Professional Documents
Culture Documents
Study Guide For g11 Asl
Study Guide For g11 Asl
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
1
Copyright © 2018 Quipper Limited
STUDY GUIDE
Pangalan:
Section:
Adviser:
Content Standard
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika
sa lipunang Pilipino
Performance Standard
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong
kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
.
Learning Competencies
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
2
Copyright © 2018 Quipper Limited
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
BAITANG 11, YUNIT 1
Mga Batayang Kaalaman sa Wika
TALAAN NG NILALAMAN
Introduksyon 3
Aralin 1: Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 4
Layunin Natin 4
Subukan Natin 5
Pag-aralan Natin 6
Alamin Natin 6
Sagutin Natin 11
Pag-isipin Natin 11
Gawin Natin 11
Aralin 2: Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Wika 13
Layunin Natin 13
Subukan Natin 14
Pag-aralan Natin 15
Alamin Natin 15
Sagutin Natin 19
Pag-isipin Natin 19
Gawin Natin 19
Aralin 3: Mga Kalikasan ng Wika 21
Layunin Natin 21
Subukan Natin 22
3
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-aralan Natin 23
Alamin Natin 23
Sagutin Natin 27
Pag-isipin Natin 27
Gawin Natin 28
4
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 4: Mga Antas ng Wika 30
Layunin Natin 30
Subukan Natin 31
Pag-aralan Natin 32
Alamin Natin 32
Sagutin Natin 35
Pag-isipin Natin 35
Gawin Natin 35
Pagyamanin Natin 37
Paglalagom 39
Dapat Tandaan 40
Gabay sa Pagwawasto 40
Sanggunian 41
5
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman
YUNIT 1
SUBUKIN
Panuto: Sa iyong pagkakaintindi at pananaw ano kaya ang sagot sa mga katanungan sa ibaba.
Ang sagot sa mga tanong na ito ay mga batayang kaalaman tungkol sa wika. Sa yunit na ito
ay sasagutin natin ang mga ito upang maunawaan natin ang kahulugan at kabuluhan ng wika.
7
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 1
Kahulugan at Kabuluhan ng Wika
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang kahulugan at natatalakay
ang kabuluhan ng wika, pati na ang mga konseptong nakapaloob dito.
Ang wika ay mahalagang bahagi ng buhay ng tao at ng lipunan. Wika ang nag-uugnay sa
mga tao sa kanilang pakikipag-usap o pakikipagtalastasan. Ginagamit ito sa pagpapahayag
ng damdamin, saloobin, at iniisip. Dahil dito, mahalaga ang pag-aaral ng wika upang
mapabuti ang paggamit nito sa epektibong pakikipagkomunikasyon
8
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Ang wika ay isang kasangkapang nag-uugnay
sa mga tao sa isang lipunan. Ginagamit ito ng
mga tao sa araw-araw na pakikipag-ugnayan sa Tandaan at gawing gabay ang
kaniyang kapwa. Ngunit sa maraming kahulugan ng sumusunod na salita:
pagkakataon ay hindi natin matukoy ang tunay estruktura – paraan kung paano
na kahulugan at kabuluhan ng wika. nabubuo ang isang bagay
pagsasalin – pagbibigay ng salita sa
ibang wika na may kaparehong
kahulugan
arbitraryo – nagbabago
balarila – kalipunan ng mga batas o
patakaran tungkol sa wastong
paggamit ng isang partikular na wika
instrumento – gamit o kasangkapan
Pag-aaral ng Wika
Ang dalubwika ay isang taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaniyang kaalaman sa
wika. Pinag-aaralan niya ang wika—estruktura, galaw, kahulugan, at pagbabago nito—
upang matukoy kung paano ito higit na mapakikinabangan sa mas epektibong
pakikipagkomunukasyon. Tinatawag namang lingguwistika ang siyentipikong pag-aaral
ng wika.
Pinag-aaralan ng mga dalubwika ang kaugnayan ng wika sa iba pang aspekto ng buhay
ng tao at ng lipunan. Una, pinag-aaralan nila ang kaugnayan ng wika at komunikasyon.
Binibigyang pansin dito ang apat na makrong kasanayan: pagbasa, pagsulat, pakikinig, at
pagsasalita.
9
Copyright © 2018 Quipper Limited
Bukod pa rito, pinag-aaralan din ng dalubwika ang
ugnayan ng wika at lipunan. Dito ay binibigyang
pansin ang ginagampanang papel ng wika sa iba’t
ibang bahagi o aspekto ng lipunan. Halimbawa,
tinitingnan ng dalubwika ang papel ng wika sa
edukasyon, wika sa relihiyon, wika sa
pangangalakal, at wika sa media at internet.
