Reviewer in Fildis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

REVIEWER IN FILDIS

ARALIN 5:

Pagbabasa at Pagbubuod ng Impormasyon

 Binanggit ni Goodman (1967) na ang pagbasa ay isang sikolinggwistikong laro ng


panghuhula. Ito ay isang prosesong sinusubok ng mambabasa ang teksto sa
pamamagitan ng pagbuo ng hipotesis, pagkumpirma o pagbalikwas.

 Ang Pagbasa ay produkto ng kompleks na kombinasyon ng iskema, kondisyon,


konteksto, mga estratehiya at pag-unawa sa anumang simbolong nasusulat at proseso
ng pagdedekowd ng anumang nababasa at paglalahok sa anumang dati nang kaalaman.

3 PROSESO NG PAGBASA

 Bago Magbasa (Pre-Reading Stage)

 Tukuyin ang layon ng pagbasa saka magpasya kung para sa paglilibang o


paghahanap ng impormasyon;

 Magsagawa ng previewing sa teksto, makatutulong dito ang scanning sa


pabalat/dibuho, pamagat, organisasyon at layout nito

 Magkaroon ng pagkokondisyon sa sarili sa tekstong babasahin, maaaring


ilapat dito ang mga paghahanap ng angkop na estratehiya; at

 Buksan ang iskema, halimbawa, pag-alala sa impormasyong mailalapit sa


teksto, awtor, paksa a iba pang katulad nitong teksto.

 Habang Nagbabasa (Actual Reading Stage)

 Monitoring sa binabasa;
 Paghahanap sa ugnayan;
 Pagtukoy sa mga mahahalagang detalye;
 Panunuri at pagtitimbang;
 Pagtataya sa nilalaman;
 Pagtatanong
 Pagkukumpara
 Panghuhula
 Pagbibiswal
 Paghihinuha
 Pagbubuod/paglalagom
 Pagsisintesis

 Pagkatapos Magbabasa (After Reading Stage)

 Binibigyang-pansin sa bahaging ito ang panunuri, pagkikritik at pagtataya


sa teksto. Katuwang din sa bahaging ito ang repleksyon ng mambabasa
tungo rito.
 Ang dulog na ito ay makatutulong sa mambabasang mataya hindi lamang
ang teksto, kundi maging ang pag-unawa sa binasa

 (UP Diksyonaryon, 2010)

Ang buod ay isang maikling lagom o pangkalahatang pagtingin sa isang bagay.


Samakatuwid, ito man ay tekstong nasusulat, naririnig, nababasa o napapanood
ay maaaring lagumin.

 Tinukoy ni Buckley (2004) ang pagbubuod bilang pagbabawas ng teksto


patungong 1/3 o 1/4 na bahagi ng orihinal na anyo ng tekstong may malinaw na
artikulasyon ng kahulugan ng awtor at pagpapanatili sa mga pangunahing ideya
sa sulatin.

PROSESO NG PAGBUBUOD

 Basahin ang kabuuan ng tekstong ibubuod


 Basahin itong muli
 Suriin ang mga naitala/ tinandaang bahagi ng binubuod.
 Pagsama-samahin ang mga bahaging natipon mula sa pagsasala.
 Suriin ang buod
 Basahing muli ang ibinuod

Ang Pagsasalin

 John Catford (1965)

“The replacement of textual material in one language (SL) by equivalent


textual material in another language (TL)” .

 Inilarawan naman ni Newmark (1988) ang pagsasalin bilang paglalapat ng


kahulugan sa teksto sa ibang wika sa paraang nais ng orihinal na awtor.

 Samantalang inuri naman ni Schleiermacher (1891) sa aklat ni Almario


(2016) na limitado lamang sa dalawang paraan ang pagsasalin.

2 PARAAN NG PAGSASALIN:

 Una, hinahayaang manahimik ng tagasalin ang may-akda, hanggang maaari at


pakilusin ang mambabasa tungo sa kaniya.

