Professional Documents
Culture Documents
Bartenders Series 6 Scotch-Rhodselda-Vergo
Bartenders Series 6 Scotch-Rhodselda-Vergo
Bartenders Series 6 Scotch-Rhodselda-Vergo
by rhodselda-vergo
=================
Teaser
HALOS gumuho ang mundo ni Khalee Santiago nang mabatid na matagal na pala siyang
pinagtataksilan ng live-in partner niya na si Anton. Ibinigay niya ang lahat sa
lalaki, tinalikuran niya ang pamilya niya at ang marangya niyang buhay para lang
makasama ito.
Ang sakit na naramdaman niya ay nag-udyok sa kanya upang malulong sa bisyo. Walang
gabi na hindi siya naglalasing. Ngunit nang mapadpad siya sa Gentlemen’s Bar ay
tila isang guwapong anghel ang natagpuan niya na nagtitimpla ng inumin niya gabi-
gabi—Si Scotch James Miller—isang mistiso Mexicano na pinagpala ng ka-guwapuhan at
ka-sexy-an. Ngunit isa rin pala itong anghel na may sungay at tulad ni Anton ay
uhaw din ito sa babae.
Ngunit habang lumalaon ay may natuklasan siyang naiibang katangian sa lalaki. Hindi
naman pala ito abusado. Namalayan na lamang niya ang kanyang sarili na nahuhulog na
ang loob kay Scotch.
Pero bakit bigla ata siyang nagdududa? Pakiwari niya’y may iba pa itong pakay sa
kanya kaya ito biglang nagtapat ng pag-ibig sa kanya.
=================
Special Chapter
History: Ang series novel na ito ay nabuo dahil sa isang lasing na lalaki na nakita
ko minsan sa isang bar noong taong 2010. Sumama ako sa mga katrabaho ko pero sila
lang ang uminom. Hindi kasi ako talaga umiinom maliban sa tubig, hehehe.
Sumagot naman ang ‘demonyong’ nasa gawing kaliwa ng isip ko, “E kasi, gusto nilang
magkaroon ng lakas ng loob para makagawa ng imposible. Para kumapal ang mukha nila
at makapaghasik sila ng kasamaan, HAHAHAHAHAHA!” Nanrindi ang tenga ko. Hinayaan ko
na ang ‘anghel’ at ‘demonyo’ na magdiskusyon sa likod ng isip ko.
Nang tingnan ko ang mama ay nakatulog na ito sa ibabaw ng mesa. Iginala ko ang
paningin ko sa paligid, iba-ibang klase ng tao ang nakikita ko. May lalake, babae,
bakla, tomboy, matanda, binata, dalaga, piling binata’t dalaga. Ang daming
nangyayari, may nag-aaway, naghahalikan sa gigilid, may nagtatawanan, may
nagbabahagi ng problema etc. Ganito pala ang buhay sa mundong ibabaw. Napagtanto
ko, hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay bad impluence ang alak. Ngayon ko
lang na-realize na marami din pala itong magagawa sa buhay ng tao. Noon, naiirita
ako sa taong lasing. Nakakainis kasi talaga! Pero ngayon, naiintindihan ko na kung
bakit.
Ang una kong naisip na pamagat ng series ay “Hangovers” at nang malaman ko na nag-
aral ng Bartending ang dalawa kong kapatid na lalaki ay bigla kong naisip ang
“Bartenders” mas cool. Tinanong ko sila sa mga napag-aralan nila, nag-research ako.
At doon ko nalaman na ang dami pala ang uri ng liquor sa mundo.
So nakapagsulat na ako, pero draft lang. Nang i-post ko sa facebook at booklat site
nitong taon lang ang advertisement ng series—ay nagulat ako nang marami ang nag-
like. Plano ko sana na apat lang ang gagawin ko, kaso maraming friend ko sa fb at
co-writer ko na nag-request na gawin ko silang leading-lady ng mga hero ko.
E, ang dami nila. Kaya tuloy, ang apat ay naging isang dosena. Haha, napasubo ako.
Pero sige na nga. Naging insperasyon ko rin ang nobelang ito kasi natutuwa ako sa
concept na ginamit ko at naging mas open minded ako at ang dami kong bagong
natutunan. Ito ang history ng series na ito. Thank you!
Scotch’s Idintity:
Catch line: “Nang una palang kitang makita, alam ko’ng makukuha mo ang puso ko...”
Age: 32
Chapter One
Hindi niya maiwasan na dalhin sa bar ang nabinbin niyang trabaho sa ahensiya na
pinagtatrabahuhan niya. Kahit mahirap ay kailangan niyang magtiis dahil na rin sa
kagustuhan niyang makatulong sa ibang tao, lalo na sa pamilyang kinabibilangan
niya.
Walang nakakaalam sa propisyon niya maliban ang mga kaibigan at pamilya niya.
Undercover Agent siya at madalas siyang nasa field. Pagdating naman sa bar ay
kilala siya na isa sa mahusay na flair bartender at isa sa binabalik-balikan ng mga
kababaihan sa bar.
“Scotch, may order ng limang cocktails. Anong available sa iyo?” tanong sa kanya ni
Cognac nang pasukin siya nito sa counter.
Kararating lamang niya at ang dami nilang guest. “Shit! Rum cocktails muna ang kaya
ko. Medyo blanko ang isip ko, dude,” tugon niya.
Masakit pa ang ulo niya buhat sa ulan kanina habang nasa field siya. Hindi niya
alam kung ano ang uunahin niya.
“Mga babae ang may order. Binigyan ko sila ng menu pero hindi namili. Kahit ano na
raw basta rum or brandy ang liquor,” ani Cognac.
“Okay, kung anong available ingredients magme-mix ako ng limang klase,” aniya.
“Don’t worry, parating na si Gin. Babalikan kita after twenty minutes to pick-up
the orders,” ani Cognac. Umalis na ito.
Agad niyang inasikaso ang order ng guest. Uminom na siya ng pain reliever pero
masakit parin ang ulo niya. Mayamaya’y may dumating pang costumer na babae at umupo
sa harap ng counter.
“Good evening, Ma’am! Welcome to Gentlemen’s Bar!” nakangiting bati niya sa babae
na pakiwari niya’y lasing na.
Natigilan siya. Awtomatiko’y binalingan niya ng tingin ang babae Alergy siya sa
unumin under punch recipe. “Ano pong gusto ninyo, Ma’am?” kapagkuwa’y tanong niya.
Nagsisimula nang uminit ang bunbunan niya. Kung alin pa ang hindi niya masyadong
kabisado na recipe ay iyon pa ang order ng babae. Hindi pa siya tapos sa limang
cocktails.
Maya’t-maya ang sipat niya sa babae na halos humimlay na ang ulo nito sa ibabaw ng
counter. Mayamaya’y dumating na si Gin at agad siyang tinulungan sa cocktails.
“Hindi mo ata ginamitan ng magic ang mixture mo,” kaswal na biro ni Gin.
“Wala na akong panahon mag-joggling. Lalo lang sasakit ang ulo ko kapag maglikot pa
ako,” aniya.
“Stress?”
“Grabe. Thanks for the rescue, dude,” aniya. Tinapik niya ang balikat nito.
“Bakit?”
“Okay na. Puwede na siyang mag-stay sa bahay, pero kailangan ko parin ng caregiver
para sa kanya.”
Mayamaya pa’y dumating na si Cognac para kunin ang cocktails. “Okay na ba, Scotch?”
tanong sa kanya ni Cognac.
“Heto na,” aniya saka ipinatong ang limang baso ng cocktails sa serving tray na
hawak ni Cognac. Kapagkuwa’y umalis na ito.
Sabug-sabog ang mahaba nitong buhok; namumula ang mukha nito. Manipis lamang ang
suot nitong blusa na kulay pula at bahagya pang nakasilip ang cleavage nito.
Bahagya itong nakayuko at nakapikit.
Napakislot ang babae at tumitig sa kanya. Natitigan din niya ito sa mukha. Maganda
ito kahit walang make-up at magulo ang buhok. Hindi naman ito mukhang pulubi dahil
sa hilatsa ng mukha nito. Pakiwari niya’y may dugo din itong banyaga.
“Ito na ba ang order ko?” tanong nito habang tinititigan ang inumin nito na ini-
abot niya rito.
“Thanks.”
Nang tahimik na itong umiinom ay niligpit na niya ang mga kalat niya. Mayamaya’y
narinig niya itong nagsasalita.
“Mas masarap ang timpla ng isang bartender kagabi. Pero okay lang, mas guwapo ka
naman,” anito.
Sinipat niya ito. Sa halip na mainis ay napapangiti na lamang siya. Nagpatuloy siya
sa pagkilos.
Itinigil niya ang ginagawa baka isipin nito na bastos siya. Lumapit pa siya rito
para mas magkaintindihan sila.
“James Miller. Pero kilala ako dito sa bar bilang si Scotch,” pakilala naman niya.
Tumaas ang isang kilay niya. “Oh, paano mo nasabi?” Pilyo ang ngiti niya.
“Hindi lang naman sa pangalan, maging sa pagmumukha mo. Ikaw ang tipo ng lalaki na
hindi makakagawa ng matino sa babae,” walang abog na sabi nito.
Sa halip na mainsulto ay tila natutuwa siya sa tabas ng dila ng babaeng ito. Wala
manlang itong pasintabi.
Ngumisi siya. “Please don’t judge my physical appearance, Ma’am. Subukan mo muna
ako,” simpatikong saad niya.
Bumungisngis ang babae. “Ilan nalang ba ang matinong lalaki sa mundong ito? Isa?
Dalawa? Or worst—wala na talaga? Ikaw, ilan na ba ang babaeng sinaktan at niloko
mo?” anito.
Shit! Hinuhusgahan na ba ako ng langit? Ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na
hatulan ako, naisaloob niya.
“My name is Khalee Santiago, but don’t mention my name in public,” kapagkuwa’y
pakilala nito.
Bahagya siyang natawa. “Bakit naman? Paano kung nagkita tayo sa labas?”
“Just call me, hoy, hey. Kahit ano basta huwag ang real name ko.”
Mabilis na napalis ang ngiti niya. “Wow, such a nice question,” seryosong wika
niya.
“I’m serious.”
“So, what?”
“Alam mo, may araw din kayong mga lalaki na mahilig manakit ng babae. Kapag ako ang
naging presidente ng Pilipinas, magpapatupad ako ng batas na sumasalungat sa mga
lalaking babaero, abusado, manloloko, etc. Life imprisonment ang hatol,” anito.
Napahagalpak siya ng tawa. “Ang lupet mo, ah. Kung gano’n, ngayon palang
magpoprotesta na ako,” aniya.
“I’m serious. Kaso bobo ako, tanga. Kaya malabo akong maging presidente ng
Pilipinas. Alam mo ba ang course para maging mangkukulam?” nahihibang na saad nito.
Napigil niya ang tawa nang mamataang seryoso ito. “Bakit mangkukulam?” tanong na
lamang niya.
Mayamaya’y nasilayan niya ang ga-butil na luha na nangilid sa mga mata nito. May
kung anong damdamin namang umalipin sa pagkatao niya. Nahihinuha niya na may
malaking problema nga itong babae.
Nang humikbi na ito ay hindi na niya malaman ang gagawin niya. Hindi rin niya alam
kung paano niya ito kakausapin. Baka mamaya, e magwala na ito paris sa iba nilang
guest na babae. Kapag nalasing na ay nag-aamok.
=================
Teaser
HALOS gumuho ang mundo ni Khalee Santiago nang mabatid na matagal na pala siyang
pinagtataksilan ng live-in partner niya na si Anton. Ibinigay niya ang lahat sa
lalaki, tinalikuran niya ang pamilya niya at ang marangya niyang buhay para lang
makasama ito.
Ang sakit na naramdaman niya ay nag-udyok sa kanya upang malulong sa bisyo. Walang
gabi na hindi siya naglalasing. Ngunit nang mapadpad siya sa Gentlemen’s Bar ay
tila isang guwapong anghel ang natagpuan niya na nagtitimpla ng inumin niya gabi-
gabi—Si Scotch James Miller—isang mistiso Mexicano na pinagpala ng ka-guwapuhan at
ka-sexy-an. Ngunit isa rin pala itong anghel na may sungay at tulad ni Anton ay
uhaw din ito sa babae.
Ngunit habang lumalaon ay may natuklasan siyang naiibang katangian sa lalaki. Hindi
naman pala ito abusado. Namalayan na lamang niya ang kanyang sarili na nahuhulog na
ang loob kay Scotch.
Pero bakit bigla ata siyang nagdududa? Pakiwari niya’y may iba pa itong pakay sa
kanya kaya ito biglang nagtapat ng pag-ibig sa kanya.
=================
Special Chapter
History: Ang series novel na ito ay nabuo dahil sa isang lasing na lalaki na nakita
ko minsan sa isang bar noong taong 2010. Sumama ako sa mga katrabaho ko pero sila
lang ang uminom. Hindi kasi ako talaga umiinom maliban sa tubig, hehehe.
Nang tingnan ko ang mama ay nakatulog na ito sa ibabaw ng mesa. Iginala ko ang
paningin ko sa paligid, iba-ibang klase ng tao ang nakikita ko. May lalake, babae,
bakla, tomboy, matanda, binata, dalaga, piling binata’t dalaga. Ang daming
nangyayari, may nag-aaway, naghahalikan sa gigilid, may nagtatawanan, may
nagbabahagi ng problema etc. Ganito pala ang buhay sa mundong ibabaw. Napagtanto
ko, hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay bad impluence ang alak. Ngayon ko
lang na-realize na marami din pala itong magagawa sa buhay ng tao. Noon, naiirita
ako sa taong lasing. Nakakainis kasi talaga! Pero ngayon, naiintindihan ko na kung
bakit.
Ang una kong naisip na pamagat ng series ay “Hangovers” at nang malaman ko na nag-
aral ng Bartending ang dalawa kong kapatid na lalaki ay bigla kong naisip ang
“Bartenders” mas cool. Tinanong ko sila sa mga napag-aralan nila, nag-research ako.
At doon ko nalaman na ang dami pala ang uri ng liquor sa mundo.
So nakapagsulat na ako, pero draft lang. Nang i-post ko sa facebook at booklat site
nitong taon lang ang advertisement ng series—ay nagulat ako nang marami ang nag-
like. Plano ko sana na apat lang ang gagawin ko, kaso maraming friend ko sa fb at
co-writer ko na nag-request na gawin ko silang leading-lady ng mga hero ko.
E, ang dami nila. Kaya tuloy, ang apat ay naging isang dosena. Haha, napasubo ako.
Pero sige na nga. Naging insperasyon ko rin ang nobelang ito kasi natutuwa ako sa
concept na ginamit ko at naging mas open minded ako at ang dami kong bagong
natutunan. Ito ang history ng series na ito. Thank you!
Scotch’s Idintity:
Catch line: “Nang una palang kitang makita, alam ko’ng makukuha mo ang puso ko...”
Age: 32
=================
Chapter One
Hindi niya maiwasan na dalhin sa bar ang nabinbin niyang trabaho sa ahensiya na
pinagtatrabahuhan niya. Kahit mahirap ay kailangan niyang magtiis dahil na rin sa
kagustuhan niyang makatulong sa ibang tao, lalo na sa pamilyang kinabibilangan
niya.
Walang nakakaalam sa propisyon niya maliban ang mga kaibigan at pamilya niya.
Undercover Agent siya at madalas siyang nasa field. Pagdating naman sa bar ay
kilala siya na isa sa mahusay na flair bartender at isa sa binabalik-balikan ng mga
kababaihan sa bar.
“Scotch, may order ng limang cocktails. Anong available sa iyo?” tanong sa kanya ni
Cognac nang pasukin siya nito sa counter.
Kararating lamang niya at ang dami nilang guest. “Shit! Rum cocktails muna ang kaya
ko. Medyo blanko ang isip ko, dude,” tugon niya.
Masakit pa ang ulo niya buhat sa ulan kanina habang nasa field siya. Hindi niya
alam kung ano ang uunahin niya.
“Mga babae ang may order. Binigyan ko sila ng menu pero hindi namili. Kahit ano na
raw basta rum or brandy ang liquor,” ani Cognac.
“Okay, kung anong available ingredients magme-mix ako ng limang klase,” aniya.
“Don’t worry, parating na si Gin. Babalikan kita after twenty minutes to pick-up
the orders,” ani Cognac. Umalis na ito.
Agad niyang inasikaso ang order ng guest. Uminom na siya ng pain reliever pero
masakit parin ang ulo niya. Mayamaya’y may dumating pang costumer na babae at umupo
sa harap ng counter.
“Good evening, Ma’am! Welcome to Gentlemen’s Bar!” nakangiting bati niya sa babae
na pakiwari niya’y lasing na.
Natigilan siya. Awtomatiko’y binalingan niya ng tingin ang babae Alergy siya sa
unumin under punch recipe. “Ano pong gusto ninyo, Ma’am?” kapagkuwa’y tanong niya.
Nagsisimula nang uminit ang bunbunan niya. Kung alin pa ang hindi niya masyadong
kabisado na recipe ay iyon pa ang order ng babae. Hindi pa siya tapos sa limang
cocktails.
Maya’t-maya ang sipat niya sa babae na halos humimlay na ang ulo nito sa ibabaw ng
counter. Mayamaya’y dumating na si Gin at agad siyang tinulungan sa cocktails.
“Hindi mo ata ginamitan ng magic ang mixture mo,” kaswal na biro ni Gin.
“Wala na akong panahon mag-joggling. Lalo lang sasakit ang ulo ko kapag maglikot pa
ako,” aniya.
“Stress?”
“Grabe. Thanks for the rescue, dude,” aniya. Tinapik niya ang balikat nito.
“Bakit?”
“Okay na. Puwede na siyang mag-stay sa bahay, pero kailangan ko parin ng caregiver
para sa kanya.”
Mayamaya pa’y dumating na si Cognac para kunin ang cocktails. “Okay na ba, Scotch?”
tanong sa kanya ni Cognac.
“Heto na,” aniya saka ipinatong ang limang baso ng cocktails sa serving tray na
hawak ni Cognac. Kapagkuwa’y umalis na ito.
Mag-isa na muli siya sa counter. Inasikaso na niya ang inumin ng nag-iisa niyang
costumer sa counter. Nang i-abot na niya ang inumin sa babae ay saka lamang niya
napuna ang anyo nito.
Sabug-sabog ang mahaba nitong buhok; namumula ang mukha nito. Manipis lamang ang
suot nitong blusa na kulay pula at bahagya pang nakasilip ang cleavage nito.
Bahagya itong nakayuko at nakapikit.
Napakislot ang babae at tumitig sa kanya. Natitigan din niya ito sa mukha. Maganda
ito kahit walang make-up at magulo ang buhok. Hindi naman ito mukhang pulubi dahil
sa hilatsa ng mukha nito. Pakiwari niya’y may dugo din itong banyaga.
“Ito na ba ang order ko?” tanong nito habang tinititigan ang inumin nito na ini-
abot niya rito.
“Thanks.”
Nang tahimik na itong umiinom ay niligpit na niya ang mga kalat niya. Mayamaya’y
narinig niya itong nagsasalita.
“Mas masarap ang timpla ng isang bartender kagabi. Pero okay lang, mas guwapo ka
naman,” anito.
Sinipat niya ito. Sa halip na mainis ay napapangiti na lamang siya. Nagpatuloy siya
sa pagkilos.
Itinigil niya ang ginagawa baka isipin nito na bastos siya. Lumapit pa siya rito
para mas magkaintindihan sila.
“James Miller. Pero kilala ako dito sa bar bilang si Scotch,” pakilala naman niya.
Tumaas ang isang kilay niya. “Oh, paano mo nasabi?” Pilyo ang ngiti niya.
“Hindi lang naman sa pangalan, maging sa pagmumukha mo. Ikaw ang tipo ng lalaki na
hindi makakagawa ng matino sa babae,” walang abog na sabi nito.
Sa halip na mainsulto ay tila natutuwa siya sa tabas ng dila ng babaeng ito. Wala
manlang itong pasintabi.
Ngumisi siya. “Please don’t judge my physical appearance, Ma’am. Subukan mo muna
ako,” simpatikong saad niya.
Bumungisngis ang babae. “Ilan nalang ba ang matinong lalaki sa mundong ito? Isa?
Dalawa? Or worst—wala na talaga? Ikaw, ilan na ba ang babaeng sinaktan at niloko
mo?” anito.
Shit! Hinuhusgahan na ba ako ng langit? Ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na
hatulan ako, naisaloob niya.
Bahagya siyang natawa. “Bakit naman? Paano kung nagkita tayo sa labas?”
“Just call me, hoy, hey. Kahit ano basta huwag ang real name ko.”
Mabilis na napalis ang ngiti niya. “Wow, such a nice question,” seryosong wika
niya.
“I’m serious.”
“So, what?”
“Alam mo, may araw din kayong mga lalaki na mahilig manakit ng babae. Kapag ako ang
naging presidente ng Pilipinas, magpapatupad ako ng batas na sumasalungat sa mga
lalaking babaero, abusado, manloloko, etc. Life imprisonment ang hatol,” anito.
Napahagalpak siya ng tawa. “Ang lupet mo, ah. Kung gano’n, ngayon palang
magpoprotesta na ako,” aniya.
“I’m serious. Kaso bobo ako, tanga. Kaya malabo akong maging presidente ng
Pilipinas. Alam mo ba ang course para maging mangkukulam?” nahihibang na saad nito.
Napigil niya ang tawa nang mamataang seryoso ito. “Bakit mangkukulam?” tanong na
lamang niya.
“Kukulamin ko nalang ang lalaking nanakit at nanloko sa akin,” may hinanakit na
sabi nito.
Mayamaya’y nasilayan niya ang ga-butil na luha na nangilid sa mga mata nito. May
kung anong damdamin namang umalipin sa pagkatao niya. Nahihinuha niya na may
malaking problema nga itong babae.
Nang humikbi na ito ay hindi na niya malaman ang gagawin niya. Hindi rin niya alam
kung paano niya ito kakausapin. Baka mamaya, e magwala na ito paris sa iba nilang
guest na babae. Kapag nalasing na ay nag-aamok.
“Napakawalang hiya! Dapat hindi na binubuhay ang mga katulad niya. Wala siyang
kuwenta!” asik ni Khalee at bigla na lamang nitong inihagis ang baso kay Scotch.
Mabuti na lamang at magaling sumalo si Scotch. Naisalba niya ang buhay ng baso
nila. Nang dumating si Gin ay lumabas siya ng counter at inawat ang babae sa pag-
aasik nito ng sama ng loob.
“Calm down, miss. I’ll take you home,” sabi niya rito.
Ginapos niya ito buhat sa likuran. Hiniram niya ang kotse ni Gin para ihatid ang
babae kung saan man ito nakatira. Kalmado na ito nang makaupo na ito sa tabi niya
habang tahimik na minamaneho niya ang kotse.
Sinipat niya ito. “Eh, sino ang kasama mo?” usisa niya.
Hindi na ito umimik. Itinuturo lamang nito kung saan siya liliko. Mayamaya’y
itinuro nito ang tatlong palapag na apartment.
Natigilan siya. Hindi rin pala basta-basta ang buhay nito. Ipinasok niya ang kotse
sa makitid na eskinita sa gawing kaliwa ng gusali at naroroon nga sa likod ng
apartment ang dalawang palapag na bahay nito.
Lumang disenyo na ang bahay pero sementado at magara ang pagkakayari. Madilim ang
aura niyon kahit maliwanag ang ilaw sa labas. Kapagkuwa’y bumaba na siya at
pinagbuksan pa niya ng pinto ang babae. Tila ayaw pa nitong bumaba.
“Come on.”
Hindi manlang ito kumikilos. Napilitan na siyang akayin ito palabas ng kotse.
Sumunod naman ito. Ibinigay din nito sa kanya ang susi ng gate at ng bahay nito.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang aso na German Shepherd na kulay
puti. Ngali-ngali pa siya nitong sakmalin.
Kinapa niya kaagad ang switch ng ilaw. Hindi na naalis ang tingin niya sa aso na
nangangalit. Kumawala naman sa bisig niya si Khalee at niyakap nito ang aso.
Kumahol naman ng isang beses ang aso. Gusto niyang pumalakpak dahil sa talino ng
aso. English speaking pa nga. Ganoon ang uri ng mga aso na nasa pangangalaga ng K9
unit ng pulis at mga sundalo.
Mamaya’y tumayo na ang dalaga. “Harry, don’t forget, His name is James—my new
friend.” Nagawa pa nga siya nitong ipakilala sa aso.
Aba’y kumahol naman ng dalawang beses ang aso saka tumingin sa kanya. Kumikiwal-
kiwal na ang buntot nito. Lumapit pa sa kanya si Harry at inamuy-amoy siya.
Nang hipuin niya ang ulo nito ay himalang umamo kaagad ito sa kanya. Kapagkuwa’y
humakbang na ang dalaga paakyat sa hagdan ngunit nasa ikalawang baitang pa lamang
ito ay nawalan na ito ng balanse.
Mabuti na lamang at nakakapit ito sa barandelas. Tumalima naman siya at inalalayan
ito hanggang sa kuwarto nito. Agad itong dumapa sa kama nito nang makapasok sila sa
kuwarto nito.
“Thanks, James. Kung gusto mong kumain, may pagkain sa kusina. Kung uuwi ka na,
paki-lock nalang ang pinto at gate,” habilin pa nito sa kanya. Tila ba ang tagal na
nilang magkakilala at tiwalang-tiwala na ito sa kanya.
