Professional Documents
Culture Documents
Ap6 Week 3
Ap6 Week 3
Unang Araw
I. Layunin
1.Natatalakay ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagbuo ng Kilusang
Sekularisasyon II. Nilalaman
A.Paksa:
Pagtalakay sa mga Pangyayari na Nagbigay Daan sa Pagbuo ng
Kilusang Sekularisasyon B.Sanggunian:
CG-AP6PMK-Ic-5, LM
Pilipinas: Bansang Malaya, pp. 97-99
Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 180-181
C.Kagamitan:
Manila paper, larawan, pentel pen III.
Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral
Thumbs Up kung sang-ayon sa pagbubukas ng Suez Canal
Thumbs Down kung hindi sang-ayon
➢ Umikli ang paglalakbay mula Maynila patungong Barcelona sa
España
➢ Hindi umunlad ang kalakalang pandaigdig ng Pilipinas
➢ Isang taon ang naging paglalakbay
➢ Maraming Pilipino ang nakarating sa España at mga bansa sa
Europa
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
a. Ipagawa ang nasa LM, Aktibiti 1
b. Pangkatang Gawain
(Tingnan ang LM, Aktibiti 2, para sa gawain ng bawat pangkat)
2. Analisis
Pagtalakay sa mga pangyayaring nagbigay daan sa pagbuo ng kilusan
bunga ng sekularisasyon
a.Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang nangyari sa
pagkakabuo ng Kilusang Sekularisasyon?
b. Paano nakagising sa diwang makabansa ng mga Pilipino ang
sekularisasyon?
c. Makatarungan ba ang hatol na kamatayan kina Padre
Gomez,Burgos at Zamora? Bakit?
d. Anu-anong aral sa panahon ng Espanyol ang magagamit mo sa
kasalukuyan?
3. Abstraksyon Itanong:
a. Paano nakaapekto ang paggarote sa tatlong pari sa pagusbong
ng makabayang damdamin ng mga Pilipino? Masdan ang larawan
ng tatlong paring martir.
b. Kilalanin at ilarawan ang bawat isa.
www.google.com
4. Aplikasyon
Pagsulat ng isang sanaysay tungkol sa nagawa ng Sekularisasyon at
Pag-aalsa sa Cavite sa pagbangon ng damdaming makabayan ng mga
Pilipino.
5. Paglalahat
Ipabuod ang pangyayaring nagbigay daan sa pagkakabuo ng
Kilusang Sekularisasyon.
IV. Pagtataya
Panuto: Punan ng angkop salita ang bawat patlang na tumatalakay sa mga
pangyayari na nagbigay daan sa pagbuo ng Kilusang Sekularisasyon. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon sa ibaba.
1. Iniutos ng hari ng España ang _______________ng mga parokya.
2. Nang magbalik ang mga _____________sa Pilipinas, nabawi nila ang
kanilang mga parokya sa Mindanao mula sa mga Recoletos.
3. Inilunsad ni Padre Pedro Pelaez ang isang kilusan ukol sa sekularisasyon
ng mga parokya na naging hudyat ng ______________.
4. Nakapukaw sa damdamin ng mga Pilipino ang ________________ sa
tatlong paring martir.
5. Ang mga paring sekular sa pamumuno ni ______________ ay bumuo ng
Kilusang Sekularisasyon ng mga Parokya.
Sekularisasyon
Pagpugot sa ulo
Pilipinisasyon sa Simbahang Katoliko
Heswita
V. Takda
Gumawa ng poster na nagpapakita ng kagitingan ng tatlong paring martir.
Unang Markahan – Ikatlong Linggo
Ikalawang Araw
I. Layunin
1.Natutukoy ang mga ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng
damdaming makabayan ng mga Pilipino II. Nilalaman
A.Paksa:
Pagtukoy sa mga Ambag ng Kilusang Propaganda sa Pagpukaw ng
damdaming Makabayan ng mga Pilipino B.Sanggunian:
CG-AP6PMK-Ic-6, LM Pilipinas: Bansang Malaya, pp. 100-101
Pilipinas: Bansang Papaunlad, pp. 180-181 C.Kagamitan:
Manila paper, larawan ng mga bayani, pentel pen, metacards III.
Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral
Pagpapakita ng ginawang poster batay sa kanilang takdang aralin.
