Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

REGION IV-A

Mga akda ni Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda (Laong Laan)

Buod ng Noli Me Tangere (Touch Me Not)

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-aral ng
ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira sa Europa bago
ito muling bumalik ng Pilipinas.Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan
Tiago upang salubungin ang binata. Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina
Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina, at ilang may
impluwensya sa lipunan.Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si
Ibarra ngunit wala itong ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang
itong nagpaalam at nagdahilang may ibang pupuntahan.Si Maria Clara ang magandang
kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak-anakan ni Kapitan Tiago, mayamang
taga-Tondo.Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa
pagtitipon. Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan ang
kanilang mga ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay ng binate bago pa ito
tumungo sa Europa.Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis
upang ipagtapat ang pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang ama
na erehe at pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal.Ipinakulong si
Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang di naman siya ang may
gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang magkasakit at kalauna’y namatay
ang ama ni Ibarra.Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang
bangkay nito at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na
buhatin ang bangkay kung kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.Sa kabila ng nangyari ay
hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip ipinagpatuloy niya ang adhikain ng
ama na makapagtayo ng paaralan.Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos
ng pagbabasbas. Muli na namang tinira ni Padre Damaso ang binata.Sa pagkakataong ito
ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang saksakin ang pari kung hindi
lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay naging ekskumunikado
siya.Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si
Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si Padre
Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.Sa labis na pagdaramdam ng
dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang bisa ang pagiging
ekskomunikado ni Ibarra.Subalit may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang
pinagbintangan. Kahit walang kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas
si Ibarra sa tulong ni Elias.Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na
makapag-usap bago gawin ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre
Damaso ang totoong ama ni Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at
planong pagpapakasal ng dalawa.Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra.
Nakalagpas man sila sa ilang gwardiya sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang
sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong
nito sa tubig.Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga
sibil hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asawa si Maria Clara dahil
pag-aakalang patay na si Ibarra.Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang
maging isang madre. Napilitang pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil
magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag.Noche Buena na nang makarating si
Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio
at malamig na bangkay ni Sisa. Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias.
Mamamatay siyang hindi nakikita ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para
sa mga makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag ding makakalimot sa mga nabulid sa
dilim ng gabi.
Buod ng El Filibusterismo (The Reign of Greed)

Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias. Isang bapor na


nangangalang Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at Laguna. Nakasakay
ang mag-aalahas na si Simoun, Basillo, at Isagani.Si Basillo ay nakarating sa San Diego
upang dalawin ang yumao niyang ina sa libingan ng mga Ibarra. Di-inaasahang nagkita
niya si Simoun na nakilalang si Crisostomo Ibarra na ngayon nagkunwari. Tinangka ni
Ibarra na patayin si Basillo ngunit nagdesisyon siya na samahin si Basillo sa layuning
maghiganti sa mga Kastilla. Tinanggihan ng binata nang dahil nais niyang makatapos sa
pag-aaral. Ang mga mag-aaral na Pilipino ay samantalang naghain sa isang kahilingan na
itatag ang isang Akademiya ng Wikang Kastila ngunit hindi ipinagtibay nang dahil sa
pamamahala ng mga pari. Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling inalok nga
magkaisa sa paghimagsik sa Sta. Clara para agawin si Maria Clara ngunit binawian ng
buhay ang dalaga maghapon. Samantala, ang mga mag-aaral ay pumunta sa isang salu-
salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto upang magtalumpati laban sa mga pari na
hindi ipinagtibay ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Ang unibersidad,
kinabukasan ay natagpuan na may mga paskin na naglalaman ng paghihimagsik. Dahil
dito ay ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral at nadamay si Basillo. Tuluyan
ng nilapitan ng kanyang kasintahang si Juli upang ipalaya ang binata. Pinilit din siya ni
Hermana Bali sa kadahilanang ang pari ay nag-iisang maaring lapitan. Napawalang-sala
ang mga mag-aaral nang kanilang nilakad ng mga kamag-anak nila maliban kay Basillo
na wala siyang kamag-anak. Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni Padre Camorra ang
panghahalay sa kanya. Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti sa pamamagitan
ng pakikipagsanib niya sa negosyo ni Don Timoeo Pelaez, ang ama ni Juanito, na
ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez, na ang ninong ay ang Kapitan Heneral.
Nakalaya si Basillo makalipas ng dalawang buwan sa tulong ni Simoun. Tinanggap ni
Basillo ang alok ni Simoun nang dahil sa pangyayaring ito at ang pagkamatay ni Juli.
Ipinakita ni Simoun ang lamparang granada na itanim niya bilang handog sa kasal ni
Juanito at Paulita na king itataas ang apoy matapos malabo ng dalawampung minuto ay
magpuputok ng malaki bilang senyas na magsisimula na ang paghihimagsik Sa araw ng
kasal ay nasimula na nila ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani na dating kasintahan ni
Paulita Gomez. Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at binalaang umalis para
hindi na madamay. Nang iniutos ng Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara
kay Padre Irene, biglang inagaw ni Isagani at inihagis ang lampara sa ilog. Nabigo ang
balak ni Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni Padre Florentino. Uminom siya ng lason
at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para hindi na siya aabuting buhay.
Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni Padre Florentino ang
naiwang alahas ni Simoum.
Mi Ultimo Adios (Huling Paalam)

Paalam, bayan kong minamahal


lupa mong sagana sa sikat ng araw;
Edeng paraiso ang dito'y pumanaw
at Perlas ng dagat sa may Silanganan.
Buong kasiyahang inihahain ko
kahiman aba na ang buhay kong ito.
maging dakila ma'y alay rin sa iyo
kung ito'y dahil sa kaligayahan mo.
Ang nakikilabang dumog sa digmaan
inihahandog din ang kanilang buhay.
kahit kahirapa'y hindi gunamgunam
sa kasawian man o pagtatagumpay.

