Week 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Unang Markahan – Ikaapat na Linggo Unang Araw

I. Layunin
1. Natatalakay ang mga pangyayaring naganap sa pagsiklab at paglaganap
ng himagsikang Filipino ng 1896
2. Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga maghihimagsik na
Filipino sa panahon ng himagsikan.
3. Nakagagawa ng episodic organizer ng mahahalagang pangyayari sa
Himagsikang Filipino
II. Nilalaman A.
Paksa:
Himagsikang Filipino ng 1896
1.1 Sigaw sa Pugad Lawin
2.2 Paglaganap ng Himagsikan
B. Sanggunian:
AP6PMK-Id-6, LM, TM, Curriculum Guide, BOW 2017
C. Kagamitan:
larawan, episodic organizer, video clip
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-aral
Pagtukoy ng mahahalagang tauhan at detalye tungkol sa katipunan.

“Ano at Sino Ako”


1. Ako ang kinikilalang supremo ng katipunan. Sino ako?
2. Ako ang opisyal na pahayagan ng KKK. Ano ako?
3. Ako ang utak ng katipunan. Sino ako?
4. Ako ang kinapapalooban ng mga katuruan at aral ng katipunan. Ano ako?
5. Ako ang nagtapat sa mga kastila tungkol sa lihim na samahan ng
katipunan.Sino ako? B. Panlinang na Gawain
1.Aktibiti
Pagpapakita ng mga larawan na may kaugnayan sa paksa.Hayaan ang mga
mag-aaral na pansinin at ipaliwanag ang mga larawang ito.
www.google.com
Pagpapanood ng isang videoclip tungkol sa himagsikang Pilipino ng
1896...\Videos\Free YouTube Downloader\1896 Mga Unang araw ng Rebolusyon - YouTube.mp4
2.Analisis
Sagutin ang mga pamprosesong tanong matapos ang panonood.
1. Tungkol saan ang pinanood na video?
2. Sa inyong palagay, bakit nagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng
dalawang pangkat?
3. Ano-ano ang maaring maibunga ng isang hidwaan o alitan?
4. Sa napanood na video ano ang naging sanhi ng pagsiklab ng
himagsikan sa bansa?
5. Sino-sino ang natatanging tao na naghimagsik para ipaglaban ang
bansa? Isa-isahin ang kanilang naging kontribusyon.
3. Abstraksyon
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat para sa gawain ng
pagtatalakay sa himagsikang Pilipino.

Pangkat Kartilya –Gamit ang mga nakatalang impormasyon punan


ang episodic organizer ng mga sanhi ng pagsiklab
ng himagsikan.
Pangkat Kalayaan- Isulat sa mga piraso ng metacards ang mga
pangyayari sa Sigaw sa Pugad Lawin. Itala ang
mga impormasyong isusulat gamit ang episodic
organizer.
Pangkat Katapangan- Itala sa mga piraso ng metacards ang mga
pangyayari sa Paglaganap ng Himagsikan
gamit ang isang episodic organizer.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang sanhi ng pagsiklab ng Himagsikang Pilipino ng 1896?
2. Paano lumaganap ang himagsikan?
3. Ano ang epekto ng himagsikan sa kalagayan ng mga Pilipino
noong panahong iyon?

4. Aplikasyon
A.Pagpapalitan ng Kuro-kuro
May mga natatanging Pilipino na naging bahagi ng
Himagsikang Pilipino ng 1896. Maari ba ninyong isa-isahin ang
mga Pilipinong naghimagsik at kanilang mga katangian?
B. Pakikibahagi
Kung mabibigyan kayo ng pagkakataon na balikan ang mga
kaganapan sa ating kasaysayan at magiging bahagi nito, ano ang
magiging papel mo dito at paano mo ito gagampanan? Ipaliwanag.
5. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng himagsikan sa kasaysayan ng bansang
Pilipinas at sa buhay ng bawat Pilipino?
Ang Himagsikang Pilipino ay nagpapakita ng kabayanihan at
pagmamahal ng mga manghihimagsik para sa kalayaan na nararapat
na tularan ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
IV. Pagtataya
Kumpletuhin ang episodic organizer tungkol sa himagsikang Pilipino ng 1896. Isulat
ang titik ng wastong pagkakasunod-sunod sa bawat bilog ng episode.

