikang Higaunon sa
Wikang Filipino batay sa mga tanong na:

1. Ano-ano ang mga salitang may pagkakatulad sa wikang Higaunon


sa Wikang Filipino?
2. Ano-ano ang mga salitang may pagkakaiba sa wikang Higaunon
sa Wikang Filipino?
3. Paano nagkakatulad ang estruktura ng Wikang Higaunon sa
Wikang Filipino?
4. Paano nagkakaiba ang estruktura ng Wikang Higaunon sa Wikang
Filipino?

Batayang Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “Mother Goose “ ng wikang


Higaunon sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur. Nakabubuo ng iba’t
ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba’t iba ring mga tao na
may iba’t ibang gawain, papel, interes, saloobin, at pananaw ang
kasangkot sa proseso ng komunikasyon. Dito rin papasok ang katangian
ng wika na pagiging heterogenous o may iba’t ibang anyo,
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

mapalingguwistiko, mapaokupasyonal o mapasosyal man ang mga


anyong ito. Kabílang din sa mga dahilan ng pagkakaiba ng anyo ng wika
ang lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal, at
edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na
gumagamit ng naturang wika (Constantino 60).

Kung gayong, mahalaga ang bawat indibidwal sapagkat


maykaroong kakayâhang sosyolingguwistiko upang makaintindi sa mga
sinasabi ng mga tao sa lugar na pupuntahan. Bílang taong may
kakayahang sosyolingguwistiko ay may kang pakisamahan ang iba’t
ibang tao na may ibang wika upang makakasalamuha mo sapagkat sa
pamamagitan nito ay maiintindihan mo kung ano-ano ang mga saloobin
nila. Kung gayon sa ganitong sitwasyong pangwika sa teoryang
akomodasyon (accomodation theory) ni Howard Giles, ang linguistic
convergence at linguistic divergence. “Ang mga ito ay mga teorya sa
SLA o Second Language Acquisition o pagkatuto/pag-aaral ng
pangalawang wika. Binibigyang-pansin ang mga taong kasangkot sa
sitwasyong pangwika. kung minsan, pílit namang iibahin ang pananalita
sa kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba o naiiba, ang di-
pakikiisa. O kayâ’y ang lalong paggigiit sa sariling kakayâhan at
identidad (divergence)” (Constantino 61-62).

Sa ibaba ay makikita ang representasyon ng mga hakbangin sa


pag-aaral. Wikang
Higaunon Iba pang
Wikang Wika
Filipino

Bayan ng
Esperanza
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Pigura 1

Ipinakikita ng pigura 1 na sa isang lugar na itinuturing na


pinagmulan ng wika o independent variable. Ang unang wika (Higaunon)
ay itinuturing na orihinal na wikang sinasalita sa bayan ng Esperanza na
napabilang sa lalawigan ng Agusan del Sur. Makikita sa itaas ang
orihinal na larawan na nagpapakita ang maaarning ugnayan ng bawat
wika. Sa madaling salita , ang bawat ay maaaring may pagkakapareho
sa salita at estruktura ng pangungusap na maging laman sa pagsasalita
na gagamitin.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay deskriptibong pagsusuri sa “Mother Goose”


sa bayang ng Esperanza , Agusan del Sur na isa sa wikang itinuturing
na lumang wikang sinasalita ay Higaunon. Isasalamin ng pag-aaral na
ito ang mga paglalahad ng ugnayan ng wika sa dalawang iba pang wika
at maituturing na malalaking wika sa ating bansa ang Wikang Bisaya at
Wikang Filipino. Sa pananaliksik na ito ay aalamin o sasagutan ang
sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga salitang may pagkakatulad sa wikang Higaunon


sa Wikang Bisaya at Wikang Tagalog?
2. Ano-ano ang mga salitang may pagkakaiba sa wikang Higaunon
sa Wikang Bisaya at Wikang Tagalog?
3. Paano nagkakatulad ang estruktura ng Wikang Higaunon sa
Wikang Bisaya at Wikang Tagalog?
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

4. Paano nagkakaiba ang estruktura ng Wikang Higaunon sa Wikang


Bisaya at Wikang Tagalog?

Sa kabuuan ay tutuklasin ng mananalisik na sa pagdaan ng


mgapanahon ay makikita ang mga ugnayan ng bawat wika.

II. KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Batay sa pagpapakahulugang Wikipedia sa kanilang artikulo na


“Paggamit ng wikang pambansa”, sa pamamagitan ng bagong
pagsulong sa isang pambansang wika, binigyang-diin ang halaga ng
pagkakaisa, pagkakaunawaan at paagkakakilanlan sa mga Pilipino. Ito
ay isan gmahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mga Pilipino
ng isang wikang maipapagmalak ikaya nararapat lang itong gamitin at
hindi ikahiya. Ito rin ang nagsilbing simula upang suriin sahinaharap ang
halaga ng wika sa pagsulong ng kalayaan at pagkakaisa ng bansa.
Nagpapakita lamang na bilang mamayan ng bansang Pilipinas ay
kailangan pag-aralan natin ang ilan sa iba’t ibang wika ng ating bansa
upang patuloy na yayabong at matuklas ang mga ugnayan ng bawat isa.

Sa kabilang banda ayon kay Valentino (2018) sinaad niya sa kanyang


sagot sa quora mula sa tanong na “What is the role of language in
communication” na ang wika na ginagamit sa pakikipag talastasan ay
sumasalamin sa kultura ng isang tao. Sa pamamagitan din ng wika mas
nagiging eksakto o malinawang ideya o kaisipan ng isang paksa habang
nakikipag-usap. Wika din daw ang instrumento sa pakikipag-tao at
pagkalap ng impormasyon. Maaaring sa pag-aaral na ito ay makatulong
upang mailahad ang mga salin ng mga 3 wika na ihahambing at
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

maihayag kung sa pagsasaling gagawin ay lilitaw ba ang pagsaalang-


alang ng kultura sa pinagmulan ng bawat wika.

Surbhi (2016) ang pakikipagtalastasan at ang wika ay minsan hindi


magkatugma dahil sasumusunod na kadahilanan: Una, Paggamit ng
magkasalungat o hindi kompatibol na wika.Pangalawa, kakulangan sa
pag-aaral lalo na kung gumagamit ng ikalawang wika ang kausap. at
pangatlo ay ang taymlayn ng terminong ginamit lalo na sa makabagong
panahon kung saan umusbong ang ibat-ibang termino na tanging higit
kabataan lang ang nakakaintindi. Masasalamin na sa paglipas ng mga
taon ay patuloy ang pagkakaroonng pagbabago sa bawat wika sapagkat
nagkakaroon na ng ugnayana sa isa’t isa.

Batay sa isang artikulo sa the libraries na pinamagatang


“Communication in the real world:an introduction to communication
studies” ang lenggwahe ay ginagamit sa pagpapahayag ng
obserbasyon, kaisipan, damdamin, at pangangailangan. Nakasaad din
na ang wika aymakapangyarihan kaya dapat itong gamitin ng tama dahil
magiging magulo ang paghahayag kung ito ay hindi pormal at
nahahaluan ng paiba-ibang termino.

Ayon kay Dobie(2012), ang ekokritismo ay ang pag-aaral ng


kapaligiran at panitikan sa pamamagitan ng mga iba’t ibang
interdisiplinaryong pananaw. - Hindi lamang umiiral ang halaga ng
ekolohiya sa panitikan sapagkat ito ay umaalingaw-ngaw din sa
disiplina ng pag aaral ng wika. Nagpapakita lamang na sa pag-aara

III. METODOLOHIYA O PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Ang ginamit na Estratehiya sa pag-aaral na ito ay sa paraang


diskriptibo para ilahad ang mga nakikitang mga resulta sa
pagsasagawa ng pagkalap ng mga datos. Tatangkaing susuriin ng
mananaliksik ang pagkakasulat ng salitang Higaunon na isinalin sa
wikang Filipino. Gumamit din ang mananaliksin ng tsart para ipakikita
ang paghahambing ng mga salitang pinili para ipakita ang
pagkakaibao pagkakatulad nito ng kahulugan. Pumili amg
mananaliksik ng tatlong bihasa sa pagsasalita ng wikang Higaunon
para mapakinggan kung paano bigkasin ang wika. Sa pamamagitan
nito maiuuri sa anong paraan nagkakatulad at nagkakaiba ang mga
salitang may pareho ang baybay at istruktura ng salita na magkaiba
ang baybay ngunit magkatulad ang kahulugan.

Ang pag-aaral ay isinagawa ang pagkakalap ng mga impormasyon


sa bayan ng Esperanza na matatagpuan sa lalawigan ng Agusan del
Sur. Maraming wika ang sinasalita sa bayang ito sapagkat pinili ng
mananaliksik ang wikang Higaunon na maging pokus sa
pagkukumpara sa wikang Filipino.