Maging bibitaya't, mabangis na sakit


o pakikilabang suong ay panganib
titiising lahat kung siyang nais
ng tahana't bayang aking iniibig.
Mamamatay akong sa aking pangmalas
silahis ng langit ay nanganganinag
ang pisgni ng araw ay muling sisikat
sa kabila nitong malamlam na ulap.
Kahit aking buhay, aking hinahangad
na aking ihandog kapag kailangan
sa ikaririlag ng yong pagsilang
dugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang
Mulang magkaisip at lumaking sukat
pinangarap ko sa bait ay maganap;
ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyas
na nakaliligid sa silangan dagat.
Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningning
sa mata'y wala nang luhang mapapait
wala ka ng poot, wala ng ligalig
walang kadungua't munti mang hilahil.
Sa aba kong buhay, may banal na nais
kagaling'y kamtan nang ito'y masulit
ng aking kaluluwang handa nang umalis
ligaya'y angkin mo, pagkarikit-dikit.

Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas,


ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan
ng isang buhay na lipos ng kariktan
sa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay.
Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansin
sa gitna ng mga damong masisinsin
nipot na bulaklak sa ibabaw ng libing
ito'y halikan mo't, itaos sa akin.
Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamis
pagsintang sa dibdib may tanging angkin
hayaang noo ko'y tumanggap ng init
pagka't natabunan ng lupang malamig.
Hayaang ang buwan sa aki'y magmasid
kalat na liwanag, malamlam pa mandin;
Hayaang liwayway ihatid sa akin
ang banaag niyang dagling nagmamaliw.
Hayaang gumibik ang simoy ng hangin
hayaan sa himig masayang awitin
ng ibong darapo sa kurus ng libing
ang payapang buhay ay langit ng aliw.
Hayaang ang araw na lubhang maningas
gawing parang ulap sa patak ng ulan
maging panganorin sa langit umakyat
ang mga daing ko'y kasama't kalangkap.
Hayaang ang aking madaling pagpanaw
iluha ng mga labis na nagmahal
kapag may nag-usal sa akin ng dasal
ako'y iyo sanang idalangin naman.
Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,
mga nangamatay pati naghihirap
mga dusa't sakit ina'y tumatanggap
ng tigib ng lungkot at luhang masaklap.

Ipagdasal mo rin mga naulila


at nangapipiit sakbibi ng diwa;
ipagdasal mo rin tubusing talaga
ang pagka-aliping laging binabata.
Kapag madilim na sa abang libingan
at nilalambungan ang gabing mapanglaw
walang nakatanod kundi pulos patay
huwag gambalain, ang katahimikan.
Magbigay-pitagan sa hiwagang lihim
at mauulinig wari'y mga tinig
ng isang salteryo, ito'y ako na rin
inaawitan ka ng aking pag-ibig.

Kung nalimutan na yaring aking libing


kurus man at bato'y wala na rin mandin
bayaang sa bukid lupa'y bungkalin
at ito'y isabong sa himpapawirin.
Limutin man ako'y di na kailangan
aking lilibuting iyong kalawakan
at dadalhin ako sa 'yong kaparangan
magiging taginting yaring alingawngaw.
Ang samyo, tinig at himig na masaya
kulay at liwanag may lugod sa mata
paulit-ulitin sa tuwi-tuwina
ang aking taimtim na nasa't pag-asa.
To the Filipino Youth (Sa kabataang Pilipino)

Itaas ang iyong noong aliwalas,


Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.
Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,
Mga puso namin ay nangaghihintay;
Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y
Ilipad mo roon sa kaitaasan.
Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw
Na ang silahis ng dunong at sining;
Kilos, Kabataan, at iyong lagutin,
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
Masdan mo ang putong na nakasisilaw,
Sa gitna ng dilim ay dakilang alay,
Ang putong na yaon ay dakilang alay,
Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.
O, ikaw na iyang may pakpak ng nais
At handang lumipad sa rurok ng langit,
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip.
Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog,
Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot
Lunas na mabisa sa dusa't himutok
Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot.
Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay,
Sa marmol na batong tigas ay sukdulan,
At ang alaalang wagas at dalisay
Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan.
At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles,
Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,
O sa isang putol na lonang makitid
Nagsalin ng kulay at ganda ng langit.
Hayo na ngayon dito papag-alabin mo,
Ang apoy ng iyong isip at talino,
Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo,
At ipagbansagan ang dangal ng tao.
O dakilang araw ng tuwa at galak,
Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas!
Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap,
Umakay sa iyo sa magandang palad.
Flor Ideal (Kamithi-mithing Bulaklak)
Fernando Canon

Ang hamog ng mga mapuputing bulaklak,

Ay napapawalang-wakas sa bulaklak

lyang mga burol, bulaklak na sa ubod niyang sumisibol

Ay nakakulong ang halik ng pag-ibig ni Bathala.

Na dala roon ng maalab na tagulaylay

Na walang-wakas na pag-awit ng mga makabayan.

Maputing bulaklak ng kabundukan

Na winawagayway sa bughaw ng kalangitan.

Kapag ang mga kabayanihan ay lumitaw.

Dumadami ka't bumubukadkad saanman;

Ngunit nagtatago't pumapanaw

O naging pulahan.

You might also like