a. Sigaw sa Pugad Lawin


b. Pagkakatuklas ng KKK
c. Pagdedeklara ng batas Militar ni Blanco
d. Labanan sa San Juan Del Monte
e. Himagsikan sa pangunguna ng 8 lalawigan.
V. Takda
Magsulat ng sanaysay sa kabayanihan ng mga Pilipino sa panahon ng Himagsikan ng
1896.
Unang Markahan - Ikaapat na Linggo Ikalawang Araw

I. Layunin
1.Naisasalaysay ang naganap na hidwaan ng mga Katipunero sa Cavite
2.Naipapahayag ang sariling damdamin hinggil sa kaguluhang naganap sa
pagitan ng mga Katipunero
3.Nakasusulat ng bukas na liham tungkol sa naging bunga ng
Kumbensiyon sa Tejeros
II. Nilalaman A.
Paksa:
Himagsikang Filipino ng 1896
1.1 Hidwaan sa Cavite
1.2 Kumbensyon sa Imus at Tejeros
B. Sanggunian:
AP6PMK-Id-6, LM ph.60-62, TM, Curriculum Guide, BOW 2017
C. Kagamitan:
Video clip/film, larawan, photo collage
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Balitaan
2.Balik-Aral
Picture Puzzle Drill tungkol sa Sigaw sa Pugadlawin at Paglaganap ng
Himagsikan (Larawan ng Sigaw sa Pugadlawin at labanan ng mga
Katipunero sa mga Espanyol)
Magbigay ng impormasyon sa dalawang larawan.
3.Pagganyak
Pagpapakita ng photo collage ng hidwaan.
Itanong: Sa inyong palagay, ano-ano ang sanhi ng isang hidwaan?
B.Panlinang na Gawain
1.Aktibiti
Pagpapakita ng mga larawan na may kaugnayan sa paksa.Hayaan ang
mga mag-aaral na pansinin at ipaliwanag ang mga larawang ito

www.google.com
Pagpapanood ng isang video clip tungkol sa himagsikang Pilipino ng
1896. http://youtube.com/watch?v=93Cv7tjXFfc
2. Analisis
Sagutin ang mga pamprosesong tanong matapos ang
panonood.
a. Tungkol saan ang pinanood na video?
b. Ano ang Kumbensiyon sa Tejeros? Nalutas ba nito ang suliranin
ng pamumuno sa Katipunan. Pangatwiranan ang iyong sagot.
c.Bakit tinutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal kay Bonifacio
bilang Direktor ng Interyor.
3. Abstraksyon
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat para sa gawain ng
pagtatalakay sa himagsikang Pilipino.
Pangkat I- Storytelling
Hidwaan ng Pangkat Magdalo Vs. Pangkat
Magdiwang
Pangkat II- Dramatization
Kumbensyon sa Imus at Tejeros
Pangkat III- Pagsulat ng Liham
Sumulat ng bukas na liham sa mga katipunero sa
naging bunga ng hidwaan.
Pamprosesong tanong:
a. Paano nagkaroon ng hidwaan ang pangkat Magdiwang at
Magdalo sa Cavite?
b. Ano ang dahilan na nagtulak kay Bonifacio na ipawalang bisa
ang resulta ng halalan?
a. Ano ang nilalaman ng iyong bukas na liham?
b. Ano ang iyong patunay o batayan ng nilalaman ng iyong bukas na
liham? 4. Aplikasyon
Kung nakagalit mo ang iyong kaibigan, paano mo lulutasin ang
inyong hidwaan? 5. Paglalahat
Ang hidwaan sa pagitan ng mga Katipunero ay nagdulot ng
kahinaan ng kilusan at pagkaudlot ng kalayaan.
IV.Pagtataya
Ikuwento mo gamit ang mga larawan (simbolo ng Magdalo at Magdiwang,
Kumbensiyon sa Tejeros, Pagkagalit ni Bonifacio kay Tirona at mapa ng Imus.
www.google.com
V.Takda
Pag-aralan ang mga sumusunod na paksa:
1. Naic Military Agreement
2. Paglilitis at Pagpatay sa Magkapatid na Bonifacio.

