Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

12

FILIPINO
sa
PILING LARANG
AKADEMIK
Unang Markahan - Modyul 4

Aralin 4: Ang Pagsulat ng Talumpati

1
Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Lesson 4: Istilo at Teknikal na Pangangailangan ng Akademikong Sulatin

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Writer: Eugenia M. Solon
Editor: Lorna P. Almirante
Reviewers: Nenita Lerio/ Dr. Clavel D. Salinas
Moderator: Marivic M. Yballe
Illustrator: Andre Angel O. Erasmo
Layout Artist: Andre Angel O. Erasmo
Management Team:
Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent
Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Mary Ann P. Flores Chief CID
Mr. Isaiash T. Wagas Education Pogram Supervisor- LRMDS
Dr. Clavel D. Salinas PSDS/SHS Division Coordinator

Printed in the Philippines by:

Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City


Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

2
Panimula

Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipapakita rito ang katatasan at


kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang
paniniwala, pananaw, at pangangatuwiran sa isang partikular na paksang pinag-
uusapan. Kaiba ito sa ginagawa nating pagsasalitasa araw-araw kung saan sinabi
natin ang gusto nating sabihin nang walang pinatutungkulan o binibigyang-diing
paksa. Ang talumpatti ay pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa
man ito ay biglaan. Ang pagsulat ng talumapati ang susi sa mabisang
pagtatalumpati. Bago man ito bigkasin sa madla ay mabuting nakapaghanda na ng
isang komprehensibong sulatin upang mas maging kapani-paniwala at kahika-
hikayat ito para sa mga nakikinig.

Ang talumpati ay sining ng pagsasalita, nangangatuwiran, o tumatalakay ng


isang paksa para sa mga tagapakinig.Masusukat sa sining na ito ang husay at
dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang
paninindigan, Karaniwang nagkaiba-iba ang talumpati, batay sa paghahanda sa mga
ito (Mangahis, Nuncio, Javillo,2008). Sa paghahanda nito kinakailangang tandaan na
ang isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapag-
uunawa, nakapagtuturo, nakapaghihikayat ng konsepto at paninindigan sa mga
manonood at tagapakinig.

3
Modyul 4: Ang Pagsulat ng Talumpati

Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang

halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91

Sa modyul na ito inaasahang magagawa mong:

a. natutukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati

b. nakasusulat ng isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang talumpati


batay sa napakinggang halimbawa

c. naisaalang-alang ang etika sa binubuong talumpati

4
SUBUKIN KO ANG KAALAMAN MO!

PANIMULANG PAGTATAYA

I. Piliin ang tamang sagot. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
inyong sagutang-papel.
1. Ang ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang
katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan
ang kanyang pangangatuwiran sa paksang tinalakay.
A. Dula C. Sanaysay
B. Tula D. Pagtatalumpati
2. Isa itong uri ng pagtatalumpati nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad
ibinigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
A. Impromptu C. Isinaulong talumpati
B. Manuskrito D. Pagbasa ng papel sa panayam
3. Ginagamit ito sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik
kaya pinag-aaalan itong mabuti at dapat na nakasulat.
A. Maluwag C. Manuskrito
B. Biglaang talumpati D. Sinaulong Talumpati
4. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay may sapat na panahon na gumawa ng
kanyang talumpati.
A. Imprompto C. Manuskrito
B. Extempore D. Sinaulong Talumpati
5. Ang pinakaunang gagawin upang mapalawak pang lalo ang paksa sa
bubuuing talumpati
A. Paghahanda C. Pagsulat ng Burador
B. Pananaliksik D. Pagbubuo ng Introduksyon
6. Ito ang pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay
manghihikayat at nagsisilbi itong pokus ng pagpapahayag.
A. Tema C. Pagbuo ng Tesis
B. Uri ng Tagapakinig D. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
7. Isa pang mahalagang dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng talumpati na
nagsisilbing balangkas sa paksang buuin.
A. Uri ng Tagapakinig C. Hulwaran sa Pagbubuo ng Talumpati
B. Tema o Paksang Tatalakayin D. Ksanayan sa Paghabi ng mga Bahagi
8. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay o argumentong inilahad sa
katawan ng talumpati.
A. Intrduksyon C. Hulwarang Balangkas
B. Diskusyon o Katawan D. Katapusan o Konklusyon

9. Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati


upang mauunawaan sa tagapakinig.
A. Kawastuan C. Kaisahan
B. Kahusayan D. Kalinawan
10. Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa
paksa.
A. Kawastuan C. Kaugnayan
B. Kaakit-akit D. Kalinawa

5
Panimulang-Gawain:

Maalaala Mo Kaya!