1
Copyright © 2018 Quipper Limited 0
Mayroong mga dalubwika
sa Pilipinas na pinag-aaralan ang pag-unlad
ng mga wika sa Pilipinas. Ilan sa mga ito
sina Virgilio Almario at Bienvenido L.
Lumbero, mga pambansang alagad ng
sining para sa Panitikan; Bro. Andrew
Gonzales, FSC, dating kalihim ng Kagawaran
Lumbera at Almario: ng Edukasyon; at Pamela Constantino,
Mga Dalubwika at Pambansang Alagad propesor sa Unibersidad ng Pilipinas.
ng Sining
Kahulugan ng Wika
Ang wika ay walang isang tiyak na kahulugan. Bawat dalubwika, o linguist, ay may sariling
pagpapakahulugan sa wika. Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang dalubwika at
propesor sa University of Toronto, ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao bilang
bahagi ng isang kultura sa komunikasyon.
Ayon naman kay Henry Sweet, ang wika ay pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng
mga pinagsama-samang tunog upang maging salita. Si Sweet ay isang philologist,
phonetician, at grammarian.
Isa namang linguist at semiotician si Ferdinand de Saussure na isa ring kilalang dalubwika.
Ayon sa kaniya, ang wika ay pormal na sistema ng mga simbolo na sumusunod sa
patakaran ng isang balarila upang maipahayag ang komunikasyon.
8
Copyright © 2018 Quipper Limited
Bigyang pansin ang kahulugan ng wika ni Henry Allan Gleason, Jr.—ang wika ay
isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi ng isang kultura sa komunikasyon.
Ang mga susing salita na nakadiin ay hinimay at binigyang kahulugan sa sumusunod na
tsart:
Kabuluhan ng Wika
Ang wika ay daan sa pagkakaunaawaan ng mga tao. Ang mga ideya at saloobin ay hindi
maibabahagi sa iba kung wala ang wika upang maipahayag ito. Bukod sa pagsasalita, ang
wika ay may tungkulin din sa proseso ng pagsulat at pag-unawa sa binasa. Ayon kay
Nuncio, mayroong gamit ang wika na nagpapakita ng kabuluhan nito.
9
Copyright © 2018 Quipper Limited
1. Gamit sa talastasan
Pag-isipan Natin
Sa iyong palagay, mahalaga ba ang wika? Ano ang kahalagahan nito sa iyo? Magbigay ng
ilang halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng wika sa iyo.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
Gawin Natin
Magsaliksik tungkol sa isa sa mga Pilipinong dalubwika at isa sa kanilang mga pag-aaral
tungkol sa wika. Gumawa ng buod ng napiling pag-aaral at talakayin kung ano ang
kahalagahan nito sa pagpapaunlad at paggamit ng wika sa pakikipagkomunikasyon.
11
Copyright © 2018 Quipper Limited
[25%]
[50%]
Mas Mababa [75%] [100%]
Pamantayan Kailangan pa Marka
kaysa Magaling Napakahusay
ng Pagsasanay
Inaasahan
Kalidad ng Kulang ang May iilang Maraming Puno ng tamang
Nilalaman halimbawa at detalye lamang; detalye ang detalye at
walang ibinigay may ibang isinaad; may isa maayos na
na karagdagang bahagi na o dalawang ipinahayag,
impormasyon kinakailangan halimbawa na inilarawan, at
pa ng kaukulang hindi lubusang ipinaliwanag
impormasyon naipaliwanag ang mga
halimbawang
ibinigay
12
Copyright © 2018 Quipper Limited
Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang
Pagsisikap gawain para gawain ngunit gawain na isang
lamang hindi may kasiya- napakagandang
may maipasa sa sinikap na lalo siyang resulta, gawian na may
guro pang may masidhing
mapaganda pagsisikap na pagsisikap na
lalo pa itong maging
mapaganda natatangi ito
Kasanayan/ Hindi Nagpapakita ng May angking Nagpapakita ng
Husay naipakikita ang pagnanais na husay sa husay at
pagnanais na mapaghusay paggawa; galing sa
mapaghusay ang paggawa kailangan pa ng paggawa; may
ang isinumiteng kaunting sapat na
gawain pagsasanay kaalaman o
pagsasanay
Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa
Paggawa ng sanaysay sa ng sanaysay ng sanaysay ng sanaysay
loob ng sa loob ng sa itinakdang bago pa ang
dalawang linggo isang linggo petsa ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa petsa ng
itinakdang itinakdang pagpapasa
petsa ng petsa ng
pagpapasa pagpapasa
KABUUAN
13
Copyright © 2018 Quipper Limited