Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 103

Bartenders Series 3 Whiskey

by rhodselda-vergo

Filipino-Italian pero solid pinoy ang puso, liberated. Mahilig siya sa spicy foods
and Asian Cuisines. Kilala siyang isa sa lalaki na may generic na sex appeal, lahat
na uri ng babae ay tipo ang katulad niya. Playboy pero iisa lang ang babaeng gusto
niyang seryosuhin. Ang tipo ng babae na probinsiyana type at maka-old passion.
Naniniwala siya na sa pamamagitan ng mapusok niyang halik ay masusungkit niya ang
puso ng babaeng mailap sa kanya.

=================

Teaser

          PAKIRAMDAM ni Katrina Mirez ay pinaglalaruan siya ng tadhana. Maaga


siyang naulila sa mga magulang at pasan niya ang responsibilidad na alagaan at
paaralin ang nakababatang kapatid. Nakipagsapalaran siya sa ibang bansa para sa
kanyang pangarap na maging modelo. Subalit ang inaakala niyang magandang
pagkakataon ay isa palang bangungot. Nabiktima siya ng Human Trafficking.

          Dalawang linggo siya sa Dubai bago niya nakamit ang hustisya sa tulong ng
mesteryosong lalake na umano'y isang kilalang modelo sa Pilipinas. Unang sulyap
niya sa lalaking pinagpala ng kakisigan at kaguwapuahan ay akalain niyang ito na
ang natatanging lalake sa mundong ibabaw. Tumibok ang kanyang puso, nananabik at
umiibig, subalit langit ito na malabo na niyang marating.

          "Kung naging Modelo lang ako, hindi malabong mararating ko siya. Kailan
kaya kita makikilala, My hero, My Prince? Love at first sight with Strangers?"

         Umuwi siya sa bansa upang magnegosyo na lamang. Ngunit kabubukas pa lamang


ng kanyang bar ay tila nalulugi na dahil sa kakompitensiya niyang bar na pag-aari
umano ng isang nangangalang Jason Del Rosario. Inis na inis siya sa kalabang Bar at
minsan ay nag-espiya siya. At nawindang siya nang makita roon ang Modelong
pinagpapantasyahan niya gabi-gabi. Ang lalaking tumulong sa kanya upang makauwi sa
bansa.

          Pagkakataon na niya ito. Handa ba siyang magpakatanga para lang maipakita
sa lalaki na abot langit ang paghanga niya rito?

=================

Special Chapter

Bartenders Series ay napapatungkol sa mga magkakaibigan na natagpuan ang isa't-isa


sa parehong pagkahilig sa iba't-ibang uri ng liquor. Umiikot ang kani-kanilang mga
buhay sa isang Bar na kanilang naitatag at hindi hadlang ang tunay nilang propisyon
upang pangatawanan nila ang negosyo. Sa propisyon din nilang iyon matatagpuan ang
babaeng magpapatibok sa kani-kanilang mga puso. Naging sandigan nila ang isa't-isa
sa panahon ng dusa at hirap, sa luha at saya...

Ang nobelang ito ay napapatungkol sa kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pamilya


at isang propisyong napapanahon. Nawa’y magbigay insperasiyon sa bawat mambabasa
ang bawat kaganapan sa kuwento. Isa itong Fictional story pero ito po ay may
kinalaman sa totoong kaganapan sa buhay ng bawat tao.

History: Ang series novel na ito ay nabuo dahil sa isang lasing na lalaki na nakita
ko minsan sa isang bar noong taong 2010. Sumama ako sa mga katrabaho ko pero sila
lang ang uminom. Hindi kasi ako talaga umiinom maliban sa tubig, hehehe.

Hindi naalis ang paningin ko sa mamang lasing na nagsasalita mag-isa. Nagagalit


siya, minsan naman ay tumatawa at umiiyak. Sabi ko sa sarili ko, “Baliw ata ‘to.”
Natanong ko sa sarili ko, “Bakit nga ba naglalasing ang isang tao?” Sagot naman ng
‘anghel’ na nasa gawing kanan ng isip ko. ‘May problema sila kaya sila umiinom.
Para kahit sandali ay makakalimot sila. Maraming dahilan, minsan, para magdiwang ng
tagumpay. Ang iba naman, gusto lang makatulog ng mahimbing,’

Sumagot naman ang ‘demonyong’ nasa gawing kaliwa ng isip ko, ‘E kasi, gusto nilang
magkaroon ng lakas ng loob para makagawa ng imposible. Para kumapal ang mukha nila
at makapaghasik sila ng kasamaan, HAHAHAHAHAHA!’ Nanrindi ang tenga ko. Hinayaan ko
na ang ‘anghel’ at ‘demonyo’ na mag-diskusyon sa likod ng isip ko.

Nang tingnan ko ang mama ay nakatulog na ito sa ibabaw ng mesa. Iginala ko ang
paningin ko sa paligid, iba-ibang klase ng tao ang nakikita ko. May lalake, babae,
bakla, tomboy, matanda, binata, dalaga, piling binata’t dalaga. Ang daming
nangyayari, may nag-aaway, naghahalikan sa gigilid, may nagtatawanan, may
nagbabahagi ng problema etc. Ganito pala ang buhay sa mundong ibabaw. Napagtanto
ko, hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay bad impluence ang alak. Ngayon ko
lang na-realize na marami din pala itong magagawa sa buhay ng tao. Noon, naiirita
ako sa taong lasing. Nakakainis kasi talaga! Pero ngayon, naiintindihan ko na kung
bakit.

At dahil sa experience ko na iyon, bigla akong nagka-ideya para sa isang naiiba at


in-demmand na nobela. Hum, ang daming pumapasok sa isip ko hanggang sa mabuo ko ang
nakakaaliw na kuwento.

Ang una kong naisip na pamagat ng series ay “Hangovers” at nang malaman ko na nag-
aral ng Bartending ang dalawa kong kapatid na lalaki ay bigla kong naisip ang
“Bartenders” mas cool. Tinanong ko sila sa mga napag-aralan nila, nag-research ako.
At doon ko nalaman na ang dami pala ang uri ng liquor sa mundo.

So nakapagsulat na ako, pero draft lang. Nang i-post ko sa facebook at booklat site
nitong taon lang ang advertisement ng series—ay nagulat ako nang marami ang nag-
like. Plano ko sana na apat lang ang gagawin ko, kaso maraming friend ko sa fb at
co-writer ko na nag-request na gawin ko silang leading-lady ng mga hero ko.

E, ang dami nila. Kaya tuloy, ang apat ay naging isang dosena. Haha, napasubo ako.
Pero sige na nga. Naging insperasyon ko rin ang nobelang ito kasi natutuwa ako sa
concept na ginamit ko at naging mas open minded ako at ang dami kong bagong
natutunan. Ito ang history ng series na ito. Thank you!

Whiskey’s Identity: 

Pen name: Whiskey

Real name: Jason Del Rosario

Signature Attitude: Mr. Good Kisser

Catch line: “Sana ako nalang ang pride mo, kasi mas pinapahalagahan mo....”

Age: 33

Status: In a relationship with Katrina Meriz

Occupation: Business Manager/ Fashion Model/ Product Endorser/ Bartender

Short Profile: Filipino-Italian pero solid pinoy ang puso, liberated. Mahilig siya
sa spicy foods and Asian Cuisines. Kilala siyang isa sa lalaki na may generic na
sex appeal, lahat na uri ng babae ay tipo ang katulad niya. Playboy pero iisa lang
ang babaeng gusto niyang seryosuhin. Ang tipo ng babae na probinsiyana type at
maka-old passion. Naniniwala siya na sa pamamagitan ng mapusok niyang halik ay
masusungkit niya ang puso ng babaeng mailap sa kanya.
Trivia about Whiskey:                    This is one of the more artistic liquors
in that there are a lot of elements that go into it. It is made from a grain wine.
There is an art to exactly what types of grains are used. Then it is distilled once
or twice, usually at high temperatures and barrel aged in oak for extended lengths
of time.

    Gentlemen’s Bar & Restaurant members:

            

         #1-Rum Lorence Ong- Manager/Bartender

         #2-Gin Andrew Baltazar- Investor/Bartender

         #3-Whiskey Jason Del Rosario- General Manager/Bartender

         #4-Brandy Martin Duellas- Investor/Bartender

         #5-Bourbon Sean Lee- Investor/Music operator/Bartender

         #6-Scotch James Miller- Flair Bartender/Waiter

         #7-Cordials Hanzen Kurama- Investor/Bartender

         #8-Cognac Mateo Abarde- Bartender/Waiter

         #9-Vodka Israel Montel- Investor/Bartender

         #10-Tequila Miguel Rosales- Executive Chef/Restaurant Manager

         #11-Moonshine Ruzlee Young- Bartender/Waiter

         #12-Wine Wallace de Vega- Investor/Bartender/Manager


=================

Chapter One

“ANG babae, kapag nade-depress ay gumagawa sila ng paraan upang lalo silang lumakas
at gumanda. Pinapatunayan nila sa lalaking dahilan ng kalungkutan nila na hindi
sila ganoon kahina. Naghahanap sila ng ibang lalake upang mas madali silang
makalimot. Samantalang ang lalake naman ay lalo nilang pinapahirapan ang mga sarili
nila at pinapalungkot,” narinig ni Katrina sa Psychology teacher ng kapatid niyang
si Akira. Inaantabayanan niyang matapos ang klase ng mga ito.

Hanggang ngayon ay hindi parin niya nakakalimutan ang dating nobyo na nagkasakit
matapos ang paghihiwalay nila. Tama ang Teacher ni Akira. Nang maghiwalay sila ni
Alex ay madalas siyang nasa fitness Gym at nagwo-work out—na dati’y hindi naman
niya ginagawa. Nakipagrelasyon siya sa ibang lalaki subalit hindi naman nagtagal.

Ilang araw siyang hindi nakatulog nang mabalitaan niyang nagtangkang magpakamatay
si Alex—isang linggo matapos niyang putulin ng sapilitan ang dalawang taon nilang
relasyon. Ngayon ay wala na siyang balita sa dating nobyo makalipas na malaman niya
na nasa Canada na ito.

“Ate naman, bakit sinundo mo pa ako dito sa school? Hindi naman ako maglalakuwatsa
eh,” ani Akira nang papalabas na sila sa paaralan ng mga ito.

“Ganyan din ang sinabi mo sa akin noon, Akira pero saan kita natagpuan? Hindi ba’t
sa Disco bar?” aniya.

Hindi na ito umimik. Hindi niya ito hinayaang makaalis sa tabi niya hanggang sa
makarating sila sa condo unit na inaakupa nila. Ipinagluto niya ito ng hapunan at
hinintay na makatulog bago ito iniwan.

“Sa totoo lang, na-depress din ako sa nangyari sa relasyon namin ni Alex,” wika ni
Katrina habang kaharap niya ang best friend na si Camella sa mismong Boutique nito
sa Marikina.

“Huwag mo nang intindihin si Alex. Makakapag-move-on din naman iyon katagalan.


Kasalanan naman kasi niya. Alam pala niya na hindi niya kayang mawala ka sa kanya
eh bakit nagluko siya? Ngayon ay nagsisisi siya? Akala niya siguro ay patay na
patay ka sa kanya kaya ang lakas ng loob niya na sumalisi. Aba, sa ganda mong iyan
ay walang lalake na hindi mag-aasam na maging nobya ka. Bulag at manhid lamang ang
lalaking hindi makakapansin sa iyo. Akalain mo nga naman, isa sa kilalang modelo
ang manliligaw mo noon. Kaso dahil sa nuknukang taas ng pride mo—ay nagwasa si
modelo at napadpad ka sa isang kuripot na negosyante,” litanya ni Camella.
Sinusukatan siya nito ng damit na gagamitin niya sa beauty pageant na sasalihan
niya.

“Nakakakonsiyensiya lang kasi,” aniya.

“Aba, bakit ikaw ang makonsiyensiya? Hay naku, hindi matutupad ang pangarap mo na
maging modelo kung magpapaka-abala ka sa mga lalake. Isipin mo nalang—wala ka nang
mga magulang. May kapatid kang iginagapang sa pag-aaral. Kailangan mong kumita ng
pera, eh ang lalake—mapagkaperahan mo ba? Konsemisyon lamang ang ibibigay sa iyo ng
mga iyan.” Pumapalatak parin si Camella.

Hindi na niya ito pinapakinggan. Iniisip niya ang baklang nag-alok sa kanya na mag-
apply sa Dubai upang maging modelo. Kinabukasan din ay pinuntahan niya si Kardella
sa address na ibinigay nito sa kanya.

“Mabuti naman nakumbinsi ka sa alok ko sa iyo Miss Katrina,” bungad sa kanya ng


bakla nang makaupo na sila sa sofa sa sala ng bahay nito sa Alabang.

“Kailangan ko lang kasi ng trabaho at matagal ko na ring pinangarap na maging


modelo,” nagagalak na sabi niya.

“Naku, tamang-tama. Urgent hiring kasi kami. Katunayan ay nakaalis na ang first
batch noong nakaraang linggo. Isa kasi ako sa Agent ng Agency namin. So ngayon,
kami ang magpo-process ng papers mo lahat-lahat.”

“Talaga po?”

“Yes. So ang kailangan mo lang gawin ay mag-produce ng one hundred thousand. Tapos
ay wala ka nang puproblemahin pa,” anito.

Napapaisip siya. May mga pagkakataon na nag-aatubili siya ngunit habang tinititigan
niya sa mga mata ang kausap—ay tila mabilis siyang nakukumbinsi na tanggapin ang
alok nito.

“Sige,” bigla’y nanulas sa bibig niya.

Pagkaraan ng ilang minutong pag-uusap ay umalis na siya. Dahil sa kasabikan ay wala


na siyang naging panahon sa pagsali sa Pageant. Wala siyang ibang iniisip kundi ang
pambihirang pagkakataon na bumubulag sa kanyang matalas na pag-iisip. Isinanla niya
ang bahay nila sa Baguio at ang sobra sa pera ay naidiposito niya sa banko.

Ibinigay na niya kay Kardella ang isang-daang libong piso at makalipas ang isang
buwan—ay nasa kamay na niya ang pasaporte niya at iba pang kailangan—dumating na
rin ang Visa niya. May mga kasama siya na katulad niya ay nangangarap din na maging
modelo.
Hindi na siya makapaghintay na makaapak sa lupain ng Dubai. Kaya naman nang nasa
eroplano na siya ay napapaiyak siya sa tuwa nang sa wakas ay matutupad na ang
pangarap niya—na hinubog ng mahabang panahon at ngayon lamang niya makakamit?

Pagdating sa Airport ng Dubai ay dumating na rin ang sundo nila na umano’y


employers nila. Nagtataka siya bakit tila hindi naman mga nagtatrabaho sa Fashion
Company ang mga ito. Nagimbal siya nang malaman na hindi modelo ang magiging
trabaho nila kundi kasam-bahay.

Nagprotesta siya subalit hindi na nila alam kung paano makakatakas sa kamay ng amo
nila. Kasama niya ang dalawang babae na sina Janice at Trecia na nagmula pa sa
Visayas.  Dalawang linggo pa lamang sila sa paninilbihan ay tumakas na silang tatlo
at tinungo ang Embahada ng Pilipinas. Isang linggo pa lamang kasi ang paninilbihan
nila ay hindi na maganda ang trato sa kanila ng amo nila.

Hindi nila akalain na sila pa ang masama. Idenimanda sila ng amo nila at
pinagbintangan pa silang nagnakaw umano ng mga alahas ng mga ito.

“Sinungaling po sila, wala kaming ninakaw na alahas. Tumakas lamang kami dahil
minamaltrato nila kami!” paliwanag niya sa pinoy na staff ng Embahada.

“She lied, they stole my jewelries!” giit ng Ale na isa sa amo nila.

Namagitan na ang matataas na Opisyal ng Embahada. Hiningi ng mga ito ang papeles
nila ng mga kasama niya. Napag-alaman na peke ang ilang dokumento nila kung saan
nakapirma sila sa isang kontrata—na umano’y nanggaling sa isang Fashion Company.
Bumaliktad ang lahat. Sila pa ang nadiin sa kapahamakan.

Ipinaliwanag niya ang lahat at sinabi kung anong Agency ang nagpalakad sa kanila.
Nang mamukat-mukat ay nalamang hindi kasama sa mga silence Recruitment Agency ang
Agency nila. Naloko lamang sila.

Idinidiin pa sila ng amo nila sa kasalanang hindi nila ginawa at pinapabayaran sa


kanila ang halaga na umano’y nakapaloob sa kontrata nila. Samantalang wala naman
silang pinirmahan. Ipinakita nito sa kanila ang mga kontrata umano na may pirma
nila na pagsisilbihan nila ang mga ito sa loob ng isang taon.

Hindi na niya malaman ang gagawin niya lalo na at may katibayan ang amo nila.
Ipinagpipilitan nito na makulong sila at magbayad ng datos. Habang nasa tanggapan
sila ng Emabahada ay may lalaking umapila sa kaguluhan.

Hindi niya masabi kung Pilipino ba ito o kung ano ang lahi nito. Ito na mismo ang
nakipag-usap sa staff ng Embahada at hindi na niya alam kung ano ang ginawa nito at
bigla na lamang ini-urong ng amo nila ang demanda laban sa kanila.

Pamilyar sa kanya ang lalake. Pakiwari niya’y nakita na niya ito sa Pilipinas.
Matangkad ito, maputi at kayumanggi ang kulay ng mga mata nito. Hindi naman ito
mukhang Amerikano, makinis ang balat nito. Tinulungan din sila ng Embahada na
maayos ang papeles nila upang makauwi sa Pilipinas.

Nalaman niya sa ilang staff ng Embahada na isa palang tanyag na modelo sa Dubai ang
lalaking tumulong sa kanila. Napangiti ang puso niya nang mabatid na may lahi itong
Pilipino. Pilipino-Italiano at tama ang pakiwari niya—na nakita na niya ito dahil
kilala rin pala itong modelo sa Pilipinas at nag-e-endorse ng mga produkto.

Sa isang iglap ay natagpuan na lamang niya ang sarili na humahanga sa lalake—na


ilang minuto pa lamang niyang nakita, ni hindi niya alam ang pangalan nito.

Kung kailan papaalis na ito sa tanggapan ng Embahada ay saka niya ito hinabol.
Subalit kung kailan maabutan na niya ito sa pasilyo ay saka naman may dumating na
magandang babae at bigla na lamang yumakap sa lalake—naghinang ang labi ng mga ito.

Napahinto siya sa paghakbang at mabilis na napalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
Pakiramdam niya’y may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya. Bumalik na lamang
siya sa loob ng opisina ng Embahada.

Isang linggo bago sila nakauwi sa Pilipinas. Ang kanyang pangrap na maging tanyag
na modelo ay nagkapera-peraso. Sa tulong ng Embahada ng Pilipinas ay nahuli ang
grupo ni Kardella. Ikinulong ang mga ito sa kasong Human Trafficking at pinabayaran
sa mga ito ang perang nilustay sa kanila.

Nang makita niya ang bakla na umano’y ginamitan siya ng hipnotismo—ay walang habas
niya itong pinagsasampal at sinambunutan kahit nasa kamay na ito ng mga pulis.
Pakiramdam niya’y sasabog siya nang mga sandaling iyon buhat sa tindi ng galit.

“Oh, ano? Ano ang napala mo sa kaapura na maging modelo? Ang tigas din kasi ng
bungo mo eh,” sumbat sa kanya ni Camella nang magkausap sila sa condo nito.

“Sorry na, tao lang nagkakamali,” nakasimangot na sabi niya.

“Nagkakamali at nagiging tanga. Sayang, matalino ka kaso naman ay nagpaloko ka,”


anito.

“Alam mo naman na gusto ko talaga maging modelo.”

“Oo nga, alam ko, pero huwag mo sanang apurahin. Kung para talaga sa iyo ang
propisyong iyon ay darating sa iyo na hindi mo namamalayan. Madi-discover ka rin
balang araw.”

“Kailan pa kaya? Kapag laos na ang beauty ko?” Tumayo siya at lumapit sa bintana.

Sumagi nanaman sa isip niya ang lalaking tumulong sa kanila mula sa ganap na
kapahamakan. Napapangiti siya habang inaalala ang mukha ng guwapong lalake. Subalit
habang iniisip niya ang kalagayan niya sa buhay ay nahihinaan siya ng loob. Gusto
niyang makilala ang lalaking iyon subalit pakiramdam niya’y langit ito na malabo na
niyang marating.

Kung magiging modelo lang sana ako ay hindi malayo na magkrus ang landas namin at
baka mapansin pa niya ang beauty ko. Hanggang pangarap ko nalang ba siya? wika niya
sa sarili. Animo’y santo na sinasamba na niya ngayon ang lalaking tumulong sa
kanila.

“Ano na ang plano mo ngayon, Kat?” mayamaya’y tanong sa kanya ni Camella.

Hinarap niya ito. “Hindi ko pa alam. Siguro’y magbi-business nalang ako,” aniya.

“Anong business?”

“Bar and Grill,” aniya.

“Okay rin. Para naman magamit mo ang Business Management na tinapos mo. Saan mo
naman balak magtayo ng puwesto?” kapagkuwa’y tanong nito.

“Sa Alabang. May binibintang gusali doon, may titolo na.”

“Magkano naman?”

“Seven Hundred thousand lang. Hindi naman malaki, commercial building na may isang
palapag. Dati iyong Restaurant kaso—sa America na titira ang may-ari kaya binibinta
nila ang puwesto. Kasama na raw ang mga gamit sa ibibinta,” pahayag niya.

“Talaga? Parang ang mura naman.”

“Inaapura kasi ng may-ari kaya nila ibinibinta ng mura. Medyo luma na rin kasi ang
gusali.”

“Pero saan ka naman kukuha ng pera?”

“Ibibinta ko na nang tuluyan ang bahay namin sa Baguio, tutal, hindi naman na kami
nakatira doon ni Akira,” aniya.

“Kung sa bagay. Nabayaran mo na rin ang condo unit ninyo ni Akira sa Cubao. Malapit
na ring makapagtapos sa pag-aaral si Akira kaya hindi na mabigat.”

Nagsalin ng red wine sa dalawang baso si Camella at ibinigay sa kanya ang isa.
“Bakit bar? May alam ka ba sa Bartending?” kapagkuwa’y tanong ni Camella nang
makaupo na siyang muli sa kaharap nitong sofa.
“Marami akong natutunan dahil kay Alex. Hindi ba dati siyang Bartender sa Cruise
Ship? At siyempre, mag-aaral din ako ng Bartending kahit three months lang para
naman madagdagan ang natutunan ko,” sabi niya saka nilagok ang inumin.

“Okay. May pakinabang din naman pala ang memory ni Alex. Pero hindi ka ba
nababahala? Ang alam ko kasi ay maraming malalakas na bar sa Alabang. May pinasukan
akong Bar doon na malakas makahatak ng costumer. Bukod sa meron silang buffet
restaurant ay may music bar at lounge pa. Ang guguwapo pa ng mga staff,” maligalig
na wika ni Camella.

Napaisip siya. Maaring tama si Camella pero desidido parin siya sa plano niya.
“Natural lang naman na may ka-kompitensiya sa isang negosyo. Diskarte nalang kung
paano kumita. Mag-iisip nalang ako ng naiiba para kahit papano ay may babalik-
balikan ang mga costumer,” kapagkuwa’y sabi niya.

“Well, nasa iyon naman iyan. Susuportahan nalang kita, girl.”

“Salamat. Sa ngayon ay aasikasuhin ko muna ang bahay sa Baguio. May buyer na rin
ako.”

Nang maubos nila ni Camella ang isang bote na red wine ay nakatulog na siya sa sofa
buhat sa pagod at pagkahilo.

TATLONG buwan na sa Dubai si Whiskey para sa three months contract niya sa kilalang
fashion company. Tatlong araw nalang ang pamamalagi niya roon at uuwi na siya ng
Pilipinas, pero didiretso siya sa Singapore. At sa nalalabing araw niya ay wala
siyang ginawa kundi magliwaliw kasama ang co-model na si Marcela.

Wala silang relasyon ni Marcela maliban sa magkatrabaho. Pero may namamagitang


sensual sa pagsasama nila sa loob ng tatlong buwan sa Dubai.

“Compatible lang kami on bed, Dude,” sabi niya sa kausap sa telepono habang
nakahilata siya sa kama sa hotel room na inakupa niya.

Si Brandy ang kausap niya na halos kada oras ay kinakamusta siya. Humalakhak ito
nang marinig ang pahayag niyang iyon. “Ramdam kita, dude. Kailan ka ba uuwi, ha?”
kapagkuwa’y usisa ni Brandy.

“Next month, dude. Babalik muna ako sa Singapore para dalawin si Mommy,” aniya.

“Akala ko ba’y tapos na ang kontrata mo riyan sa Dubai?” ani Brandy.

“Yes, pero tumawag kasi si Mommy at nagpapatulong sa business niya. Uuwi din ako
pagkatapos. Kamusta na pala ang bar? May plano na ba para sa new branch?”
kapagkuwa’y tanong niya.

“Yes. Ibinigay na sa akin ni lolo ang lumang bahay niya sa Pasig. May nagawa na si
Gin na plano para sa gusali at ready na rin ang mga materyales,” sagot naman ni
Brandy.

“Very good. Pag-uwi ko, mag-outing naman tayo,” aniya.

“Sure. Ikaw lang naman ang hinihintay namin.”

Nang lumabas na si Marcela mula sa banyo ay pinutol na niya ang pag-uusap nila ni
Brandy. “Tawagan mo nalang ako ulit bukas,” aniya at ibinaba na ang telepono.

Nakatitig siya kay Marcela na walang anumang saplot sa katawan at humahakbang


palapit sa kanya. Mayamaya pa’y nasa tabi na niya ito at iginagapang ang mga kamay
sa nahantad niyang dibdib.

Pinapabayaan niya ito sa kung anuman ang ginagawa nito. Nanatili siyang nakahilata
habang pinagmamasdan ito. Mayamaya’y naramdaman niya ang mainit na bibig nito na
humahalik sa matipuno niyang dibdib; sa kanyang mga kalamnan.

Gusto niya ang ginagawa nito subalit wala manlang siyang nararamdaman na pagkasabik
buhat sa kanyang kaibuturan. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata.

Sa kanyang pagpikit ay hindi inaasahan na mapadpad sa isip niya ang imahe ng


babaeng nakita niya sa Embahada ng Pilipinas noong nakaraang buwan.

Ang babae ay may naiibang sex appeal na bihira niyang nakikita sa Maynila maging sa
ibang bansa. Gustung-gusto niya ang probinsiyana looks ng babae na kung titingnan
ay napaka-inosente. Maganda ang katawan ng babae, balingkininatan. Ang dibdib niyon
ay maganda ang pagkakahubog, makitid na baywang, balakang na halos kasing sukat ng
dibdib niyon.

Pilipinang-Pilipina ang hilatsa ng mukha ng babae na kahit walang kolorete sa mukha


ay nangingibabaw ang kagandahan, matangkad at matikas ang tindig paris sa mga
modelo. May mga pagkakataon na naiisip niya na parang pamilyar sa kanya ang babae—
na para bang nakita na niya ito minsan.

Hindi naalis sa isip niya ang imahe ng babae kahit nang mga sandaling pumapaibabaw
sa kanya si Marcela at hindi naman ito nagkulang sa pagpapaligaya sa kanya.
Tumutugon siya sa halik nito, sa mga haplos nito at higit sa lahat sa nakakapasong
init na nagmumula sa romansa nito.

Namulat siya sa mundo na walang malisya, sa mundo ng mga taong ginagawang libangan
ang sensual activity. Sa mundong nakasanayan niya ay hindi siya nabubuhay na walang
babae sa tabi niya. Subalit sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya ay wala pa ni
isa ang pumakli at pumalis sa bisyo niya.

Manhid na siya sa init ng apoy na madalas ay nilalaro lamang niya. Lumaki siya na
wala sa tabi niya ang kanyang mga magulang buhat sa abala ang mga ito sa kani-
kanilang negosyo. Italian National ang Mommy niya. Ang Daddy naman niya at
Pilipino’ng negosyente na nagmamay-ari ng isa sa malaking Travel Agency sa Maynila
na ngayon ay may sangay sa Singapore at Dubai.

Ang dalawang kapatid niyang babae ay nasa Singapore ngayon—sa puder ng mommy niya
at pawang may sarili na ring mga pamilya. Ang bunso naman niyang kapatid na lalaki
ay nasa Maynila at nagtatrabaho sa isang Shiping Company bilang Chief Engeneer.

Magmula pa pagkabata ay hindi na sila magkasundo ni Jereck. Tatlong taon ang agwat
ng mga edad nila pero kung umasta ito ay para bang mas matanda ito sa kanya.

Katulad niya ay pilyo rin pagdating sa babae si Jereck. Ang kinaiinisan pa niya’y
lahat ng babaeng nakikilala niya ay nagiging nobya nito pero hindi naman nito
siniseryoso.

SA pag-uwi ni Whiskey sa Pilipinas ay nasurpresa siya nang salubungin siya ng mga


kaibigan sa Airport. Sa sobrang pagkaabala niya sa trabaho ay nakalimutan niya na
kaarawan pala niya sa araw na iyon.

Dumiretso sila sa Bar at pagdating niya ay may simpleng handaan na inihanda ang mga
ito. Hindi kompleto ang grupo, nasa ibang bansa din kasi ang iba. Sumama sa kanya
si Marcela kaya naman ay nagkagulo ang ilang mga kaibigan niya.

Pagdating niya ay si Rum kaagad ang hinahanap niya. Namimis kasi niya ang kakulitan
niyon at may mahalaga siyang sasabihin. “Bakit wala si Rum?” tanong niya kay Brandy
nang makaupo na silang lahat sa mahabang hapag-kainan kung saan nakahain ang mga
pagkain.

“Si Rum ba? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa taong iyon, napapadalas na ang
pagliban sa trabaho. May pinagkakaabalahan atang babae,” ani Brandy.

“Tawagan mo nga, meron lang akong sasabihin sa kanya na importanteng mahalaga,”


pabirong utos niya.

“Okay, sandali lang,” ani Brandy. Sandali itong umalis sa grupo.

Mayamaya pa’y bumalik na si Brandy. Nakangiti ito nang umupo sa tabi niya.