Panuto:

Gawain Blg.1: Pagtapat-tapatin ang naimbak na kaalaman. Hanapin sa bawat


kahon ang katapat na salita o pahayag. Gamitin ang linya sa pagtatapat nito. Gawin
sa inyong dyornal.

Super galing! Tumpak talaga ang ginawa mong pagtatapat. Handa ka na


sa pagbubuo ng iba’t ibang anyo ng sulatin. Ating pasukin ang mundo ng sining sa
pagsulat ng talumpati dito masusubok ang iyong galing kung paano ihahanda ang
isang napakagandang piyesa upang higit kang kapani-paniwala sa mga tagapakinig
kung ito ay iyo ng ilahad sa harap ng mga tao. Tara na!

6
Tuklasin:

Simulan Natin!

Ano-ano ang iyong nalalaman tungkol sa talumpati? Ibahagi ang iyong


kaalaman sa pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer sa ibaba. Gawin sa
inyong dyornal.

Ipinahihiwatig sa inyong mga sagot na may dati na kayong alam sa anyo ng


sulating ito. Ang mga kaalamang ito ay magsisilbing giya kung paano ba ang
pagsulat ng Talumpati. Ano ang mga dapat at di- dapat na isalang-alang. Patuloy
lang sa pagsagwan upang makuha ng lubusan ang istilo at pamamaraan sa
pagbubuo ng talumpatian.

7
Tampok na Aralin:

Ang pagtatalumpati ay isang proseso ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan


sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ito ay karaniwang
isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang talumpating
isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap
ng madla.

May apat na uri ang talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng
mga tagapakinig. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Biglaang Talumpati (Impromptu)- Ang


talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang
paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa
oras ng pagsasalita.

2. Maluwag (Extemporaneous)- Sa
talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto para sa
pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa
paksang ibinibigay bago ito ipahayag.

3. Manuskrito- Ang talumpating ito ay


ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o
programa sa pagsasaliksik kaya pag-aaralan ito
nang mabuti ang kanyang sasabihin.

4. Isinaulong Talumpati – Ito ay kagaya rin


ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-
aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig. May oportunidad na
magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig
sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito
kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita.

8
Mga
MgaDapat
DapatIsalang-alang
Isalang-alangsa
saPagsulat
Pagsulatng
ngTalumpati
Talumpati

Freepic.com

A. Uri ng Tagapakinig

Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon ng


kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at
interes ng kanyang tagapakinig. Ayon kay Lorenzo, et al. sa kanilang aklat na
Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan (2002), ang ilan sa dapat mabatid
ng mananalumpati sa kanyang tagapakinig ay ang mga sumusunod:

1. Ang edad o gulang ng mga makikinig- Iakma ang nilalaman ng paksa at


maging ang wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig.

2. Ang bilang ng mga nakikinig- Mapaghandaan nang husto ang talumpati


kung batid ang dami ng makikinig.

3. Kasarian- Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan at


kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. Nagkaroon din ng magkaibang
pananaw ang dalaw hinggil sa isang partikular na paksa.

4. Edukasyon o antas sa lipunan – Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa


kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. Kung ang mga
makikinig ay kabilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng mga
salita na akma para sa kanila. Kung ang karamihan naman sa mga
makikinig ay mga edukado at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, iba
ring pamamaraan ng pagtatalakay ang dapat gamitin sa kanila.

5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig- Dapat mabatid din
kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol
sa paksa.

9
B. Tema o Paksang Tatalakayin

Ang isa pang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat


ng talumpati ay ang tema o okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon ng
pagtatalumpatian. Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang
bubuuing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon.

Mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsusulat ng talumpati:

1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin- Ito ay maaaring


maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng
impormasyon sa ensaklopedya, aklat, pahayagan, magasin at dyornal.
Mula rito maaaring kumuha ng mahahalagang datos o kakailanganing
impormasyon tungkol sa paksa kasama ang sanggunian.