Nang sipatin niya ito ay hindi na ito gumagalaw. Nakapikit na ito. “Okay,” sabi
lamang niya.
Lalabas na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ng dalaga na nasa tabi
nito. Hindi manlang ito nagising. Mamaya’y natukso siyang damputin ang cellphone
nito ngunit hindi niya sinagot.
Kapagkuwa’y iginala niya ang paningin sa paligid. Umagaw sa atensiyon niya ang mga
kuwadradong larawan na nakapatong sa mesa sa gilid ng kama. Natukso siyang lapitan
iyon.
Larawan ni Khalee at ng lalaki, pero basag na ang salamin niyon. Ganoon din sa isa
pang larawan. Ang isang larawan ay punit sa gitna kung saan naghiwalay si Khalee at
ang lalaki sa larawan.
Masasaya ang kuha ng mga ito sa bawat litrato. Ang isa’y naghahalikan pa ang
dalawa. Kung iyon lang ang titingnan niya ay larawan iyon ng isang masayang
relasyon. Naglalaro na kaagad sa isip niya ang posibleng nangyari sa nakaraan ni
Khalee.
Nang titigan niya ang mukha ng dalaga ay nasilayan niya ang pangingilid ng mga luha
nito. Napansin din niya ang bakas ng laslas sa kaliwang kamay nito.
Alam na niya. Kahit hindi na ito magkuwento sa kanya ay alam na niya kung ano ang
dinanas nito sa lalaking sinasabi nitong nanakit at nanloko rito.
Nag-abala pa siyang ayusin ang pagkakahiga ng dalaga. Kinumutan niya ito at inalis
ang sapatos nito sa mga paa. Kapagkuwa’y lumabas na siya ng silid na iyon.
Kung tutuusin pala ay naiiwan lang mag-isa ang aso sa buong araw sa bahay. Napansin
niya ang dog food na nakasilid sa lata at nasa tabi lamang iyon ng higaan ni Harry.
May maliit na pinto rin siyang nakita sa gawi ng tulugan ng aso. At nang buksan
niya ang pinto ay patungo iyon sa likod ng bahay. Pakiwari niya’y pinto iyon ni
Harry.
Inilibot niya ang tingin sa kusina, malinis iyon. Nang buksan naman niya ang
refrigerator ay marami iyong laman. Maraming prutas at gulay. May mga frozen foods
din.
Nang lumabas na siya ng komedor ay nakabuntot na sa kanya si Harry. Nang nasa main
door na siya ay hinarap niya si Harry. Nagtiungko siya sa harapan nito at hinipo
ang ulo nito.
Kumahol ng isang beses ang aso na tila naintindihan siya. Hindi na naalis ang ngiti
sa mga labi niya.
Kapagkuwa’y lumabas na siya. Ini-lock niya sa loob ang pinto, ganoon din sa gate.
Isang minuto niyang pinagnilayan ang paligid ng bahay bago nilisan ang lugar.
Pagbalik niya sa bar ay hindi parin mabilang ang mga costumer nila. Bumalik na
siya sa counter at tinulungan si Gin.
“Anong nangyari sa babae?” tanong ni Gin nang matapos nitong pagsilbihan ang nag-
iisang babae na nakaupo sa harap ng counter.
“Depress siya,” tipid niyang sagot. Noon lamang siya nakaramdam ng pagod at antok.
“Malaki talaga. Nag-iisa lang pala siya sa bahay niya maliban sa aso na kung umasta
ay tao,” nakangiting sabi niya.
Pilit naman ang ngiti ni Gin. “Akala ko sasamahan mo na siya hanggang umaga,”
seryosong saad ni Gin.
Pahalipaw na sinuntok niya ang balikat ni Gin. “May limitasyon naman ang bisyo ko
ano. Pero delikado ang sitwasyon ng babaeng iyon,” aniya.
“Bakit?”
“Biruin mo, kakikilala palang niya sa akin ay nagtiwala na kaagad siya—at hinayaan
niyang pumasok ako sa bahay niya,” aniya.
Inungusan niya ito. “Loko. Ibig kong sabihin, hindi siya nag-iisip. Paano kung
ibang tao ako? Eh sa ganda niyang iyon ay walang lalaki na hindi magnasang
pagsamantalahan siya sa ganoong pagkakataon.”
“Wow, nagsalita ang matinong lalaki. Noted ang maganda,” tudyo ni Gin.
Natatakot siya kapag si Gin na ang magbiro sa kanya. Tinatamaan kasi talaga siya
kapag ito na ang nambabara sa kanya.
“Well, inaamin ko—maganda siya, sexy. Pero palagay ko hindi siya ang tipo ng babae
na nababastos. Obvious naman na may mataas siyang pinag-aralan.”
Lumabas na siya ng counter nang mapansin ang oras. Tapos na ang apat na oras na
duty niya. “Out na ako. Salamat sa kotse, utang muna ang gas,” aniya kay Gin.
Hindi lamang umimik si Gin, ni hindi siya nito sinulyapan. Umakyat na siya sa
ikalawang palapag kung saan ang guest room nila. Pagpasok niya’y nagulantang siya
nang madatnan si Wine na may kalampungang babae.
“Shit! Kailan pa nagkaroon ng motel dito sa bar?” nakangiting bungad niya sa mga
ito.
Tumalima naman ang babae. Tumayo ito at mabilis na isinukbit sa balikat ang bag
nito.
“Hi, Scotch! Sorry, nag-uusap lang naman kami ni Wine,” sabi ni Cendy—ang babaeng
pinaka-unang costumer nila magmula nang magbukas ang bar.
Inirapan naman siya nito. Lumabas na ito at pabalya pang isinara ang pinto.
Tinitigan niya si Wine na pangisi-ngisi habang nakadapa sa kama. May dinudukot ito
sa loob ng pantalon nito. Nag-abala pa siyang silipin kung ano ang
pinagkakaabalahan nito.
“Hangal! May kumagat na langgan,” anito. Saka lamang ito umupo at ipinakita pa sa
kanya ang langgam na nakuha nito.
“Isa ka pa. Pareho lang kayo ni Gin na walang ginawa kundi sitahin ako. Baka
nakalimutan n’yo na mas matanda ako sa inyo. At huwag kayong magpaka-inosente dahil
kung tutuusin ay mas masahol pa kayo sa akin,” ani Wine. Pumalatak na ito.
“Easy. Hindi naman ako nagmamalinis, eh. Sabi mo nga ikaw ang nakakatanda sa amin.
So meaning, sa iyo kami nagmana,” aniya.
Bigla na lamang siya nitong ginapos buhat sa likuran saka siya binuhat at ibinagsak
sa kama. Tinakpan nito ng unan ang mukha niya.
“Fuck you, Wine!” sigaw niya habang lubog ang tinig sa ilalim ng unan.
Sinipa niya ito at hindi niya sinasadya na matamaan ang KUWAN nito. “Shit! Aaaaah!”
sigaw nito.
“How dare you! Ang sabi mo nasa office ka tapos nandito ka lang palang hudas ka!”
Pumalatak na ang babae.
“Shut up!”
Nang makatiyempo siya ay sumibat na siya bitbit ang gamit niya. Nagmadali siyang
bumaba at nag-log out sa counter.
“Bakit?”
“May kailangan akong tapusin bukas sa office. Pakisabi nalang kay Whiskey,” aniya.
Hindi na umimik si Gin. Kapagkuwa’y lumabas na siya ng bar. Gusto nang humimlay ng
katawan niya sa kama.
=================
Chapter Two
DUMILAT ng mga mata si Khalee nang maulinigan niya ang walang puknat na pagkahol ni
Harry. Bumalikwas siya ng bangon at sumilip sa bintana na nakatapat sa gate. May
nakita siyang bata na pilit ipinapasok ang kamay sa rehas na bakal ng kural—upang
mapitas nito ang bulaklak ng rosas na tanim niya.
Tuwing umaga nalang ay may nakikita siyang bata na namimitas ng mga halaman niya.
Pinapabayaan lamang niya ang mga ito kesa dumagdag pa ang mga ito sa iisipin niya.
Habang abala siya sa pagsasabon ng katawan ay hindi niya inaasahan na biglang may
imahe ng lalaki na rumehistro sa isip niya. Kahit anong iwas niya’y sadyang
dumadapo sa isip niya ang imaheng iyon ng lalaki na minsan lamang niya nakita.
Kahit lasing siya kagabi ay hindi niya nakalimutan ang pangalan at pagmumukha ng
guwapong Bartender. First time niyang uminom sa Gentlemen’s Bar. Sinubukan lamang
niyang dumayo roon upang matiyak kung talaga bang masarap mag-unwind roon.
Narinig kasi niya minsan sa boarders niya na maganda raw ang place para mag-unwind
dahil sa magandang serbisyo ng naturang bar. Hindi niya akalain na sandali siyang
makakalimot sa mga pasakit na nararanasan niya nang makita niya ang guwapong anghel
dela guwardiya kung maituturing niya.
Hindi na naalis sa balintataw niya ang guwapong imahe ni Scotch. Kakaiba ang taglay
na sex appeal ng lalaki. Hindi lamang sa hilatsa ng mukha niyon nakikita ang
kagandahan. Napaka-sexy ng lalaki, mainit sa mata ang kabuoan niyon.
Si Scotch ang tipo ng lalaki na mainit sa mata ng mga babae. Pakiwari niya’y kawawa
ang asawa o kasintahan niyon sapagkat marami itong makakarebal.
Pagkakakilala rin niya sa unang sulyap kay Scotch ay hindi rin iyon
mapagkakatiwalaan. Kakagat at kakagat iyon sa mga babaeng umaakit dito.
Pagkatapos niyang maligo ay nag-asikaso na siya. Nang damputin niya ang cellphone
niya ay napansin kaagad niya ang apat na missed call. Nagtatagis ang mga bagang
niya nang malamang mula nanaman iyon kay Anton.
Itinaboy na nga niya ang lapastangang lalaki ay nagagawa pa rin nitong magmalinis.
Pakiramdam niya’y tumigas na ang puso niya paris sa isang buhay na bato.
“Ang kapal ng mukha niya, may gana pang magparamdam!” nanggagalaiting wika niya.
Abot lalamunan pa rin ang galit ni Khalee sa dating live-in partner na si Anton.
Isang buwan na ang nakakalipas nang mabatid niya na may nabuntis na babae ang
walang hiya. Ibinigay niya ang lahat, tinalikuran niya ang pamilya niya para lang
makasama ito.
Mahal niya si Anton. Inalagaan niya ang relasyon nila na umabot ng dalawang taon.
Hindi niya alam kung paanong nagawa pa siya nitong pagtaksilan. Ang alam niya’y
hindi siya nagkulang.
Habang pinagmamasdan niya ang mga larawan nila ng lalaki ay lalo lamang sumusikip
ang dibdib niya. Mayamaya’y nakumbinsi siya na burahin na lahat ng alaala ni Anton.
Inipon niya lahat ng larawan at mga kagamitan na ipinundar ni Anton para sa kanya.
Sa likod ng bahay niya ay inipon niya ang mga iyon at sinunog. Gusto na niyang
kalimutan ang lahat. Alam niyang hindi madali pero naniniwala siyang darating ang
araw na makakapag-move on din siya.
Habang lumiliyab ang apoy sa harapan niya ay wala namang awat sa pagpatak ang
kanyang mga luha. Gusto niyang umiyak nang sa gayon ay maibsan ang sakit na
nadarama niya.
Mamaya’y naramdaman niya si Harry na kinakalabit ang paa niya gamit ang nguso nito.
Nagtiungko siya sa harapan ng aso at hinipo ang ulo nito.
Tumahol ang aso ng dalawang beses. Kumiwal-kiwal ang buntot nito at kinakagat-kagat
ang laylayan ng blouse niya.
Pinaghain niya ito ng dog food na agad naman nitong nilantakan. Napansin niya na
wala nang stock na pagkain si Harry. Nang tingnan niya ang laman ng ref ay wala
nang karne at kakaunti nalang ang gulay. Nagdesisyon siyang mamalengke.
Bago siya tutuloy sa palengke ay hinagilap muna niya sa apartment si Manong Anding.
Hindi pa kasi niya ito nakakausap dalawang araw na.
Pagpasok niya sa apartment ay nagulat siya nang mamataan niya si Anton na kausap ng
katiwala niyang si Manong Anding. Nang makita siya ng lalaki ay agad siya nitong
nilapitan.
“For give me, Khalee. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari sa amin ni Sandy,”
anito.
“Kumita na ang dahilan mo’ng iyan, Anton. May pinag-aralan ako at huwag mong isipin
na mauuto mo ako. Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan. Ginusto mo man o hindi,
niloko mo pa rin ako. Kung gaano katagal ang relasyon natin, ganoon mo rin ako
katagal niloloko. Pakasalan mo nalang si Sandy, Anton,” mahinahon nang sumbat niya.
Sa inis niya’y muli niya itong sinampal. “How dare you! Wala kang karapatang
sabihin na mahal mo ako! Hindi lang si Sandy ang babaeng itinatago mo sa akin,
Anton. Ilang beses kitang pinamanmanan sa in-hire kong PI at nabatid ko’ng hindi
lang ako, hindi lang si Sandy, hindi lang si number three. Aywan ko kung sino pa
ang mga tangang babae mo! Kaya huwag mong sabihin na minahal mo ako, Anton.”
“Hindi ako nagtatanim ng galit sa kapwa ko, Anton—pero tinuruan mo ako kung paano
maghinanakit sa kapwa. Inabuso mo ang kabaitan ko. Patatawarin kita pero huwag ka
nang magpapakita sa akin, utang na loob, Anton!” asik niya.
“Magbabago, ako, Khalee. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal
kita, please...Khalee...” humihikbing samo nito.
“Huwag na, Anton. It’s too much. Pinatay mo ang puso ko.” Nangilid na rin ang mga
luha niya.
“Hindi ako nagkulang sa iyo. Sinuway ko ang mga magulang ko, tinalikuran ko ang
marangya kong buhay para lang makasama ka! Pero anong ginawa mo? Sinayang mo lang
ang tiwala at pagmamahal ko sa iyo! Kaya ba ayaw mo pa akong pakasalan dahil ayaw
mong magpatali? Dahil hindi mo magagawa ang gusto mo? Nakakasuklam ka, Anton. Ang
pagmamahal ko sa iyo? Wala na. Hinanakit at pagkamuhi ang naghahari sa puso ko
ngayon!” puno ng hinanakit na pahayag niya.
Lalo lamang simiklab ang galit niya. “Hangal ka, Anton! Babae rin ako at alam ko
kung ano ang nararamdaman ni Sandy. Kailangan ka niya, kailangan ka ng magiging
anak ninyo. Siguro kung nabuntis rin ako ay maghahabol ako, pero salamat nalang at
hindi. Kahit papano ay gumana parin ang utak ko,” aniya.
“Patawarin mo’ko, Khalee.” Lumuhod pa ito sa harapan niya at yumakap sa binti niya.
“Kung gusto mo talagang mapatawad kita, pakasalan mo si Sandy. Ayusin mo ang buhay
mo, Anton at huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan!” Iyon lang at iniwan
na niya ito.
Hinabol pa siya nito pero pumara na siya ng taxi saka dagling sumakay. Naroroon
parin ang kirot sa puso niya ngunit hindi na iyon ganoon kasidhi. Hinayaan niyang
dumaloy ang mga luha niya. Bumaba siya sa public market at namalengke sa halip na
sa supermarket mamili.
Katatapos lamang ng ulan kaya madulas ang daan. Pagkatapos niyang mamili ng prutas
at gulay ay napadpad naman siya sa pamilihin ng mga damit. May natipuhan siyang
blouse kaya binili niya.
Natalamsikan siya ng tubig at ngayo’y basang-basa ang damit niya. Mabilis na
uminit ang bunbunan niya. May kasama pang putik ang tubig ulan.
Malalaki ang hakbang niya na tinungo ang bastos na mama. Hindi pa nakakababa ang
lalaking nakasuot ng itim na jacket, itim na pantalong maong at may helmet sa ulo.
Inilapag niya ang pinamili niya sa papag ng nagtitinda ng kamatis.
Nang makababa ang lalaki ay agad niya itong sinunggaban. “Hoy, mayabang! Akala mo
hari ka ng kalsada?!” aniya. Pumalatak na siya. Nangingibabaw ang boses niya sa
palengke.
“Ano? Wala ka manlang ba sasabihin, ha? Kayong mga naka-motor, kung magpapatakbo
kayo akala n’yo nauubusan kayo ng kalsada, e, ‘no? Binasa mo ako para sa kaalaman
mo, mister!” asik niya.
Hindi parin umiimik ang lalaki. Lalo lamang siyang nagngingitngit sa galit. Sa inis
niya’y dumampot siya ng dalawang hinog na kamatis na paninda ng babae at pinisa
iyon sa dibdib ng lalaki.
“O ayan, amanos na tayo. Pakibayaran nalang ang kamatis,” sabi niya rito.
Nang tinangka niya itong talikuran ay natigilan siya nang maramdaman ang kamay nito
na humawak sa braso niya. Hinarap niya itong muli. Kapagkuwa’y inalis ng lalaki ang
suot nitong helmet.
Awtomatiko’y tumitig siya sa mukha nito. Nanlaki ang mga mata niya nang masilayan
ang mukha nito. Napalunok siya ng dalawang beses nang makita sa harapan niya ang
guwapong Bartender na si Scotch.
Nagtatayuan ang mga balahibo niya; uminit ang mukha niya na tila biglang kumapal.
Ang init na nagmumula sa palad nito ay mabilis na dumalantay sa mga ugat niya.
Nanginginig ang mga kalamnan niya.
Marahas na binawi niya ang braso na hawak nito. “In devil sake, nagkita tayo,”
aniya.
“First of all, I don’t need to say sorry. Ginawa mong sarciado ang damit ko. Baka
gusto mo rin lagyan ng itlog para kompleto rekado. Gawin mo na ring isang kilo ang
kamatis para walang butal. Isang libo ang pera ko baka walang barya ang tendera,”
sarkastikong saad nito.
Uminit lalo ang mukha niya. Napatingin siya sa tendera ng kamatis. Nakangiti ito.
Kapagkuwa’y binalingan niya ng tingin ang lalaki.
“Okay, sabi mo eh,” anito. Walang anu-ano’y dumampot ito ng isang hinog na kamatis
at pinisa iyon sa kamay nito.
Humarap itong muli sa kanya at bigla na lamang inihaplos sa pisngi niya ang palad
nitong may sarsa ng kamatis. Natigilan siya. Mabilis na umusok ang bunbunan niya.
“How dare you!” asik niya at tinangka niyang sasampalin ito ngunit mabilis na
ginagap nito ang kamay niya.
Kumilos naman ang kaliwang kamay niya upang iyon ang ipangsasampal sa lalaki
subalit nahuli din nito iyon. Hindi siya nakapalag, hindi rin siya makaimik.
“Sorry. Kahit pala hindi ka lasing ay galit ka parin sa mundo, Miss. Khalee, ah,
no, no. Hindi ko pala puwedeng banggitin ang pangalan mo in public,” simpatikong
wika nito.
Lalo lamang uminit ang ulo niya. Nagpumiglas siya ngunit malakas ito. “Bitawan mo
nga ako!” asik niya.
“Kapag binitawan kita, baka maubos ang kamatis ni Ate. Hindi rin ako papayag na
sampalin mo ako,” anito.
Binitawan naman nito ang mga kamay niya. Nang makalaya ang mga kamay niya ay
dumampot siya ng isang kamatis at pinisa iyon sa kamay niya saka mabilis na
isinampal sa pisngi ng lalaki.
Nagsalubong ang maninipis niyang kilay. “Ang kapal ng mukha,” nakapamaywang na sabi
niya.
“Ikaw ang nagsimulang dumampot ng kamatis. Dinungisan mo na nga ang damit ko,
sinaktan mo pa ako. Hindi mo ba alam na may multa ang pagsampal sa isang tao?”
sumbat pa nito.
“I don’t care.”
“Okay, babayaran ko ang mga kamatis pero linisin mo ang mukha ko,” simpatikong utos
nito.
Bahagya siyang natawa. “Okay ka rin ah. Inunahan mo ako kaya manigas ka,” mataray
na sabi niya saka niya dinampot ang mga pinamili niya.
Hindi pa siya nakakaalis ay sumabit nanaman ang braso niya sa kamay ni Scotch.
Napilitan siyang harapin itong muli.
“Baka nakalimutan mo, hindi mo pa binayaran ang in-order mong inumin kagabi sa
bar,” anito.
Natigilan siya. “Huwag kang mag-alala, babayaran ko mamaya,” kapagkuwa’y sabi niya.
Binawi niya ang braso buhat sa pagkakahawak nito. Para matapos na ang gulo ay
dumukot siya ng biyente pesos sa wallet niya at iniabot iyon sa babaeng nagtitinda
ng kamatis.
Nang binalingan niya ng tingin si Scotch ay nakangiti na ito. Sa inis niya’y pinalo
niya ng pouch type niyang wallet ang dibdib nito.
Kapagkuwa’y tinalikuran na niya ito. Maraming barya ang wallet niya kaya nasisiguro
niya na nasaktan niya ang lalaki. Pumara na siya ng taxi at sumakay. Kumaway pa nga
sa kanya ang simpatikong lalaki.
HINDI na naalis ang ngiti ni Scotch habang sinusundan ng tingin ang taxi na
sinakyan ni Khalee. Nang mawala na ito sa paningin niya ay pumasok na siya sa
pamilihan ng karne kung saan ang puwesto ng nanay niya.
Maraming bumibili sa nanay niya kaya tinulungan muna niya ito matapos niyang
makapagmano. Naroroon ang mga suki ng nanay niya. Napatingin sa mukha niya si Aleng
Pacita.
“Oh, anak, anong nangyari sa mukha mo? Napaaway ka ba?” nag-aalalang tanong ng
nanay niya.
“Hindi, ‘Nay. Nadapa lang po ako sa kamatisan ni Tanya,” nakangiting tugon niya.
Binigyan naman siya nito ng malinis na bimpo. “Punasan mo nga ang mukha mo. Hindi
ko makita ang kaguwapuhan mo,” anang nanay niya.
Nakatingin sa kanya ang lahat na suki ng nanay niya na bumibili ng karne. Siya
naman ang tagahiwa ng karne na pinapahiwa ng mga mamimili.
“Aba, Pacita. Siya na ba ang anak ni Carla?” tanong ng isang ale sa nanay niya.
Hindi kaagad nakaimik si Pacita. “Naku, hindi ko naman pinahihimasukan ang mga
desisyon ng anak ko,” pagkuwa’y sabi lamang ni Pacita.
“Sayang naman. Magandang lalaki ang anak mo, tiyak na sisikat siya. At malay mo,
ika-yaman pa ninyo,” giit naman ng ale.
“Naku, Choneng, hindi naman ako naghahangad ng yaman. Maligaya na kami sa buhay
meron kami. Hindi naman kami naghihirap at kahit papano’y napag-aral ko ang mga
anak ko at nakapagtapos,” buwelta naman ni Pacita.
“Kung sa bagay,” sabi lamang ni Choneng. Umalis na ito matapos mabayaran ang binili
nitong karne.
Noong mura pa ang edad niya ay madalas siyang tinutukso ng mga kalaro niya’t mga
kaklase na ampon daw siya. Anak raw siya ng isang G.R.O na inanakan ng banyagang
sundalo.
Noon ay nasasaktan siya sa tuwing tinutukso siya, pero ngayong malaki na siya ay
hindi na niya pinapansin ang mga panunukso sa kanya. Wala na rin namang nang-aasar
sa kanya.
Limang taon siya noong mamatay ang tunay niyang ina. Ang tatay naman niya na isang
sundalong American-Mexican ay hindi niya nakita. Dahil ipinagbubuntis pa lamang
siya ng nanay niya ay umalis na ng bansa ang tatay niya at hindi na bumalik pa.
Matalik na kaibigan ni Pacita ang nanay niya. Kaya nang mamatay ang nanay niya ay
inampon na rin siya ni Pacita at ito na ang itinuturing niyang ina. Kahit papano’y
minahal siya ng kinalak’han niyang pamilya.
Nang wala nang bumibili ay umupo na siya sa silya katapat ng bilog na mesa. Inihain
na rin ng nanay niya ang pagkain niya. Umupo na rin ito sa katapat niyang silya.
“Si Tatay, ‘Nay?” kapagkuwa’y tanong niya habang nagsasalin ng kanin sa plato niya.
“Nasa Bulacan at may project silang ginagawa roon. Ang kaibigan mong Engineer ang
kasama niya,” anito.
“Sino po? Si Martin?”
“Hindi. Si Hanzen.”
“Ang sabi niya ay dalawang linggo raw sila roon. Akala ko ba’y galing ka sa opisina
ng ninong mo, Anak?” kapagkuwa’y usisa ng nanay niya.
“Nanggaling nga po ako roon bago dumiretso dito. Napag-usapan lang naman namin ang
tungkol sa branch na mag-o-operate sa Davao nitong susunod na linggo,” aniya.
“Opo. Nakausap na po ni ninong ang kasama niya dati sa Supreme Court na si Atty.
Ocampo. Okay na raw po ang mga requirements. Katunayan nga po ay isasama ako ni
Ninong kapag pumunta siya roon sa Davao,” batid niya.