“Anong sabi ni Rum?” kapagkuwa’y tanong niya.

“Nasa bakeshop raw siya at nagmemeryenda,” natatawang sagot ni Brandy.


Bahagya siyang natawa. “Bakit? Kumakain na ba siya ngayon ng tinapay?” Alam kasi
nilang lahat na hindi kumakain si Rum ng tinapay lalo na kapag matatamis.

“Siguro. Baka may natagpuan siyang babae sa tinapayan,” natatawang sabi nito.

Gusto niyang makausap kaagad si Rum. May natuklasan kasi siya tungkol sa nobya
nitong si Lynna nang makita niya ito sa Dubai. Nag-hire pa siya ng Detective para
matuklasan kung ano ang ginagawa ng babae sa lugar na may kasamang ibang lalaki.

Nagmamalasakit lamang siya sa kaibigan kaya niya ginawa iyon. Alam niyang mabait si
Rum at ayaw niya na niloloko ang kaibigan niya. Hindi na siya nagtagal sa Bar.
Pagod siya at gusto nang humimlay ng katawan niya sa kama.

Iniwan na niya si Marcela sa mga kaibigan.

=================

Chapter Two

NAKUHA na ni Katrina ang Comercial Building na binibinta sa kanya. Ngayon naman ay


pina-renovate niya ang guasali. Dahil dating restaurant ang naturang gusali ay
konti na lamang ang aayusin niya. Namili na rin siya ng mga kagamitan na
pangkaraniwang ginagamit sa Bar.

Habang abala siya sa pag-aasikaso sa Bar ay nag-aaral naman siya ng Bartending sa


isang unibersidad na may offer na short courses. Habang inaayos niya ang papeles ng
itatayo niyang negosyo ay nag-hire na siya ng mga tauhan—nang sa gayun ay hindi na
siya mahirapan kapag nagbukas na ang Bar niya.

Sa tapat mismo ng kanyang Bar ay natatanaw niya ang Gentlemen’s Bar and Restaurant.
Napansin niya na sa tuwing sasapit ang dapit-hapon ay marami na ang nagsisipasok sa
naturang bar. Naisip niya na iyon na marahil ang tinutukoy ni Camella na malakas
umanong makahatak ng mga costumer.

Hindi pa lamang nagbubukas ang bar niya ay naiinis na siya. Hindi siya makatulog sa
kakaisip kung ano ba ang mas mainam niyang gawin. Kapag maglalagay naman siya ng
disco bar ay mas magulo. Ayaw naman niya na may mga babae. Inaamin niya na mas
papatok kung may mga babae pero naasiwa siya kapag may mga babae na sumasayaw.

Bar and Grill house nalang ang naisip niya at halos lahat na Bartenders na kinukuha
niya ay pawang mga kababaihan na may karanasan na sa nasabing propisyon.
Magagandang babae ang kinukuha niyang empleyada at mga dalaga pa.

Martini Bar and Grill naman ang ipinangalan niya sa kompanya niya. Makalipas ang
halos dalawang buwan na preperasyon—sa wakas ay binuksan na niya ang Bar. At sa
unang gabi ng operation ay bumenta siya ng sampung libo.

Kumpara sa malalaking kompanya ay sapat lamang iyon para sa nagsisimula. Kahit


papano’y sinusuportahan siya ng mga kaibigan niya. Ilang araw siyang walang tulog
magmula nang magbukas siya ng Bar. Hindi rin kasi siya ang tipo na uupo lamang at
papanoorin ang mga tauhan niya kung paano kumilos.

Siya mismo ay kumikilos at nag-aasikaso sa mga costumer nila lalo na kapag mga
baguhan o kaya’y ngayon lamang natuklasan ang kanilang puwesto. Napansin niya na
karamihan sa mga costumer nila ay mga lalaki. Malimit lamang ang mga kababaihan.

Habang nasa loob siya ng counter ay nadidinig niya ang usapan ng dalawang babae na
nakaupo sa harapan nila.

“Maganda rin pala dito, pero mas maganda parin sa Gentlemen’s. Ang guguwapo pa ng
staff,” wika ng babaeng nasa gawing kaliwa.

“Oo nga. Mas masarap parin talagang mag-mix ng cocktails ang mga lalaki, pero okay
rin naman ang serbisyo nila dito,” sabi naman ng isang babae na nasa gawing kanan.

Hindi na masama, sa loob-loob niya.

Sinisipat niya madalas ang mga ito. Mukhang mayayaman ang mga ito, magagara ang
pananamit at kumikinang ang mga alahas sa katawan. Limang taon na siyang
naninirahan sa Maynila subalit hindi niya kayang makipagsabayan sa paraan ng
pamumuhay ng mga tao, lalung-lalo na sa modernong ayos ng mga kababaihan.

Lumaki siya sa Mountain Province at ang kinaugalian niya roon ay dala parin niya
saan man siya mapadpad. Iba ang passion niya sa pananamit at paraan ng pag-aayos sa
sarili. Hindi siya sanay na maraming kolorete sa mukha.

Simpleng make-up at lipstick lamang at face powder. Kapag hindi naman kailangan o
wala siyang dadaluhang pormal na piging ay hindi siya nagpapahid ng kung anong
pampaganda sa mukha. Kapag sumasali naman siya sa mga beauty pageant ay hindi siya
nagpapaayos ng mukha sa mga bakla. Siya lamang ang nag-aayos sa kanyang sarili.

Kinabukasan ng gabi, kung kailan papunta na siya sa Bar ay saka naman tumawag sa
kanya ang kaklase ni Akira—at nagsumbong na pumunta nanaman ang kapatid niya sa
isang Shiping Company sa Pasay. At umano’y nakipagkita nanaman sa boyfriend nitong
Seaman.

Uminit ang ulo niya nang mabatid iyon. Ora mismo ay pinuntahan niya ang kapatid sa
naturang Shiping Company kahit malayo ito sa lugar nila. Tinatawagan niya ang
kapatid subalit hindi siya sinasagot.

Nasa labas siya ng naturang kompanya nang biglang masipat niya sa pantalan si Akira
na may kahalikang lalaki—at talagang naka-uniporme pa ang maldita niyang kapatid.

Walang anu-ano’y sumugod siya sa kinaroroonan ng mga ito. Wala siyang pakialam
kahit pinagtitinginan pa siya ng mga tao roon. Animo’y susugod siya sa giyera at
malalaki ang hakbang na tinungo ang pantalan.

Walang kaalam-alam si Akira nang bigla na lamang niyang hablutin ang mahabang buhok
nito. Nagulantang ito maging ang lalaking kasama nito. Kinaladkad niya ito subalit
nagpumiglas ito.

“Ate, ano ba! Bitawan mo nga ako!” asik pa nito.

Pinakawalan niya ito, at sa inis niya’y sinampal niya ito. “Kailan ka pa natutong
lumanding babae ka? huh!” nangagaiting singhal niya.

Lumapit naman ang lalaki at namagitan sa kanila. “Maghulus-dili po kayo, wala naman
po kaming ginagawang masama ni Akira,” anito.

Naibaling niya ang atensiyon sa lalaki. “Isa ka pa! Ikaw ang nasa posisyon kaya
sana ay nirespito mo ang uniporme ng kapatid ko. Estudiyante pa siya, at anong
walang ginagawa? Hindi ako bulag para hindi makita kung paano maghinang ang mga
labi ninyo. Ikaw ang maghulus-dili!” asik niya sa lalaki.

Hindi naman umimik ang lalaki. Naibaling niyang muli sa kapatid ang atensiyon. “At
ikaw, umuwi ka na bago pa kita pilayin!” aniya kay Akira.

Tumalima naman ang dalaga. Umiiyak na tumakbo ito palabas ng pantalan. Sinuyod niya
ng mahayap na tingin ang lalaki saka ito tinalikuran. Sinundan na niya si Akira.

Sa hilatsa pa lamang ng mukha ng lalaki ay wala na siyang tiwala. Masyado iyong


guwapo para sa kapatid niya. Pakiwari niya sa mga ganoong hitsura ay hindi
makakagawa ng matino sa mga babae.
Chief Engineer pala ang lalaking iyon at nagmula sa mayamang pamilya. Dalang-dala
na siya sa mga ganoong tipo ng lalaki—mga lalaki na hindi kontinto sa isa.

Pagdating sa bahay ay pinaliguan na niya ng sermon ang kapatid na nakaluklok sa


sulok ng sofa habang humihikbi. Palakad-lakad siya sa harapan nito habang
pumapalatak.

“Huwag mo akong iniiyak-iyakan, Akira. Alam ko na kahit anong pakulo ko riyan sa


bungo mo ay walang pag-asang lalambot. Psychology student ka, at magtatapos ka na
sa susunod na taon. Huwag mo sabihing wala ka paring natutunan sa mga aralin mo?
Hanggang ngayon ay hindi ka parin marunong mangilatis ng katauhan ng mga taong
nakakasalamuha mo. Ilang lalaki na ang inililihim mo sa akin? Baka malaman-laman ko
bukas makalawa eh, may tiyanak na riyan sa sinampupunan mo,” litanya niya.

Mahayap ang tinging ipinukol nito sa kanya. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang
tabas ng dila niya. “Nag-aaral naman ako ng mabuti eh,” palabang buwelta nito.

“Oo nga nag-aaral ka ng mabuti. Ang sa akin lang naman ay tapusin mo muna ang pag-
aaral mo. Hindi kita pinagbabawalan na makipagnobyo— pero sana ay hintayin mo ang
panahon na may maipagmamalaki ka sa magiging nobyo mo. Practical na ang buhay
ngayon, Akira. Unahim mo ang kinabukasan mo bago ang kati sa katawan. Ingatan mo
ang dangal mo dahil kapag iyan ang nawala sa iyo sa hindi tamang paraan—ay baka sa
huli ay sisihin mo ako at sabihing pinabayaan kita. Hindi nauubos ang lalaki,
marami pa ang isisilang na Adan sa mundo kaya huwag kang apurado,” patuloy niya.

“Sorry na, Ate,” mayamaya’y sabi nito.

“O siya, kumain ka na, pagkatapos ay magpahinga ka na. Pupunta ako sa Bar at baka
umaga na akong makakauwi,” mahinahong habilin niya.

Hindi na umimik ang dalaga. Tumayo na ito at pumasok sa kusina. Nang matiyak niya
na nasa kuwarto na niya si Akira ay umalis na siya.

Pagdating niya sa Bar ay nagtataka siya bakit bigla atang naging matumal ang kita
nila. Alas-diyes na ng gabi pero iilan lamang ang costumer nila. Katulad ng dati—ay
nakatanaw nanaman siya sa kalaban nilang Bar sa tapat.

Maraming labas-masok na mga tao sa naturang Bar at halos wala nang mapagparadahan
ng sasakyan sa garahe nito. Naiinis siya sa tuwing maiisip na hindi niya kayang
tapatan ang naturang Bar.

Bumalik siya sa counter at tinulungan ang Bartender on duty na si Messy. Habang


pinagmamasdan niya ito na naghahalo ng mga alak ay nasipat niya ang magazine na
nakapatong sa counter—sa tapat ng costumer na nakahimlay na ang ulo sa ibabaw ng
counter.

Pamilyar sa kanya ang lalaki na nasa cover ng magazine. Naudyok siyang damputin ang
magazine at tinitigan ng husto ang lalaki na under ware lamang ang suot.
Nalaglag ang panga niya nang matiyak na ang lalaking nasa cover ng magazine ay ang
lalaking nakita niya sa Embahada ng Pilipinas sa Dubai—ang lalaking tumulong sa
kanila. Bigla na lamang bumilis sa pagtibok ang puso niya.

Napalunok siya habang iniisip ang lalaki. Kahit larawan lamang ang nakikita niya ay
nangingilabot siya habang nakatitig sa matipunong pangangatawan ng lalaki. Perpekto
ang pagkakahubog ng mga kalamnan nito sa dibdib at tiyan.

Naalala nanaman niya ang kamalasang natamo niya sa Dubai. Naiinis siya sa tuwing
maiisip ang naudlot niyang pangarap. Kung sakaling natuloy man siya sa pagiging
modelo ay sisiguraduhin niya na magtatagpo ang landas nila ng lalaki na ilang gabi
din niyang pinagpapantasyahan.

Nang mainip siya sa loob ng Bar ay lumabas siya. Matagal na niyang gustong gawin
ang mag-espiya sa kalaban niyang Bar. Gusto niyang matuklasan kung ano nga ba ang
binabalik-balikan ng mga tao sa  Bar na iyon.

Pagpasok niya sa naturang bar ay nalula siya sa dami ng tao. Masyadong maluwag ang
bar na iyon kumpara sa Bar niya at napakagara niyon sa loob. Napansin niya ang
ilang costumer nilang babae na naroroon.

Lumapit siya sa counter. Unang-una niyang napansin ay ang guwapong Bartender. Umupo
siya sa stoll chair pero hindi pa siya nag-order ng inumin. Nagmamanman lamang siya
sa paligid.

“Good evening ma’am! Welcome to Gentlemen’s Bar!” nakangiting bati sa kanya ng


Bartender.

Ngiti lamang ang naitugon niya. Hindi mapakali ang mga mata niya. Mayamaya’y pumili
na siya sa mga nakasulat sa menu. May nakita siyang recipe na hindi pamilyar sa
kanya kaya iyon ang napili niya.

“Available ba ang Italian Limoncello na nakalagay sa menu ninyo?” tanong niya.

“Ahm, yes Ma’am, pero kung mahihintay po ninyo,” anito.

“Matagal ba?”

“Hindi naman po. Specialty po kasi ng Manager namin ang recipe na napili ninyo,
kaya mas mainam po kung siya ang mgatitimpla para sa inyo.”

Nabigla siya. “Talaga? Baka naman mahal ang presyo kung Manager ninyo ang
magtitimpla,” simpatikang saad niya.
“Hindi naman po. Humble po ang Manager namin. Wait lang po at tatawagin ko siya,”
anito at sandali siyang iniwan.

Mayamaya’y nakabalik na ito, kasunod nito ang umano’y Manager nito. Nang ibaling
niya ang tingin sa lalaking kasama ng Bartender ay napamulagat siya. Nagniningning
ang kanyang mga mata buhat sa nakamamanghang tanawin.

Hindi niya namamalayan na bahagyang nakaawang ang bibig niya; hindi kukumurap ang
mga mata niya nang mapamilyar ang lalaking nasa harapan niya ngayon.

Hindi siya makapaniwala na kaharap na niya ngayon ang lalaking pinagpapantasyahan


niya. Ang lalaking nakita niya sa Dubai, ang lalaking pinapangarap niya. Titig na
titig siya sa mukha ng lalaki na walang duda na nakatitig din sa kanya.

Matagal na nagkatitigan lamang sila bago nito basagin ang katahimikang namamagitan
sa kanila. “Hi! Good evening!” kapagkuwa’y bati nito sa kanya.

Sa sobrang kagimbalan ay wala ni anong salita na nanulas sa bibig niya. Maging ang
ngiti niya ay pilit lamang na nanilay sa mga labi niya.

“Kayo po ba ang nag-order ng Italian limoncello?” mayamaya’y tanong nito.

Matagal bago siya nakaimik. “Ah, y-yes,” aniya. Tila sa isang iglap ay naglaho ang
inis niya sa naturang Bar.

“Konting paghihintay lang po habang isasagawa ko ang pagtimpla sa inumin ninyo,”


magalang na sabi nito.

Hindi siya makapaniwala na ang galing pala nitong magtagalog. Buong akala niya’y
English ang pangunahing lenguwahe nito. Buong paghangang pinagmamasdan niya ito
habang nagtitimpla ng inumin na order niya. Hindi na siya makapaghintay na matikman
ang specialty nito.

Tumatalon sa tuwa ang puso niya at sa wakas ay nagkrus na rin ang landas nila—at sa
lugar pa kung saan ay abot-kamay niya. Subalit nababahala siya. Marahil ay hindi na
siya nito natatandaan. Sa antas ng buhay nito ay iniisip niya na malayong
mapapansin pa nito ang tulad niya.

Marahil ay sawa na ito sa mga magagandang babae, kaya ang mga katulad niya ay
mistula lamang basura na kahit naapakan na ay hindi pa napapansin. Wala siya sa
kalingkingan ng mga babae na nakarelasyon na marahil nito.

Paris na lamang sa babaeng nakita niya noong nasa Dubai sila. Hindi na siya umaasa
na magkakaroon siya ng puwang sa buhay nito kaya hanggang sa pantasya  na lamang
niya ito mahahawakan at makikilala.
Kahit pangalan lamang nito ang malaman niya ay maligaya na siya, ngunit hindi
makapal ang mukha niya para pangunahan niya ito. Nakalimutan niya na tingnan ang
pangalan nito sa magazine kanina.

“Whiskey, himala. Nagbabad ka ata ngayon dito sa counter,” wika ng isang lalaki na
lumapit sa abalang dream boy niya.

Whiskey? untag niya sa isip. Whiskey ang pangalan niya? Liquor brand ‘yon ah, sa
loob-loob niya.

Nakatingin siya sa lalaking kumakausap kay Whiskey. Guwapo rin ito at pakiwari
niya’y isa rin ito sa staff ng naturang Bar. Tama si Camella, nakakalula ang mga
guwapong staff ng Bar na ito.

Mayamaya pa’y lumapit na sa kanya si Whiskey dala na nito ang inumin niya. “Ito na
po ang order n’yong Italian Limoncello,” anito sabay abot sa kanya ng inuming
nakaloob sa martini glass. Presentasyon palang ay masarap na.

“Thank you!” aniya at mahinhin na sinimsim ang inumin. Hindi na naalis ang tingin
niya sa lalaking abala na sa pakikipag-usap sa kasama nito.

Nang umalis na ito sa counter ay bigla na lamang nawalan ng lasa ang iniinom niya.

MARAMI nang sinabi si Brandy pero iilan lamang ang naunawaan ni Whiskey. Nakaupo na
sila ngayon sa mesa sa dinning pero panay parin ang sipat niya sa counter. Hanggang
ngayon kasi ay hindi parin siya makapaniwala na nakikita niya ang babaeng minsang
nagpariwara sa isip niya habang nasa Dubai siya.

Habang tinititigan niya ito kanina ng malapitan ay para bang hinahalukay ang puso
niya. Ngayon lamang siya nakadama ng ganoon sa tanang buhay niya—ang mahumaling sa
babaeng minsan lamang niya nakita.

“Sino ba ang sinisipat mo?” mamaya’y usisa ni Brandy. Tinumbok nito kung saan
nakatuon ang paningin niya.

Nahimasmasan lamang siya nang tapikin ni Brandy ang balikat niya. “Sino ba ang
sinisipat mo sa counters? Ang babaeng nakaupo o si Cognac?” kapagkuwa’y tanong ni
Brandy.

Ngumisi siya. “Ang babae, siyempre,” mabilis na sagot niya.

Bumungisngis si Brandy. “Maganda ba iyon? Hindi ko napansin kanina,” anito.


“Hindi mo siya mapapansin kasi hindi siya ang tipo mong babae.”

“Ano ba ang looks niya?” tila interesadong tanong ni Brandy.

“Huwag mo nang pagka-interesan, baka mamaya ay maunahan mo pa ako,” aniya.

Tumawa ng pagak si Brandy. “Hum, wala siyang appeal sa akin. Ayaw ko sa mga babaeng
hindi makabasag pinggan. Type mo ‘yon?” tila nang-uuyam na wika ni Brandy sabay
sipat sa babaeng nakaupo sa harap ng counters.

“Sabi ko naman sa’yo, naho-hook ako sa mga babaeng probinsiyana looks. Bibihira na
kasi ang katulad niya dito sa Maynila. Maiba naman ang taste. Nakakauta na ang mga
babaeng hantad ang mga katawan,” simpatikong sabi niya.

“Badoy naman ang mga babaeng balot ang buong katawan,” salungat naman ni Brandy.

“What I mean is....isang babae na kahit anong isuot ay kaaya-ayang tingnan. Kahit
magsuot siya ng bistida ay nahuhubog parin ang natural na ganda ng katawan,” aniya.

“So you mean, katawan parin ang involve?”

“Sino ba naman ang lalaking hindi maghahangad ng babaeng may magandang katawan? A
woman has a big and proud breast, tiny waist and perfect hip? at siyempre,
magandang mukha,” aniya.

Humagikgik si Brandy. “Parang dilis, kinakain lahat? Unlike sa hipon na katawan


lang ang kinakain at tinatapon ang ulo,” makahulugang pahayag ni Brandy.

Ngumisi siya. “Pilyo ka talaga. May mga tao rin na kinakain pati ang ulo ng hipon,
at may mga tao rin na hindi kinakain ang ulo ng dilis,” buwelta niya.

“Bakit may dilis at hipon sa usapan?” mayamaya’y tanong ni Scotch na bigla na


lamang sumulpot sa tabi nila.

“Ah, wala. Inaalam lang namin kung alin ang mas masarap, dilis o hipon,” natatawang
sagot naman ni Brandy.

“Hipon para sa akin,” agad namang sagot ni Scotch.

Bigla siyang natawa kasunod ng hagalpak ng tawa ni Brandy. Uminom na lamang siya ng
orange juice.

“Scotch, huwag ka kasing sumasagot sa usapan nang may usapan kung hindi mo alam ang
puno’t-dulo. Nahuli ka tuloy sa kalokohan mo,” ani Brandy kay Scotch.
Mamaya’y tumawa si Scotch nang maunawaan ang ibig sabihin ni Brandy. “Loko, kutusan
kita diyan eh,” napipikong sabi naman ni Scotch kay Brandy. Nagsuntukan ang mga
ito, suntukang biro na walang sakitan.

Napapailing siya habang pinagmamasdan ang dalawa na parang mga bata. Nang maubos
niya ang juice ay iniwan na niya ang mga ito. Pagbalik niya sa counter ay wala na
roon ang babae na pinagtimpla niya ng inumin.

“Cognac, umalis na ba ang babae dito kanina?” tanong niya kay Cognac.

“Ah, oo. Hindi nga niya naubos ang in-order niyang inumin, hindi ata nasarapan,”
may panunudyong sagot nito.

Pahalipaw na sinuntok niya ang balikat nito. “Baka nainip sa iyo kaya umalis
kaagad. Hindi mo ata kinakausap,” buwelta naman niya.

“Anong hindi? Nakuha ko pa nga ang calling card niya,” anito.

“Talaga?” dagli’y naibulalas niya.

“O kita mo, ikaw pala itong interesado eh. Pasimple ka pa kanina na tinitingnan
siya,” tudyo nito sa kanya.

“Anong tinitingnan? Natural dahil nakatingin siya sa akin, marahil ay naguguwapuhan


siya,” mayabang na saad niya.

Tumawa ng pagak si Cognac. “Segue way, dude? O ayan, hiningi ko para sa iyo,” ani
Cognac sabay abot sa kanya ng calling card nang babaeng costumer nila kanina.

Sumingaw ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Apuradong kinuha niya ang calling card
at binasa ang mga nakasulat. Katrina?  balisang naisaloob niya.

Bigla na lamang binalot ng dilim ang mukha niya. “Bakit?” tanong ni Cognac nang
mapansin ang agarang pagbago ng reaksiyon niya.

“Bakit sa dami ng puwedeng ipangalan sa kanya ay Katrina pa?” kunot-noong saad


niya.

Humagalpak ng tawa si Cognac. “Kaya ibinigay ko sa iyo para mahimasmasan ka,”


anito.

Nagtagis ang mga bagang niya. Marahas na isinilid niya sa bulsa ng pantalon ni
Cognac ang calling card saka nilisan ang counter.
=================

Chapter Three

“KAHIT gaano kalayo ang agwat ng mga buhay ninyo—kung kayo talaga ang para sa
isa’t-isa ay meron talagang magbubuklod sa mga landas ninyo para magkalapit.
Maaring sa magandang paraan o masama man,” sabi ni Camella kay Katrina habang
magkasalo sila sa tanghalian sa condo nito.

Matapos niyang maikuwento dito ang tungkol sa lalaking tinatawag na niya ngayong si
Whiskey ay marami na itong naipayo sa kanya. Bagaman karamihan ay negatibo ngunit
hindi niyon nabawasan ang paghanga niya sa lalaki.

“Hindi naman ako umaasa na matisod siya sa harapan ko at pagtayo niya ay mahuhulog
na ang loob niya sa akin. Alam ko naman na malabo na talaga na ang isang katulad
niya ay mabibigyan ng atensiyon ang isang katulad ko,” aniya. Mahinhin ang kanyang
pagsubo na tila ba walang ganang kumain.

“Depende. Si Jason nga, model iyon at sikat pero nahumaling sa iyo kahit masyado ka
pang bata noon,” ani Camella.

Naalala nanaman niya ang estrangherong modelo kuno na manliligaw niya. Naiinis
lamang siya sa tuwing naaalala iyon.

“Paano nga naman ako mahuhumaling sa kanya eh hindi siya nagpapakita sa akin ng
personal? Panay litrato lang na mukha namang hindi siya ‘yong nasa larawan.
Pakiramdam ko’y pinagti-trip-an lang niya ako,” nakasimangot na wika niya.

“Pero totoo namang model siya hindi ba? Isa siya sa Guest noon sa bayan natin noong
flower festival.”

“Dahil ako ang nanalo sa beauty contest noon kaya ako ang naisip niyang pag-trip-an
sa blind item. Hindi siya lalaki kung manligaw. Imposibleng wala siyang oras na
puntahan ako ng personal. Dinadaan lamang niya sa sulat,” may tampong pahayag niya.

“Busy kasi siya at malayo ang Maynila sa Baguio kaya siguro hindi na siya bumalik
doon. Hindi mo kasi siya hinintay, basta binasted mo nalang siya sa sulat.”

“Dapat lang sa kanya iyon. Ayaw kong umasa at maghintay sa wala. Puro siya pangako
at hindi ako naniniwala na gusto na kaagad niya ako nang makita niya ako sa
Pageant. Tapos ako ang pinili niya kunwari sa blind item,” aniya.

“Pero gusto mo rin naman siya hindi ba?”

“Paano ko siya magugustuhan eh, hindi ko siya na-meet ng personal? Hindi ako
naniniwala na siya ang nasa litrato—eh artista iyon sa Hollywood sa pagkakaalam
ko,” naiinis na sabi niya.

Humalakhak si Camella. “Ang sabihin mo, mataas lang talaga ang pride mo. Hindi pa
kasi masyadong uso noon ang cellphone kaya sulat nalang na kaduda-duda. Pero siguro
naman kinilig ka nang pinili ka niya sa blind item?” nanunudyong wika ni Camella.

“Hello? Paano ako kikiligin eh, may piring ang mga mata ko? Ang bobo nang nag-
organize ng program—madaya. Hindi manlang inalis ang piring sa mata ko para naman
makita ko ang mukha ng ka-date ko. Nagkasya na lamang ako na singhutin ang matapang
niyang pabango na sa huli ay nahilo ako. Hay naku, huwag na nga nating pag-usapan
ang kumag na iyon,” kapagkuwan ay sabi niya.

Ngumisi lang si Camella. Iniabot nito sa kanya ang mango shake na ginawa nito.

Sampung taon na rin ang nakakalipas magmula nang sumali siya sa Beauty Pageant noon
sa Baguio. Tinanghal siyang Reyna noon. Marami silang guest na artista at mga
modelo noon. Hindi niya inaasahan na isa sa guest nilang modelo ang nahumaling kuno
sa kanya. Matapos siyang parangalan bilang Beauty Queen ay may nagpadala na sa
kanya ng sulat na nagsasabing gusto siya nitong ligawan.

Hindi niya nakita ng personal ang lalaki hanggang sa umalis na ang mga ito. Pero
patuloy parin siyang nakakatanggap ng mga sulat at regalo mula sa modelo—na sa
pagkakaalam niya’y nagsisimula pa lamang sa industriya.

Dalawang buwan pa lamang umabot ang panliligaw sa kanya ng modelo sa pamamagitan ng


sulat ay binasted na niya ito. Hindi niya iyon inseryoso sapagkat nag-aaral pa
lamang siya noon sa kolehiyo.

Nang dumating sa buhay niya si Alex ay nakalimutan na lamang niya basta ang
karanasang iyon. Ngunit ang modelong tagahanga niyang iyon ang nag-udyok upang
mangarap siya na maging modelo.

NAG-AABANG nanaman sa labas ng class campus nila Akira si Katrina. Ngayon ay lalo
pa niya itong babantayan. Tatlong minuto na siyang nag-aantabay sa guard house nang
mapansin niya ang lalaking kasama noon ni Akira sa pantalan ng Shipping Company.

Nahihinuha niya na malamang ay susunduin nanaman nito si Akira. Nang papalapit na


ito sa kanya ay sinabat niya ito. Nagulat ito nang makita siya. Gusto niya itong
kausapin ng personalan.

Hindi naman ito tumanggi nang yayain niya ito sa labas at nagmeryenda sa fast-food
restaurant na nasa tapat lamang ng paaralan.

“Anong pangalan mo?” agad ay tanong niya nang makaupo na sila sa inakupa nilang
mesa—habang naghihintay ng order niya.

“Jereck Del Rosario,” agad din namang sagot nito.

“I guest, kaya ka nandito ay para sunduin si Akira,” aniya.

“Hindi,” tipid nitong sagot.

“Hindi? Gusto ko ng diretsong sagot. Interesado ka ba talaga sa kapatid ko?”


prangkang tanong niya.

Hindi ito kaagad nakasagot. “Kuwan...”

“Diretsong sagot, Mr. Del Rosario,” tudyo niya.

“Well, alright, magkaibigan lang kami ni Akira,” bunyag nito.

“Magkaibigan?!” bulalas niya at bahagyang tumaas ang tinig niya. Napagtinginan sila
ng ibang tao.  

“Kaibigan?” mahinahon nang saad niya.

“Yes, magkaibigan lang naman talaga kami. Kaibigan siya ng girlfriend ko.”

Nagtagis ang bagang niya. Gustung-gusto na niya itong lalaparuhin nang sa gayun ay
malaman nito kung ano ang sinasabi nito.

“Kaibigan ni Akira ang girlfriend mo? Paano mo nagawang halikan ang kapatid ko kung
hindi naman pala siya ang nobya mo?” usig niya.

“Siya ang nangunang halikan ako,” depensa nito.

