Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

SCORE
Pangalan: Guro: ______
Baitang at Seksyon: Petsa: _________________

Malayang Pagpipilian:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel
ang sagot.

1. Ito ay nasa anyong patula na inaawit at karaniwang binubuo ng labindawalang pantig sa bawat taludtod?
a. Awiting bayan c. Alamat
b. Epiko d. Pabula
2. Si Mang Tomas ay pinapatulog ang kanyang anak upang makatulog ito ay inaawit niya ang “ILI- ILI TULOG ANAY”. Anong uri
ng awiting bayan ang inawit ni Mang Tomas?
a. Dalit c. Oyayi
b. Diona d. Maluway
3. Talindaw;_______________: Soliranin; awit sa paggagaod
a. Awit sa pamamalengke c. Awit sa pamamangka
b. Awit sa pakikipaglaban d. Awit sa tagumpay
4. Ito ay awiting bayan na awit sa patay ng mga Ilokano?
a. Dalit c. Maluway
b. Dung-Aw d. Diona
5. Dala ang kanyang lambat , Si Mang Dante ay sumakay sa kanyang Bangka at pumalaot. Siya ay namasol. Ang namasol ay
……
a. Lumangoy c. Nangisda
b. Naligo d. Nagbaon
6. Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
a. Materyal na kayamanan ng isang lugar
b. Pagdurusang dinanas ng isang bayan
c. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
d. Politika ng isang bayan
7. Ito ay pinaka mabisang instrumento sa komunikasyon tungo sa pagkakaunawaan o pagkakaintindihan. a. Salita
c. Komunikasyon
b.Wika d. Taon
8. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang hindi halimbawa ng balbal na salita?
a. Charing c. Lespu
b. Ermat d. P’re
9. Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng kolokyal na salita?
a. Aatend ka ba sa birth day bukas? c. Lespu
b. Ermat d. Charot
10. Ang mga magkakaibigan ay nag-uusap. Kelan ka pupunta sa duba? Anong uri ng impormal na salita ang na salungguhitan?
a. Balbal c. Kolokyal
b. Lalawiganin d. Slang
11. Ipinakikilala ko ang syota kong Amerikano. Dumating siya para makilala kayong lahat. Anong uri ng impormal na salita ang na
salungguhitan?
a Balbal c. Kolokyal
b. Lalawiganin d. Slang

12. Ano ang Wikang Pambansang ng Pilipinas?


a. Pilipino c. Ingles
b. Filipino d. Tagalog
13-21
Panuto: Basahing mabuti ang teksto at bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong.

Ang Alamat Kung Bakit Maalat Ang Tubig sa Dagat

Noong unang panahon sa Baryo Matabang, masayang nabubuhay ang mga taong Gat-da na pinamumunuan ni Haring Lat-
maa. Pangunahin nilang ikinabubuhay ang pagtatanim ng mga gulay at pangingisda sa dagat. Kaya naman sagana sa pagkain ang
Baryo Matabang. Doon din ay may nakatirang isang higante na nangngangalang Dak-pan. Si Dak-pan ay kalaro ng mga bata sa
Baryo Matabang at kung minsan ay nagtatanggol sa baryo laban sa mga mananakop.
Isang araw, dumaan ang malakas na bagyo sa Baryo Matabang at nalubog sa tubig ang lahat ng kabahayan. Dahil dito
nalusaw ang lahat ng mga ginagamit na pampalasa sa pagkain ng mga taong Gat-da gaya ng asukal, patis, at lalong-lalo na ang
asin na ginagamit sa pag-imimbak nila ng pagkain. Makalipas ang ilang araw, sunod-sunod na nagkasakit ang mga bata sa Baryo
Matabang kasama na ang anak ni Haring Lat-maa dahil na rin sa wala ng lasa ang pagkaing kinakain ng mga taong Gat-da. Kaya
tinupon ni Haring Lat-maa ang mga taong Gat-da upang pag-usapan kung paano sila makakatawid sa dagat papunta sa kabilang
ibayo upang humingi ng asin. Narinig naman ito ng higanteng si Dak-pan na noo’y natutulog dahil may sinat. Sinabi niya na iuunat
na lamang nito ang kanyang paa papunta sa kabilang ibayo at ito ang magsisilbing tulay ng mga taong Gat-da.
Nagdala nga ng mga sako ang halos lahat ng taong Gat-da at tumulay sa paa ng higateng si Dak-pan papunta sa kabilang
ibayo ng dagat para humingi ng asin. Nang pabalik na ang mga taong Gat-da dala-dala ang mga sako-sakong asin ay muli silang
tumulay sa paa ng higanteng si Dak-pan na noo’y nanghihina narin. Habang ang mga taong Gat-da ay tumatawid sa dagat biglang
kinagat ng langgam ang paa ng higanteng si Dak-pan kaya nagulat ito at biglang gumalaw na animo’y lumimdol. Nalaglag sa dagat
ang mga taong Gat-da kasama na ang mga sako-sakong asin at nalusaw. Nakaligtas naman ang mga taong Gat-da dahil
marunong silang lumangoy. Habang ang ibang mga taong Gat-da ay lumalangoy papaunta sa pampang ng dagat ay natikman nila
ang lasa ng dagat na maalat. Inakala ng mga taong Gat-da na dahil ito sa mga sako-sakong asin na nahulog sa dagat. Simula noon
pinaniniwalan na ng mga taong Gat-da na kaya maalat ang dagat ay dahil sa nalusaw na mga sako-sakong asin.