 Ikalawa, pinapabayaang manahimik ng tagasalin ang mambabasa , hanggang


maaari at pakilusin ang awtor tungo sa kaniya
Tatlong Anyo ng Pagsasalin Dryden (1680)

 METAPHRASE O INTERLINYAR
 Galing sa Griyegong metaphrazo.
 Metaphrazo- means I express within, I express toward
 Inuulit ang wika ng mayakda sa paraang salitasa-salita at linya-sa-
linya, mula sa isang wika tungo sa isa pa.

 PARAPHRASE
 Galing sa Griyegong paraphrazo.
 Paraphrazo- I express near
 Iniisip ng tagapagsalin ang pananaw ng awtor, hindi ang kaniyang
mga salita, bagkus, ang kaniyang diwa.

 IMITASYON
 Sinusundan ng tagapagsalin ang alam niyang hinihingi ng
pagkakataon.
 Ginagamit lamang niya ang pangkalahatang diwa mula sa orihinal
upang makalikha ng hati sa ginagawa ayon sa nais niya bilang
tagapagsalin.

Ayon sa pag-aaral ni Almario (2016), dapat malinaw sa tagapagsalin ang kaniyang


layon sa pagsasagawa nito at matatamo ito sa pamamagitan ng:

1. Ganap at malinaw na komprehensiyon ng tagapagsalin sa kahulugan at ibig sabihin ng


orihinal na awtor;
2. Kasanayan at kaalaman sa SL at TL ng isinasalin;
3. Pag-iwas sa tumbasang salita-sa-salita;
4. Paggamit ng anyo ng salitang batid ng nakararami sa TL; at
5. Paglalapat ng angkop na himig na nakaayon sa orihinal na himig ng teksto

Salita-sa-Salita Laban sa Diwa-sa-Diwa

 Taglay ng pagsasaling salita-sa-salita ang literal na pagsasalin ng isinasalin mula sa SL


patungong TL. Binibigyan tuon sa saling ito ang pagsasalin ng bawat salita

Halimbawa:

Orihinal : I am blue.
Salin : Ako ay bughaw.

Salita-sa-Salita Laban sa Diwa-sa-Diwa


 Samantalang sa diwa-sa-diwa, hindi na gaanong binibigyang-pansin ang balangkas ng
mga bahagi ng pangungusap, bagkus, nakatuon ito sa diwa ng isinasalin.

Halimbawa:

Orihinal : I am blue.
Salin 1 : Ako ay bughaw
Salin 2 : Ako ay malungkot/malungkot ako.

GABAY SA REPERENSYA

1. Pagtutumbas Gamit ang Tagalog/Filipino


2. Pagtutumbas Gamit ang Wikang Katutubo
3. Paghiram sa Kastila
4. Paghiram sa Ingles habang Pinananatili ang Baybay
5. Paghiram sa Ingles subalit Binabago ang Baybay
6. Paglikha

Gamitin ang mga letrang c,ñ, q, x, f, j, v, z kapag ang salita ay hiniram


nang buo ayon sa sumusunod na kondisyon:

1.Pantanging ngala
2.Salitang teknikal o siyentipiko
3.Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na
hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
4.Salitang may internasyunal na anyong kinikilala at ginagamit

a. pantanging ngalan

• Quirino, Julia, Canada, Valenzuela,


• Ceñeza bldg., State Condominium,
• Qantas Airlines, Doña Monserat, El Niño

b. salitang teknikal o siyentipiko

• cortex, enzyme, quartz, filament


• x-ray, zoom, joules, vertigo, infrared

Bagong Pagbuo

 Katuwang nito ang pagsasama-sama ng mga pantig upang makalikha ng panibagong


salita.

Halimbawa:
banyuhay = metamorphosis
punlay = semilya ng lalaki
balikbayan = OFW
honeymoon = pulutgata
kasarinlan = independence

Hiram-Salin

 Ito ang proseso ng panghihiram ng konsepto mula sa banyagang wika at paglikha ng


tumbas nito sa katutubong wika sa pamamagitan ng pagsasalin habang pinananatili ang
estruktura nito.

