ESP5 2nd Summative Test Q1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

SAN VICENTE ELEMENTARY SCHOOL

San Pablo City

FIRST QUARTER
SECOND SUMMATIVE TEST IN ESP 5
S.Y. 2021-2022
Pangalan:_______________________ Guro:__________________
Baitang/Pangkat:________________ Petsa:_________________

I.Tukuyin kung ang sitwasyon ay pagpapakita mo ng katapatan at pakikipagkaisa sa mga


gawaing may kinalaman sa pag-aaral. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung Oo at ekis naman
(X) kung Hindi.
_____1. Tinulad ko ang proyekto ng aking pinsan upang matapos agad ang aking gawain.
_____2. Ipinauubaya ko sa aking kapatid ang paggawa ng pangkatang proyekto namin upang
maayos ang ipapasa naming sa aming guro.
_____3. Sa katapusan pa naman ipapasa ang aming proyekto sa EsP kaya hindi ko na muna ito
gagawin. Uunahin kong mag level-up sa laro sa cellphone ko
. _____4. Hindi muna ako manonood ng K-drama ngayong gabi. Kailangan kong mag-aral para
sa mga pagsusulit.
_____5. Kung may kakayahan ako at gamit, makikipag-usap ako sa ka- klase ko upang
makipagtulungan sa mga gawain
_____6. Tinatapos ko ang mga proyekto bago matapos ang nakatakdang panahon ng
pagpapasa.
_____7. Hindi muna ako manonood ng K-drama ngayong gabi. Kailangan kong mag-aral para sa
mga pagsusulit.
_____8. Kung may kakayahan ako at gamit, makikipag-usap ako sa kaklase ko upang
makipagtulungan sa mga gawain.
_____9. Si Mack ay nagsinungaling nang hindi aminin na kinuha niya at nasira ang gamit ng
kapatid.
_____10. Pinagsabihan ni Keinth ang kapatid na si Kolan na hindi tamang mangopya ng sagot sa
iba.
_____11. Inamin ni Jon ang kasalanang nagawa ni Ver upang hindi mapahamak ang
kaibigan.
_____12. Sinabi ni Pia sa ama na maaga siyang natulog kahit ang totoo ay naglaro pa siya
ng cellphone kahit gabing-gabi na.
_____13. Buong pagpapakumbabang tinanggap ni Charlie ang puna sa kanya na mainitin ang
kanyang ulo. Nangako siyang magbabago.
_____14. Sinabihan ni Von si John na mabagal magbasa at hindi na matututo pa. Habang
ginagawa niya ito ay tumatawa pa siya.
_____15. Nanunuod lang si Jack sa mga tao na naglilinis ng marumi at mabahong lugar sa
kanilang barangay.
B. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

16. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon at pagkilos ng wasto o tama kahit
walang nakatingin ay pagiging _____
A. matapat B. mabait C. masinop D. masipag
17. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng katapatan, MALIBAN sa _____
A. pagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa mga aralin
B. paggawa ng mga gawain at hindi ito ipinagagawa sa iba
C. hindi pakikiisa ka sa mga pangkatang gawain at proyekto
D. pagtupad ng ipinangako o sinabing gagawin na mag-aaral
18. Naipakikita mo ang pagiging matapat sa pag-aaral kung _____
A. kinokopya mo lang ang sagot sa gawa ng iba
B. ipinagagawa mo ang lahat sa mga kapatid
C. nagsisikap kang matuto kahit nahihirapan
D. hinahayaan na lamang na hindi mag-aral
19. Naatasan si Gerry na maging lider ng pangkatang gawain kasama ang kamag-aaral na
kapitbahay niya. Ipinaubaya na lamang niya sa mga ito ang paggawa. Ang ginawa niya ay _____
A. tama B. mali C. okay lang D. maayos
20. Ang dapat mong gawin sa prinsipyo o kasabihang “Honesty is the Best Policy” ay _____
A. kabisaduhin B. isapuso at isakilos C. saulohin D. tingnan at basahin
21. Ito ay ang pagsasabi ng iyong totoong naiisip at nararamdaman._______
A. pagpapahayag ng saloobin C. pagrereklamo sa iba
B. pakikipag-away sa iba D. pagiging madaldal
22. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng tamang pagpapahayag ng saloobin,
MALIBAN sa_____
A. pag-isipan munang mabuti ang sasabihin
B. alamin muna ang katotohanan bago magsalita
C. maging magalang sa kausap at ipakita ang respeto
D. maging marahas sa pananalita upang hindi makasakit
23. Kapag ikaw ay tatanggap ng puna mula sa iba, dapat na _____
A. gamitin ang puna upang makapagbago
B. ipakita ang paggalang sa kausap
C. magpasalamat sa puna o payo
D. lahat ng nabanggit
24. Nagalit si Kim ng sabihan siya na sumali sa pangkatang gawain sa abot ng makakaya. Ang
ginawa ni Kim ay _____
A. tama B. mali C. okay lang D. maayos
25. Pinakamahalaga sa pagpapahayag ng saloobin sa mga gawain ang maging _____
A. tapat at totoo C. mapagkunwari
B. mapanakit D. malihim at tahimik
26. Ang pagsasabi ng _____ ay pagsasama ng maluwat.
A. maganda B. tapat C. mali D. biro
27. Ang sumusunod ay kasingkahulugan ng katotohanan, MALIBAN sa ____
A. totoo B. tama C. wasto D. kasinungalingan
28. Naatasan kang maging lider sa isang pangkatang gawain. Ang isa mong kasapi ay hindi
sumasali ,bagkus siya ay nanggugulo pa. Ano ang gagawin mo?_____
A. sasawayin mo siya
B. hindi mo siya papansinin
C. hihikayatin mo siya na makilahok sa gawain
D. isusumbong mo siya sa guro
29. Kung hindi ka magsasabi ng totoo, maaaring _____
A. mas lumala ang suliranin
B. hindi magbago ang kapwa
C. maulit pa ang pagkakamali
D. lahat ng nabanggit
30. Kung nakagawa ka ng kasalanan subalit alam mong maparurusahan ka, pipiliin mong _____
A. magsinungaling na lang C. manahimik at itago ito
B. isumbong ang ibang tao D. umamin at humingi ng paumanhin
SAN VICENTE ELEMENTARY SCHOOL
San Pablo City
FIRST QUARTER
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
ESP 5
S.Y.2020-2021

LAYUNIN MELC Bilang ng Aytem Kinalalagyan ng Bilang


Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa 4 12 1-4,6-7,9-11,21,29-30
lahat ng uri ng paggawa
Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa 5 11 12-14,16-18,20,22-
mga proyektong pampaaralan 23,26-27
Nakapagpapatunay na mahalaga ang 5 7 5,8,15,19,24-25,28
pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain

Kabuuan 30

Prepared by : Checked by:

ANNABELLE C. AGUILA MARICEL G. CABELLO JUNE NOEL A. BANDOY


Teacher III ESP School Coordinator Master teacher 1
Noted

OLIVIA I. GAPUNUAN
Principal II

KEY TO CORRECTION

ESP V SECOND SUMMATIVE TEST

1. X
2. X
3. X
4. /
5. /
6. /
7. /
8. /
9. X
10. /
11. /
12. X
13. /
14. X
15. X
16. A
17. C
18. C
19. B
20. B
21. A
22. D
23. A
24. B
25. A
26. B
27. D
28. C
29. D
30. D

You might also like