Ang respondenteng pinili ng mananalisik bilang respondent ay


tatlong (3) mga taong may 50 mahigit na edad. Sila ay ipinanganak
sa bayan mismo ng Esperanza, Agusan del Sur at doon na lumaki.
Sa wikang Bisaya naman ay minarapat ng mananaliksik na siya ang
nagsalin gamit ang mga hakbang sa pagsasalin sapagkat ito ang
wika na kanyang sinasalita. Ang mananaliksik rin ay humingi ng
tulong sa mga dalubhasa sa wikang Filipino sa katauhan ng isang
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Master Teacher at matagal na nagtuturo sa asignaturang Filipino at


isang guro na natapos na ang kanyang pag-aaral sa Master Degree
na may ispesyalisasyon sa pagtuturo ng wikang Filipino.

Sa pagsasakaturan ng pananaliksik dahil Covid-19 o may


pandemyang kinakaharap nang ginawa ang pag-aaral ang
mananaliksik ay ginamit ang iba’t ibang plataporma sa paghahanap
ng mga respondente para sa wikang Higaunon. Ang pakikipanayam
sa mga respondente ay isinagawa sa pamamagitan ng birtwal. Sa
pagsasalin sa wikang Filipino ay isinagawa sa pamamagitan ng
“face-to-face” dahil mga kasamahan lamang ng mananaliksik sa
trabaho ang mga napiling taga-pagsalin ngunit ginagarantisado na
matibay at angkop ang pagsasalin sapagkat parehong dalubasa sa
larangan ang mga ito.

Limitado lamang ang nakalap na literatura ng mananaliksik sa


pag-aaral dahil sa gahol o kulang sa oras kaya gumamit ng tsart para
ipresenta ang naitalang datos para sa pag-aaral ngunit naititiyak na
lahat ng nakalap ay balido dahil nasuring mabuti. Kung kaya lubos na
nauunawaan ng mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung
saan maaari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon
upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon na
maaaring makapagpapatibay sa sinimulang pag-aaral o maging daan
para magbukas ng panibagong kaalaman sa lahat. Maaaring sa
ipagpatuloy at makakalap ng iba pang natatanging pagbabatayan at
magkaroon ng sapat na oras sa pag-aaral na ito.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Pigura 2.2

Sa pigura 2 ay ipakikita ang lokasyon ng lugar na


pinagkunan ng panitikan na isasalin o orihinal na bersyon. Makikita
na ang mga lugar na nakapaligid dito ay pawing mga lugar na
nagsasalita ng bisaya samatalang ang wikang Filipino ay malayo man
sa bayan ngunit sa pagtuturo at kurikulum ay itinuturo sa mga bata
kaya kahit na hindi nakapunta sa lugar ng katagalugan ay maaaring
alam ang pagsasalita ng wikang ito.

Gumamit ng “Descriptive Statistical Analysis” ang mananaliksik


upang ipresenta ang mga datos kung saan gumamit ng mga talaan
upang suriin ang mga datos. Ito ang napiling mananaliksik dahil mas
madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga
datos gamit ang iba’t ibang uri ng talaan gaya ng
talahanayan. Gayundin ang pagtatalakay sa resulta ng mga datos
sa pagbuo ng interpretasyon at resulta upang madaling
maunawaan ng mananaliksik. Ang paggamit ng talahanayan kung
gayon ay magiging epektibo ang “Descriptive Statistical Analysis” sa
pag-aaral na ito.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

IV. RESULTA

Paglalahad ng mga Datos

Makikita sa bahaging ito ang ginamit na panitikan na tinatawag na


“ Mother Goose” sa Ingles sa wikang “Higaunon” sa bayan ng
Esperanza, Agusan del Sur. Inilalahad ang mga tsart na pinagbatayan
para ipakita ang isinagawang pag-aaral ng pananaliksik.Pinili lamang
ang mga ispesipikong mga salita at pangungusap para gamitin sa pag-
aaral ngunit makikita naman ang kalinawan ng datos batay sa
paglalahad ng tsart.

Tsart 3.1

Wikang Higaunon
“ Limbay Ko Bata”
Sigin-sigin indagwat sinuko
Intamyagaw bakadlimunday tudog
Bakadbuntu-an yupayup taingkabasin

Dimpaman ko sumakit sa uluno


Ingkabaluyahidin ko payungag-yungagin
Kag sa dikamankabulyugan na dika kabugabungan

Na iyanmanhingwanuko
Sa iyimukon mug-unong ka yan man
Himilawunko sa punay mog unanongka

Makikita ang orihinal na salin ng panitikan sa Higaunon na isasalin


sa iba pang wika. Naglalaman ito ng tatlong (3) saknong na may
dalawang tig-tatatlong taludtud at isang tig-aapat na taludtud o linya. Sa
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

kabuuan ay mayroong sampung (10) taludtud ang panitikan.Malaya at


walang sukat ang “Mother Goose” ng wika.

