Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

reviewer in fil 103

heograpikal na barayti ng wika

- tumutukoy sa pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba’t

ibang lugar.

- nagiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng

wika.

- kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin ng wika sapagkat ang kultura ay kanuhol

ng wika.

salik sa pagkakaroon ng heograpikal na varayti ng wika

1. lokasyon

2. migrasyon

halimbawa ng heograpikal na varayti ng wika

ibon

(filipino )- hayop na lumilipad

(sinugbuanong Binisaya- langgam

oras

(pangasinan)- paghuhugas

(filipino) - panahon

Idyolek

- istilo ng pagsasalita ng isang indibidwal

- uri ng wikang ginagamit ng isang tao na nagpapaiba sa kanya sa ibang tao kahit na

nagkatulad ang antas- lipunang kanilang kinalalagyan.

- Kahit mayroong pamantayang itinuturo sa pagsasalita, nagkakaroon pa rin ng

pagkakaiba ang bawat indibidwal ng kanilang paraan para bigkasin ang mga ito.

- Ganito ang konsepto ng idyolek. nakaayon ito sa istilo sa pagpapahayag at pananalita.

- Karaniwang naririnig ito sa mga sikat na personalidad na nag-iiwan ng marka sa

pagbitaw ng kanilang linya sa mga programa at pelikula nila.

halimbawa:

- mike enriquez
- noli de castro

- korina sanchez

- ruffa mae quinto

- kris aquino

Ekolek

- Wikang nabuo sa loob ng bahay, taglay ang kaimpormalan

- Ang pamilya ang pinakamaliit at pinakamahalagang yunit ng isang pamayanan.

- Ito rin ang dahilan kung bakit kahit sa loob ng tahanan ay nakagagawa ng kani-kanilang

paraan para gamitin at banggitin ang mga salita.

- Ang barayting ekolek ay tumutukoy sa mga salita at wikang ginagamit sa loob ng

tahanan at kadalasang tumatatak sa mga bata.

- Ito rin ay ang ginagamit sa pakikipag-usap araw-araw

Okupasyonal na varayti ng wika

• Ito’y nakabatay sa relasyon ng wika sa sitwasyon kung saan ito ginagamit.

• Maaaring Pormal ang pakikipag-usap kung mas mataas sa iyo ang isang tao o mga taong

kasangkot.

• Maaari ring Impormal kung nakikipag-usap lang naman sa kaibigan.

•PORMAL

- Salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa

wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa

mga aklat, ulat at sa iba pang usapan o sulating pang-intelektuwal.

DI-PORMAL

- Mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan.

Balbal(slang)

- Salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya't madalas na tinatawag ding salitang kanto

o salitang kalye. Karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat.

Kolokyal

-Salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya't madalas na tinatawag ding salitang kanto o

salitang kalye. Karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat.


Lalawiganin

- Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsya o kaya'y sa partikular na

pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin-pansing ang mga lalawiganing salita ay

may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito.

Pidgin

-nobody’s language ng mga dayuhan

- walang pormal na estruktura

- ginagamit ng dalwang indibidwal na may magkaiba ring wika

- umaasa lamang sa mga make shift na salita o mga pansamantalang wika lamang.

-nananatili na isang kasangkapan lamang ng komunikasyon.

- hindi isang pamantayang wika

-unang yugto ng pag unlad ng isang wika.

-pinadali at walang masalimuot na gramatika

-nagmula sa salitang ingles na pigeon na ginagamit bilang messenger sa unang panahon.

halimbawa:

- ako bili pagkain

- ako tinda damit maganda

- suki ikaw bili akin, ako bigay diskawnt

Creole

- barayti ng wika na nabuo bilang isang resulta ng paghahalo ng dalawang wika ng

dalawang magkaibang grupo ng tao.

- mula sa magkaibang tao at lugar hanggang sa naging pangunahing wika ito ng

partikular na lugar .

- nagmula sa isang french creole na nagangahulugang lumikha o makagawa.

- pangalawang yugto ng pag unlad ng isang wika

- nagiging isang wikang ina sa mga susunod pang henerasyon ng mga nagsasalita

- ang gramatika sa creole ay ganap na binuo

- ang creole ay isang ganap na binuo na wika.

halimbawa:
chavacano- tagalog at espanyol

palenquero- african at espanyol

annobonese- portuguese at espanyol

mga halimbawa ng parirala:

mi nombre- ang pangalan ko

buenas dias- magandang umaga?

di donde lugar to?- taga saan ka

Sosyal na barayti ng wika

—-Jovy m.Peregrino —-

Ang wika ng relihiyon ay simbolikong wikasapagkat kinapapalooban ito ng mgatalinhaga at mga

bagay na hindi bastamakikita, mararanasan o mararamdaman

—Laray c.Abello—-

Karamihan sa mga salitang ginagamit sa showbiz ay galing sa mga salitang bakla.Hindi raw ito

nakapagtataka dahil karamihan sa mga manunulat at manedyer ay pawing mga bakla.

Sosyolek- Ito ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa

katayuan,antas o sa pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan. Tinatawag Din itong

sosyal (pamantayan) ng barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat pan,

paniniwala,oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Ito Ay may kinalaman din sa katayuang

sosyo-ekonomiko ng nagsasalita.

Gay lingo- ang wika ng mgabakla. Ginamit ito ngmga bakla upangmapanatili

angkanilangpagkakakilanlan kaya binago nilaang tunog okahulugan ng salita

Coño- tinatawag dingcoňotic conyo speak isang baryant ng Taglish o'salitang Ingles na

hinahalo sa Pilipino kaya nagkaroon ng code switching.Kadalasan din itong ginagamitan ng

pandiwang Ingles Make at idinugtong sa filipino.

Jejemon- Ito ay mabilis na pag usad ng isang makabagong paraanng pagsulat at pagbaybay sa

mga salita sa mensahe sa teks at internet.

Jargon- Ito ay varyasyon at varayti ng wika na tinatawag din bilang natatanging bokabularyo na

pwedeng salitang balbal o salitang kalye.

You might also like