“At sinakyan mo naman? Alam kong tuso ang kapatid ko, pero sana ay ikaw na lalaki
ang mag-udjust. Hindi mo ba naisip ang magiging kahihinatnan ng ginagawa mo? Iwasan
mo nalang ang kapatid ko at kung wala ka namang gusto sa kanya—ay huwag kang
magpakita ng motibo na lalong magpapalapit ng loob niya sa iyo,” aniya.

“Okay. Pakitali na rin ang kapatid mo para hindi nakakarating kung saan, nang sa
gayun ay hindi siya maghahabol sa akin,” palabang buwelta nito.
Uminit lalo ang bunbunan niya. Ngali-ngali niya itong tsenilasin. Pakiwari niya’y
magkasing-gulang lamang sila nito. Masyado siyang nababastusan sa asal nito.
Tinitigan niya ito ng mahayap. Mayamaya’y tumayo na ito.

“Salamat nalang sa magandang pakikipag-usap sa akin, Miss. Heto ang bayad sa in-
order mo,” anito. Inilapag nito ang limang daang piso sa mesa saka ito umalis.

Ngali-ngali niya itong batuhin ng kutsara pero mabilis itong nakalabas. Bumuntong-
hininga siya. Pilit niyang pinapahinahon ang puso niya na nag-aalburoto sa inis.

“Hay, grabe! Ang yabang naman ng isang iyon. Ayaw niya ng pinapangaralan. Mali
naman talaga ang ginawa niya. Ano, paasahin niya ang kapatid ko tapos sasaktan?
Huh, hindi ata makatarungan iyon,” litanya niya.

Nang dumating na ang order niya ay pinabalot na lamang niya iyon. Iniwan na niya
ang sukli saka lumabas bitbit ang pinamiling pagkain. Ibibigay na lamang niya iyon
kay Akira.

Jereck Del Rosario, anang isip niya habang papasok sa paaralan. Tamang-tama,
lumabas na si Akira at sa unang pagkakataon ay wala itong kasamang mga kaibigan.

Tuwang-tuwa naman ito nang ibigay niya ang mga pagkain. Kapagkuwan ay dumiretso na
sila sa condo.

“Kailan mo pa nakilala ang Jereck na iyon, Akira?” tanong niya sa kapatid habang
pinagmamasdan niya itong kumakain.

Tumigil ito sa pagsubo. Nagtataka rin ito bakit kilala niya si Jereck. “Nagkita
kayo ni Jereck, Ate?” manghang tanong nito.

“Oo, nag-usap kami kanina.”

“Anong sabi niya?” nagagalak pang usisa nito.

“Huwag mo nang pagka-interes-an ang lalaking iyon. Wala naman iyong gusto sa iyo,”
prangkang wika niya.

Mabilis na napalis ang ngiti ni Akira. “Gusto ko si Jereck, Ate,” giit nito.

“Hindi ka niya gusto, siya na ang nagsabi sa akin. At tigilan mo nga ang pakiki-
apid sa relasyon ng may relasyon. Kaibigan mo pala ang nobya niyon eh,” aniya.

“Hindi, Ate. Nanligaw sa akin si Jereck at isang buwan na ang relasyon namin!”
gilalas na wika nito.
Natigilan siya. Mabilis na uminit ang bunbunan niya. “Sino ang nagsasabi sa inyo ng
totoo?” naiiritang tanong niya.

“Ako. Paano niya nasabi na ang kaibigan ko ang nobya niya? Sinungaling siya!”
Marahas na tumayo si Akira.

Nang makita niya ang luha nito ay naniwala na siya sa sinasabi nito. Kung paano’y
gusto niyang makita ang lalaking iyon at tadtarin ng itak sa sobrang galit niya
ngayon. Bulgaran palang manloko ang hudas na iyon.

Nang humagulgol ng iyak si Akira ay nilapitan niya ito at niyakap. “Tama na. Lagot
sa akin ang lalaking iyon kapag nakita ko siya ulit,” naggagalaiting sabi niya.

“Niloko niya ako. Napakawalang hiya niya. Mabuti nalang hindi ako pumayag nang
yayain niya akong mag-motel kami,” humihikbing sumbong nito.

Nabigla siya. Kumalas siya sa yakap nito. “Niyaya ka niya?” gilalas na tanong niya.

“Opo, Ate.”

Mariing nagtagis ang mga bagang niya. “Napakawalang hiya. Huh, kaya siguro sinabi
niyang hindi ka niya gusto ay dahil hindi mo siya pinagbigyan. Akalain mo nga naman
ang mga lalaki,” dismayadong wika niya.

“Sige na, kumain ka na. Huwag mo nang damdamin ang ginawa ng lalaking iyon.
Masisiraan ka lang ng ulo. Darating din ang karma sa kanya ora mismo. Dapat sa mga
katulad niya ay pinuputulan ng sandata nang sa gayun ay hindi na makapaghasik ng
lagim.” Pumalatak na siya.

Kapag naiinis talaga siya ay tumatalas ang tabas ng dila niya at hindi niya napag-
iisipan ang mga salitang nanunulas sa bibig niya.

ALAS-NUWEBE na ng gabi nang dmating si Whiskey sa bahay nila matapos ang maghapong
shooting niya para sa isang commercial. Pagpasok niya sa kabahayan ay naabutan niya
ang kapatid na umiinom ng brandy na mag-isa at naglalaro sa usok ng segarilyo.

“Nakatambay ka ata ngayon sa bahay, naubusan ka na ba ng babae na mailalabas?”


makahulugang usisa niya. Umupo siya sa katapat nitong sofa.

“Buwisit kasing babaeng iyon, pakialamera!” naiiritang usal nito.


“Sino naman ang kaaway mo?”

“E ‘di ang ate ng syota ko.”

“Bakit, hindi pabor sa iyo?” natatawang tanong niya.

“Masyadong mitikolosa.”

“Baka naman kasi nahahalata niya na lolokohin mo lang ang kapatid niya,” aniya.

Tumayo ito at palakad-lakad sa harapan niya. “Seryoso na nga ako eh.”

“Weh?” Inaasar pa niya ito.

Marahas na umupo itong muli. “Ngayon lang ako magsiseryoso sa babae, may hahadlang
pa,” anito.

“Himala. Parang interesado tuloy ako na makilala ang babaeng siniseryoso mo.
Ipaglaban mo kung talagang mahal mo siya. Kung talagang seryoso ka sa kanya, hindi
mo dapat iniisip ang mga hadlang sa relasyon ninyo,” payo niya.

“Huli na, baka kung ano na ang mga sinabi ng ate niya sa kanya at malamang,
kinamumuhian na niya ako ngayon,” anito.

“Baka naman kung ano na ang mga pinagsasabi mo sa ate niya.”

“Nakakairita kasi siya. Masyado siyang paranoid. Hindi pa nga niya ako nakikilala
ng mabuti ay hinuhusgahan na niya ako.”

“Tapos ano? Sinabi mo na niloloko mo lang ang kapatid niya?”

“Bahala nang mag-isip ang ate ni Akira. Kahit naman magalit sa akin si Akira ay
hindi niya ako matitiis. Maghahabol parin sa akin ‘yon,” simpatikong sabi nito.

“Hum, napaka-arogante mo talaga, Jereck. Baka hindi mo namamalayan na karma na pala


ang nangyayari sa iyo,” aniya.

“Hindi tumatalab ang karma sa akin. Kung ayaw niya, ‘di huwag. Maraming babae na
mas nakakahigit sa kanya,” anito at tinungga ang laman ng shot glass.

“Marami ngang babae, eh kung siya lang ang isinisigaw ng puso mo ay magagawa mo pa
bang tumingin sa iba?” usig niya.
Nang hindi na siya nito pinapansin ay iniwan na niya ito. Pagpasok niya sa kanyang
silid-tulugan ay nasipat niya ang bote ng strewberry jam na wala nang laman pero
nasa ibabaw lamang iyon ng aparador. Matagal na iyong nasa kuwarto niya pero ngayon
lamang niya ulit napansin.

Ngayon na muling sumariwa sa isip niya ang babaeng nagbigay niyon sa kanya na
pinadala lang sa LBC. Ang babaeng niligawan niya sa pamamagitan ng sulat subalit
binasted lamang siya. Minsan lamang niya nakita ang babaeng iyon at ngayon ay hindi
na niya masyadong maalala ang mukha.

Masama ang loob niya noon, pero nagsisisi rin siya dahil sa malaking pagkakamali
niya. Masyado pang mababaw ang kapilyuhan niya noon kaya hindi niya naiisip na
makakasama pala ang mga ginagawa niya maging sa sarili niya.

Napapangiti siya habang iniisip ang kalokohan. Tinularan niya ang kalokohan ni
Cognac noon kapag nanliligaw sa mga babaeng long distance. Hindi pa uso ang
internet at mababang uri pa ang mga cellphone noon kaya sa litrato lamang nagkikita
ang mag-text mate.

Kapag may nililigawan kasing babae noon si Cognac na nakilala sa text ay


pinapadalhan nito iyon ng litrato pero hindi nito mukha. Nakakaaliw kaya ginawa din
niya iyon sa maraming babae na nakilala niya na nasa malayong lugar.

Ngayong maganda na ang trabaho niya at tumuloy-tuloy ang katanyagan niya—ay wala na
siyang panahon sa mga ganoong bagay. Nagsasawa na rin siya sa magagandang babae na
nakakasama niya sa trabaho.

Subalit ngayon naman ay hinahanap-hanap niya ang babaeng bibihira niya nakikita sa
Maynila. Katulad na lamang ng mga probinsiyana na kung titingnan ay hindi makabasag
pinggan at makaluma kung manamit.

Mayamaya’y sumadsad nanaman sa isip niya ang babaeng nakita sa Bar—ang babaeng
nakita din niya sa Dubai. Naguguluhan siya ngayon habang iniisip mabuti ang mukha
ng babae. Pakiramdam talaga niya ay nakita na niya iyon maliban noong nasa Dubai
sila o nang makita niya iyon sa Bar, tapos—Katrina ang pangalan.

Alergy na siya ngayon sa babaeng may pangalan na Katrina. Ang kauna-unahang babae
na nagsabing....Sorry, hindi ako tumatanggap ng estrangherong manliligaw....

Pumikit siya habang nakangiti. Mayamaya’y tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si
Brandy, hindi niya ito sinagot pero nabasa niya ang mensahe nito. Ipinabatid sa
kanya na may kaguluhang nagaganap sa Bar.

Bumalikwas siya ng bangon. Kahit pagod ay pumunta siya sa bar at inalam ang
nangyari. Nabulabog ang mga costumer dahil sa lasing na nag-amok. Maraming
napinsalang kagamitan. Mabuti na lamang at may dumating na mga pulis at dinampot
ang dalawang mama na nagsuntukan sa loob ng bar.
Lumabas din siya at hinintay na makaalis ang mga pulis at iba pang mga naki-osyoso
sa gulo. Nakatayo siya sa garahe katabi si Gin na siyang Bartender on duty.

“Ano ba ang dahilan ng away ng mga iyon?” tanong niya kay Gin.

“’Yung isang lalaki ay regular Guest na natin, may kasama siyang babae. Bigla
namang dumating ang isang lalaki na lasing at bigla na lamang sinugod ang isang
lalaki. Sa pagkakaalam ko’y asawa ng lalaking dayuhan ang babaeng kasama ng
lalaking guest natin,” detalyadong pahayag ni Gin.

Ngumisi siya. “Pag-ibig nga naman. Saan ba nanggaling ang dayuhang lalaki at
pumasok dito sa Bar na lasing?” kapagkuwa’y tanong niya.

“Ang sabi ng Bouncer natin na si Anjo ay nanggaling daw iyon sa Martini Bar,”
anito.

“Martini Bar?” manghang tanong niya.

“Oo, ayon oh, sa tapat,” ani Gin at itinuro ang Bar na katapat nila.

Napatingin siya sa naturang Bar. Ngayon lamang niya nalaman na bar pala iyon. Noong
bago siya umalis papuntang Dubai ay Restaurant iyon na nalulugi.

“Bar na rin pala ‘yan?” aniya.

“Oo, iba na rin ang may-ari.”

“Nice, may kalaban pala tayo na malapit-lapit. Sino naman ang may-ari?” kapagkuwa’y
tanong niya.

“Hindi ko alam,” tipid na sagot ni Gin.

Nang muli niyang sipatin ang naturang bar ay natigilan siya nang mapansin ang
babaeng nakatayo sa labas ng bar at abala sa pagtipa sa keypad ng cellphone nito.
Ang babaeng iyon ang ipinagtimpla niya ng Italian Limoncello noong nakalipas na
gabi. Ang babaeng nangangalang Katrina.

“Papasok na ako,” ani Gin at iniwan na siya.

Hindi niya namamalayan na dinadala na siya ng mga paa niya sa Bar kung saan niya
nakita ang babae. Pumasok na sa loob ng bar ang babae. Natagpuan na lamang niya ang
sarili na nasa loob na ng kalabang bar na iyon.
HINDI na nakaalis sa Bar si Katrina dahil marami silang costumer ngayon,
palibhasa’y sabado. Hindi na muna niya pinaunlakan ang paanyaya ni Camella na
manood sila ng sine. Nasa loob siya ng counter at tinutulungan ang Bartender on
duty na si Shella. Baguhan pa lamang si Shella kaya hindi niya ito iniwan.

“Ikuha mo pa ako ng maraming ice cube, Shella,” mahinahong utos niya rito. Tumalima
naman ang dalaga.

Abala siya sa pagliligpit ng kalat sa mesa na nilalatagan ng mga sangkap para sa


cocktails—nang may lalaking umupo sa tapat ng counter. “Good evening, sir!” bati
niya sabay baling ng tingin sa lalaki.

Natigilan siya nang mamataan kung sino ang kaharap niya. Bigla na lamang sinalakay
ng nakahihibang na kaba ang puso niya. Hindi niya kinalimutan na Whiskey ang
pangalan nito. Ang lalaking langit na pinakaaasam niya.

“Hi!” nakangiting bati nito.

Bakit kaya siya nandito? Nag-e-espiya din ba siya? tanong ng isip niya.

“Dito ka pala nagtatrabaho? I guest, kaya ka pumasok sa Bar namin noong nakaraang
gabi—ay dahil nag-e-espiya ka malamang,” prangkang sabi nito.

Napalunok siya. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito. “H-hindi ah. Gusto ko lang
matikman ang mga specialties ninyo,” maang niya. Nangangatog ang mga tuhod niya.

Pilyo ang ngiting ipinamalas nito. “Well, what can you say? Nagustuhan mo ba ang
timpla ko?” kapagkuwa’y tanong nito.

“O-oo naman. Masarap nga eh,” naiilang na sagot niya.

“Masarap, pero hindi mo naman inubos,” nakangiting sabi nito.

“Ahm, bigla kasing may emergency,” dahilan niya. Ang totoo’y hindi siya sanay
uminom kaya hindi niya inubos ang inumin niya nang bahagya siyang makadama ng
pagkahilo noon.

“Ganun ba?” anito.

Mayamaya’y dumating si Shella. “Ma’am nandito na po ang mga ice cubes,” anito.

“Sige, pakilagay nalang diyan,” aniya.

Naibaling niyang muli ang tingin sa lalaki. Nakangiti na ito ng ubod tamis.
“If I am not mistaken, you are the owner of this Bar?” nag-uusisang tanong nito.

Hindi na siya nagkaila. “Yes, I am,” aniya.

Lumapad pa ang ngiti nito. “Nice. Magkalaban pala tayo. Nice to meet you, I’m Jason
Del Rosario, known as Whiskey,” kapagkuwa’y pakilala nito sabay alok ng kanang
kamay sa kanya.

Titig na titig siya sa kamay nito. Paulit-ulit siyang napapalunok. Nag-aatubili


siyang daupin ang palad nito sapagkat nawiwindang ang isip at buong pagkatao niya.
May bumabagabag sa isip niya.

Jason Del Rosario? Siya na iyon? gilalas na tanong ng isip niya.

Wala sa loob na dinaup niya ang palad nito. “I’m Katrina Meriz,” kapagkuwa’y
pakilala niya.

Ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay niya ay bigla na lamang lumuwag; ang
matamis at malapad nitong ngiti ay bigla na lamang nahalinhan ng nagigimbal na
reaksiyon.

Animo’y napaso at mabilis na binawi niya ang kamay. Nagkulay suka ang kanyang
mukha.

“Taga saan ka?” mayamaya’y tanong nito.

“Taga Mountain Province ako, pero dito na ako nakatira ngayon sa Cubao,” sinagot
parin niya ito kahit halos sumabog na ang puso niya.

Mayamaya pa’y nanilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. “Small world,
Katrina. Sinasabi ko na nga ba na nag-iisa ka lamang sa mundong ito,” sarkastikong
wika nito.

Natigilan siya. Iisa ba sila ng nararamdaman nang mga sandaling ito?

=================

Chapter Four

  ALAS-KUWATRO na ng umaga ay dilat parin ang mga mata ni Whiskey habang nakahilata
sa kama niya. Nilalaro niya sa kamay ang walang laman na bote ng strewberry jam.

Hindi parin siya makapaniwala na si Katrina Meriz na pala ang babaeng nakilala niya
ngayon—na inakala niyang pangalawang babae na hinangaan niya sa unang tingin.
Nagkamali siya, iisang babae lang pala sila. Nagkaroon siya ng mga agam-agam.

Si Katrina ang babeng taga bundok na hinirang na Beauty Queen ng Baguio City
sampung taon na ang nakakalipas. Malaki ang pinagbago ng dalaga, noon ay morena at
sobrang payat. Ngayon kasi ay maputi na iyon, lalo pang tumangkad at mas gumanda
ang hubog ng katawan.

Noong nakita kasi niya iyon sa Baguio ay tadtad ng palamuti sa mukha at makapal na
make-up, subalit ngayon ay wala manlang kung anong kolorete sa mukha. Kulot ang
buhok niyon noon, ngayon naman ay unat na unat.

Nang hindi parin siya madalaw-dalaw ng antok ay bumangon na siya at naglakad-lakad


sa gilid ng pool. Mayamaya’y narinig niya ang pagbukas ng sliding door buhat sa
study room. Naibaling niya ang tingin sa bahaging iyon ng bahay.

Nagulat siya nang makita ang Daddy niya na lumabas habang may kausap sa cellphone.
Naririnig niya ang tila nagigimbal na tinig ng Daddy niya. Mayamaya pa’y tumalima
ito papasok muli sa kabahayan.

Pakiwari niya’y may problema ito. Nagmadali siyang puntahan ito ngunit natagpuan na
niya ito sa garahe na nag-aapurang sumakay sa kotse nito.

“Dad, saan kayo pupunta?” tanong niya nang maabutan niya ito na nasa loob na ng
kotse.

“Pupuntahan ko sa Ospital si Jereck,” sagot nito. Nababalisa ito.

“Bakit? Anong nangyari?” nababahalang tanong niya.

“Napaaway ang kapatid mo at nabaril,” batid nito. Kapagkuwa’y umalis na ito.

Mayamaya’y nakumbinsi siya na sumunod sa Daddy niya kung saan man na ospital ito
pupunta. Pagdating sa ospital ay nadatnan niya si Jereck na nasa loob ng operating
room. Wala siyang ideya kung ano ngayon ang kalagayan ng kapatid niya.

“Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo, Jason,” sabi ng Daddy niya. Umalis ang
Daddy niya upang asikasuhin ang insedenteng nangyari.

Napag-alaman niya sa babaeng kaibigan umano ng nobya ni Jereck—na kasam ni Jereck


ang nobya nito sa isang Bar nang magkagulo. “Sinaway lang naman ni Jereck ang
lalaking nambastos kay Akira pero nag-amok na ang lalaki at naglabas ng baril.
Lumaban naman si Jereck pero nabaril siya. Nagpaputok pa ang lalaki at may mga
natamaan ng bala, kasama na si Akira,” kuwento ng babae.

Nagitla siya nang malamang may tama rin pala ng bala ang nobya ng kapatid niya, at
ngayon ay unconscious parin matapos na ma-operahan. Hindi siya mapakali habang
nakaabang sa labas ng ICU.

GUSTO nang lumipad ni Katrina upang makarating kaagad sa Ospital kung saan isinugod
ang kapatid niya na umano’y nabaril. Nanginginig ang mga laman niya habang umiiyak
na nakaluklok sa loob ng taxi.

Ni minsan ay hindi niya naisip na humantong sa ganito ang katigasan ng ulo ng


kapatid niya. Panay ang dasal niya habang umiiyak at inaapura ang driver.

Pagdating sa ospital ay agad niyang hinagilap ang kapatid niya. Nasa ICU parin ito.
Bigla na lamang kumulo ang dugo niya nang makita si Jereck na ngayon ay nasa
kritikal na kondisyon. Hindi niya akalaing nagkikita parin pala ang dalawa.

Umalis ng bahay si Akira para lang makipagkita sa nobyo nito. Ang buong akala
niya’y nakipaghiwalay na si Akira sa lalaking iyon matapos niya itong pagsabihan.
Abot langit ngayon ang galit niya kay Jereck na siyang sinisisi niya sa nangyari
kay Akira.

Nakaabang siya sa labas ng ICU nang biglang may lumabas na lalaki mula sa loob.
Nang maghubad ito ng hospital gown at mask ay nagulat siya. Ano ang ginagawa doon
ni Whiskey? Hindi alintanang nagulat din ito nang makita siya.

“K-Katrina!” bulalas nito.

Hindi siya nakaimik, bagkus ay nakatitig lamang siya dito.

“Anong ginagawa mo dito?” mayamaya’y tanong nito.

“’Yung kapatid ko, nasa loob,” nababalisang sagot niya.

“Kapatid mo?” manghang tanong nito.

“Oo, ‘yong babae,” aniya.

Nakamulagat na nakatitig ito sa kanya. “Kapatid mo si Akira?”

Nagtataka siya bakit nito kilala ang kapatid niya. “K-kilala mo ang kapatid ko?”
manghang tanong niya.
“Oo, kasintahan siya ng kapatid ko,” anito.

“S-si Jereck? Kapatid mo si Jereck?!” tanong niya. Labis siyang nawiwindang sa


natutuklasan.

Katulad niya’y nawiwindang din ito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya
nang mga sandaling iyon. Kanina lamang ay nagkita sila ni Whiskey sa Bar niya at
hindi pa siya nahihimasmasan sa nalaman na ito pala si Jason Del Rosario na
estrangherong manliligaw niya noon. Ngayon ay malalaman niya na kapatid pala ito ng
lalaking kinababaliwan ng kapatid niya at laman ng galit niya ngayon.

“Oo, kapatid ko siya,” sagot naman nito.

“Kamusta ang kapatid ko?” kapagkuwa’y tanong niya. Tila nakalimutan niya ng
panandalian ang galit.

“Unconscious pa rin,” sagot nito.

Ang naudlot niyang luha ay muling nangilid sa kanyang magkabilang pisngi. Hindi na
niya makuhang tumingin sa mga mata ni Whiskey. Nag-uumapaw ngayon ang galit niya sa
kapatid nito. Hindi siya nakatiis, ngayon ay inilabas niya ang saloobin sa harapan
nito.

“Kasalanan ‘to ng kapatid mo eh. Hindi aalis ng bahay ang kapatid ko kung hindi
niya pinuntahan at niyaya,” mahinahong sumbat niya habang patuloy sa pangingilid
ang luha niya.

“Teka, bakit sinisisi mo ang kapatid ko? Aksidente ang nangyari at hindi lang naman
ang kapatid mo ngayon ang nasa panganib,” depensa naman nito.

“Kahit na, kasalanan parin niya. Sinabihan ko na siya na layuan niya ang kapatid ko
pero anong nangyari? sumasalisi parin siya!” giit niya.

“Huwag mo munang inaakusahan ang kapatid ko lalo na at nasa kritikal na kondisyon


siya ngayon. Saka ka na magalit kapag maayos na ang kalagayan niya,” anito.

“So alam mo rin na may kapilyuhan ang kapatid mo?” buwelta niya.

“Oo, inaamin ko, pero sa pagkakataong ito—sana ay intindihin muna natin ang
sitwasyon, at sana ay matanggap mo rin na may pagkakamali rin ang kapatid mo. Hindi
‘yung isisi mo lahat sa kapatid ko,” buwelta rin nito sa ilalim ng mahinahon paring
tinig.

Hindi na siya nakaimik. Mayamaya’y humupa rin ang tensiyon sa dibdib niya. Ngayon
ay magkatabi na sila habang nakaupo sa mahabang upuan na nasa labas ng ICU, ngunit
walang umiimik kahit isa sa kanila. Nakaupo siya sa kaliwang dulo ng mahabang upuan
habang ito naman ay sa kanang dulo ng upuan nakaupo.

“Nang nasa Dubai ka, ano ba dapat ang trabaho na papasukan mo noon?” mayamaya’y
tanong nito makalipas ang dalasang minutong katahimikan.

Pumintig ng husto ang pulso niya nang mga sandaling iyon. Ito na ang pagkakataon na
hinihintay niya—ang pagkakataon na mapalapit sa lalaking ito.

“Model sa isang fashion Company,” kapagkuwa’y sagot niya.

Bahagya itong natawa. Awtomatiko’y naibaling niya ang tingin dito. “Anong
nakakatawa?” masungit na tanong niya.

“Sorry. So nangarap ka rin pala na maging Modelo. Ang buong akala ko ay matagal ka
nang nadiskobre dahil naging Beauty Queen ka ng Baguio. Anong nangyari matapos na
parangalan kang pinakamagandang babae sa lugar na iyon?” tila nang-uuyam na saad
nito.

“Nag-aral ako at nagtrabaho,” tipid niyang sagot.

“Pagkatapos, nag-asawa ka na?” usisa nito.

“Hindi. Wala sa vocabolary ko ang pag-aasawa,” aniya.

Ngumisi ito. “Hula ko malapit na ring lumampas sa kalendaryo ang edad mo,” sabi
nito sabay titig sa kanya.

“Walang limitasyon ang edad.”

“Limitasyon, saan?”

“Sa lahat ng bagay,” mariing sagot niya.

“Hanggang ngayon ba ay nangangarap ka parin maging modelo?” tanong nanaman nito.

“Alam kong malabo na pero umaasa pa rin,” aniya.

“Puwede pa naman eh, kaso, karamihan sa kinukuha ngayon ng industriya ay mga bata
na kayang makipagsabayan sa mga International Model sa mundo.”

Dinamdam niya ang sinabi nito. Ibig ba nitong sabihin ay hindi na siya nababagay sa
Fashion Industry dahil nagkaka-edad na siya?

“Sa palagay mo, wala na bang fashion Company na tatanggap sa akin?” tanong niya.

Ngumisi ito. “Meron, ako,” sarkastikong sagot nito.

Matiim na tinitigan niya ito sa mga mata. Sa halip na kausapin ito ay tumayo siya
at badyang iiwan ito subalit nahawakan nito ang kamay niya.

Mabilis na dumalantay sa mga ugat niya ang init na nagmumula sa palad nito.
Napilitan siyang umupong muli sa tabi nito na ngayon ay isang dangkal na lamang ang
pagitan nila sa isa’t-isa. Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

“Nakakatuwa, hindi mo parin pala ako nakakalimutan,” mayamaya’y wika nito.

“Ang totoo, nakalimutan na kita, este—ang pangalan mo,” aniya.

Bumungisngis ito. “Ngayon mo pa lamang pala nakita ang mukha mo,” natatawang sabi
nito.

Itinuon niya ang paningin sa mukha nito. “Hindi pala talaga ikaw ang nasa larawan
na pinadala mo sa akin noon,” naiinis na wika niya.

“Hindi. Picture iyon ng Hollywood Actor na si Tom Cruise noong binata pa siya,”
pagtatapat nito.

“Sinasabi ko na nga ba. Kaya tama lang na pinutol ko ang pakikipag-ugnayan ko sa


iyo,” aniya.

“Sorry naman. Hindi mo pa pala nakakalimutan ang tungkol sa litrato,” kapagkuwa’y


sabi nito. Hindi napapalis ang ngiti sa mga labi nito.

Hindi na siya umimik. Nabaling ang isip niya sa kalagayan ngayon ng kapatid niya.

“May boyfriend ka na ba?” mayamaya’y tanong nito.

Hindi na niya nagawang sumagot nang inilabas na ng mga nurse ang kapatid niya mula
sa ICU. Ililipat na ito sa ward. Kasunod ng mga ito ang doktor na agad naman niyang
sinabat.

“Doc. ako po ang kaanak ng pasyente, kamusta na po ang lagay ng kapatid ko?”
nababahalang tanong niya.
Hinarap naman siya ng Doktor. “Maayos na ang lagay niya, hihintayin nalang natin na
magkamalay siya,” sagot naman ng Doktor at umalis na ito.

Sandaling nasulyapan niya si Whiskey bago niya sinundan kung saan dadalhin ng mga
nurse ang kapatid niya. Gusto niya sa private ward ilagay ang kapatid niya na
sinunod naman ng mga nurse.

May mga nakakabit paring mga aparato sa katawan ni Akira pero hindi parin masabi
kung kailan ito magkakamalay-tao. Gustuhin man niyang magalit ngayon sa kapatid
niya dahil sa katigasan ng ulo nito ngunit hindi niya iyon maaring gawin.

Inaayos na niya ang kumot ng kapatid nang biglang may kumatok sa pinto. Nang buksan
niya ang pinto ay tumambad sa kanya si Whiskey. Hinayaan niya itong makapasok.

“Kamusta na siya?” tanong nito nang makalapit ito kay Akira.

“Okay na raw sabi ng Doktor,” walang kasiguruhang sagot niya.

“Si Jereck, kamusta na?” kapagkuwa’y tanong niya. Wala sa loob niya na naitanong
iyon. Nauubusan lamang siya ng sasabihin dito.

“Katatapos lang ng operasyon. Dalawang bala ang nakuha sa katawan niya. Under
observation parin siya hanggang sa ngayon,” malungkot na batid nito.

Pansamantalang naglaho ang galit niya kay Jereck. Kung hindi niya nakilala si
Whiskey ay hindi basta maiibsan ang galit niya kay Jereck at baka ipagdadasal pa
niya na matuluyan na iyon.

“May alam ka ba kung ano talaga ang nangyari?” kapagkuwa’y usisa niya.