Halimbawa:

test tube = subukang-tubo


halamang-gubat = root crop

Bagong-Hulog

 Sa paglikhang ito, nalilinang ang pagbubuhay sa mga lumang salita at pagbabagong-bihis


sa mga ito sa panibagong kahulugang teknikal.

Halimbawa:

tilahas = wild
rabaw = surface l
ungsod = city
balani = magnet
katarungan = justice

MGA TUNTUNIN SA PASASALIN :

1. Mag -ingat sa pag - unawa sa gámit ng bawat salita sa SL upang mabigyan


ng angkop na katapat sa TL .
2. Minsan, hindi na kailangang hanapan ng katumbas na salita sa TL. Para sa
KWF, panatilihin ang orihinal na salitang siyentipiko at teknikal— Ingles
man, Español, German, o Latin.
3. Hindi maaaring mangmang ang taga salin sa paksang kaniyang isinasalin.

Ang Pagbabalangkas

 Batay sa Psychology Writing Center ng University of Washington (1997), ang balangkas


ay isang pormal na sistemang ginagamit upang unawain at organisahin ang isang papel.
 Ginagamit ito upang mataya kung ang mga ideya ay nagtutugma, nagtatama, o
nagpapaigting sa kasapatan ng ebidensya upang suportahan ang pangunahing ideya.
3 URI NG BALANGKAS

1. Balangkas Pasalita
2. Balangkas Pangungusap
3. Balangkas Patalata

 Balangkas Pasalita

1.Pormal na Antas

 Pampanitikan
 Pambansa

2. Impormal na Antas

 Kolokyal
 Lalawiganin
 Balbal

ARALIN 6:

Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa


Lipunang Pilipino

 Teorya

Ito ay anumang pananaw na binuo upang makapagpaliwanag, makatulong sa pag-unawa


ng penomenon, at sumuri ng kabuluhan.

MGA DISKURSO SA NASYONALISMO

 NASYONALISMO

ito ang katangian ng pagkakaroon ng maalab na pagmamahal sa bansa, sinasabing


isa rin itong kamalayan sa lahi na nag-uugat sa pagkakaroon ng isang wika, kultura
at kasaysayan

 Sa artikulong “ Miseducation of the Filipino” ni Renato Constantino na


malayang isinalin ni Martinez sa Filipino bilang “Lisyang Edukasyon ng mga
Pilipino” ay sinuri ni Constantino ang kasaysayan ng edukasyon sa bansa,
partikular ang sitwasyon nito sa panahong direktang kolonya pa ang
Pilipinas.

 Ang eduksyon ng Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong Edukasyon. Dapat


itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain ng bansa.

 Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang may


malasakit sa bayan at nauunawaan ang kanilang pagiging bansa.

 Sa kanilang mensahe ng pag-iisa ng loob at kaisipan ng lahat ng tumubo sa


sangkapuluang ito, ginamit nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio ng
Katipunan ang mga dalumat ng bayan noong 1892-189

 Sa Kartilya ng Katipunan, Dekalogo, at iba pang mga sulatin, makikita ang


mga dalumat ng Kalayaan, Kaginhawaan, Liwanag, Dilim, Puri, Kabanalan,
Dangal, Pag-ibig sa bayan at isa’t isa, at marami pang iba.

 “Kartílya ng Katipúnan” ang popular na tawag sa akda ni Emilio Jacinto na


naglatag ng mga batas at prinsipyo ng Katipunan at nagsilbing gabay para sa
mga kasapi nitó.

 Ang orihinal na pamagat ng “Kartilya ng Katpunan” ay “Mga Aral ng


Katipunan ng Mga Anak ng Bayan” at hinahangaan noon at ngayon dahil sa
matalinghaga ngunit eksaktong pormulasyon ng mga tuntunin sa buhay na
dapat sundin ng isang Katipunero.

