Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga Putahe sa Hapagkainan

Nakaharap ako sa hapagkainan.


Kung saan sari-sari ang pagkain na aking malalasahan.
Iba’t-ibang putahe ang aking matitikman,
“Naalala niyo pa ba ang aking nakaraan?”

Amapalaya? Oo sisimulan ko sa ampalaya,


Ngunit wag kayong umasa na hindi ako masaya.
Dahil mag mula noong sinabi niyang “malaya kana”
Ay doon ko naramdaman ang totoong saya.

Sinigang? nangingilo na naman ang aking bagang,


Mga kaibigan ko’t pamilya’y palaging naka-abang.
Sa tuwing akoy palaging lutang,
Iyon ang dahilan para pakainin nila ako ng bawang.

Ginisa? Oo kayo ng mag-isa,


Kayo nang tumayo sa sarili kong mga paa.

Pang huli ang minatamis na saging,


At gusto kong sabihin na matagal na akong gising.
Matagal na mula noong aking puso’y giniling,
Kaya wag niyo ‘kong kaawang ituring.

“Hindi ka ba kakain?”
Iyan ang turo ni inang sa mga pagkaing nakahain.
Nawawala na naman pala ako sa sariling akin,
Napatanong tuloy ako kung anong lasa ng mga pagkaing nakahain.

You might also like