“Ayon sa salaysay ng isa sa kaibigan ng kapatid mo, may nakapikunang lalaki si


Jereck na umano’y binabastos si Akira—hanggang sa maglabas ng baril ang lalaki at
nakipagbuno ang kapatid ko. Sa kasamaang palad, nabaril si Jereck at dahil patuloy
sa pagpapaputok ang lalaki ay may ilang natamaan ng bala at isa na roon ang kapatid
mo. Nahuli na ngayon ng mga pulis ang suspek sa tulong na rin ng Daddy ko. Naghabla
din si Daddy ng kaso sa Bar na pinagyarihan ng insidente dahil sa kakulangan ng
seguridad,” pahayag ni Whiskey.

Namagitan ang katahimikan. Naiilang parin siya rito sa tuwing maiisip kung ano ang
antas nito sa buhay. Pinagmamasdan niya ito habang nakaupo sa silya at nakatingin
sa walang malay niyang kapatid. Napansin niya ang ilang beses na napapapikit ito.

Mayamaya’y nakahimlay na ang ulo nito sa sandalan ng silya at tuluyang napapikit.


Nang sipatin niya ang oras sa suot nitong relos ay nabigla siya nang malamang alas-
sais na pala ng umaga. Hindi manlang siya nakadama ng antok.
Nagulantang siya nang biglang tumunog ang cellphone nito na hawak ng kanang kamay
nito—na nakapatong sa mga hita nito. Dahan-dahan niya itong nilapitan at sinilip
kung sino ang tumatawag.

Pangalan ng babae ang nakarehistro. Si Marcela. Dalawang beses na tumawag ang babae
pero hindi manlang nagigising ang lalaki. Bahagyang may kumirot sa puso niya habang
iniisip na maaring nobya nito ang tumatawag.

Tumigil na rin sa pagtunog ang cellphone nito. Siya ang nahihirapan habang
pinagmamasdan ang posisyon nito habang natutulog. Mamaya’y muli nanamang tumunog
ang cellphone nito. Nang silipin niya’y Daddy na nito ang tumatawag.

Nakumbinsi na siya na gisingin ito. Niyuyugyog niya ang balikat nito, dalawang
beses bago ito nagising. Napakislot pa ito nang mapansin siya na nakatayo sa tabi
nito.

“Tumatawag ang Daddy mo,” sabi niya rito nang magising ito ng tuluyan.

Napapangiwi ito, marahil ay iniinda nito ang namamanhid na paa nito. Hindi pa ito
tumatayo at hindi rin nito sinagot ang tumatawag sa cellphone nito. Nakatitig
lamang ito sa kanya. Mamaya’y ngumiti ito.

“Sorry, nakatulog ako,” anito.

“Okay lang. Baka hinahanap ka na ng Daddy mo,” aniya. Sandali lamang siyang
ngumiti.

“Oo nga.” Tumayo ito ngunit bigla naman itong nawalan ng panimbang at walang anu-
ano’y napakapit ito sa balikat niya.

Naramdaman niya ang bigat nito na nagtulak sa kanya na mapasandal sa dingding.


Nakulong siya sa mga bisig nito.

“I’m sorry, nag-crumbs ang paa ko,” anas nito.

Nalanghap niya ang hininga nito na kahit bagong gising ay mabango iyon. Ga-daliri
na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi. Animo’y sinasadya nito na mayakap siya,
pero totoo na napulikat ang kanang paa nito.

Sa paglapat ng kanilang mga dibdib ay hindi alintana na naramdaman niya sa sariling


dibdib ang malakas na tibok ng puso nito. Doble naman ang tulin ng tibok ng puso
niya nang maramdaman ang init ng mga braso nito na pumulupot sa katawan niya.
Matagal na nagkatitigan lamang sila.

Bago pa may maganap ay inalalayan na niya ito na makaupong muli sa silya. Hinilut-
hilot niya ang namulikat nitong paa. Ramdam niya ang init na dulot ng nakakapaso
nitong tingin.

“Okay na,” anito.

Saka lamang niya binitawan ang paa nito. Nakatayo na rin ito ng maayos at
nakakapaglakad.

“Salamat. Pupuntahan ko lang muna si Jereck,” kapagkuwa’y sabi nito at nag-apurang


lumabas.

Muna? Ibig ba nitong sabihin ay babalik pa ito roon? Napangiti siya habang
nakatanaw sa kakasarang pinto. Hindi niya maitago ang kilig nang sa wakas ay abot-
kamay na niya ang modelong pinagpapantasyahan niya. Nararamdaman niya na malaki ang
tiyansa niya na makuha ang loob nito sapagkat may nakaraan na namagitan sa kanila.

Napag-isip-isip niya na puwede na siyang umasa na magkakaroon siya ng puwang sa


buhay nito lalo na malamang sa puso nito. Hindi na naalis ang ngiti sa kanyang mga
labi habang inaalala ang sandaling nayakap siya nito kahit hindi nito sinasadya.

Hindi na siya nakatulog kahit nang sumikat na ang araw. Kahit pakiramdam niya’y
lutang na ang katawan niya ay wala parin siyang balak matulog. Inaantabayanan
niyang magising ang kapatid niya.

Ngayon niya inasam na sana ay ituloy na ni Whiskey ang panliligaw sa kanya at sana
ay magseryoso na ito. Kaya lamang ay nababahala siya. Maaari pa kayang magugustuhan
parin siya nito?

WALA na sa critical stage ang kalagayan ni Jereck at nailipat na rin ito sa private
ward, pero hindi parin masabi kung kailan ito magkakamalay. Nagboluntaryo si
Whiskey na magbantay pero hindi siya pinayagan ng Daddy niya.

“Umuwi ka na muna sa bahay at matulog, Jason. Pagod ka at wala ka pang tulog.


Tinawagan ko na rin ang Tita Rosana mo at siya ang papalit sa akin dito mamaya,”
ani G. Jacob.

“Sige, dad,” sabi nalang niya.

“Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Anak, baka makatulog ka,” habilin pa nito at tinapik


ang balikat niya.

“Okay, dad.” Iyon lang at lumabas na siya ng silid na iyon.

Nasa pasilyo na siya palabas ng Ospital nang bigla niyang maisip si Katrina.
Bumalik siya sa ikalawang palapag at tinungo ito sa ward ng kapatid nito.

Hindi na siya kumatok sa pinto nang makita niyang bahagya iyong nakabukas. Marahan
niya iyong binuksan ng tuluyan subalit pagpasok niya ay tulog ang dalaga habang
nakaupo ito sa silya sa tabi ng kama ng kapatid nito. Nakahilig ang ulo nito sa
gilid ng kama at bahagya pang nakaawang ang bibig.

Napapangiti siya habang pinagmamasdan ito. Humakbang pa siya palapit dito at


nagtiungko sa harapan nito. Matiim na tinititigan niya ang nahimbing na mukha nito.

Marahang hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na nakalaylay sa mukha nito at
inipit iyon sa likod ng tenga nito. Wala sa loob na ipinaglalandas niya ang mga
daliri sa makikinis nitong pisngi, sa matangos nitong ilong, lalung-lalo na sa
mapupulang mga labi nito.

Umungol ang dalaga at bahagyang gumalaw. Mabilis na inilayo niya ang kamay ngunit
hindi siya umalis sa harapan nito. Hindi siya natatakot kahit mahuli pa siya nito.

Mayamaya’y muli nanaman niyang hinaplos ang pisngi nito. “Naaaliw talaga ako sa
iyo, Baby. Ang amo parin ng mukha mo kahit nadagdagan ng ilang taon ang edad mo.
Hindi ka pala tumatanggap ng estrangherong manliligaw ah, tingnan natin. Matagal
bago ako naka-move on sa ginawa mo sa akin. Lintik lang ang walang ganti, Katrina,”
pilyong anas niya saka tumayo.

Kapagkuwa’y lumabas na siya. Nagitla siya nang mabungaran niya sa labas ang babaeng
papasok sana sa kuwartong iyon, hindi naman ito nurse. Pakiwari niya’y kaanak din
ito ni Katrina. Sandali lamang siya nitong sinipat at pumasok na ito sa kuwarto.

Nasilaw siya sa sikat ng araw nang lumabas siya ng ospital. Tanghali na pala.
Kailangan niyang makatulog kahit apat na oras lang. May fashion show pa siya
mamayang gabi.

  

=================

Chapter Five

TATLONG araw bago nagkamalay si Akira. Tatlong araw din na hindi nakakadalaw sa Bar
niya si Katrina. Mabuti na lamang at nariyan si Camella upang humahalinhin sa kanya
para naman makatulog siya ng maayos.
Nang minsang dalawin niya si Jereck sa hospital room nito ay nadatnan niya roon si
Whiskey pero tulog ito sa sofa. Hanggang ngayon pala ay hindi parin nagkakamalay si
Jereck.

Unti-unti na ring nanunumbalik ang lakas ni Akira kaya naman ay hinay-hinay na rin
siya sa paglilitanya. “Ano ang masasabi mo, Akira?” tanong niya sa mahinahong tinig
habang nakaupo sa gilid ng kamang kinahihimlayan ng kapatid.

“I’m sorry, Ate,” sabi lang nito.

“Hindi magtatagal ay mauuna akong mamamatay sa iyo dahil sa katigasan ng ulo mo.
Hindi naman kita paghihigpitan kung alam kong makakasama sa’yo. Paminsan-minsan ay
paniwalaan mo naman ang mga sinasabi ko, hindi ‘yong oo ka ng oo pero lusot din sa
kabilang tenga. O ngayon, anong napala mo? Nagmahal ka ba ng lalaki para
magpakamatay?” litanya niya.

“Mahal ko po talaga si Jereck, hindi ko kayang mawala siya,” humihikbing sabi nito.

“Oo nga, naroon na tayo. Ang sa akin lang naman, kung talagang gusto ninyo ng
seryosong relasyon—hingkayatin mo siya na sa bahay ka niya ligawan, hindi ‘yong
nakakarating pa kayo kung saan. Ganito na ba ang estilo ngayon sa panliligaw, sa
dicso bar na?” usig niya.

Hindi kumibo si Akira. “Kumain ka na,” aniya. Kapagkuwa’y iniwan niya ito.

Nang buksan niya ang pinto ay napakislot siya nang mabungaran niya si Whiskey na
nakatayo sa bukana ng pinto. Pansamantalang tumigil ang oras niya nang bigla na
lamang tumulin ang tibok ng puso niya—lalo pa’t sinalubong siya nito ng nakakamatay
na ngiti na may kasamang kindat.

“Hi, kamusta!” bati nito.

“Ahm, okay na si Akira,” wala sa loob na sagot niya.

“Alam ko naman na okay siya. Ikaw ang kinakamusta ko,” sarkastikong wika nito.

Gusto nang lumuwa ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang
mga sandaling iyon.

“S-si Jereck, kamusta?” kapagkuwa’y tanong niya.

Ngumisi ito. “Hindi pa nagkakamalay, pero sabi ng doktor ay maayos na ang kondisyon
niya. Ako, hindi mo ba kakamustahin?” kapagkuwa’y tanong nito.
Uminit ang mukha niya. Iniiwasan niyang mapatitig sa mga mata nito sapagkat lalo
lamang bumibilis sa pagtibok ang puso niya. Sa halip na sagutin ito ay isinara niya
ang pinto at naglakad sa pasilyo papunta’ng canteen. Hindi niya akalain na susundan
siya nito saan man siya magpunta.

Nang umupo siya sa bakanteng mesa ay umupo din ito sa katapat niyang upuan. Panay
ang tipa niya sa keypad ng cellphone niya. Kinukontak niya si Camella.

“Anong gusto mong kainin?” mayamaya’y tanong niya

Naibaling niya ang tingin sa mukha nito. Uminit nanaman ang pisngi niya nang mahuli
na nakatitig ito sa kanya. Kung tatanungin siya nito ay para bang nasa isang
restaurant sila.

“Hindi ako kakain. Gusto ko lang magtambay muna dito,” aniya.

“Napagod ka ba sa kaka-sermon sa kapatid mo?” mamaya’y tanong nito.

Nagulat siya. Narinig pala nito ang litanya niya kay Akira. Kung magkaganoon pala
ay matagal na itong nakatayo sa likod ng pinto ng kuwarto ni Akira kanina. May kung
anong damdamin nanaman ang umalipin sa kanya.

“Hindi ka naman pala nagkulang ng pangaral sa kapatid mo. Sadyang matitigas lang
talaga ang sintido ng mga kabataan ngayon,” anito.

“Hindi na sila bata. May mga pinag-aralan sila at alam nila kung ano ang tama at
mali,” wika niya.

“Iba na ang lifestyle ng mga tao ngayon kumpara sa kapanahunan natin.”

Natitigan niya ito ng diretso. Parang sinasabi nito na napag-iiwanan na sila ng


panahon. “Hindi nalalayo ang henerasyon natin sa kanila. Kung tutuusin ay magka-
edad lang kami ng kapatid mo. Matanda siya ng walong taon sa kapatid ko. Dapat ay
siya ang mag-adjust dahil mas malawak ang karanasan niya. Napaka-inosente pa ng
kapatid ko,” aniya.

“Kung makapagsalita ka parang gusto mong ipako ang lahat ng kamalian sa kapatid ko
ah. Paminsan-minsan ay kapatid mo naman ang sisihin mo sa nangyaring insedente,”
buwelta nito.

Unti-unti nang namamagitan ang tensiyon sa kanila. “Kasalanan parin ng kapatid mo.
Kung pormal siyang lalaki ay hindi niya dadalhin ang kapatid ko sa lugar na alam
niyang maari silang mapahamak. Wala siyang dilikadesa,” prangkang sabi niya.

“Wow, masama na ang kapatid ko. Saan mo pala gusto na magkita sila, sa Motel?”
nakangising saad nito.
Nagtagis ang bagang niya. “Diyan kayo magaling na mga lalaki. Kapag napasagot na
ninyo ang babae ay gusto kaagad ninyo na maikama,” walang abog na sabi niya.

Bumungisngis ito. “Gusto ko ang tabas ng dila mo, walang kalso. Anyway, nangyayari
talaga iyan. Isa kasi iyon sa mga batayan naming mga lalaki kung talagang mahal
kami ng isang babae, kung talagang handa kayong ibigay ang lahat sa amin,” anito.

“Hindi pagmamahal ang tawag riyan. Lust,” giit niya.

Tumawa ito ng pagak. “Maka-old passion ka parin talaga. Paano ka magugustuhan ng


lalaki kung masyado kang makaluma? Practical na ngayon, Katrina,” anito.

“May mga lalaki na naghahangad parin ng mga sinaunang babae,” makahulugang sabi
niya.

Pilyong ngiti ang ipinamalas nito. “Well, tama ka. Mas masarap paring kasama ang
babaeng inosente pagdating sa isang relasyon. Kaya siguro hindi ka pa nag-aasawa ay
dahil walang lalaki ang nakaka-relate sa lifestyle mo,” tila nang-uuyam pang sabi
nito.

Bahagyang uminit ang bunbunan niya. “Mali ka, lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko
ay proud na ako ang naging nobya nila,” buwelta niya. Gusto sana niyang sabihin na
may lalaking nagtangkang magpakamatay dahil sa kanya.

“Alam ko naman ‘yon, Katrina. Siguro nga kung binigyan mo ako ng chance noon ay
baka isang dosena na ang anak natin ngayon,” sarkastikong wika nito.

Tumahimik ang panig niya. Hindi niya maawat ang pagwawala ng puso niya ngayon.
“Mabuti nalang pala at hindi nangyari,” kapagkuwa’y sabi niya.

“Mabuti na nga lang at hindi. Abot langit sana ang pagsisisi ko ngayon.”

Ngali-ngali niya itong sapukin. Masyado itong arogante. “Tama ang desisyon ko, baka
ngayon palang ay lusyang na ako,” buwelta niya.

Napalis ang ngiti nito. “Akala ko nga ay may anak ka na,” ganti naman nito.

Napalunok siya ng ilang beses. Hindi niya namamalayan na gumaganda na ang mga tagpo
sa pagitan nila. Gumagaan na ang pakikitungo nila sa isa’t-isa.

“Umaasa ka parin ba na magiging modelo ka pa, Katrina?” kapagkuwa’y tanong nito.


Masyado ata siya nitong minamaliit.
Natitigan niya ito sa mga mata. “May tiwala ako sa sarili ko. Ginagawa ko ang lahat
para sa pangarap ko’ng iyon,” aniya.

“Hindi ka nababagay sa ganoong propisyon, Katrina.”

Natigilan siya. Bigla na lamang itong tumayo. “Nice talking. Sisilipin ko lang si
Jereck,” anito at iniwan na siya.

Sinundan lamang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito sa canteen. Mayamaya
rin ay lumabas siya ng canteen at sana’y babalik na sa ward ni Akira subalit
napahinto siya sa gitna ng pasilyo nang masalubong ang multo, este—ang dati niyang
nobyo na si Alexis Araneta.

“Katrina, tadhana nga naman,” anito.

Hindi siya nakakibo.                      

“Kamusta, Babe?” nakangiting tanong nito nang makalapit ito sa kanya.

Wala siyang ideya kung ano ang ginagawa nito roon sa Ospital. Nakabalik na pala ito
mula sa Canada at hindi niya maikakaila na lalo itong gumuwapo. Kinapa niya ang
dibdib, wala ng ni katiting na paghanga para rito, wala na rin ang sakit at galit
sa puso niya.

“Grabe, ang ganda mo parin talaga,” anas nito habang ipinalalandas nito ang mga
daliri sa makinis niyang pisngi.

“Nakabalik ka na pala,” sabi lamang niya.

“Yes, hindi mo ba ako kakamustahin? Namiss kita sobra,” anito.

“Alam ko naman na nasa mabuti kang kalagayan at salamat at inaalala mo parin ako,”
aniya.

“Mahal kita kaya hindi kita kayang tiisin. Sana ganoon ka rin sa akin,” sabi nito.

“I’m sorry, nagmamadali ako,” alibi niya at tinangka niyang iwan ito subalit
mabilis na kinabig nito ang baywang niya.

Walang anu-ano’y bigla na lamang nitong siniil ng halik ang mga labi niya.
Nagpumiglas siya ngunit hindi siya nito binitawan. Mayamaya’y bigla na lamang itong
kumalas sa kanya at namataan niya itong nakahandusay sa sahig.

Nanlaki ang mga mata niya nang mamataan si Whiskey. Nagmistula siyang tuod na
nakatayo sa harapan nito.

Kumilos si Alex at sana’y babangon ngunit mariing inapakan ni Whiskey ang sikmura
nito at muli sanang susuntukin pero hinawakan niya ang braso nito.

“Tama na!” saway niya.

Nilubayan naman nito si Alex na ngayon ay nakakatayo na, duguan ang nguso nito.
Kahit papano’y naroroon parin ang pagpapahalaga niya sa dati niyang nobyo. Nakuha
pa niya itong lapitan at pahiran ng panyo ang dugo sa mga labi nito.

“Sorry, akala ko kasi binabastos ka niya,” sabi sa kanya ni Whiskey. Bakas sa mukha
nito ang pagkadismaya.

“Ang yabang mo! Sino ka ba para makialam? Nobya ko si Katrina kaya may karapatan
akong halikan siya!” asik ni Alex kay Whiskey. Nanggagalaiti ito.

Nagulat siya. Kumalas sa kamay niya si Alex at bigla na lamang sinuntok sa mukha si
Whiskey. Muli pa sana nitong susugurin si Whiskey pero kinabig niya ang braso nito.

“Tama na, Alex!” saway niya. Nagpaawat naman ito. Duguan na rin ngayon ang bibig ni
Whiskey.

Hindi niya malaman kung sino ngayon ang lalapitan niya. Napatingin siya kay
Whiskey. Nagtatagis ang mga bagang nito. Mayamaya pa’y may dumating na mga
guwardiya. Wala nang pumalag ni isa sa dalawang lalaki.

Umalis na lamang si Whiskey na hindi niya nakakausap. Sa inis niya kay Alex ay
hindi niya ito pinapansin kahit pa humingi ito ng kapatawaran.

“BUWISIT!” Napamura si Whiskey pagdating niya sa loob ng ward ni Jereck. Tiningnan


niya ang sarili sa salamin na nasa loob ng palikuran.

Mayamaya’y napapangiti siya habang naiisip ang nangyari. Hindi niya napigil ang
sarili niya kanina na magwala nang makita na marahas na hinahalikan ng lalaki si
Katrina. Buong akala niya’y kung sino lang ang lalaking iyon na nambastos sa
dalaga.

“Ano nga ba ang pakialam ko? Pambihira, may nobyo pala siya. Akala ko, loveless
siya,” natatawang usal niya.

Nang lumabas siya mula sa palikuran ay napansin niya na gumalaw ang kamay ni
Jereck. Mayamaya pa’y unti-unti nang dumidilat ang mga mata nito. Nilapitan niya
ito.

“Welcome back, Bro!” bati niya nang tuluyan itong magising.

Matiim na nakatitig lamang ito sa kanya. “Kamusta na ang pakiramdam mo?”


kapagkuwa’y tanong niya. Nawala sa isip niya na may nakakabit pang oxygen sa bibig
nito.

Hindi parin siya nito kinikibo. Mamaya’y may dumating na nurse kasunod ang Doktor
at inasikaso ang kapatid niya.

“Si Akira, anong nangyari sa kanya,” tanong ni Jereck nang mapagsolo na silang
muli.

“Nakaka-recover na siya. Balita ko’y malapit na siyang makakalabas sa ospital na


ito,” sagot niya habang ipinagbabalat ito ng dalandan.

“Gusto ko siyang makita,” anito at tinangkang babangon ngunit ibinalandra niya ang
braso sa dibdib nito.

“Huwag kang mayabang. Hindi mo pa nga kayang tumayo. Maayos na ang lagay ni Akira
at isa pa, mainit pa ang dugo ng ate niya sa iyo,” aniya.

“Bakit naman siya magagalit sa akin? Aksidente ang nangyari,” anito.

“Alam ko. Nakausap ko na si Katrina.”

“Kilala mo ang ate ni Akira?” namamanghang tanong nito.

“Naman. Makikilala ko talaga siya dahil sa kahibangan mo. Huwag mo na munang ituloy
ang relasyon ninyo ni Akira lalo na at nag-aaral pa siya. Tama si Katrina, ikaw ang
dapat mag-adjust,” aniya.

“Hindi!” mariing protesta nito.

“Huwag ka nang umasta na parang bata, Jereck. Sakit sa ulo ang ibinibigay mo sa
pamilya natin, maging sa ibang tao. Kung hindi mo lang naman kayang seryosohin si
Akira ay mas mabuti pang tigilan mo na siya.”

“Kuya, seryoso ako,” giit nito.

“O come on. Kilala kita, Jereck, wala kang isang salita. Hindi ka naiiba sa akin,”
aniya at inilagay sa palad nito ang binalatan niyang dalandan.
“Kainin mo na iyan, huwag kang assuming. Mamaya ay darating si Tita Rosa para
bantayan ka. Pupunta pa ako sa bar mamaya,” aniya at lumapit sa pinto.

“Saan ka pupunta?” kapagkuwan ay tanong nito.

“Magpapahangin lang sa labas,” sagot naman niya at binuksan na ang pinto.

Masakit ang bibig niya. Ayaw niya na may nararamdaman siyang sakit saan mang parte
ng katawan niya. Kinagabihan ay tumambay siya sa Bar. Napuna ng mga kaibigan niya
ang pasa sa gilid ng bibig niya.

“Sino naman ang lapastangang pumunit sa kissable lips mo, dude?” tanong sa kanya ni
Rum habang abala ito sa pagtimpla ng inumin niya.

Nakaupo lamang siya sa stool chair sa tapat ng counter. “Kinagat ng babaeng nabitin
sa halik ko,” sarkastikong sagot niya.

Bumungisngis si Rum. “Kamusta na pala ang magaling mong kapatid?” kapagkuwa’y


tanong nito.

“Nagising na sa wakas,” aniya.

“Akala ko naman ay mababawasan na ang lahi ninyong mga pilyo,” natatawang saad
nito.

Bahagya siyang natawa. “Ang masamang damo, hindi basta-basta natitigok,” aniya.
Nang i-abot na nito sa kanya ang inumin niya ay dagli niya itong sinimsim.

Mayamaya’y sumagi nanaman sa isip niya si Katrina. Nang maubos niya ang inumin niya
ay lumabas siya at tinungo ang Bar sa tapat ng Bar nila. Kahit hindi siya sigurado
na naroroon si Katrina ay pumasok parin siya.

Malakas talaga ang pandamdam niya. Ramdam niya kanina pa na makikita niya roon ang
dalaga. Nasa loob ng counter ang dalaga at may pinagkakaabalahan.

Umupo siya sa harap ng counter at nag-order ng inumin sa magandang Bartender. Nang


mapansin siya ni Katrina ay iniwan nito ang ginagawa at lumapit sa kanya.

“May order ka na ba?” nakangiting tanong nito.

“Meron na,” sagot niya.

Nang makuha na niya ang order niya ay inayayahan niya itong umupo sa bakanteng
mesa, pinaunlakan naman siya nito.

“Nagkamalay na pala ang kapatid mo,” anito nang maka-upo na sila na magkaharap.

“Paano mo nalaman?”

“Sumilip ako kanina sa ward niya,” anito.

“Huwag mo sabihing inaway mo si Jereck,” usal niya.

“Hindi. Gusto ko na siyang sumbatan pero baka kasalanan ko pa kung ano ang mangyari
sa kanya. Hihintayin ko nalang na makakalakad na siya saka ko siya pipilayan,”
simapatikang saad nito.

“Ang sama ng hangarin mo. Anyway, gusto ko lang banggitin ang tungkol sa nangyari
kanina sa ospital. Sorry, akala ko kasi ay binabastos ka no’ng lalaki. Boyfriend mo
pala iyon,” nakangising sabi niya.

“Ako ang dapat mag-sorry. Ang totoo, gusto kong magpasalamat sa iyo,” kapagkuwa’y
wika nito.

Namangha siya. “Bakit?” nagtatakang tanong niya.

“Ex boyfriend ko si Alex at matagal na kaming walang komunikasyon,” bunyag nito.

“Ex mo? So, ibig sabihin, talaga palang binastos ka niya?”

“Hindi ko naman siya masisi. Gusto niyang ibalik ang relasyon namin,” malungkot na
pahayag nito.

“Bakit hindi mo siya balikan? Mahal ka naman pala niya. Sayang ang pagkakataon,
bibihira na ngayon ang lalaking seryosong magmahal sa isang babae,” aniya at muling
lumagok ng inumin.

Natitigan siya nito sa mga mata. “Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ko
hahayaan na masira ang relasyon namin,” seryosong wika nito.

Nang sipatin niya ito ay nakatanaw ito sa bukana ng pinto. Hinihimay-himay niya ng
tingin ang bawat anggulo ng mukha nito. Napapalunok siya habang pinapakiramdaman
ang kanyang sarili.

Katulad pala ni Alex ang tipo mong lalaki. Simple, maginoó na medyo bastos. Hindi
importante kung ano ang antas sa buhay. Ang mahalaga pala sa iyo ay ang lalaking
wagas magmahal, naisaloob niya.  
Nang muli nitong ibaling ang tingin sa kanya ay hindi niya nagawang iiwas ang
tingin. Nagtama ang kanilang mga mata.

“Ah, masarap din pala ang version ninyo ng Long Island Ice tea,” kapagkuwa’y sabi
niya.

“Recipe ‘yan ni Alex,” anito. Bigla itong umiwas ng tingin.

Alex nanaman, anang isip niya. Ngayon niya napagtanto na malaki pala ang naging
parte ni Alex sa buhay nito.

“You mean, liquor lover din si Alex? Dedicated pala sa kanya ang Bar na itinatag
mo,” aniya.

Bigla atang nabikig ang lalamunan nito. Wala itong naging tugon.

“Well, hindi naman pala nagkulang sa iyo ang ex mo. Marami din pala siyang nagawa
para hindi mo siya basta makalimutan. Bakit hindi mo siya balikan?
Nakakapanghinayang naman kasi,” aniya saka sinaid ang natitirang laman ng baso
niya.

ILANG beses na pinag-isipan ni Katrina ang sasabihin niya. “Mahirap balikan ang
nakaraan kung saan ka nagdusa,” aniya.

Hindi niya matitigan sa mga mata si Whiskey. Malalim ito kung tumingin—lalim na
tumatagos sa puso niya. Bahagyang sumikip ang dibdib niya habang iniisip na
ipinagpipilitan nito na balikan niya si Alex.

Maganda ang naging relasyon nila ni Alex kung hindi lamang ito nagluko. Minahal
niya si Alex, bukod sa ito ang unang lalaki na minahal niya ng buo. Si Alex rin ang
nagturo sa kanya ng maraming bagay at naging sandigan niya noong panahong mawala ng
sabay ang mga magulang niya buhat sa aksidente.

Marahil ay naiinip na rin si Alex kaya niyon naisipang sumubok ng ibang babae na
gawing fling. Hindi siya nakontinto sa ginawa niyong pagluhod sa harapan niya.
Bagamat pinatunayan niyon kung gaano siya niyon kamahal—hindi iyon naging sapat
upang maibsan ang sakit sa puso niya. Nilamon siya ng galit nang mga panahong iyon.

Nagulat siya nang damhin ni Whiskey ang kamay niya. May inipit ito sa palad niya.

“Bayad ko,” anito. Tinutukoy nito ang perang inipit sa palad niya.
Malagkit ang titig nito sa kanya na tila ba gusto siyang higupin palapit dito.
Kumikilos ang mga kamay nito—ang hintututro nito’y inilapat nito sa bibig nito.
Walang anu-ano’y inilapat nito ang hintuturo nitong iyon sa bibig niya.

Para na rin siya nitong hinalikan dahil sa ginawa nito. Natitigilan siya. “Halik ng
estranghero,” anito sabay kindat.

“Hindi na ako magtatagal. Gusto lang talaga kitang makita at salamat sa masarap na
inumin,” anito. Kapagkuwa’y tumayo na ito at nag-apurang umalis.

Matagal bago siya nahimasmasan sa damdaming umalipin sa kanya. Nang buksan niya ang
palad niya ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang dalawang daang dolyar na
siyang ibinayad ni Whiskey. Nang bukatkatin niya ang nakakulukot na pera ay may
nakapaloob doon na necklace na yari sa twenty-four karat na ginto.