 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


 Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
 Ningning at Liwanag
 Kartilya ng Katipunan
 Bayan Ko

 Ang mga pagsusuri sa mga akda ng mga bayaning Pilipino ay mainam ding
sanggunian para sa mga diskurso hinggil sa nasyonalismo, gaya ng sanaysay
na “Ang Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas” ni Lope K Santos at ng
artikulong “Perspektibo, Realismo at Nasyonalismo” ni Rolando Tolentino

TEORYANG DEPENDENSYA

 Ito ay nakaugat sa Amerika Latina . Ilan sa mga kilalang teorista nito sina Raul
Prebisch at Theotonio dos Santos, na kapwa mula sa Amerika Latin

 Ayon sa mga tagapagtaguyod ng teoryang ito, pinagsasamantalahan ng mga


bansang industriyalisado ang mga bansang mahirap sa pamamagitan ng
neokolonyalismo sa ekonomiya, bagay na malaki rin ang epekto sa sistemang
politikal at kultural ng bansa
 Sa artikulong ”Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensya sa
Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas” ni San
Juan (2013) ay nilinaw ang koneksyon ng mga diskurso sa nasyonalismo at ng
teoryang Dependensya: “sa pananaw ni Constantino at ng iba pang
nasyonalista, walang saysay ang anumang programang pang-edukasyon
kung hindi nito isinasaalang-alang ang kaunlaran ng mga mamamayan ng
bansa.

 Walang saysay ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa ito'y sumunod sa


“pamantayang global.

- Binigyang-diin ni Constantino na hanggat kontrolado ng mga dayuhan at ng


mga Pilipinong elite na kanilang kasabwat , ang ekonomiya, politika at
kultura kasama na ang edukasyon ng Pilipinas, mananatiling mahirap at
walang pag-unlad ang mayorya ng sambayanang Pilipino.

 Sa artikulong “Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensya: Isang Kritikal


na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas” ay ipinaliwanag ni San Juan
(2014) ang kritisismo ng mga tagapagtaguyod ng Teoryang Dependensya sa
neokolonyal na sistemang nangingibabaw sa mga bansang gaya ng Pilipinas.

1. Ang puhunan nila sa Third World (bansang mahihirap) ay tumutubo nang


malaki (bagay na karaniwang ineeksport nila pabalik sa kanilang mga
bansa mula sa Third World);

2. Kontrolado nila ang maraming pinansyal na institusyon gaya ng IMF,


World Bank , at maging malalaking pribadong bangko na nagpapautang
sa mga bansang kabilang sa Third world;

3. Hindi nila gaanong tinutulungan ang mga bansa ng Third World na


umunlad sa teknolohiya at/o pagmamanupaktura ng makinarya upang
mapanatili ang kanilang lucrative na monopolyo rito;

4. Mababa ang halaga, sa pangkalahatan, ng mga hilaw na materyales at


semimanupaktura ng Third World na ineeksport sa mga bansang maunlad
at/o mayaman sa kapital, kumpara sa halaga ng makinarya/teknolohiya
at iba pang produktong inimport ng una sa huli; at

5. Ang migrasyon ng mga manggagawa/ propesyunal mula Third World


tungong mga bansang mauunlad at/ o mayaman sa kapital ay
nakababawas sa pangkalahatang yamang-tao (human resources) na
kinakailangan ng una pang maiahon sa kahirapan at dependensya ang
kanyang sarili

TEORYANG MARXISMO
 Ito ang tawag sa mga kaisipang nakabatay sa isinulat ni Karl Marx, pilosopong
Aleman na kritiko sa sistemang kapitalismo.

 Ginagamit ng mga ekonomista at eksperto sa araling pangkaunlaran


(development studies) ang Marxismo upang suriin ang mga patakarang
ekonomiko at mga planong pangkaunlaran, partikular ang epekto nito sa mga
uring manggagawa at iba pang mga sektor sa “inaapi” o “pinagsasamantalahan.

