Pagsasaling Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PANG- Paaralan LCNHS- MAYAO Baitang/Antas 10

ARAW- CROSSING EXTENSION


ARAW NA Guro MARIELLA JOY M. Asignatura FILIPINO
TALA SA BELLUDO
PAGTUTURO Petsa/Oras Markahan IKATLONG
MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahahalaga sa
Pangnilalaman mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng
alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
C. Mga Kasanayan sa Kasaysayang Pagkatuto:
Pagkatuto
F10PB-IIIc-82

Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinhagang


pahayag sa tula.

F10WG-IIIc-73

Nauuri ang iba’t ibang tula at ang mga elemento nito

F10PU-IIIc-80

Naisusulat ang sariling tula na lalapatan din ng himig.

F10PN-IIIc-78

Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan

Layunin:
a. Naipapamalas ang kahulugan ng salitang “INA”:
b. Naibabahagi ang pagkakaiba at kahalagahan ng tula lalo na
isang bansa;
c. Naibibigay ang kahalagahan ng isang ina sa buhay ng bawat
isa; at
d. Gumawa ng isang tulang lalapatan ng sariling musika.
II. NILALAMAN A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
(Tula mula sa Uganda)
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng
A Song of a Mother To Her Firstborn
B. Gramatika at Retorika: Wastong Gamit ng Simbolismo at
Matatalinghagang Pananalita
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng  Panitikang Pandaigdig
Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang  Larawan
Panturo  Cabbage Paper
 Powerpoint
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagbabalik aral.
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak Layunin:
A. Naipapamalas ang kahulugan ng salitang “INA”:
B. Naibabahagi ang pagkakaiba at kahalagahan ng tula lalo na
isang bansa;
C. Naibibigay ang kahalagahan ng isang ina sa buhay ng bawat
isa; at
D. Gumawa ng isang tulang lalapatan ng sariling musika.

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga larawang hinati sa iba’t ibang


parte. Bibigyan sila ng limang minuto para buuin ito.

C. Pag-uugnay ng mga GAWAIN 1 : IBAHAGI MO


halimbawa sa bagong
aralin Awitin/Basahin ang isang bahagi ng obra ni Gary Granada na
“Magagandang Anak.” Pagkatapos ay isagawa ang Think-Pair-Share.
Pag-uusapan ng inyong kapareha ang kadakilaan ng ina. Ibahagi ito
sa klase.
Ang aming ina’y, masinop na maybahay
Adhikain niya’y kagaya ni itay
Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan at
Katulad ng inyong magagandang anak.
Sana, sana ang kawalan ay malunasan.
Sana, sana ang kapayapaa’y maranasan.

GAWAIN 2: ISA-ISAHIN MO!

Paramihan ng maibibigay na matatalinghagang pananalita at


simbolismo sa salitang nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at
sumulat ng tulang may isang saknong gamit ang simbolismo at
matatalinghagang salitang ibinigay.
INA

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng GAWIN 3: INTERPRETASYON
bagong kasanayan # 1 Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng paghahambing at pagtutulad
sa sumunod na mga tula:
E. Pagtalakay ng bagong Ang mga mag-aaral ay magkakaroon na ng pag-aaral sa mag
konsepto at paglalahad ng sumusunod:
bagong kasanayan # 2
Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod?
Bawat saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang
bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng taludtod
o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga
tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at
masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung
bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig. Sa pagsulat ng tula
kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento nito. Ito ay
ang sumusunod:

1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.


Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak

Sukat-Pipituhing Pantig
2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.

Tugmang - Ganap
3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula
at ang kabuuan nito.
Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?

Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan


ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay

Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.


-----------

Pagkatapos malaman ang kahulugan ng tula at ang mga elemento


nito; magkakaroon ng interpretasyon ang mga bata sa tulang ibibigay
ng guro.
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H.
Driberg
F. Paglinang sa Kabihasaan

G. Paglalapat ng aralin sa Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagbabahagi ng sagot sa


pang-araw-araw na buhay mga sumusunod na katanungan:

1. Paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya?;


2. Paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang
kultura ng bansang pinagmulan nito?
3. Paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismo at
matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang
tula?
H. Paglalahat ng Aralin
Magkakaroon ng isang gawain; isang tinatawag na “cabbage paper”
ang pagpapasahan at kung saan tumigil ang musika; ang mag-aaral na
may hawak dito ay kukuha ng isang katanungan.

I. Pagtataya ng Aralin
J. Karagdagang gawain para Magkaroon ng pananaliksik sa akdang Ang Matanda at ang Batang
sa takdang-aralin at Paruparo ni Rafael Palma
remediation
IV.Mga Tala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
masosolusyunan sa tulong
ng aking punungguro o
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Prepared by: Inspected by:

MARIELLA JOY M. BELLUDO DR. LORELIE A. JASUL


Grade 10- Filipino Teacher Teacher-in-charge

You might also like