“Opo, pero dalawang araw lang po ako roon. Para lang po sa grand opining ng
Branch,” aniya.
“Hindi, ‘Nay. Regular na po ako sa NBI at ayaw ko pong malayo sa inyo.” Hinawakan
niya ang kamay ng ginang.
“Kawawa naman ang binata ko,” natatawang wika ng ginang. Nag-abala pa itong pahiran
ng malinis na bimpo ang pisngi niya.
Napapangiti siya habang inaalala ang mga kaganapan sa pagitan nila ni Khalee
kanina. Kakaibang galak ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
=================
Chapter Three
“Hindi.”
“Hindi rin.”
“Dumating si Lynna at nandito siya kanina pa,” ani Rum. Si Lynna ang kasintahan ni
Rum na matagal nawala sa ere.
Uminom lang ng tubig si Rum. “May naghahanap pala sa iyo kagabi. Khalee ang
pangalan. Pang ilan iyon sa listahan mo, dude?” nakangising saad ni Rum.
Bahagya siyang natawa. “Loko. May atraso sa akin ang babaeng iyon. Nagbayad na ba?”
kapagkuwa’y tanong niya.
“Oo. Nang malasing ay panay ang tanong sa akin kung nasaan ka at bakit hindi ka raw
nag-duty,” batid ni Rum.
Aywan niya bakit ganoon na lamang ang galak na nadarama niya. Mayamaya pa’y lumabas
na ng counter si Rum.
Wala pang isang minuto ay bumalik na si Kayt. Napansin niya ang hindi maipintang
mukha nito. Pakiwari niya’y umiiyak ito.
“Scotch, pakibigay nalang kay Rum,” anito sabay abot sa kanya ng paper bag na may
lamang pagkain.
Tinanggap naman niya iyon. “Bakit, hindi mo ba siya nakita?” kapagkuwa’y tanong
niya.
“Hindi eh. May lakad pa kasi ako,” anito sabay bira ng talikod.
Nagkibit-balikat na lamang siya. Ipinatong niya sa mesa ang paper bag na ibinigay
ni Kayt.
Nahulaan kaagad niya kung ano ang laman niyon. Cake iyon na may sangkap na alak.
Inilabas niya iyon mula sa paper bag. Nakasilid pa sa presentableng kahon ang cake.
Napapangiti siya. “Kumakain na pala ngayon ng matatamis si Rum. Pambihira,” aniya
habang inaamoy ang cake.
Nahulaan niya kung anong alak ang ginamit roon. “Rum sa fruit cake?” nakangising
wika niya.
Makalipas ang ilang sandali ay lumapit si Rum. Umupo ito sa tapat ng counter at
panay ang linga sa pinto. Mamaya’y nilapitan niya ito.
“Actually, kanina pa siya nandito. Hinahanap ka nga pero umalis din siya kaagad.
Iniwan lang niya ang order mo raw,” aniya at ibinigay rito ang nakasilid sa kahon
na fruit cake.
Kinuha ni Rum ang fruit cake pero mayamaya rin ay ibinalik nito iyon sa kanya.
Kapagkuwa’y nagmadali itong umalis.
Inilagay na lamang niya sa chiller ang fruit cake. Mayamaya pa’y may dumating na
babae. Nakilala kaagad niya ito dahil madalas din itong naroroon sa bar at nag-
oorder ng pinaka-mura nilang inumin. Madalas din niya itong nakakakuwentuhan.
“Kamusta ka, Sav?” tanong niya sa magandang binibini nang mai-abot niya rito ang
inumin nito.
“Nag-iisa ka ata,” aniya. Madalas kasi ay nakikita niya ito kasama ang mga kaibigan
nito.
Naudlot ang pag-uusap nila nang mapansin niya si Khalee. Lumapit ito sa counter at
umupo sa tabi ni Sav. Pakiwari niya’y lasing na ito.
Titig na titig siya kay Khalee na tila hindi nagsuklay ng buhok. Namumungay ang mga
mata nito at namumula ang mukha.
“Bigyan mo ako ng brandy, huwag mo nang haluan,” mamaya’y utos nito sa kanya.
Tumalima naman siya. Inihanda na niya ang inumin na order nito. Mamaya’y napatingin
siya kay Khalee na kinakausap ang tahimik na si Sav.
Napatingin siya kay Sav nang tumingin ito sa kanya na may pagkamangha. Napapangiti
na lamang siya. Nabigla rin siya sa sinabi ni Khalee. Aywan niya bakit ikinangiti
iyon ng puso niya.
Kapagkuwa’y ibinigay na niya kay Khalee ang inumin nito. Pagkatanggap nito sa order
nito ay agad itong umalis at lumipat sa bakanteng mesa. Natatanaw lamang niya ito
buhat sa counter.
Napabungisngis siya habang panay ang sipat sa babae. Napatingin naman sa kanya si
Sav.
“Ibig sabihin gabi-gabi rin siyang lasing?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Sav.
Napapailing si Sav. Panay rin ang sipat nito sa babae. “Parang ang laki ng galit
niya sa mundo,” anito.
“Mukha nga,” sabi lamang niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na naalis ang tingin
niya kay Khalee.
Naiisip niya ang sitwasyon ng dalaga. Hindi niya alam kung naaawa ba siya o kung
ano. May kung anong kumukurot sa puso niya habang pinagmamasdan ang dalaga na halos
isubsob na ang mukha sa ibabaw ng mesa buhat sa kalasingan.
“Hmm, I smell something fishy,” sabi ni Sav. Pilya ang ngiti nito.
Ngumiti lamang siya. Nang maubos ni Sav ang inumin ay nagbayad na ito saka
nagpaalam sa kanya.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating na si Cognac para palitan siya. Nag-asikaso
na rin siya. Nang sipatin niya si Khalee sa mesa nito ay nakahimlay na ang ulo nito
sa ibabaw ng mesa.
Nagulat siya nang kalabitin siya ni Cognac. “Costumer mo ‘yan kaya ikaw ang
maghatid,” sabi sa kanya ni Cognac. Tinutukoy nito si Khalee.
“Women’s choice ka, dude, pumapangalawa kay Gin,” ani Cognac sabay tapik sa balikat
niya.
“Kung husgahan ninyo ako parang ang sugapa ko sa babae, ah,” natatawang sabi niya.
“Huwag ka nang komuntra. Kagabi si Rum ang naghatid sa babaeng iyan pero ang totoo,
ikaw ang gusto niyang maghatid sa kanya,” ani Cognac.
Nagising naman ito at dagling tumayo. Kamuntik pa itong mawalan ng balanse. Mabuti
na lamang at mabilis ang kamay niya sa pag-alalay sa likod nito.
Nagtiuna naman itong lumakad habang nakasunod siya sa likuran nito. Inaalalayan
niya ito dahil parang matutumba ito. Pagdating nila sa garahe ay huminto ito sa
tabi ng motor siklo niya.
“Wala akong kotse. Ang ginamit ko noon sa paghatid sa iyo ay kotse ng kaibigan ko,
kaso wala siya,” aniya.
“O, e ano ang sasakyan natin? Maglalakad tayo?” demanding na tanong nanaman nito.
“Huh, magde-demand ka pa ng kotse, a. Motor siklo ang sasakyan ko. Ayan sa tabi
mo,” aniya at itinuro ang Kawasaki rider niyang motor siklo.
Tinitigan naman nito ang motor siklo. “In my eternal life, hindi pa ako nakakasakay
sa motor siklo. Maglalakad nalang ako,” angal nito.
“Ayaw,” anito.
“Ayaw mo ‘di huwag. Maglakad ka, pero huwag mo akong sisihin kung anuman ang
magyari sa iyo. Puwede ka ring mag-taxi. Gusto mo ipag-para pa kita ng taxi?”
aniya.
Sumakay na siya sa motor siklo niya at pinaandar iyon. Nakatingin lamang sa kanya
si Khalee.
Hindi ito umimik basta’t umangkas lamang ito sa likuran niya. Mabuti na lamang at
nakapantalon ito ng maong. Upong lalaki ang ginawa nito.
Aalis na sana sila pero natigilan siya nang maramdaman na hindi ito nakahawak sa
kanya.
“Natural sa akin. Para maramdaman ko kung mahuhulog ka na,” naiinis na tugon niya.
Nagtagis ang mga bagang niya. “Bahala ka kung saan mo ako gustong hawakan basta
natitiyak mong hindi ka mahuhulog,” aniya.
“Ang dami mo namang arte. O ayan,” anito at bigla na lamang namulupot ang mga braso
nito sa baywang niya.
Natigilan siya nang maramdaman ang init ng mga kamay nito sa baywang niya.
Napalunok siya nang madama sa likod niya ang malalambot at malulusog nitong
dibdib.
Pakiramdam niya’y inaapuyan ang buong katawan niya. Hindi siya makakilos ng maayos
buhat sa mahigpit na pagkakayakap ng dalaga sa baywang niya.
Dahan-dahan niyang pinausad ang motor siklo. Nang nasa kalsada na sila ay unti-unti
niyang binibilisan ang pagpapatakbo. Nang biglang huminto ang kotseng nasa unahan
nila ay bigla rin niyang inihinto ang motor siklo.
Lalo pang dumikit sa likod niya si Khalee. Ang mga kamay nito na kanina ay nasa
baywang niya—ngayon ay nasa puno na ng mga hita niya. Ang init na nagdadarang sa
katawan niya ay malapit nang umabot sa sukdulan ng pagnanasa.
Shit! Bakit ba ang hirap mong kontroling puso ka? Ilugar mo ang sarili mo, James.
Hindi ka abusado, at lalong hindi ka manyakis, bulong niya sa sarili.
Nang muling umusad ang sinusundan nilang kotse ay pinausad na rin niya ang
sinasakyan nilang motor siklo. Lalo pang napapahigpit ang pagkakakapit ni Khalee sa
puno ng mga hita niya. Mayamaya’y itinaas nito ang kaliwang kamay sa baywang niya
at umakyat pa nga sa dibdib niya.
Napakislot siya nang masapo ng kamay nito ang tuktok ng dibdib niya. Nababastusan
na siya sa kilos ng kamay ng babae. Alam niyang hindi nito sinsadya dahil lasing
ito, pero hindi niya maiwasang mag-reak.
Humahagod ang kamay ni Khalee sa dibdib niya, paanong hindi magwawala ang
pagkalalaki niya? Pakiramdam niya’y mawawalan siya ng kontrol sa pagmamaneho.
Nang makarating sila sa bahay ni Khalee ay saka pa lamang humupa ang nakakahibang
na sensasyong umalipin sa kanya kanina. Inalalayan pa niyang makababa ang dalaga.
Inagaw na niya ang susi ng gate sa kamay nito para mapadali. Pakiramdam niya’y
hindi na siya makakatagal na kasama ito.
Nang mabuksan ang gate ay pumasok na sila. Ayaw na sana niyang pumasok sa bahay
nito pero hindi ito pumapasok sa kabahayan at hinihintay siyang makapasok. Pumasok
na lamang siya.
Ipinaglandas nito ang kamay sa braso niya paakyat sa balikat niya. Mamaya’y ibinaba
nito ang zipper ng jacket niya.
“Aalis na ako.”
“Sige na, James. Gusto kitang halikan, pero kung hahalikan kita sa labi, pang-ilang
babae na ako na nakatikim ng labi mo pagkuwan?” nahihibang na saad nito.
Tinitigan niya ang mukha nito na nakatungo sa kanya. Bahagyang nakaawang ang labi
nito na tila nag-aabang na matukso siyang halikan ito. Pero hindi siya abusado.
Lasing ito at may dahilan kung bakit ito naglalasing. Naghahanap ito ng panakip sa
sakit na nararamdaman nito.
“Puwede bang ikaw nalang ang gumawa para sa akin? Halikan mo ako, James,” hiling
nito.
Nagtagis ang mga bagang niya. “I’m sorry. I really have to go,” aniya at sapilitan
nang lumayo rito.
Nang malapit na siya sa pinto ay saka naman siya nito muling tinawag. Nag-abala
naman siyang harapin ito.
Kung kailan nakasakay na sa motor siklo niya si Scotch ay saka lamang niya napansin
na wala ang susi sa bulsa ng jacket niya. Baka ika niya’y nalaglag kaya naman
naghagilap siya sa pinagdaanan niya.
Ang alam niya’y naibulsa niya iyon sa jacket niya kanina bago sila pumasok ni
Khalee sa bahay nito. Sinuyod niya sa daraanan papunta sa main door ng bahay pero
wala siyang nakitang susi.
Naalala niya nang ipaglakbay ni Khalee ang mga kamay nito sa suot niyang jacket.
Pinagbintangan pa niya ang dalaga na pumuslit sa susi niya.
Pero hindi siya makakauwi kung mag-aabang nalang siya sa labas. Nakumbinsi siyang
pindutin ang door bell. Apat na beses siyang nagpipindot sa button bago nag-abala
ang dalaga na pagbuksan siya.
Mabilis na naibaling niya ang tingin sa loob ng bahay. Uminit ang mukha niya
lalung-lalo na ang buong katawan niya.
Parang ayaw na niyang kunin ang susi niya. Bagamat sanay na siyang nakakakita ng
hubad na babae pero iba ang naidudulot ni Khalee sa pagkatao niya.
“Bakit bumalik ka?” tanong nito sa kanya. Papikit-pikit na ang mga mata nito.
“N-naiwan ko ang susi ko,” aniya. Hindi siya makatingin sa mukha nito.
“Oo.”
“Sige, hanapin mo. Pakibilisan lang dahil inaantok na ako,” anito. Kapagkuwa’y
binigyang-daan siya nito.
Dagli siyang pumasok at hinagilap ang susi pero kahit baliktarin niya ang mga
kagamitan ay wala siyang makitang susi. Nababanas na siya. Ramdam niya ang
presensiya ni Khalee na nakatayo sa bukana ng pinto.
Pakiwari talaga niya ay itinago ni Khalee ang susi. Malapit nang maubos ang
pasensiya niya. Nang tuluyan siyang mainis ay hinarap niya ang dalaga pero
iniiwasan niyang mapatingin sa dibdib nito.
Humakbang ito palapit sa kanya. Nariyan nanaman ang pakiramdam niya na tila
gugupuin siya ng pagnanasa.
Napalunok siya nang ipulupot nito ang mga kamay sa leeg niya. Naglapat ang mga
dibdib nila.
“Gusto mo talagang makuha ang susi mo? Kapain mo sa katawan ko?” nahihibang na sabi
nito.
Konti nalang ay sasabog na ang pasensiya niya. “Khalee, hindi ako nakipagbiruan sa
lasing,” tiim-bagang na sabi niya.
“Oh, came on. Huwag kang umasta na parang inosente ka, James. Ano kung lasing ako?
Alam ko naman ang ginagawa ko,” anito.
“Oohs, hindi ba dapat pabor ka? Ganito naman ang gusto ninyong mga lalaki eh, ‘di
ba? Ang babaeng madaling makuha.”
Ngumiti siya—ngiting aso. “Hindi lahat, Khalee. Inaamin ko, bisyo ko ang babae,
pero hindi ako ang tipo na susunggab kaagad kapag may nakahain. Gusto ko may
challenge, tipong pinaghihirapan ko. Hindi ko ipagkakaila na may karanasan ako, at
dahil lang sa curiousity at influence ng alak,” seryosong pahayag niya.
Inalis naman nito ang mga kamay sa leeg niya. “Well, mukha nga namang matino ka ng
kaunti sa mga abusadong lalaki. Kahit siguro maghubad ako sa harapan mo ay hindi mo
ako papatusin,” anito at tinalikuran siya.
“Ah, sorry. Nasa kuwarto ko kasi, kukunin ko muna, ha?” sabi nito. Nakuha pa nitong
ngumiti.
Nangangapa ang paa nito sa hahakbangan nito. Napakamot siya ng ulo nang mapansing
sobrang bagal nitong humakbang. Nang muli niya itong sipatin ay saktong kumapos ang
paghakbang nito sa ikatlong baitang ng hagdan. Nawalan ito ng panimbang.
Dagling nilapitan niya ito at sinalo ito buhat sa likuran. Tumulos ang mga kamay
niya sa ilalim ng mga balikat nito at namulupot ang mga braso niya sa dibdib nito.
Damang-dama niya sa kanyang mga kamay ang malulusog at malalambot nitong dibdib.
Nagtagis ang mga bagang niya nang minsang madama niya ang pagwawala ng pagkalalaki
niya. Sa inis niya’y binuhat na niya si Khalee at ipinasok sa silid tulugan nito.
Itinapon niya ito sa ibabaw ng kama nito.
“Damn you!” singhal nito at tinangka pang bumangon pero ikinulong niya ito sa mga
braso niya.
Itinukod niya ang mga kamay sa kama at kunwari ay kukubkuban niya ito. Animo’y
nahimasmasan ito. Nababakas sa mukha nito ang takot.
“Ngayon, sabihin mo sa akin kung nasaan ang susi ko?” galit nang utos niya.
Sinipat niya ang paligid pero wala naman siyang nakitang pantalon nito. “Nasaan?”
mahinahon nang tanong niya.
“N-nasa banyo.”
Sandaling tinitigan niya ang mga mata nito. Kapagkuwa’y umahon na siya at pumasok
sa banyo. Nakuha niya ang susi sa pantalon nito na nakasabit sa likod ng pinto.
Paglabas niya ng banyo ay nakaupo na sa kama ang dalaga. Sinuyod niya ng tingin ang
kabuoan nito. Tila ngayon pa ito nakadama ng hiya nang mawala marahil ang epekto ng
alak sa utak nito.
=================
Chapter Four
ISANG linggo na ang nakakalipas magbuhat nang makausap ni Khalee si Anton. Hindi na
ito nagpapakita sa kanya, hindi na rin ito tumatawag sa kanya. Unti-unti na ring
nakakaahon ang puso niya buhat sa sakit na tinatamasa niya.
Ngunit ang paglalasing niya gabi-gabi ay tila naging bisyo na niya. Hindi na siya
nakakatulog tuwing gabi kapag hindi lunod sa alak ang utak niya. Nanghihina siya sa
tuwing hindi nakakainom ng inuming may alcohol.
Ang binabayad ng mga boarders niya sa anim na unit na apartment niya ay nauubos
lamang niya sa paglalasing, pagliliwaliw sa mamahaling hotel. Namimis niya ang
labis na lohong tinatamasa niya noong nasa poder pa siya ng mga magulang niya.
Ang lahat nang iyon ay mistulang bula na bigla na lamang naglaho sa kanya. At dahil
iyon sa sobrang pagkabulag niya sa pag-ibig niya kay Anton—na ang akala niya’y
nakahihigit na magmamahal sa kanya at magpapalaya sa kanya sa nakakasakal na
pagmamahal ng mga magulang niya.
Pinili niya ang buhay niya ngayon kaya pakiramdam niya’y wala na siyang karapatang
balikan ang pamilyang tinalikuran na niya. Halos isumpa niya ang mundo dahil lang
sa isang desisyon na nagpapahirap sa kalooban niya ngayon.
Nasira ang buhay niya, ang pangarap niya at nabaliwala ang pinag-aralan niya.
Nagtapos siya ng abogasya ngunit hindi na siya nakapag-bar exam dahil sa
nakakahibang na pag-ibig. Ayaw na rin niyang bumalik sa pamilya niya sapagkat alam
niya kung ano ang ugali ng Mama niya.
Hindi na rin siya umaasa na susuyuin siya ng mga magulang niya at pipiliting umuwi.
Dalawang taon na siyang naninirahan sa Maynila pero wala namang ni isa sa kaanak
niya ang naghanap sa kanya. Iniisip niya na marahil ay tinalikuran na rin siya ng
pamilya niya.
Ngayon lamang siya nakadama ng lungkot. Namimis niya ang dati niyang buhay.
Paggising niya sa umaga ay umiiyak siya. Bago siya matulog ay umiiyak siya.
Ngayong linggo lamang ng umaga siya hindi umiyak. Maganda ang gising niya. Nag-
jogging pa silang dalawa ni Harry paikot sa bakuran. Pagkatapos niyang mag-warm up
ay pinaliguan na niya si Harry. Naligo na rin siya.
Pumunta sila sa meat section at inisa-isa ang mga nakahilirang puwesto. Sa unang
pinagtanungan niya ay ubos na ang panindang karne ng baka. Sa ikalawa naman ay puro
buto-buto nalang. Gusto niya ay tenderloin para sa steak.
“May tenterloin pa po ba sa beef?” tanong niya. Kiming hinawakan niya ang makapal
na hiwa ng karne ng baka.
“Sandali lang po, tatawagin ko ang anak ko,” anito at pumasok ito sa maliit na
kuwarto na kurtina lamang ang pinto.
Mayamaya’y bumalik na ang ale. “Sandali lang ma’am, ilalabas na ng anak ko ang
karne at dito na niya hihiwain para makapili kayo,” wika ng ale.
Habang naghihintay ay panay naman ang sipat niya sa poultry section na katapat
lamang ng beef and pork section na pinagbibilihan niya. Napansin kasi niya na mga
sariwa din ang mga manok. Matagal na rin siyang hindi nakakakain ng fried chicken.
Kung kailan tutunguhin na niya ang bilihan ng karne ng manok ay saka naman
nagpumiglas si Harry at walang tigil sa pagkahol. Hindi naman ito galit dahil
kumikiwal-kiwal ang buntot nito.
Nang alamin niya kung sino ang tinatahol nito ay natigilan siya nang makita si
Scotch sa loob ng puwesto ng binibilihan niya ng karne ng baka.
Hubad-baro ito at tanging manipis at gula-gulanit nang apron ang nakatakip sa
matipunong dibdib nito. Tila huminto ang oras nang makita niya ang kakaibang
karesma ng lalaki habang nangingintab sa pawis ang mga namumutok na muscle nito.
Lalong uminit itong tingnan dahil sa pawisan nitong katawan.
Tinawag naman siya ng ale na katabi nito. “Mamili po kayo, ma’am kung aling parte
ang gusto ninyo,” sabi sa kanya ng ale.
Hindi siya nakaimik. Hindi siya nakatingin sa ale, hindi rin siya nakatingin sa
karne na hawak ni Scotch. Nakatitig lamang siya sa mukha ng lalaki. Hindi niya
maiwasang mapatingin sa dibdib nito na naaaninaw niya buhat sa manipis at gulanit
na apron na suot nito.
Perpekto ang pagkakahubog ng mga kalamnan nito sa balikat, sa dibdib at mga braso
nito. Naglalabasan ang malalaking ugat sa mga braso nito.
Saka lamang niya naibaling ang tingin sa karneng hawak nito. “Ah, k-kahit saan na
basta malambot,” nababalisang sabi niya.
Kumilos na si Scotch upang hiwain ang parte ng karne para sa kanya. Napapalunok
siya habang pinagmamasdan ang mabilis na paghiwa nito sa karne. Sobrang talim ng
itak na ginagamit nito.
Nang sipatin niya ito ay nakangiti na ito. Napatingin nanaman siya sa dibdib at
balikat nito. Naggagalawan ang mga muscle nito sa balikat, dibdib at mga braso.
Pakiramdam niya’y tuyot na tuyot ang lalamunan niya kung kaya’y panay ang lunok
niya.
Animo’y pinapaso siya sa tuwing titigan siya nito. Panay ang sipat nito sa kanya
habang naghihiwa ito ng karne. Abala na ang aleng kasama nito sa isa pang mamimili
kaya malaya rin si Scotch na makipagtitigan sa kanya.
Tila ayaw na niyang umalis sa pamilihang iyon. “Ahm, puwedeng paki-hiwa ang karne
na manipis? Para sa beef steak,” utos niya rito.
“Baka maisama ang darili mo riyan sa hinihiwa mo,” sarkastikang sabi niya rito.
Pilyo ang ngiting namutawi sa labi nito. “Okay lang, basta ang kapalit naman ay ang
puso mo,” simpatiko ring buwelta nito.
Aywan niya bakit bigla atang bumayo ng husto ang dibdib niya. Hindi niya napigil
ang sarili na mapangiti. Uminit ang mukha niya bagay na hindi niya naitago ang
pamumula ng pisngi niya.
Naibaling na lamang niya ang tingin sa karneng hinihiwa nito. Hindi na niya
namalayan ang paglipas ng oras. Kung maari ay huwag nang matapos ang sandaling
iyon.
Nang hindi na abala ang ale ay binalingan nito si Scotch. “Anak, baka maging
giniling na iyang hinihiwa mo riyan sa kakatitig mo sa magandang kostumer natin,”
natatawang sita ng ale kay Scotch.
Nang maibalot na ng ale sa plastic bag ang karne ay agad niya iyong binayaran.
Habang naghihintay ng sukli ay nilubos na niya ang pagkakataon na titigan si
Scotch.
Aba! Ang kolafu, naghubad pa nga ng apron habang nakaharap sa kanya. Ngali-ngali
niyang umiwas ng tingin pero para ano pa?—nahuli na siya nitong nakatitig sa
katawan nito. Gusto ata siya nitong maglaway sa nakakatakam nitong pangangatawan.
Pakiramdam niya’y may bumara sa lalamunan niya. Hindi na naalis ang tingin niya sa
lalaki na pakiramdam niya’y sinasadya na nito na pakitaan siya ng maskuladong
dibdib nito at mala-pandesal na mga abs nito na nagdikit-dikit at nahati sa anim na
bahagi.
Tila nadinig nito ang bulong ng isip niya. Nag-abala itong kunin ang sukli niya sa
nanay nito at ito mismo ang nag-abot sa kanya. Talagang ibinalandra nito ang
katawan sa mga mata niya.