2. Pagbuo ng Tesis- Ito ang pangunahing kaisipan sa paksang tatalakayin.


Ang nagsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay
magbigay kabatiran, ito naman ay magsisilbing pangunahing argumento o
posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghihikayat, nagsisilbi
naman itong pokus sa paksang tatalakayin.

3. Pagtukoy ng mga Pangunahing Kaisipan o Punto- Kapag may tiyak


nang tesis para sa talumpati, maaaari nang alamin ng mananalumpati ang
mga pangunahing punto na magsisiibing batayan ng talumpati.
Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng
bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at
bibigkasing talumpati.

C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati

Ito ang gagamiting hulwaran o balangkas sa pagbuo ng talumpati.


Malaki ang epekto ng paraan ng pagbabalangkas ng nilalaman ng talumpati
sa pag-unawa nito. Mahalgang gumamit ng paraan o hulwarang akma sa uri o
katangian ng mga makikinig. Ayon kina Casanova at Rubin (2001), may
tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pgbuo ng talumpati.

1. Kronolohikal na Hulwaran – Ang mga detalye o nilalaman ng


talumpati ay nakasalalay sa pagkasunod-sunod ng pangyayari sa
panahon.

10
2. Topikal na Hulwaran- Ang paghahanay ng mga materyales ng
talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Mainam na gamitin
ito upang buo at malinaw na nauunawaan ng mga nakikinig ang
tinatalakay na paksa.

3. Hulwaran Problema Solusyon -Kalimitang nahahati sa dalawang


bahagi ang pagkakahabi ng talumpati, gamit ang hulwarang ito-ang
paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaaring
isagawa.

D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati

Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa


hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na
maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang bibigkasing talumpati.
Ayon kay Alcmitser P. Tumangan, Sr.et. al., may akda ng Retorika sa
Kolehiyo, ang isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong bahagi.

1. Introduksyon – ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ay naghahanda sa


mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya dapat angkop ang
pambungad sa katawan ng talumpati.

Ang mahusay na panimula ay dapat:


a. Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig
b. Makuha ang kanilang interes at atensyon
c. Maihanda ang tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa
d. Maipaliwanag ang paksa
e. Mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. Maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe

2. Diskusyon o Katawan- Dito tinalakay ang mahahalagang punto o


kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng
talumpati.

Mga katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati:

a. Kawastuan – Dapat na totoo at maipaliwanag nang mabisa ang


lahat na kailangang detalye upang maipaliwanag ang paksa.
Kailangan gumamit ng angkop na wika at may kawastuhang
pambalarila ang talumpati.

11
b. Kalinawan- kailangan maliwanag ang pagkakasulat at
pagkabigkas ng talumpati upang mauunawaan ng nakikinig.
Mahalgang tandaan angsumusunod:

1. Gumamit ng angkop na salitang mauunawaan ng mga


makikinig.

2. Umiwas sa madalas na paggamit ng mahahabang hugnayang


pangungusap.

3. Sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasan magpalioy-


ligoy sa pagpagpapahayag ng paksa.

4. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa


mga tagapakinig.

5. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag ng


paksa.

c. Kaakit-akit- Gawing kawili-wili ang paglalahad sa katwiran o


paliwanag para sa paksa. Sikaping makabuo ng nilalaman na
kaugnay sa paksa at gigising sa kaisipan at amdamin ng mga
makikinig.

3. Katapusan o konklusyon- Dito kalimitang nilalagom Dito kalimitang


nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng
talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman. Maaaring ilagay rito an
pinakamatibay na paliwanag at katwiran upang mapakilos ang mga tao
ayon sa layunin ng talumpati.

12
Mahalagang Kaalaman:

Gabay sa Pagsulat ng Talumpati

Paano ba magsulat ng talumpati? Maaaring tanungin ang sarili ng mga


sumusunod bago magsulat ng talumpati.

Tuon:

▪ Bakit ako magsusulat ng talumpati?


▪ Ano ang paksa?
▪ Ano ang mensaheng nais kong ipahayg?
▪ Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga tagapakinig?
▪ Ano angkahalagahan ng paksang tatalakayin ko?

Tapakinig:

▪ Sino ang aking mga tagapakinig


▪ Bakit sila makikinig sa talumpati
▪ Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng
tagapakinig?

Pagsulat:

▪ Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig?


▪ Anong lengguwahe ang gagamitin ko?
▪ Ano ang tono ng aking talumpati?
▪ frAno ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati?
▪ Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?

