Quarte 2 Week 10 Si Sibol at Si Gunaw - 574931504

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO 4

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naibibigay ang kasalungat na kahulugan ng salita
Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa napakinggan teksto
Naisalaysay muli ang napakinggang teksto

B. Batayan sa Pagkatuto
Hilig sa Pagbasa
Pagpapalawak ng Talasalitaan

C. Pamantayan sa Pagganap
Naibibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salita at ang sanhi at bunga ayon sa
napakinggang teksto.

D. Pokus na Tanong:
Paano naibigay ng mga mag aaral ang kasalungat na kahulugan ng salita?
Ano ang panawagan nina Sibol at Gunaw?

II. Paksang Aralin:

Paksa: Pagbibigay ng Kasalungat na Kahulugan ng Salita


Pagbibigay ng Sanhi at Bunga
Lunsaran: Si Sibol At Gunaw
E.B. Maranan
Bookmark
KM pp. 84-91
PG pp. 161-170
Kagamitan: tsart, mga larawan, powerpoint, tarpapel, rubrics

III. Pamamaraan:

A. Balik Aral
Sino sino ang mga tauhan sa kuwentong “Ang Hardinerong Tipaklong”?
B. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ni Sibol At Gunaw
Paghahawan ng Balakid
Ipagawa ang Tuklasin Mo A,KM,p. 84.

Ipagamit ang mga bagong salita sa pangungusap.

C. Pagtalakay
Ipakita at pag-usapan ang pabalat ng kuwento.
Si Sibol at Si Gunaw
E.B. Maranan
Bookmark
Itanong:
Ano ang nais mong malaman sa ating kuwento?

Unang Pagbasa ng Kuwento


Basahin nang tuloy-tuloy ang kuwento.

Ikalawang Pagbasa
Sa pagkakataong ito, basahin muli ang kuwento.
Tumigil panaka-naka upang magtanong tungkol sa binasa.

Pagkatapos Bumasa
Balikan ang mga tanong na ibinigay ng mga mag-aaral bago basahin ang
kuwento.
Pasagutan ang mga ito sa klase.
Magkaroon na rin ng talakayan sa sagot na kanilang ibibigay.

Itanong:
 Saan ang tagpuan ng kuwento?
 Sino-sino ang tauhan?
 Ilarawan ang bawat isa.
 Kanino mo ihahambing ang iyong sarili? Bakit?
 Paano ipinakita ni Sibol ang kanyang pagmamahal sa kanyang kapatid?
 Paano mo tutularan si Sibol?

D. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A, KM,p.87.

E. Isahang Pagsasanay
Pagtatanong ng guro ayon sa binasang kuwento gamit ang drill board

F. Paglalahat at Paglalapat:
Itanong:
Paano natin malalaman ang kasalungat ng kahulugan ng salita?
Ano ang sanhi?bunga?

G. Paglilipat
Pangkatang Gawain
Group 1 Paggawa ng Poster
Group 2 Pagganap ng Naibigang Tauhan sa Kuwento
IV. Pagtataya:

Basahin ang maikling kuwento na “Nagising Sa Katotohanan” ni Fragilyn B. Rafael


dd.86-87. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.( 1-5)

V. Pansuportang Gawain
Gumupit ng balita sa isang pahayagan.
Punan ang tsart sa ibaba

Sanhi Bunga

Inihanda nina:
Corazon De Pereira - T. R. Yangco Elementary School

Mary Jane G. Bordas - T. R. Yangco Elementary School

Kristine Apple V. Cabayag - Juan Sumulong Elementarey School

Thelma B. Yorres - Lakan Dula Eledmentary School

Shiela D. Alagan - F.G. Calderon Elementary School

Lita Manalo - L. Avelino Elementary School

Rebecca P. Quijano - E.A. Remigio Elementary School

You might also like