Nangangalit ang dibdib niya sa ikinikilos nito. Lalo na nang kawakan nito ang kamay
niya kasabay sa pagbigay ng sukli niya.
“Mas maganda ka kapag hindi lasing. Sana parati kang ganyan baka araw-araw pa
kitang hahalikan,” anas nito na tiyak na silang dalawa lamang ang nakakarinig.
Nag-init ang mukha at bunbunan niya. “Mayabang...” labas sa ilong na sabi niya.
Pilit ang ngiting itinugon niya rito. Kapagkuwa’y umalis na sila ni Harry bitbit
ang pinamili niya.
SABADO ng gabi, katatapos lang manood ni Khalee ng sine. Paglabas niya ng mall ay
hindi niya inaasahan na masalubong niya sa exit si Anton kasama si Sandy. Malaki na
ang tiyan ng babae.
Nakita siya ni Anton at nahihinuha niya na gusto siya nitong sawatain ngunit
nagmamadali na siyang lumabas at pumara ng taxi. Nang makasakay na siya sa taxi ay
pinakiramdaman niya ang kanyang sarili.
Hindi na niya naramdaman ang kirot na dulot ng panloloko sa kanya ni Anton. Wala na
rin ang namamahay na galit sa puso niya. Noon ay waring kinukuyumos ang puso niya
sa tuwing nakikita ang lalaki. Ngayon ay hindi na niya nararamdaman ang malalaking
bara sa dibdib niya.
Hindi niya alam kung anong lugar ang sinabi niya sa driver ng taxi. Nagulat na
lamang siya nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng Gentlemen’s Bar.
Nagbayad na lamang siya saka bumaba. Pagpasok niya sa bar ay punung-puno ng tao.
Palibhasa’y Sabado.
Nasa bukana palang siya ng pinto ay natatanaw na niya si Scotch na nasa loob ng bar
counter. May kasama pa itong isang bartender.
Nang lumapit na siya sa counter ay saka naman lumabas si Scotch dala ang inuming
nakapatong sa serving tray. Umupo siya sa stoll chair sa tapat ng counter at nag-
order ng inumin.
Si Gin ang nagtimpla ng inumin niya. Habang naghihintay ay panay ang sipat niya sa
paligid. Hindi na niya nakita si Scotch buhat sa dami ng tao.
May isa pang bartender na pumasok sa counter, guwapo rin. Kahit marami siyang
nakikitang guwapo sa loob ng bar ay tila hindi mapapantayan ng mga iyon ang
karesmang taglay ni Scotch.
Mayamaya’y nakita na niya si Scotch pero may mga babaeng nakabuntot rito. Hindi na
naalis ang tingin niya sa lalaki hanggang sa papalapit na ito sa counter.
Nang makita niya ang babae na animo’y linta na panay ang kiskis ng dibdib sa
katawan ni Scotch—tila kinikiskis rin ng apoy ang bunbunan niya.
Lalo lamang nag-alburoto ang dibdib niya nang masaksihan kung paanong isinandal ng
babae sa dingding si Scotch at nilamukos ng halik ang mga labi ng lalaki.
Napapaangat ang puwit niya sa kinaluklukan at gusto na niyang sugurin ang babae at
sambunutan ito, pero naisip niya na wala siyang karapatang gawin iyon. Hindi naman
siya nobya ni Scotch, pero aywan niya bakit gigil na gigil siya?
Nang mapatingin sa gawi niya si Scotch ay agad niyang ibinaling ang tingin sa
bartender na kaharap niya. Kanina pa pala inaabot sa kanya ni Gin ang inumin niya.
Kapagkuwa’y walang pigil na sinaid niya ang laman ng baso niya saka siya muling
nag-order ng mas hard na inumin. Kung lalagukin niya ang alak ay waring tubig
lamang. Umiikot na ang paningin niya pero order parin siya nang order.
Tumawa siya ng pagak. “Ano bang karapatan mong pigilan ako? Trabaho mong
pagsilbihan ako. Bigyan mo pa ako ng brandy!” utos niya. Halos sigawan na niya ang
bartender.
Pilit niyang inaaninag ang mukha ng bartender na kaharap niya. “Hoy! Narinig mo ba
ako, ha?” matapang na sabi niya sa kaharap.
“Lasing na lasing ka na, Khalee. Hindi mo na nga ako nakikilala,” narinig iyang
sabi ng bartender.
Lalo lamang uminit ang ulo niya. Nang isang minuto na at hindi pa dumarating ang
order niya ay kinuha niya ang baso ng katabi niya at inihagis iyon sa bartender.
Mayamaya’y naramdaman na lamang niya na may mga kamay na gumapos sa kanya at
kinaladkad siya palabas ng bar.
Nahimasmasan siya nang may malamig na kamay na humilamos sa mukha niya. Natagpuan
na lamang niya ang kanyang sarili na nasa garahe ng naturang bar. Nagulantang siya
nang makita si Scotch na nakatiungko sa harapan niya. May hawak itong water gablet
na may nalulusaw na yelo.
Nakasalampak siya sa sahig habang nakatukod ang mga kamay sa kanyang mga hita.
Habol niya ang sariling hininga habang nakatitig sa kaharap.
Hindi siya umimik. Mayamaya’y may lumapit na maskuladong lalaki at kinuha ang
basong hawak ni Scotch.
Tinangka niyang tumayo ngunit hindi niya kayang ibalanse ang katawan niya. Sumubsob
ang ulo niya sa dibdib ng binata. Mamaya’y bigla na lamang bumaliktad ang sikmura
niya. Nagsuka siya sa mga hita ni Scotch.
Dumistansiya ito sa kanya at tumayo. Panay ang pagpag nito sa mga hita nito. May
lumapit nanamang lalaki at binigyan ng panyo si Scotch.
“Pakibantayan muna siya, magbibihis lang ako,” narinig niyang utos ni Scotch sa
lalaki. Kapagkuwa’y pumasok ito sa bar.
Inakay siya nito patayo ay pinaupo siya sa silyang ini-abot ng bouncer. Wala na ang
matinding pagkahilo niya matapos niyang magsuka. Medyo nahihimasmasan na rin siya.
Pakiramdam niya’y nauupos siyang kandila.
Mayamaya’y may iniabot na basong may tubig ang bouncer. Pina-inom iyon sa kanya ni
Scotch. Maligamgam ang tubig. Una’y nagmumog siya saka ininom ang natitirang tubig.
Tahimik lamang siyang nakaupo sa tabi nito habang wala ring imik si Scotch. Maya’t-
maya ay sinisipat niya ito.
“Huwag ka munang mag-sorry, alam ko’ng may kasunod pa ito,” supladong sabi nito.
Hindi manlang siya nito sinisipat.
Hindi na lamang siya umiimik. Pagdating sa bahay niya ay inalalayan parin siya nito
hanggang sa kuwarto niya.
Hinarap naman siya nito. Nagpumilit siyang bumangon at humakbang palapit sa binata.
Nang abot-kamay na niya ito ay saka naman siya nawalan ng panimbang.
Bumagsak siya sa katawan ng binata na biglang napaupo sa sofa. Pumangko siya sa mga
hita nito habang mahigpit ang pagkakakapit niya sa mga braso nito.
Titig na titig ito sa mukha niya. Kaunting usad nalang ay susubsob na ang dibdib
niya sa mukha nito. Ang mga kamay nito’y nakalingkis sa baywang niya.
Matagal na nakatitigan lamang sila. Napalunok siya nang maramdaman niya sa kanyang
hita ang unti-unting pagkabuhay ng pagkalalaki nito. Tila bigla siyang inalipin ng
takot.
Naramdaman niya ang pagdausdos ng mga kamay nito sa mga hita niya. Ang mga titig
nito’y unti-unting bumababa sa dibdib niya. Ramdam niya ang init niyon.
Muli nitong itinaas ang tingin sa mukha niya. “Ikaw ang naglalapit sa akin sa
tukso, Khalee. Kung hindi mo ako pipigilan ay wala akong magagawa. Lalaki lang ako,
nadadaig ng tukso,” halos pabulong na wika nito.
Tumibok ng matulin ang puso niya. Natutukso siya habang tinititigan niya ang
mapupula nitong mga labi. Hindi niya maiwasan na ipasok sa imahenasyon ang hubad
nitong katawan na minsan na niyang nasaksihan.
Wala sa loob na naibaba niya ang mukha sa mukha nito. Mayamayapa’y nalalasahan na
niya ang labi nito. Hindi niya inaasahan ang agarang pagtugon nito sa halik niya;
ang agarang pagkilos ng mga kamay nito.
Pansamatalang pinaghiwalay niya ang kanilang mga labi. Nag-apura siyang itaas ang
laylayan ng damit nito at inilusot iyon sa ulo nito hanggang tuluyang mahantad ang
kakisigan ng katawan nito.
Buong paghangang dinama niya sa mga palad ang bawat kaumbukan ng mga kalamnan nito.
“Hindi na ako matatakot na halikan ka, James. Nang makita ko ang babae sa bar
kanina na hinalikan ka ay parang gusto kong magwala,” bulong niya malapit sa bibig
nito.
“Oh, really? Huwag mo akong bigyan ng dahilan para gustuhin kita, Khalee. Hindi ako
ang lalaki na pumapayag sa panandaliang aliw. Kung gusto mong angkinin kita—make
sure na magiging akin ka habang buhay. Ayaw ko na ginagawa akong kasangkapan,” may
diin na sabi nito.
“Hindi ako magpapagamit sa isang lalaki dahil lang may dinadamdam akong sakit,
James,” disappointed na sabi niya.
Tumayo si Scotch at isinuot muli ang damit nito. “Naiintindihan kita, Khalee.
Nagmula ka sa nasirang relasyon at hindi biro ang sakit na dinaranas mo. Ayaw kong
isipin mo na inaabuso ko ang kahinaan mo. Kahit ganito ako ay may respeto ako sa
babae lalo na sa isang kagaya mo. Lasing ka at nahahalata ko na iba ang kilos mo
kapag hindi ka lasing. Siguro kung wala ang impluwensiya ng alak sa isip at katawan
mo ay maiilang kang gawin ito sa akin. Siguro kung hindi ka lasing ngayon ay baka
kanina pa tayo tapos,” walang abog na sabi nito.
Nangilabot maging ang balahibo niya sa binti. Napagtanto niya na hindi naman pala
abusado si Scotch paris sa inaakala niya. Pero nasasaktan siya sa prangkang pahayag
nito. Nakadama siya ng pagkapahiya sa kanyang sarili.
Tinungo na nito ang pinto at binuksan iyon. Sinundan lamang niya ito ng tingin
hanggang sa tuluyan itong lamunin ng pinto.
Chapter Five
Naisip niya tuloy na baka naglaylo ang dalaga dahil sa mga sinabi niya noong huli
niya itong ihatid sa bahay nito. Pero bakit bigla ata niya itong namimis? Gusto
niya itong makita.
Pakiramdam niya’y walang buhay ang araw niya kapag hindi nararamdaman ang
presensiya ng babae. Minsan naman ay naiisip niya na baka lumipat na sa ibang bar
si Khalee.
Nang dumating na si Cognac ay agad siyang nag-asikaso. Maaga pa ang flight nila ng
ninong niya bukas papuntang Davao.
Sakay ng kanyang motor siklo ay tinatahak niya ang daan patungo sa bahay ni Khalee?
Ewan niya basta’t natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na naroroon na sa
harap ng bahay ng dalaga.
“James?”
Napakislot siya nang maulinigan ang pamilyar na tinig na iyon ng babae sa gawing
likuran niya. Awtomatiko’y pumihit siya sa likuran at namataan niya si Khalee na
maiksing maong pants at maluwag na t-shirt na puti lamang ang suot. Tsenilas lamang
ang sapin nito sa paa.
Hindi siya nakaimik nang lapitan siya nito. Mahinhin ang kilos nito at magaan ang
ngiti.
Hindi siya kaagad nakaimik. Naglalakbay ang paningin niya sa kabuoan nito, lalo na
sa dibdib nito na naaaninaw niya ang itim na bra nito.
“Ah, napadaan lang,” nasabi na lamang niya. Huling-huli na siya nito kaya bakit pa
siya magkakaila na sinadya talaga niyang puntahan ito.
Hinawakan nito ang kanang braso niya at hinihila siya nito papasok ng bahay. “Para
kang others. Feel at home, dear,” anito.
“Anong gusto mong inumin?” tanong nito nang makaupo na sila na magkaharap sa sofa
sa salas.
“Men, parang ibang tao ka ngayon. Gusto mo ng juice? Coffee, tea, wine, beer,
please...” anito.
Pagbalik nito’y may dala na itong baso na may malamig na tubig. Iniabot nito iyon
sa kanya.
“Siguro nagtataka ka bakit hindi na ako pumupunta sa bar ninyo,” mamaya’y wika
nito.
Mariing tumitig ito sa kanya. Sinagupa niya ang mga titig nito. “What?” aniya.
“I was disappointed. Tama naman ang mga sinabi mo noong nakaraan. Gusto ko lang
maka-move-on kaagad kaya naisip ko na mainam na paraan ang paglalasing. Hindi
pala,” seryosong wika nito.
“Oh, I want to hear your story. Ano naman ang dahilan mo?” anito.
Ngumisi siya. “Binatilyo palang naman ako noon. Na-depress ako sa panunukso sa akin
ng mga kaklase ko. Natuto akong makipagbasagan ng mukha sa tuwing napipikon ako,”
panimula niya.
“Hindi naman kasi ako tunay na anak ng kinikilala kong magulang ngayon. Anak ako ng
babaeng mananayaw sa club na naanakan ng sundalong American-Mexican. Limang taon
ako nang mamatay ang tunay kong ina. Kinupkop ako ng kaibigan ni Mama na siya na
ngayon ang nanay ko,” kaswal na kuwento niya.
“Oo.”
“So ano pala ang natapos mo’ng kurso?” kapagkuwa’y tanong nito.
“Graduate ako ng Criminology, pero nag-aral ako ulit bilang agent kaya nakapasok
ako sa NBI bilang field agent. Beside, nagtatrabaho rin ako sa Agency ng ninong ko
bilang Private Investigator. At habang nagtatrabaho ay nag-aral ako ng six month
Bartending at nagtraining ako as flair bartender,” pahayag niya.
“Wow!” Bigla na lamang tumahimik ang panig ng dalaga. Ibinaling nito ang tingin sa
nakasarang bintana sa tabi ng pinto.
Awtomatiko’y ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Ahm, kailangan bang detalyado?”
nag-aalangang saad nito.
Ngumisi siya. “Ikaw. Courious lang ako sa nangyari sa inyo ng lalaking laman ng
galit mo. Kung hindi mo pa kayang ibahagi, okay lang.”
“No. Okay lang, nakakapag-move on na rin ako. Masakit lang talaga, pero tanggap ko
na hindi talaga kami ang para sa isa’t-isa,” anito.
Nasilayan niya ang ga-butil na luha sa gilid ng mga mata nito. Naisip niya, marahil
ay may naiwan paring kirot sa puso nito ang mga nakaraan nito. Pero napapansin niya
na hindi na ito ganoon ka-apektado. Siguro nga ay nakakapag-move on na ito.
“Pero masaya na rin ako at natapos na ang sigalot sa pagitan namin ni Anton.
Napatawad ko na siya. Ayaw kong kimkimin sa puso ko ang poot ko sa kanya. Ako rin
naman ang mas mahihirapan. Gusto ko na rin siyang palayain,” patuloy nito.
Napansin niya na hindi na natuloy ang pagluha nito. Nakangiti na ito. Ibang-iba
talaga ang ugali nito kapag hindi lasing. Ngayon naman tila lumaya ang puso niya at
natagpuan na lamang niya roon si Khalee.
Bakit nga ba siya naroon ngayon sa bahay nito? Eh kasi gusto niya itong makita,
namimis niya ito. Pakiramdam niya’y hindi siya makakatulog ngayong gabi kapag hindi
niya ito nakita. Sa madaling sabi—iniibig na niya ito.
Humugot siya ng malalim na hininga. Kung hindi niya pipigilan ang nararamdaman niya
ay baka tuluyan na iyong lalaya at maghahangad ng katugon.
“Ahm, gabi na, baka inaantok ka na,” sabi na lamang niya sabay tumayo.
Lumakad na siya at binuksan na niya ang pinto. Tila may halimaw sa lood niya na
nagpipigil sa mga paa niya.
Isinara niyang muli ang pinto at muling hinarap si Khalee. Nakatitig lamang ito sa
kanya.
Mayamaya’y humakbang ito palapit sa kanya. “Mag-iingat ka,” anito nang makalapit
ito isang dangkal ang pagitan sa kanya.
Hindi siya kumibo. Kumilos ito at bigla na lamang ninakawan ng halik ang labi niya.
“Good night,” anito pagkuwan.
Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Talagang may nabubuhay na kung ano sa
dibdib niya. Nagwawala ang puso niya hanggang lamunin niyon ang buong pagkatao
niya.
Mahigpit ang pagkakakapit nito sa mga balikat niya. Ibinaba niya sa mukha sa mukha
nito. Nagbubungguan ang tuktok ng mga ilong nila.
“I want to touch you, Khalee but it’s too early. Palagay ko, gusto kita, palagay ko
lang naman at wala pa iyong katiyakan,” anas niya.
“Gusto lang kitang halikan, to say goodbye,” aniya. Kapagkuwa’y ginawaran niya ng
mapusok na halik ang mga labi nito.
Isang halik na nasisiguro niya na hindi maglilikha ng apoy sa pagitan nila. Hindi
niya gagamitin ang mga kamay niya upang gisingin ang pagnanasa nito. Ngunit nang
tumugon ito sa halik niya ay mabilis naman ang pagresponde ng bayolenteng init sa
kaibuturan niya.
Nang madama niya ang kamay nito sa loob ng damit niya at humahaplos sa dibdib niya
ay lalong nagpupumiglas ang puso niya. Pero bago siya tuluyang magupo ng
nakahihibang na sensasyong iyon ay nilubayan na niya sa paghalik ang mga labi nito;
binigyan niya ng distansiya ang mga katawan nila.
“KAMUSTA?” bungad ni Atty. Ocampo kay Scotch pagpasok niya sa Law Office nito.
Kararating lamang nila ng ninong Samuel niya sa Davao para sa grand opining ng
bagong branch ng Agency nito. Matanda na si Atty. Ocampo. Pakiwari niya’y nasa
early sixties na ito.
“Maayos naman po ang biyahe namin, Atorney,” kapagkuwa’y tugon niya matapos magdaup
ang mga palad nila ng ginoó.
“Madalas kang naikukuwento ng ninong mo sa akin. At tama siya sa mga sinasabi niya
tungkol sa iyo. Isa ka ngang lalaki na may maipagmamalaki hindi lang sa pisikal na
katangian. Balita ko’y mahusay ka rin sa field,” puno ng papuring wika ng ginoó.
“Salamat po. Hindi ko alam na ibinibenta na pala ako ni Ninong,” nakangiting sabi
niya.
“Anyway, gusto sana ni Samuel na ikaw ang magiging head officer ng branch, kaso ika
niya’y nagtatrabaho ka sa NBI. Sayang lang,” kapagkuwa’y sabi nito.
“Nabanggit na rin po sa akin ni Ninong. Hindi naman po sana mahirap kaso nga ay
masyadong malayo rito.”
Tumawa lamang niya. Mayamaya’y bigla na lamang niya nadalumat si Khalee. Isa na
malamang iyon sa dahilan niya kaya ayaw niyang madestino sa Davao. Ayaw niyang
malayo sa dalaga na ngayon ay isinisigaw ng puso niya.
“Kapag maluwag lang siguro ang oras ko saka ako bibisita rito,” aniya.
“No problem. Napag-usapan na namin ni Samuel ang tungkol diyan. Bukas ng alas-
nuwebe ng umaga ang grand opining ng branch,” kapagkuwa’y batid nito.
“Sige po. Ihahanda na rin namin ang briefing para sa new applicants.”
“So magpahinga na muna kayo, at kung gusto mong mag-relax ay sumama ka sa pamangkin
kong sundalo sa bahay aliwan,” suhisyon nito.
Bigla atang pumanteng ang tenga niya. Matagal na rin siyang hindi nakakapag-good
time. Ipinakilala sa kanya ni Atty. Ocampo ang pamangkin nitong Tenyente na si
Albert.
Kinagabihan ay isinama siya ni Albert sa isang bahay aliwan at nagkainuman sila
kasama ang iba pa nitong kaibigan. Napansin niya na mahina sa inuman ang mga ito
pero nakuha ng mga ito na maglabas ng babae.
Ipinakilala siya si Albert sa ilang magagandang babae pero tila nawala na ang
pananabik niya. Paningin niya sa mga babaeng naroon ay kamukha ni Khalee. Natatawa
na lamang siya sa kanyang sarili.
Magbuhat nang magtrabaho siya sa bar ay tila nagsawa na siya sa alak. Umiinom siya
pero pangpatulog lang. Habang abala pa ang mga kasama niya ay sumibat na siya.
Habang abala sa pakikipag-usap sa bisita ang Ninong niya ay inantala naman siya ni
Atty. Ocampo sa pakikipag-usap sa mga Agent nila. Inanyayahan siya nito sa study
room at naghain ito ng Lambanog para pagsaluhan nilang dalawa.
Napansin niya ang magandang ginang na hindi katandaan. Naghatid ito ng pulutan sa
kanila—inihaw na tuna ang pulutan nila.
Wala siyang ideya kung ano ang pag-uusapan nila basta’t nakikinig lamang siya.
“Mayroon lamang akong ipapakisuyo sa iyo, hijo. Walang kinalaman dito ang trabaho
ko o ang Agency. Tungkol ito sa personal kong buhay,” halos pabulong na wika ng
ginoó.
“No. Hindi siya missing person. Apo ko siya na naglayas. Hindi alam ng anak ko ang
plano ko’ng ito. Gusto kong bumalik ang apo ko.”
Mayamaya’y may inilabas na brown envelop ang ginoó at iniabot sa kanya. “Heto,
nariyan ang litrato at lahat ng impormasyon tungkol sa apo ko. Nariyan na rin ang
tseke bilang paunang bayad ko. Kapag nakita mo na siya ay balitaan mo ako. Gusto
kong matiyak na maayos ang kalagayan niya. Huwag mo siyang alisan ng tingin hanggat
hindi ako dumarating para sunduin siya. Sekreto lamang natin ito, James, at aasahan
ko ang tulong mo,” maingat na pahayag ng ginoó.
Bubuksan pa lamang niya ang envelop ay bigla namang pumasok si Gng. Margaret—na
siyang panganay na anak ni Atty. Ocampo.
“What are you planning to do, Pa? Magbabayad nanaman kayo ng PI para mahanap ang
suwail ninyong apo?” galit na bungad ng ginang.
Lumabas na lamang siya. Ngunit hindi pa siya umaalis sa labas ng silid na iyon.
Buhat roon ay naririnig niya ang pag-uusap ng mag-ama.
“Alam ko’ng hindi mo magugustuhan, Margaret, pero namimis ko na ang apo ko,”
narinig niyang wika ni Atty. Ocampo.
“Hindi nga niya tayo naiisip. Wala siyang pakialam sa atin, so bakit pa natin siya
iintindihin. Sinuway niya tayo, tinalikuran!” ani Margaret sa ilalim ng galit na
tinig.
“Margaret, anak mo ang pinag-uusapan natin. Huwag kang magsalita na parang hindi
siya nagmula sa sinampupunan mo!” asik ng ginoó.
“I don’t care about her, Pa. Tinalikuran niya ako na ina niya. Wala akong suwail na
anak. And I don’t want her back in my life.”
“Shut up, Margaret! Hindi mo ba naririnig ang sinasabi mo? Kahit anong sabihin mo
ay anak mo si—”
Hindi na narinig ni Scotch ang ibang usapan ng mag-ama nang biglang tumunog ang
cell phone niya. Dagli siyang lumayo sa silid na iyon at naghanap ng tahimik na
lugar.
Ang nanay niya ang tumatawag at kinakamusta lamang siya. Nang maputol na ang linya
ay dinala siya ng mga paa niya sa likod ng mansiyon kung saan ang Olympic pool.
Napansin niya ang batang babae na nagtatampisaw ng mga paa sa tubig habang
nakaluklok sa gilid ng pool.
Tingin niya’y nasa dose pataas na ang gulang ng bata. Nakapantulog ito na
bulaklakin at nakalugay ang ga-baywang nitong buhok na alon-alon. Nilapitan niya
ito.
Mariing kununot ang noó niya. Wala siyang naintindihan maliban sa salitang
‘trabaho’ at ‘lolo’.
“Ah, oo. Kasama ako ng lolo mo pero taga Maynila ako,” aniya.
“Yes.”
Bigla na lamang dumilim ang anyo ng bata. “Gusto kong pumunta doon, gusto kong
makita ang ate ko. Miss na miss ko na siya,” malungkot na sabi nito.
Umiling ang bata. “Sabi ni Mama, hindi ko na raw ‘yon ate kaya huwag ko na raw
asahan na makikita ko pa. Bad ‘yon ‘di ba? Ewan ko bakit galit si Mama kay Ate. Ang
bait kaya ng Ate ko,” nakasimangot na sumbong nito.
Iniisip niya na marahil ang tinutukoy nitong ate ay ang apo ni Atty. Ocampo na
ipapahanap sa kanya. Bigla siyang nalungkot nang mabatid kung ano ang ibig-sabihin
ng bata.