 Gumagamit ng metodong historical materialisim ang Markismo, upang suriin at


bigyan ng kritiko ang pag-unlad ng kapitalismo at ang papel na ginagampanan ng
pinagdaraanan ng bawat klase sa sistema ng pagbabagong pang-ekonomiya

 Ayon sa teoryang ito, ang tunggalian ng uri ay nagbuhat sa mga kapitalistang


lipunan dahil sa mga kontradiksyon sa pagitan ng materyal na interes ng siniil na
proletariat - o mga lahing mangagawa na inalipin ng mga bourgeoisie upang
lumikha ng mga pangangailangan at serbisyo

 Ang tunggalian ng uri na ito ay karaniwang ipinahahayag bilang pag-aklas ng


pwersa ng manggagawa sa lipunan laban sa ugnayan ng produksyon, bunga ng
isang krisis sa isang panahon habang ang mga bourgeoisie ay nakikipagbuno
upang higit na patatagin ang kanilang kapangyarihan laban sa mga
manggagawang proletariat kaugnay ng baryasyon ng antas ng kabatiran ng mga
uri o lahi

 Ang krisis na ito ang pinagmulan ng rebolusyong proletarian at sa bandang huli


ay nanguna sa pagtatatag ng sosyalismo - isang sistemang sosyo-ekonomiko
batay sa pagmamay-aring panlipunan ng pamamaraan ng produksyon,
distribusyon batay sa kontribusyon ng bawat isa at produksyong direktang inayos
para magamit

 Habang ang pwersa ng produksyon ay patuloy na umuunlad, pinaniniwalaan ni


Marx na ang socialism ay magbubunsod sa tinatawag na komunistang lipunan;
walang uri, walang estado, makataong lipunan batay sa iisang pagmamay-ari sa
ilalim ng prinsipyo: "Mula sa bawat isa batay sa kaniyang abilidad, para sa bawat
isa batay sa kaniyang mga pangangailangan"

 Ang Markismo ay may malaking impluwensya sa pandaigdigang akademya at


pinalawak sa maraming sangay katulad archeology, antropolohiya, pag-aaral ng
midya, agham pampulitika, edukasyon, pilosopiya, at marami pang iba.

 Maituturing na konektado rin sa Marxismo ang perspektibang “mga tinig mula sa


ibaba” ni Teresita Gimenez Maceda, isang eksperto sa diskurso at pagsusuri ng
mga dokumento sa Araling Pilipinas.

 Sa kanyang nalathalang disertasyon ay tinalakay ni Maceda ( 1996) ang


kasaysayan ng mga kilusang panlipunan sa Pilipinas sa pamamagitan ng
pagsusuri at kontekstwalisasyon ng mga awitin ng mga nabanggit na
organisasyon ng mga manggagawa, magsasaka at iba pa
PAG-AKLAS PAGBAKLAS PAGBAGTAS
 Tolentino (2009)

Sa kontekstong Pilipino , isa sa mabisang adapsyon ng mga ideyang


Marxista sa panunuring pampanitikan ang konseptong Pag-aklas/
Pagbaklas/ Pagbagtas.

 Ang “Pag-aklas, Pagbaklas at Pagbagtas: Politikal na Kritisismong


Pampanitikan (2009)” ay isang librong lathala ni Rolando Tolentino na
may politikal na asinta lalo na sa mga isyu sa lipunan.

 Tumataya ang kritiko sa binabasa at pinag-aaralang akdang


pampanitikan, at ang pagtatayang ito ang nakapagkakawing sa kaniyang
posisyon sa binabasa at panitikan, sa mga pwersang historikal ,
panlipunan, at modernismo

1. Pag-aklas bilang impetus sa panunuring historikal at panlipunan


na susing kawing ang panitikan;
2. Pagbaklas bilang pagbuwag sa naunang formalistikong at
makasentrong-sining na panunuring pampanitikan;
3. At pagbagtas bilang mapagpalayang pagdalumat sa panitikang
pangunahing nagsasaalang-alang ng makauring panunuri

PANTAYONG PANANAW

 Ang pantayong pananaw ay perspektiba sa pagtalakay ng kasaysayan, kultura at iba pa, na


nilinang ni Prop. Zeus Salazar, isang multilingwal na historyador mula sa Unibersidad ng
Pilipinas, upang bigyang-diin ang kahalagahan ng diskursong internal hinggil sa iba‟t ibang isyu