Pagpapaliwanag ng tungkol dito.
B.Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
a. Pagbasa sa teksto tungkol sa pagkakatatag ng Kilusang
Propaganda(tingnan ang LM)
b. Pangkatang Gawain
(Tingnan ang Pangkatang gawain sa LM, Aktibiti 2)
Pangkat I- Piliin ang larawan ng mga bayaning nagtatag ng
Kilusang Propaganda
Pangkat II- Piliin ang mga akdang ginamit ng mga propagandista
na pumukaw sa damdaming makabansa ng mga Pilipino
Pangkat III- Ipakitang kilos ang mga ginawang hakbang ng mga
bayaning Pilipino sa pagtatag ng Kilusang Propaganda
Pangkat IV- Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga ginawa ng
mga makabayang Pilipino na pumukaw sa damdaming makabansa
ng mga Pilipino
2. Analisis
Pagtalakay sa ginawa ng bawat pangkat
3. Abstraksyon
Tanungin ang mga bata:
a. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari kaugnay ng Kilusang
Propaganda?
b. Ano-ano ang layunin ng kilusang propaganda?
c. Paano isinulong ng mga propagandista ang kanilang layunin?
d. Ano ang naging reaksiyon ng pamahalaang kolonyal sa kilusang
propaganda?
e. Epektibo ba ang ginamit na paraan ng mga propagandista sa
pagkamit ng reporma?
4. Aplikasyon Pag-Isipan Mo!
➢ Sa ginawang pagtatag ng mga kilusan ng ating mga bayani
noon ay gumawa sila ng mga patakaran upang mapanatili ang
kaayusan at pagkakaisa. Magagawa rin kaya natin ito sa ating
paaralan?
➢ Ano sa palagay ninyo ang maaaring mangyari kung ang ilan sa
mga mag-aaral ay hindi susunod sa mga patakarang ito?
5. Paglalahat
Ano-anong pangyayari ang nagbigay daan sa pagbuo ng
Kilusang Sekularisasyon?
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap.Tukuyin kung alin sa mga ito ang
naiambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw sa damdaming makabansa
ng mga Pilipino. Piliin ang titik at isulat sa sagutang papel.
Ikatlong Araw
I. Layunin
1. Natatalakay ang mahalagang detalye sa pagkatatag ng Katipunan
II. Nilalaman A.
Paksa:
Pagtalakay sa Mahalagang Detalye sa Pagkatatag ng Katipunan B.
Sanggunian:
CG-AP6PMK-Ic-7, LM, Pilipinas: Bansang Malaya, pp. 101-102
Pilipinas: Bansang Papaunlad, p. 181 C.
Kagamitan:
Manila paper, larawan ng mga bayani, pentel pen, video
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral
Laro: ”Pinoy Henyo”
Mga pangyayari, mga bayani, lugar at mga akda ng mga
Propagandista.
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
a. Panonood ng video clips
(https://www.com./watch?v=F2qYeJKBPhA) o basahin ang teksto
tungkol sa Pagkakatatag ng Katipunan (Tingnan ang LM)
b. Pangkatang Gawain
Pangkat I- (Semantic Web)-Mangalap ng datos sa mahahalagang
detalye tungo sa pagkatatag ng Katipunan
Pangkat II-(Dula-dulaan)-Pagsasadula sa mga pangyayaring
nagbigay daan sa paglaganap ng Katipunan.
Pangkat III-(Akronim)-Pagbibigay ng kahulugan sa akronim ng KKK
Pangkat IV-(Paggawa ng Collage)-Gamit ang mga ginupit na
larawan, bumuo ng collage na nagpapakita ng mga taong may
mahalagang ginampanan sa pagkakatatag ng katipunan
2. Analisis
Pagtalakay sa isinagawang gawain ng bawat pangkat.
3. Abstraksyon Itanong:
➢ Bakit naisipan ni Andres Bonifacio na itatag ang K K K at bakit
sa simula ay inilihim muna nila ito?
➢ Katulad ni Andres Bonifacio, ano ang masasabi ninyo sa mga
naging kasapi ng kilusang ito?
➢ Sa dahilang marami sa kanila ang mga walang pinag-aralan,
sino ang pinili ni Andres Bonifacio na maging tagapayo niya?