“Huwag ka nang malungkot, little girl, babalik ang ate mo,” sabi na lamang niya.
“Oo. Kaya huwag ka nang sumimangot. Ano nga palang pangalan mo?” mamaya’y tanong
niya sa bata.
“Shenmae,” anito.
Inialok niya ang kanang palad niya sa bata. Dinaup naman nito ang palad niya.
Mayamaya’y tumayo na ang bata.
Bago ito umalis ay bigla siyang nakaisip ng tanong. “Wait lang, Shenmae. May
itatanong lang ako sa iyo,” aniya.
“Iba-iba kasi ang pagbigkas pero ang alam ko’y, nahigugma taka, o kaya’y nahigugma
ko nimo,” tugon naman nito.
“Opo.”
Nai-save pa niya sa cell phone niya ang mga katagang iyon. Kapagkuwa’y nagpaalam na
sa kanya si Shenmae.
Panay ang bigkas niya sa bagong salitang natutunan habang naglalakad siya patungo
sa guest room na inilaan para sa kanila ng ninong niya.
“Nahigugma taka. Nahigugma taka, Khalee,” katagang nanulas sa bibig niya bago siya
lamunin ng antok.
=================
Chapter Six
SABADO ng gabi, pumunta sa Gentlemen’s Bar si Khalee pero hindi para uminom. Gusto
lamang niyang makita si James. Ngunit minamalas ata siya. Wala si James at ayon sa
on duty na bartender na si Moonshine ay nasa Davao raw si James at hindi nito alam
kung kailan uuwi.
Bigla na lamang siya nilamon ng damdaming hindi niya maipaliwanag. Kinalimutan niya
ang mga agam-agam niya. Ngayon niya naramdaman na malungkot siya at nangungulila sa
isang tao. Ilang araw lamang niyang hindi nakita si James pero tila ilang dekada na
ang nakakalipas.
Namimis niya si James. Pakiramdam niya’y hindi buo ang araw niya kapag hindi
nakikita ang binata.
Uminom siya ng isang baso lang ng cocktail saka umuwi din siya kaagad. Pagdating
niya sa bahay ay nagtataka siya bakit nakabukas ang ilaw sa salas.
Kinabahan siya. Hindi pa niya binubuksan ang ilaw magmula kaninang umaga. Iniisip
niya na baka may nanloob na sa bahay niya.
Marahang binuksan niya ang pinto habang maingat sa paghakbang. Natigilan siya nang
makasamyo siya ng pamilyar na amoy ng isang kilalang prutas. May kung anong
pananabik siyang nadama nang maamoy niya ang hinog na prutas na durian.
Humakbang siya papasok sa kusina. Ang kaba niya kanina ay nahalinhan ng pagkasabik
nang makita si James na pinapakain si Harry. Bahagya pa itong nagulat nang makita
siya. Dagli itong tumayo.
Nagtataka siya kung paano ito nakapasok. “S-saan ka dumaan?” kapagkuwa’y tanong
niya.
Nawala sa loob niya iyon. Kilala naman ito ni Harry kaya malaya itong makakaraan
doon. Napansin niya ang isang buong durian na nakapatong sa mesa. Iyon na ang
naaamoy niya.
“Oo. May binuksan kaming branch ng Agency namin doon. Actually, kararating ko lang,
may dalawang oras na. Paano mo nalamang nasa Davao ako?” pagkuwa’y natanong nito.
Hindi siya kaagad nakaimik. Ano nalang ang iisipin nito? Na nag-abala siyang
magtanong sa mga kaibigan nito kung nasaan ito? Bagaman totoo naman. Bigla siyang
nailang sa binata.
Nakadama siya ng pananabik nang mahinuha na nagagalit ito dahil uminom nanaman siya
ng nakakalasing. Napapangiti ang puso niya. Kung tutuusin pala ay dumiretso ito
roon pagkadating nito mula sa Davao.
Tila may sumabog na kung ano sa puso niya. Uminit ang magkabilang pisngi niya.
“Okay lang. Ang totoo, paboreto ko ang Durian. Iyan ang prutas na pinaglihian ng
Mama ko noong ipinagbubuntis niya ako,” aniya. Mayamaya rin ay binalot ng dilim ang
mukha niya nang maalala niya ang kanyang ina.
Lumapad naman ang ngiti ng binata. “Mabuti nalang pala. Teka, saan pala ang mga
magulang mo,” mamaya’y tanong nito.
Bigla na lamang siya sinalakay ng kaba. “Ahm, nasa malayo,” sabi lamang niya.
Kapagkuwa’y lumapit siya sa mesa at hinawakan ang durian. Mabuti na lamang at hindi
na namilit si James na sagutin niya ang tanong nito ng maayos.
“Gusto mo na bang kainin iyan?” tanong nito. Tinutukoy nito ang durian.
“Oo naman.”
Lumapit naman ito sa kanya at ito na mismo ang bumiyak sa prutas. Napag-alaman niya
na hindi pa pala ito nakakatikim ng prutas na iyon. Tila diring-diri ito habang
pinapanood siya’ng kumakain.
“Mukha ngang masarap pero hindi ko lang talaga masikmura ang amoy,” anito.
Siya na mismo ang kumuha ng isang malaman na buto ng durian gamit lamang ang kamay
niya. Pakay niyang susubuan ito. Tumayo siya at bumaling sa tabi nito.
“Sige na. Hindi ko kayang ubusin na mag-isa ang prutas na ito,” giit niya.
Kumapit siya sa balikat nito para maabot niya ang bibig nito. Inihain niya ang
malamang buto ng durian sa labas ng bibig nito pero mariing nakadikit ang mga labi
nito.
Siya na lamang ang kumain ng isusubo sana rito. Nagkalat ang katas ng prutas sa
bibig niya. Nakatitig siya sa mukha nito habang nilalasap sa bibig ang prutas.
Natigilan siya nang kabigin nito ang baywang niya. Ang mukha nito ay unti-unting
bumababa sa mukha niya.
Nang maglapat ang dibdib niya sa katawan nito ay ganoon na lamang ang tulin ng
tibok ng puso niya. Titig na titig siya sa mapupungay nitong mga mata.
“Hindi mo na ako kailangang subuan para matikman ko ang durian,” pilyong sabi nito.
Ilang beses siyang lumunok para maitulak ang kinain niya. Iniluwa niya ang buto ng
prutas. Mayamaya’y naramdaman na lamang niya ang init ng mga labi ni Scotch na
naghahapuhap ng halik sa mga labi niya.
Puno ng intensidad ang halik nito, naghahangad ng agarang pagtugon mula sa kanya.
Kakaiba ang halik na iyon paris sa mga naunang iginawad nito sa kanya. Mapusok iyon
at malalim.
Ang mga kamay nito’y marahas na kumikilos na animo’y may nais mahagilap sa kanyang
katawan. Hindi niya nakayanan ang sensasyong idinudulot ng halik nito sa kaibuturan
niya.
Tumugon siya sa halik nito. Ang kanyang mga kamay ay sinusundan ang bawat galaw ng
mga kamay nito.
“James...” nahahapo na bigkas niya nang iwan nito ang bibig niya.
Matiim na nakatitig ito sa kanya. “I’m sorry. I can’t help myself. Namimis kita,
Khalee. Madalas na kitang naiisip. Isn’t enough to say I love you?” anas nito.
Nawindang siya. Pakiramdam niya’y binuhusan siya ng mainit na tubig. Hindi niya
iyon inaasahan.
“H-hindi ko alam, James. Nalilito rin ako. Nararamdaman kita dito sa puso ko.
Namimis din kita, madalas na rin kitang naiisip,” walang abog na bunyag niya.
Ngumiti ito habang ikinukulong nito sa mga palad ang mukha niya. “God, Khalee. How
I wish na iisa ang nararamdaman natin,” marahas na wika nito. Pumagitan ito sa mga
hita niya.
“I think so, James. I think I’m fallen for you,” bunyag niya.
“Oh, Khalee. Don’t mind. Believe me, it’s not lust,” nababahalang wika nito.
“No, James. Hindi ko iyon iniisip. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta
nakapa ko nalang sa puso ko na wala nang galit at sakit. Natagpuan ko nalang sa
puso ko ang isang bagong pag-ibig,” madamdaming pahayag niya.
Wala na siyang narinig mula rito basta’t siniil nito muli ng halik ang mga labi
niya. Ang nakawiwindang na tagpong iyon sa pagitan nila ay nauwi lamang sa nag-
aalab na pagniniig.
Noong una niya itong makita ay iniisip niya na imposibleng matisod sa kanya ang
lalaki at magkamaling iparanas sa kanya ang romansa nito.
Ngayon ay tila nanalo siya sa isang paligsahan. Napatunayan niya na hindi naman
pala abusado si Scotch. Katunayan ay ilang beses pa niyong hiningi ang permiso niya
bago siya tuluyang inangkin. Wala siyang pinagsisihan sapagkat kagustuhan niya
iyon. Maligaya siya habang iginagawad ang sarili sa binata.
Kagabi lamang niya nakumbinsi ang sarili na malaya na ang puso niya at mahal na
niya si Scotch. Isang uri ng pagmamahal na hindi kailangang diligan upang sumibol.
Isang pag-ibig na aksidenteng natagpuan sa pagitan nila ni Scotch.
Ngayon na lamang siya muling nagising na may matamis na ngiti sa mga labi.
Pagbangon niya’y napansin niya ang sulat na nakapatong sa bed side table at naipit
ng cellphone niya.
Good Morning! Salamat sa magandang gabi. Napaligaya mo ako ng sobra, and you made
my life complete, Khalee. I love you.
James.
Napangiti siya. “I love you too, James,” aniya at hinalikan na lamang ang
kaperasong papel na pinagsulatan ng binata.
HINDI na nakapasok sa bar si Scotch dahil sa mga nabinbin niyang trabaho sa opisina
nila. Alas-nuwebe na ng gabi ay nasa opisina parin siya at tinatapos ang report
niya.
Nang humilab ang sikmura niya ay iniwan na niya ang trabaho at lumabas ng istasyon.
Pumasok siya sa malapit na restaurant at kumain. Doon na lamang niya dinala ang
ibang papeles na kailangan niyang bukatkatin.
Natagpuan niya sa maleta niya ang sobre na ibinigay sa kanya ni Atty. Ocampo noong
nakaraang linggo na nasa Davao siya. Hindi pa niya iyon nabubuksan magbuhat nang
dumating siya sa Maynila.
Nang mabuksan niya iyon ay tumambad kaagad sa kanya ang tseke na nagkakahalaga ng
apat na pung libong peso. Namangha siya sa laki ng halaga. Ganoon ka-disidido si
Atty. Ocampo na makita ang apo nito.
Nang ilabas niya ang lahat na nilalaman ng sobre ay natigilan siya. Animo’y
binuhusan siya ng suka at bigla na lamang siyang namutla. Pakiramdam niya’y may
sapilitang pumunit sa puso niya.
Titig na titig siya sa larawan ng apo ni Atty. Ocampo. Hindi siya nagkakamali, si
Khalee iyon.
Nang basahin niya ang ibang impormasyon ay natiyak niyang si Khalee nga ang apo ni
Atty. Ocampo.
Khalee Shane O. Santiago ang buong pangalan ni Khalee. At nawindang siya nang
mabatid na ang Ina ni Khalee ay si Gng. Margaret na pakiwari niya’y kinasusuklaman
ang anak. Hindi na niya natapos ang hapunan.
Mariing napisil niya ang kanyang noó. Bigla siyang nanlumo. Hindi na niya malaman
kung ano ang gagawin niya sa mga sandaling iyon.
Napatingin siya sa tseke. Ngayon ay nalilito siya kung tatanggapin niya ang
salaping iyon bilang kabayaran sa serbisyo niya. Magiging komplekado ang lahat.
Mabilis na gumana ang utak niya. Ano nalang ang iisipin ni Atty. Ocampo sakaling
mabatid nito ang tungkol sa kanila ni Khalee? At ano nalang din ang iisipin ni
Khalee kung sakaling malaman nito na binayaran siya ng lolo nito para maibalik niya
ito sa pamilya nito?
Lalo lamang gumulo ang isip niya, lalo na ang damdamin niya. Ngayon pa ba magiging
komplekado gayung may malalim na silang pagtitinginan ni Khalee? Mariing nagtagis
ang kanyang mga bagang.
Hindi na tuloy niya alam kung paano niya pakikisamahan si Khalee. Wala na siyang
kailangang gawin. Tapos na ang pinapatrabaho sa kanya ni Atty. Ocampo. Kailangan
nalang niya magdesisyon kung kailan niya tatawagan ang ginoó upang ipabatid na
natagpuan na niya ang apo nito.
Pagkatapos ng mga trabaho niya ay umuwi na siya sa bahay nila. Nadatnan niya sa
salas ang nakababata niyang kapatid na si Nica at nanunuod ng TV. Kararating lang
din nito mula sa ospital na pinagtatrabahuhan nito. Nagsisimula palang itong
magtrabaho bilang nurse.
“Hindi na. May mga tinapos kasi akong trabaho sa opisina. Kararating mo lang?”
aniya.
“Oo, halos magkasunod lang tayo.”
“Hayun, katutulog lang. May lagnat kasi kanina si Noel. Mabuti nalang napainom
kaagad ni Nanay ng gamot,” batid nito. Si Noel ang bunyo nilang kapatid na dose
anyos.
Naghubad na muna siya ng sapatos. “Ikaw, kumain ka na ba?” mamaya’y tanong niya sa
kapatid.
Hindi na siya umimik. Kapagkuwa’y pumasok na siya sa kuwarto niya. Agad niyang
ibinagsak sa kama ang pagod niyang katawan. Gusto na niyang matulog ngunit pilit
siyang inuusig ng mga bagay-bagay na natuklasan niya.
Pabiling-biling lamang siya sa higaan pero nanatiling dilat ang mga mata niya.
Nang makadama siya ng iritasyon ay bumangon siya. Lumabas siya ng bahay. Sakay ng
motor siklo niya ay tinatahak niya ang daan patungo sa bahay ni Khalee.
Pagdating niya’y wala nang nakasinding ilaw sa loob ng bahay. Tahimik na rin sa
paligid. Gusto niyang masilayan ang dalaga at matiyak na maayos ang kalagayan nito.
Isang oras din siyang nagmanman sa labas bago niya nilisan ang lugar. Dumiretso na
siya sa bar. Hindi rin naman siya patutulugin ng mga agam-agam niya kung uuwi siya.
Alas-dose na ng hating gabi ay punung-puno parin ng mga tao ang bar nila. Si Rum
ang naabutan niya sa counter. Umupo siya sa tapat ng counter at um-order ng beer.
“Akala ko natutulog ka na, dude,” sabi sa kanya ni Rum pagkaabot ng isang bote ng
beer sa kanya.
“Dumalaw lang. Aywan ko, napapadalas na siya sa Martini Bar,” ani Rum.
Bumungisngis siya. “Nililigawan ata niya ang may-ari ng Martini Bar,” aniya.
Pansamantalang nakalimutan niya ang problema niya. Bigla na lamang niya naalala si
Kayt. Malakas ang kutob niya na tinamaan na roon si Rum. Una’y tinukso niya ito ng
tingin.
“Mukhang sabay-sabay tumitibok ang mga puso natin, ah. Magkatotoo pa ata ang sinabi
ni Whiskey na sabay-sabay tayong lahat na ikakasal,” aniya.
Napansin niya ang pamumula ng pisngi ni Rum. Nakumbinsi siya na in-love nanaman ang
kaibigan niya.
“Naunahan mo nanaman ako, dude. Sige na, panalo ka na. Mahal ko na si Kayt at
nagkakaintindihan na kami,” bunyag ni Rum.
“Gusto ko pero may problema. Si Mama at ang Papa niya. Kung puwede nga lang ay
huwag nang mahimasukan ang mga magulang,” seryosong pahayag ni Rum.
Tinapik niya ang balikat nito. “Dude, hindi naman puwedeng hindi involve ang
magulang. May karapatan sila. Kung talagang kayo para sa isa’t-isa, mangyayari.
Tanggapin na natin na walang hindi nahihirapan sa pag-ibig—kung magsiseryoso ka.”
Habang iniisip niya ang mga sinasabi niya ay nararamdaman niya ang hirap na
napipintong maganap sa buhay niya. Madali lang para sa kanya na payuhan ang
kaibigan niya pero sarili niyang suliranin ay hindi niya alam kung paano lutasin.
Nang maubos niya ang laman ng isang bote ng beer ay dumagdag pa siya ng isa. Hindi
parin kasi siya matinag-tinag ng antok. Maya’t-maya’y naiisip niya si Khalee.
“Ikaw, dude, sino naman ang sinisipingan mo ngayon?” pabirong tanong ni Rum.
Awtomatiko’y tinapunan niya ito ng mahayap na tingin. “Ayusin mo ang tanong mo,
loko,” napipikong wika niya.
Bahagyang natawa si Rum. “Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah.”
“Sino naman kung baga? Si Miss. Khalee—the drunking lady?” natatawang wika ni Rum.
“Kung sa bagay. Maganda naman siya at malakas din ang dating, pero mukhang sa iyo
lang talaga siya nababagay. She’s born to steal your arrogant heart, Scotch,” ani
Rum
Lalong lumapad ang ngiti niya. “Well, exactly, when I first met her, I knew she
would steal my heart away.” Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha.
Bumungisngis si Rum. “Mukhang pareho tayo ng sakit ngayon ah. Hindi ko alam ang
kuwento mo pero palagay ko’y komplekado rin ang sitwasyon mo,” anito.
“Bahala ka. Kaso hindi pa naayos ang air condition sa kuwarto,” anito.
“Aywan. Nag-over heat ata sa sobrang intense ng mga kaganapan kagabi,” makahulugang
tugon ni Rum sabay tawa.
Tumawa na lamang siya. Tumayo na siya at binayaran ang nainom niya. “Nice talking,
dude. Kailangan ko munang matulog baka hinihintay na ako ni Khalee sa panaginip,”
pilyong sabi niya.
Ngumisi siya. “I’m in control, dude. Kailangan ko munang dumistansiya. Mahirap nang
madarang sa tukso. Makikipagbuno muna ako sa palaso ni kupido,” aniya.
=================
Chapter Seven
NAGTATAKA si Khalee bakit kung kailan may namamagitan nang pag-ibig sa kanila ni
Scotch ay saka naman ito tila mailap sa mga mata niya. Hindi na siya nito dinadalaw
sa bahay niya. Kung pupunta naman siya sa bar ng mga ito ay wala ito.
Iniisip niya na marahil ay abala lang sa tunay nitong trabaho ang lalaki. Hindi
niya alam kung saan pa ito maaring matagpuan. Tinaon niyang linggo saka siya
pumunta sa bar nang gabing iyon.
Inaasahan niya na naka-duty na si Scotch. Pero isang oras na siyang nakaupo sa
harap ng counter pero wala parin ang lalaki. Nahihiya naman siyang magtanong sa
seryosong bartender na si Gin.
Ilang sandali pa’y namataan na niya si Scotch. Palapit na ito sa counter. Inihanda
na niya ang kanyang sarili.
Pagpasok ni Scotch sa counter ay tila nagulat ito nang makita siya. Seryoso ito
habang sinisipat siya at minsan ay ang iniinom niyang cocktail. Abala ito sa
pakikipag-usap kay Whiskey.
Sa inis niya’y nag-order pa siya ng inumin kay Gin. Talagang hindi parin siya nito
pinapansin. Labas-masok ito sa counter at dinadaan-daanan lamang siya.
Gusto niya itong inisin. Nag-order nanaman siya ng cocktail kay Gin. Pangatlo na
niya iyon. Sinisipat siya ni Scotch pero tipong tingin ng isang gutom na tigre.
Mayamaya’y may lalaking umupo sa tabi niya. Guwapo ito at mukhang mayaman. Nag-
order din ito ng inumin.
Makalipas ang ilang sandali ay naglakas-loob na ang lalaki na kausapin siya.
Siguro’y tinamaan na ito sa nainom nito.
Inaalok na ng lalaki ang kanang kamay nito sa kanya. Dinaup naman niya ang palad
nito.
Ngumiti lamang siya. Nasundan pa ang mga katanungan ni Dereck. Habang tumatagal ay
naaliw siya sa kuwentuhan nila ng lalaki.
Gusto niyang asarin si Scotch pero tila siya pa ang unang naasar. Talagang hindi na
siya nito pinapansin. Nag-order na siya ng hard drinks.
Nahihilo na rin siya pero hindi pa naman siya tinamaan ng kalasingan. Kunwari ay
nag-order pa siya ng inumin pero hindi na niya iyon iniinom. Napansin niya si
Dereck na tila naubusan na ng sasabihin.
Kung kailan magbabayad na siya ng bill niya ay saka naman lumabas ng counter si
Gin. Si Scotch na lamang ang naroon sa loob at abala sa pagtitimpla ng cocktails.
“Ahm, James, bayad ko,” hindi natimping sabi niya. Inaabot niya sa lalaki ang buong
isang libo.
“Huwag mo nang bayaran,” sabi lang ni Scotch pero hindi manlang siya nito
sinisipat.
Sa wakas ay tumingin ito sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito. Napansin niya ang
pamumukol ng kalamnan nito sa panga.
Nang dumating si Gin ay saka naman lumabas ng counter si Scotch. Walang anu-ano’y
lumapit ito sa kanya. “Sumunod ka sa akin,” sabi nito sa kanya saka ito tumuloy sa
paglalakad.
Nag-apura naman siyang sundan ito. Umakyat ito sa ikalawang palapag. Nakabuntot
lamang siya rito hanggang sa makarating sila sa pasilyo na walang katao-tao.
Huminto ito sa tapat ng nag-iisang kuwarto. Huminto na rin siya isang dipa ang
pagitan rito.
“Ano nanaman ang nag-udyok sa iyo at naisip mong maglasing?” namumurong tanong
nito.
“Eh ano?”
Umungos ito. “Hindi ka ba makuha sa tingin? Alam mong busy ako at talagang nang-
aasar ka pa!” anito.
“Hindi ako nagseselos, naiinis ako sa ginagawa mo,” seryoso paring sabi nito.
“Saan ako magseselos? Doon sa lalaking katabi mo? Huh, wala siya sa kalingkingan
ko,” mayabang na sabi nito. Ngumiti na ito.
“Huwag ka nang magalit sa akin. Hindi naman ako naglasing, eh. Hindi na mauulit.”
Parang bata na nilalambing niya ito.
Ipinaglakbay niya ang mga kamay sa dibdib nito habang nakatungo sa mukha nito na
hindi siya makuhang tingnan. Hindi pa niya nararamdaman na umiiwas ito sa kanya.
“Bakit ang sungit mo ngayon? Daig mo pa ang babaeng may dalaw. Naninibago tuloy
ako,” aniya. Hindi parin siya kumakalas sa pagkakayakap dito.
“Khalee, please, umuwi ka na at matulog,” sabi lang nito.
“Maaga pa naman, ah. Hihintayin nalang kita. Anong oras ba ang out mo dito?”
“Bakit? Ayaw mo bang matulog sa bahay?” nababahalang tanong niya. Kumalas siya sa
pagkakayakap dito.
“Khalee, hindi tayo mag-asawa para magsama tayo madalas sa iisang bubong. Kailangan
natin ng espasyo sa isa’t-isa.”
“Oh come on, Khalee. Gusto ko nang pormal na relasyon. Mahal kita pero hindi ibig
sabihin niyon ay puwede na tayong magsama sa iisang bubong. Nirerespito kita,
Khalee. Nawawalan ako ng kontrol kapag madalas kitang kasama. Idinadarang mo ako sa
tukso,” seryosong pahayag nito.
Hindi na niya magawang ngumiti. Bahagyang kumirot ang dibdib niya. Ibang klase
siyang magmahal. Kapag may iniibig siyang lalaki ay gusto niya na ito na ang
makakasama niya habang buhay.
“I’m sorry, James. Nalulungkot kasi ako. Gusto kitang makasama madalas. Natatakot
na akong maranasan ang mawalan ng lalaking minamahal ko. Gusto ko, pakasalan ako ng
lalaking mahal ko at hindi iyon ginawa sa akin ni Anton sa loob ng dalawang taon na
magkasama kami sa iisang bubong. Sana—sana gawin mo sa akin ‘yon, James,”
nahihibang na sabi niya. Hindi niya napigil ang pagngingilid ng luha niya.
Titig na titig sa kanya ang binata. Matagal bago ito kumibo. “Huwag kang mag-isip
ng ganyan, Khalee. Niintindihan naman kita,” anito.
Hinawakan nito ang braso niya at hinatak siya nito palapit rito. Mahigpit ang yakap
nito sa kanya.
“Hindi ko na kakayanin kapag iniwan mo pa ako, James. Baka mamamatay na ako kapag
nawala ka pa sa akin,” aniya habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito.
“Hindi kita iiwan,” anito.
Hindi na umimik ang binata bagkus ay hinagkan siya nito sa noó, sa tuktok ng
kanyang ilong, lalung-lalo na sa kanyang mga labi.
“Sige.”
Mamaya’y sabay na silang bumaba. Hinatid lamang siya nito sa labas hanggang sa
makasakay siya ng taxi.
Pagdating niya sa bahay ay nagtaka siya bakit bukas ang gate maging ang pinto ng
bahay. Sinalakay siya ng kaba habang maingat na humahakbang papasok sa bahay.
