Professional Documents
Culture Documents
Handout - Teorya NG Pagsasalin
Handout - Teorya NG Pagsasalin
Friedrich Schleiermacher
Ang pagsasalin ay may layuning maging kasangkapan sa pagpapayabong,
pagpapayaman ng panitikan at pagpapayaman ng bansa.
May dalawang paraan ng pagsasalin ayon kay Friedrich Schleiermacher (1813)
1. Maaring pabayaang manahimik ng taga salin ang awtor, hanggang posible at
pakilusin ang mambabasa tungo sa kanya o;
2. Maaaring pabayaang manahimik ng taga salin ang mambabasa hanggang posible at
pakilusin ang awtor tungo sa kanya.
Walter Benjamin
Nagsisimula ang pagsasalin sa orihinal na teksto na nasusulat sa isang partikular na
lengguwahe na isasalin sa isa pang lengguwahe, at ang salin ay hindi kailangang
maging katulad ng orihinal kundi isang kritikal na pagbasa nito.
Ang tungkulin ng isang tagasalin ayon kay Walter Benjamin ay ang pagpapanatili ng
katangian ng orihinal na teksto pagkatapos nitong isalin sa panibagong wika. At ang
isang tagasalin ay hindi lamang maihatid sa mga mambabasa ang mismong tekstong
pinagmulan ngunit siya ang magiging katumbas ng may-akda ng orihinal sa wikang
isinalin. Ayon rin kay Benjamin, ang tungkulin ng tagasalin ay ang maipahayag nang
malinis ang nais ipahayag ng orihinal na teksto sa panibagong wika.
Rudolf Panwitz
*Isang manunulat na Aleman, makata at pilosopo. Ang kanyang pag-iisip ay nagsasama
ng pilosopiya ng kalikasan, Nietzsche, isang pagsalungat sa nilishismo at pan-
European internasyonalismo.
*Sa kanyang pagkritika sa mga salin sa Aleman, ito ay tunog-Aleman sa halip na tunog-
dayuhan.
*Ayon sa kanya, dapat maging tunog-dayuhan ang salin sapagkat ang TL ay
sumasailalim ng transpormasyon dahil sa impluwensya ng SL..
Ezra Pound
*Isang Amerikanong nangibang bayang makata, manunuri, at intelektuwal, na naging
isang pangunahing tao sa kilusang Modernista noong unang hati ng ika-20 daang taon.
Malawakang itinuturing siya bilang ang makatang may kagagawan ng pagbibigay
kahulugan at pagtataguyod sa isang makabagong estetiko sa panulaan.
*Nagsimula ang kanyang malaking ambag sa panulaan sa pamamagitan ng kanyang
pagtataguyod ng Imahismo, isang kilusan sa panulaang humango ng teknika mula sa
klasikong panulaang Intsik at Hapones, na nagbibigay ng diin sa kalinawan,
katumpakan, at ekonomiya o pagkamatipid sa wika, at pagtatanggal ng nakaugaliang
rima o tugmaan at metro, upang ayon sa mismong mga pananalita ni Pound -
"makalikha sa loob ng pagkakasunud-sunod ng pariralang matugtugin, hindi na sa
pagkakasunud sunod ng metronoma." Tumuon ang kanyang sumunod na panghuling
mga gawa, sa loob ng limampung mga taon, sa kanyang The Cantos, isang
ensiklopedikong epikong tula.
*Naglatag ng teorya sa kanyang salin ng makatang Italyano noon ika-13 siglo na si
Guido Cavalcanti.
Roman Jakobson
Mayroong anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. Ang unang paraan ay ang
pagpapahayag ng damdamin:
EMOTIVE
CONATIVE
PHATIC
REFERENTIAL
METALINGUAL
POETIC
Andre Lefevere
André Lefevere ang nagpanukala noong 1978 na gamitin ang “Translation
Studies” (Mga Aralin sa Pagsasalin) bilang pangalan sa disiplinang nauukol sa mga
suliraning ibinubunga ng produksiyon at paglalarawan ng mga pagsasalin. Isang
deklarasyon ng awtonomiya ang pagbibinyag na ito upang hindi ituring na hamak na
sangay lamang ng mga aralin sa komparatibong literatura o ng lingguwistika ang
pagsasalin at ang mga pag-aaral hinggil dito (Bassnett 14).