Unang Markahan – Ikaapat na Linggo Ikatlong


Araw

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga dahilan ng pagtakda ng Naic Military Agreement
at pagpapasiya sa pagpatay sa magkapatid na Bonifacio
2. Nailalahad ang sariling opinion tungkol sa mga naging pasiya nina
Bonifacio at Aguinaldo batay sa pangyayari
3.Nakagagawa ng cause and effect diagram sa mga nabanggit na
pangyayari
II. Nilalaman A.
Paksa:
Himagsikang Filipino ng 1896
1.1 Naic Military Agreement
1.2 Paglitis at Pagpatay sa Magkapatid na Bonifacio
B. Sanggunian:
AP6PMK-Id-6, LM, TM, Curriculum Guide, Bow 2017 A.
Kagamitan:
metacards, cause and effect diagram III.
Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Balitaan
2.Balik-Aral
Q and A Portion
Itanong: Ano-ano ang mahahalagang aral na iyong natutuhan sa
Kumbensiyon sa Tejeros?
Isulat ito sa metacard.
3.Pagganyak
Ipakita ang larawan ng pagkamatay ng magkapatid na Bonifacio.
Itanong:
1. Ano ang inyong masasabi tungkol sa larawan?
2.Sino-sino ang tauhan na ipinakikita sa larawan?
3.Bakit mahalaga ang ipinakikitang pangyayari sa larawan?

B.Panlinang na Gawain
1.Aktibiti
Magpanood ng video tungkol sa Naic Military Agreement at
Paglilitis sa magkapatid na Bonifacio at Procopio
https://www.youtube.com/watch?v=8zyDiv_-fh4.
Pagkatapos nito magkaroon ng pangkatang gawain at itala ang
mahahalagang detalye gamit ang cause and effect/fishbone diagram.

2.Analisis
Sagutin ang pamprosesong tanong
1.Bakit binuo ni Bonifacio ang Naik Military Agreement?
2.Ano ang epekto ng naturang dokumento kay Bonifacio?
3.Ano ang dahilan ng pagkakadakip ng magkapatid na Bonifacio
4.Ano ang naging bunga ng paglilitis?

3.Abstraksyon
Ilahad ang sariling opinyon tungkol sa mga naging pasiya nina
Bonifacio.
Pamprosesong tanong:
1. Sang-ayon ba kayo sa pagtiwalag ni Bonifacio sa pamahalaan ni
Aguinaldo batay sa Naik Military Agreement? Bakit?
2. Makatarungan ba ang ginawang kaparusahan sa magkapatid na
Bonifacio? Bakit? 4.Aplikasyon Itanong:
Sang-ayon ka ba sa death penalty? Pangatuwiranan.
5.Paglalahat
Ano ang mga naging dahilan ng pagkakabaha-bahagi ng mga
Pilipino?
Ang Naic Military Agreement at ang pagpatay sa magkapatid
na Bonifacio ay nagdulot ng pagkakabaha-bahagi sa mga
manghihimagsik.