Bakit?
➢ Naging matagumpay ba kaagad ang pakikipaglaban ng mga
Katipunero? Bakit?
➢ Sa pangkalahatan, nagtagumpay ba ang kilusan sa tunay nitong
hangarin para sa mga Pilipino laban sa mga Español?
➢ Ano ang naging bansag kay Andres Bonifacio? Emilio Jacinto?
Sa lahat ng mga kasapi ng Katipunan? Ipaliwanag kung bakit?
4. Aplikasyon
Pangkatang Gawain
Panuto: Ibigay ang iyong natutuhan tungkol sa mga sumusunod:
Pangkat I-Ama ng Katipunan
Pangkat II-Utak ng Katipunan
Pangkat III-Katipunero
Pangkat IV-Sigaw sa Pugad Lawin
5. Paglalahat
Sagutan:
Paano nabuo ang kilusang Katipunan?
IV. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong upang matalakay ang mga
pangyayari sa pagkatatag ng Katipunan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot. (Pakitingnan ang LM, Aktibiti 4)
1.Sino ang namuno sa Kilusang Katipunan?
a. Emilio Jacinto c. Emilio Aguinaldo
b. Andres Bonifacio d. Apolinario Mabini
2.Bakit nagkaroon ng ideya ang mga Pilipino noon na itatag ang katipunan?
a. Nakilala ang maraming Pilipino noon sa iba’t ibang larangan
b. Hindi gaanong nagtagumpay ang mga kilusang itinatag ng mga
propagandista.
c. Nais lamang nilang magtatag ng kanilang sariling kilusan
d. Nalungkot sina Andres Bonifacio na hindi sila nakasali sa Kilusang
Propaganda dahil wala naman silang mga pinag-aralan
3.Handa na ba sina Andres Bonifacio sa pakikipaglaban noon nang
mabunyag ang lihim na kilusang Katipunan? a. Oo c. Hindi pa
b. Baka d. Ewan
4.Ano ang maaaring magyari kung hindi naitatag ang kilusang katipunan?
a. Magkakaroon ng pangkalahatang kalayaan ang Pilipinas
b. Hindi magsisimula ang himagsikan
c. Hindi susuko ang mga Pilipino
d. Magkakaroon ng kontrol ang mga Pilipino sa buong bansa 5.Ano kaya
ang naging bunga kung hindi nagtagumpay ang mga Katipunero?
a. Lubos na naipalaganap ang Kristiyanismo
b. Mahihikayat ang mga Pilipino na mag-alsa
c. Hindi lalaganap ang katipunan sa ating bansa
d. Malayang maipahahayag ang damdamin ng bawat isa
V. Takda
Mangalap ng mga larawan o karagdagang impormasyon tungkol sa Kilusang
Katipunan.
Unang Markahan – Ikatlong Linggo
Ikaapat na Araw
I. Layunin
1. Natutukoy/Nahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa
himagsikan/kilusan
II. Nilalaman A.
Paksa:
Implikasyon ng Kawalan ng Pagkakaisa sa Himagsikan at Kilusan B.
Sanggunian:
CG-AP6PMK-Ic-8, LM, Pilipinas: Bansang Malaya, pp. 103-105, 107
Yaman ng Pilipinas pp. 138-139 C. Kagamitan:
Manila paper, pentel pen, video, larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral
Pagbuo ng “Picture Puzzle”
Gamit ang pinaghati-hating bahagi ng larawan ng mga bayani, bubuuin
ng bawat pangkat ang bawat larawan.
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
a. Panonood ng isang video clips tungkol sa Himagsikang Pilipino ng
1896.../Videos/Free YouTube Downloader/1896 Mga Unang Araw
ng Rebolusyon – YouTube.mp4
b. Pangkatang Gawain
Pangkat I-(Pagsasadula)
Panuto: Pumili ng bahagi sa pinanood na nagpapakita ng hindi nila
pagkakaisa
Pangkat II-(Pag-awit)
Panuto: Bumuo ng awit o jingle na angkop sa napanood
Pangkat III-(Pagtula)
Panuto: Kumatha ng isang taludtod ng tula tungkol sa hindi
pakikiisa ng mga namuno sa himagsikan/kilusan
Pangkat IV-(Akrostik)
Panuto: Bumuo ng akrostik gamit ang salitang H I M A G S I K A N
batay sa napanood
2. Analisis
Pag-uulat o pagsasagawa ng bawat pangkat
Pagtalakay ng guro sa isinagawang gawain ng pangkat
3. Abstraksyon
a. Pagbuo ng K-W-L o Know-Want-Learn tsart batay sa pinanood na
video.