Dumampot siya ng walang laman na pasô. Napansin niya si Harry na mahimbing na ang
tulog sa kusina. Dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan at tinungo ang kuwarto niya.
Tumayo naman ang lalaki at humakbang palapit sa kanya. “I miss you, Khalee. Hindi
ko mapigil ang sarili ko. Mahal na mahal parin kita,” anito.
Hindi niya ito hinayaang makalapit nang tuluyan sa kanya. “Tumigil ka na, Anton.
Maayos na ang buhay ko. Nakalimutan ko na ang mga pananakit mo sa akin. Intindihin
mo nalang ang buhay mo,” aniya.
“Wala ka nang pakialam kung ano ang mga kaganapan sa buhay ko. Kalimutan mo na ako
dahil nakakalimutan na rin kita.”
“Mas nakakahigit ba siya sa akin? Mas magaling ba siyang lalaki?” Tila nanunumbat
pa ito.
“Wala kang karapatang usigin ako, dahil kung tutuusin ay walang kapatawaran ang
ginawa mo sa akin, Anton! Pasalamat ka, mabait ako. Kung sinuman ang lalaking
ipinalit ko sa iyo ay wala ka nang pakialam. Umalis ka na!” asik niya.
Bigla na lamang nitong hinapit ang braso niya. “Hindi mo ako puwedeng palitan sa
buhay mo, Khalee. Akin ka lang!” marahas na sabi nito.
Mahigpit ang pagkakahapit nito sa braso niya. Nagpumiglas siya. “Bitawan mo nga
ako!” asik niya.
Lalo lamang siya nitong ginapos sa mga bisig nito. “Hindi ako makapapayag na basta
mo nalang ako kakalimutan, Khalee!” sabi pa nito habang mariing napipisil nito ang
baba niya.
“Ang kapal ng mukha mo, hayop ka!” Tinangka niyang itulak ito ngunit bigla na lang
siya nitong binuhat at pabalyang ibinagsak sa kama.
Tinangka niyang bumangon ngunit ikinilong siya nito sa mga bisig nito. Itinaas nito
ang kanyang mga kamay sa ulunan niya saka walang habas na hinapuhap ng halik ang
kanyang mga labi.
“You’re mine, Khalee. Akin ka lang! Itatak mo iyan sa kokoti mo!” sabi pa nito.
Nang kumuha siya ng isang baso upang pagsalinan ng natimpla niyang cocktail ay
bigla na lamang iyong nanulas sa kamay niya. Bumagsak sa sahig ang baso at nagkalat
ang bubog.
Kasabay niyon ay bigla na lamang binalot ng kakaibang kaba ang pagkatao niya.
“Shit!” bulalas niya. Bigla ring sumagi sa isip niya si Khalee.
Nag-apura siyang linisin ang bubog pero aksidente pang nasugat ang daliri niya.
Lalo lamang siyang nababalisa. Hindi na naalis sa isip niya si Khalee. Pakiwari
niya’y may nangyayaring hindi maganda sa dalaga.
Hindi siya nakatiis. Naghubad siya ng polo at isinuot ang itim niyang jacket.
Hindi na niya ito nasagot basta lumabas na lamang siya ng bar. Nag-aapurang sumakay
siya sa motor siklo niya at pinaharurot iyon.
“Khalee...” bigkas siya habang tinatahak ang daan patungo sa bahay ni Khalee.
Pagdating niya’y nagulat siya nang makitang nakabukas ang gate at maging ang main
door. Napatingin siya sa gawi ng kuwarto ni Khalee. Nakabukas ang ilaw.
Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang lalaking kumukubkob kay Khalee.
Hubad-baro na ang lalaki at nakababa na ang pantalon nito maging ang panloob nito.
Tila sinigaan ng apoy ang buong katawan niya. Agarang sumiklab ang galit niya.
Walang anu-ano’y hinapit niya ang balikat ng lalaki at pinihit ito paharap sa kanya
saka niya ito binanatan ng suntok sa mukha.
Nagawa pa nitong gumanti ng suntok sa kanya. Tinamaan siya ng kamao nito sa pisngi.
“Sino ka namang pakialamero ka?” tanong pa nito sa kanya. Inambaan nanaman siya
nito ng suntok.
“Wala ka nang pakialam kung sino ako. Ang kapal ng amat mo, pare!” aniya. Alam
niyang si Anton ito.
Sinipat niya si Khalee na nakaluklok sa sulok ng kama habang umiiyak at itinago na
lamang sa kumot ang hubad na katawan. Lalo lamang siyang nagngitngit sa galit.
“Ikaw ang magsisi, gago! Nagkakamali ka ng taong binabangga!” maangas na sabi niya
saka niya tinuhod ang sikmura nito.
Napayakap ito sa kanya. Hindi pa siya nakuntento, hinawakan niya ang buhok nito at
hindi nilubayan ng suntok ang mukha nito. Gigil na gigil siya sa kahayupan nito na
kung puwede lang ay patayin na niya ito.
Nang bumagsak ito sa sahig ay inapakan pa niya ang pagkalalaki nito. Nagsisisigaw
ito. Muli nanaman sana niya itong babanatan ng suntok ngunit narinig niya si
Khalee.
Hindi parin humuhupa ang galit niya. Nanginginig siya buhat sa pagpigil ng galit.
Hindi na halos makilala si Anton dahil sa bugbog na natamo nito. Hindi na ito
makabangon.
Tinawagan niya ang on-duty na kaibigan niyang pulis at sinabing may ipapadampot
siya.
Mayamaya lamang ay may dumating na pulis at dinampot ng mga ito si Anton na animo’y
lantang gulay. Nag-apura pa ang mga pulis na suutan ng damit ang lapastangang
lalaki.
Plano niyang sampahan ng kasong rape si Anton. Nagbigay na rin siya ng statement sa
mga pulis at pinilit rin niya si Khalee na magbigay ng pahayag batay sa pangyayari.
Nang makaalis na ang mga pulis ay saka lamang niya nilinis ang kalat sa kuwarto ng
dalaga at mga mantsa ng dugo buhat sa binasag niyang pagmumukha ni Anton.
Nakapagbihis na rin si Khalee pero humihikbi parin ito habang nakaluklok sa kama.
Pagpasok niya sa banyo ay naghilamos siya. Nababalot parin ng galit ang puso niya.
Maraming beses siyang bumuntong-hininga. Nang mahimasmasan ay humarap siya sa
malaking salamin.
Pakiramdam niya’y lalo lamang nagiging komplekado ang sitwasyon. Paano pa niya
magagawang iwasan si Khalee?
Nang humupa na ang tensiyon sa dibdib niya ay lumabas na siya ng banyo. Nadatnan
niya si Khalee na nakahiga na sa kama at nakakumot hanggang leeg na tila giniginaw.
Umupo siya sa tabi nito. Dilat pa ang mga mata nito at napatingin sa kanya.
Hinaplos niya ang buhok nito at masuyong hinagkan ang noó nito.
Umupo naman ito at yumakap ng mahigpit sa kanya. Umiyak nanaman ito. Ramdam niya
ang takot na nararamdaman nito.
“Sssh, tama na. Nandito lang ako, hindi kita iiwan,” aniya.
Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito. Ginawaran niya ng pinong halik
ang mga labi nito. Pinahiran din niya ang pisngi nitong basa ng luha.
“Ang sama niya, hindi ko iniisip na magagawa niya sa akin ‘to,” sumbong nito.
Mariing nagtagis ang mga bagang niya. Habang iniisip niya ang kahayupan ni Anton ay
parang gusto niyang sugurin ang lalaki at patayin. Nanggagalaiti siya sa galit.
“Shit!” bulalas niya. Marahas siyang tumayo at gigil na tinadyakan niya ang paa ng
kama.
Ang galit niya’y naisuntok na lamang niya sa sementadong dingding. Umupo siyang
muli sa tabi ni Khalee at niyakap ito.
“I’m sorry. Kung hindi kita pinauwi kanina ay hindi sana nangyari ‘to,” samo niya.
Tumango lamang ito. Kapagkuwa’y siniil niya ng halik ang mga labi nito.
Hindi siya umalis sa tabi nito hanggang sa makatulog ito. Sinigurado niyang ligtas
na ito saka siya umalis.
Bumalik siya sa bar upang magpaalam ng maayos. Saka siya dumiretso sa police
station kung saan nakapiit si Anton.
Masigla na ito nang bisitahin niya. Masama ang tingin nito sa kanya. Kung puwede
lamang ay pasukin niya ito sa loob at bugbugin hanggang sa malagutan ito ng
hininga, pero nailugar na niya ang galit.
“Maghanap ka na ng magaling mong abogado kong may balak kang depensahan ang sarili
mo,” sabi niya rito.
Nagawa pang ngumiti ng hudyo. “Huh, bakit ba nanggagalaiti ka? Ikaw ba ang lalaking
sumalo sa babaeng pinagsawaan ko na?” marahas na sabi nito.
Sa inis niya’y hinablot niya ang damit nito hanggang sa dumikit ito sa rehas na
bakal. Pinigilan naman siya ng pulis na nagbabantay.
Lalo lamang siyang nanggalaiti. Halos baklasin na niya ang rehas para lang maabot
ito.
“Relax, pare. Panalo ka na nga eh. May kapangyarihan ka sa batas kaya amanos na
tayo. Kahit anong protesta mo ay mas nakakalamang parin ako sa iyo. Mas mahaba ang
pinagsamahan namin ni Khalee paris sa iyo. At hindi mo ba nahahalata? Ginagamit ka
lang niya para makalimutan niya ako. Pero ang totoo, hindi niya ako kayang palitan.
Alam mo bang baliw na baliw sa akin ang babaeng iyon? Sarili niyang magulang
tinalikuran niya, maging ang propisyon niya. Matalino siya’ng bobo. Hindi niya
ginamit ang utak niya. Hindi niya alam, ginagatasan ko lang ang yaman niya,” sabi
pa nito.
Tuluyang sumiklab ang galit niya. Wala sa loob na hinugot niya ang kuwarenta’y-
singkong kalibre na sukbit sa baywang ng bantay na pulis. Gigil na naitutok niya
iyon kay Anton.
Awtomatiko’y may dumating na mga pulis at ginapos siya. “Hayop ka! Sisiguraduhin
ko’ng mabubulok ka diyan!” asik niya habang kinakaladkad siya ng mga pulis palabas
ng estasyon.
Humiga na lamang siya sa tabi nito at niyakap ito hanggang sa unti-unti nang
humuhupa ang galit niya. Mayamaya’y ginugupo na rin siya ng antok.
=================
Chapter Eight
MAKALIPAS ang dalawang linggo, naipanalo ni Scotch ang kaso laban kay Anton at
nakapiit na ito. Hindi rin naman ito nanlaban.
Sinisi pa siya ni Sandy kung bakit nakulong ang tatay ng ipinagbubuntis nito. Nang
magkita sila sa Detention Center ay panay ang sumbat nito sa kanya. Kung hindi
lamang niya inaalala ang pagbubuntis nito ay papatulan niya ito.
Hindi alam ni Scotch na dinalaw niya sa kulungan si Anton. Wala naman siyang ginawa
kundi sinampal ng isang beses si Anton saka sinumbatan. Ngunit paglabas niya ng
gusali ay nasalubong niya si Scotch. Naka-uniporme pa ito ng NBI.
Nagtatagis ang mga bagang nito. “Dinalaw mo? Nakuha mo pa siyang dalawin sa kabila
ng mga ginawa niya sa iyo?!” nanggagalaiting saad nito.
Ilang sandali lamang ay nakabalik na ito. Dinala siya nito sa restaurant kung saan
ito madalas nananghalian. Malapit lamang iyon sa estasyon ng mga ito.
Habang kumakain sila ay panay ang sulyap niya sa mukha ni Scotch. Napansin niya na
kumakapal na ang eye bags nito. Pakiwari niya’y hindi na ito natutulog. Ilang gabi
na itong natutulog sa tabi niya at tuwing magigising siya sa umaga ay wala na ito
sa tabi niya.
Minsan naman ay natutulog siyang mag-isa at paggising niya’y katabi na niya ito.
Naiisip niya na baka masyado na niya itong naaabala.
“Hum?” anito.
“Puwede namang hindi mo na ako bantayan. Nakakulong naman na si Anton. Palagay ko’y
hindi ka na nakakatulog ng maayos,” aniya.
“Kahit hindi ka na matulog sa bahay. Baka kasi nag-aalala na rin ang mga magulang
mo.”
“Bakit? Ayaw mo na ba akong katabi? Kung gusto mo sa salas nalang ako matulog,”
anito.
“Ah, h-hindi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nag-aalala lang kasi ako sa
kalusugan mo,” aniya.
Bumungisngis ito. “Don’t worry, hindi na kita gagapangin,” pilyong sabi nito.
Uminit nalang bigla ang pisngi niya. “Baliw. Ang dumi ng isip mo,” naiilang na sabi
niya.
Pinisil nito ang pisngi niya. “Ang pula ng pisngi mo. Sige, hindi ako matutulog sa
bahay mo mamayang gabi. May duty ako sa bar mamaya. Baka doon na rin ako matulog,”
anito.
“Bakit doon? Bakit hindi sa bahay ninyo? Baka mamaya niyan, may tumabi sa iyo na
kung sinong lasing na babae at makalimot ka,” nakasimangot na sabi niya.
Bahagya itong natawa. “Tapos ngayon mag-iisip ka ng ganyan? Huwag kang mag-alala,
hindi na ako tinatablan ng tukso,” anito.
Tumaas ang isang kilay niya. “Hindi tinatablan ng tukso, ah,” tudyo niya.
“Alam mo, kahit anong iwas mo sa tukso, dadapo at dadapo parin sa iyo dahil ikaw
mismo ay isang tukso. Walang babae na hindi lilingon sa iyo. Akala mo hindi ko
alam? Ang dami kong nakainuman sa bar ninyo na ikaw ang hinahanap,” aniya.
“O ‘di ba? Ilan ang babae mo noong panahon na hindi mo pa ako nakilala?” usisa
niya.
Tumawa ito. “Past is past, Khalee. Wala naman akong sineryoso sa mga iyon. Dumating
din ang pagkakataon na nagsawa ako. At ito na ang panahon na gusto ko nang
magseryoso. Salamat at nakilala kita. Binigyan mo ako ng pangitain na ito na ang
tamang panahon.”
“Hum, wala ka atang tiwala sa akin. Nagdududa ka pa ba?” kapagkuwa’y saad nito.
“Hindi naman. Ramdam mo naman siguro kung paano ko ibinigay sa iyo ang buong tiwala
ko,” aniya.
Ngumiti ito. “Wagas ka pala talagang magmahal. Totoo ngang nakakabobo ang pag-
ibig,” anito.
Binato niya ito ng mahayap na tingin. “Pinapatamaan mo ba ako?” nakasimangot na
tanong niya.
“Huwag kang magalit. Kahit papano naman ay natauhan ka na. Sayang, lawyer ka na
sana,” anito.
Natigilan siya. Paano nito nalaman na nagtapos siya ng abogasya? Ang alam niya’y
hindi pa niya nasasabi rito kung ano ang natapos niyang kurso. Wala pa siyang
nababanggit dito tungkol sa pamilyang kinabibilangan niya.
“Ahm, James, paano mo nalaman na law ang tinapos ko?” seryosong tanong niya.
Hindi siya kumbinsido sa sagot nito. “Gano’n ba? Ang totoo kasi, graduate talaga
ako ng Law. Hindi lang ako nakapag-bar exam,” bunyag niya.
“Sayang nga. Pero puwede pa naman akong mag-exam. Naghihintay lang ako ng tamang
pagkakataon para makapag-review,” aniya.
“Okay ‘yan. Sayang kasi ang panahon. Kailan mo ba balak mag-exam?” pagkuwa’y tanong
nito.
Hindi siya kaagad nakasagot. Kailangan pa kasi niyang umuwi sa Davao para
asikasuhin ang mga papeles niya. “Hindi pa ako makapagdesisyon sa ngayon,” sabi na
lamang niya.
Tumayo na ito at tinungo ang palikuran. Nagpatuloy lamang siya sa pagsubo. Mamaya’y
biglang tumunog ang cellphone ni Scotch na nasa tabi ng plato nito.
May tumatawag sa cellphone nito. Natukso siyang kunin ang cellphone at inalam kung
sino ang tumatawag. Natigilan siya nang mabasa ang nakarehistrong pangalan.
Hindi niya iyon sinagot bagkus ay binalik na lamang niya iyon sa tabi ng plato ni
Scotch. Bigla na lamang siya nilamon ng kaba. Wala siyang ibang kilalang Atty.
Ocampo kundi ang lolo niya.
Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya. Nagtatrabaho si James sa Private
Investigation Agency at ang sabi nito’y may binuksan ang mga ito na bagong sangay
ng ahensiya sa Davao.
Hindi na niya naubos ang pagkain niya hanggang sa dumating na lamang si Scotch.
Pinakiramdaman niya ito. Abala na ito sa pagtipa sa cellphone nito. Maya’t-maya rin
ang sipat nito sa kanya.
Hindi parin siya mapakali sa natuklasan niya. Bagaman hindi siya sigurado pero
malakas ang kutob niya na may mga hakbang si Scotch na lihim nitong itinatago sa
kanya.
Kinagabihan, ang akala niya’y tutupad si Scotch sa usapan nila na hindi na muna ito
matutulog sa bahay niya. Pero nang nakahiga na siya sa kama at bahagya nang
ginugupo ng antok ay saka naman niya naramdaman ang mainit na mga kamay na
namulupot sa baywang niya.
Naamoy niya si Scotch. Amoy pinaghalu-halong alak ang binata. Nagkunwari na lamang
siyang tulog. Mayamaya’y naramdaman niya ang init ng hininga nito na bumubuga sa
puno ng tenga niya.
Ilang sandali pa’y tumutulay na ang mainit na bibig nito sa nahantad niyang
balikat. Hindi lamang siya kumikibo. Pinapakiramdaman lamang niya ang ginagawa
nito.
Pakiwari niya’y hindi na ito nakakatulog kapag hindi siya katabi. Kung tutuusin ay
kasal nalang ang kulang sa kanila.
Kahit naman madalas silang matulog na magkatabi ay hanggang halik at yakap lamang
ang iginagawad nito sa kanya. Minsan pa’y tinutulugan siya nito habang nagkukuwento
siya. Marahil ay sa sobra na ring pagod.
Huminto lamang ito sa pangangapa sa katawan niya nang biglang tumunog ang cellphone
nito. Naramdaman niya ang pagbalikwas nito ng bangon. Lumabas ito ng pinto.
Bumaba pa ng hagdan ang lalaki at lumabas ng kabahayan. Nagdududa na siya kung sino
ang kakausapin nito sa cellphone nito.
Bumaba rin siya. Kumubli siya sa likod ng pinto habang pinapakinggan ito.
“Opo. Maayos naman po ang kalagayan niya. Huwag na po kayong mag-alala, ako na po
ang bahalang mag-set up. Tatawagan ko nalang po kayo kapag may eksaktong petsa na
para hindi kayo maabala sa pagpunta rito,” sabi ni Scotch.
Hindi niya makuha ang sapat na impormasyon. Pakiwari niya’y wala naman iyong
kinalaman sa kanya. Iniisip niya na baka ibang tao ang kilala nitong Atty. Ocampo.
Mayamaya pa'y naririnig na niya ang yabag nito na papaakyat ng hagdan. Umayos na
siya ng higa—patagilid at nagkumot hanggang leeg. Mariing ipinikit niya ang kanyang
mga mata.
Umupo ito sa tabi niya at panay ang tipa sa cellphone nito. Nagulat siya nang bigla
na lamang itong pumaibabaw sa kanya. Napilitan siyang dumilat nang tuluyan.
Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “Sabi ko na nga ba, gising ka lang,” anito.
“Ohs, kanina mo pa ako nakikita. Pinagninilayan mo lang ako, ano? Ikaw din,
magkakakuliti ka sa mata,” pilyong sabi nito.
“Ang kapal ng apog mo. Ikaw nga itong nagbabandera ng katawan sa harap ko,” buwelta
niya.
“Tuwang-tuwa ka naman?”
Tinulak niya ang dibdib nito. Umahon naman ito at humiga ng patagilid habang
nakaharap sa kanya. Nakatukod ang isang kamay nito sa ulo nito.
Hinarap naman niya ito. “Akala ko ba’y sa bar ka matutulog?” pagkuwa’y usisa niya.
“Konti lang naman. Napasubo kasi ako kina Whiskey at Brandy. Bakit pala hindi ka pa
natutulog? Late na ah,” kapagkuwa’y saad nito.
“Matutulog na nga sana ako kaso dumating ka. Nalipasan tuloy ako ng antok,” aniya.
“Matulog ka na,” utos nito.
Kapagkuwa’y niyakap siya nito at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Matagal ang
halik na iyon at unti-unting lumalalim.
Nang magsimulang kumilos ang mga kamay nito ay itinulak niya ang dibdib nito.
Kumalas ito sa kanya.
“Paano ako matutulog? Magbihis ka na nga. Nakakasinat ang hubad mong katawan!”
naiinis na sabi niya.
Kaya hanggat maari ay ayaw niyang umalis sa tabi nito. Sumisidhi lamang ang kirot
sa puso niya ngayong naipabatid na niya kay Atty. Ocampo na natagpuan na niya ang
apo nito.
Nasasabik na rin si Atty. Ocampo na makita ang apo nito. Natutuwa siya na minsa’y
nalulungkot. Pero nakapagpasya na siya.
Gusto niyang maayos ang buhay ni Khalee kaya ibabalik niya ito sa pamilya nito.
Alam niyang mag-iisip ng masama si Khalee kapag nalaman nito ang totoo pero
inihahanda na rin niya ang sarili niya para sa kaganapan.
Hindi niya sinabi kay Atty. Ocampo ang tungkol sa kanila ni Khalee baka ika niya’y
hindi magugustuhan ng ginoó. Pinag-aaralan na rin niya kung paano masanay na wala
sa tabi niya ang dalaga.
Isusuko niya ito sa magulang nito pero hindi ibig-sabihin na isusuko na lamang niya
basta ang pag-ibig niya para rito. Umaasa na lamang siya sa tadhanang maglalagay sa
kanila sa tamang pagkakataon.
Masyado pang maaga upang isipin niya na sila na talaga ang para sa isa’t-isa. Pero
mahal niya si Khalee.
Saka na lamang siya mag-iisip ng hakbang upang mapasakanya ito ng tuluyan kapag
nasa maayos na ang buhay nito. Layon niyang matanggap ulit si Khalee ng magulang
nito lalo na malamang ng Mama nito.
LINGGO ng gabi, apat na oras lang ang duty ni Scotch sa bar. Pagsapit ng alas-onse
ng gabi ay dumating si Brandy, Whiskey at Wine—grupong kinabibilangan niya na
tinaguriang babaero boys. Niyaya nanaman siya ng mga ito na iminom, pero doon lang
din sa bar.
Napansin niya na taliwas na sa usapan ang mga babae. Oo nga at may kanya-kanya na
silang mga nobya na pareho pa atang sineryoso. Noong nakaraang araw lamang ay
nabatid niya na kasintahan na ni Whiskey ang may-ari ng Martini Bar na si Katrina.
Si Br�� anito.
Natigilan siya. Paano nito nalaman na nagtapos siya ng abogasya? Ang alam niya’y
hindi pa niya nasasabi rito kung ano ang natapos niyang kurso. Wala pa siyang
nababanggit dito tungkol sa pamilyang kinabibilangan niya.
“Ahm, James, paano mo nalaman na law ang tinapos ko?” seryosong tanong niya.
Hindi siya kumbinsido sa sagot nito. “Gano’n ba? Ang totoo kasi, graduate talaga
ako ng Law. Hindi lang ako nakapag-bar exam,” bunyag niya.
“Sayang nga. Pero puwede pa naman akong mag-exam. Naghihintay lang ako ng tamang
pagkakataon para makapag-review,” aniya.
“Okay ‘yan. Sayang kasi ang panahon. Kailan mo ba balak mag-exam?” pagkuwa’y tanong
nito.
Hindi siya kaagad nakasagot. Kailangan pa kasi niyang umuwi sa Davao para
asikasuhin ang mga papeles niya. “Hindi pa ako makapagdesisyon sa ngayon,” sabi na
lamang niya.
“Sabihin mo lang kapag handa ka na para matulungan kita,” anito.
Tumayo na ito at tinungo ang palikuran. Nagpatuloy lamang siya sa pagsubo. Mamaya’y
biglang tumunog ang cellphone ni Scotch na nasa tabi ng plato nito.
May tumatawag sa cellphone nito. Natukso siyang kunin ang cellphone at inalam kung
sino ang tumatawag. Natigilan siya nang mabasa ang nakarehistrong pangalan.
Hindi niya iyon sinagot bagkus ay binalik na lamang niya iyon sa tabi ng plato ni
Scotch. Bigla na lamang siya nilamon ng kaba. Wala siyang ibang kilalang Atty.
Ocampo kundi ang lolo niya.
Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya. Nagtatrabaho si James sa Private
Investigation Agency at ang sabi nito’y may binuksan ang mga ito na bagong sangay
ng ahensiya sa Davao.
Hindi na niya naubos ang pagkain niya hanggang sa dumating na lamang si Scotch.
Pinakiramdaman niya ito. Abala na ito sa pagtipa sa cellphone nito. Maya’t-maya rin
ang sipat nito sa kanya.