Freepic.com

13
May sinusundang pormula sa pagsusulat ng talumpati. Isipin mo na ang
talumpati ay paglalakbay paakyat at pababa ng bundok.

Paghahanda. Mahalaga ay mapukaw ang atensyon ng tagapakinig sa


unang pangungusap pa lang nakuha mo na ang kanilang atensyon. Kaya sa
pagsulat ng introduksyon, kailangan silang ihanda at isama sa paglalakbay.
Kailangan nilang malaman ang pupuntahan, kung interesante ba ang paglalakbay, at
kung bakit kailangan nilang sumama.

Pag-unlad. Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng


paglalakbay. Sa pagsulat siguradong nakatutok ang atensiyon nila. Lumikha ka ng
tensiyon, magkuwento, magbigay ng halimbawa, gumamit ng mga tayutay at mga
talinghagang bkambibig. Sa paraang ito hindi aalis ang tagapakinig.

Kasukdulan. Ito ang pagkakataong narating na kasama ang tagapakinig


ang tuktok ng bundok. Sa bahaging ito, inilalahad ang pinakamahalagang mensahe
ng talumpati. Ito rin ang bahaging pinakamatindi ng emosyon.

Pagbaba. Isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati.


Paano bai to tatapusin? Maaaring ibuo ang mahahalagang puntong tinalakay sa
talumpti. Maaari ri naming mag-iwan ng mga tanong. Ano mang paraan ang piliin sa
pagtatapos, kailangan mahuli ng konklusyon ang diwa ng talumpati.

Handa ka na ba? Upang matiyak kung may napitas bang kaalaman


pagnilayin mo ang mga sumusunod na mga gawain kung natuhog ba ang lahat ng
mga kaalaman.

Freepic.com

14
Pagnilayin:

Gawain Blg. 1:
Ibigay ang kahulugan ng mga
terminong nakatala sa bawat
bilang tungkol sa pagsulat ng
talumpati:

Freepic.com

1. Biglaan o Dagli _

2. Maluwag na Talumpatil

3. Tesis

4. Kronolohikal na hulwaran_ __
_

5. Topikal na hulwaran _ _

6. Introduksyon

7. Kawastuan_ _

8. Kalinawan

9. Kongklusyon

10. Pangunahing Punto _

15
Gawain Blg 2: Isulat ang hakbang na dapat gawin o isaalang-alang sa pagsulat ng
isang talumpati ayon sa paksa o temang tatalakayin. Magbigay ng maikling
paliwanag sa bawat hakbang. Isulat sa ladder organizer. Gawin ang gawaing ito sa
inyong dyornal.

Sa kahon sa ibaba ay ipaliwanag kung paano napagtibay ang


iyong kaalaman sa pagsulat ng talumpati ng pagsunod-sunod sa mga
hakbang na isinulat at sa mga talumpating binasa o napakinggan sa
araling ito.

Magaling! Tiyak na ang katibayan mo sa kaalamang natutuhan.

16
Subukin ang Natutuhan:
Tingnan natin kong umangat na ba ang iskor mo!

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa inyong sagutang-papel.

1. Ang _ ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang


katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang
paniwalaan ang kanyang pangangatuwiran sa paksang tinalakay.

A. Dula C. Sanaysay
B. Tula D. Pagtatalumpati
2. Isa itong uri ng pagtatalumpati nang biglaan o walang paghahanda.
Kaagad ibinigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
C. Impromptu C. Isinaulong talumpati
D. Manuskrito D. Pagbasa ng papel sa panayam
3. Ginagamit ito sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa
pagsasaliksik kaya pinag-aaalan itong mabuti at dapat na nakasulat.
C. Maluwag C. Manuskrito
D. Biglaang talumpati D. Sinaulong Talumpati
4. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay may sapat na panahon na
gumawa ng kanyang talumpati.
C. Imprompto C. Manuskrito
D. Extempore D. Sinaulong Talumpati
5. Ang pinakaunang gagawin upang mapalawak pang lalo ang paksa sa
bubuuing talumpati
C. Paghahanda C. Pagsulat ng Burador
D. Pananaliksik D. Pagbubuo ng Introduksyon
6. Ito ang pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng
talumpati ay manghihikayat at nagsisilbi itong pokus ng pagpapahayag.
C. Tema C. Pagbuo ng Tesis
D. Uri ng Tagapakinig D. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
7. Isa pang mahalagang dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng talumpati
na nagsisilbing balangkas sa paksang buuin.
C. Uri ng Tagapakinig C. Hulwaran sa Pagbubuo ng
Talumpati
D. Tema o Paksang Tatalakayin D. Ksanayan sa Paghabi ng mga
Bahagi
8. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay o argumentong inilahad sa
katawan ng talumpati.
C. Intrduksyon C. Hulwarang Balangkas
D. Diskusyon o Katawan D. Katapusan o Konklusyon
9. Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng
talumpati upang mauunawaan sa tagapakinig.
C. Kawastuan C. Kaisahan