 Tinutungo nito ang layon ng pantayong pananaw na makilala at maipakilala ang


anumang hinggil sa kultura, kasaysayan ng bayan sa kapwa kultura. Tugon dito ang
binabanggit ni Navarro (2007):

- "Sa PP, mas kinikilala ang kapangyarihan ng taumbayan na akdain ang talastasang
bayan tungo sa panlipunang pagbabago at pagbubuo ng Inang Bayan, bansa at sambayanan. "

 (Salazar, 1989)

Pangkayo - Ito ay nagpapakita ng pagpapaliwanag ng mga banyaga sa


sariling kultura ng hindi kakultura. Pangkayo ang pananaw ng nakikipag-
usap mula sa labas tungo sa mga taga-loob ng isang partikular na
kalinangan

Pansila - Ito ay pagpapaliwanag ng mga banyaga sa kanilang kakultura sa


tulong ng kanilang wika. Nagmumula ang ganitong kaisipan kung sila ay
lalabas at mag-aaral at kikilala ng bagong kulturang ipakikilala sa kanilang
bayan.
Pangkami - Ito ay pagpapaliwanag ng isang tao sa kanilang sariling
kultura at pamayanan sa kanilang hindi kakultura. Ikinukumpara dito ang
iba't ibang sistema ng paniniwala at pag-uugali. Maaaring gamitin dito
ang wikang kinagisnan o wika ng iba upang ipaliwanag ang sariling
kalinangan.

Pantayo - Ito ay tuwirang pagpapaliwanag ng kultura sa kaniyang


kakultura o pagpapaliwanag ng Pilipino sa kapuwa Pilipino sa wikang
nauunawaan ng dalawa.

 Ang “tayong mga Pilipino, “kung ihahambing sa “kaming mga Pilipino, ” ay


nangangahulugang ang nagkakausap-usap ay mga Pilipino mismo at implisitong
hindi kasali ang mga banyaga.

 Maraming bagay ang implisito nating nauunawaan na ang ibig sabihin, kung ang
isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at sa isa't isa, iyan ay
parang sistemang “closed circuit, ” pagkat nagkakaintindihan ang lahat.

 Samakatwid, ang lipunan at kultura natin ay may “pantayong pananaw” lang


kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam na natin lahat
ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa't isa
.
 Ito ay nagyayari lamang kung iisa ang “code” - ibig sabihin may isang
pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali.
Mahalaga rito ang iisang wika

 Sa kanyang pananaw, nararapat na magpokus tayong mga Pilipino sa sarili nating


pagtanaw sa ating kultura at kasaysayan: magtanong at magbigay ng kasagutan
batay sa karanasan ng bayan at ng mga mamamayan ng Pilipinas nang hindi
isinasaalang-alang at/o binibigyang pokus ang pananaw ng mga tagalabas o mga
dayuhan.

PANTAWANG PANANAW

 Sa kabila ng iba't ibang suliraning kinahaharap ng mga Pilipino sa kanilang pang-araw-


araw na pamumuhay ay nagagawa ng mga itong panatilihin ang pagiging masayahin na
pinatunayan ng ulat ng United Nations na nagbibigay ng kompirmasyon na tumaas ang
ranking ng Pilipinas sa World Happiness Report nito noong 2018

 Ipinaliwanag ng isang sosyolohista na maraming Pilipino ang pinaniniwalaan na kanilang


kakampi ang pag-asa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay bukod pa ito sa
katotohanan na talagang likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin.
 Ayon kay Bro. Clifford Sorita, sa panayam sa kaniya ni Apples Jalandoni (2018) na higit
sa kaligayahan ay mayroong tatlong (f) na kayamanan ang lipunan:

1. faith
2. family
3. friends

 Kaugnay sa kaligayahan ang konteksto ng pantawang pananaw subalit upang


magkaroon ng higit na kabuluhan ang pagtalakay, higit na makabubuti kung bibigyan ng
paghimay ang dalawang salitang bumubuo sa kontekstong ito, ang pagtawa at pananaw

 Ang pagtawa ay tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahan ng isang tao.