Hindi parin siya mapakali sa natuklasan niya. Bagaman hindi siya sigurado pero
malakas ang kutob niya na may mga hakbang si Scotch na lihim nitong itinatago sa
kanya.
Kinagabihan, ang akala niya’y tutupad si Scotch sa usapan nila na hindi na muna ito
matutulog sa bahay niya. Pero nang nakahiga na siya sa kama at bahagya nang
ginugupo ng antok ay saka naman niya naramdaman ang mainit na mga kamay na
namulupot sa baywang niya.
Naamoy niya si Scotch. Amoy pinaghalu-halong alak ang binata. Nagkunwari na lamang
siyang tulog. Mayamaya’y naramdaman niya ang init ng hininga nito na bumubuga sa
puno ng tenga niya.
Ilang sandali pa’y tumutulay na ang mainit na bibig nito sa nahantad niyang
balikat. Hindi lamang siya kumikibo. Pinapakiramdaman lamang niya ang ginagawa
nito.
Pakiwari niya’y hindi na ito nakakatulog kapag hindi siya katabi. Kung tutuusin ay
kasal nalang ang kulang sa kanila.
Kahit naman madalas silang matulog na magkatabi ay hanggang halik at yakap lamang
ang iginagawad nito sa kanya. Minsan pa’y tinutulugan siya nito habang nagkukuwento
siya. Marahil ay sa sobra na ring pagod.
Huminto lamang ito sa pangangapa sa katawan niya nang biglang tumunog ang cellphone
nito. Naramdaman niya ang pagbalikwas nito ng bangon. Lumabas ito ng pinto.
Bumaba pa ng hagdan ang lalaki at lumabas ng kabahayan. Nagdududa na siya kung sino
ang kakausapin nito sa cellphone nito.
Bumaba rin siya. Kumubli siya sa likod ng pinto habang pinapakinggan ito.
“Opo. Maayos naman po ang kalagayan niya. Huwag na po kayong mag-alala, ako na po
ang bahalang mag-set up. Tatawagan ko nalang po kayo kapag may eksaktong petsa na
para hindi kayo maabala sa pagpunta rito,” sabi ni Scotch.
Hindi niya makuha ang sapat na impormasyon. Pakiwari niya’y wala naman iyong
kinalaman sa kanya. Iniisip niya na baka ibang tao ang kilala nitong Atty. Ocampo.
Mayamaya pa'y naririnig na niya ang yabag nito na papaakyat ng hagdan. Umayos na
siya ng higa—patagilid at nagkumot hanggang leeg. Mariing ipinikit niya ang kanyang
mga mata.
Nanatili siyang nakasilip. Mayamaya pa’y namataan niya si Scotch na wala ni anong
saplot sa katawan na palakad-lakad sa harapan niya. Napalunok siya nang makita
nanaman ang kakisigan nito. Makalipas ang ilang sandali ay pumasok na ito sa banyo.
Umupo ito sa tabi niya at panay ang tipa sa cellphone nito. Nagulat siya nang bigla
na lamang itong pumaibabaw sa kanya. Napilitan siyang dumilat nang tuluyan.
Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “Sabi ko na nga ba, gising ka lang,” anito.
“Ohs, kanina mo pa ako nakikita. Pinagninilayan mo lang ako, ano? Ikaw din,
magkakakuliti ka sa mata,” pilyong sabi nito.
“Ang kapal ng apog mo. Ikaw nga itong nagbabandera ng katawan sa harap ko,” buwelta
niya.
“Tuwang-tuwa ka naman?”
Tinulak niya ang dibdib nito. Umahon naman ito at humiga ng patagilid habang
nakaharap sa kanya. Nakatukod ang isang kamay nito sa ulo nito.
Hinarap naman niya ito. “Akala ko ba’y sa bar ka matutulog?” pagkuwa’y usisa niya.
“Konti lang naman. Napasubo kasi ako kina Whiskey at Brandy. Bakit pala hindi ka pa
natutulog? Late na ah,” kapagkuwa’y saad nito.
“Matutulog na nga sana ako kaso dumating ka. Nalipasan tuloy ako ng antok,” aniya.
Kapagkuwa’y niyakap siya nito at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Matagal ang
halik na iyon at unti-unting lumalalim.
Nang magsimulang kumilos ang mga kamay nito ay itinulak niya ang dibdib nito.
Kumalas ito sa kanya.
“Paano ako matutulog? Magbihis ka na nga. Nakakasinat ang hubad mong katawan!”
naiinis na sabi niya.
Kaya hanggat maari ay ayaw niyang umalis sa tabi nito. Sumisidhi lamang ang kirot
sa puso niya ngayong naipabatid na niya kay Atty. Ocampo na natagpuan na niya ang
apo nito.
Nasasabik na rin si Atty. Ocampo na makita ang apo nito. Natutuwa siya na minsa’y
nalulungkot. Pero nakapagpasya na siya.
Gusto niyang maayos ang buhay ni Khalee kaya ibabalik niya ito sa pamilya nito.
Alam niyang mag-iisip ng masama si Khalee kapag nalaman nito ang totoo pero
inihahanda na rin niya ang sarili niya para sa kaganapan.
Hindi niya sinabi kay Atty. Ocampo ang tungkol sa kanila ni Khalee baka ika niya’y
hindi magugustuhan ng ginoó. Pinag-aaralan na rin niya kung paano masanay na wala
sa tabi niya ang dalaga.
Isusuko niya ito sa magulang nito pero hindi ibig-sabihin na isusuko na lamang niya
basta ang pag-ibig niya para rito. Umaasa na lamang siya sa tadhanang maglalagay sa
kanila sa tamang pagkakataon.
Masyado pang maaga upang isipin niya na sila na talaga ang para sa isa’t-isa. Pero
mahal niya si Khalee.
Saka na lamang siya mag-iisip ng hakbang upang mapasakanya ito ng tuluyan kapag
nasa maayos na ang buhay nito. Layon niyang matanggap ulit si Khalee ng magulang
nito lalo na malamang ng Mama nito.
LINGGO ng gabi, apat na oras lang ang duty ni Scotch sa bar. Pagsapit ng alas-onse
ng gabi ay dumating si Brandy, Whiskey at Wine—grupong kinabibilangan niya na
tinaguriang babaero boys. Niyaya nanaman siya ng mga ito na iminom, pero doon lang
din sa bar.
Napansin niya na taliwas na sa usapan ang mga babae. Oo nga at may kanya-kanya na
silang mga nobya na pareho pa atang sineryoso. Noong nakaraang araw lamang ay
nabatid niya na kasintahan na ni Whiskey ang may-ari ng Martini Bar na si Katrina.
Si Wine naman ay ewan niya kung seryoso ba ito sa long time girlfriend nitong si
Vannesa.
Tumawa ng sabay ang tatlo. “Ang lupet mo, dude. Loko, pakasalan mo muna,” sabi sa
kanya ni Wine.
“Huwag mo nang isipin ang komplikasyon, dude. Mahal mo na ‘di ba? Don’t say
compatible lang kayo sa kama?” natatawang wika ni Whiskey.
“Hindi mga, Dude. I’m planning to marry her after the rainbow’s gone,” makahulugang
wika niya.
“Wow, mukhang niluluto mo ng husto ang relasyon ninyo, ah. Iba na talaga ngayon,
ano? Asal muna bago kasal?” pilyong saad ni Whiskey.
Tumitig siya kay Whiskey. “Talk to my lawer, dude. Patunayan mo sa akin na inosente
ka,” natatawang sabi niya kay Whiskey.
“Bakit? Totoo naman ‘di ba, Brandy, Wine?” ani Whiskey at pinagtatapik ang balikat
nina Brandy at Wine.
Tawa lang nang tawa si Whiskey. Umiling-iling siya. Uminit ang mukha niya dahil sa
mga nakakapasong mga sinabi nito.
“Alam n’yo mga, dude. Ang tingin ng iba ay wala akong sineryosong babae, pero hindi
nila alam—may limitasyon ang kalandian ko. Oo, maraming babae na ang dumaan sa
buhay ko at hindi ko maikakaila na pinagbigyan ko silang lahat. Pero sa babaeng
siniseryoso ko, halik lang ang kaya kong igawad sa kanya. Kahit ganito ako,
pangarap ko ring makapag-asawa ng birhen,” walang abog na pahayag ni Whiskey.
Ayaw maniwala ni Scotch pero nararamdaman niya’ng seryoso si Whiskey. Naiisip din
niya ang aral. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Pangalawa lamang siya sa buhay ni
Khalee at hindi hadlang sa kanya ang sinabi minsan sa kanya ni Anton na sinalo niya
ang babaeng pinagsawaan na nito.
Nasaktan siya nang sabihin iyon ni Anton sa kanya. Pakiramdam niya’y inapakan niyon
ang pagkalalaki niya.
Pakialam niya. Hindi lang naman dangal ng babae ang habol niya. Mahal niya si
Khalee at minahal na niya ang buong pagkatao nito.
Ito na marahil ang kapalit ng mga bisyo niya noon. Marami din siyang pinaasa na
babae, sinaktan at dinungisan. Ngayon lamang niya naisip na may kabayaran ang lahat
ng iyon.
Ngayon ay tila nauubusan na siya ng babae. Hindi na magawang matukso ng mga mata
niya sa mga nakikitang magagandang babae. Ayaw na ring tumibok ng puso niya sa iba.
Bata pa naman siya. Trenta’y-dos anyos pa lamang siya at kasaganahan pa iyon ng
init.
Ewan niya. Gusto na ata niyang mag-asawa. Gusto na niyang magkaroon ng mga anak at
mamuhay ng tahimik.
Napaparami na ang inom niya. Ang mga kasama niya ay buhay pa ang sigla sa
kuwentuhang kompanyero.
Sa ngayon ay iiwas muna siya kay Khalee. Lalo lamang kasi siyang nagagapos sa
pagmamahal niya sa dalaga na magiging sanhi ng masidhing sakit kapag nawala ito sa
kanya.
Nang ayaw nang tumanggap ng alak ang sikmura niya ay nagpaalam na siya sa mga
kasama. Kahit nahihilo na ay nagmaneho parin siya ng motor siklo.
Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya na gising pa ang Tatay at Nanay niya.
Nag-uusap ang mga ito sa salas. Nagulat ang mag-asawa nang makita siya.
“Oh, Anak, akala ko hindi ka na rito matutulog,” bungad sa kanya ng Nanay niya.
Sinalubong siya nito sa pinto.
Humihigop ng kape si Tomas. “Mabuti naman, Anak. Aba’y matagal din tayong hindi
nagkita. Nagkakasalisi lamang tayo. Para kang amoy lalaking gusto nang mag-asawa,
ah,” pabirong wika ni Tomas.
“Hay naku, Tomas, magpapakain ako sa buong barangay kung mag-aasawa na iyang binata
mo,” sabad naman ng Nanay niya.
=================
Chapter Nine
LIMANG gabi nang hindi natutulog sa bahay ni Khalee si Scotch at labis iyong
ikinababag ng damdamin ng dalaga. Ni hindi manlang siya nito dinadalaw. Kung
dadayuhin naman niya ito sa bar ng mga ito ay parati itong wala.
Hindi na tuloy niya alam kung ano ang iisipin niya. Nang gabi ng Sabado ay nagsadya
siya sa Gentlemen’s Bar. Alas-sais pa lamang ng gabi ay naroroon na siya at
inaantabayanan si Scotch.
Umakyat na lamang siya sa ikalawang palapag at nanood ng live band. Halos isang
oras na siyang nakaupo sa sofa hanggang sa hindi niya namalayan na nakakatulog na
siya. Paggising niya’y alas-nuwebe pasado na. Nagmadali siyang bumaba at lumapit sa
bar counter.
Kung tutuusin pala ay nagkasalisi lang sila. Marami kasing tao kaya siguro hindi
niya nakita ang lalaki. Bumalik nanaman siya sa music bar at hinagilap ang katipan.
Nakipaggitgitan siya sa mga tao at isa-isang sinipat ang mga lalaking naroroon.
Pagdating niya sa pasilyo papuntang palikuran ay namataan niya si Scotch na may
kahalikang babae. Nakasandal ito sa dingding habang yakap ng babae.
Animo’y sinilaban ng amoy ang buong katawan niya. Nag-init ang bunbunan niya at
tuluyang sumabog ang galit na hindi niya natimpi. Malalaki ang hakbang na tinungo
niya ang dalawa at walang anu-ano’y hinablot niya ang mahabang buhok ng babae at
walang habas na pinagsasampal ang mukha nito.
Napahiga sa sahig ang babae saka niya ito dinambaan at hindi nilubayan ng sampal na
halinhinang sinasambunutan ang buhok nito.
Hindi niya ito pinapansin kahit panay ang kalabit nito sa balikat niya. Nang
pakiramdam niya’y wala nang ulirat ang babae ay binalingan naman niya ang magaling
na lalaki. Walang habas na pinagsasampal niya si Scotch at pinagsusuntok sa dibdib.
“Hayop ka! May balak ka palang pagtaksilan ako, bakit hindi mo ako inabisuhan? Wala
ka ring pinagkaiba kay Anton!” Pumalatak na siya.
Bumangon siya at sinugod nanaman ito ng sampal. Ginagap nito ang mga kamay niya at
isinandal siya sa dingding.
“Just a man? How dare you! Hindi mo ako mahal, James! Kung mahal mo ako, kahit
gayumahin ka pa ng kung sinong babae ay hindi ka papayag na masaktan ako. Kung may
balak kang lokohin at saktan ako, utang na loob, James, sabihin mo sa akin ng maaga
nang hindi ako parang tanga! Argh!” Marahas na itinulak niya ito.
“Hindi ko ginusto, oo. Umiiwas na nga ako, pero hindi ko inaasahan ang mga babaeng
gagawa ng ganoon sa akin,” paliwanag nito.
“Hindi lang ito ang unang beses na nakita kitang hinahalikan ng kung sinong babae,
at wala akong nakitang pagtutol mula sa iyo. Ginusto mo rin, eh kasi malandi ka!”
walang abog na sabi niya.
Sinugod nanaman niya ito at pinagsusuntok sa dibdib. Niyakap naman siya nito ng
ubod higpit. Nanghina siya nang maramdaman ang halik nito sa mga labi niya.
Itinulak nanaman niya ito. “Masakit, James. Alam mo ba ‘yon? Hindi ba nanggalaiti
ka nang makita mo kami ni Anton? Ganoon din ang nararamdaman ko. Gumaganti ka ba?”
nahihibang na sabi niya.
Mariing nagtagis ang mga bagang ni James. Tinapunan siya nito ng mahayap na tingin.
“Hindi kita sinusumbatan. Nakilala kita, ganyan ka na. At minahal ko ang lahat nang
iyon sa iyo, Khalee. Ginagawa ko ang lahat para maipadama sa iyo na wala akong
ibang dahilan para mahalin ka. Minahal kita kung ano o sino ka. Sana ikaw rin. Sana
minahal mo kung sino ako nang makilala mo,” madamdaming pahayag nito.
Lumuklok siya sa kama at humagulgol ng iyak. Umupo naman ito sa tabi niya at
ikinulong siya nito sa mga bisig nito.
“Marupok na ang puso ko, James. Natatakot akong iwan mo ako. Ikaw nalang ang meron
ako. Huwag mo akong sasaktan, parang awa mo na, James,” nahihibang na samo niya.
Kinapa niya ang magkabilang pisngi nito. Pakiwari niya’y namamaga iyon buhat sa mga
sampal niya. Namumula iyon ng husto. Tinitigan niya ito sa mga mata.
“Mangako ka sa akin, James, huwag mo akong iiwan. Huwag mo akong iiwan, ha?”
humihikbing sabi niya.
Tumitig lamang sa kanya ang binata. Wala itong naging tugon, bagkus ay siniil nito
ng halik ang kanyang mga labi.
“Mangako ka sa akin, James,” samo niya pagkuwan. Pakiramdam niya’y mababaliw siya
kapag hindi niya narinig ang sagot nito.
“Okay, hindi kita iiwan. Tama na. Tama na, huh? Pinapahirapan mo lang ang sarili
mo,” anito.
Inayos nito ang buhok niya. “Tama nang iyak. Ayusin mo na ang sarili mo,” anito.
Pumasok naman siya sa banyo at naghilamos. Kapagkuwa’y inayos na niya ang mukha
niya. Tinitigan niya ang mukha niya sa malaking salamin.
Unti-unti na ring humuhupa ang tensiyon sa dibdib niya. Tila ngayon lamang niya
nakilala ang sarili niya.
Inalipin siya ng galit kanina kaya pansamantalang nakalimutan niya ang sarili niya.
Ngayon lang din niya naramdaman ang hapdi ng mga palad niya buhat sa kakasampal sa
babae at sa mukha ni Scotch.
Paglabas niya’y namataan niya si Scotch na nakatayo sa harapan niya. Ngayon naman
ay naaawa siya nang makita ang pamumula ng pisngi ni Scotch.
Bigla siyang napayakap sa binata. “Sorry, James. Hindi ko lang talaga napigilan ang
sarili ko,” humihikbi nanamang wika niya.
Niyakap naman siya nito. “Tama na. Tumigil ka na sa kakaiyak. Uuwi na tayo,” anito.
Inayos nanaman niya ang sarili niya. Nang mahimasmasa’y sabay na silang lumabas.
Pinagtitinginan sila ng mga tao. Laman sila ng usap-usapan.
Pagdating nila sa bar counter ay naroroon ang ilang mga kaibigan ni Scotch. Hiyang-
hiya siya sa mga pinaggagawa niya. Hindi niya makuhang tingnan ang mga ito.
“Ano, Scotch. Knok out ka?” narinig niyang tanong ni Whiskey kay Scotch.
Mukhang masaya pa ang mga ito at tinapunan pa ng biro si Scotch. Naghihintay lamang
siya sa labas ng counter.
“Scotch, nakahanap ka rin ng katapat mo, ano? Ingat-ingat din ‘pag may time, dude”
sabi naman ni Brandy.
“Kumain ka na ba?” tanong sa kanya ni Scotch nang makarating na sila sa bahay niya.
“Anong oras na? Ano bang pinaggagawa mo sa maghapon?” galit na tanong nito.
Hinarap niya ito. “Wala akong ginawa sa maghapon kundi isipin ka, kung ano ang
ginagawa mo. Alas-sais palang ng hapon ay nasa bar na ako at hinihintay kita!” asik
niya. Tumaas nanaman ang presyon ng dugo niya.
“Hindi ko alam. Pakiramdam ko iiwan mo na ako.” Tumulo nanaman ang luha niya.
Bumuntong-hininga si Scotch. “Hindi rin kita masisi, Khalee, pero kailangan mong
magtiwala sa akin. Bakit naman kita iiwan?” anito.
“Hindi ako mapakali. Mawala ka lang sa panangin ko ay natatakot ako na baka hindi
ka na babalik. Baka nagsawa ka na rin sa akin.”
MARIING naisambunot ni Scotch ang kamay sa sarili niyang buhok. Nawindang siya sa
asal na ipinapakita si Khalee. Lalo tuloy siyang nahihirapan na isakatuparan ang
plano na ibalik ito sa mga magulang nito.
“Come on, Khalee. Busy ako at hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na huwag muna ako
matutulog dito?” aniya.
“Sorry.”
Hindi hamak din ang takot niya kanina nang makita ito sa bar. Hindi naman niya
inaasahan na hahalikan siya ng lasing na babae. Hindi siya kaagad nakapalag dahil
sa bilis ng pangyayari. Iiwas palang sana siya pero dumating na si Khalee.
Iyon ang pangyayari na ayaw sana niyang masaksihan ng dalaga. Ayaw niya itong
saktan kaya nag-iingat na siya sa mga tukso, pero sadyang dumidikit sa kanya ang
tukso.
In-steam muna niya ang mga hita ng manok bago iyon binudburan ng konting asin at
paminta—saka binabad sa binati na itlog habang nagpapainit siya ng mantika sa
kawali.
Nang mainit na ang mantika ay saka lamang niya nilublob sa breading mix ang mga
hita ng manok at isa-isang isinalang sa kumukulong mantika. Nagsalang din siya ng
bigas sa rice cooker. Niluto rin niya ang isang pakete ng instant sopas.
Nang sipatin niyang muli si Khalee ay nakapikit na ito at mukhang mahimbing na ang
tulog. Nilapitan niya ito at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha
nito. Kapagkuwa’y kinintalan niya ng halik ang mga labi nito.
Nang maluto na ang fried chicken niya at kanin ay inihain na niya iyon sa hapag.
Saka pa lamang niya ginising si Khalee. Tila naalimpungatan pa ito.
Ipinaghain pa niya ito ng pagkain at nag-abala pa siyang subuan ito. Inagaw naman
nito sa kamay niya ang kutsara.
Naghugas siya ng kamay. Nagkamay siyang kumain. Maya’t-maya niya itong sinisipat.
Nakailang sandok na siya ng kanin pero si Khalee ay hindi pa nangalahati ang unang
isinalin niya sa plato nito.
Inabutan niya ito ng sopas. Kinailangan pa niya itong subuan para lang maparami ang
kinain nito. Pakiwari niya’y hindi pa ito naliligo dahil amoy kama pa ito.
Nang matapos nilang maghapunan ay kinumbinsi pa niya itong maligo. Ayaw pa nitong
kumilos. Nakaupo lang ito sa kama.
“Ang init ng singaw ng katawan mo, maligo ka nga,” utos niya rito habang inaayos
niya ang mga unan sa kama.
“Hindi naman ako mabaho ah. Naghugas naman ako at nagbihis,” reklamo pa nito.
“Kahit na.”
“Hindi. Kaya ka matamlay dahil hindi ka naligo. Ano bang pinaggagawa mo sa sarili
mo? Tumayo ka na riyan,” aniya.
Hindi parin ito kumikilos. Mayamaya’y binuhat niya ito at sapilitang ipinasok sa
banyo saka itinutok sa shower. Nagsisisigaw ito ng buksan niya ang shower.
“Hoy, tumigil ka nga. Baka isipin ng kapitbahay hinahalay ka,” natatawang saway
niya.
“Talaga naman!”
Natoto na rin siyang kontrolin ang sarili niya sa tuwing magdikit ang mga hubad
nilang katawan. May mga magkakataon na iniisip niya na mag-asawa na talaga sila ni
Khalee.
Kasal nalang talaga ang kulang. Iyon ang gusto niyang maganap sa lalong madaling
panahon nang sa gayon ay malaya na siyang maangkin anumang sandali ang dalaga.
Disidido na siyang pakasalan si Khalee, pero hindi niya pipilitin ang panahon na
umayon sa kagustuhan niya. Marami pa siyang dapat ayusin. Marami pa siyang
kailangang ipagtapat sa dalaga. Maraming beses pa itong magagalit at baka nga
kasuklaman pa siya nito.
Gusto niyang maging legal at pormal ang pagmamahalan nila. ‘Yong tipo na alam ng
buong mundo ang pagmamahalan nila. At higit sa lahat—may basbas ng langit.
Maaring tama ito. Masyado nang marupok ang puso nito kaya ganoon na lamang ito ka-
bayolente nang makita siya na hinahalikan ng ibang babae. Kahit naman siguro siya.
Manggagalaiti siya kapag may ibang lalaking hahalik rito.
Katulad na lamang ni Anton. Kahit pa malaki ang naging papel ni Anton sa buhay ni
Khalee ay ipinaglaban parin niya ang bahagi niya.
Pakiramdam niya’y dinurog ni Anton ang pagkalalaki niya. Malaking insulto ang
ginawang iyon ni Anton sa kanya. Niyurakan niyon ang pagkatao niya.
Masyadong naging magaan ang buhay niya noong hindi pa dumating sa buhay niya si
Khalee. Laro lamang sa kanya ang pag-ibig. Pakiramdam kasi niya’y hindi siya
paliligayahin sa buong buhay niya ng mga babae. Para sa kanya, palipas oras lamang
ang mga ito.
Ngunit nang makilala niya si Khalee, napagtanto niya na higit pa sa isang ginto ang
halaga ng bawat babae. Ngayon lamang niya naisip na marami pala siyang sinirang
moraledad. Marami siyang sinaktan na babae.
Matagal na naghinang ang kanilang mga labi. Isang halik na tila panapos at hindi na
kailanman masusundan pa. Nararamdaman niya ang higpit ng yakap ng dalaga, init ng
mga haplos nito na naghahangad ng sapat na kasagutan.
“Pakakasalan kita kung may basbas ng mga magulang mo, Khalee,” aniya.
“Hindi ba tayo puwedeng ikasal na wala ang mga magulang ko?” paangil na tanong
nito.
“Gusto ko silang makilala. Gusto ko pormal mo akong ipakilala sa kanila kung gusto
mo talagang pakasalan kita.”
Tuluyan itong kumalas sa kanya. Binalot nito ng tuwalya ang hubad nitong katawan.
“Wala akong mga magulang, James. Nag-iisa lang ako,” may hinanakit na sabi nito.
“Paano ka nabuo kung wala kang mga magulan? Ano, maaga kang naulila? Khalee, kung
mahal mo ako, hindi ka magtatago ng lihim sa akin, hindi ka magsisinungaling. Alam
ko’ng may mga magulang ka pa. Ni minsan hindi mo pa sinasabi sa akin ang tungkol sa
pamilyang kinabibilangan mo,” aniya.
Lumabas ito ng banyo na agad naman niyang sinundan. “Bakit mo alam? Nag-iimbestiga
ka, ano?” anito nang muli siya nitong harapin.