Tumayo siya at hinabol sa labas si Whiskey pero hindi na ito nahagip ng paningin
niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi
niya malaman kung ano ang iisipin niya.

Nililigawan ba siya ni Whiskey? Ang pagkakaalam niya’y mga mayayamang lalaki ang
gumagamit ng material na bagay kapag nanliligaw sa mga babae—kahit naman ang mga
simpleng lalaki. Pero bakit kailangan pa nitong daanin sa paipit-ipit? eh palagay
naman niya’y ito ang tipo ng lalaki na hindi kailangang manligaw ng babae para
makabingwit ito.

Sa halip na matuwa ay nababahala siya. Maaaring ganoon lang talaga ka-galante si


Whiskey kapag nagbabayad ng serbisyo ng iba. Sa antas ng buhay nito ay kayang-kaya
nitong bayaran lahat ng gustuhin nitong makuha, lalo na malamang ang babae. Pero
kung dadaanin siya nito sa pera ay hindi siya makakapayag.

Masyadong mataas ang pride niya. Ilang beses na rin siyang inalok noon ni Alex ng
regalong sasakyan pero tinanggihan niya.

Hindi nakukuha ng pera at materyal na bagay ang pagmamahal, anang isip niya.  

      

=================

Chapter Six

NAG-AAPURA si Katrina na makarating kaagad sa ward na kinaroroonan ni Akira.


Tanghali na kasi at kanina pa marahil naghihintay sa kanya si Camella. Ngayon na
lalabas ng ospital ang kapatid niya.
Pagpasok niya’y walang tao sa loob—wala na rin si Akira sa higaan nito—wala rin si
Camella. Lumabas siya at tinungo niya ang ward ni Jereck. Nasisiguro niya na
naroroon ang kapatid niya at hindi nga siya nagkamali.

Mabilis na uminit ang dugo niya nang makita ang kapatid na nakahiga sa kama katabi
ni Jereck. Mabilis na naghiwalay ang dalawa nang makita siya. Sa inis niya’y hindi
niya napansin na naroroon pala si Whiskey na kalalabas lamang mula sa palikuran.

Hinawakan niya ang kamay ni Akira at hinahatak ito palabas subalit natigilan siya
nang makita si Whiskey na nakatayo sa pinto. Bumitiw na lamang sa kamay niya si
Akira at muling lumapit kay Jereck.

“Napakakontra-bida mo talaga. Pabayaan mo na sila,” ani Whiskey.

Lalo lamang uminit ang ulo niya. “Anong pababayaan? Uuwi na kami,” tiim-bagang na
sabi niya.

“Wala naman silang ginagawang masama eh, namimis lang nila ang isa’t-isa. Para
namang hindi ka na-in-love,” sabi pa nito.

Nang sipatin niya ang kapatid ay nakayakap na ito kay Jereck. Siya ngayon ang
walang magawa at nagmukhang talunan.

“Konsintidor na kapatid!” asik niya kay Whiskey at nagdadabog na lumabas ng silid


na iyon.

Hindi pa siya nakakalayo ay may mga kamay nang kumapit sa braso niya. Paglingon
niya’y si Whiskey. Tinangka niyang babawiin ang braso subalit mahigpit ang
pagkakakapit nito.

“Mamaya na kayo umuwi. Pabayaan mo muna ang dalawa,” anito.

“Marami pa akong gagawin,” naiiritang sabi niya.

“Puwede ka namang mauna, ako na ang maghahatid kay Akira sa bahay ninyo.”

“Ano? Nahihibang ka ba?”

“Hindi. Huwag mo naman itulad ang kapatid mo sa iyo na ikinukulong ang sarili sa
pride. Gustong lumigaya ng kapatid mo, bakit ba? Gusto ko man silang pigilan pero
natutuwa ako dahil ngayon lang nagseryoso sa babae ang kapatid ko,” anito.

“Sinong niloloko mo? Ang kapatid mo magsiseryoso?”


“Hey, do not judge my brother. Sa halip na mahimasukan ka sa relasyon ng kapatid
mo, bakit hindi mo tuunan ng pansin ang sarili mong puso?”

Hindi siya nakaimik. Naalala nanaman niya ang iniwan nitong kuwentas sa kamay niya.
Unti-unti ay humuhupa ang tensiyon sa dibdib niya.

“Bakit hindi tayo kumain sa labas?” kapagkuwa’y saad nito.

“Busy ako,” aniya, ngunit sa kailaliman ng puso niya ay naroroon ang pagkasabik.

“Hindi pa naman ganoon kalakas ang bar mo para magbabad ka doon,” anito, tila nang-
uuyam pa ito.

“May klase pa ako,” dahilan niya kahit katatapos lamang ng klase niya sa
Bartending.

“Ang sipag mo naman. Okay, pagkatapos nalang ng klase mo.”

“Ano naman ang mapapala ko kung sasama ako sa’yo?” kapagkuwa’y tanong niya.

“Liligaya ka sa piling ko,” simpatikong sagot nito.

Napalunok siya nang maramdaman niya ang kamay nito na tumutulay sa makinis niyang
braso; paakyat sa kanyang balikat; sa kanyang pisngi. Nag-iiwan ng nakakapasong
init ang bawat dampi ng kamay nito sa balat niya. Hindi niya mahulaan kung ano ba
ang ipinapahiwatig ng mga hakbang nito.

“Susunduin kita sa school n’yo mamaya. Anong oras?” paanas na tanong nito malapit
sa tenga niya.

Kinabahan siya. “Ah, h-hindi. Puntahan mo nalang ako sa Bar mamayang six,” bigla’y
namutawi sa bibig niya.

Ngumisi ito. “Okay.”

“I-uuwi ko muna ang kapatid ko,” aniya. Tinangka niyang balikan si Akira sa kuwarto
subalit kinabig siya nito sa baywang.

Hinawakan nito ang batok niya at isinubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Sumiksik
sa ilong niya ang matapang na pabango nito. Nagpumiglas siya subalit lingkis ng mga
braso nito ang katawan niya.

“Sssss, sabi’ng pabayaan mo na muna sila eh,” anito.


“Hhhuuum, hindi ako makahinga!” sigaw niya na ang boses ay ngungo buhat sa
pagkasubsob ng bibig niya sa dibdib nito.

Pinakawalan naman siya nito. Naghabol siya ng hininga. Tinitigan niya ito ng
mahayap.

Pangiti-ngiti lamang ito. “Pareho lang pala kayo ng kapatid mo na matigas ang ulo,”
anito.

Nagtagis ang bagang niya. “Kapag hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kapatid ko,
pag-uuntugin ko kayong dalawa ng kapatid mo,” banta niya.

Bahagya itong natawa. “Sige. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin. Matagal ko’ng
hinintay ang pagkakataon na tumino ang kapatid ko kaya hindi ko hahayaang
hahadlangan mo sila,” buwelta nito.

“Magkapatid talaga kayo. Yaman lang naman na hinihintay mo’ng magbago ang kapatid
mo, bakit hindi mo baguhin ang sarili mo?” aniya.

Humagalpak ito ng tawa. “Ano ba ang dapat ko’ng baguhin, Katrina?” tanong nito.

Bigla’y wala siyang masabi. Nakatitig lamang siya sa mukha nito.

“Huwag mo muna ako huhusgahan kung hindi mo pa ako nasusubukan, Katrina. Ang
mahirap kasi sa katulad mo’ng maka-old passion ay pinag-iisipan kaagad ng negatibo
ang isang lalaki kahit kakikilala mo pa lamang,” mamaya’y sabi nito.

“Nakilala na kita noon pa, Jason.”

“How long? Ni hindi mo nga ako binigyan ng pagkakataon ‘diba? Paano mo nasabing
kilala mo na ako eh tanging sulat lamang ang nag-uugnay sa atin?” nakataas ang
isang kilay na buwelta nito.

Hindi nanaman siya nakaimik. Naibaba niya ang tingin sa dibdib nito na nababakat
ang kakisigan sa suot nitong manipis na puting t-shirt.

“O, ‘diba, speechless ka?” nakangising saad nito.

Itinaas niyang muli ang tingin sa mga mata nito. Nangangatal ang mga kalamnan niya
at aywan niya bakit ganoon na lamang katulin ang tibok ng puso niya. Maliban sa
hinahangaan niya ito ay may mas malalim pang ipinapahiwatig ang puso niya. Umiibig
na ba siya rito?

“Kung sakaling pinatulan kita noon, ano sa palagay mo ang kahihinatnan ng relasyon
natin?” kapagkuwa’y usig niya.

“Wala akong ideya. Masyado pa tayong mga bata noon at napasailalim pa tayo ng
hallucination.”

“Anong hallucination?” maang niya.

“Parang.....nagpapantasya?”

“Baka ikaw lang dahil ikaw ang nakakita sa akin,” aniya.

“Yeah, inaamin ko. Pinagpantasyahan kita dahil ikaw ang pinakamagandang babae na
nakita ko sa Baguio noong araw. Pakiwari ko nga ay nilagyan mo ng gayuma ang
binigay mo sa akin na strawberry jam.”

“Ang yabang mo!” pahalipaw na sinuntok niya ang dibdib nito.

Bumungisngis ito. “Bakit, hindi ba totoo?” pilyong tanong nito.

“Hindi. Kung may gusto man akong gayumahin na lalaki, si Piolo Pascual na lang,”
aniya. Hindi niya natimpi ang paninilay ng ngiti sa mga labi niya.

Hindi pa niya namamalayan na nahuhulog na ng tuluyan ang loob niya sa simpatikong


lalaki na ito.

“’Di hamak naman na lamang ako ng kalahating paligo kay Piolo,” mayabang na sabi
nito.

“Hallucination mo lang ‘yan,” aniya at iniwan na ito.

“Mamayang six ah, susunduin kita!” pahabol pa nito.

Hindi na niya ito nilingon. Habang papalabas siya ng ospital ay napapangiti siya.
Pakiramdam niya’y nakatamo siya ng isang malaking pabuya sa patimpalak.

ALAS-SINKO pa lamang ng hapon ay nasa Bar na si Katrina, hindi para asikasuhin ang
negosyo kundi hintayin si Whiskey. Pagpatak ng alas-sais ay hindi na siya mapakali,
labas-masok siya sa counter at panay ang sipat sa pinto.

Pinaghandaan niya ang umano’y first date nila ng hinahangaan niyang modelo. Skinny
jeans na puti ang suot niya panbaba at pink na blouse with collar naman ang pan-
itaas, four inches na puting sandals naman ang sapin niya sa paa. Napakasimple
lamang ng suot niya pero hubog na hubog ang maalindog niyang pangangatawan na
natural ang pagkakahubog.

Manipis na lipstick lamang ang ipinahid niya sa mga labi niya at konting blush on
at face powder. Ang ga-baywang niyang buhok ay kinulot niya sa dulo. Naninibago ang
mga empleyada niya sa suot niya.

Madalas kasi ay hanggang sakong na palda ang suot niya at maluwag na blouse na
bulaklakin. Minsan naman ay slock at t-shirt na pinapatungan pa ng blazer. Misan
din ay mahilig siyang magsuot ng manipis na jacket na may balabal sa leeg.

Nakaupo siya sa loob ng counter nang marinig niya ang tinig ni Whiskey na hinahanap
siya. Dagli siyang tumayo at lumabas ng counter. Naroroon na nga si Whiskey. Titig
na titig ito sa kanya nang makita siya. Sinuyod nito ng tingin ang kabuoan niya.

“Let’s go?” kapagkuwa’y tanong nito.

Tumango lamang siya. Inilahad nito ang kanang palad sa kanya. Naiilang na kumawak
siya sa kamay nito. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad palabas ng
bar.

Magalang na pinagbuksan pa siya nito ng pinto sa kotse. Nang makaupo na siya sa


driver side ng kotse ay sumakay na rin ito at binuhay ang makina saka nagmaniobra.

“Okay lang ba sa iyo kung sasama ka muna sa akin sa studio namin?” tanong nito
habang nakatuon ang paningin sa kalsada.

“B-bakit?” tanong niya.

“May one hour fashion show kasi kami. Pagkatapos ay kakain tayo,” anito.

Nabigla siya. Bigla na lamang siyang nagagalak. Sa wakas ay makakapasok na rin siya
sa studio ng mga modelo.

“Okay lang,” kapagkuwa’y sang-ayon niya.

Pagdating sa studio ng mga ito ay namangha siya sa magagandang damit na suot ng mga
modelong babae. Nag-uumapaw ang kaligayahan niya habang pinapanood ang mga modelong
babae na rumarampa sa intablado suot ang magagarang damit na desinyo pa ng kilalang
Fashion Designer.

Pansamantalang iniwan siya ni Whiskey sa bench sa gilid ng intablado katabi ng mga


make-up artist. Maraming mga mata ang napansin niyang nakatanaw sa kanya. Iniisip
niya na marahil ay dahil kasama siya ni Whiskey kanina.
Ilang sandali pa’y nakita na niya si Whiskey na rumarampa sa itaas ng intablado
suot ang magarang damit. Dalawang beses itong rumampa at iba-ibang kasuotan.
Mayamaya’y rumampa ito na pantalon lamang ang suot at may nakapulupot na balabal sa
leeg.

Napalunok siya nang sa wakas ay personal niyang nasilayan ang kakisigan ng katawan
nito—katawan na pinapantasya ng karamihan sa kababaihan. Hindi niya inaasahan na
mapatingin ito sa kanya at pasimple siyang kinindatan.

Mabilis namang rumisponde ang puso niya—nagwawala iyon sa loob ng dibdib niya. Abot
tenga ang ngiti niya, ngunit nang muling rumampa si Whiskey na may kasama na itong
babae ay mabilis na napalis ang ngiti niya.

Pamilyar sa kanya ang babae. Hindi siya nagkakamali—ang babaeng iyon ang nakita
niya noon sa Dubai na kasama ni Whiskey. May kung anong tumulos sa dibdib niya.
Kumirot ang malaking bahagi ng puso niya.

May payakap-yakap effect pa ang babae kay Whiskey. Maganda ang babae, matangkad at
balingkinitan. Ikinukumpara niya ang sarili sa babae at inaamin niya na wala siyang
maibuga pagdating sa sex appeal. Nilalamon siya ng insecurity nang mga sandaling
iyon.

Tumayo siya nang maramdaman niya ang nagwawala niyang pantog. Naghanap siya ng
palikuran. Sa paghahanap niya ng palikuran ay nasalubong niya ang bakla na kanina
ay panay ang sipat sa kanya sa upuan. Pakiwari niya’y isa ito sa make-up artist.

“Hi! Saang Fashion Company ka nagmo-model?” maligalig na tanong ng bakla habang


panay ang sipat sa kabuoan niya.

Nabigla siya. “Naku, hindi po ako model. Isinama lang po ako ng kaibigan ko,”
aniya.

“Ah, ganun ba? Akala ko naman model ka. Pero baka interesado ka, nangangailangan
kasi kami ng model para sa fitness magazine. Mukhang swak ka sa mga hinahanap
namin,” anito.

Nang maalala niya ang baklang nanloko sa kanya ay tila nahihirapan na siyang
maniwala pa sa mga ganitong pagkakataon, pero mukha namang hindi ito
nagsisinungaling. Make-up artist ito ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Whiskey
kaya walang duda na hindi siya nito niluloko.

“Ahm, pag-iisipan ko po,” aniya.

“No, problem. Ito ang calling card ko,” anito saka ibinigay sa kanya ang calling
card nito.
“Salamat po.”

“Anyway, I’m Soreda Marcelo, and you are?”

“Katrina Meriz,” aniya.

“Katrina, tawagan mo kaagad ako kapag nakapagpasya ka na ah. Aasahan kita,” anito.

Tumango lamang siya. Nang umalis na ang bakla ay tumuloy na siya sa palikuran.
Hindi na naalis ang ngiti niya habang nakaharap sa salamin.

Paglabas niya ng palikuran ay tapos na ang fashion show. Hinahanap na niya si


Whiskey, subalit nang magawi siya sa pasilyo papuntang dressing room—ay natigilan
siya nang makita si Whiskey na kahalikan ang babaeng kasama nitong rumampa kanina.

Nasaksihan niya kung paanong sabik na naghihinang ang mga labi ng mga ito—kung
paano naghahapuhap ang mga kamay ng lalaki sa katawan ng babae. Bigla na lamang
nanikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya’y may libu-libong karayom na tumutusok sa
puso niya.

Mabilis na nilisan niya ang lugar. Habang papalabas siya ng naturang kompanya ay
hindi niya namamalayan na tumutulo na ang luha niya. Bakit nga ba siya nasasaktan?
Nangangahulugan nga ba ito na higit na sa paghanga ang nararamdaman niya para kay
Whiskey? Mahal na nga ba niya ito?

Hindi na niya hinintay na lumabas si Whiskey. Pumara na siya ng taxi at umuwi na


lamang.

KALAHATING ORAS nang hinahagilap ni Whiskey si Katrina sa loob ng studio pero hindi
na niya ito makita. Tinatawagan niya ito pero hindi ito sumasagot. Bigla na lamang
siya sinalakay ng kaba na baka napano na ang dalaga.

Nang hindi niya ito makita makalipas ang isang oras ay umalis na siya. Pumunta siya
sa Bar nito ngunit wala ito roon. Nakarating siya sa ospital sakaling sinundo nito
si Akira pero nalaman niya buhat kay Jereck na nakauwi na pala si Akira.

Inalam niya kay Jereck ang address nila Akira na hindi naman nito ipinagkait.
Tinatahak na niya ngayon ang daan patungo sa condo nila Katrina.

Ilang beses siyang nag-door bell bago may nag-abalang pagbuksan siya. Tumambad sa
kanya si Akira na tila naabala niya sa pagtulog. Alas-nuwebe na ng gabi.

“K-kuya Jason!” bulalas ni Akira. Nasurpresa ito.


“Magandang gabi! Itatanong ko lang kung umuwi ba dito ang ate mo,” aniya sa ilalim
ng nag-aalalang tinig.

“Si ate? Kanina pa po,” sagot naman nito.

“K-kanina pa?” gilalas na tanong niya.

“Opo. Hindi nga kami nakapag-usap. Dumiretso siya sa kuwarto niya at hindi na
lumabas. Tulog na ata. Bakit po?” kapagkuwa’y tanong nito.

Napawi ang pag-aalala niya pero hindi parin niya lubos maisip bakit biglang umuwi
si Katrina na hindi nagpaalam sa kanya.

“Wala naman, Akira. Sige, aalis na ako,” sabi niya kay Akira.

“Sige po.”

Hindi parin siya mapakali habang nagmamaneho papunta na ngayon sa Bar nila. Hindi
na sila nakapag-dinner ng dalaga. Bumagsak siya ngayon sa harap ng counter at
uminom kasama sina Wine at Scotch.

“Akala ko ba’y may ka-date ka ngayon?” tanong sa kanya ni wine.

“Wala, naglaho na parang bola ang ka-date ko,” aniya. Lumagok siya ng beer.

Sabay na tumawa si Scotch at Wine. “Paanong naglaho? In-indian ka?” nakangising


tanong ni Scotch.

“Nilayasan ako na walang paalam,” naiinis na sagot niya.

“Baka naman pinakitaan mo, dude?” makahulugang saad ni Wine.

“Haha, natakot?” natatawang gatong naman ni Scotch.

“Ano kayo? Wala pa nga akong ginagawa, ni hindi pa kami napagsolo,” aniya.

“So, what?” ani Wine.

“Ewan. Hindi ko alam,” naguguluhang sabi niya at muling tumungga ng beer.


“First time mo ba, dude?” mamaya’y tanong ni Scotch.

“Ang alin?” maang niya.

“Ang layasan ng ka-date,” paglilinaw ni Scotch.

Hindi siya kumibo. Napatingin siya kay Wine na panay ang bungisngis. “What’s
funny?” naasar na tanong niya.

“Pangitain na ‘yan ng karma, dude,” tudyo naman ni Wine.

“Para saan naman ang karma na iyan?” seryosong tanong niya.

“Sa pagpapaasa mo sa mga babae. Sign para magseryoso ka na,” tudyo naman ni Scotch.

Hindi na siya kumibo. Dumako nanaman sa isip niya si Katrina. Hanggang ngayon ay
iniisip parin niya bakit biglang umuwi si Katrina. Wala naman siyang nakitang mali
sa pakikitungo niya sa dalaga. Masaya pa nga ito nang iwan niya sa upuan. Pinuyat
lamang siya ng mga suliraning iyon.    

=================

Chapter Seven

SABADO ng gabi, dinagsa ng maraming costumer ang Bar ni Katrina kaya naman ay hindi
na siya nakaalis para dumalo sa kaarawan ng Mama ni Camella. Naintindihan naman
siya nito.

Hanggang ngayon ay pinag-iisipan parin niya ang inalok sa kanya ng bakla na maging
modelo ng fitness magazine. Kung tutuusin ay magandang pagkakataon iyon para ma-
discover siya, pero nababahala siya na baka maulit ang panlolokong nangyari dati sa
kanya ng isang bakla.

Tumulong na siya sa paglilinis ng mesa na inalisan ng mga costumer—nang biglang may


kamay na humawak sa balikat niya. Napakislot siya at marahas na nilingon ang
nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nang mamataang si Whiskey ay bigla na lamang tumulin
ang tibok ng puso niya.

“Kamusta?” tanong nito nang makaupo na sila na magkaharap sa mesa na nasa sulok ng
dinning.

“Okay lang,” tipid niyang sagot.

“Bakit nga pala bigla kang umuwi noong gabi na nasa studio tayo?” kapagkuwa’y usisa
nito.

Sinalakay na siya ng kaba. “Ah, ano kasi...b-bigla kasing sumama ang sikmura ko.
Hindi na kita inabala baka kasi busy pa kayo sa show,” dahilan niya.

“Ganoon ba? Akala ko kung napaano ka na. Sana naman sa susunod ay bigyan mo ako ng
pangitain para naman hindi ako aligaga sa kakahanap sa iyo,” anito na may kasamang
panunumbat.

“Sorry.”

“Anyway, dahil hindi tayo natuloy noon, baka puwedeng ngayon nalang,” kapagkuwa’y
sabi nito.

Natigilan siya. Pakiramdam niya’y dalang-dala na siya. “Ahm, medyo busy ako ngayon
eh,” dahilan nanaman niya.

“Nariyan naman ang mga tao mo para mag-asikaso sa bar,” anito.

“Baka kasi.....”

“Sandali lang tayo tapos ay ibabalik kita dito.”

“Bakit hindi nalang dito?”

Ngumisi ito. “Wala namang romantic effect kung dito lang,” anito.

“Hindi naman kailangang romantic kung mag-uusap lang tayo at kakain.”

“Hindi ko dinadala ang babaeng mahalaga sa akin sa ganitong lugar. Gusto kitang
masolo.”

Pakiramdam niya’y hinahalukay ang puso niya sa paraan ng pagbigkas nito sa mga
salita. Naghahalo ang pagkasabik at pag-aatubili sa kalooban niya.

“Sandali lang ah?” mayamaya’y sabi niya.

“Sure, kakain lang tayo.”

Kapagkuwa’y umalis na sila. Dinala siya nito sa eleganteng restaurant doon lang din
sa Alabang. Sa dining area for couple, silang dalawa lang ang magkasalo sa buffet
meal na tanging kandela lamang ang ilaw. Nasa roof top sila ng naturang restaurant
kung saan natatanaw ang malawak na siyudad na nagniningning ang mga ilaw.
“Maganda dito, hindi ba?” tanong nito nang magkasalo na sila sa masasarap na
hapunan.

Tumango lamang siya bilang tugon. Dahan-dahan siya sa pagsubo ng salad. Napuna nito
ang piling-pili lamang na kinakain niya.

“Hindi mo ba nagustuhan ang mga pagkain?” mamaya’y tanong nito.

“Kumain na kasi ako sa Bar kanina,” aniya. Ang totoo’y hindi siya sanay na kumain
habang kaharap ang lalaking isinisigaw ng puso niya pero hindi naman siya ang
gusto.

“Lalo ka atang nagpapa-sexy,” anito.

Uminit ang mukha niya. “Hindi ah. Busog lang talaga ako.”

“Kung sa bagay, kahit anong kain mo siguro ay hindi na magbabago ang figure mo.”

Hindi na siya umimik. Mayamaya’y pinapak naman niya ang pepper crab. Napanganga
siya nang kumagat ang anghang sa dila niya. Agad siyang uminom ng orange juice.

“Hindi ka pala mahilig sa maanghang. Sorry,” anito.

“May nakain lang akong buto ng sili,” aniya. Napilitan siyang kumain ng dessert
nila’ng leche flan.

Hindi na siya kumain pa matapos niyang uminom ng tubig. Kapagkuwan ay tumayo na


siya at lumapit sa barandelyas at sinuyod ng tingin ang malawak na siyudad na
tanging mga ilaw lamang ang nasisipat niya.

Lumanghap siya ng sariwang hangin. Napapitlag siya nang biglang may mga braso na
pumulupot sa baywang niya.

“Nagustuhan mo ba ang mga tanawin?” halos pabulong na tanong ni Whiskey sa mismong


tenga niya.

Naramdaman niya ang init ng yakap nito buhat sa likuran niya. Animo’y binabayo ng
husto ang dibdib niya, nagsisilakbo ang puso niya. Nang maramdaman niya ang init ng
bibig nito na humahalik sa nahantad niyang balikat ay hinarap niya ito, subali’t sa
pagharap niya’y ga-daliri na lamang ang pagitan ng mga mukha nila.

Ang palad nito ay humahaplos sa makikinis niyang pisngi. “Wala talagang katulad ang
ganda mo, Katrina. Bulag lang ang lalaking hindi maakit sa mala-anghel mong mukha,”
anas nito.

Nalalanghap na niya ang mabango nitong hininga. Naiilang siyang magsalita, sa halip
ay nakatitig lamang siya sa maganda nitong mga mata na naliligiran ng makakapal na
pilik.

“Huwag kang tutugon sa halik ko kung wala ka namang pag-ibig para sa akin,”
makahulugang sabi nito.

Mayamaya pa’y naramdaman niya ang init ng bibig nito na sumasakop sa mga labi niya.
Nasa-isip niya na hindi siya tutugon anuman ang mangyari, subalit kakaibang init
ang naidudulot ng halik nito sa katauhan niya.

Kumikilos ang mga labi nito, naghahangad ng tugon, subalit hindi niya ibinuka ang
bibig. Nang maramdaman niya ang munting dila nito na nangahas na loobin ang bibig
niya ay bigla na lamang nanlumo ang tuhod niya—nangangatal ang mga laman niya—nag-
aalab ang mga dugo na dumalantay sa mga ugat niya.

Nagmamatigas parin siya kahit anong likot ng bibig nito na halos hindi na niya
kayang matagalan ang pagpigil sa hininga. Ngunit nang maramdaman niya ang mga kamay
nito na nagsimulang kumilos at mapaghanap ay nag-panic siya.

Unti-unti nang nalulusaw ang matino niyang pag-iisip at nang madama niya ang mainit
na palad nito na pumaloob sa blusa niya at dinama niyon ang dibdib niya—ay tuluyang
bumigay ang puso niya. Pakiramdam niya’y sasabog siya sa nakahihibang na sensasyong
dulot ng mga kamay at bibig nito.

Paano nga naman niya mapipigil ang sarili na huwag tutugon—kung halos tinutupok
siya ng apoy na nililikha nito sa katawan niya? Tuluyang nagwala ang puso niya nang
maramdaman ang mga kamay nito na humuhubog sa kaumbukan ng dibdib niya.

Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa halik nito at ang kanyang mga
kamay ay naglalakbay na rin sa loob ng damit nito. Hindi na niya alam kung paano
nito nabuksan ang butones ng blouse niya at nahantad ang dibdib niya—na ngayon ay
sinasakop na rin ng malikot nitong mga labi.

Wala sa loob na naisambunot niya ang mga daliri sa maiigsi nitong mga buhok. Hindi
niya natimpi ang pagsingaw ng munting ungol sa bibig niya nang tadtarin nito ng
maiinit na halik at banayad na kagat ang puno ng dibdib niya—lalung-lalo na ang
tuktok niyon—habang ang mga kamay naman nito’y hinuhubog ang bawat kurba ng baywang
niya—ang mapipintog niyang mga hita.

Ipinangko siya nito at naglakad ito, saka ito umupo sa silya habang pangko siya at
hindi nito nilulubayan ng halik ang dibdib niya. Napa-igtad siya habang mahigpit
ang kabig niya sa batok nito. Naramdaman niya ang kamay nito na hinuhubog ang
kanyang mga hita. Mayamaya pa’y nadama niya sa pagitan ng kanyang mga hita ang
pagkabuhay ng pagkalalaki ni Whiskey.
Nag-panic siya. Talimang naitulak niya ito at marahas siyang napatayo. Hindi niya
hinangad na humantong sila sa kung anumang ninanais nitong maganap.

Mabilis na inayos niya ang kanyang sarili. Tinangka niyang lisanin na ang lugar
subalit mabilis na nahagip nito ang braso niya.

“I’m sorry,” sabi lang nito.

Hindi siya nagpumiglas, bagkus ay nakatitig lamang siya sa mga mata nito. Nang
pakawalan na nito ang braso niya ay umupo siya sa silya. Umupo na rin ito sa
katapat niyang silya.

“Ibalik mo na ako sa Bar,” kapagkuwa’y utos niya.

“Okay, hihintayin lang natin ang waiter,” anito at pinindot ang button na nasa
mesa.

Namagitan ang katahimikan sa kanila. Nakatanaw lamang siya sa madilim na kalangitan


habang ito naman ay panay ang nguya ng salad at kahit hindi niya nakikita ay ramdam
niya na nakatingin ito sa kanya.

“Hindi ka pa ba nahahalikan ng ex mo?” mayamaya’y tanong nito.

Awtomatiko’y naibaling niya ang tingin sa mukha nito. Bigla na lamang uminit ang
pisngi niya. “Bakit mo naman natanong?” tanong din niya.

“Hindi ka marunong humalik eh,” prangkang sagot nito habang pilyo ang ngiti.

“Pinipigilan ko lang ang sarili ko,” aniya.

“Pero napigilan mo ba?” sarkastikong tanong nito.

Naningkit ang kanyang mga mata. Hindi niya nagawang kumibo.

