Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sanayang Papel sa Pampagkatuto

Pagtuturo at Pagtataya ng Makrong Kasanayang Pangwika

BSED-II Filipino

MAKRONG KASANAYAN – PAKIKINIG

Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng ating kausap.
Ito’y nagtataglay ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita. Ang kanyang balarila at
talasalitaan, kasama ang pagbibigay-kahulugan niya sa mga ito.

KAHULUGAN, KALIKASAN at PROSESO ng PAKIKINIG

1. Ang pakikinig ay isang paraang interaktibo na nangangailangan ng higit sa itinatakdang


lakas at pagsasanay.
2. Paraan ng pagtanggap at pagbuo ng mensahe mula sa pinanggalingang tunog. Ito;y
nakabatay sa kung ano ang nalalaman ng sinuman sa mga sistemang ponolohikal,
gramatikal, leksikal at kultural ng wika.
3. Ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng kausap. Ito’y
kinapapalooban ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita.

KATANGIAN ng PAKIKINIG

1. Natutuklasang makabuluhan ang bawat tunog o salitang naririnig.


2. Puhunan para sa mabilis at mahusay na pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
3. Habang lumalawak ang kaalaman sa sistema ng pakikinig ay lumalawak din ang
kakayahang maunawaan ang diskursong pasalita.
4. Ang kaalamang natatamo sa pakikinig ay magiging krusyal sa kabuuang pag-unawa sa
mensahe ng tagapagsalita at ng tagapakinig.

MGA SALIK na NAKAIIMPLUWENSYA sa PAKIKINIG

1. ORAS/PANAHON – May tinatawag na oras de peligro na malaking hadlang sa


pakikinig. Mula alas dose ng tanghali hanggang mga alas dos ng hapon totoong
nakakaantok lalo na kung busog ang mga tagapakinig sapagkat katatapos lamang
kumain ng tanghalian.
Kapag malamig naman ang panahon o umuulan, mas masarap matulog kaysa making
sa mga lektyur o talakayan sa seminar. Samantala, kapag mainit naman at gutom ang
isang tagapakinig, hindi rin ito mapakali sa upuan kaya’t hindi na ito interesado sa
pakikinggan. Kaya’t kinakailangan ang tagapagsalita ay umisip at gumamit ng mga
istratehiya na makaakit upang mapanatili ang atensyon at konsentrasyon ng kanyang
mga tagapakinig.

2. EDAD – Mainiping makinig ang mga bata ngunit mas mahusay ang kanilang memorya,
kaya mas madali nilang matandaan ang kanilang napakinggan at mabilis nilang nauulit
ang kanilang narinig. Sa kabilang banda, mas matyagang making ang higit na
nakatatanda kaya higit ang kanilang kakayahan sa pag-unawa ng mga mensaheng
pinakikinggan.
3. KASARIAN – Kung kasarian ang pag-uusapan, mas mahaba ang pasensya ng mga
babae sapagkat pinag-uukulan nila ng pansin ang mga detalye ng mga ideya, kaisipan
at mensaheng ibig iparating ng tagapagsalita.
Samantala, ang mga lalaki naman ay madaling mabagot sa pakikinig lalo at paulit-ulit
lamang ang sinasabi ng kanilang pinakikinggan. Mas ibig nila ang mga diretsong
pagpapahayg.

4. TSANEL – Isang uri ng daluyan ng komunikasyon. Sa pamamagitan nito, ang mensahe


mula sa enkowder ay naipadadala sa dekowder.
Ang tsanel ng komunikasyon na nangangailangan ng pagsasalita at pakikinig ay ang
telepono, radio, CD/DVD player, cellphone at telebisyon, ang mga ito ay bunga ng pag-
unlad ng syensya , at teknolohiya.
Samantala, sa kaso ng pakikinig , daanan ng mensahe ang hangin sa mga ordinaryong
usapan, pag-uulat at interbyu.

