Professional Documents
Culture Documents
Science and Filipino Reviewer Grade 1
Science and Filipino Reviewer Grade 1
(Matter)
3 States of Matter
Matter may be classified as solid, liquid, or gas.
Solid, liquid and gas are the three states of matter.
Describing Matter
Materials can be similar to each other. Materials can also
be different from each other. Materials have properties
that make them similar or different. Examples of these
properties are color, size, shape, taste, odor, and
texture.
Taste- you describe the food that you eat by its taste.
Food can be sweet, salty, or bitter. We use our tongue
to taste food. You can say the cake is sweet or the mango
is sour.
Odor- it refers to the smell of an object. An object
may smell good or bad. Soaps, shampoos, and most
flowers smell good. Rotten trash smells bad.
Tamang Pakikinig
Makakatulong ang pakikinig para maintindihan natin
ang nangyayari sa paligid. Ang mga sumusunod ay ilang
paraan sa tamang pakikinig.
o Tumingin sa nagsasalita.
o Huwag makipag-usap sa ibang tao habang
nakikinig o may nagsasalita.
o Huwag mangungulo o mang-istorbo ng iba pang
nakikinig.
o Kung nais magsalita o magtanong, hintayin
munang matapos magsalita ang kausap.
Pagpapakilala
Kapag tayo ay nagpapakilala, nagbibigay tayo ng
impormasyon tungkol sa ating sarili. Maaari natin
sabihin ang sumusunod:
o Sariling pangalan
o Petsa ng kapanganakan
o Edad
o Tirahan
o Pangalan ng mga magulang at mga kapatid
o Pangalan ng mga kaibigan
o Paaralang pinapasukan, mga kamag-aral, at guro
o Mga hilig, gusto, at hindi gusto
Kailangan nating maging magalang kapag nagpapakilala
sa iba. Dapat ding malinaw ang ating pagsasalita.
Sa pagpapakilala ng kapwa, dapat banggitin muna ang
pangalan ng nakakatanda, ang pangalan ng taong may
mataas na katungkulan, at pangalan ng babae. Gumamit
din ng magagalang na salita kapag nakakatanda o may
mataas na katungkulan ang kausap.
o Halimbawa:
Ana: Bb. Reyes, ipinikikilala ko po sa inyo
si Gng. Mildred Ravina, ang aking
nanay. Nanay, si Bb. Reyes po, ang
aking tagapayo.
Gng. Ravina: Ikinagagalak ko po kayong makilala,
Bb. Reyes.
Magagalang na Pananalita
Sa pakikipag-usap sa Nakakatanda
Kailangang maging magalang ang mas nakababata sa
pakikipag-usap sa sinomang nakatatanda. Tandaang
gumagamit ng po at opo kapag nakikipag-usap sa
kanila.
o Halimbawa:
Anong oras na po?
Opo, tatay.
Hindi po.
Sa Pakikipag-usap sa Kasing-edad
Kailangan ding magpakita ng paggalang sa pakikipag-usap
sa mga kasing-edad. Hindi kinakailangang gumamit ng po
at opo ngunit huwag gumagamit ng salitang hoy at iba
pang nakasasakit na salita. Ang mahalaga ay maayos ang
tono at ang pananalita sa pakikipag-usap.
o Halimbawa:
Kumain ka na ba?
Halika, laro tayo, Sandy.
Sa Pagbati
Ang pagiging magalang ay maipakikita rin sa iba’t ibang
sitwasyon gaya ng pagbati at pagpakilala ng kapwa.
Kapag nakatatanda ang babatiin, lalagyan o kakabitan
lamang ng salitang po ang dulo ng pagbati. Ginagamit din
ang panghalip na kayo bilang tanda ng paggalang. Kapag
kasing-edad naman ang pagbati, hindi na kailangan ng
salitang po.
o Halimbawa:
Sa Nakakatanda Sa Kasing-edad
Magandang umaga po. Magandang umaga, Nelia
Magandang gabi po. Magandang gabi, Arnold.
Kumusta po kayo? Kumusta ka, Roy?