13. . Ano ang tawag sa mga taong nakatira sa Baryo Matabang?


a. Taong Tabang b. Taong Gat-dac. Taong Tabon d. Taong Dagat
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi pampalasa ng pagkain?
a. asukal b. asin c. patis d. tubig
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan sa Baryo Matabang?
a. masayahin b. masisipag c. nagtutulungan d. matatapang
16. Ayon sa alamat na binasa, ano ang dahilan kung bakit maalat ang dagat para sa mga taong Gat-da?
a. dahil nalaglag ang mga taong Gat-da sa dagat c. dahil naanod sa dagat ang mga pampalasa
b. dahil nalusaw ang mga sako-sakong asin d. dahil sa ulan na dala ng bagyo
17. Bakit nagkasakit ang mga bata sa Baryo Matabang?
a. dahil sa sobrang pag-lalaro c. dahil sa walang lasa ang kanilang kinakain
b. dahil kulang ang kanilang kinakain d. dahil sa sobrang maalat ang kanilang kinakain
18. Ano ang dahilan bakit gumalaw si Dak-pan kaya nalag-lag ang mga taong Gat-da?
a. masyadong mabigat ang mga tao at asin c. nanghihina na ito dahil may sinat
b. dahil nangawit ito d. dahil kinagat siya nang langgam sa paa
19. Sino ang dapat sisihin sa pagkalaglag ng mga sako ng asin sa dagat?
a. ang mga taong Gat-da b. ang hari
c. ang higante d. ang langgam
20. Kung ikaw si Haring Lat-maa, anong ibang paraan ang gagawin mo upang makakuha ng asin sa kabilang ibayo ng dagat?
a. Hindi nalang ako klukuha ng asin sa iabayong dagat dahil delikado.
b. Hihintayin kung may mapadpad sa aming lugar.
c. Ganon din ang gagawin ko pero pagbibilinang mabuti ang higante na ingatan ang mga tao.
d. Magpapagawa ako ng tulay patungo sa ibayong dagat.
21. Bilang wakas ng kuwneto, ano ang maaaring nangyari sa mga batang may sakit sa Baryo Matabang?
a. Mamamatay sila dahil walang lasa ang kanilang pagkain.
b. Muli silang silang dahil may lasa na ang dagat na pagkukunan nila ng pagkain.
c. Muling magiging masaya ang baryo dahil wala namang namatay sa mga tao.
d. Magiging maayos baryo dahil paaalisin ang higante.
22. Bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangalan o panghalip?
a. panghalip c. pang-uri
b. pang-abay d. pandiwa
23. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng Pahambing na patulad?
a. mas mabuti pa rin ang magbasa ng aklat kaysa pagbabad sa harap ng internet
b. maganda ang bahay nila Mark
c. magkasingtangkad sina Jhonford at Mike
d. mas matangkad si Mike kaysa kay Jhon
24. Anyo ng pang-uri na kung saan ito ay naglalarawan lamang ng iisang pangalan o panghalip?
a.pahambing na palamang c. lantay
b.pahambing na patulad d. pasukdol
25. Ang_________ na dalagang si Tam ay naging asawa ng makisig na si Ilig.
a. marikit c. makapangyarihang
b.malaki d. mayaman
26. Nagsisikap ang mga subanon dahil alam nila ang ____________ ay para rin naman sa ikabubuti ng kanilang tribu.
a. pagsisikap c. pagdadamay
b.pagtratrabaho d. pagtiyaga
27. Bakit mahalagang magkaroon ng mabuting pinuno ang isang bayan?
a.upang mas maraming dumarayo sa isang bayan
b. upang maayos at payapa ang isang bayan
c. upang maraming tao ang magsisikap
d.upang Masaya ang mga tao
28. Alin sa mga sumusunod ang hindi alintunin sa pagsulat ng editoryal?
a. tandaang ang pinakamahalagang bahagi ay panimula at wakas
b. tapusin nang hindi naangkop ang editoryal
c. magkaroon ng maikling panimula
d. iwasan ang pagbibigay ng pagkalahatang patakaran
29. Si Far ay nagsulat ng editoryal ang kanyang paksa ay tungkol sa mahal na araw. Anong uri ng editoryal ay ginawa ni Far?
a. nanlilibang c. nagpapahalaga sa natatanging araw
b. nanghihikayat d. namumuna
30. Ito ay bahagi ng pahayagan na nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro tungkol sa isang isyu?