Sinasabi ng maraming pag-aaral na ito raw ay isang mabuting medisina

 Sa isang artikulo ni Di Salvo (2017), kaniyang sinabi na ang pagtawa ay nakahahawa sa


kapaligiran. Ang epekto ng endorphin ang makapagpapaliwanag kung bakit ang
pagtawa ay nakahahawa

 Ang pagtawa ay mahalagang kakampi ng tao upang pagaanin at pasayahin anuman ang
kaniyang kalagayan o antas sa buhay. Maituturing itong mekanismo ng damdamin na
humanap ng solusyon kung paanong matuturuan ang tao na harapin ang anumang
bagay sa paraang magaan at nakaaaliw.

 Kinasasangkutan ng pag-iisip ng tao ang konsepto ng pananaw na kung saan ay kaniyang


dinadalumat o binibigyan ng interpretasyon ang mga penomenang makabuluhan para sa
kaniya sapagkat totoong nangyayari sa kapaligiran

 Mahalagang elemento ng pantawang pananaw ang midyum o daluyan nito katulad ng


tanghalan, pahayagan, radyo, telebisyon at iba pang anyo ng midya.

 Kaugnay ng mga daluyang ito ang iba't ibang anyo katulad ng drama, bodabil, kwentong
bayan at mga impersonasyong kasama sa midya

 Ang pantawang pananaw ay isang uri ng pagbasang kritikal na hindi lamang nakatuon sa
intensyon na magpatawa kundi tingnan ang mga bagay sa mas malalim nitong konteksto
ang pagsiyasat sa kamalayan ng bawat Juan dela Cruz

 Ang pantawang pananaw rin ay isang paraan upang subhektibong basagin ang
katauhan, kaligiran, katawan, at kaayusan ng lipunan bilang paksa ng mga pagpapatawa
ay pagtuligsa.

 Ang isa pang katangian ng pantawang pananaw ay ang pagkakaroon nito ng kasaysayan
o pinag-ugatan. Malaki ang papel na ginagampanan ng kasaysayan upang masagot ang
ating mga katanungan hinggil sa kolonyalismo at komersyalismo.

 Intersubhektibo rin ang pantayong pananaw sapagkat nangangailangan ito ng ibang tao
na makikibahagi sa pagbibigay kritiko sa pamamagitan ng pantawang pananaw.

 Ang pantawang pananaw rin ay may katangiang intertekstwal at repleksibo na kung


saan ay pinagtutuunan ng pansin ang pamamaraan ng pagtugon sa mga tekstong nasa
labas ng isinusulat katulad ng akdang pampanitikan, produkto ng kulturang popular at
iba pa

 Ang pantawang pananaw ay hindi lamang isang anyo o genre ng panitikan sapagkat ito
ay nakabukas bilang maraming anyo ng daluyan ng karanasan ng mga Pilipino
 Sa paglalapat, magagamit ang teoryang ito bilang lente sa pag- aaral o pagsusuri ng mga
dulang panteatro, dulang panradyo, kwentong bayan, awit, sayaw, pelikula, programa sa
telebisyon, standup comedy, at iba pang may elemento ng pagpapatawa tungo sa
pagbasang kritikal.

SIKOLOHIYANG PILIPINO

 Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang pagkilala rito ay tumutukoy sa pag-


aaral ng isip, diwa, at asal. Ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at sa
tungkulin nito lalo na yaong nakaaapekto sa kilos.

 Ayon kay Enriquez (1994) ang Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa siyentipikong pag-
aaral ng etnisidad, lipunan, at kultura ng tao at ang gamit nito sa sikolohikal na
pagsasanay ng katutubong karunungan na nag-ugat sa etnikong pamana at kamalayan
ng mga tao.