“Tumugon ka dahil may pag-ibig ka nga sa akin, hindi ba, Katrina?” usig nito.

“Paano ka nakakasiguro?”

“Nararamdaman ko. Marami na akong nakilalang babae at kabisado ko na ang mga galaw
nila, at madali na sa akin na malaman kung may gusto sila sa akin o wala,” anito.

“Ang yabang mo. Hindi pa lahat ng babae ay kilala mo ang bawat galaw, Jason,”
buwelta niya.
Ngumisi ito. “I know you, Katrina. Kahit anong kaila mo ay alam ko na may gusto ka
sa akin,” giit nito.

“And so what?” napipikong saad niya.

Humagalpak ito ng tawa. “Boom! Nahuli rin kita, Katrina. See? umamin ka rin,”
anito.

Natigilan siya. Hindi niya namalayan na umamin na pala siya. Tumayo ito at bumaling
sa likuran niya. “And I like you too, Katrina,” anas nito sa mismong puno ng tenga
niya.

Hindi siya nakapalag nang hawiin nito ang buhok niya na nakatakip sa kanyang leeg.
Mayamaya’y naramdaman niya ang init ng bibig nito na dumadampi sa likod ng tenga
niya, pababa sa leeg niya.

Hinawakan nito ang babâ niya at mayamaya lamang ay siil na nito ng halik ang mga
labi niya. Nangawit ang leeg niya sa kanyang posisyon na nakatungo dito habang
nakapuwesto ito sa likod niya.

Wala na siyang kawala—nahulog na siya ng tuluyan sa bitag na likha ng puso nito.


Tumugon siya sa halik nito—at dahil doon ay lalo pa nitong pinainit ang mga tagpo.
Iginiya siya nito’ng makatayo at niyakap siya nito habang walang awat sa paghinang
ang kanilang mga labi.

Nagsimula nanamang limikot ang mga kamay nito at mabilis na nagagap nito ang dibdib
niya na gusto nanaman nitong palayain. Nang bumaba ang bibig nito sa leeg niya ay
saka naman niya narinig ang pagbukas ng pinto.

Naitulak niya ito. Nagkasabay silang tumingin sa waiter na siyang iniluwa ng


kabubukas na pinto. Kumalas sa kanya si Whiskey at humakbang palapit sa waiter.

“Sorry po, sir,” narinig niyang sabi ng waiter.

“Wrong timing ka, dude,” wika naman ni Whiskey at may ibinigay ito sa waiter.

“It’s my fault, don’t worry,” kapagkuwa’y sabi ni Whiskey.

“Salamat, sir,” anang waiter.

Binalikan naman siya ni Whiskey. “Let’s go,” anito sa kanya at ang kamay ay
namulupot sa baywang niya.
Isinukbit na niya ang shoulder bag at lumabas na sila. Inihatid na siya nito sa
Bar. Kapagkuwa’y nagpaalam na ito.

MAKALIPAS ang isang linggo. Napapadalas na ang paglabas ni Katrina kasama si


Whiskey. Kung saan na siya nito dinadala at kung anu-anong materyal na bagay ang
ibinibigay sa kanya, subalit hindi pa ito naghahayag ng tunay na damdamin para sa
kanya maliban sa sinabi nitong gusto rin siya nito.

Hindi naman siya nito tinatanong kung puwede ba siya nito maging nobya, at hindi
naman niya masabi na nobyo na niya ito. Hinahalikan siya nito—ibinibigay ang gusto
niya, pero hanggang doon lamang.

Nang matapos niya ang tatlong buwan na pag-aaral ng Bartending ay niyaya siya nito
sa isang Hotel upang magdiwang kuno. Hindi naman siya tumanggi sapagkat maligaya
siya’ng kasama ito.

Matapos nilang mapagsolo sa masarap na hapunan ay isinayaw siya nito sa eleganteng


dance floor ng nasabing Hotel. Isang romantikong tugtugin na pinasikat ng
International Band na White Lion, ang alam niya’y ‘You’re All I need’ ang pamagat
ng kanta.

“Nagustuhan mo ba dito?” tanong nito habang yapos nito ang baywang niya at ang mga
kamay niya ay nasa magkabilang balikat nito.

“Maganda ang place, pero masyadong mahal,” aniya. Nagbubungguan ang mga dulo ng
ilong nila.

“Kahit ilang milyon pa ang halaga ng isang lugar o bagay ay babayaran ko para sa
iyo,” anito.

“Pero hindi mahalaga sa akin ang materyal na bagay,” aniya.

“Alam ko. Hayaam mo ako, wala namang mawawala kung maglaan ako ng malaking halaga
para mapasaya ka.”

“Masaya naman ako kahit wala ang mga mamahaling bagay.”

“Ssss, I know. Ganito lang talaga ako magpahalaga sa isang babae.”

“Lahat ba ng babae na dumaan sa buhay mo ay binibigyan mo ng mamahaling bagay at


dinadala sa ganitong lugar?”

Hindi ito umimik bagkus ay hinalikan nito ang tuktok ng ilong niya, ang kanyang mga
labi. Ang halik sa labi ay matagal, mapusok at mapaghangad ng tugon. Tumugon siya
sa halik nito.

“Mahal mo ba ako?” tanong nito nang sandali nitong iwan ang bibig niya.

“Mahal kita, Jason,” walang abog na sagot niya.

“Kailan pa nagsimula?” tanong nanaman nito.

“Nagsimula ang lahat sa paghanga noong makita kita sa Dubai. Hindi ko alam, basta
nakapa ko nalang sa puso ko na umiibig na ako sa iyo,” aniya.

Ngumiti ito. Muli nitong siniil ng halik ang mga labi niya na muli niyang
natugunan. Nagsimulang lumikot ang mga kamay nito hanggang sa maramdaman niya na
hindi na lumalapat sa sahig ang mga paa niya. Naipikit na lamang niya ang kanyang
mga mata at ikinawit ang mga kamay sa leeg nito.

Ilang sandali pa’y naramdaman niya sa kanyang likod ang malambot na kama. Hindi
siya dumidilat hanggang sa maramdaman niya ang maiinit na palad ng lalaki na
humahaplos sa katawan niya—na hindi niya namalayan kung paano nito inalis ang mga
saplot niya.

Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay namataan niya itong nakaupo sa tabi niya
na walang anumang suot sa katawan. Nasaksihan niya ang nakakahibang na kakisigan
nito. Tinangka niyang bumangon ngunit bigla na lamang siya nitong niyakap at
hinalikan sa mga labi.

Marahas ang halik nito, naghahapuhap habang ang mga kamay nito’y naghahagilap ng
kung ano sa hubad niyang katawan. Napaigtad siya nang ibaba nito ang mukha sa
dibdib niya at walang habas na pinuno iyon ng maiinit na halik at mapipinong kagat.

Niyakap siya nito at muling siniil ng halik ang kanyang mga labi. Mayamaya’y
tumunog ang cellphone niya na nasa tabi niya. Nakuha pa niya iyong damputin at
silipin.

Tumatawag si Akira. Natauhan siya nang hindi sinasadyang mapindot niya ang answer
key kung kailan kumikilos ng marahas si Whiskey. Naka-loud speaker ang cellphone
niya kaya nang umalingawngaw ang boses ni Akira buhat sa kabilang linya ay
napabalikwas ng bangon ang binata.

“Shet!” bulalas nito sabay lingon sa pinto.

Mabilis na pinutol niya ang tawag ni Akira. Mabilis din na naibaling ni Whiskey ang
tingin sa kanya. Nakabusangot ito.

“S-sorry. Tumawag si Akira,” aniya.


Nasaksihan niya ang pamumukol ng panga ni Whiskey. Halatang nanggagalaiti ito.
Kumilos ito ngunit upang magsuot ng damit.

Nagsuot na lamang siya ng damit at humiga ng maayos. Mayamaya’y humiga na ito sa


tabi niya. Niyakap siya nito buhat sa likuran.

“I’m sorry, I lost control,” anito.

“Okay lang. Salamat sa respeto,” aniya.

“I love you, Kat,” anas nito.

Natigilan siya. Bigla na lamang may bumundol sa dibdib niya. Ang salitang iyon ang
pinakaaasam niyang marinig mula rito. Hinarap niya ito, ngunit namataan niyang
nakapikit na ito. Hinalikan na lamang niya ang labi nito.

“SI Akira?” tanong ni Katrina sa kaklase ni Akira nang hindi niya ito makita sa
paaralan.

“Naku, hindi po pumasok eh,” sagot naman ng babae.

Nagtagis ang mga bagang niya. Hindi na siya pumunta kung saan, alam niya kung saan
niya matatagpuan ang kanyang kapatid. Sumakay siya ng taxi at tinunton ang bahay ng
mga Del Rosario.

Hindi nga siya nagkakamali, natagpuan niya roon si Akira at kasama nito si Jereck
habang naliligo ang mga ito sa pool. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang mga
ito.

“Akira!” sigaw niya habang sumusugod. Mabilis namang umahon sa tubig ang kapatid
niya na nakasuot lamang ng under wear, kasunod nitong umahon si Jereck.

“Si Jereck na pala ngayon ang teacher mo!” asik niya nang malapitan na ito.

“Ate, w-wala na akong pasok,” pagsisinungaling nito.

Hindi niya natimpi ang palad na mabilis tumama sa pisngi ni Akira. “Sinungaling ka!
Nanggaling ako sa school ninyo!”

Mabilis na dumaloy ang luha ni Akira. Namagitan naman si Jereck pero hindi niya
hinayaang mauuna itong makapagsalita. Dinuro niya ito.

“Ikaw, makulit ka rin ano? Nag-iisip ka ba? Kung pinapahalagahan mo ang kapatid ko
ay hindi mo siya kukonsintihin. Alam mo na nag-aaral pa siya pero hinahayaan mo na
lumiban sa klase para lang magkasama kayo!” asik niya.

“Sorry, hindi ko naman alam na may pasok pala siya,” sa wakas ay sagot ni Jereck.

“Common sense nalang, Jereck. Kung ganito ang daloy ng relasyon ninyo ay hindi ako
makakapayag. Paano kita matatanggap para sa kapatid ko kung hindi mo manlang
pinapahalagahan ang kinabukasan niya?”

“Tama si Katrina, Jereck.”

Natigilan siya. Nagkasabay silang tatlo na tumingin sa kakarating na si Whiskey.

“Magbihis ka na, Akira at uuwi na tayo,” kapagkuwa’y utos niya kay Akira. Tumalima
naman ang dalaga.

Umalis na rin si Jereck. Nang silang dalawa na lamang ni Whiskey ang naroroon ay
umupo siya sa upuang yari sa bato na nasa gilid ng pool. Mayamaya pa’y naramdaman
niya ang mga braso nito na yumayakap sa kanya buhat sa likuran.

“Pina-init ba nila ang ulo mo, baby? Hayaan mo, pagsasabihan ko ang kapatid ko na
lagi nalang pinapasakit ang ulo mo,” anito habang panay ang halik sa lilim ng tenga
niya.

Sapilitang inalis niya ang mga braso nito na nagpapasikip lalo sa paghinga niya.
Pinakawalan naman siya nito. Umupo ito sa tabi niya.

“Sorry naman,” anito.

“Napupuno na talaga ang salop ko riyan sa kapatid mo,” naiiritang sabi niya.

“Hey, kasalanan nanaman ba ng kapatid ko? Anong malay ni Jereck na hindi pala
pumasok sa eskuwela ang kapatid mo? Basta’t gusto nilang magsama, bahala na si
Batman,” natatawang sabi nito.

“Hindi nakakatuwa, Jason.”

“Okay. Tuturuan ko ng leksiyon si Jereck para naman maibsan ang panggagalaiti mo,”
anito.

“Kunsintidor ka kasi.”
Inakbayan siya nito. “Okay, relax. Magpalamig muna tayo,” anito at mayamaya’y may
katulong na naghatid ng malamig na inumin sa kanila.

“Nang makita kitang pumasok sa gate ay nagpagawa ako sa katulong ng mango shake.
Alam ko kasi na mainit ang ulo mo,” wika nito matapos ibigay sa kanya ang mango
shake.

“Okay ka rin ah.” Iisang baso lang ang mango shake pero dalawa ang strew.

Sabay na sinimsim nila ang mango shake habang parehong nakahawak sa baso.
Magkatitig ang kanilang mga mata. Mayamaya’y inilapag nito ang baso sa upuan at ang
mga labi naman nila ang naghinang.

“Ate!” narinig niyang sigaw ni Akira.

Talimang lumayo siya kay Whiskey. Sinipat niya ito, nagkibit-balikat lamang ito.
Nang tingnan niya si Akira ay nakatayo ito sa tabi ng halamang palmera at
nakapamaywang.

“Sige na, umuwi na kayo. Ipapahatid ko na kayo sa driver,” ani Whiskey.

Ngayon ay parang ayaw niyang umalis sa tabi nito. Nakatitig lamang siya sa mukha
nito.

“O baka naman gusto mong dumito na muna kayo ni Akira. Mag-double date tayong
apat,” nakangiting sabi nito.

“No thanks,” mariing tanggi niya.

“Bakit naman?” Lumapit ito sa kanya.

“Hindi ka mapagkakatiwalaang ka-date,” aniya.

Bumungisngis ito. Namulupot ang braso nito sa baywang niya. “Bed room date. Maluwag
ang kuwarto ko at maganda, puwede tayong sumayaw ng Cha-cha doon,” simpatikong sabi
nito.

“I don’t care. Manigas ka, Jason.” Tinangka niyang iwan ito ngunit hinatak nito ang
kamay niya.

Pumihit siya paharap dito. Sa isang iglap ay siil na nito ng halik ang mga labi
niya.
“Joke lang. Good bye, baby,” sabi nito nang pakawalan siya nito.

Nanggigil siya bigla. Kinagat niya ang ibabang labi nito.

“Aw!” daing nito.

“Adios, baby!” ganti niya sabay bira ng talikod.

“Ingat kayo, baby ko!” narinig niyang sigaw pa nito.

Napapangiti siya habang papalapit kay Akira. Pakiramdam niya’y kinikiliti ang puso
niya.

=================

Chapter Eight

SABADO ng gabi, sumama si Katrina kay Whiskey sa Studio ng mga ito. Pinanuod
nanaman niya itong rumarampa. Hindi niya inaasahan na lalapitan siya ng baklang si
Soreda na nag-alok sa kanya ng trabaho. Umupo ito sa tabi niya.

“Hello, Miss. Katrina. Ahm, may balita na ba sa inaalok ko sa iyo?” tanong nito.

“Ahm, pasensiya na po. Busy pa ho kasi ako sa business ko,” aniya.

“Naku, eh hindi naman matakaw sa oras ang trabaho mo eh.”

“Hindi pa po kasi ako makapagdesisyon sa ngayon.”

“Ah, okay. Bukas pa naman ang kompanya namin sakaling makapagdesisyon ka na.
Anytime ay puwede mo akong tawagan kung sakali,” kapagkuwa’y sabi nito.

Napatingin siya kay Whiskey na nasa intablado. Sinipat siya nito, walang bahid ng
ngiti sa mga labi nito. Habang abala ang lahat ay tumayo siya at pumunta sa
palikuran.

Nag-ayos lamang siya ng mukha sa harap ng malaking salamin. Mayamaya’y may pumasok
na babae. Nagulat siya. Si Marcela ang pumasok. Hindi niya inaasahan na tatabihan
siya nito. Nakatingin ito sa kanya buhat sa salamin.

“Ikaw pala si Katrina Meriz, ang babaeng pinagkakaabalahan ngayon ni Jason,”


mataray na wika nito.
Natigilan siya. Sinipat din niya ito. Pinapakinggang lamang niya anuman ang
sasabihin nito.

“Maganda ka, may katawan at malakas ang appeal. Ang mga kagaya mo ang pumapasa sa
panlasa ni Jason para maging fling niya,” nakataas ang isang kilay na sabi nito.

Wala parin siyang imik sa kabila ng nagpoprotesta niyang puso.

“Kilala ko si Jason, siya ang tipo ng lalaki na hindi magtitiyaga sa iisang babae.
I guest, nakuha ka na rin niya.”

Napalunok siya. Sa wakas ay hinarap niya ito. “Anong alam mo sa amin?” matapang na
tanong niya.

“Ang pagkakaalam ko ay ikaw ang babaeng pinaglalaruan ngayon ni Jason, at kapag


nagsawa na siya sa iyo ay babalik nanaman siya sa akin. Don’t worry, wala kaming
malalim na relasyon ni Jason maliban sa madalas kaming magtabi sa kama,” walang
abog na sabi nito.

May kung anong matulis na bagay ang tumulos sa puso niya. Bigla na lamang nanikip
ang dibdib niya. Matiim na nakatitig lamang siya sa mataray na mukha ng babae.

“Kung ako sa iyo, hindi ko na hihintayin na magsawa sa akin si Jason. Maghinay-


hinay ka nang umiwas sa kanya kung ayaw mong maranasan kung paano unti-unting
dinudurog ang puso mo. Nagsasabi lang ako ng totoo, huwag mo sanang damdamin,”
anito at basta na lamang siyang iniwan. Bahagya pa nitong binunggo ang balikat
niya.

Hindi niya namamalayan na nangingilid na ang mga luha niya sa makikinis niyang
pisngi. Nararamdaman niya na nagsasabi ng totoo si Marcela. Bagaman alam naman niya
kung anong klaseng lalaki si Whiskey pero minahal niya ito ayon sa bugso ng
damdamin niya at wala siyang pakialam anuman ang kahihinatnan ng relasyon nila.
Nararamdaman naman niya na mahal siya ng lalaki. Namumuo ang mga agam-agam sa puso
niya.

NAPAKISLOT si Katrina nang biglang may pumisil sa tagiliran niya. Nakatayo siya sa
gilid ng intablado.

“Tulala ka ah,” ani Whiskey. Kinabig nito ang baywang niya.

“Uuwi na ba tayo o kakain muna tayo?” kapagkuwa’y tanong nito.

Nasipat niya si Marcela na nakatayo sa pinto ng dressing room at nakatingin sa


kanila. Nasaksihan niya kung paano nanlilisik ang mga mata nito.
“Gusto ko nang umuwi, pakiusap,” wika niya.

“Okay. Ihahatid kita,” ani Whiskey.

Tahimik siya habang tinatahak nila ang daan patungo sa condo niya. Panay ang sipat
nito sa kanya habang matulin na pinapatakbo ang sasakyan.

“Ang tahimik mo ata,” puna nito.

“Inaantok lang ako,” pagsisinungaling niya.

Huminto ang sasakyan. Nasa tapat na sila ng condo niya. Tinangka niyang buksan ang
pinto ngunit pinigilan nito ang kamay niya. Hindi niya ito matitigan sa mga mata.

“May problema ba?” kapagkuwa’y tanong nito.

“Wala, inaantok lang talaga ako,” kaila niya.

Bumaling ito ng upo sa tabi niya. Ginagap nito ang kamay niya. “Meron ka bang hindi
sinasabi sa akin, Kat?” usisa nito.

“Wala, Jason. Masyado lang akong napagod noong nagdaang araw. Siguro nga ay
kailangan ko ng pahinga,” aniya.

“Huwag ka kasing magbabad sa Bar mo. May mga tao ka namang  binabayaran para
asikasuhin ang Bar. Sabihin mo sa akin kapag may problema ka sa business mo, handa
akong tumulong, huh?” Kinintalan nito ng halik ang kamay niya.

Sa wakas ay nagawa niyang titigan ito. Hinaplos nito ang makikinis niyang pisngi,
masuyong hinagkan nito ang mga labi niya. “I love you,” anas nito at buong alab na
pinaghinang ang kanilang mga labi.

Tumugon siya sa halik nito ngunit hindi niya hinayaan na lusawin nanaman nito ang
kamalayan niya at kung ano pa ang nais nitong maganap. Kumalas siya sa yakap nito.

“Papasok na ako,” aniya. Binuksan na niya ang pinto.

“Good night!” pahabol pa nito.

Hindi na siya tumugon. Walang likod-lingon na pumasok na siya sa kabahayan.


ISANG minuto na ang nakakalipas nang makapasok sa condo nito si Katrina pero hindi
parin pinapausad ni Whiskey ang sasakyan. Naroroon parin siya sa labas ng condo ni
Katrina.

Napansin niya ang kakaibang kilos ng dalaga kanina na labis namang ikinababag ng
damdamin niya. Ang dating matamis nitong pagtugon sa halik niya ay bigla na lamang
tumabang.

May nagawa ba ako? tanong ng isip niya.

Mayamaya’y pinausad na niya ang sasakyan. Tinatahak na niya ang daan papunta sa Bar
nila. Pagdating sa bar ay nagulat siya nang madatnan na may mga pulis sa labas. May
gulo nanaman.

“Anong nangyari?” tanong niya kay Scotch na Bartender on duty.

“May lalaking nagtangka sa buhay ng pinsan ni Bourbon na si Catharina. Mabuti na


lamang at may nagmagandang loob na tulungan si Cat,” sumbong ni Scotch.

“Kamusta si Cat?” nag-aalalang tanong niya.

“Hindi naman siya nasaktan.”

“Si Gin, hindi ba siya ang duty ngayon?” tanong nanaman niya.

“Hindi ko nga alam eh, bigla na lamang naglaho si Gin matapos ang kaguluhan.”

“Wala bang ibang napahamak?”

“Wala naman. Sa music bar naganap ang insidente.”

“Pambihira. Kailangan nating magdagdag ng security bago pa lumala ang sitwasyon,”


aniya. Bigla na lamang uminit ang ulo niya.

Pagpasok niya sa lounge ay nagulantang siya nang madatnan roon si Marcela.


Nakahilata ito sa kama habang umiinom ng wine na nakasilid sa martini glass.

“Hi, Jason! Nasurpresa ka ba?” kiming tanong nito. Tumayo ito at lumapit sa kanya.
Under wear lamang ang suot nito.

“Anong ginagawa mo dito?” naiiritang tanong niya.


Pinaglalandas nito ang mga daliri sa dibdib niya. “Mukhang hindi maganda ang mood
mo. Alam kong namimis mo na ang serbisyo ko,” anito. Iginapang nito ang bibig sa
leeg niya.

“Pagod at inaantok na ako, Marcela,” aniya.

“Well, habang nagpapahinga ka, hayaan mong masahe-in kita,” anito.

Inilapag nito ang baso sa ibabaw ng mesa at sinimulang hubarin ang mga saplot niya
sa katawan. Hinawakan nito ang kamay niya at inilapat iyon sa dibdib nito.

Hindi lamang siya kumikibo kahit nang siilin nito ng halik ang labi niya. Dinama ng
kamay nito ang pagkalalaki niya, nawawalan siya ng control—tumugon siya sa halik
nito.

“Hindi mo ako puwedeng palitan sa buhay mo ng mga fling mo, Jason,” anito nang
maghiwalay ang mga labi nila.

“Sinong fling ang sinasabi mo?” tanong naman niya.

“Si Katrina,” anito.

“Sorry, hindi ko siya fling,” prangkang sagot niya.

“Really? So, what?” nakangising tanong nito.

Hindi niya ito sinagot. Nang muli nitong halikan ang bibig niya ay agad niya itong
tinugunan. Ipinangko niya ito subalit hindi para ihiga sa kama kundi inilabas niya
ito sa kuwarto.

“Jason! Damn you!” sigaw nito nang pagsarhan niya ito ng pinto.

Kinakalampag nito ang pinto. Sa inis niya’y kinuha niya ang mga damit nito at
lumabas. Ibinigay niya rito ang mga damit nito.

“Get dressed and go home, Marcela. Tatawagin nalang kita kapag wala na akong
makitang babae sa mundong ito,” aniya at muling pumasok sa kuwarto.

Naririnig parin niya ito na nagpoprotesta at kinakalampag ang pinto. “How dare you,
Jason! Hindi ako papayag na tratuhin mo ako ng ganito. Matapos kong ibigay sa iyo
ang lahat ay iwawaksi mo lang ako na parang nakakadiring hayop! Wala kang puso!”

“Wala akong hiningi sa iyo, Marcela, ikaw ang may gusto nito!” giit niya.
“Walang hiya ka! Ipapatanggal kita sa kompanya!” nagbabantang asik nito.

“Go ahead, Marcela, paki-bilisan baka maunahan kita!” sigaw naman niya.

Mayamaya’y wala na siyang narinig na ingay. Kapagkuwan ay pumasok na siya sa banyo


at binasa ang katawan sa ilalim ng tumatagistis na tubig mula sa shower.

NAG-AAPURA si Katrina na buksan ang pinto nang may nag-door bell. Si Whiskey ang
tumatakbo sa isip niya ngunit nabigla siya nang mamataan si Alex sa binuksan niyang
pinto. Pinahintulutan niya itong pumasok.

“Napadalaw ka ata?” aniya nang makaupo na sila habang magkaharap sa sofa.

“Gusto lang kitang kamustahin,” anito.

“Okay lang naman ako. Gusto mo ba ng maiinom?” kapagkuwa’y tanong niya.

“Sure.”

Sandaling iniwan niya ito. Nagtitimpla siya ng juice sa kusina  nang maulinigan
niya na tila may kausap si Alex na lalaki at pamilyar niya ang boses na iyon.
Iniwan niya ang ginagawa at sumulip sa siwang ng pinto.

Bigla na lamang siyang sinalakay ng kaba nang makita si Whiskey na ngayon ay kausap
si Alex. Mukha namang payapa ang pag-uusap ng dalawa. Binalikan niya ang ginagawa
at nagtimpla pa siya ng isa para kay Whiskey.

Kapagkuwa’y lumabas na siya dala ang meryenda ng mga ito. Hindi niya makuhang
tingnan sa mga mata si Whiskey. Magkaharap ang dalawang lalaki habang siya naman ay
nakatayo lamang sa gilid ng mga ito.

“Ahm, magmeryenda muna kayo. M-may gagawin lang ako sa kusina,” aniya at tinangka
niyang iwan ang mga ito, pero tumayo na si Alex.

“Salamat nalang, Kat. May pupuntahan pa kasi ako,” apila ni Alex.

“Ganun ba? S-sige.” Hinatid na niya ito sa labas.

Hindi pa siya pumapasok kahit nang makaalis na si Alex. Hindi niya alam kung bakit
bigla na lamang nagpasya si Alex na umalis eh wala pa naman silang napag-usapan.
Kahit papano’y gusto niyang maging bahagi parin ng buhay niya si Alex kahit
kaibigan lang.
Pagpasok niyang muli sa loob ng bahay ay nagitla siya nang mabungaran si Whiskey na
nakatayo sa gilid ng pinto. Kamuntik pa niya itong mabunggo.

“Naghihinayang ka pa ata dahil umalis kaagad ang ex mo. Ako ba ang kontrabida
dito?” simpatikong saad nito.

Napalunok siya. “Binisita lang niya ako,” depensa niya.

“Bakit? May sakit ka ba?” masungit na tanong nito.

“Wala. May sakit lang ba ang dinadalaw?” buwelta niya.

Iniwasan niya ito. Pumasok siya sa kusina. Mayamaya’y nasa likod na niya ito habang
siya’y abala sa paghuhugas ng plato.

“Batid ko’ng sinusuyo kang muli ni Alex. Gusto niyang magkabalikan kayo,” anito.

Natigilan siya. Iniwan niya ang ginagawa at hinarap ito. “Anong sinabi mo sa
kanya?” kapagkuwa’y tanong niya.

“Sinabi ko lang naman sa kanya na huwag na niyang ituloy ang panunuyo sa iyo dahil
magkakaanak na tayo,” anito.

Nawindang siya. Mabilis na uminit ang mukha niya. “B-bakit mo sinabi iyon?”

“Para tumigil na siya. Masyado siyang nakakalalaki. Bakit parang apektado ka?”
kapagkuwa’y tanong nito.

“Bisita ko siya, hindi mo dapat siya binastos,” aniya.

“Ako pa ang nambabastos? Mag-isip ka nga, Katrina. May boyfriend ka na pero


tumatanggap ka parin ng manliligaw!” asik nito.

“Hindi siya nanliligaw. Kahit papano ay may pinagsamahan kami,” depensa niya.

“Ibang usapan iyon, Katrina. Si Alex na ang may sabi na kaya siya nagpunta dito ay
para suyuin ka!” asik nito.

“At ano naman ang problema doon? Wala na akong nararamdaman sa kanya pero gusto ko
parin siyang maging bahagi ng buhay ko!” buwelta niya.

“May tiwala ako sa sinasabi mo, Katrina, pero sa lalaking iyon ay wala akong
tiwala!” Mataas parin ang timbre ng boses nito.

“So nagseselos ka sa kanya?”

“Oo naman, Katrina. Hindi pa tayo ay pinagseselosan ko na ang Alex na iyon,”


mahinahon nang sabi nito.

Hindi siya kaagad nakaimik. Dapat ay matuwa siya pero may mga agam-agam parin sa
puso niya lalo na nang maalala niya ang mga sinabi ni Marcela.

“Wala ka pa ring karapatan na putulin ng tuluyan ang ugnayan namin ni Alex, Jason.
Kahit papano ay mahalaga siya sa akin,” giit niya.

“Damn, Katrina!” Napamura ito at mariing nagtagis ang mga bagang nito. Naitabing pa
nito ang silya na nasa tabi nito.

Sa halip na masindak ay lalo siyang nangangalit. “Bakit ikaw? May nobya ka na nga
ay kung sinu-sino pang babae ang hinahalikan at ikina-kama mo!” ganti niya.
Pinipigil niya ang luha na badyang papatak.

Hindi naka-imik si Whiskey, titig na titig ito sa kanya. Nagmistulang suka ang
mukha nito.

“Tama naman ako hindi ba, Jason? Bagaman alam ko naman na ganoon ka klaseng lalaki
pero tinanggap pa rin kita. Nakilala kita na ganyan ka kaya hindi kita masisi—ni
hindi ko alam kung ilan ba kami ang babae sa buhay mo.” Tuluyang nangilid ang mga
luha niya.

“Mali ka, Kat. Nag-iisa ka lang ngayon sa buhay ko,” anito.

“Ayaw kong alisin ang tiwala ko sa iyo pero talagang may bumabagabag sa akin.
Natatakot akong masaktan muli, Jason. Gusto ko ng tahimik na relasyon,” humihikbing
pahayag  niya.

