Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PAGDIRIWANG NG PAGSUSUNOG NG

MGA LUMANG PALASPAS PARA SA


MIYERKULES NG ABO
PANIMULA
Ang lahat ay magtitipon tipon sa pook kung saan susunugin ang mga palaspas.
Pagkapasok ng pari ay magsisimula siya sa tanda ng krus sa kanyang sarili at
pagkatapos ay babatiin niya ang mga natitipon, upang ipaalala sa kanila ang patuloy
na panawagan ng Ama sa pagbabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagsisisi sa ating
mga kasalanan. Isususnod ang ilang sandali ng katahimikan.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Ama naming mapagmahal,


nilikha Mo kami mula sa alabok
at patuloy Mo kaming inaaanyayahang
makibahagi sa kaligtasang dulot ng Iyong Mabuting Balita,
kasama ng buong sambayanan.
Kalugdan Mo kami ng Iyong awa
habang ang mga alabok na ito ay inihahanda
bilang tanda ng pasimula ng paglalakbay namin
sa panahon g Kuwaresma.
Tulutan Mong ang aming paglalakbay sa ilang ng Kuwaresma
ay mag-akay sa amin sa luwalhati ng bagong pagsilang
bunga ng muling pagkabuhay ng Iyong Anak.
Magbunga nawa ng kapayapaan
ang pag-aayuno ng bawat isa
ang panalangin ay magpabanal sa amin
upang makasalo kami sa piging na ‘di magwawakas
sa Iyong kaharian.
Sa pamamagitan ni Kristo,
kaisa ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
PAGSUSUNOG NG PALASPAS
Sisindihan ang mga palaspas na natipon sa isang lalagyan at pagkatapos ay
wiwisikan ng agua bendita. Maaaring awitin o dasalin ang Salmo 51.

Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,


sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;
mga kasalanan ko'y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!

Linisin mo sana ang aking karumhan,


at patawarin mo'ng aking kasalanan!

Mga pagkakasala ko'y kinikilala,


di ko malilimutan, laging alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan;
kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan,
marapat na ako'y iyong parusahan.

Ako'y masama na buhat nang isilang,


makasalanan na nang ako'y iluwal.
Nais mo sa aki'y isang pusong tapat;
puspusin mo ako ng dunong mong wagas.

Ako ay linisin, sala ko'y hugasan


at ako'y puputi nang lubus-lubusan.

Sa galak at tuwa ako ay puspusin;


butong nanghihina'y muling palakasin.
Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin,
lahat kong nagawang masama'y pawiin.

Isang pusong tapat sa aki'y likhain,


bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa'y huwag akong alisin;
iyong banal na Espiritu'y paghariin.

Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas,


ibalik at ako po'y gawin mong tapat.
Kung magkagayon na, aking tuturuang
sa iyo lumapit ang makasalanan.
Ingatan mo ako, Tagapagligtas ko
at aking ihahayag ang pagliligtas mo.
Tulungan mo akong makapagsalita,
at pupurihin ka sa gitna ng madla.

Hindi mo na nais ang mga handog;


di ka nalulugod, sa haing sinunog;
ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat.

Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion;


at ang Jerusalem ay muling ibangon.
At kung magkagayon, ang handog na haing
dala sa dambana, torong susunugin,
malugod na ito'y iyong tatanggapin.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Ama naming makapangyarihan


pakabanalin Mo ang mga abong ito 
sagisag n gaming pagbabalik-loob sa Iyo.
Kaawaan Mo kami at tulungan Mo kaming maging tapat sa Iyo sa
pagtahak sa landas ng pagbabagong loob sa panahon ng
Kuwaresma.
Sapagkat ang kaloob Mo’y maligtas ang lahat
sa pamamagitan ni Hesukristo,
kaisa ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGPAPATULOY NG MISA
Pagkatapos ay tutungo ang namumuno ng pagdiriwang kasama ang mga
nagsisispagdiwang sa loob ng simbahan. Ang lahat ay await ng naangkop na awit
habang sila ay patungo sa kanilang lugar sa loob ng simbahan. Pagdating ng paring
namumuno sa pagdiriwang, dadasalin niya ang Pambungad na Panalangin ng
Misa ay magpapatuloy ang Misa tulad ng karaniwan.

You might also like