"Ang sikolohiya ay tungkol sa damadami't kamalayang nararanasan sa ulirat na


tumutukoy sa ugali, kilos o asal sa kalooban na tumutukoy din sa damdamin at sa
kaluluwa na siyang daan upang mapag-aralan din ang tungkol sa budhi ng tao" -
Enriquez (1974)

 Ang Sikolohiyang Pilipino ay isang alternatibong paraan upang maipaliwanag nang


mabuti ang diwa, gawi at damdaming nananalaytay sa ugat ng bawat Pilipino na taliwas
o ditugma sa iba pang sikolohiya sa Pilipinas.

 Sinasabi sa pag-aaral nina Pe-Pua at Protacio-Marcelino (2000) na ang Sikolohiyang


Pilipino ay nag-ugat sa karanasan, kaisipan at oryentasyon ng mga Pilipino, batay sa
kabuuang gamit nito sa kaniyang wika at kultura.

 Ang Sikolohiyang Pilipino ay pagtaliwas sa konbensyonal na paglalarawan sa mga


Pilipino na gamit ang Kanluraning oryentasyon. Sinasabi rito na ang diwa at karanasan
ng mga Pilipino ay nararapat na tingnan o unawain batay sa perspektiba ng mga Pilipino
at hindi ng Kanluraning perspektiba upang mailarawan ang mga Pilipino nang wasto at
makatotohanan

 Sa pagtalakay nina Pe-Pua at ProtacioMarcelino (2000) na ang hakbang tungo sa pag-


unawa sa partikular na kalikasan ng Sikolohiyang Pilipino ay hindi maituturing na anti-
universal kung ang pangunahing layunin ay makapagambag sa Sikolohikang Universal.

 Si Enriquez (1976) ay nagsagawa ng pananaliksik hinggil sa kultura at kasaysayan gamit


na batayan ang Sikolohiyang Pilipino sa halip na gumamit ng teoryang Kanluranin
TATLONG ANYO NG SIKOLOHIYANG PILIPINO

Binigyang-liwanag ni Enriquez ang pagkakaiba-iba ng konsepto ng mga sumusunod na


anyon ng Sikolohiyang Pilipino

1. Sikolohiya sa Pilipinas
2. Sikolohiya ng Pilipino
3. Sikolohiyang Pilipino
MGA KONSEPTO NG SP NA MAY KAUGNAYAN SA WIKA

1. Katutubong Konsepto
2. Pagtatakda ng Kahulugan
3. Pag-aandukha
4. Pagbibinyag
5. Paimbabaw na asimilasyon
6. Ligaw/Banyaga

BAKOD BUKOD BUKLOD

 Maituturing na sangandaan ng ilang konseptong Marxista at ng mga konseptong


sariling atin ang pagdadalumat ni Morales-Nuncio (2012) sa konseptong ito sa
aklat na Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod at Buklod bilang Espasyo at
Biswal mula Tabuan Hanggang sa SM City North Edsa.

 BAKOD - ang literal na kahulugan nito ay isang patayong istraktura na nakapaligid sa


isang sukat ng lupa na maaaring gawa sa kahoy, semento, atbp. Sa pagsusuri ng bakod,
naipapakita ang dibisyong biswal man o metopikal na naghihiwalay sa mga taong mula
sa iba’t-ibang antas ng lipunan.

 BUKOD - Nakikita sa pag-aaral gamit ang teoryang bukod ang pagkakaroon ng


ekslusibong samahan kung saan ang mga maituturing na di kauri ay maisasantabi o
makakaranas ng diskriminasyon o marhinalisasyon. Ang pagbubukod ay direktang
epekto ng pagbabakod kung saan makikita rin ang tunggalian ng mga espasyong
nagnanais makakuha ng kapangyarihan.

 BUKLOD - Nasusuri dito ang mga konstruksyong nabuo dahil sa bakod at buklod gaya
ng samahan ng mga kababaihan, mga etnolinggwistikong pangkat, at mga unyon ng
mga manggagawa. Naikakahon sa konsepto ng demograpiya at/o socio-economic status
ang pagbubuklod na siyang nagiging daan sa pagpapalakas ng espasyong naiatas sa
kanila.

You might also like