17
D. Kahusayan D. Kalinawan
10. Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para
sa paksa.
C. Kawastuan C. Kaugnayan
D. Kaakit-akit D. Kalinawa

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


Isulat sa inyong dyornal ang sagot:

1. Bakit mahalag ang pokus sa pagsulat ng talumpati?


2. Bakit kailangang tukuyin ang kahalagahan ng tatalakaying paksa?
3. Ano ang papel ng tagapakinig? Bakit kailangan silang isaalang-alang
sa pagsulat ng talumpati?
4. Bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng
talumpati?
5. Bakit sinasabing ang talumpati ay isang paglalakbay?

Suri-lapat:

Isulat sa dyornal ang sagot sa tanong na ito:

Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati?

Tayahin:

Kaya Ko ‘To
Ilapat ang Natutuhan
Panuto:

- Pakinggan ang talumpati ni Lourd de Veyra na kaniyang binigkas


sa harap ng nagsipagtapos sa UP Kolehiyo ng Pangmadlang
Komunikasyon noong 2012. Makikita ito sa
http://www.interaksyon. Com/article/30190/lourd-de-veyras-
graduation-speech-for-up-masscom-class-of 2012.
- Kunin ang mahalagang mensahe sa napakinggang talumpati.
- Mula sa natumbok na mahalagang mensahe, bumuo ng talumpati.
- Isulat ang nabuong talumpati sa long bond paper.

18
Pamantayan Puntos
Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa 5
pagsulat ng talumpati (CS _A11/12PU-Od-f-92)

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani- 5


paniwalang talumpati (CS_FA11/12PU-Op-r-94)

Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto, 5


at angkop na paggamit ng wika (CS_FA11/12WG-Op-
r-95)

Nakabubuo ng talumpati na may batayang 5


pananaliksik ayon sa
pangangailangan(CS_FA11/12PU_Op-r-95)
Kabuoang Puntos 20

Unang anyo pa lang ng akademikong sulatin bakas na ang


kahusayan mo sa pagsulat ng talumpati. Pero tandaan gaano man ka
husay ang isinulat mong talumpati, kung hindi ka naman sanay sa
pagbigkas nito sa harap ng madla ay hindi rin matagumpay ang
talumpati.

Palawakin ang Kaalaman:

• Bilang pagpapatibay sa iyong kaalaman


sa anyo ng sulating ito, ang Pagsulat ng
Talumpati, kayo ay inaatasang bubuo ng
talumpati ayon sa temang “Bayanihan sa
Panahon ng Pandemya”

• Tatayain ng guro ang isinulat mong


talumpati ayon sa kaangkupan sa tema,
gamit ng lengguwahe, organisasyon at
grammar.

• saalang-alang din ang mga dapat tandaan


sa Pagsulat ng Talumpati.

• Isulat sa inyong dyornal.

Freepic.com

19
20
TALASANGGUNIAN

Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan sa


Komunikasyon. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore,
2000.

DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik

Filipino sa Piling Larang Akademik. Pinagyamang Pluma. Quizon Ave. Quezon City:
Phoenix Publishing House, 2016.

Lorenzo, Carmela, et.al. Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. Binagong


Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2010.

Mabilin, Edwin, et.al. Transformatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Malabon City: Mutya Publishing House: Inc., 2010.

Nebiu, Besim. Developing Skills of NGO’s Project proposal Writing. Szentendre,


Hungary. The Regional Environmental Centerfor Central and eastern
Europe, 2000.

Pagsulat sa Pilipino sa Piling Larangan (Isports Teknikal-Bokasyonal).


Metro Manila: Vival Publishing House.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education: DepEd-Cebu Province

Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City, 6000 Cebu

Telefax: 255-6405

Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

22

You might also like