“I’m sorry, Kat. Gusto ko rin ng pormal na relasyon. I love you, mahirap pero
sinisikap kong baguhin ang pagkatao ko para sa iyo. I don’t care kung isipin mong
wala akong isang salita. Seryoso ako, Kat at hindi ako nakikipaglaro sa relasyon
natin. I want to marry you if you don’t mind,” seryosong pahayag nito.

Ginagap nito ang kanang kamay niya at kinintalan iyon ng mapusok na halik. “Trust
me, Kat. I will respect your innocence as long as I can. Kahit ganito ako, gusto
kong malinis ang babaeng ihaharap ko sa altar,” walang kiming wika nito.

Sa isang iglap ay napalis ang sigalot sa pagitan nila.


“Maniniwala nalang ako dahil mahal kita, Jason, pero sana ay patunayan mo sa akin,”
mahinahong wika niya.

Bigla na lamang siya nitong niyakap. “I swear,” sambit nito at hinagkan ang kanyang
noó, ang tuktok ng kanyang ilong, lalung-lalo na ang kanyang mga labi.

Ang masuyong halik nito ay unti-unting naging marahas na hindi naman niya
napagkaitan ng tugon. Mga haplos na naglilikha ng apoy at mga halik na nakakapaso. 

PAPALUBOG na ang araw pero nasa loob parin ng kuwarto niya si Katrina kasama si
Whiskey. Magkayakap sila sa ibabaw ng kama. Nakahilig ang ulo niya sa matipunong
dibdib ng binata habang yakap siya ng mga braso nito.

Wala naman silang ginawa kundi magkulitan at maglampungan, ngunit ang respeto sa
kanya ni Whiskey ay hindi nito hinayaang masupil ng tukso. Dahil sa ipinapakita
nitong katapatan at respeto ay lalo lamang niya itong minahal. Napagtanto niya na
hindi naman pala ito literal na pisikal lamang ang habol sa isang babae.

“I’m sorry kung nahihirapan kang unawain ako, Kat. Napamahal na ako sa lifestyle
ko,” anito habang hinahaplos ang buhok niya.

“Sa totoo lang, nahihirapan akong mag-adjust sa iyo. Sa kagustuhan ko na masubukan


ka ay sumugal ako,” aniya.

“Sinubukan?” inalis nito ang braso na lumilingkis sa baywang niya.

“Ano, sinubukan ko kung mapapanindigan ko ang desisyon ko na mahalin ka,”


paglilinaw niya.

“And then?”

“At napanindigan ko. Mahal kita, Jason,” kapagkuwa’y sabi niya.

“Nararamdaman ko naman. Salamat sa tiwala.” Hinalikan siya nito sa mga labi.

Nagsimula nanamang maglakbay ang halik nito sa leeg niya. Niyakap siya nito at
siniil ng halik ang kanyang mga labi. Kumikilos ang mga kamay nito at isa-isang
inaalis ang botones ng blouse niya.

“Don’t panic. Everything is under control, baby,” anas nito ng ipaghiwalay nito ang
mga labi nila.

Ngumiti lamang siya. Muli nanaman sana nitong hahagkan ang bibig niya nang biglang
may narinig siyang ingay.
“Ate!” Tinig iyon ni Akira.

“Akira!” gigil na bigkas ni Whiskey sa mahinang tinig.

Itinutulak niya ito pero wala pa itong balak umahon mula sa kanya. “Jason, ano ba!
Hindi naka-lock ang pinto,” pigil ang tinig na sabi niya rito.

Bumalikwas na ito ng bangon at nag-apurang mag-ayos ng sarili. Ganoon din siya.


Hindi pa man niya naaayos ang sarili ay nabuksan na ni Akira ang pinto.

Nakaupo na sa gilid ng kama si Whiskey habang siya’y nagsasara pa lamang ng butones


ng blouse niya. Napansin niya ang pilyong ngiti na nanilay sa mga labi ni Akira.

“Sooo yeah....sorry sa isturbo,” anito at minabuting lumabas na lamang at isinara


nito ang pinto.

“Mag-lock kasi kayo ng pinto kung gagawa kayo ng milagro nang sa gayon ay hindi
kayo naiisturbo!” pasigaw na sabi ni Akira nang makalabas na ito.

Uminit ang mukha niya nang marinig ang sinabi ng kapatid. Nang sipatin niya si
Whiskey ay bumubungisngis ito. Walang anu-ano’y nilapitan niya ito at hinampas ng
unan sa likod nito. Hindi niya ito tinantanan ng palo.

Sinasalo naman nito ang unan na pinaghahampas niya rito. “Umuwi ka na nga,”
pagtataboy niya.

“Okay, tama na.”

Nilubayan naman niya ito. Tumayo na ito at lumapit sa pinto. “Hindi mo ba ako
ihahatid sa labas?” kapagkuwa’y tanong nito.

“Bakit? Mawawala ka ba?”

“Eh bakit si Alex ay inihatid mo kanina?” may tampong tanong nito.

Hindi niya ito sinagot. Nang hindi parin ito kumikilos para lumabas ay nilapitan na
niya ito at tinutulak palabas. Inihatid na niya ito sa labas hanggang sa makasakay
na ito sa kotse nito.

Pagkaalis ni Whiskey ay agad siyang pumasok at dumiretso sa kusina upang asikasuhin


ang pagluluto. Nagulat siya nang mapansin si Akira na nakaupo sa hapag-kainan at
abala sa pagtipa sa keypad ng cellphone nito.
“Matagal na ba kayo ni Kuya Jason, Ate?” Hindi niya inaasahang matanong nito.

Huminto siya sa paghakbang at hinarap ito. “Two months,” mabilis na sagot niya.

“Two months? Akala ko naman ay may taon na. So now, patas na tayo. Siguro naman ay
hindi mo na ako pagbabawalan na makipagrelasyon kay Jereck,” simpatikang saad nito.

Bahagyang uminit ang bunbunan niya. “Tumigil ka, Akira. Hindi kita pinagbabawalan,
nag-aalala lang ako sa pag-aaral mo,” aniya.

“Hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko eh. Tinuturuan pa nga ako ni Jereck
sa mga aralin ko. Hindi naman kami humahantong sa—”

Naunawaan niya kung ano ang nais nitong sabihin. Uminit ang magkabilang pisngi niya
nang maisip ang mga namamagitan sa kanila ni Whiskey. Kung hindi lamang niya
kinukontra ang tukso na namamagitan sa kanila, malamang nakuha na ni Whiskey ang
lahat sa kanya. Mabuti na lamang at may nalalabi pang kontrol sa sarili ang nobyo
niya.

“Kilalang-kilala ko na si Jereck kahit magbalatkayo pa siya, eh ikaw, gaano mo na


ba kakilala si Kuya Jason, Ate?” kapagkuwa’y usig ni Akira.

Natitigan niya ito ng diretso. Psychology student si Akira at tiyak na marunong na


itong mangilatis ng katangian ng isang tao. Kinakabahan siya sa ipinapahiwatig
nito.

“Kung si Jereck ay hinuhusgahan mo, siguro naman ay puwede ko ring husgahan si Kuya
Jason,” anito nang tumayo ito at lumapit sa kanya.

Hindi siya kumibo. Hinayaan niyang magkomento ang kapatid niya ukol sa relasyon
nila ni Whiskey.

“Well, ang masasabi ko lang naman ay.....mas matino si Jereck paris kay Kuya
Jason,” prangkang sabi nito.

“Pero kung talagang mahal mo siya, wala tayong magagawa riyan, Ate. Malay natin,
ikaw ang pakapagpapatino sa kanya. Palagay ko naman ay mapagtitiyagaan mo siya.
Kaya lang, ang bisyo ay hindi basta-basta naiiwasan—”

“Alam ko, Akira,” apila niya.

Tinalikuran na niya ito. Kumilos na siya upang maghain ng hapunan nila. Napag-isip-
isip niya, bumabaliktad na sila ngayon ng sitwasyon ng kapatid niya.

Hindi na niya ito puwedeng paghigpitan dahil kung tutuusin ay wala na siyang
pinagkaiba rito na matigas ang ulo. Alam niya’ng mahihirapan siya sa pinasok na
relasyon pero sumugal parin siya. Ngayon ay nakatali na siya sa pagmamahal niya kay
Whiskey kahit may pangamba siya sa kabila ng magandang pagsasama nila.

=================

Chapter Nine

TINATAMAD lumabas ng bahay si Whiskey kaya naman ay nagbabad siya sa pool. Maya’t-
maya’y namimis niya si Katrina kahit isang linggo lamang silang hindi nagkita.

Pag-ahon niya mula sa tubig ay dinampot niya ang cellphone niya na nasa damuhan at
pinadalhan ng mensahe si Katrina. Pinapapunta niya ito para samahan siya nitong
mananghalian.

Kapagkuwan ay lumublob siyang muli sa tubig. Nang muli siyang umahon ay nabigla
siya nang mamataan si Marcela na nakatayo sa harapan niya. Hindi niya ito pinansin
basta’t binalot niya ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya.

Sinundan parin siya nito nang umupo siya sa upuang yari sa kawayan sa loob ng
native cottage na nasa tabi lamang ng pool. “Anong kailangan mo?” seryosong tanong
niya.

“Namimis kita, Jason,” anito at bigla na lamang itong pumangko sa mga hita niya.
Ang mga kamay nito’y pumulupot sa leeg niya.

Tinutulak niya ito ngunit mistulang ahas ang mga kamay nito na lumilingkis sa leeg
niya.

“Hindi ikaw ang gusto kong makita at makasama ngayon, Marcela,” aniya subalit hindi
na niya ito maitaboy.

“Sino? Si Katrina? Huh, hindi siya ang tipo ng babae na kaya kang unawain, Jason.
Ako lang ang nakakatiis sa kapilyuhan mo.” Ipinaglalandas nito ang mga daliri sa
matipuno niyang dibdib.

“Umalis ka sa harapan ko, Marcela,” pagtataboy niya ngunit lalo lamang siya nitong
niyakap.

“Not this time, my dear,” anas nito at siniil ng halik ang mga labi niya.
Ang mga kamay nito’y hinuhubog ang mga kalamnan niya. Alam niya na kayang-kaya siya
nitong daigin. Pinipigilan niya ang sarili subalit masyadong malakas ang tukso
kumpara sa isip at damdamin niya.

Tumugon siya sa halik nito, ngunit labi ni Katrina ang nalalasahan niya. Nawalan
siya ng kontrol nang suyurin nito ng halik ang kahubaran niya, katuwang ang
mapanghanap nitong mga kamay. Tila may sariling buhay ang mga kamay niya na ngayon
ay naghahapuhap sa katawan nito.

Naghinang ang kanilang mga labi. Nilamon na ng tukso ang isip niya at bigla na
lamang naglaho sa isip niya si Katrina. Nang imulat niya ang mga mata niya ay
namataan niya si Katrina na papalapit sa kinaroroonan nila.

Itinulak niya si Marcela subalit huli na, nakita na sila ni Katrina. Inayos niya
ang kanyang sarili at hinabol niya ang tumakbong si Katrina.

“Katrina!” sigaw niya nang maabutan niya ito sa garahe.

Nahagip niya ang braso nito ngunit binalingan naman siya nito ng malutong na sampal
sa pisngi at marahas na binawi nito ang braso. Nang titigan niya ito ay hilam na sa
luha ang mga mata nito.

“I’m sorry,” tanging salita na nanulas sa bibig niya.

“It’s done, Jason. Kung hindi mo ako pinapunta dito ay hindi ko malalaman na
matagal mo na pala akong pinaglalaruan. Salamat sa magandang imbitasyon,”
mahinahong wika nito.

“Sorry, hin—”

Muli siya nitong sinampal.

“Huwag na tayong magpaliwanagan pa, Jason dahil hindi karton ang mga mata ko. Dapat
pala hindi ako naniwala sa mga sinabi mo. Sobrang tanga ko. Ang tanga-tanga ko,
Jason!” puno ng hinanakit na singhal nito.

“Kat....”

“Shut up! Alam ko na ang sasabihin mo, at ayaw ko nang marinig. Thanks for
everything, Jason. Nag-injoy naman ako sa company mo. Iyon nga lang, talagang
masakit. Ngayon lang ako tuluyang nainis sa pag-ibig. Ayo’ko na, pero salamat,
natuto na ako. Adios!” nakangiti pang sabi nito at bumira ng talikod.

Hindi manlang siya nito binigyan ng pagkakataon na muling makapagsalita.  Gusto


niya itong pigilan ngunit napako na ang mga paa niya sa lupa. Kung may damit lamang
siya ay hahabulin niya ito kahit malayo na ito sa kanya. Mariing nagtagis ang mga
bagang niya. Naglaho na ito sa paningin niya.

Lalo lamang uminit ang ulo niya nang maramdaman ang kamay ni Marcela sa balikat
niya. “Pabayaan mo na siya, nandito naman ako eh,” anito.

Sa inis niya’y hinawakan niya ang kamay nito at mariing napisil. “Araay!” daing
nito.

“Huwag kang magpapakita sa akin kundi papatayin kita!” asik niya at inambahan ito
ng suntok ngunit inawat siya ng driver nila.

“Sir, tama na po,” anang driver.

“Ayaw kong makita ang babaeng ‘yan!” utos niya sa driver at pumasok na sa
kabahayan.

Kinaladkad naman ng driver palabas ng bakuran si Marcela na nagawa pang tumawa.

“Baliw,” bulong ng driver nang maisara na nito ang tarangkahan.

HALOS hindi na makalunok ng laway si Katrina buhat sa lubhang pag-iyak at labis na


paninikip ng dibdib niya. Hindi ma mukhang kuwarto ang loob ng silid niya buhat sa
pagwawala niya. Lahat ng gamit na nakikita niya ay inihagis niya at ginulo,
mailabas lamang ang galit niya.

“I hate you, I hate you! I hate you!” paulit-ulit na bigkas niya habang
humahagulgol ng iyak.

Hindi siya lumabas ng kuwarto kahit pa ilang beses na kumatok si Akira. Lumipas na
ang hapunan, almusal at maging tanghalian ay nakakulong parin siya sa loob ng
kuwarto niya.

Bago siya matulog ay umiiyak siya, hanggang sa paggising niya ay umiiyak parin
siya. Hindi ganoon kasakit ang nararamdaman niya noong makita niya si Alex na may
kasamang ibang babae. Isang araw lamang siyang umiyak, pero sa ginawa ni Whiskey ay
halos walang katapusan ang pag-iyak niya. Labis siyang nade-depress na halos
patayin na niya ang sarili niya.

Ilang beses na kinulit siya ni Akira upang harapin niya si Whiskey na dumayo pa sa
condo nila—ngunit hindi niya ito hinaharap. Hindi niya ito kinakausap kahit
kausapin siya nito sa labas ng kuwarto niya.

Araw-araw na pabalik-balik sa condo nila si Whiskey ngunit hindi niya ito binigyan
ng pagkakataon na makausap. Binubulyawan pa niya si Akira na kinukulit siya.

“Huwag ka nang magpapakita sa akin, Jason baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo,
Hudyo ka! Huwag ka nang umasa na maayos ang lahat dahil kinasusuklaman kita!
Nakakadiri ka! Lubayan mo ako por pabor!” Asik niya habang nasa labas ng kuwarto
niya si Whiskey.

Hindi ito umiimik ngunit naririnig niya ang hikbi nito. Sumisinghot ito. “Sorry,
Kat. I’m sorry...” narinig niyang sabi nito sa ilalim ng namamalat na tinig.

Mayamaya’y wala na siyang naririnig ni kaluskos sa labas. Napaupo siya sa sulok ng


pinto at humagulgol nanaman ng iyak. Mahigpit ang yakap niya sa kanyang mga tuhod
habang walang puknat sa pagdaloy ang kanyang mga luha.

Lalo lamang tumitikis ang kirot sa dibdib niya. Pakiramdam niya’y pinipiga ng husto
ang puso niya. Abot lalamunan ang paninikip ng dibdib niya.

Ang babae, kapag nade-depress ay lalo nilang pinapalakas ang mga sarili nila at
nagpapaganda sila. Pinapatunayan nila sa lalaking nagpahirap sa kanila na hindi
sila ganoon kahina. Naalala nanaman niya ang narinig niya sa Psychology Teacher ni
Akira.

Nakatulugan na lamang niya ang pag-iyak.

ISANG linggo na ang nakakalipas. Ilang beses na tumawag sa telepono ni Katrina si


Whiskey ngunit hindi niya sinasagot. Hindi rin siya pumupunta sa Bar, at hindi rin
siya naglalagi sa condo. Sa bahay na siya ni Camella nakatira.

Nang humupa na ang dalamhati ng puso niya ay naalala niya bigla ang baklang si
Soreda. Tinawagan niya ito. Ngayon siya nakumbinsi na tanggapin ang inaalok nitong
trabaho sa kanya.

Pinapunta siya nito sa kompanya ng mga ito sa Pasay. Dumaan siya sa maraming
interview at screening at sa kabutihang palad ay agad siyang natanggap.

Hindi biro ang dinanas niyang training sa fitness instructor niya pero malaki naman
ang binipisyo na natanggap niya. Lalong gumanda ang katawan niya. Binago ng
propisyon niyang iyon ang postura niya, ang lifestyle niya, maging ang pagkatao
niya.
MAKALIPAS ang halos anim na buwan niya sa trabaho ay bigla na lamang nagbago ang
lahat sa buhay niya lalo na ang ugali niya. Naghirap din siya sa mga pagkain at
pag-iwas sa mga nakasanayan niyang gawain. Natuto rin siyang magsuot ng mga
modernong kasuotan.

Bigla na lamang nawala si Whiskey matapos ang marubrob na  pagtatapos ng relasyon


nila. Nabalitaan niya na nasa Dubai nanaman pala ito nakakontrata. Aywan niya bakit
naiinis siya nang makita niya ito sa tv na parang walang pinagdadaanan sa buhay.

Hindi manlang niya ito nakitang nangayayat. Lalo pa nga itong gumuwapo at gumanda
pa ang karera sa Fashion Industry.

“Hindi manlang kinarma ang hudyo. May araw ka rin, Whiskey Del Rosario,” nagtatagis
ang mga bagang na sabi niya habang tinititigan ang mukha nito na siyang cover ng
Men’s Magazine.

ALAS-SAIS ng umaga nang makarating si Whiskey sa NAIA airport. Si Brandy ang


nagsundo sa kanya. Apat na buwan din siyang nasa Dubai at dalawang buwan naman sa
Singapore.

“Kamusta ang balikbayan?” tanong sa kanya ni Brandy nang lulan na sila ng kotse
nito.

“Stressful,” sagot lamang niya habang nakaupo sa tabi ni Brandy na nagmamaneho.

“Stress or depress?”

“Both.”

“Well, I guest nakalimutan mo na si Katrina,” ani Brandy.

“Hindi ako nagpunta sa ibang bansa para lang makalimutan siya,” aniya.

“Wow! So she’s still the one?” kapagkuwa’y usig ni Brandy.

“Alam mo naman kung anong hirap ang dinanas ko nang mawala siya sa akin.”

Naagaw ang atensiyon niya ng isang malaking billboard na nakabalandra sa malaking


gusali. “Brandy, ihinto mo,” utos niya kay Brandy.
Agad namang inihinto ni Brandy ang kotse sa gilid ng kalsada—sa tapat mismo ng
gusali kung saan niya nakita ang billboard.

Binuksan niya ang bintana sa tabi niya at inilabas ang ulo niya para lang makita
ang kabuoan ng billboard. May kung anong damdamin ang naungkat sa puso niya nang
makita si Katrina sa malaking billboard na suot lamang ay sickling na itim at itim
na bra. Napaka-sexy nito sa larawan.

Nagtatagis ang kanyang mga bagang habang nakatitig sa nakabalandrang katawan ng


dating nobya. Ibang-iba na si Katrina ngayon. Sinipat din ni Brandy ang natatanaw
niya.

“Siya si Katrina pero mas kilala na ngayong si Sherena Perez— isang modelo sa
Fitness Magazine at endorser ng mga fitness product. Naging kandedata din siya ng
Bb. Pilipinas pero hanggang top ten lang siya, pero sumikat parin siya dahil sa
natural niyang ganda. Siya na ngayon ang pinagpapantasyahan ng mga lalaking
dumadaan sa kalyeng ito,” batid ni Brandy.

“Kamusta ang Bar niya?” tanong niya nang pinausad nang muli ni Brandy ang sasakyan.

“Siya parin ang may-ari ng bar pero iba na ang nagma-manage,” sagot naman ni
Brandy.

“Alam mo ba kung saan siya nakatira ngayon?” interesadong tanong niya.

“Sa Makati na siya nakatira ngayon. Nakabili siya ng lupa’t bahay doon. Bakit?
Plano mo bang ayusin ang nasira ninyong relasyon?” kapagkuwa’y tanong ni Brandy.

“Gustuhin ko man pero hindi ganoon kadali iyon. Kung kami talaga ang para sa isa’t-
isa ay kusang mangyayari na hindi kailangang puwersahin. Mas masarap parin talaga
ang hinog sa puno,” makahulugang sabi niya.

“Tama ka naman, dude.”

“Pero siyempre, kailangang may gawin din ako. Hindi naman puwede na maghintay ako
kung kailan siya mahuhulog sa akin. Hindi naman ako kalahi ni Juan Tamad,”
nakangising wika niya.

“Hindi parin talaga nagbabago ang diskarte mo pagdating sa babae. Henyo ka talaga,
dude.” Pinagsalpok nila ang mga kamao nila.

Pagsapit ng tanghali ay umuwi na si Whiskey sa bahay nila. Nasurpresa siya nang


makita niya roon si Akira at kasama ni Jereck na nananghalian. Hindi niya akalain
na magkasintahan parin ang dalawa.

“Hello, Kuya Jason!” bati sa kanya ni Akira.


“Welcome home, bro!” bati rin ni Jereck. Tinapik nito ang balikat niya.

“Salamat sa inyo. Sige kumain lang kayo,” aniya at pumanhik na sa kuwarto niya.

Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng pagtutol ni Katrina sa pakikipagrelasyon ni


Akira sa kapatid niya—ay nagawa paring ipaglaban ni Akira ang pag-ibig nito kay
Jereck. Hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari matapos siyang ipagtabuyan
ni Katrina at kinamuhian.

Nang matapos kumain ni Akira ay inanyayahan niya ito sa study room upang makapag-
usap naman sila. Nagimbal siya nang mabatid na nagsasama na pala ang mga ito sa
iisang bubong.

“Walang sinasabi sa akin si Jereck tungkol sa inyo,” aniya.

“Alam n’yo naman na masyadong malihim si Jereck. Nababahala rin siya na baka hindi
ka rin papayag na ipagpatuloy namin ang relasyon namin,” ani Akira.

“Hindi naman ako katulad ng ate mo. Hindi ko idadamay ang maganda ninyong relasyon
dahil sa problema namin. Pero bakit ka umalis sa poder ng ate mo?” kapagkuwa’y
tanong niya.

“Kahit anong gawin ko kasi ay ayaw niya na ipagpatuloy ko ang pakikipagrelasyon kay
Jereck. Masyado niyang dinamdam ang nangyari sa inyo kaya pati kay Jereck ay galit
siya. Masyado na siyang naging mahigpit sa akin kaya iniwan ko na siya. Ayaw ko
naman sanang gawin iyon pero sumusobra na siya,” madamdaming pahayag ni Akira.

“Pero kamusta na siya ngayon?” mayamaya’y tanong niya.

“Si ate? Langit na siya ngayon na mahirap maabot. Malaki ang ipinagbago niya,
lalung-lalo na ang ugali niya. Ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon ay malaya
na niyang ginagawa. Pakiramdam ko nga ay hindi na siya ang Ate ko. Ang ate ko na
makaluma at inosente. Tumatanggap na rin siya ngayon ng sexy pictorial na halos
wala nang suot na damit,” kuwento ni Akira.

May kung anong kumirot sa puso niya, bahagyang naninikip ang dibdib niya. Sinisisi
niya ang sarili niya kung bakit bigla na lamang hinimok ni Katrina ang sarili na
gawin nito ang mga bagay na hindi nito nagagawa noon at lalong ayaw niya sana na
gawin nito.

Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya na ipasok sa pagmomodelo ang dalaga kung
gugustuhin niya pero ayaw niya dahil alam niya kung ano ang buhay sa loob ng
Industriyang iyon. Noong nagsisimula pa nga lang ang relasyon nila ay ayaw niya
itong nagsusuot ng damit na nababakat ang katawan nito, ni ayaw niyang nasisilip
ang magandang mga hita nito. Ngayon ay wala na siyang karapatang pigilan ito.
“Kuya, mahal mo parin ba si Ate?” mayamaya’y tanong ni Akira.

Matiim na natitigan niya ito ng diretso. “Mahal na mahal ko siya, Akira,” mariing
sagot niya.

“Pero bakit hinayaan mong masira ang relasyon ninyo noon?” nag-uusig na tanong
nito.

Lumabi siya. “Hindi ko pinlano na masira ang relasyon namin. Nagkulang ako, inaamin
ko. Masyado akong mahina sa tukso. Abot langit din ang pagsisisi ko nang mga araw
na iyon,” kapagkuwa’y sagot niya.

“Pero bakit hindi mo manlang siya sinuyo, humingi ng kapatawaran, magpaliwanag?


Kahit itinaboy ka niya, sana hindi mo siya sinukuan.”

“Dahil hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Alam mo naman kung paano ko
ipinagpilitan ang sarili ko noon kahit ayaw niya akong harapin. Hinahanap ko siya
pero ayaw niyang magpahanap. Masyado siyang binulag ng galit niya. Kung tutuusin ay
maaayos namin ang problema kung binigyan niya ako ng pagkakataon na makausap siya
ng maayos, pero masyadong mataas ang pride ng ate mo.”

“Kaya ba sumuko ka nalang?”

“Hindi ako sumuko, Akira. Binigyan ko lang siya ng panahon para humupa ang galit
niya sa akin. Lumayo ako at pinabayaan ko siya, pero hindi ibig sabihin ay
kakalimutan ko siya at ang lahat sa amin. Hindi iyon nangangahulugan na isusuko ko
nalang siya basta,” aniya.

“Anong plano mo?” tanong nanaman nito.

“Ibabalik ko ang dating si Katrina,” may paninindigang sabi niya.

“Paano mo naman gagawin iyon? Mahihirapan ka na, Kuya.”

“Bakit?”

“Naglalaro na rin ngayon sa apoy si Ate,” makahulugang sabi nito.

Natigilan siya. Gusto niya ng mas malinaw na paliwanag. “Anong ibig mong sabihin?”
mariing tanong niya.

“Kung sinu-sinong lalaki na rin ngayon ang nakakarelasyon ni Ate. Mga nakakasama
niya sa trabaho, meron pa ngang kilalang artista pero hindi naman nagtatagal. Kung
magpalit nga siya ng nobyo ay parang nagpapalit lang ng damit. Hindi ko na siya ma-
reach sa lifestyle niya ngayon,” kuwento ni Akira.

Nagtagis ang mga bagang niya. Pakiramdam niya’y may milyong patalim ang tumutusok
sa puso niya. Masyado nang wild ngayon si Katrina. Naisip niya, may mga babae
talagang nagiging wild matapos ang depresyon na nararanasan.

Hindi katulad ng karamihang lalaki, isama na siya—na kapag nade-depress ay halos


patayin ang sarili—pinapahirapan at binabago kung ano ang mga kamalian sa dating
nasirang relasyon.

Pinalis niya ang bisyo sa mga babae—naging workaholic siya. Mahaba na ang apat na
oras na tulog niya. Ngayon niya nararamdaman kung ano ang nararamdaman ng mga
babaeng sinaktan at pinaasa niya noon.

Nahihirapan siya ngayong mag-isip. Batay sa mga kuwento ni Akira ay nahihinuha niya
na hindi magiging madali na makuha niyang muli ang loob ni Katrina. Ngayon
masusukat ang kapilyuhan niya sa babae.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Akira ay si Jereck naman ang kinausap niya habang
pinagsasaluhan nila ang dala niyang Imported na alak galing pa sa Dubai.

“Kamusta naman sila Mommy sa Singapore, Kuya?” tanong ni Jereck habang sinasalinan
nito ng alak ang dalawang shot glass.

“Maayos naman ang sitwasyon nila.” Kapagkuwa’y nilagok niya ang unang isinalin ni
Jereck.

“Kamusta naman kayo ni Akira?” mamaya’y usisa niya.

“Okay naman kami. Hindi naman tumutol si Daddy na dito muna titira si Akira.”

“Pakasalan mo na si Akira, Jereck,” kapagkuwa’y udyok niya.

Natigilan si Jereck. Titig na titig ito sa kanya. “Actually, gustung-gusto ko na,


Kuya, pero inaalala ko si Katrina,” anito.

“Wala nang magagawa si Katrina. Nasa poder mo na si Akira.”

“Pero siya ang Guardian ni Akira, may karapatan siyang mahimasukan sa relasyon
namin.”

“Wala na siyang pakialam ngayon kay Akira. Dapat ay hindi siya pumayag na magsama
kayo ni Akira kung talagang tumututol siya. Kahit huwag muna sa simbahan kayo
magpakasal ni Akira,” giit niya.
“Pero, kuya—”

“Susuportahan kita, Jereck. Gusto kong maging pormal ang relasyon ninyo ni Akira.
Hindi yung para kayong mga daga na nagtatago sa pusa.”

“Kung sa bagay. Si Akira lang kasi ang inaalala ko. Natatakot siya kay Katrina.
Kahit papano ay mahal na mahal niya ang ate niya. Hindi ko naman siya puwedeng
puwersahin na magpakasal sa akin.”

Sinalinan nitong muli ng alak ang baso niya na agad naman niyang nilagok.
“Kasalanan ko kung bakit lalong tinutulan ni Katrina ang relasyon ninyo ni Akira,”
aniya.

“Mabuti naman alam mo,” may panunumbat na sabi ni Jereck.

Natitigan niya sa mga mata si Jereck. Talaga palang sinisisi siya nito. “Sorry,
hindi ko naman sinasadya na saktan si Katrina,” kapagkuwa’y sabi niya.

“Iyan ang tinatawag na karma, Kuya. Kaya nga tumino na ako kay Akira dahil ayaw
kong tamaan ng nakakamatay na karma,” nakangising wika ni Jereck.

