Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SDO – SANTA ROSA SOUTH ANNEX

DR. A. OLIVEROS INTEGRATED SCHOOL

Banghay Aralin sa FILIPINO 3


Unang Markahan Modyul 5
Oktubre 12, 2021 (Martes)
1:30-2:30 p.m.
Grade Level Standards:
Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi na ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng
tekstong binasa o napakinngan at nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang mga
kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita at maayos na nakasulat gamit
ang iba’t ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at
karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang
kultura.

MELCs : Nababasa ang mga salitang may tatlong pantig pataas, klaster, salitang iisa ang baybay
ngunit magkaiba ang bigkas at salitang hiram F3AL-If-1.3

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas
2. Nasasabi ang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang
bigkas
3. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ang bigkas

II. Paksang-Aralin
Mga Salitang Iisa ang Baybay Ngunit Magkaiba ang Bigkas at Kahulugan
Sanggunian: Deped Modyul 5 p. 14-21, MELCs: F3AL-If 1.3,
MT-Based Multi-lingual Educ. P.86-89
Kagamitan: Modyul, laptop, projector

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagdarasal
2. Pagbati ng Guro
3. Pagtatala sa lumiban
4. Balik-Aral:
Pagbasa ng mga salitang may kambal katinig o klaster.
plato tsuper grasa
grasa prutas trangkaso
kwintas plasa gripo
bra prito tsinelas
plorera brusko dragon
braso plato prinsesa
B. Paglinang ng Aralin:
Pagbasa sa maikling kwento:

Tulong ng Gobyerno
ni: Merry Jean A. De Asis

Puno ng tao ang plasa kung saan maraming kumuha ng kanilang benepisyo na ibinigay
ng gobyerno. Abala ang lahat maging ang puno ng aming barangay. Dumating na ang mga taga
gobyerno kasama ang kanilang mga tauhan.
SDO – SANTA ROSA SOUTH ANNEX
DR. A. OLIVEROS INTEGRATED SCHOOL

Nariyan na rin ang mga guwardiya dala ang kanilang mga pito, gayundin ang mga tanod
na pito ang miyembro bawat grupo. Nagsimula na ang pamimigay ng ayuda ng gobyerno para
sa mga tao.
Masaya ang lahat matapos matanggap nila ang tulong na ibinigay sa kanila ng gobyerno.
Malaki ang kanilang pasasalamat sapagkat halos lahat ay nawalan ng trabaho. Kaya umuwi ang
lahat ng nakangiti.

A. Sagutin ang mga tanong.


1. Bakit puno ng tao ang plasa?
2. Sino ang mga dumating kasama ang kanilang mga tauhan?
3. Sino ang mga may dalang pito?
4. Ilan ang miyembro ng bawat tanod?
5. Sa inyong palagay, masaya ba ang lahat? Bakit?

C.Pagtatalakay
B. Basahin ang mga pangungusap gayundin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
PANGUNGUSAP KAHULUGAN
1. Puno ng tao ang plasa. Maraming tao
2. Abala ang aming punong barangay lider
3. Ang mga guwardiya ay may dalang pito. Gamit na tumutunog kapag hinihipan
4. Ang mga tanod ay may pitong Bilang 7
miyembro.

Mayroong mga salita na magkakapareho ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at kahulugan.
Halimbawa:

upo upo tasa tasa kapa kapa

tubo tubo puno puno baga baga

baba baba paso paso gabi gabi

pako pako
SDO – SANTA ROSA SOUTH ANNEX
DR. A. OLIVEROS INTEGRATED SCHOOL

D.Paglalapat
Piliin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit na magkapareho ang baybay.
1. Malakas ang pito ng referee.
a. bola b. bilang c. gamit na tumutunog
2. Pito ang miyembro ng kanilang grupo.
a. grupo b. bilang c. miyembro
3. Puno ng mga tao ang plasa dahil sa liga.
a. maraming tao b. masayang tao c. maingay ang tao
4. Si Ginoong Cruz ang puno ng aming barangay.
a. lider b. kasama c. mayamang tao
5. Si Berting ay may nakitang sawa sa loob ng kanilang bahay.
a. bola b. ayaw na c. uri ng ahas

E. Paglalahat
May mga salitang magkapareha ng baybay pero magkaiba ang bigkas at kahulugan.
Makukuha ang kahulugan nito ayon sa paggamit ng salita sa bawat pangungusap

IV. Pagtataya:
Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng kahon.

1. Malayo ang tapon ng bolang inihagis ni Seth.


2. Tumalsik ang tapon ng bote nang buksan niya ito.
3. Ligaw ang laro ng aming koponan dahil wala ang aming coach.
4. Maraming tanim na gabi sa likod bahay nila Aling Rosa.
5. Gabi na ng dumating si tatang sa bahay.

a. Hagis
b. Takip na yari sa cork
c. Hindi maayos
d. Isang uri ng halamang gulay
e. Madilim na
f. ugat

V. Gawaing Bahay:
Piliin ang angkop na salita para mabuo ang pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa iyong papel.
1. Pakilagay mo sa _______________ na nasa mesa iyang hawak mong bagong
_______________ na lapis.
a. Tasa – tulis ng lapis
b. Tasa – bagay na iniinuman

2. Nagyaya si Ate na maligo sa ________________. Pagdating naming bigla na lang


sumigaw si Ate ng _____________ kaya nabasa ang aming damit.
a. Talon – lundag
SDO – SANTA ROSA SOUTH ANNEX
DR. A. OLIVEROS INTEGRATED SCHOOL

b. Talon – isang uri ng anyong- tubig


3. May __________________ na bisita na dumating kanina sa aming bahay nanood sila ng
liga sa barangay. Tumunog ang ________________ na hawak ng referee.
a. Pito – bilang
b. Pito – bagay na tumutunog kapag hinihipan
4. Mahilig si Dan magsuot ng ___________________ pakiramdam niya para siyang isang
tunay na hari. Kina ______________ niya muna ang tela bago niya ito gamitin.
a. Kapa – isang tela na isinusuot sa likod
b. Kapa – dinama o hinawakan ang isang bagay.
5. Si Redlee ay mahilig mag-alaga ng _________________ kahit saan siya pumunta ay
kasama niya ito. Ngunit isang araw, bigla na lang siyang nag __________________ sap
ag-aalaga nito.
a. Sawa- ayaw na
b. Sawa – isang uri ng ahas.

Inihanda ni:

LUZVIMINDA DV. BACANI


Master Teacher II

Binigyang pansin ni:

SUSAN R. DE GUZMAN
Principal III

You might also like