5. LUGAR/KAPALIGIRAN – Isang lugar na malinis, tahimik, maliwanag at malamig ang


kailangang kapaligiran upang epektibong makapakinig ang isang indibidwal. Malaki ang
nagagawa ng kapaligiran at sitwasyong kinaroroonan ng tagapakinig sa paraan ng
kanyang pakikinig.
6. KULTURA – May sagabal sa pag-unawa ng mga konseptong naririnig kung iba ang
kultura ng nakikinig. Ang mga konseptong maririnig ay mababatay sa sarili niyang
kultura na matutukoy ng kanyang pag-unawa sa narinig.
7. KONSEPTO sa SARILI - Maaaring ang taong may malawak na kaalaman ay
magkaroon ng sagabal sa pakikinig sapagkat mataas ang pananaw sa sarili, at dahil dito
ang ilang marinig ay maaaring hindi paniwalaan o maunawaan dahilan sa taglay na
konsepto sa sarili.

URI ng KRITIKAL na PAKIKINIG

1. DISKRIMINATIBO- Layunin ng kritikal na pakikinig na ito na mataya ang kahulugan ng


mensahe, magbigay-puna sa mga pagkakatulad at pagkakaiba, makakuha ng mga
pagpapahalagang moral at iba pang layuning nangangailangan ng mataas na antas ng
pag-unawa’
2. PAGHUSGA - Pakikinig na may layuning magbigay ng paghatol o sariling reaksiyon
tungkol sa napakinggan na mga pangyayari.
3. MAGPAHALAGA- Pinahahalagahan ang pagiging masining ng napakinggang talumpati,
tula , dulang dramatiko o kaya’y mga musical na pagtatangha

KATANGIAN ng KRITIKAL na PAKIKINIG

1. Humahamon ng malalim na pag-iisip.


2. Nakikilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinion.
3. Nauunawaan ang nakatagong kahilingan at damdamdamin ng nagsasalita
4. Nahuhusgahan ang katumpakan, kabutihan at kasamaan ng mga ideya.
5. Nasusuri ang pagkakalahad ng mga ideyang napakinggan.

Mga PATNUBAY sa PAGLINANG na mga KASANAYAN sa PAKIKINIG ( GAWAING – GURO )


1. Maglaan ng maraming pagkakataon para makapakinig ang mga mag-aaral at magawa
nilang matugunan ang anumang napakinggan.

Narito ang ilang gawaing pangklasrum na maiuugnay sa pagkatuto ng pakikinig:

- Pagbasa nang malakas ( Reading Aloud ) ito ay isa sa pinakamabisang teknik sa


paglinang at pagpapalawak ng talasalitaan
- Magbasa sa klase ng mga aklat na piksyon at di-piksyon – gawin itong isang regular
at kawili-wiling pamamaraan sa pagtuturo ng pakikinig. Pumili ang guro ng mga
literatura / akdang pampanitikan na naangkop sa interes ng mga mag-aaral at may
kaugnayan sa kanilang kasalukuyang istilo at anyo ng pamumuhay.
- Panubaybay na pagbasa, sabayang pagbasa, at sabay na pag-awit at iba pa-
mabisang gamitin ang mga ito dahil nagagawa nitong mapalawak at mapaunlad ang
kasanayan sa pakikinig. Maaaring pasulatin ng buod ng tekstong napakinggan ang
mga- mag-aaral o pasagutin sa mga katanungan tungkol sa napakinggan.
- Magsagawa ng mga larong Pampakinig- ito ang pumupukaw sa interes ng ,mag-
aaral na magbigay atensyon sa panuto ng gawain o mekanismo ng laro.

Isa sa mga gawain ng guro ay ang pagpaplano kung paano niya ibabahagi sa kanyang
mga mag-aaral ang paksang –aralin. Ang mga bagay na dapat isaalang-alang ay kung anong
uri ng mag-aaral ( batay sa antas nilang matuto ) upang matukoy kung anong teknik /
istratehiyang gagamitin ang naaayon sa kanilang kakayahan. Sa pagtuturo ng kasanayan sa
pakikinig, mahalagang matukoy ng guro ang ilang katangian ng pasalitang wika ( spoken
language ), malaki ang magiging impluwensya nito sa pagpoproseso ng pinakikinggang salita at
maaaring maging sagabal ito sa pag-unawa.
Katangian ng Pasalitang Wika