Tsart 3.1

Pigura 3.2

Makikita ang orihinal na salin ng panitikan sa Higaunon (nasa kanang


bahagi) at wikang Filipino (kanang bahagi).

Wikang Higaunon Wikang Filipino


“ Limbay Ko Bata” “Tahan na, Anak ko”
Sigin-sigin indagwat sinuko Kawawa ang aking anak,
Intamyagaw bakadlimunday tudog matulog ka na
Bakadbuntu-an yupayup taingkabasin Wag ka nang umiyak

Dimpaman ko sumakit sa uluno Baka sumakit ang iyong ulo


Ingkabaluyahidin ko payungag-yungagin Hindi kita matutulungan
Kag sa dikamankabulyugan na dika
kabugabungan Ang aking hiling sayo tahan na
Wag ka sanang umiyak ka nang umiyak pa.
Na iyanmanhingwanuko Iniwan ko na ang aking trabaho dahil sayo
Sa iyimukon mug-unong ka yan man Yan ang tanda ng aking pagmamahal sa iyo.
Himilawunko sa punay mog unanongka
Tsart 3.2

Pigura 3.3

Higaunon Filipino Pagkakatulad Pagkakaiba


bata Anak kahulugan pagbabaybay
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

uluno Ulo kahulugan pagbabaybay

Inilahad ang mga salitang napili na pareho ang kahulugan ngunit


nagkakaiba ang baybay batay sa pagsasalin sa dalawang wika.Ipapakita
rin sa kung paano nagkakaiba nga dalawang salita.

Tsart 3.3

Pigura 3.4

Inilahad ang mga pangungusap mula sa dalawang wika napili na


pareho ang kahulugan ngunit nagkakaiba ang baybay batay sa
pagsasalin sa dalawang wika.Ipapakita rin sa kung paano nagkakaiba
nga dalawang wika.

Higaunon Filipino Pagkakatulad Pagkakaiba


“ Limbay Ko Bata” Tahan na, Anak Pareho ang mga -Ang posisyon ng
ko salitang ginamit sa panghalip na “Ko” sa
pagbubuo. pangungusap.
-Pagdaragdag ng
“na” o kataga.

Sigin-sigin indagwat Kawawa ang Pagbabaybay ng


sinuko aking anak, mga salita
Intamyagaw matulog ka na
bakadlimunday tudog Wag ka nang
Bakadbuntu-an yupayup umiyak
taingkabasin
Dimpaman ko sumakit Baka sumakit -kahulugan ng - Ang mga katumbas
sa uluno ang iyong ulo buong diwa na mga salita.
Ingkabaluyahidin ko Hindi kita
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

payungag-yungagin matutulungan -ang paggamit sa - Ang panghalip na


Kag sa salita “sumakit” at “ko” na pinalitan ng
dikamankabulyugan na kahulugan nito. “kita”
dika kabugabungan
Na iyanmanhingwanuko Ang aking hiling Gamit nga panghalip -Ang salita at
Sa iyimukon mug-unong sayo tahan na na “ka” panghalip sa unang
ka yan man Wag ka sanang wika ay kasama sa
Himilawunko sa punay umiyak ka nang iisang salita
mog unanongka umiyak pa. samantalang sa
Iniwan ko na ikalawang wika ay
ang aking ibinukod ang
trabaho dahil panghalip sa salita.
sayo
Tsart 3.4

Diskusyon/Pagtatalakay sa Datos

Ayon sa ipinakitang talahanayan sa unang Tsart 3.1 ay orihinal na


panitikan na isang “Mother Goose” sa wikang Higaunon na matatagpuan
na sentro ng pag-aaral na isa sa mga wikang sinasalita sa bayan ng
Esperanza, Agusan del Sur.

Ayon sa ipinakitang talahanayan sa unang Tsart 3.2 ang


pagsasalin sa wikang Higaunon, na sentro ng pag-aaral na isa sa mga
wikang sinasalita sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur. Makikita rin
ang pagsasalin ng wikang Filipino.Batay sa paglalahad ay mas mahaba
o maraming pantig ng ang bumubuo sa Higaunon samantalang mas
napaikli ang sa wikang Filipino.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Sa tsart. 3.3 inilahad ang mga salitang bata ng wikang Higaunon


na ang ibig sabihin ay supling samantalang sa wikang Filipino ang
katumbas na ginamit ay anak. Maliban pa sa nabanggit na salita ay
itinala rin ang salitang uluno ng Higaunon na ibig sabihin ay head at may
katumbas na ulo sa wikang Filipino. Sa pagsusuri ay makikita talaga ang
pagkakaiba ng baybay ng mga salita sa pagsasalin ng bawat isa ngunit
hindi maitatangi na parehong may katumbas sa kani-kanilang wika.