André Lefevere (1992) na illocutionary power nang ipahayag niyang Ideally, they
(ang mga tagasalin) should be able to convey both the semantic information content of
the source text and its illocutionary power. Gayunman sa praktika, wika rin
niya,nagagampanang kasiya-siya ng mga tagasalin ang una ngunit malimit na hindi ang
ikalawa. Dahil sa kaniya ring panuntunan na higit na isaisip ng mga tagasalin ang
tungkuling maidulot sa kanilang madlang mambabasá ang orihinal, ipinapayo ni
Lefevere ang laging pagpapahalaga sa unang binanggit niyang tungkulin, sa
pagdudulot ng %nilalamang semantikong impormasyon sukdulang isakripisyo ang
pagsasalin sa mga malikhaing ekspresyon.
Newmark
panlipunan at marami pang iba. Mahirap ang pagsasalin sapagkat nakatali ito sa
orihinal; dito ang nagsasalin ay hindi malayang magpasok ng kanyang sariling kaisipan.
Ang mga dayuhan ay may sariling istrukturang pangwika, sariling kalinangan, may
ibang paraan ng pag- iisip at paraan ng pagpapahayag, ang lahat ng ito ay dapat
kilalanin ng nagsasalin na mga balakid o hadlang na dapat niyang bakahin. Ayon kay
Newmark (1988) walang bansa, walang kultura ang lubhang nakababata upang hindi
ibang dating kaysa orihinal. Halimbawa maaring ang pakay ng isang lathalain ay
ipakilala ang isang produkto subalit ang pakay ng nagsasalin makahikayat ng mamimili
ng nasabing produkto.
isang text, at nakasalalay sa mga teoryang pangwika. Ang teorya ng pagsasalin ay may
ang mga salitang ginamit ni Poblete na nalathala noong 1907 ay malayo na o malaki
ang pagkakaiba sa salin nina Sayo at Marquez sapagkat malaki ang pagkakaiba ng
mambabasa ni Poblete at mambabasa nina Sayo at Marquez. Iba na rin ang kaayusang
3. Pagdaragdag sa mga text na sinasalin mula sa mga libro (kasama ang mga dula at
tula) hanggang sa mga artikulo, kasulatan, kontrata, tratado, batas, panuto, patalastas,
ng grupo hindi lamng ng isang tao upang makuha ang pananaw ng nakararami at
unibersidad.
kultura.
pinaka masusing libro sa paksang ito mula nang mailathala ito. Ang direktor na si
Peter Bush ng British Center for Literary Translation sa University of East Anglia
ay inilarawan ang libro bilang isang "gawaing pangunguna kung saan ipinahayag
ang lahat ng komunikasyon bilang isang uri ng pagsasalin, at kung paano ang
Ang After Babel ay inangkop para sa telebisyon noong 1977 bilang The
Williamowitz
》Wilamowitz, isang kilalang teorista at praktisyuner sa pagsasaling-wika. nang sabihin
niya na ang pagsasaling-wika ay tulad ng paglilipat ng kaluluwa ng isang nilalang sa
katawan ng isang patay.
》Mangyari pa, ang ganitong pahayag ay isang simile o hyperbole isang eksaheradong
paraan ng pagsasabi na hindi biru-birong gawain ang pagsasaling-wika. Katunayan,
nagkakaisa ang mga awtoridad sa Iarangang ito na walang perpektong salin.
Kung may sampung tagapagsalin at bibigyan sila ng isang pyesa ng literatura upang
isalin. halimbawa ay isang tula, mapapatunayang ang resulta ay sampu ring iba't ibang
estilo ng salin-nagkakaiba-iba sa mga salitang ginamit, sa paraan ng pagsasabi ng
isang kaisipan, sa balangkas ng mga taludtod at pangungusap, at iba pa, bukod sa
pangyayaring sa bawat salin ay tiyak na may nabawas. nabago. o nadagdag na diwa.
At dahil sa ganitong katotohanan, patuloy ang mga teorista at praktisyuner sa
pagsasaling-wika sa pagtuklas at pagpapabuti ng mga simulaing makababawas kundi
man Iubusang makalulutas sa halos waIang kalutasang mga problema sa pagsasaling-
wika. Subalit nakalulungkot isipin na habang dumarami ang natutuklasang mga simulain
sa pagsasaling-wika, lalo namang umiigting ang pagtatalu-talo ng nasabing mga
eksperto tungkol sa ganito at ganoong simulain.