IV.Pagtataya
Magbigay ng mga sanhi o dahilan ng pagtakda ng Kasunduang Militar sa Naic at
pagpapasiya sa pagpatay sa magkapatid na Bonifacio. V.Takda
Magkaroon ng maikling pagsasadula ng paglilitis sa magkapatid na Bonifacio.
Unang Markahan - Ikaapat na Linggo Ikaapat na Araw

I. Layunin
1. Naipapaliwanag ang pagkakatatag ng Republika ng Biak na Bato at mga
probisyon ng kasunduan sa Biak na Bato
2. Naibabahagi ang saloobin sa pakikipagkasundo ni Aguinlado sa mga
Espanyol
3. Nakagagawa ng graphic organizer ng mahahalagang probisyon ng
Kasunduan sa Biak na Bato
II. Nilalaman A.
Paksa:
Himagsikang Pilipino ng 1896
1.1 Republika ng Biak na Bato
1.2 Kasunduan sa Biak na Bato
B. Sanggunian:
AP6PMK-Id-6, LM ph.63-64, TM, Curriculum Guide, BOW 2017
C. Kagamitan: metacards, Video Clips, graphic organizer
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral
Pagsagot ng Tama o Mali. Isulat ang T kung wasto ang
impormasyon. Kung mali, palitan ang nakasalungguhit na salita
upang maging wasto ito.
a. Kinuwestiyon ni Patino ang pagkahala kay Bonifaccio bilang
Direktor ng Interyor.
b. Pinatay sina Andres Bonifacio at Cipriano Bonifacio sa Mt.
Nagpatong.
c. Tinawag ni Bonifacio na Tagalog ang mga taong naninirahan sa
Pilipinas.
3. Pagganyak
Ayusin ang mga titik upang makabuo ng
salita GAIASLGN ABTSA Itanong:
Ano ang pumapasok sa inyong isipan tungkol sa salitang
“ saligang batas?”
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Magbibigay ang guro ng mga detalye/impormasyon tungkol sa
Kasunduan sa Biak na Bato. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at
gumawa ng graphic organizer tungkol sa paksa. Itala ang
mahahalagang datos tungkol sa Kasunduan sa Biak na Bato

Kasunduan
sa
Biak na Bato

2. Analisis
a. Paano naitatag ang Republika ng Biak na Bato?
b. Bakit nakipagkasundo si Aguinaldo sa mga Espanyol?
c. Ano-ano ang probisyon ng naturang kasunduan?
d. Masasabi mo bang naging ganap na matagumpay ang Kasunduan
sa Biak na Bato? Ipaliwanag ang iyong sagot.
e. Kung ikaw ay isang rebolusyunaryo, papayag ka bang maipatupad
ang nasabing kasunduan?
3. Abstraksyon
Suriin ang mga probisyong nakapaloob sa Kasunduan ng Biak na
Bato sa pamamagitan ng pagtukoy kung maka Pilipino o
makabanyaga ang mga naturang probisyon.
Pamprosesong tanong:
c. Alin sa mga probisyon ng Kasunduan sa Biak na Bato ang maka
Pilipino o makabanyaga?
d. Bakit mo nasabing maka-Pilipino/ makabanyaga ang probisyon? 4.
Aplikasyon
Gumawa ng sariling probisyon tungkol sa Kasunduan sa Biak na
Bato.
5. Paglalahat
Anong kasunduan ang nagbigay daan sa tuluyang paghina ng mga
maghihimagsik na Pilipino?
IV. Pagtataya
Sumulat ng isang sanaysay na tatalakay sa mga probisyon ng Kasunduan ng
Biak na Bato. (5puntos)
V. Takda
Maghanda ng isang classroom debate tungkol sa mga probisyon ng
Kasunduan sa Biak na Bato.

