Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO 2

Pangalan: _____________________Baitang at Antas: _______________Iskor: ____

Paaralan: _________________________________Guro: ________________________

IKALAWANG MARKAHAN

LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 4

Panuto: Pakinggan at unawain ang maikling teksto at


sagutin ang sumusunod na tanong.

Si Kokoy ay isang mahiyaing manok. Isang araw habang


naglalakad siya patungo sa burol ay nadaanan niya si Lori ang isang
munting loro na nakadapo sa isang nabaling sanga. Nakita niyang
tila nanghihina ito dahil may malaki itong sugat sa kaniyang paa.

Agad niyang tinulungan si Lori upang gamutin ang kanyang


sugat. Naging magkaibigan ang dalawa.

1. Ano ang unang pangyayari sa teksto?


A. Tinulungan ni Kokoy si Lori.
B. Naglalakad si Kokoy patungo sa burol.
C. Nakita ni Kokoy ang nanghihinang loro na si Lori.
2. Ano ang naging wakas ng napakinggang teksto? A.
Naging magkaibigan ang dalawa.

B. Nadaanan ni Kokoy si Lori sa burol.


C. Nakita ni Kokoy si Lori na nanghihina at may sugat sa
paa. 3 . Ano ang sumunod na ginawa ni Kokoy nang makita
niyang nanghihina si Lori?
A. Dinaanan ni Kokoy si Lori sa burol.
B. Nakita ni Kokoy si Lori na nanghihina at may sugat sa paa.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
FILIPINO 2
C. Ginamot ni Kokoy ang sugat ni Lori sa paa.
4. Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari.

1. Tinulungan ni Kokoy si Lori.


2. Naglalakad si Kokoy patungo sa burol.
3. Nakita ni Kokoy ang nanghihinang loro na si Lori.
4. Naging magkaibigan ang dalawa.
A. 1342
B. 4231
C. 2314

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa bawat


bilang sa ibaba upang mabuo ang talatang may wastong baybay,
bantas at gamit ng malaki at maliit na letra.
Masipag Ako
(5.) _____ay batang masipag. Naglilinis ako ng aming bahay araw
araw. Kapag umaalis ng bahay ang aking mga magulang ay
gumagawa ako ng mga gawaing bahay. Ako rin ang nag-aalaga
sa aking nakababatang kapatid na si (6)__________.
Masaya ako sa tuwing ginagawa ko ito dahil alam kong matutuwa
ang magulang ko sa akin.
5. A. Ako
B. ako
C. Aku

6. A. ana
B. Ana
C. ANA

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
FILIPINO 2
Panuto: Basahin at suriin ang isang maikling liham pasasalamat sa
mga frontliners. Sagutin ang sumusunod na tanong.

10 A. Purok Jasmin St.


Pinagbuhatan Pasig City
Nobyembre 1, 2021

Mahal naming frontliners,

Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng ginagawa


ninyong sakripisyo para sa bayan sa kabila ng kinakaharap na
pandemya ng ating bansa. Hindi matatawaran ang inyong
dedikasyon upang maglingkod at magbigay ng serbisyo para sa
amin. Kayo po ay itinuturing naming makabagong
bayani. Ang tanging dasal namin ay proteksyon at ilayo kayo sa
anumang sakit at kapahamakan.

Nagmamahal,
Alma

7. Alin sa mga sumusunod na salita ang isinulat na may wastong


baybay?

A. Purok Jasmin ST.


B. purok jasmin St.
C. Purok Jasmin St.

8. Anong bantas ang angkop gamitin sa bahaging bating


panimula?

A. tuldok (.)
B. kuwit (,)
C. tandang padamdam (!)

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
FILIPINO 2
Panuto: Suriing mabuti ang liham sa ibaba. Piliin ang bahaging
gumamit ng malaking letra at tamang bantas sa liham. Isulat ang letra
ng tamang sagot.

9. A. 125 Urbano Velasco Avenue


B. pinagbuhatan pasig city
C. hunyo 12, 2021

10. A. mahal kong nanay


B. Nais ko pong magpasalamat sa ginawa mo pong
paghahanda para sa aking kaarawan. Salamat po sa
ibinigay ninyong regalo para sa akin.
C. nagmamahal camille

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 4


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like