Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Kasaysayan ng Daigdig

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang.


makamit ang ang 80% ng pagkatuto sa mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga dahilan sa paglakas at pagbagsak ng Imperyong Macedonia


2. Nabibigyang halaga ang mga nagawa ni Alexander sa kanyang Imperyo sa
pamamagitan ng pagkilala sa kanya bilang isang tanyag na pinuno.
3. Nakagagawa ng timeline tungkol sa mga mahahalagang kaganapan sa Imperyong
Macedonia.

II. NILALAMAN
Paksa: Imperyong Macedonia
Sanggunian: Kasaysayan Ng Daigdig p.p 155

Kagamitan: laptop, powerpoint presentation, graphic organizer, pictures

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pagtatala ng liban sa klase

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

C. PAGGANYAK

Ngayon ay nais kong tingnan at unawain


ninyong mabuti ang larawan na inyong
nakikita. Sa palagay ninyo sino kaya ang nasa
larawan
Ma'am si Alexander the Great po.
A_E_A_D_R T_E G_E_T
Clue:
1. Siya ay tanyag na Hari ng Macedonia
2. Siya ay anak ni haring Philip.

Tama, Siya si Alexander the Great, at alam


kong narinig na ninyo ang kanyang pangalan
lalo na kapag ang usapan ay may kinalaman sa Ma'am pag-aaralan po natin ang
kasaysayan. kanyang mga nagawa Sa kanyang
nasasakupan.
Sa inyong palagay ano kaya ang kinalaman ni
Alexander sa ating pag aaralan? Ma'am ang tawag po sa kanyang
nasasakopan ay Macedonia.

Tama, Ano kaya ang pangalan o tawag sa


kanyang nasasakupan?

Mahusay, ang pag aaralan natin sa araw na ito


ay ang Imperyong Macedonia.

IV. PAGTATALAKAY NG ARALIN Ma'am ang ama po ni Alexander the


great ay si haring Philip.
Bago ang lahat nais ko munang itanong kung
sino nga ulit ang ama ni Alexander the great
kung natatandaan ninyo ay nabanggit natin siya
kanina.

Magaling ang kanyang ama ay si haring Philip.

Alam nyo ba na hinangad ni haring Philip, hari


ng Macedonia na pag isahin ang mga lungsod
estado sa Greece sa ilalim ng kanyang
pamamahala. Upang matupad ang kanyang Ma'am kung nais ko pong pag isahin ang
hangarin ay mayroon syang ginawang hakbang, mga estado ay dapat po mayroon akong
sa tingin ninyo kung kayo ang nasa kalagayan malakas na hukbo upang sakupin at
ni haring Philip paano ninyo isasakatuparan ang protektahan ang estado.
iyong hangarin?

Tama, katulad mo ay bumuo si haring Philip ng


isang hukbo at sinanay ang mga ito sa
pinakamabisang paraan ng pakikidigma. Bilang
pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay
ng magkasanib pwersa ng Athens at ng Thebes
ang Macedonia noong 338 BCE. Madaling
tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod
estado. Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay
hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga
lungsod estado. Ang buong Greece maliban sa
Sparta ay napasailalim ng kapangyarihan ng
Macedonia.

Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang


anak ni Philip na si Alexander the Great. Noong
siya ay bata pa lamang, naging guro niya si
Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal
sa kultura at karunungan.

Sa tingin ninyo ano ang katangian upang


maging isang mahusay na pinuno?
Ma'am ang katangian po ng isang
mahusay na pinuno para sa akin ay dapat
po matalino at malakas ang loob.
Magaling ang iyong mga nabanggit ay ilan sa
mga katangian na dapat taglayin ng isang
mahusay na pinuno.

Si Alexander ay Matalino at Malakas ang loob


kung ilarawan ng mga tao. Isa nga sa
pinakatanyag na nagawa niya ay ang pagtatag
ng Imperyo na sumakop sa kabuuan ng
Kanlurang Asya, Egypt, at India.
Ngunit namatay si Alexander sa edad na 32 sa
Babylon noong 323 BC sa isang di matiyak na
karamdaman at doon nga ay unti unting humina
ang Imperyo.

May mga katanungan O karagdangan ba kayo


na maaring maibahagi sa klase? Wala na po ma'am

V. PANGWAKAS NA GAWAIN

A. Paglalahat (5 minuto)

Batay sa inyong mga naunawaan, ano kaya ang M'am pinalakas po nila ang kanilang
mga hakbang na ginawa ng Macedonia upang hukbo sa pamamagitan ng pagsasanay sa
masakop ang mga lungsod estado? pakikidigma.

Mahusay, ano pa kaya ang ibang dahilan Ma'am si Haring Philip at Alexander the
maliban sa nabanggit? Great po ay mahusay na pinuno

Tama, Isa sa mga dahilan kaya mabilis nila


nasakop ay mahusay ang kanilang pinuno,
talaga namang napakahuhusay ninyo.

B. Paglalapat (10 minuto)

Panuto: Gumawa ng timeline at itala ang


mahahalagang kaganapan sa panahon ng
Imperyong Macedonia.

Petsa Kaganapan

C. Pagpapahalaga (5 minuto)

Sa tingin ninyo gaano kahalaga ang


pagkakaroon ng isang mahisay na pinuno
katulad ni Haeing Philip at Alexander The
Great?

Sa palagay ko po ma'am ay mahalaga na


dapat mahusay ang pinuno dahil siya
ang mamumuno at sa kanya magmumula
Mahusay! Tunay nga naman ang mga desiayon at pagpapasya pati na
At dahil dyan naintindihan ba ninyong lahat rin ang plano para sa kanyang
ang ating tinalakay sa araw na ito? nasasakupan.

May katanungan pa ba kayo?

Wala na po ma'am.
D. Pagtataya:

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan, isulat ang tamang sagot sa papel.

1.) Sino ang hari na naghangad na pag isahin ang mga lungsod estado sa ilalim ng kanyang
pamamahala?

A. Philip. C. Aristotle
B. Marcus. D. Newton

2.)Sino ang pinakatanyag na hari ng Imperyong Macedonia?

A. Einstein. C. Beowulf
B. Homer. D. Alexander the Great

3.)Sino ang guro ni Alexander na nagturo sa kanya ng pagmamahal sa kultura at karunungan?

A. Philip C. Alexander
B. Aristotle. D. Lahat ng Nabanggit

4.) Kailan namatay si Alexander The Great?

A.2000 BC C. 123 BCE


B. 323 BCE D. Wala sa nabanggit

5.) Saan namatay ai Alexander the Great?

A. Athens. C. Babylon
B. Greece D. Lahat ng nabanggit

VI. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Roma.

You might also like