Ibigay ang mga gabay na tanong upang mabuo ang tsart Tingnan
ang Aktibiti 2 sa LM)
I. Layunin
1. Nasasagot nang may katalinuhan at katapatan ang mga katanungan sa
pagsusulit
2. Napapanatiling malinis at maayos ang sagutang papel
II. Nilalaman A.
Paksa:
Lagumang Pagsusulit B.
Sanggunian:
CG, LM
C. Kagamitan:
Test paper, sagutang papel
III. Pamamaraan
1. Pagpapaalala ng mga pamantayan sa pagsusulit
2. Paghahanda ng sagutang papel
3. Pagbibigay/Pagpapaliwanag ng panuto
4. Pagsasagot ng mga bata/Pagsubaybay ng guro
5. Pagwawasto ng papel
6. Pagtatala ng resulta ng pagsusulit
IV. Pagbibigay-Halaga
1. Nasagutan ko ba nang may katalinuhan at katapatan ang mga
katanungan sa pagsusulit?
2. Napanatili ko bang malinis at maayos ang aking sagutang papel?
Unang Markahan – Ikatlong Linggo
Ikalimang Araw
I.Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel.
2. Nais malaman ni Onyok ang kinalalagyan ng Pilipinas sa globo sapagkat ito ang
kanilang takdang aralin. Alin sa mga sumusunod ang tamang kinalalagyan ng
Pilipinas sa globo?
a. 4 digri at 21 digri H Latitud o 116 digri at 127 digri S Latitud
b. 4 digri H at 21 digri S Latitud o 116 digri at 127 digri T
c. 4 digri S at 21digri T
d. 4 digri H Latitud at 21 digri S Latitud
4. Noong Nobyembre 17, 1869, binuksan ang Suez Canal. Alin sa mga sumusunod
ang maituturing na hindi epekto nito sa Pilipinas?
a. Ginamit pa rin ang sasakyang panghipapawid
b. Isang buwan ang nagging paglalakbay patungong España
c. Nagising ang diwang makabansa ng mga Pilipino
d. Lumuwag ang pagpasok sa pilipinas ng mga Europeong pilosopo
12. Bakit nagkaroon ng ideya ang mga Pilipino noon na itatag ang katipunan?
a.Nakilala ang maraming Pilipino noon sa iba’t ibang larangan
b. Hindi gaanong nagtagumpay ang mga kilusang itinatag ng mga propagandista
c. Nais lamang nilang magtatag ng kanilang sariling kilusan
d. Nalungkot sina Andres Bonifacio na hindi sila nakasali sa Kilusang
Propaganda dahil wala naman silang mga pinag-aralan
13. Handa na ba sina Andres Bonifacio sa pakikipaglaban noon nang mabunyag ang
lihim na kilusang Katipunan?
a. Oo b. Hindi pa c. Marahil d. Ewan
14. Ano ang maaaring mangyari kung hindi naitatag ang kilusang katipunan?
a. Magkakaroon ng pangkalahatang kalayaan ang Pilipinas
b. Hindi magsisimula ang himagsikan
c. Hindi susuko ang mga Pilipino
d. Magkakaroon ng kontrol ang mga Pilipino sa buong bansa
15. Ano kaya ang naging bunga kung hindi nagtagumpay ang mga Katipunero?
a. Lubos na naipalaganap ang Kristiyanismo
b. Mahihikayat ang mga Pilipino na mag-alsa
c. Hindi lalaganap ang katipunan sa ating bansa
d. Malayang maipahahayag ang damdamin ng bawat isa
II.Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad nito.
16. Inilunsad ni Padre Pedro Pelaez ang isang kilusan ukol sa sekularisasyon ng
mga parokya na naging hudyat ng Pilipinisasyon ng Simbahang Katoliko.
17. Ang mga paring sekular sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez ay bumuo ng
Kilusang Sekularisasyon ng mga Parokya.