At sa tsart 3.4 ay inilahad ang paghahambing sa pagsasalin ng


pamagat hanggang sa huling saknong ng panitikan sa wikang Higaunon
at ang wikang pagsasalinan ay Wikang Filipino.Naipakita sa pamagat na
pareho ang bilang ng salitang ginamit sa pagsasalin ngunit magkaiba
ang posisyon ng panghalip na “Ko” sa pangungusap dahil kung
papansinin sa wikang Higaunon ay mas naunan ang panghalip kaysa
pangngalang pambalana na bata samantalang sa wikang Filipino ay
pagkatapos ng pangngalangan pambalana at pagdaragdag ng katagang
“na”. Sa unang saknong ng “Mother Goose” ay mayroong salitang
parehong ginamit at pareho ang ang kahulugan ng salita batay sa gamit
nito. Sa ikalawang saknong ay walang nakitang may pakakatulad
sapagkat idiniki sa salita ang mga panghalip na ginamit sa Higaunon
samantalang sa wikang Filipino ay nakabukod sa salita.

V. Konklusyon at Rekomendasyon

Mapapatunayan sa pag-aaral na ito na kahit iilang salita lamang


ang may pagkakatulad ang baybay sa dalawang wika na ipinaghambing
batay sa katumbas na kahulugan makikita pa rin ang ugnayan ng
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

dalawang wika. Isa rin sa nakita ng pag-aaral na ito ay hindi garantiya na


pareho ginagamit ang isang salita sa dalawang wika ay masasabi na
agad na pareho na ang kahulugan sapagkat malaki pa rin ang tungkulin
ng Ponemang Suprasegmental o isang paraan ng pagbibigkas ng mga
salita ayon sa katumbas ng kahulugan.

Maipapamulat batay sa mga nakalap na datos na malaking bahagi


pa rin ang punto ng pagsasalita ng tao. Batay rin sa paglalahad
maipapakita na ang wikang Higaunon ay isang wikang nag-uusbong ng
panibagong panahon kasabay ng paglipas ng panahon.

Ipinapaalam lamang sa pag-aaral na ito na laganap manang


modernisasyon sa kasalukuyang panahon kinakailangan pa ring pag-
aralan at patuloy na kilalanin.Sa pananaliksik na ito rin ay maging daan
upang hindi mawala ang mga wikang sumisimbilo ng ating pagiging
Filipino. Lumipas man ang maraming panahon ay mananatiling pasalin-
salin sa mga salinlahi at yumayabong.

Limitado lamang ang panahong nailaan sa pag-aaral na ito ngunit


ang manaliksik ay umaasang na ito ay maging hakbang na pag-aralan
pa ang mga salitang itinuturing na yaman ng ating bansa. Ito ay higit na
makakatulong upang maipakita na sa anong paraan nagkakaroon ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang sinasalita sa ating bansa.

Sanggunian

Bautista, Francisco. Jr. Direksiyong historikal ng mga pag-aaral panggrammar ng mga


wikang Timog Bisaya Kalakip ang Parsyal na Anotasyon ng Ilang Sulatin sa
Gramatika mula 1960 hanggang 2015.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL
_________________________________________________________________________________________

Aisah B. Camar (2020) Varayti ng Wikang Surigaonon: Surigao del Sur State University.

Bohol, Jed M. et.ai; (2018), Deskriptibong Pag-aaral sa Palaugnayan ng Wikang Cortesanon


sa Surigao del Sur.

Dinglasan, R.D. (2007) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila Philippines.


Rex Book Sotore

Online:
GMA Network Inc. (2009, August 31). Retrieved from GMA News Online:
http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-
filipino.
Ang Kalagayan ng Filipino sa Panahon Ngayon. (2015, April 29):
http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-
ngayon/

TUNGKOL SA AWTOR

Si SHALYN F. GELORYAO-TOLENTINO ay ipinanganak noong Nobyembre


1, 1994 sa Tapaz, Sta. Josefa, Agusan del Sur. Nakapagtapos ng kolehiyo sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas at kasalukuyang kumuha ng pagkadalubhasa sa
pagtuturo ng Wikang Filipino sa North Eastern Mindanao State Univesity-Tandag
City Campus.Nagtuturo sa Agusan del Sur National High School na matatagpuan sa
San Francisco, Agusan del Sur.

You might also like