“Wala ba akong karapatang gawin iyon? Wala ba akong karapatang malaman kung sino
ang mga magulang mo o nasaan sila? Kahit sabihin mo pang patay na sila ay may
karapatan akong makilala sila, Khalee,” namumurong saad niya.
“Well, madali mong gawin iyon dahil Private Investigator ka. Baka nga isa lang ako
sa mga subjects mo,” paratang nito.
Bahagya siyang natigilan. “Huwag sana nating pagtalunan ito. Ang gusto ko lang
naman ay sabihin mo sa akin ang tungkol sa mga magulang mo,” mahinahong wika niya.
“Okay. Nasa Davao ang parents ko, pero wala na akong komunikasyon sa kanila. Kung
bakit? Itinaboy nila ako bilang anak. Hindi nila ako naintindihan. Masyado nila
akong sinasakal sa mahigpit nilang batas. Lawyer ang mother ko, ganoon din ang
father ko. Panganay ako. Wala silang sinang-ayunan sa mga desisyon ko. Lahat ng
ginagawa ko pinupuna nila, mali ang lahat nang iyon. Hanggang sa dumating ang
panahon na pati ang puso ko ay hawak nila. Lumayas ako, sumama ako kay Anton.
Tinalikuran ko silang lahat,” imosyonal na kuwento nito kasabay sa pagtagistis ng
mga luha nito.
“Akala ko magiging maligaya at malaya ako kapag wala na sila sa buhay ko. Akala ko
si Anton ang pupuno ng lahat ng kakulangan sa buhay ko. Nagkamali ako,” patuloy
nito.
Bahagya ring nanikip ang dibdib niya. “Hindi naman siguro magdedesisyon ang mga
magulang mo kung makakasama sa iyo. Mahal ka nila kaya nila ginawa iyon. Nasasaktan
din sila, Khalee.” Inalu-alo niya ito.
“Hindi na nila ako tatanggapin. Galit sa akin ang Mama ko. Wala na siyang pakialam
sa akin,” anito.
Bigla niyang naalala si Gng. Margaret. Ramdam niya noon ang galit ng ginang nang
marinig niya iyong kausap si Atty. Ocampo. Pero naniniwala siya na dahil lamang
iyon sa pride ng ginang kaya iyon nakapagsalita ng hindi maganda.
“Ikaw ang nagkamali, Khalee. Mas mainam na ikaw ang lumapit sa kanila at hingin ang
kapatawaran nila, nang sa gayon ay matuldukan ang sigalot sa pagitan ninyo. Huwag
mong pairalin ang pride mo,” aniya.
Tumigil sa paghikbi ang dalaga nang yakapin niya ito. Nararamdaman niya ang
pagmamatigas nito. Mukhang mahihirapan siyang himukin ito upang ito na mismo ang
magbalik-loob sa mga magulang nito.
“Kahit hindi na nila ako tanggapin. Maligaya na akong kasama kita, James. Huwag mo
sanang mamasamain,” anito.
Hindi na lamang siya umimik. Pinabayaan na muna niya ito. Baka kung pilitin niya
ito ay baka magkasamaan lang sila ng loob.
“HI Khalee!” nakangiting bati ni Whiskey kay Khalee nang umupo siya sa harap ng bar
counter.
Ngumiti siya. Mayamaya’y napakislot siya nang biglang may pumisil sa tagiliran
niya. Kamuntik pa siyang tumulos sa kinaluklukan niyang stoll chair.
Ngali-ngali niyang sampalin si Scotch. “Baliw ka talaga, kamuntik nang malaglag ang
puso ko,” nakabusangot na sabi niya rito.
Niyakap naman siya nito buhat sa likuran. “Sorry. Nakahanda naman akong saluhin ang
puso mo sakaling mahulog,” pilyong sabi nito.
Panandaliang naghinang ang mga labi nila. “So let’s go?” kapagkuwa’y saad nito.
Nagpaalam na sila kay Whiskey. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ni Scotch.
Ang sabi nito’y magdi-dinner sila sa isang hotel. Nagulat siya nang huminto sila sa
tapat ng Manila Hotel.
Iginiya siya nito sa bakanteng mesa. “Hintayin mo ako dito, magbabanyo lang ako
sandali. Mag-order ka na ng gusto mo,” anito.
Hinalikan siya nito sa mga labi bago ito umalis. Umupo na lamang siya sa silya.
Mayamaya’y may lumapit na waiter at inabutan siya ng menu book.
Nagtataka siya bakit ang tagal ata ni Scotch. Nang tumayo siya ay nahagip ng
paningin niya ang matandang lalaki na papalapit sa kanya. Nawindang siya, nanlalaki
ang mga mata niya nang makita ang lolo Sebastian niya.
Anong ginagawa nito roon? Tila ba siyang binuhusan ng suka at bigla na lamang
siyang namutla. May kasama itong dalawang malalaking lalaki.
Walang humpay sa pagkabog ang dibdib niya. Panay ang linga niya sa paligid sa
kagustuhang makita si Scotch pero hindi na ito bumalik. Hindi niya malaman kung ano
ang iisipin at mararamdaman niya.
Natigilan siya. Pakiwari niya’y may tumulos na kung anong matulis na bagay sa puso
niya. Labis na nanikip ang dibdib niya.
Tinangka niyang lisanin ang lugar pero ginapos siya ng dalawang lalaki.
“Please, Khalee. Nag-arkila pa ako ng private plane para sunduin ka. Aalis tayo
ngayon din. Ang mga gamit mo ay pinakuha ko na kay Magda. Ibinilin ko na rink ay
Mang Anding. Isasama natin sa pag-alis ang so mong si Harry. Let’s go home, hija,”
wika ng ginoó.
Tuluyang nangilid ang luha niya. Labis ang paninikip ng dibdib niya na minsan ay
nahahalinhan ng galit. Galit para kay Scotch dahil sa pag-set-up nito sa kanya.
Pinagririinan niyang niloko lamang siya ng lalaki.
Wala na siyang magawa kundi sumama na lamang sa lolo niya. Ang pagmamahal niya sa
binata ay unti-unting nilalamon ng pagkasuklam.
Pakiramdam niya’y tuluyang namatay ang puso niya. Naisip niya na hindi pala talaga
siya minahal ni Scotch at pinagkakitaan pa siya nito.
Kinuha lamang nito ang loob niya para maisakatuparan nito ang trabaho. At ang
ikinababag ng damdamin niya ay nagpabayad pa ito sa lolo niya para lang maibalik
siya sa pamilya niya. Hindi na niya alam kung paano niya haharapin ang bukas na
walang pinapasang pasakit.
=================
Chapter Ten
PUMAPATAK ang luha ni Scotch habang sakay ng kanyang motor siklo at tinatahak ang
daan pabalik sa bar. Kumikirot ang dibdib niya na hindi niya mawari kung paano niya
susupilin ang damdamin niyang iyon.
Labag man sa loob niya ang desisyon, naisip niya na iyon lang ang mabisang paraan
upang malaya niyang maangkin si Khalee.
Pagdating sa bar ay uminom siya kasama si Brandy at Whiskey. Hindi niya napigil ang
sarili na ibahagi ang saloobin sa mga kaibigan. Tulad niya’y may kanya-kanya rin
namang suliranin sa pag-ibig ang mga ito.
“Ayos lang ‘yan, dude. Kung kayo talaga ang para sa isa’t-isa ay magtatagpo parin
ang mga puso ninyo,” wika ni Whiskey habang panay ang hagod sa likod niya.
“Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mararanasan ko. Ginawa ko lang naman ang
nararapat eh,” aniya.
“Malapit lang naman ang Davao, dude. Anytime puwede mong puntahan si Khalee,” sabi
naman ni Brandy.
“Walang problema ‘yon. Ang iniisip ay ang mararamdaman ni Khalee. Alam kong masama
ang loob niya sa akin at baka nga kinamumuhian na niya ako,” aniya.
“Bakit naman niya gagawin ‘yon? Mahal ka niya. Oo, magagalit siya, pero kung
magpapaliwanag ka ng maayos sa kanya ay hindi ka rin niya matitiis,” ani Brandy.
“Iyon din ang plano kong gawin, pero palilipasin ko muna ang galit niya,” aniya.
“Kaya mo ‘yan, dude. Nandito lang kami sakaling kailangan mo ng payo,” ani Whiskey.
“Wala naman tayong ibang pagsasandalan kundi tayo-tayo din na magkakaibigan,” ani
Brandy.
MAKALIPAS ang apat na buwan. Naghanda ng malaking salo-salo ang pamilya ni Khalee
nang makapasa siya sa bar exam bilang abogada. Sa kabutihang palad, nagkagaanang-
loob na muli sila ng mama niya. Hindi niya akalain na sa kabila ng matinding
sigalot sa pagitan nila—na alam niyang kasalanan niya ay ito pa mismo ang susuyo sa
kanya.
Isa nga itong ina. Hindi siya nito natiis. Humingi siya ng kapatawaran sa mga
pagkakamali niya at taos-puso naman nitong tinanggap. Inamin din nito na may
pagkukulang din ito sa kanya.
Ngayon ay kasalo niya ang buong pamilya sa isang masaganang hapunan. Naroroon din
ang ibang kaanak nila para batiin siya. Hindi naman siya nakaiwas sa mga panunukso
ng mga ito sa kanya tungkol sa personal niyang buhay-pag-ibig.
“Sa susunod dapat kasal naman ni Khalee ang dadaluhan namin,” wika ng pinsan niyang
si Mabel na isang doktora.
“Oo nga. Sana ‘yong tamang lalaki na,” gatong naman ng pinsan din niyang abogado na
si Ramil.
Sandali lamang siyang ngumiti. Bigla nanamang sumagi sa isip niya si Scotch.
Napagtanto niya na tila wala na ang hinanakit na minsang naghari sa puso niya para
sa binata, bagkus ay namimis na niya ito.
Sa halip na tumugon sa mga pasaring ng mga pinsan niya ay minabuti niyang itikom na
lamang ang bibig.
Matagal rin bago niya natanggap na iniwan siya ni Scotch. Dumating pa ang
pagkakataon na parang gusto na niyang kit’lin ang sariling buhay.
Pakiwari niya’y tuluyan nang nagsara ang puso niya at ayaw nang tumanggap ng
panibagong pag-ibig.
Nang makadama siya ng pagkahilo ay sumibat na siya. Mahinhin ang lakad niya papasok
sa kabahayan.
Nang tumapat naman siya sa study room ay napahinto siya sa paghakbang nang marinig
niyang may kausap sa telepono ang lolo niya. Inilapit niya ang tenga sa likod ng
pinto.
“Huwag kang mag-alala, hijo, hindi nagtatanim ng galit ang apo ko. Kung talagang
desidido ka, magmadali ka na at baka wala ka nang maabutan. Ang totoo’y masaya ako
na ikaw ang napunta sa apo ko. Pakiwari ko’y hindi ka rin basta-basta isusuko ng
apo ko. Basta ba huwag mo siyang sasaktan,” narinig niyang sabi ng lolo niya.
Wala siyang ideya kung sino ang kausap nito. Medyo nahihilo na rin kasi siya kaya
ayaw gumana ng isip niya. Pero napapadalas na ulit ang pagpadpad ng imahe ni Scotch
sa balintataw niya.
Ewan lamang niya bakit bigla atang kumabog ang dibdib niya. Pakiramdam niya’y may
darating na hindi inaasahang tao sa buhay niya. Nang wala na siyang marinig mula sa
lolo niya ay pumanhik na lamang siya sa kuwarto niya.
Pagdating sa opisina ng mga ito ay ipinakilala siya nito sa mga Agent nito at ibang
opisyales. Pagkatapos ng ilang oras na pagpupulong ay kinulit niya ang lolo niya na
gusto na niyang umuwi.
“Mauna ka na, Apo. Ihahatid ka nalang ng driver ko,” sabi sa kanya ng lolo niya.
Pagdating niya sa garahe ay umaandar na ang kotse ng lolo niya at may driver nang
naghihintay sa loob.
Padabog na binuksan niya ang pinto sa back seat at umupo sa gawing kaliwa na nasa
likurang bahagi ng driver. Mayamaya’y umusad na ang sasakyan. Nakatanaw lamang siya
sa labas buhat sa bintana.
Habang lumilipas ang ilang sandali ay nanunuot sa ilong niya ang pamilyar na
pabango ng lalaki. Ewan niya kung pabango ba iyon ng driver o sadyang amoy lamang
ng air freshener.
Hindi umiimik ang driver basta’t nagmamaneho lang ito. Kampante siya na ibababa
siya nito sa mall, pero nagulat siya nang lumampas na sila pero hindi pa nito
inihinto ang sasakyan.
“What the—sabi ko ibaba mo ako sa mall, eh!” asik niya at napapaangat siya sa
kinaluklukan.
Hindi parin umiimik ang driver. Uminit na ang bunbunan niya. Mamaya’y bigla nitong
inihinto ang sasakyan sa tapat ng lumang paliparan kung saan wala masyadong tao.
Malayo na iyon sa bayan.
“What the hell are you doing? Bakit tayo nandito?” naiinis na tanong niya.
Hindi parin umiimik ang lalaki. Tuluyang naubos ang pasensiya niya. Nagngingitngit
siya sa galit.
Natigilan siya nang mapamilyar sa kanya ang tinig ng lalaki. Bigla na lamang
tumulin ang tibok ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming umaalipin sa
kanyang nang mga sandaling iyon. Umangat siya sa upuan at dumukwang sa driver.
Hindi umimik ang lalaki bagkus ay bumaba ito ng sasakyan. Talimang bumaba rin siya
ng kotse at nanggalaiting hinarap si Scotch.
“Anong ginagawa mo dito? Ang lakas ng loob mong magpakita pa sa akin!” asik niya
rito.
“Nandito ako para hingin ang kapatawaran mo, Khalee. Hayaan mo akong magpaliwanag,”
seryosong wika nito.
“I’m sorry. Gusto ko lang maayos ang buhay mo at maibalik ka sa pamilya mo. Masakit
din iyon sa akin, Khalee. Minahal kita, mahal kita kaya ko ginawa iyon,” anito.
Hinampas niya ng kamay ang dibdib nito. Nangangati ang kamay niya na sampalin ito
ngunit hindi niya iyon magawang ipatama sa pisngi ng guwapong binata. Aminado siya
na namimis niya ang pagmumukha nito.
“Mahal? Nagpabayad ka kay lolo para ibalik mo ako sa kanila. Kung mahal mo ako,
hindi ka tatanggap ng suhol para malayo ako sa iyo! Pera lang ang gusto mo at hindi
ang pagmamahal ko, James!” asik niya.
“Nagkakamali ka, Khalee. Oo, binayaran ako ng lolo mo, pero ibinalik ko rin iyon sa
kanya. Hindi ko kailangan ng pera, Khalee. Hindi ko pa alam na ikaw ang apo ni
Atty. Ocampo ay minahal na kita, Khalee,” depensa nito.
“Sinungaling! Isa ako sa subject mo kaya pinilit mong makuha ang loob ko nang sa
gayun ay maisakatuparan mo ang trabaho mo!” giit niya.
“Hindi kita pinilit, Khalee. Huli na nang malaman ko ang tungkol sa pagkatao mo.”
“Bakit kailangan mo pang ilihim sa akin ang mga hakbang na ginagawa mo? Bakit
kailangan mo pa akong saktan?” puno ng hinanakit na tanong niya.
“Dahil hindi ka rin naman sasang-ayon kapag sinabi ko sa iyo ang totoo. Alam kong
kukontrahin mo lang ako at ayaw ko na madalas tayong magtalo.”
Humagulgol na siya ng iyak. “Sinungaling ka, James. Hindi mo manlang inisip ang
mararamdaman ko bago mo ginawa iyon. Hindi iyon pagmamahal. Sinaktan mo ako!”
Pinagsusuntok niya ito sa dibdib.
Mabilis na ginagap nito ang kamay niya. “Sorry na. Hindi naging madali sa akin ang
desisyon ko na iyon,” anito.
“Huwag kang umasa na tatanggapin kita, James. Durog na ang puso ko, alam mo naman
‘yon ‘di ba? Pero gumawa ka parin ng hakbang para masugatan nanaman ang puso ko.
Hindi ko na alam kung paano ako magtitiwala sa iyo. Iwan mo na ako dito,”
mahinahong pahayag niya.
Hindi manlang umimik ang lalaki. Nang kumilos ito upang lisanin siya ay bigla naman
nagpupuyos ang damdamin niya. Naiinis siya bakit parang ayos lang dito na
itinataboy niya ito. Hindi malang ba ito luluhod sa harapan niya at magmakaawang
patawarin niya—bagay na gusto niyang gawin nito?
Nagtatagis ang mga bagang niya habang sinusundan niya ito ng tingin habang papalayo
ito sa kanya. Ngali-ngali niya itong batuhin ng sandals niya. Talagang diri-diretso
ang lakad nito. Hanggang sa hindi niya natimpi ang kanyang damdamin. Nilamon siya
ng takot nab aka kapag hindi niya ito pinigilan ay tuluyan na itong mawala sa
kanya.
Noon niya napagtanto na hindi niya kayang ibaon sa galit at limot ang lalaki.
Napatunayan niya sa kanyang sarili na ito ang dahilan kung bakit siya nanatiling
buhay sa kabila ng mga pasakit niya sa buhay. Hindi na siya nagpadaig sa abosadong
pride niya.
Huminto naman sa paghakbang ang lalaki pero hindi siya nito nilingon.
Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ito. “Ano, papayag ka nalang na itaboy
kita? Hindi mo manlang ba ako pipilitin? Hindi ka manlang ba magmamakaawa?”
naiiritang tanong niya.
Hindi parin siya nito hinarap. “Hindi ko ugaling pilitin ang ayaw,” bagkus ay sabi
nito.
Lalo lamang siyang nairita. Bumaling siya sa harapan nito. “At basta ka nalang
susuko, huh?” seryosong saad niya.
“Agr!” Hinampas niya ang dibdib nito at hinapit ang damit nito sa dibdib.
Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito at hinatak pababa sa mukha niya
ang mukha nito upang maabot niya ang bibig nito. Kapagkuwa’y siniil niya ng halik
ang mga labi nito. Ang hudyo, hindi manlang tumugon!
Nangawit lang ang leeg niya pero hindi manlang ito tumugon sa halik niya. Sa inis
niya’y itinulak niya ito sabay bira ng talikod. Ngunit hindi pa siya nakakahakbang
ay sumabit na ang braso niya sa kamay ni Scotch.
Pumihit siyang muli paharap rito. Walang imik na kinabig nito ang baywang niya at
hinapuhap ng halik ang mga labi niya.
Mabilis na naglaho ang inis niya. Tumugon siya sa halik nito. Dama din niya ang
pananabik sa kanya ng binata. Tila ayaw na siya nitong pakawalan.
“What!” bulalas niya. Bahagya siyang umangat sa upuan at hinarap ito. Nagimbal ang
buong pagkatao niya. Bakit hindi niya namamalayan ang mga kaganapan?
“Sinabi ko sa kanila na ako mismo ang magsasabi sa iyo. Sila ang may gusto nito.”
Bahagya siyang nadesmaya. “Ah, so hindi pala ikaw ang may kagustuhan nito,” aniya.
“Hindi kasi nila alam na may relasyon tayo before. Nagulat nalang ako nang sabihin
ng lolo mo na ligawan kita. Nagulat din ako nang sabihin niya na ako ang gusto
niyang mapangasawa mo. Kasi daw kilala na niya ako,” paliwanang naman nito.
Natigilan si Khalee. Awtomatiko’y binato niya ng tingin ang Mama niya. Pagkuwa’y
sinipat din niya si Scotch. Wala namang bakas ng pagkawindang sa mukha nito.
“Anong maaga? Nagawa na nga nilang mag-live-in sa Maynila, kasal hindi pa nila
magawa?” mataray na saad ni Margaret.
“M-Ma, p-paano po ninyo nalaman?” hindi natimping tanong niya sa Mama niya.
“Nag-hire din ako ng PI para manmanan ka, Khalee. Nang malaman ko na hindi na si
Anton ang kasama mo ay nakampante na ako,” wika ng ginang.
“Ako na ang bahalang mag-proces for wedding kahit sa huwis muna habang wala pang
pormal na pamamanhikan. Pero magaganap din sa lalong madaling panahon ang church
wedding,” wika ni Margaret.
Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman niya. “Parang nagmamadali po ata kayo,
Ma,” wala sa loob na sabi niya sa mama niya.
Tumaas ang isang kilay ni Margaret. “Bakit parang ayaw n’yo? Gusto ko nang makita
ang apo ko sa iyo, Khalee, kaya magmadali kayo,” anito.
Uminit na lamang ang mukha niya. Naiilang tuloy siyang tingnan si Scotch. Hindi na
siya nakapagsalita hanggang matapos silang kumain. Nang minsan niyang makasalubong
sa pasilyo si Scotch kasama ang Lolo niya ay tila gustong tumalon ng puso niya.
Abala si Scotch sa pakikipag-usap sa mga magulang niya pero nahahalata niya na atat
na rin itong masolo siya. Pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na mapagsolo
dahil halos lahat ng kaanak niya ay kinikilatis si Scotch. Titiisin nalang niya ang
ilang araw na hindi ito masolo. Pagkatapos naman ng kasal ay kanila na ang mundo.
=================
Epilogue (finally)
KINAKABAHAN si Khalee habang sinusuklay niya ang mahaba niyang buhok. Unang gabi
iyon ng honeymoon nila ni Scotch. Habang naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa
banyo, wari’ng hinahalukay naman ang dibdib niya.
Ewan niya bakit tila kinakabahan siya. Magkahalong pananabik at kaba ang
nararamdaman niya.
Napakislot siya nang bumukas ang pinto ng banyo at agad ding sumara. Tapos na ring
maligo si Scotch at naamoy na niya ang mabangong sabon na ginamit nito.
Mayamaya pa’y nadama na niya ang init ng bibig ng kanyang asawa sa puno ng tenga
niya.
Tumutulay ang bibig nito sa nahantad niyang balikat. Pinalaya na nito sa saplot ang
katawan niya. Ilang sandali pa’y dumalantay ang mga kamay nito sa bawat bahagi ng
hubad niyang katawan
Natunton ng makapangyarihang mga kamay nito ang bawat umbok ng kanyang dibdib. Ang
bawat haplos ng palad nito ay naglilikha ng apoy na pumapaso sa kanyang kamalayan.
Hinarap niya ang asawa at buong paghangang pinagmasdan ang kakisigan ng katawan
nito.
Ibang-iba si Scotch ngayong asawa na niya paris noong katipan pa lamang niya ito.
Kakaibang pananabik ang nadarama niya habang iniisip ang nakatakdang maganap sa
kanila.
“Ngayon ko lang sasabihin sa iyo ‘to, Khalee. Sa iyo ko lang naramdaman na—I wanted
sex because I love you. Nang una palang kitang makita, alam ko’ng makukuha mo ang
puso ko,” mapusok na wika nito.
Ngumiti siya. “Salamat—salamat sa lahat, James. Kahit minsan mong sinugatan ang
puso ko, hindi iyon nag-iwan ng bakas dahil nagawa iyong hilumin ng pagmamahal ko
sa iyo. I love you so much,” madamdaming pahayag niya.
“I love you too, Khalee. Matagal kong hinangad na maangkin ka na walang pag-
aalinlangan, my precious wife.” Pagkuwa’y siniil nito ng halik ang kanyang mga
labi.
Nakakapaso ang init ng halik nito na tila noon lamang niya nadama. Ipinangko siya
nito at iginiya sa kama. Hindi pa lamang lumalapat sa kama ang katawan niya’y
inangkin na siya nito—nang maramdaman marahil nito ang labis na kahandaan niya.
Nag-aalab ang bawat pagdaiti ng mga hubad nilang katawan. Ang banayad nitong
pagkilos ay unti-unting dumalas hanggang halos panabay nilang iniunat ang mga
katawan bilang pagsalubong sa rurok ng kaluwalhatian.
Nanatili silang magkayakap habang magkaharap na nakahiga sa kama. “It was perfect,
honey,” anas nito pagkatapos na gawaran ng masuyong halik ang labi niya.
“Kailangan, eh.”
Uminit ang mukha niya. “First baby ka diyan. Ayaw kong malayo sa iyo. Sasama ako sa
iyo kahit saan. Uuwi nalang ako dito kapag may laman na ang sinampupunan ko, pero
dapat kasama ka parin,” nakasimangot na sabi niya.
Bumungisngis ito. “Sige na nga. Uuwi tayo sa Maynila. Gusto ka na ring makita nila
Nanay,” anito.
“Excited na rin akong makita sila.” Pagkuwa’y hinagkan siya nito sa noó.
Yumakap siya sa matipunong bisig ng kanyang asawa. Wala na siyang maihihiling pa.
Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.
Wakas!
Masisilip ang kubling detalye ng kanilang pagmamahalan sa ilang susunod pang aklat.
Nawa’y napulutan mo ng aral ang ilang kaganapan sa seryeng ito. Ilan lamang ito sa
mga halimbawa ng buhay pag-ibig sa realidad.
Susunod na ang nakakaaliw na kuwento ng buhay at pag-ibig ni Cordials-Hanzen
Kurama—ang binatang may mailap na puso at mahigpit na paninindigan. Isang mistiso
Hapones na namulat sa mahigpit na batas ng mga ninuno. Mahusay na
Engineer/Bartender.
Abangan.....