Ngumiti siya. “I know that, bro. Tanggap ko naman.”

Pinaghinang nila ang kanilang mga baso.

ALAS-DOS na nang umaga nang makarating si Katrina sa bahay niya at inihatid siya ni
Matheo—ang kaibigan niya ngayon na nakilala niya sa parehong trabaho. Model at
Athlete si Matheo, Pilipino-Mixican na lumaki na sa pilipinas.

“Hindi na ata umuuwi ang kapatid mo,” anito nang makapasok na sila sa kabahayan.

“Bahala siya sa buhay niya. Masyadong matigas ang ulo niya. Nagsasawa na rin ako sa
kakasaway sa kanya. Kapag nagkaproblema siya ay sa akin din naman siya lalapit,”
aniya.

“Kung sa bagay, nasa tamang edad na ang kapatid mo at may maayos na trabaho. Ikaw,
anong plano mo sa buhay?” kapagkuwa’y tanong nito.

Umupo siya sa sofa at nagsalin ng red wine sa baso.  Ipinagsalin din niya ito.
Umupo ito sa katapat niyang sofa.
“Anong plano?” tanong niya.

“Planong mag-asawa. Napansin ko kasi na wala kang tumatagal na ka-relasyon.”

Ngumisi siya. “Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa.” Iyon ang madalas niyang
sinasabi noon kapag may nagtatanong sa kanya.

“Baka mapag-iwanan ka ng panahon,” ani Matheo.

“Hindi ako natatakot. Wala na akong nakikitang matinong lalaki kaya bakit pa ako
mag-aasawa? Masaya na ako sa buhay meron ako ngayon.”

“Parang iniinsulto mo naman ako, Sherena. Kung susubukan mo lang ako ay malalaman
mo na may matino pang lalaki,” simpatikong saad nito.

Natigilan siya. Bigla siyang may naalala. May nakikita siyang katangian kay Matheo
na nakikita niya noon kay Whiskey. Matagal niyang sinusubukang makalimutan ang
binata ngunit maraming mga bagay ang nagpapaalala sa kanya ukol sa lalaki. May
bakas parin ang sugat na iniwan niyon sa puso niya—sugat na hilaw ang pagkakahilom.

Napapitlag siya nang maramdaman ang pagbaling ni Matheo sa tabi niya. Naglalakbay
na ngayon ang kamay nito sa makinis niyang braso.

“I like you, Sherena. Alam ko’ng hindi ako ang tipo mong lalaki pero susubukan kong
makuha ang tiwala mo,” anito habang iginagala ang bibig sa kanyang balikat, sa
kanyang leeg.

Hindi siya tumututol sa iginagawad nito. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga
mata. Naramdaman niya ang pagsiil nito ng halik sa mga labi niya habang ang mga
kamay nito’y naglalakbay sa katawan niya.

Napaigtad siya nang ibaba nito ang bibig sa nahantad niyang dibdib. Wala siyang
ibang iniisip maliban sa nagaganap, subalit nang maramdaman niya ang mainit na mga
palad nito na humuhubog sa bawat kaumbukan ng dibdib niya ay bigla na lamang sumagi
sa isip niya si Whiskey. Nararamdaman niya ang mga kamay ng dating nobyo, ang init
ng halik niyon at ang buong presensiya niyon.

Sinakop ng imahe ni Whiskey ang isip niya hanggang sa manulas sa bibig niya ang
pangalan nito. Dalawang beses niyang binibigkas ang pangalan nito sa kabila na
ibang lalaki ang kasama niya.

Natauhan siya nang maramdaman na tumigil si Matheo sa ginagawa nito. Nang imulat
niya ang kanyang mga mata ay napansin niya ito na nakaupo na itong muli sa tapat
niya. Inayos niya ang kanyang sarili.

“Cheers!” anito at sinagi ng baso nito ang baso niya.


“I’m sorry,” aniya.

“Sino si Jason?” mayamaya’y tanong nito.

Natigilan siya. “Ahm, w-wala,” maang niya.

“Binanggit mo ang pangalan niya. Siya ba ang dati mong boyfriend?” usisa nito.

Ngumiti lamang siya at uminom ng wine.

“First love mo?” tanong nanaman nito.

“Hindi.”

“What?”

“Please.....ayaw ko siyang pag-usapan,” aniya.

“Okay, I understand. Sa palagay ko’y kailangan mo nang magpahinga. Mauna na ako,”


kapagkuwa’y sabi ni Mathio. Tumayo na ito.

“Salamat sa paghatid,” sabi lang niya.

Hindi na ito umimik. Sinundan lamang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito
ng pinto. Nang mag-isa na lamang siya sa bahay niya ay bigla na lamang siyang
sinalakay ng nakahihibang na lungkot.

Umaga na’y hindi parin siya ginugupo ng antok. Namimis niya ang kapatid niya—
namimis niya ang dati niyang buhay at higit sa lahat—namimiss niya ang lalaking
labis niyang minahal. Habang lumalawak ang imahinasyon niya ay unti-unti niyang
nararamdaman sa puso ang sakit na tila bang muling bumukas ang sugat roon na iniwan
ni Whiskey—walong buwan na ang nakakalipas.

Hindi niya namamalayan na tumtutulo na ang luha niya. Sumasariwa ang lahat sa isip
niya. Binabalikan niya ang magagandang kaganapan sa pagitan nila. Hanggang sa
mapagtanto niya na buong-buo parin ang pagmamahal niya para sa binata.

Sadyang mataas lamang ang pride niya. Nag-rebelde siya matapos na pansamantalang
maibsan ang hinanakit niya. Iyon ang alam niyang paraan upang mapatunayan sa
lalaking iyon na hindi siya ganoon kahina. Hindi niya ilulugmok ang sarili niya sa
nakamamatay na depresiyon.
Ngayong naabot na niya ang pinakaasam niyang pangarap—na inakala niyang pupuno sa
malaking kakulangan sa buhay niya, napag-isip-isip niya na hindi pala iyon sapat.
Nasa kanya na nga ang lahat, nawala naman sa kanya ang ilang mahahalagang tao sa
buhay niya. Masaya siya sa pisikal, pero naghihilahil naman ang puso niya.

Hindi nahihigitan ng pera at materyal na bagay ang pagmamahal at kaligayahan ng


isang tao, paalala sa kanya ng isip niya.

=================

Chapter Ten

MAKALIPAS ang tatlong buwan ay ngayon lamang umuwi ng bahay si Katrina na mas maaga
sa alas-dose ng gabi. Pagdating niya sa bahay ay nagulantang siya nang madatnan si
Akira na nakaupo sa sofa. Limang buwan rin na hindi sila nagkikita ng kapatid.

“Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba’y tinalikuran mo na ako,” bungad niya rito.

Tumayo ito. Napansin niya ang pamumukol ng tiyan nito. “Namimiss lang kita, Ate,”
anito.

“Akala ko naman ay may problema ka kaya ka nagpakita sa akin.”

“Hindi naman ako pinapabayaan ni Jereck,” kaswal na wika nito.

“Dapat lang. May gusto ka pa bang sabihin? Inaantok na ako,” aniya.

“Magpapakasal kami ni Jereck sa simbahan sa katapusan ng buwan na ito,” batid nito.

Matiim na natitigan niya ito. Alam niya na wala na siyang magagawa pero
nagmamatigas parin siya.

“Hindi ko siya matatanggap. Magpakasal kayo pero kalimutan mong may kapatid ka,
Akira,” matigas na sabi niya.

“Pero, Ate, magkakaanak na kami. Gusto kitang makasama sa tabi ko hanggang sa


manganak ako. Ikaw lang ang pamilya ko.” Tumutulo na ang luha nito.

“Ngayon ka magsisi kung bakit siya ang lalaking minahal mo. Hindi ko siya ituturing
na bayaw,” giit niya.

“Hanggang ngayon ba naman ay dinadamay mo si Jereck sa kasalanan sa iyo ni Kuya


Jason?”

“Alam mo na sa simula palang ay ayaw ko na si Jereck para sa iyo, Akira at walang


kinalaman doon si Jason!” asik niya.

“Kung tutuusin, hindi naman sinasadya ni Kuya Jason na saktan ka,” anito.

“Anong alam mo? Hindi ba’t ikaw na ang may sabi na hindi mapagkakatiwalaan si
Jason?”

“Oo, pero seryoso siya sa iyo. Mahal ka niya at hanggang ngayon ay umaasa parin
siya na magkaayos kayo.”

“Iyan ba ang sinabi niya sa’yo?”

“Sige. Huwag na natin siyang pag-usapan. Ang hinihiling ko lang sa iyo ay ang iyong
basbas para makasal kami ni Jereck,” kapagkuwa’y sabi nito.

“Magpakasal kayo, wala na akong pakialam,” masungit na wika niya.

“Hindi mo manlang ba ako susuportahan? Matagal kong inasam na makasal sa lalaking


mahal ko. Iyon ang pinakamasayang mangyayari sa buhay ko at mas masaya ako kung
kasama kita sa tabi ko. Kailangan kita, Ate, kailangan kita sa tabi ko,”
humihikbing pahayag nito.

Hindi siya umimik hanggang sa umalis na lamang ito. Umupo siya sa sofa at nilalaro
sa mga kamay ang wedding invitation na iniwan ni Akira. Hindi niya namamalayan na
nangingilid na pala ang kanyang mga luha.

“KASAL na ni Akira sa linggo ah, hindi ka ba pupunta?” tanong ni Camella habang


sinusukatan siya nito ng damit.

“Matutuloy din naman ang kasal kahit wala ako eh,” sarkastikang sabi niya.

“Pero kailangan ka ng kapatid mo.”

“Nagawa nga niya akong layasan hindi ba? So bakit ngayon niya maisipang
kakailanganin niya ako?”

“Ibang usapan iyon, Kat. Magkapatid kayo, magkadugong tunay at halos ikaw na ang
itinuring niyang pangalawang ina. Ikaw din naman ay ayaw mong mawala siya sa tabi
mo.”

“Sinira niya ang tiwala ko, sinayang niya ang panahong iginugol ko para pahalagahan
siya. Sinira niya ang magandang ugnayan namin bilang magkapatid.”

“Ikaw ang sumira ng lahat, Katrina.”

Marahas na tinapunan niya ang mahayap na tingin si Camella. “May gusto ka bang
isumbat sa akin, Camella?” mataray na tanong niya.

Bumuntong-hininga si Camella. “Hindi ko na alam kung ikaw pa ba ang Katrina na


nakilala ko. Nagbago ka na. Nagsimula ang lahat nang masira ang relasyon ninyo ni
Jason. Mahal mo parin naman siya hindi ba?” seryosong pahayag ni Camella.

Pakiramdam niya’y pinipiga ng husto ang puso niya. “Tinupad ko lang ang mga
pangarap ko,” aniya.

“Dahil ayaw mong magmukha kang mahina? Hindi mo ba alam na unti-unti ka nang
nilalamon ng pride mo? Hanggang kailan ka magpapakaalipin sa mapaghusgang pride na
iyan? Gusto ko lang ipaalala sa iyo, Katrina—nasusuwa’y ang pride ngunit hindi ang
puso. Buksan mong muli ang puso mo, makikita mo kung ano ang kulang sa iyo,”
makahulugang pahayag ni Camella.

Nanunuot sa puso niya ang mga katagang binitawan ni Camella. Ang totoo’y napapagod
na siyang magpaalipin sa pride niya. Namimis na niya ang dati niyang buhay. Ang
maging normal na babae na malayang nakakagalaw sa ibabaw ng lupa.

Nang matapos siyang sukatan ni Camella ay umalis na siya. Nagmaneho siya, hanggang
sa hindi niya namamalayan na tinatahak na niya ang daan patungo sa Bar niya, ngunit
hindi sa mismong Bar niya kundi sa Bar nila Whiskey.

Alas-otso na ng gabi, suot niya sa mga mata ang malaking eyeglass niya na malamlam
ang salamin upang hindi maaninag ang mga mata niya. Itinali niya ang mahaba niyang
buhok. Suot rin niya ang makapal niyang jocket.

Pagpasok niya sa Bar ay maraming tao. Umupo siya sa harap ng counter at nag-order
ng inumin. Habang naghihintay ay may lalaking umupo sa tabi niya. Si Brandy—ito
lang ang kaibigan ni Whiskey na kilang-kilala niya.

Hindi siya nito napapansin sapagkat abala ito sa pakikipag-usap sa Bartender.


Mayamaya’y narinig niya na binanggit nito si Whiskey. Nang ini-abot na sa kanya ng
Bartender ang in-order niyang inumin ay napatingin sa kanya si Brandy.

Bigla na lamang siyang kinabahan. Panay ang sipat nito sa kanya. “Enjoy your drink,
Miss Sherena,” ani Brandy.
Natigilan siya. Nakilala parin pala siya nito. Hindi lamang siya umiimik.
Mayamaya’y narinig niya ito na tinatawag si Whiskey na umano’y kararating.

May kung anong bumunggo sa dibdib niya—bigla na lamang pumintig ng husto ang pulso
niya. Umupo si Whiskey sa tabi ni Brandy. Sinipat niya ito pero hindi niya inaalis
ang salamin sa mata. Napansin niya ang bahagyang paghumpak ng pisngi ng lalaki,
numipis ng konti ang katawan nito, pero guwapo parin ito at malakas ang appeal.

“Sandali lang, dude, may titingnan lang ako sa taas,” mayamaya’y sabi ni Brandy kay
Whiskey at umalis na ito.

Lalo pang tumulin ang tibok ng puso niya nang silang dalawa na lamang ni Whiskey
ang nakaupo sa harap ng counter. Huli na para magsisi siya kung bakit pa siya
dinala ng mga paa niya sa lugar na iyon. Inilugay niya ang buhok niya upang
matakpan ang mukha niya.

“Kamusta ka na, Katrina?”

Natigilan siya. Kahit bistado na siya nito ay nagkukunwari parin siya na siya ang
tinutukoy nito. Tinangka niyang umalis subalit mabilis na nagagap nito ang kamay
niya. Napalunok siya. Hindi parin niya ito tinitingnan.

“Can we talk, Katrina?” tanong nito.

Hindi siya tumugon sa halip ay iniwaksi niya ang kamay nito at nag-apurang lumabas
sa Bar na iyon. Bubuksan pa lamang niya ang pinto ng kotse niya ay may kamay nang
humapit sa braso niya. Alam niyang si Whiskey ito kaya naman ay marahas niya itong
hinarap. Nagpumiglas siya subalit hindi nito binibitawan ang braso niya.

“Kaya ka ba pumunta dito sa Bar ay dahil namimiss mo ako?” sarkastikong tanong


nito.

“Ang kapal ng mukha mo!” asik niya.

“Makapal talaga ang mukha ko. Grabe, miss na miss na kita, Katrina,” anas nito,
habang unti-unting inilalapit ang mukha sa mukha niya.

“I don’t care. Katrina is dead!” marahas na sabi niya.

Ngumisi ito. “Kahit sino ka pa ngayon, magpalit ka man ng pangalan at mukha ay


nararamdaman ko parin sa puso ko na ikaw ang babaeng minahal ko, Katrina.”

“Pinatay na kita sa buhay ko, Jason,” giit niya.

“Ngunit hindi mo ako mapapatay sa puso mo, Katrina.”


Ngumisi siya. “Paano ka nakakasiguro?”

“Dahil iisa ang puso natin, Katrina. Nararamdaman ko na iisa ang tibok ng mga ito.”

Nagpupumiglas siya ngunit sadyang malakas ito. “I’m sorry. Bawing-bawi ka na sa


akin. Pinagdusahan ko na ang pagkakamali ko,” anito.

“Sinungaling. Kilala na kita, Jason.”

“Oo, kilala mo ako noon, pero nagbago na ako, Katrina. Ikaw lang ang babaeng
sinasamba ko ngayon at ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko.”

“Huwag mo nang pabulaklakin ang mga sinasabi mo dahil hindi iyan makakatulong,”
pagmamatigas niya.

“Yeah, I know. Alam ko namang hindi kita makukuha sa salita lamang. Hindi kayang
baguhin ng panahon ang nilalaman ng puso natin at nasisiguro ko, ako parin ang
laman ng puso mo. Huwag mo na akong iwasan, dahil lalo lamang kitang hahabulin at
mamahalin. Masyado lang mataas ang pride mo. Sana ako nalang ang pride mo, kasi mas
pinapahalagahan mo,” may riin na sabi nito.

“Masyado kang mayabang,” aniya.

Ngumiti lamang ito. Nalalanghap na niya ang mabango nitong hininga sapagkat ga-
daliri na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi.

“Masyado kang nagpadaig sa pride mo, Katrina. Huwag kang tutugon sa halik ko kung
talagang wala ka nang pag-ibig sa akin, Katrina,” anito at bigla na lamang siniil
ng halik ang mga labi niya.

Itinutulak niya ito ngunit lingkis ng maskulado nitong mga braso ang katawan niya.
Mariing ipinagkait niya ang mga labi subalit masyadong malakas at makapangyarihan
ang halik nito.

Nagmamatigas siya subalit nang maramdaman niya ang kamay nito na natagpuan ang
dibdib niya’y bigla na lamang nanlambot ang mga buto niya, nangaligkig ang mga
kalamnan niya. Pakiramdam niya’y sasabog siya sa sensasyong dulot ng mga labi
nito’t mga kamay. Natuldukan ang pagtitimpi niya.

Ngayon ay tumutugon siya sa halik ng lalaki ngunit mayamaya rin ay nahimasmasan


siya. Humugot siya ng lakas at naitulak niya ito. Habol niya ang sariling hininga.

“I love you, Katrina,” sambit nito.


Sa inis niya’y sinampal niya ito. “Mahal parin kita, Katrina!” giit pa nito.

Sinampal niya itong muli saka binirahan ng talikod. Binuksan niya ang pinto ng
kotse saka nag-apurang sumakay.

“Katrina....I love you!” narinig niyang sigaw nito.

Wala na siyang pakialam basta’t nagmaniobra na siya. Hindi niya napigil ang
pagpatak ng ga-butil niyang luha habang nagmamaneho.

“Mahal na mahal parin kita’ng hudyo ka!” gigil na wika niya.

ISANG oras nalang ay kasal na ni Akira at Jereck. Ngayon lamang nakumbinsi si


Katrina na dadalo sa kasal ng kapatid niya. Kung hindi lamang siya hinimok ni
Camella ay mag-aatubili pa siya.

Nasa simbahan na ang lahat maging ang bride at nakaharap na sa altar ang
magkapareha. Kasama niya si Camella na pumasok sa simbahan. Nakatingin ang lahat sa
kanya habang naglalakad sila ni Camella patungo sa harapan.

Napalingon rin sa kanila ang magkapareha na sana ay nakikinig na sa sinasabi ng


pari. Nasilayan niya ang malapad na ngiti ng kanyang kapatid nang makita siya. Sa
pinakaunang upuan ay nakita niya si Whiskey na nakaupo katabi ang mga magulang nito
at mga kaibigan.

Sa kabilang upuan naman sila umupo ni Camella. Mula roon ay nasisipat niya si
Whiskey na minsan ay napapatingin sa gawi nila. At nagsimula na ang seremonya.

Habang pinagmamasdan niya ang kanyang kapatid na ikinakasal—ay hindi niya


namamalayan na nangingilid na ang kanyang mga luha sa makikinis niyang pisngi.
Ngayon niya napagtanto na hindi niya kayang malayo sa kanya ang kapatid na siyang
natatanging pamilya niya.

Walang puknat sa pangingilid ang kanyang mga luha hanggang sa matapos ang
seremonya. Nang matapos ang anunsiyo ng pari ay nilapitan niya si Akira na kasama
si Jereck sa altar.

Umiiyak ito nang bigla na lamang yumakap sa kanya. “Patawarin mo ako, Akira,” aniya
nang kumalas siya sa yakap nito.

“Naiintindihan kita, Ate. Salamat at nakumbinsi ka na dumalo sa kasal ko. Sobrang


saya ko ngayon,” humihikbing sabi nito.
“Hindi kita matitiis, Akira. Masayang-masaya ako para sa iyo,” humihikbi ring sabi
niya.

Mayamaya’y binalingan niya si Jereck. “Jereck, I’m sorry. Sorry kung hinusgahan
kita,” aniya.

Ngumiti si Jereck. “Okay lang po. Nauunawaan ko naman kayo. Salamat at naisipan
mong pumunta rito. Pinasaya mo kami ni Akira,” anito.

Hindi siya nakatiis, niyakap din niya ito. Mayamaya pa’y nagpapaalam na ang mga
ito.

“Ate, mauuna na kami. Magkita nalang tayo sa bahay mamaya, doon gaganapin ang
piging,” kapagkuwa’y sabi ni Akira.

Natigilan siya. Nag-aalangan siya kung dapat ba siyang pupunta sa bahay ng mga ito.
“Ahm, hindi na siguro ako makakapunta,” aniya.

“Pero, ate. Kailangan ay nandoon ka rin,” ani Akira.

Nasulyapan niya si Whiskey sa ‘di kalayuan na abala sa pakikipag-usap sa mga


kaibigan nito. Iyon ang dahilan kung bakit siya nag-aalinlangan.

“Please, Ate...” samo ni Akira.

Wala siyang magawa kundi pagbigyan ang kahilingan ng kapatid niya. “Sige, pupunta
kami ni Camella,” aniya.

“Salamat, Ate.” Muli siya nitong niyakap. Kapagkuwan ay umalis na ang mga ito.

ALAS-SAIS na ng gabi ay hindi pa nakakaalis ng bahay si Katrina. Kung hindi pa siya


tinawagan ni Camella at nagpapasundo ito sa Boutique nito—ay hindi pa siya kikilos.

Simple lamang ang suot niyang pulang night gown na strapless at may slit na
hanggang hita. Pagdating nila ni Camella sa bahay ng mga Del Rosario ay ‘di
mahuhulugang-karayom ang dami ng mga tao. Naririnig na niya ang malakas na tugtog.
Sa malawak na hardin dinaraos ang piging.

Malayo pa lamang ay natatanaw na niya ang bagong kasal na sumasayaw habang


sinasabitan ng pera ang mga damit ng mga ito. Mayamaya pa’y sayaw naman para sa
lahat. Nang makaupo na sila ni Camella ay saka naman sila nilapitan ni Akira.

“Ate, thanks at dumating na kayo,” nagagalak na sabi nito.


Binigyan naman sila ng waiter ng maiinom at pagkain nila. Panay ang linga niya sa
paligid habang kumakain sila ni Camella. Mayamaya pa’y ipinakilala siya ni Akira sa
mga magulang ni Jereck.

“Siya pala si Sherena Perez na madalas kong nakikita sa Fitness Magazine. Ang ganda
pala talaga niya sa personal,” puno ng pag-hangang wika ni Gng. Anecia.

“Salamat po, Tita,” napangiting sabi niya.

Ngayon ay kasama siya sa mahabang mesa kung saan kasalo niya ang pamilya ni Jereck.
Napansin niya na si Whiskey lamang ang wala roon. Naroroon lahat ng mga kapatid
nito. Nabatid din niya na si Whiskey nalang pala ang walang asawa.

Mayamaya’y dumating na si Whiskey at umupo sa bakanteng upuan. Hindi niya alam kung
sinadya ba nitong sa tapat pa niya umupo. Iniiwasan niyang mapasulyap sa mukha nito
sapagkat hindi niya napipigil ang pagsilakbo ng puso niya.

“Ano, Jason, naunahan ka na ni Jereck. Kailan mo naman ipapakilala sa amin ang


maswerteng babae na pakakasalan mo?” tanong ni Liza kay Whiskey—si Liza ang
panganay nitong kapatid.

“Don’t worry, ikakasal na ako kaya huwag muna kayong babalik sa Singgapore,” sabi
naman ni Whiskey.

Awtomatiko’y naibaling niya ang tingin kay Whiskey na ngayon ay pilyo ang ngiti
habang nakatitig sa kanya. Narinig niya ang kantiyawan ng magkakapatid.

“Ngayong gabi ay makikilala ninyo ang babaeng pakakasalan ko,” anunsiyo ni Whiskey.

Unti-unti ay nilalamon siya ng hindi maipaliwanag na damdamin. Tila bang inuusig


siya ng mga titig nito. Bago pa ito makapagsalita ng kung ano ay nagpaalam siya sa
mga naroroon na pupunta lamang siya sa palikuran.

Malalaki ang hakbang niya habang tinutungo ang daan papuntang garahe. Balak talaga
niyang umuwi na lamang ngunit nasa pasilyo pa lamang siya ay biglang sumulpot sa
harapan niya si Whiskey. Napahinto siya sa paghakbang. Nanlalaki ang mga matang
nakatitig siya sa lalaki.

“Naliligaw ka ata. Hindi dito ang daan papuntang palikuran,” anito habang
humahakbang palapit sa kanya.

Hindi siya nakaimik hanggang sa abot-kamay na lamang siya nito. Hindi niya maawat
ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Pinakiramdaman niya ang puso niya—wala na ang
namamahay na galit roon. Ang natatanging nararamdaman niya ngayon ay ang pananabik
na sa wakas ay makakasama na niya ang lalaking pinakamamahal niya.
“Huwag mo na akong tatakbuhan, Katrina. Kahit anong iwas mo ay kasapi ka na ngayon
ng pamilya namin. Hindi mo na matatakasan ang tadhanang nakatakda para sa’yo,”
anito.

“Anong tadhana?” maang niya.

“Tadhana na makakasama ako habang buhay. Magsimula tayong muli, Katrina. Kalimutan
na natin ang mga nangyaring hindi maganda,” anito.

“Matagal na akong nakalimot, Jason. Kaya nga binago ko ang lahat sa buhay ko.”

“Ngunit hindi lahat ay nagbago, Katrina. Hindi mo magagawang palitan ang laman ng
puso mo. Mahal na mahal kita, Katrina.”

“Pero paano mo nagawang bumaling sa ibang babae kung mahal mo ako? Paano mo
nagawang saktan ako?” may panunumbat na usig niya. mabilis na nangilid ang kanyang
mga luha.

“Ang tungkol sa amin ni Marcela, wala kaming relasyon. Siya lamang ang gumagawa ng
hakbang para mapalapit sa akin. Ang nakita mo noon ay hindi ko kagustuhan,”
paliwanag nito.

“Pero gusto mo naman ang ginagawa niya,” giit niya.

“I’m sorry. Mahina lang talaga ako sa tukso. Pero hindi na ngayon. Nag-iingat na
ako sa mga babaeng nang-aakit sa akin,” mayabang na sabi nito.

“Huh, mayabang ka talaga.” Sa isang iglap ay napalis ang luha niya.

Ngumiti ito. Ginagap nito ang kamay niya. “Patawarin mo na ako. Ayaw ko nang ma-
ospital nang dahil sa depresyon,” anito.

Natigilan siya. “Na-ospital ka?” manghang tanong niya.

“Sino ba naman ang hindi magkakasakit kung hindi kakain ng isang linggo at hindi
natutulog? Dinamdam ko ang pagkawala mo sa piling ko. Pakiramdam ko’y mababaliw
ako, Katrina.”

Napag-isip-isip niya. Kaya pala hindi na ito nangulit sa kanya matapos ang isang
linggo na pabalik-balik ito sa condo niya. Bigla na lamang itong nawala sa
kabihasnan.

“Magsimula tayong muli, Kat,” kapagkuwa’y sabi nito.


“Ayo’kong bumalik sa simula, Jason. Nakakapagod na,” aniya.

Napalis ang ngiti sa mga labi nito. “Anong gusto mong gawin ko?” tanong nito at
bigla na lamang itong lumuhod sa harapan niya.

Pinagmamasdan lamang niya ito. Mayamaya’y may dinukot ito sa bulsa ng pantalon
nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hawak nitong singsing.

“Ito ba ang gusto mo, Katrina? Katulad ng sinabi ko kanina sa pamilya ko, ngayon
nila makikilala ang babaeng pakakasalan ko. Katrina...will you marry me?”
kapagkuwa’y tanong nito.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Nagwawala
ang puso niya buhat sa labis na kagalakan. Naglandas nanaman ang luha sa makikinis
niyang pisngi—luha na udyok na ngayon ng kaligayahan.

“Yes, Jason, ito ang gusto kong gawin mo,” humihikbing sagot niya.

Tumayo ito. “Magpapakasal ka ba sa akin?” muling tanong nito.

Tumango siya. “Oo, Jason. Gustung-gusto ko nang maikasal katulad ng kapatid ko.
Ayaw ko’ng tumanda na mag-isa,” aniya.

Kinabig nito ang baywang niya. “Ako na ang pinakamaligayang lalaki sa mundo ngayon,
Kat. I love you,” anito.

“I love you too, Whiskey.” Ngayon lamang niya ito tinawag na Whiskey.

Ngumiti ito. Kapagkuwa’y naghinang ang kanilang mga labi—matagal, mapusok at puno
ng pananabik.

Kapuwa’y naghiwalay nang marinig nila pareho ang masigabong palakpakan buhat sa
kanilang likuran. Uminit ang mukha niya nang makita ang mga magulang at mga kapatid
ni Whiskey.

“Oh, siya pala,” nakangiting sabi ni Liza.

“Kailan ang kasal?” tanong naman ni Gng. Anecia.

“As soon as possible,” sagot naman ni Whiskey. Inakbayan siya nito.

“Bago ang lahat, bumalik na muna tayo sa party,” kapagkuwa’y sabi ng Ginang. Nauna
nang umalis ang mga ito.
Hinarap naman siya nitong muli. “Namumula ang pisngi mo,” anito.

“Nahihiya kasi ako sa pamilya mo,” kiming sabi niya.

“Huwag kang mahiya, pamilya mo na rin sila. Feel at home, baby,” anito at siniil ng
halik ang kanyang mga labi.

Inilingkis niya ang mga braso sa leeg nito at buong pananabik na tumugon sa halik
nito. Kapagkuwa’y bumalik na sila sa party.

Hanggang dito na lamang ang makulay na kuwento ng buhay at pag-ibig ni Whiskey


Jason Del Rosario. Abangan ang ibang detalye ng kanilang pagmamahalan sa ika-apat
na aklat.

WAKAS!

Susunod na ang mesteryosong kuwento ng buhay ng pilyong binata na si Brandy-Martin


Duellas. Alamin ang nasa likod ng kanyang kapilyuhan at maligalig na katauhan....

You might also like