Unang Markahan – Ikaapat na Linggo


Ikalimang Araw

LAGUMANG PAGSUSULIT

I. Layunin
1. Nakasusunod sa mga panuto sa pagsusulit
2. Nakakukuha ng pagsusulit sa matapat na paraan
3. Nakasasagot nang wasto sa mga tanong

II. Nilalaman A.
Paksa:
Himagsikang Pilipino ng 1896 B.
Sanggunian:
Kayamanan 6, Kamalayang Panlipunan 6, C.
Kagamitan:
test notebook, test paper
III. Pamamaraan
1. Paghahanda
2. Pagpapaliwanag sa panuto
3. Pagsusulit
4. Pagsubaybay ng guro
5. Pagwawasto ng papel at pagtatala sa nakuhang iskor
TALAAN NG ISPISIPIKASYON
Layunin Bilang ng Bahagdan Kinaroroonan
aytem
1. Natutukoy ang mga
pangyayaring naganap 1-10,19, 23,
sa pagsiklab at 15 60% 24, 25
paglaganap ng
Himagsikang Pilipino
noong 1896
2. Nakikilala ang mga
Pilipinong nagpakita 5 20% 16, 17, 18, 20,
ng kagitingan noong 21, 22
panahon ng
himagsikan
3. Natutukoy ang mga
sanhi ng 5 20% 11 - 15
pakikipaglaban ng
mga Pilipino laban sa
Espanyol
Kabuuan 25 100%

I. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa pagsiklab at paglaganap


ng Himagsikang Pilipino noong 1896. Lagyan ito ng bilang 1-5 at isulat sa
patlang.

_____Sigaw sa Pugadlawin
_____Pagkatuklas ng KKK
_____Pagdeklara ng Batas Militar ni Blanco
_____Labanan sa San Juan del Monte
_____Himagsikan sa pangunguna ng 8 lalawigan

II. Bilugan ang bilang ng mga pangyayari para makamit ang kalayaan
1. Pagkatatag ng Katipunan
2. Sigaw sa Pugad Lawin
3. Paghimagsik laban sa mga Espanyol
4. Pagpatay kay Andres Bonifacio
5. Kasunduan sa Biak-na-Bato

III. Ipares sa mga bungang pangyayari sa hanay A ang mga sanhi nito sa hanay B.
Isulat ang letra nito sa patlang.

A B
______11. Higit na nag-alab ang a. Natuklasan ng mga Espanyol ang
damdaming paghihimagsik ng
mga Pilipino balak ng mga Katipunero
______12. Itinatag ng mga Pilipino ang b. Kumalat ang paghihimagsik sa
KKK mga lalawigan
______13. Sinimulan ng mga c. Ibig nilang makamit ang kalayaan
Katipunero ang pakikipaglaban ng bansa
kahit hindi sila nakahanda
______14. Inilagay ng mga Espanyol d. Nilitis at binaril si Jose Rizal
ang Pilipinas sa ilalim ng
Batas Militar
______15. Nahuli ang mga Katipunero e. Naghanda ng mga kagamitang
pandigma ang mga Katipunero
f. Natalo sa labanan ang mga
Katipunero

IV. Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon kung tama ang pahayag at lagyan naman ng ekis
( X ) kung mali.
16. Si Emilio Aguinaldo ang “Utak ng Katipunan.” 17.
Ang Katipunan ay binubuo lamang ng kalalakihan.
18. Naging kasapi ng Katipunan si Jose Rizal.
19. Itinatag ang Republika ng Pilipinas sa pamamagitan ng Kumbensiyon sa Tejeros.
20. Si Teodoro Patiňo ang nagbunyag ng Katipunan.

V. Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat ang lamang ang titik ng tamang sagot
sa patlang.

a. Sigaw sa Pugad Lawin


b. Naic Military Agreement
c. Emilio Aguinaldo
d. Andres Bonifacio
e. Kasunduan sa Biak-na-Bato

__________21. Siya ang “ Ama ng Katipunan”


__________22. Siya ang “ Ama ng Himagsikan”
__________23. Layunin nitong magkaroon ng isang kasunduan para magkaroon ng
isang tigil-putukan.
__________24. “ Mabuhay ang Pilipinas” at “ Mabuhay ang Katipunan!”
__________25. Nilalaman ng kasunduang ito ang pagbuo ng isang pamahalaang
hiwalay at malaya mula sa pamahalaang itinatag sa Tejeros.

You might also like