a. pangulong tudling c. news feature
b. news peg d. lathalain
31. Ito ay uri ng editoryal na binibigyan kahulugan ay isang pangyayari o kasalukuyang kalagayan?
a. nagpapakahulugan c. namumuna
b.nanlilibang d. nanghihikayat
32. Pro; pagpanig : Con;_______________.
a.pagtatalakay c. pagbasa
b. pagsalungat d. pagsulat
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng salitang nanghihikayat?
a. sama na c.talaga
b. totoo d. maganda
34. _____________ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang edukasyon maging sa pinakamalalayo mga lugar.
a. magaling c. oo
b.tama d. tumpak
35. “pamilya’y iyong mahalin at pahalagahan dahil sa panahon ng matinding pangangailangan, Sila parin ang iyong malalapitan”
ano ang pinapahiwatig ng linyang nabasa?
a. mahalin at pahalagan ang pamilya c.maging matapang
b. maging makasarili d. maging masipag
36. Ano ang ginamit ni Abyang Baranugon para mapatay si Buyong?
a.palakol c.palaso
b. pala d. tabo
37. Pinili ng diwatang Alunsina na mapangasawa si Datu Paubari na isang…
a.diyos c. siyokoy
b. mortal d. engkanto
38. Nagalit ang ibang manliligaw ni Alunsina sa naging desisyon niyang magpakasal kaya’t nagkaisa silang gantihan ang mag-
asawa sa pamamagitan nang isang….
a. sunog c.pagguho ng lupa
b.lindol d.baha
39. Kung ikaw ang isa sa mga asawa ni Labaw Donggon, Ano ang gagawa mo sa pagiging mahilig ang iyong asawa sa
magagandang babae.
a. para sa akin , ang gagawin ko ay papatayin ko si Labaw Donggon
b. ang gagawin ko ay hiwalayan na lamang ang aking asawa
c. ang gagawin ko ay magpapakamatay nalang ako
40. Bakit mahalaga ang pagbuo ng burador kapag magsusulat?
a. upang maisusulat ng manunulat ang lahat ng kanyang ideya
b.upang handa sa pagsulat
c. upang hindi maayos ang pagsulat
d.upang hindi maganda ang pagbu ng ideya
41. Ano ang panghuling hakbang sa pagsulat?
a. pagresiba ng burador c.pagbuo ng burador
b. paghahanda para sa isusulat d.pag-iimbak ng kaalaman
42. Ano ang dahilan ng pagkabaliw ni Pinkaw?
a.dahil sa masamang bisyo
b.dahil sa pagkamatay ng kanyang mga anak
c. dahil sa asawa
d. dahil sa sobrang paggamit ng social media
43. Ano ang madalas na inaawit ni pinkaw?
a. hele-helo tulog muna, wala rito ang iyong ina
b. hele-helo tulog muna, wala rito ang iyong ama
c. hele-hele tulog muna, wala rito ang iyong ina
d. hele-hele tulog muna, wala rito ang iyong ama
44. Ito ay uri ng maikling kwento na ang diin ng kwento ay mga pangyayari at diyalagong nakapagpapatawa at nakapagbibigay ng
aliw sa mga mambabasa.
a.kababalaghan c. katatakutan
b.katatawanan d. tauhan
45. Ano ang katangian ni Pinkaw?
a.mapagmahal c. tamad
b. magalang d. makasarili
46. Ang kanyang boses ay nagtataglay ng kapangyarihang bumabalani sa pandinig,Ano ang kasingkahulugan ng salitang
nasalungguhitan.
a. nakaputong c. umiinit
b.umaakit d. malasakit
47. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng salitang gumagamit sa pagsasalaysay ng pangyayari sa kuwento?
a. isang araw c. sa wakas
b. maya-maya d. hindi nagtagal

48. Isang uri ng akdang pasalaysay na gumagamit ng mga tauhang hayop na nagsasalita,nag-iisip at kumikilos na parang tao.
a. pabula c. epiko
b. maikling kuwento d.alamat
49. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula?
a. sukat c.talinghaga
b.tugma d. metapora
50. Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan upang pag nagbalik , ito’y sadyang sa iyo nakalaan. Anong uri ng
tayutay ang nabanggit?
a. pagtutulad c.pagmamalabis
b.metapora d. pagtawag

Psalm 86:11
Teach me Your way, O LORD; I will walk in Your truth; Unite my heart to fear Your name.

Inihanda ni:

ARNEL O. MIRASOL
Guro

You might also like