Informativ

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Markang Pilipinas!

Ang mga kulay na mas pinapakulay, mga yaman na dapat pinagyayaman at mga kaalaman na
dapat inaalam ay siyang napaglipasan na ng panahon. Ito ay ang kasaysayan at mga ipinagmamalaki ng
ating perlas ng silanganan. Ang mga pilipinong sumasabay sa aliw ng mga kapistahan at pag-alam sa mga
pook na hindi maikakailang, markang Pilipinas nga!

“It’s more fun in the Philippines”, linyang ating naririnig hindi lamang sa mga Pilipino maging sa
mga ibang lahi. Tila ba’y napalaki ng pagkaka-utang natin sa mga ninuno ng ang Pilipinas partikular sa
Maynila ang maging lunduyan ng kalakalan noon. Ang lokasyon nito ay sa Timog Silangang Asya kung
saan nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagdaan sa tulay na lupa noong 67,000
taon na ang nakalilipas. Ang Pilipinas ay sinakop ng iba’t-ibang lahi kagaya ng Espanyol, Hapon at Kastila.
Sinimulan ang pagpapa-iral ng demokrasya noong namatay si Marcos subalit bumagal ang ekonomiya at
nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa politika.

Sunod sa listahan ay ang mga nagmamarkang pook pasyalan sa mga Pilipino at pusong-pilipino.
Napakagandang bisitahin ang isa sa tinanghal na 7 wonders of the World, ang Puerto Prinsesa dahil sa
mga nakakahalinang dagat na mayroon ito at mga pigil-hiningang gawain doon. Maging ang Dagat ng
Palawan, ang putting buhagin ng Boracay, Batanes Island, Camiguin Island, Cebu, Kalanggaman Island,
Surigao del Norte, Tagaytay, Hagdan-hagdang palayan ng Ifugao, Chocolate hills ng Bohol, lumang bahay
sa Vigan at mga windmills sa Ilocos Norte ay ilan lamang sa dapat na pahalagahan at pagyamanin.

Kung sa pang-aliw naman ay mga pistang pilipino na hanggang ngayon ay atin paring idinadaos
sa iba’t-ibang lugar. Kagaya na lamang ng Pistang San Juan, Pangabenga, ebun-ebon, Sinukwan, Durian,
Maskara, Pahiyas, Lanzones at bangus festival. Patuloy paring ipinagdiriwang ang mga pistang ito hindi
lamang para sa kasiyahan kundi maging sa pagdaraos ng pagpupugay sa mga santo ng kani-kanilang mga
barangay.

Kung ating susuriin, napakarami pala nating mga dapat na ipagmalaki. Itong mga bagay na
napakatanggal ng nakatago sa baul upang ito’y ating buksan at pagyamanin. Hindi na kailangan pang
lumayo para makapagsaya at makapamasyal, halina’t tumingin sa paligid at bigyang halaga ang marking
Pilipinas!

You might also like