1. PAGKUKUMPOL ( clustering )- Ang tekstong pinakikinggan ay kinukumpol natin sa


maliliit na pangkat ng mga salita. Ang ganitong paraan ng pagpoproseso sa
napakinggang salita ay nakatutulong sa pag-unawa. Sa pagtuturo ng pag-unawa sa
pakikinig mahalagang matulungan natin ang mga mag-aaral sa pagpili ng mga salitang
kukumpulin o pagsasamahin para maging mabilis ang pag-unawa.
2. PAG-UULIT ( redundancy ) – Ang pag-uulit ay nakatutulong sa tagapakinig sa
pagpapakahulugan ng napakinggan dahil maaari itong magbigay ng mahabang panahon
at dagdag impormasyon para sa pag-iisip.
3. PINAIKLING ANYO – Ang pagpapaikli ay maaaring ponolohikal, morpolohikal ( Tayo na
– Tena ) o sintaktik. Maaari itong maging sagabal sa pag-unawa lalo higit sa mga mag-
aaral na nakasanayan ang pormal na anyo ng wika.
4. MGA BARYABOL sa PAGSASALITA – Minsan sa pagsasalita, mapapansin ang
pagiging alangan sa sasabihin, pagbibigay na maling panimula, paghinto at pagwawasto
sa sarili ng nagsasalita. May mga pagkakataon sa ating araw-araw na pagsasalita ng
wika, hindi natin namamalayan na gumagamit tayo ng mga salita o pangungusap na
mali ang balarila.
5. PAGGAMIT NG MGA KOLOKYAL NA SALITA – Ang pormal na anyo ng wika ay
matagal nang naririnig ng mga mag-aaral. Nagkakaroon lamang ng problema kung ang
mga mag-aaral ay nakaririnig ng mga salitang kolokyal, kaya marapat lamang na bigyan
ito ng pagpapakahulugan ng guro upang lubos na maunawaan ang napakinggan.
6. BILIS NG PAGKAKABIGKAS – Ayon kay Richards ( 1983 ), ang bilang at haba ng mga
paghinto ng isang tagapagsalita ay mas mahalaga sa pag-unawa kaysa bilis.
7. DIIN, INDAYOG, AT INTONASYON – Dapat isaisip ng isang tagapakinig na ang diin,
indayog at intonasyon sa pagsasalita ay maaaring magdulot ng suliranin sa
pagpapakahulugan ng isang mensahe. Dapat ding isaalang-alang sa pakikinig ang ilang
nakatagong mensahe o pahiwatig , gaya ng panunuya, panlilibak , panlalait ,
pagkamaaalalahanin, pagmamahal atbp.
8. INTERAKSYON- Ang magaling na tagapakinig ( sa isang usapan ) ay magaling ding
tagatugon, na ibig sabihin ay may palitan ng impormasyon, opinyon hinggil sa isang
paksa.

MGA PATNUBAY / SIMULAIN SA PAGTUTURO NG PAKIKINIG

1. Tiyakin na lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral kanilang gagawin bago ito simulan.
2. Maglaan ng isang konteksto para sa pakikinig. Halimbawa kung anong uri ng teksto,
genre, saan ito naganap ( tagpuan )
3. Maaaring pakinggan nang maraming ulit ang isang input sa pakikinig at kailangann may
tiyak na layunin sa bawat pakikinig na isasagawa. Gawin itong malinaw at di maligoy.
4. Kung ang binasa o binanggit ay narinig sa unang pagkakataon, magbigay ng mga
tuwirang tanong na makatutulong sa pag-unawa sa binasa, Maaaring magtanong
tungkol sa pangunahing impormasyong nakapaloob sa teksto ( sino ang tagapagsalita,
ano ang kanilang pinag-uusapan atbp )
5. Maglaan ng maraming gawain bago makinig at tiyaking makatutulong ang mga ito upang
mapagtagumpayan ng mga mag-aaral ang anumang gawain na ipagagawa sa kanila.
6. Maglaan ng mga katanungan o gawain na angkop sa mga mag-aaral’
7. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na basahin ang mga tanong bago sila
makinig. Magbibigay ito sa kanila ng kadahilanan sa pakikinig at mga hudyat kung ano
ang aalamin sa pakikinig.
8. Maglaan din ng mga gabay na lilinang sa kanilang mapanuring pag-iisip bukod sa mga
karaniwang tanong sa pag-unawa.
9. Bilang guro, tiyakin munang napakinggan mong mabuti bago iparinig sa klase.
Kailangang isagawa ito upang maiwasan ang anumang suliranin bago iparinig.
10. Magbigay ng input at mga gawain na magugustuhan ng buong klase at tiyaking na
matutugunan ito ng mga mag-aaral. Mahalaga ito upang malinang sa kanila ang
positibong saloobin sa pakikinig.

You might also like