Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Rushed L.

Cuaresma

12 – Brown

Filipino sa Piling Larang Kit 3

SUBUKIN NATIN

1. B
2. C
3. A
4. F
5. E

GAWIN NATIN

Ang Tangi Kong Kayamanan

Ang lahat ay may kanya-kanyang itinuturing na kayamanan, maaaring ito ay gamit, salapi,
memorya, o tao. Hindi mo kailangan maging mayaman upang ika’y magkaroon ng kayamanan. Tulad
ng karamihan simple lamang ang itinuturing kong kayamanan at ito’y kasama ko at nasa loob ko
mismo.

Ang tangi kong kayamanan ay ang aking pamilya at pagmamahal na ibinibigay sa akin at
binibigay ko sa kanila. Wala man itong ganoon kalaking halaga sa pera ngunit ito ay may malaking
halaga sa aking buhay. Ito ang dahilan kung kaya’t ako’y nabubuhay ng matiwasay at nagpapatuloy
na mabuhay ng masaya. Tunay ngang masasabi nating ano man ang estado mo sa buhay ikaw ay
mayaman sapagkat ang kayamang iyong itinuturing ang nagpapayaman sa iyo na siyang
nagpapaginhawa sa iyong kalooban. Kung kaya’t ito ang tanong ko sa inyo. Kayo? Ano nga ba ang
itinuturing niyong natatanging kayamanan na inyong pagmamay-ari at hinding-hindi mawawala sa
inyo panghabang buhay?

Tama na

Kailan nga ba ang tamang oras na masasabi mong “Tama na”. Lahat tayo ay may panahong
pagod na pagod ka na at hindi mo na kaya pang kumilos. Sa mga pagkakataong ito ay hindi mo na
kailangang magpatuloy pa sapagkat ito ang oras na kailangan mong huminto saglit at magpahinga.
Ngunit kung talagang wala ka ng nakikitang pang pag-asa upang ipagpatuloy ang isang bagay o di
kaya masasabi mong nagawa mo na ang lahat na maaaring gawin, diyan mo sasambitin ang
katagang “Tama na, huminto ka na panahon naman para sa sarili mo.” Pero hindi ibig sabihin na ika’y
huminto ay nawalan ka na rin ng pag-asa dahil sinasabi mo lamang na tama na ang gawaing ito
panahon naman para sa iba at panahon naman upang humingi ng tulong at sumandal sa iba. Hindi sa
lahat ng oras ay kaya nating mag-isa ang lahat-lahat ng bagay at dapat tayong magpatuloy pa kahit
walang-wala na dahil katulad ng kailangan nating matutong humindi dapat ay matuto rin taying
huminto, magpahinga, at magsabing tama na. Kaya sa lahat ng mga nakikinig sa akin dapat niyong
itanim sa inyong isipan na ang pagsabi ng “Tama na” ay hindi mali kung hindi isang pahiwatig na
nagawa mo na ang at panahon na para magpahinga.
Tao Rin Naman Ako

Ang lahat ng tao ay may Karapatan ngunit paano kung ang mga karapatang ito ay
hindi maranasan ng isang tao, maituturing pa ba natin siyang tao? Maraming tao ang nakakaranas ng
karahasan at paghihirap na tila ba itinuturing silang hayop. Binubugbog, hindi pinapakain ng tama,
sinasamantala, ikinukulong, at pinahihirapan ng sobra-sobra na nagiging dahilan upang hindi nila
maranasan ang mga karapatang para sa kanila at kaginhawaan at kasiyahang dapat maranasan. Sa
kabila ng lahat ng ito hindi mo maaaring ikailang tao pa rin sila ngunit bakit tila hayop kung tratuhin.
Lagi niyong tatandaan na kahit ano man ang inyong nararanasan at tanggalan nila kayo ng karapatan
tao pa rin kayo dahil hindi ang karapatan niyo ang magdidikta kung ano kayo. Lagi niyong sasabihin
sa inyong sarili “ Tao rin naman ako, kung kaya nilang tanggalin ang karapatan ko kayang-kaya ko
itong ibalik.” Tanggalin man ng iba ang karapatan mo bilang tao, tao ka rin naman na may mga
kakahayang pantao at kabilang doon ang makatakas sa karahasan, ibalik ang karapatang para sayo,
at ipalala sa iyong sarili at sa lahat ng tao na “Tao rin naman ako.”

SANAYIN NATIN

Administrasyong Duterte

Sino nga ba si President Rodrigo Roa Duterte? Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang
pangulong nanggaling sa Mindanao at itunuturing na agresibong pinuno kung kaya’t binansagan
siyang Bakal na Kamay. Siya rin ang ikalabing-anim na president ng bansang Pilipinas.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno maraming lugar sa Luzon na itinuturing na marumi ang


nalinis katulad ng Manila Bay. Ipinagpatuloy niya rin ang Agrarian Reform Program at nagpatupad ng
martial law sa Mindanao noong nagkaroon ng bombing sa Davao. Ang mga ito ay ilan lamang sa
kanyang nagawa at talagang iyong makikita ang mga pagbabagong nangyari nang siya ay namuno sa
PIlipinas. Ngunit sa kabila ng kanyang mga nagawa marami pa rin ang kontra sa kanyang
pamamalakad na siyang hindi mawawala sa poitika ngunit kahit na ganito pinapabayaan lamang ito
ng pangulo katulad na lamang ng pagprotesta ng mga tao na kadalasang kinokontra ng nasa itaas
pero sa kanyang pamumuno binibigyan niya sila ng Kalayaan ipahayag ang kanilang saloobin. Tunay
ngang maituturing nating isa siya sa mga pangulong itinuturing na dakila ng mga tao at may
pamamalakad na kakaiba.

SURIIN NATIN

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.
9.

10.

PAYABUNGIN NATIN

Kung ako sa G. Pascual ipakikila ko ang aking sarili sa isang simple ngunit mabisang paraan na
kung saan makikila ako ng aking mga estudyante at tatatak sa kanila ang aking pangalan.
Ipapaliwanag ko rin sa kanila ang dahilan ng aking paghalili kay G. Larcyneil sa paraang magaan at
hindi nakakahimasok ng buhay ng iba. Ang laman naman ng aking pagtatalakay ay ang mga leksyon
na magpapatuloy sa leksyon ni G. Larcyneil at hindi lalayo rito upang makasunod ng maayos ang mga
estudyante. Ibabase ko rin sa libro ang aking maga ituturo sa bata upang hindi na nila kailangan pang
maghanap ng pahirapan sa iba’t ibang reprensiyo. Ang isang mabisang guro ay ang gurong
naiintindihan ang kanyang mga estudyante at may simpatya sa kanila hindi ang gurong sarili lang ang
iniisip.

You might also like